Sa ating School Director Mr. Ernanie Carlos, Area Director for Franchise Operation, Mr. Niel Feliciano, Managing Directors Ms. Aleli Corea and Mrs. Laurie Eusebio, SHS Academic Head Mrs. Janice Ritaga, mga butihing guro, (mam, sir), sa ating guest speaker Ptr. Phonny, Mga mahal naming Magulang o kapamilya at kapwa ko graduates, isang magandang hapon po sa ating lahat. Sa araw na ito ay hindi ko maiwasan ang magbalik-tanaw sa unang taon, na sa tuwing matatapos ang klase ay mag-aayaan na tumambay, kumain sa labas, mahabang kwentuhan at palitan ng mga opinion, Hay! mga panahong parang ang lahat nang bagay ay kay gaan lang. Ngunit sa pagsapit ng ikalawang tao, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanatili tayo sa ating kanya-kanyang mga tahanan at sa isang iglap lang ay maraming mga bagay ang tila ba inagaw sa atin ng pagpasok ng pandemya. Marami sa atin ang nawalan, marami ang nabigo, marami ang pagbabago ngunit hindi ito naging hadlang upang tayo ay tumigil at sumuko sa pag-abot ng ating mga pangarap. Pangarap para sa sarili at higit sa lahat pangarap para sa atin ng ating mga mahal sa buhay. Sa oras na ito ay hayaan niyo po akong kayo’y pasalamatan. Ma, salamat sa pagtatiyaga at pagsusumikap para ako’y makapagtapos sa pag-aaral, at sa unang taong naniwala na kaya ko. Salamat sa mga mahihigpit na yakap na nagbibigay sakin ng lakas para ipagpatuloy ang paglaban. Hindi ko lang ito tagumpay, tagumpay din natin ito. Tagumpay na nakamit natin dahil hindi tayo sumuko. Sa loob ng halos tatlong taong pagtitiyaga sa panahong ang pandemya ay laging nagbabadya, tayong lahat ay natutong magtiis at mag-adjust sa maraming bagay. At ngayon, Tayo’y narito tayo --magkakasama, sama-samang tinatawid at inaani ang bunga ng ating pagtitiyaga. Palakpakan natin ang ating mga sarili at ang ating mga mahal sa buhay nagtiwala sa atin. At higit sa lahat Palakpakan din natin ang ating Diyos, na siyang gumabay at nag-ingat sa atin, Sa araw na ito, nagpapasalamat ako sa pagkakataon na magsalita sa harap ninyo bilang kinatawan ng aming henerasyon na handa nang harapin ang mga pagbabagong dulot nitong ating pagtatapos. Sa bawat hakbang ng aming pag-aaral, ay may mga aral na natutunan kami na buong puso kong ibabahagi sa inyo ngayon. Isa sa mga pangunahing aral na aking natutunan ay ang halaga ng pagtiis. Sa bawat pag-aaral ng mga malalim na konsepto, sa bawat pagod na gabi na inilaan para sa mga proyekto, natutunan namin kung paano harapin ang mga pagsubok na may tapang at pasensya. Ang pagtiis ay hindi lamang tungkol sa pagtitiis ng hirap, kundi pati na rin sa pagtitiyaga sa proseso at sa sarili natin. Sa pag-aaral na ito, natutunan natin na ang bawat pagsusumikap ay may kasamang gantimpala. Nakita rin natin ang halaga ng pagsisikap. Sa mundo ng pag-aaral, hindi sapat ang ating mga talento at kakayahan. Kailangan nating isagawa ang mga hakbang na kinakailangan upang makamit ang ating mga pangarap. Hindi tayo pwedeng maging positibo lamang at umasa na lang na magaganap ang mga bagay nang kusa. Ang bawat tagumpay ay bunga ng higit na pagsusumikap at dedikasyon sa ating mga ginagawa. At siyempre, napakahalaga rin ng tiwala sa sarili. Sa mundo kung saan ang mga pag-aalinlangan at takot ay palaging nariyan, mahalaga na maniwala tayo sa ating sariling kakayahan. Ang tiwala sa sarili ang nagbibigay daan upang tayo'y mangarap nang malalim at tuparin ang mga iyon. Ang tiwala sa sarili ay isang sandata na magbibigay sa atin ng kakayahan na humarap sa anumang sitwasyon. Ito'y isang katangiang dapat nating taglayan, isang regalo na natutunan natin mula sa sarili nating karanasan. Kaya naman, bilang mga magsisipagtapos, hinahamon ko kayong patuloy na yakapin ang tiwala sa sarili. Sa mga sandaling ito ng ating pagtatapos, isang daan ng oportunidad at posibilidad ang bumubukas sa ating mga pintuan. Nawa'y dalhin natin ang mga aral ng pagtiis, pagsisikap, at tiwala sa sarili sa bawat hakbang natin patungo sa ating pangarap. Hindi natin alam kung ano pa ang mga pagsubok na ating pagdadaanan, ngunit sa pamamagitan ng ating pagsisikap, pagtitiis at pagtitiwala sa ating sarili, sa mga aral na ating natutunan, tayo'y magiging handa na harapin ang anumang hamon. Sa hapong ito, nais kong bigyan ng isang malaking pagpupugay at pasasalamat ang mga taong nasa likod ng ating tagumpay. Sir Elde Celestra, Sir John Jeremie Jacinto, Sir. Jermaine Giray, Sir. Brian Arche, Mam Ina Lavina Sikat at Mr. Ernanie Brenan Carlos Jr. Maraming salamat po sa pagshare ng inyong knowledge at advice sa amin. Sa mga kaibigan ko na sina Jennifer Alforte, Ferdinand Reyes, Andrei Laserna, Benjie Lester Eubank, at Joshua Lorenzo sa pagpapagaan ng mga schoolworks. Salamat kina Jeff Jasmines, Justin Mendoza, John Marco Fernandez at Aireil Neria sa pagbibigay ng saya this school year. Sa aking bestfriend, Marian Nicole Magboo, na palagi nandiyan para icheer-up at iencourage ako na huwag sumuko. To my family, thank you for always encouraging me and giving me an opportunity na makapag-aral ng kolehiyo. Sa IS42, salamat sa mga memories na nakasama ko kayo, hindi man tayo ganun kaclose sa isa'tisa, i always cherish the memories we have together. To my Alma Mater, salamat sa mga memories, knowledge at opportunities na ibinigay mo sa amin. Sa Panginoong Maykapal, maraming salamat sa blessing na ibinigay mo sa amin ngayon. Congratulations Class of 2023, sa panibagong paglalakbay, ipagpatuloy natin ang ating paglaban. Sulong ACLCian! Mabuhay tayong lahat! Thank you and may God bless us.