AP REVIEWER Mga Salik na nag pa usbong sa Nasyonalismong Pilipino 1.Suez Canal – Nobyembre 17, 1869, 30 araw na paglalakbay Epekto sa Pilipinas, Asya at sa Kasalukuyan: 1.Noong panahon nang kolonyalismo, ay naging daan ito upang magkaroon ng pagpapalitan ng ideya mula Europa at Pilipinas. Dahil sa Suez Canal, ay nadagdagan ang mga Pilipinong nakag aral sa Espanya at sa iba pang bahagi ng Europa, dahilan upang magising ang mga ito sa tunay na kalagayan ng kanilang mga naiwan sa kolonya. Isa pa sa nagawa nito ay ang pagiging direkta ng pakikipag-ugnayan ng pilipinas sa Espanya. Hindi tulad ng dati na kailangan pang tumawid ng dagat pasipiko (Pacific Ocean) patungo sa mexico upang maipahatid ang kailangan ng espanya. 2.Ganito rin ang naging epekto ng pagbukas ng suez canal sa ibang bahagi ng Asya na mga dating kolonya ng ibang bansa sa Europa. 3.Sa kasalukuyan, ang Suez Canal ay nagiging daan para sa mabilis na pagdadala ng mga kalakal patungo sa Europa at ditto sa pilipinas, at sa iba pang bahagi ng asya. 2. La Ilustracion (Age of Enlightment) – pagpapaunlad ng pamahalaan, infrastructure at mga instution ng lipunan. Hinubog ng La Ilustracion ang Europa sa mga modernong kaisipan sa mga ispekto ng pamahalaan, demokrasya, edukasyon, ekonomiya, sining at panitikan. French Revelution 1789 kalayaan, pagkaka pantay-pantay at kapatiran (liberty,equality at fraternity) The American Revolutionary War 1775-1783 konstitusyonal, popular na soberanya, at batas