Uploaded by RODNEY SEBASTIAN MANOOP RONQUILLO

ide 20.7 prelim reviewer

advertisement
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
Module 1
KAHULUGAN, URI, AT IMPLUWENSYA NG LITERATURA
KAHULUGAN NG LITERATURA
1. katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag,
aestetikong anyo, pandaidigang kaisipan at kawalang-maliw (Webster).
2. lakas na nagpapakilos sa anumang uri ng lipunan (Salazar,1995).
3. talaan ng buhay ang literatura sapagkat naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng
kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at
pinapangarap (Arrogante,1993).
*Ang Literatura ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na
nasusulat sa masining at malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang aestetikong anyo at kinapalooban
ng pandaigdigang kaisipan, at dahil nasusulat ang literatura - natitiyak ang kawalang-maliw nito.
MGA URI NG LITERATURA (batay sa paraan ng pagsasalin)
1. Pasalindila (Oral tradition) - ang paraan ng pagpapahayag ay sa pamamagitan lamang ng
pagbigkas o pagsaulo nito. Sapagkat hindi naisusulat, may pagkakataon na napapalitan ang salita,
nababawasan/nadadagdagan ang detalye, o di kaya'y tuluyang nakakalimutan sa paglipas ng
panahon. Karamihan sa mga sinaunang tula, at alamat ay napabilang sa ganitong paraan ng
pagpapahayag dahil sa kawalan ng sistema ng pagsulat noong panahon.
2. Pasalinsulat (written tradition) - ang paraan ng pagpapahayag ng literatura ay sa pamamagitan
ng pagsulat kung kaya mas napapanatili ang mga nilalaman nito. ang salitang Literatura ay hango
mismo sa salitang letra, gayundin ang salitang tagalog nito na Panitikan ay hango sa salitang titik.
Samakatuwid, ang mga pahayag na naisatitik sa masining na paraan ay literatura/panitikan.
3. Pasalintroniko - ito ay paraan ng pagpapahayag gamit ang anumang elektronikong kagamitan.
Katulad ng iba pang paraan, maaaring may limitasyon din ang pagpapahayag ng anumang
literatura sa pamamagitan ng elektronikong paraan dahil may limitasyon din ang mga kagamitang
elektroniko.
MGA URI NG LITERATURA (batay sa anyo)
1. Tuluyan (prosa) - mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at talata.
a. Alamat - mga salaysay na hubad sa katotohanan na nauukol sa pinagmulan ng mga bagay,
lugar at iba pang nakikita sa paligid.
b. Anekdota - maikling kuwento na likhang-isip lamang at ang layunin ay makapag-iwan ng
aral sa mambabasa.
c. Balita - paglalahad ng mga araw-araw na maktotohanang pangyayari sa lipunan
d. Dula - isang malikhaing panggaggaya ng mga tauhan sa mga karanasan ng tao at
itinatanghal sa isang tanghalan na maaaring mapanood o di kaya'y marinig ng mga tao.
e. Maikling Kuwento - salaysay na tampok ang isa o iilang tauhan lamang at nag-iiwan sa
mambabasa ng iisang kakintalan o impresyon.
f. Nobela - mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata at tampok ang maraming
tauhan na sumasaklaw sa mahabang panahon .
g. Pabula - mga kuwentong hubad sa katotohanan na naglalayong gisingin ang isipan ng mga
bata tungkol sa mabuting asal, likas na kawili-wili ang kuwento sapagkat ang mga tauhan
nito ay mga hayop na nagsasalita't kumikilos na parang mga tao.
h. Parabula - kuwentong hango sa Bibliya na katulad ng anekdota ay naglalayon na
magbigay-diin sa aral na mapupulot sa kuwento.
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
i.
Module 1
Sanaysay - nagmula ang salitang ito sa mga katagang "sanay sa pagsasalaysay" kaya't
inaasahan na ang isang sanaysay ay isinulat ng manunulat na may malawak na kaalaman
tungkol sa paksang kanyang isinalaysay upang mabigyan ng paliwanag ang mga
mambabasa. Ang panitikan na ito ay naglalayong masusing maglahad ng isang katotohanan
sa isang obhektibong pananaw.
j. Talambuhay - paglalahad ng "tala ng buhay" ng isang tao. Ang mga naitalang pangyayari ay
nagsasalaysay sa mga mga mahahalagang kaganapan sa buhay ng isang tao katulad ng
kanyang kapanganakan, mga nakamit na tagumpay at kabiguan at iba pang pangyayari.
Maaari itong isulat ng mismong tao (autobiography) o di kaya'y ng ibang tao.
k. Talumpati - isang pagpapahayag sa anyong pasalita sa harap ng tagapakinig. Maaari itong
binabasa o dili kaya'y isinasaulo. Tampok sa pahayag na ito ang pagpaliwanag at
pagtanggol ng isang panig tungkol sa isang usapin o di kaya'y simpleng pagsalubong,
pagbibigay-sigla, pagbibigay-pugay o pagpaparangal sa isang tao.
2. Tula - mga literatura na nasusulat sa mga taludtod at saknong. Ang mga makalumang tula ay may
tiyak na sukat at tugmaan.
a. Mga Tulang Pasalaysay - mga tula na nagpapahayag ng kuwento/salaysay dahil taglay nito
ang mga elementong tauhan, tagpuan, tunggalian, klaymaks at solusyon.
i.
Epiko - mga tulang nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng
bidang tauhan na nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan. Ang nasabing
salaysay ay nagtataglay ng mga sumusunod na elemento: tauhan na may taglay na
di-pangkaraniwang lakas/kapangyarihan, paglalakbay ng bida, pag-ibig, pagkamatay
at muling pagkabuhay. Maaari itong ipahayag nang cantada (inaawit) o hablada
(binigkas).
ii.
Awit - tulang nagtataglay ng labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod at
nagsasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga tauhang napabilang sa mga
dugong bughaw (hari at reyna, atbp). Inaawit ito sa mabagal na saliw ng gitara o
bandurya.
iii.
Kurido - tulang may 8 pantig sa bawat taludtod at nagsasalaysay ng mga
pakikipagsapalaran ng mga tauhang may dugong bughaw kung saan ipinahihiwatig
ang pagiging marangal at pagkamaginoo ng bidang tauhan. Binibigkas ang kurido sa
kumpas ng martsa.
iv.
Balada - tulang pasalaysay na inaawit habang may nagsasayaw. Binubuo ito ng 6-8
pantig sa bawat taludtod
b. Tulang Liriko - tulang nagpapahayag ng damdamin batay sa isang karanasan. Karaniwang
maikli at madaling maunawaan.
i.
Awiting Bayan - mga tula na nilapatan ng tunog o melodiya at sumasalamin sa
pangyayari sa buhay ng tao
ii.
Soneto
iii.
Elehiya
iv.
Dalit
v.
Pastoral
vi.
Oda
c. Tulang Dula - dula na patula ang mga binibigkas na diyalogo ng mga tauhan
i.
Komedya
ii.
Melodrama
iii.
Trahedya
iv.
Parsa
v.
Saynete
d. Tulang Patnigan - pakikipagtalo o pakikipagdebate nang patula
i.
Karagatan
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
ii.
iii.
Module 1
Duplo
balagtasan
IMPLUWENSYA NG LITERATURA SA SANGKATAUHAN
1. Nagpapaliwanag ang panitikan tungkol sa kahulugan ng kalinangan (culture) at kabihasnan
(civilization) ng tao.
2. Bagamat magkahiwalay ay nagkakalapit ang mga isip at damdamin ng mga tao sa buong mundo
dahil naglalaman ito ng mga pandaigdigang kaisipan.
Ang mga impluwensyang nabanggit ay napatutunayan ng mga sumusunod na kilalang akda mula sa iba't
ibang lahi at bansa:
1.
2.
3.
4.
5.
Bibliya -batayan ng Kakristyanuhan; mula sa Palestino at Gresya
Koran - banal na aklat ng mga Muslim; mula sa Arabia
Iliad at Odyssey - mitolohiya at paalamatan ng Gresya; sinulat ni Homer.
Mahabharata - kasaysayan ng pananamplataya ng India; pinakamahabang epiko sa buong daigdig
Canterbury Tales - naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles; sinulat ni
Chaucer
6. Uncle Tom's Cabin - naglalaman ng mga karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging
batayan ng demokrasya; sinulat ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos
7. Divine Comedy - nagpapahayag ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano; akda ito ni
Dante
8. El Cid Compeador - nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at kasaysayang
pambansa
9. Awit ni Rolando - nagsasalaysay ng Gintong kapanahunan ng Kristiyanismo sa Pransya
10. Aklat ng mga Patay - naglalaman ng mga kulto ni Osiris, mitolohiya at kulto ng Ehipto
11. Aklat ng mga Araw - batayan ng pananampalataya ng mga Intsik; akda ito ni Confucius
12. Isang Libo't Isang Gabi - nagsasaad ng ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan at panlipunan
ng mga Arabo at Persyano.
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
Module 1
MGA PANANAW AT TEORYANG LITERARI
Ang salitang PANANAW ay tumutukoy sa persepsyon ng isang indibidwal o isang pangkat; samantala ang
salitang TEORYA ay tumutukoy sa simulain ng mga tiyak na kaisipang kailangan sa paglikha ng malinaw at
sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ng isang bagay.
Mahalaga ang paggamit ng pananaw at teorya sapagkat nagkakaroon ng batayan/basehan at direksyon
ang pagtalakay at pagsusuri ng isang akda. Nalilimitahan din nito ang saklaw ng talakayan kung kaya't
lalong napalalalim ang pagtalakay dahil tutok lamang sa partikular na teorya o pananaw.
Napakarami ng mga nagsisulputang teorya sa larangan ng panitikan at ilan sa mga palasak na gamitin ng
manunulat at manunuri ay ang mga ss:
1. Humanismo = man can think and do good/bad
Batay sa teoryang ito, ang tao ay rasyunal na nilalang na may kakayahang maging makatotohanan
at mabuti. Nagpapakita ito ng pag-uugaling nagbibigay-diin sa dignidad at halaga ng tao. Sa
pananaw na ito tinitingnan ang: katangian ng pagkatao, ang pagpapahalagang pantao, moral o
etikal ba, mga bagay na nakaimpluwensya sa pagkatao ng tauhan, at ang pamamaraan ng
pagbibigay-solusyon sa problema.
2. Imahismo = salita at simbolo
name can be symbols
Binibigyang-diin ng imahismo ang pagpili ng tiyak na salita at ang simbolismo, ganoon din ang
kalayaan sa pagpili ng paksa at anyo ,at ang paggamit ng salitang karaniwang ginagamit sa
araw-araw.
3. Romantisismo = indibiduwal
Ibinabandila ng romantisismo ang indibiduwalismo kaysa kolektibismo, rebolusyon kaysa
konserbatismo, inobasyon kaysa tradisyon, imahinasyon kaysa katuwiran, at likas (natural) kaysa
pagpigil (controlled). Samakatuwid, ang mga tauhan sa mga kuwentong nabuo batay sa teoryang
romantisismo ay:
a. nagpapahalaga sa sarili,
b. sa natural na kagandahan (may kagandahan sa likod ng kapangitan; may perpeksyon sa
kabila ng mga imperpeksyon),
c. sa pagpapalutang/ pagpapairal ng damdamin emotion
d. pagbibigay-pansin sa mga kabayanihan, henyo, kababalaghan, at iba pang pambihirang
katauhan, at
e. pagpapahalaga sa internal na tunggalian (tao laban sa kanyang sarili).
Ang tradisyunal na romantisismo ay nakapokus sa makasaysayan at pagpapanatili o pagbabalik sa
mga katutubo o tradisyonal napagpapahalaga tulad ng nasyonalismo, at pagkamarangal at
maginoo. Samantalang ang rebolusyonaryong romantisismo ay nakapokus sa pagtatag ng bagong
kultura na may pagpupumiglas, kapusukan at pagkamakasarili.
4. Eksistensyalismo = right and ability to choose for self
Pinahahayag ng teoryang eksistensyalismo ang konkretong buhay at pakikihamok, gayundin, ang
usapin tungkol sa indibiduwal na kalayaan at pagpili.
Pinakaprominenteng tema ng eksistensyalismo ang PAGPILI dahil ang bawat tao ay may
kalayaang pumili na mamuhay ayon sa kanyang kagustuhan at kailangan na tanggapin ng tao ang
panganib at responsibilidad na bunga ng kanyang pagpili. Wika nga "ang buhay ay naayon sa kung
ano ang iyong pinili". Sa ganitong teorya, ang buhay ng tauhan ay laging nahaharap sa pagpili,
the little prince
indang berta
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
Module 1
existence = kakayahan at karapatang pumili
maging ang hindi niya pagpili (refusal to choose; refusal to make a stand) ay isa na ring uri ng
pagpili. Sa kabuuan, pinagsisigawan ng teoryang ito na ang buhay ng tao ay itinakda ng kanyang
desisyon sa buhay. At ang desisyon na yaon ay nakaaapekto sa relasyon niya sa kanyang kapwa.
5. Dekonstruksyon = pagbabago (invertion of meaning)
Inihahain ang marami at samutsaring kahulugan ng akda kung pananaw na dekonstruksyon ang
pagbabatayan ng pagsusuri sapagkat ang kahulugan ng salita ay nagbabago batay sa pananaw ng
mga mambabasa. Maaring idekonstruk ng mambabasa ang katauhan ni Maria Clara (mula sa
pagiging mahinhin na dalaga at masunurin na anak tungo sa pagiging pakawala at aritrubidang
anak), o di kaya'y pagpalitin ang katauhan ng dalawang anak sa parabulang "The Prodigal Son",
katauhan ng amo at ng katulong; ng mayaman at ng mahirap, ng propesor at estudyante, atbp.
Layunin ng pananaw na ito na itanim sa isipan ng mambabasa na walang permanente sa buhay.
Lahat ay maaaring magbago (Ang dating "ilaw ng tahanan" ay nagiging "haligi ng tahanan"...at ang
dating "pinagbabawal" ngayon ay "pinahihintulutan").
6. Feminismo = female!
Ayon sa teoryang ito, ang literatura ay produkto ng panlipunang (pangkultura) kalagayan na
nakaapekto sa katauhan ng kababaihan. Kung saan may ina, asawa, anak na babae, dalaga,
estudyanteng babae, sundalong babae, maestra, manggagawang babae, amo na babae, politikong
babae, atbp., ay naroon ang mga pananaw na ikinakabit sa kanilang katauhan. Nakikita sa
literaturang ito ang personalidad o papel ng babae sa lipunan na matagal na pinaghaharian ng
kalalakihan. Mababanggit dito ang mga opresyon at limitasyon na nararanasan ng mga babae at
kung paano nila pinanatili o di kaya'y sinisira ang mga opresyon/limitasyon na ito.
7. Naturalismo = natural and objective
Ito ang teoryang nag-uugnay ng siyentipikong pamamaraan sa pilosopiya sa pamamagitan ng
paniniwala na lahat ng nilalang at pangyayari sa sangkalawakan ay natural at ang lahat ng
karunungan ay dumadaan sa masusing pagsusuri. Hindi nito pinaniniwalaan ang anumang
supernatural. Nakikita ang pananaw na ito sa walang katapusan na paghahanap ng tao ng mga
kongkretong katibayan at batayan para sa kanyang mga paniniwala at karanasan.
Layunin ng literaturang isinulat batay sa teoryang naturalismo na ipakita nang walang paghuhusga
ang isang bahagi ng buhay (objective description of life). Ito ay may pagkakatulad sa realismo
sapagkat "kung ano ang natural, yun ang realidad".
8. Realismo = realistic
Layuni ng teoryang realismo na ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang
pamamaraan. Itinatakwil nito ang pagiging artipisyal ng romantisismo kaya sa pananaw ng
realismong panunuri "ang pangit ay pangit". Walang iniintindi na kapinuhan (refinement) sa
pananalita at kilos sapagkat ipinakikita nito ang natural at makatotohanan. no refinement
May limang uri ng realismo:
a. Pinong realismo - tampok dito ang dalisay (pure) na katangian ng mga bagay-bagay, at ng
pagmamalabis (absence of exaggeration).
b. Sentimental na realismo - gumagamit ng makatotohanang damdamin sa paglutas ng
suliranin
c. Sikolohikal na realismo - inilalarawan dito ang internal na motibo/layunin ng tao sa
pagkilos
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
Module 1
d. Kritikal na realismo - isinisiwalat sa uri na ito ang lipunang burgis (bourgeoisie) upang
maipamalas ang mga panlulupig ng mga makapangyarihan sa mga uring mababa
(proletariat).
e. Sosyalistang realismo - ginagabayan ang teorayng ito ng teoryang Marxismo dahil
inilalarawan dito ang kalagayan ng lipunan na maaaring magbago tungo sa pagtatayo ng
lipunang pinamumunuan ng mga uring anak-pawis/mahihirap.
9. Marxismo
Ginagamit dito ang pananaw ni Karl Marx na paraan ng pang-ekonomikong pagbabago sa buhay ng
mga mahihirap sa pamamagitan ng tahasang pakikipagtunggali. Pinakikita nito ang
pagsasamantala ng mga kapitalista sa mga uring manggagawa at ang mga paraan na ginagawa ng
mga uring manggagawa upang labanan ang mga pagsasamantala.
Batay sa Marxismong pananaw, ang mga ss. ay mga batayang sanhi ng pagsasamantala:
a. kapangyarihan - kakayayahan ng tao na magsagawa ng mga gawaing ikalulugmok ng iba
b. pag-uuri-uri - klasipikasyon batay sa kasarian, edad, istatus ng kabuhayan, lahi, IQ, atbp
c. maling paniniwala/pagtingin ng kultura - kalabisan na pagpapahalaga sa mga
di-nakasulat na batas,at tradisyon na sinusunod
10. Pananaw sosyolohikal = interaction of humans w/ society
Binubusisi ng pananaw na ito ang bahagi ng lipunan at ang kasaysayang pinagluwalan nito.
Pinagtibay nito ang pahayag na "ang anumang akda ay bahagi ng lipunan", sapagkat ang may-akda
ay kabilang ng lipunan. Ang isang literatura ay produkto ng malikahing pag-iisip ng manunulat.
Tinitingnan dito ang kalagayan ng mga institusyon sa lipunan tulad ng simbahan, pamahalaan,
pamilya, paaralan, atbp mga nakaapekto sa pamumuhay ng tao sa loob ng lipunan niya.
11. Klasismo = controlled, opposite of romanticism
Karaniwang matipid sa pananalita, pigil sa emosyon o pagpapahayag ng damdamin ang mga
akdang batay sa teoryang Klasismo. Pormal ang pananalita, marangal, simple, obhektibo,
pigil/matimpi ang mga tauhan, organisado at may tiyak na pagkakasunod-sunod ang mga
pangyayari sa mga kuwento.
12. Pormalismo = look at the elements
Ito ang pananaw na nakasentro sa pagkilatis sa mga elemento na bumubuo sa isang akda: tauhan,
tagpuan, tunggalian, sukat, tugma, tayutay, anggulo atpb. Ipinakikita sa pananaw na ito kung paano
naging masining ang isang akda at kung paano nagtagumpay o nabigo ang may-akda ng literatura
na ipakita ang kanyang pagkamalikhain at kasiningan sa pagsisiwalat ng mga pangyayari sa buhay
ng tao.
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
Module 1
KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG PANITIKAN SA PILIPINAS
Nahahati sa sampung (10) yugto/panahon ang kasaysayan ng panitikan ng mga Pilipino. Sa mga nasabing
yugto masisilayan ang iba't ibang uri ng panitikan na umiral. Makikita rin sa mga nasabing yugto ang mga
salik na naging dahilan ng pag-iral at pag-unlad ng mga uri ng panitikan. Kapansin-pansin na ang mga
naging karanasan ng mga Pilipino sa larangan ng lipunan at pulitika, pananampalataya at edukasyon, pook
na kanilang tinitirahan, ang kanilang hanapbuhay, gayundin ang klima ay mga salik na labis na
nakakaimpluwensya sa pagkabuo ng uri at paksa ng panitikan.
Narito ang balangkas ng bawat yugto ng Panitikan ng Pilipinas ayon sa pagkakasunod-sunod:
I.
Sinaunang panahon (mula sa Panahon ng katutubo - 1565)
II.
Panahon ng Kastila (1565- 1872)
III.
Panahon ng Pagbabagong-Isip (1872-1898)
IV.
Panahon ng Amerikano (1900-1941)
V.
Panahon ng Hapon (1941- 1945)
VI.
Panahon ng Isinauling Kalayaan (Ikalawang Republika ng Pilipinas 1946- 1970)
VII.
Panahon ng Aktibismo (1970-1972)
VIII.
Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1981)
IX.
Panahon ng Ikatlong Republika ( 1981-1986)
X.
Kasalukuyang Panahon (1986 - kasalukuyan)
PAHAPYAW NA PAGTALAKAY SA BAWAT YUGTO:
I.
Panitikan sa Sinaunang Panahon
Ang panitikan ay sumasalamin sa pamumuhay ng mga tao. Ang mga nahukay ng mga arkeyologo na mga
reliko at labi ay nagpapatunay na may sinaunang tao sa Pilipinas ilang daan taon na ang nakalipas. Ang
pagkatuklas ng mga labi ng tao (Tabon man) sa kuweba ng Tabon sa Palawan noong 1962, gayundin ang
mga sinaunang banga na panlibing sa kuweba ng Manunggul ay ilan lamang sa mga patunay na
nagkaroon na ng sinaunang pamayanan ng mga tao sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila.
Sa pag-aaral ng mga historyador, may sariling sistema ng pamahalaan ang mga katutubo, ito ay ang
tinatawag nilang Balangay na hango sa napakalaking bangka na sinakyan ng mga sinaunang taong
naglakbay sa kapuluan ng Pilipinas.
Kapansin-pansin din ang pagkaroon ng iba't ibang antas ng lipunan (social stratifications): maharlika,
timawa, aliping namamahay at aliping saguiguilid. Maunlad din ang sinaunang agrikultura, patunay rito ay
ang hagdan-hagdang palayan ng Ifugao na tinawag na Pay-yo. Nabanggit ang pay-yo sa epikong Hudhud
kung saang naglaban ang mga bayaning sina Aliguyon at Pumbakhayon. Maunlad din ang mga katutubo
sa larangan ng pangingisda at pagmimina at nakikipagkalakalan din sila sa Tsina, Hapon at iba pang lugar
sa Timog-Silangang Asya. Mababasa rin sa mga sinaunang panitikan ang kanilang pananampalataya sa
kanilang Bathala, Kabunian, Laon at sa kanilang mga anito.
Ang pagkakaroon ng tagapamagitan sa tao at sa kaniyang Maykapal ay masasalamin din sa pagkakaroon
nila ng mga babaylan at catalonan. Naging bahagi rin ng kanilang pagsamba at iba pang seremonya ang
mga instrumentong pangmusika tulad ng kudyapi, gangsa, diwas, bantula, kubling at abafii. Ang sining ng
paghahabi ng tela ay kapansin-pansin din sa kanilang mga sinaunag kasuotan, gayundin, mapapansin ang
kanilang sining sa paggawa ng mga mga alahas. Naging maunlad din sila sa paglikha ng mga palayok,
bayong at iba pang mga sinaunang gamit. Bukod sa musika ay makikita rin ang kanilang sining sa
pagpipinta sa katawan o pagta-tattoo. May kaalaman din sila sa tinatawag na mamipikasyon
(mummification) ng kanilang mga bangkay.
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
Module 1
Ang lahat ng nabanggit ay magpapatunay sa pagkakaroon ng kabihasnan o kalinangan ng mga sinaunang
tao dito sa Pilipinas. Taglay nila ang talino at kasiningan na labis na masasalamin sa kanilang mga
panitikan. Ipinapalagay na ang mga katutubo ay mayaman sa mga alamat, kuwentong bayan, awiting
bayan, at mga karunungang bayan tulad ng bugtong, sawikain, salawikain, palaisipan (puzzle) at bulong
(incantations). Mayroon din silang payak na dula na madalas ay tampok sa kanilang mga ritwal at sayaw.
Maraming manunulat ang nagsasabi na ang Sinaunang Panahon ng Panitikan ay gintong panahon ng
alamat at epiko. Bagamat kapos sa kaalamang pang-agham, sa mga alamat diumano nabigyan ng
paliwanag ang mga katanungan ng mga sinaunang tao tungkol sa kung paano nabuo at nalikha ang mga
bagay-bagay sa kanilang paligid, kasama na ang mga pangyayari na gawa ng kalikasan. Sa mga epiko
naman nila naipahiwatig ang kanilang pananampalataya (faith and beliefs), mga pagpapahalaga (values),
mga karanasan at mga pangarap gayundin ang kanilang mga kaisipan o pananaw na naging gabay nila sa
pamumuhay (pilosopiya).
Maituturing naman na sinaunang anyo ng libangan ang mga bugtong at palaisipan. Sa mga nasabing uri ng
panitikan masisilip ang kanilang kakayahan sa pagmamasid, lohikal na pangangatuwiran (logical
reasoning) at matematika.
Halimbawa ng bugtong:
Dalawang batong itim, malayo ang nararating. = mata
Halimbawa ng palaisipan:
1. May isang prinsesang sa tore nakatira, balita sa kaharian pambihirang ganda. Bawal
tumingala upang siya'y makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?
2. Paano ilalagay at panatilihin ang bata sa apat na duyan?
Mapapansin naman ang didaktisismo (didactic) sa mga sawikain at salawikain.
Halimbawa ng salawikain: = patalinhagang pahayag/proverb
Kahoy na babad sa tubig, sa apoy huwag ilapit, pag nadarang sa init, sapilitang magdirikit.
Halimbawa ng sawikain: = idiom
Ang taong matiisin, nakakamit ang mithiin.
Sa kabilang dako naman, ang mga bulong ay nagpapahiwatig ng pagkapit ng mga sinaunang tao sa
kapangyarihang supernatural. Ginagamit ang mga bulong sa pagkulam o pang-enkanto.
Halimbawa ng bulong:
1. Ikaw ang nagnakaw ng bigas ko, lumuwa sana ang mga mata mo, mamaga sana ang
katawan mo, patayin ka ng anito.
2. Huwag magagalit kaibigan, aming pinuputol lamang, ang sa ami'y napag-utusan.
Sa kasalukuyan ang nababasa natin na mga sinaunang panitikan ay nakuha mula sa nakasulat sa mga
malalaking bato, mga dingding ng mga kuweba, malalapad na dahon at mga katawan ng kahoy subalit
karamihan sa mga ito ay nasira sa paglipas ng panahon. Mas marami rin sa mga ito ay nalikom ng mga
mananaliksik sa pamamagitan ng pasalindilang tradisyon.
II.
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Ang pananatili ni Miguel Lopez de Legazpi ay naghudyat ng pagbabago sa panitikan ng Pilipinas at umabot
ito hanggang sa pagkakaroon ng digmaan sa Cavite noong 1872. Sa mga panahong nabanggit ay
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
Module 1
nagbago ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino: tinangkilik nila ang Katolisismo, nagbago ang anyo
ng kanilang mga tirahan, mga kagamitan at nagkaroon ng transportasyon. Kasabay nito ay nagbago rin
ang mga paksa ng panitikan at nadagdagan rin ang mga uri nito.
Mga Impluwensya ng Kastila sa panitikang Filipino:
1. Ang baybayin na kauna-unahang sistema ng pagsulat ay napalitan ng alpabetong Romano.
2. Ang wikang Kastila ang naging wika ng panitikan.
3. Ang pagkadagdag ng mga alamat at tradisyon ng Europa sa panitikan tulad ng awit, kurido,
moro-moro atbp. at pag-iral ng diwang romantisismo sa mga akda
4. Ang pagsalin ng mga sinaunang panitikan sa wikang Tagalog at iba pang wikain.
5. Ang pagkalathala ng aklat panggramatika (grammar books) at diksyunaryo.
6. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng gawaing panrelihiyon.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig sa panitikan.
III.
Panitikan sa Panahon ng Pagbabagong-isip Unang Republika (Emilio Aguinaldo)
Pagbabagong-isip ang panahon na ito sapagkat madarama sa panitikan ang unti-unting pagbabago mula
sa makarelihiyong himig tungo sa maalab na panunuligsa sa mga anomalya na napapansin sa pamahalaan
at simbahan. Naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng simbahan at
pamahalaan ang nilalaman ng mga panitikan. Palasak ang mga panulat ng mga tinaguriang mga
propagandista na madalas ay nagtatago sa mga sagisag - panulat (pen names) upang makaiwas sa
panggigipit ng simbahan at pamahalaan.
Narito ang mga taluktok ng kilusang Propaganda na naging mga manunulat at ilan sa kanilang naisulat :
A. Dr. Jose P. Rizal (sagisag-panulat na Laong Laan at Dimasalang)- isinilang sa Laguna noong
Hunyo 19, 1861 at namatay noong Disyembre 30, 1896 sa pamamagitan ng parusang kamatayan o
pagpapabaril dahil sa salang sedisyon at paghihimagsik laban sa pamahalaang Kastila.
Ang kanyang mga akda:
1. Noli Me Tangere - nobela na tumatalakay sa mga" sakit" ng lipunan; nobelang panlipunan
2. El Filibusterismo - nobela na karugtong ng "Noli" at tumatalakay sa mga kabulukan ng
pamahalaan at simbahan; nobelang pampultika
3. Mi Ultimo Adios- tula na isinulat nang si Rizal ay nakulong sa Fort Santiago.
4. Sobre La Indolencia de los Filipinos - isang sanaysay na sumusuri ng mga dahilan ng
katamaran ng mga Pilipino
5. Filipinas Dentro de Cien Años - sanaysay na nagpapahiwatig ng pananakop ng Amerika
sa Pilipinas
6. A La Juventud Filipino - tula na inihandog niya sa mga kabataang Pilipino na nag-aaral sa
Pamantasan ng Sto. Tomas
7. Sa Mga kababayang Dalaga sa Malolos - isang sanaysay na inialay niya sa mga
kababaihan ng Malolos, Bulacan. Sa sanaysay na ito inilahad ni Rizal ang tungkulin ng mga
babae sa lipunan.
B. Marcelo H. del Pilar (sagisag-panulat ay Plaridel, Pupdoh,Piping Dilat, at Dolores Manapat) isinilang sa Bulacan noong Agosto 30, 1850.
Ang kanyang mga akda:
1. Kaiigat Kayo - naglalaman ito ng patuligsang tugon sa akda ni P. Jose Rodriguez tungkol sa
"Noli" ni Rizal
2. Dasalan at Tocsohan - hawig sa ketesismo ngunit isang pagtuya sa mga prayle
a. Halimbawa ng isang bahagi ng Dasalan at Tocsohan:
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
i.
Module 1
Amain Namin
Amain namin sumakumbento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin
ang kasakiman mo, kitlin ang leeg mo dito sa lupa para nang sa langit.
Saulan mo kami ng aming kanin na iyong inaraw-araw at patawarin mo kami
sa iyong pag-ungal para nang tawa mo kung kami'y nakukwartahan at huwag
mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama
mong dila. Amen.
C. Graciano Lopez Jaena - isinilang sa Iloilo noong Disyembre 18, 1856 at namatay noong Enero 20,
1896. Higit siyang kilala bilang mananalumpati.
Ang kanyang mga akda:
1. Ang Fray Botod - kuwentong tumutuligsa sa kasamaang laganap sa simbahan
2. La Hija del Prayle -ipinaliwanag niya dito ang kapahamakan kapag nakasal sa isang Kastila
3. Sa Mga Pilipino - talumpati na naglalayon na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino
4. El Bandolerismo En Pilipinas - talumpating nauukol sa nakawan na nangyayari sa
Pilipinas
5. Mga Kahirapan ng Pilipinas - tumutukoy ito sa maling pamamalakad at maling edukasyon
sa Pilipinas
Mababakas sa mga panitikan sa panahong ito ang maalab na paghingi ng pagbabago dulot ng mga
katiwalian sa pamamalakad ng pamahalaan at simbahan na higit na napansin ng mga manunulat.Bukod sa
mga taluktok ng Kilusang Propaganda ay aktobo rin sa pagsulat sina Antonio Luna, Mariano Ponce, Pedro
Paterno. Karamihan sa mga manunulat na ito ay nakapag-aral sa ibang bansa at doon ay
naimpluwensyahan sila sa mga liberal na pag-iisip ng mga dayuhan.
Ang mga mapanuligsang akda ay pumukaw sa makabayang damdamin ng ilang mga Pilipino kung kaya't
natuto silang maghimagsik sa pamamagitan ng panulat at ng marahas na rebolusyon. Nangunguna na rito
sina Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, at Jose Palma y Velasquez.
IV.
Paniitikan sa Panahon ng Amerikano
Pinasok ng mga Pilipino ang lahat ng larangan ng panitikan. Maliwanag ang paksa tungkol sa pag-ibig sa
bayan at pag-asam ng kalayaan.
Tatlong pangkat ng manunulat ang nabuo sa panahon ng Amerikano:
1. Manunulat na gamit ang wikang Kastila - inspirasyon ng mga manunulat na ito ay si Rizal kung
kayat ang mga paksa nila ay papuri sa kadakilaan ni Rizal at ng ipinaglalaban nitong kalayaan para
sa bansa.
2. Manunulat sa wikang Tagalog at iba pang wikang Pilipino - inspirasyon ng mga manunulat na
ito si Francisco Baltazar at ang awit nitong "Florante at Laura"
3. Manunulat sa wikang Ingles - palasak ang mga maiikling kuwento ng pag-ibig, mga sanaysay na
patungkol sa edukasyon , kasaysayan, pulitika at mga suliraning panlipunan.
Maraming dula ang naisulat sa panahong ito at madalas ay may diwang makabayan, kung kaya't may
mga dula na na pinatitigil ng sensura at mga manunulat na pinadakip ng pamahalaang Amerikano.
Ayon sa mga mananaliksik, ang mga manunulat sa panahon ng Amerikano ay sumunod sa romantisismo
ng Europa. Palasak ang pagpapahayag ng damdamin hinggil sa pag-ibig ( sa kapwa, sa bayan at sa
Maykapal).
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
Module 1
V.
Paniitkan sa Panahong ng Hapones
Pinatigil ng pamahalaang Hapon ang anumang panitikan na may kinalaman sa Amerikano. Bunga nito, ang
mga manunulat sa wikang Ingles ay bumaling sa pagsulat sa Tagalog at sa iba pang wikain. Nagtayo ang
mga Hapon ng mahigpit na sensura sa larangan ng panitikan at higit na isinulong ang pagsulat ng mga
paksa na may kinalaman sa pagmamahal sa bayan, kalikasan, buhay lalawigan, pananampalataya at
sining. Naging gintong panahon ito ng Panitikang Tagalog dahil napakarami ang mga naisulat sa wikang
ito. Higit na sumikat ang maikling kuwento sa panahon ng Hapones dahil na rin sa mga gantimpala na
makukuha mula sa mga Gawad-Parangal na inilunsad. Marami din ang nagsisulat ng mga tula na tanaga at
haiku. Nagkaroon din ng puwang ang mga dula kung kaya't ang mga sinehan na itinayo sa panahon ng
Amerikano ay ginawang tanghalan ng mga dula. karamihan sa mga dulang inilabas ay mga salin sa
Tagalog ng mga dulang Ingles.
VI.
Panahon ng Isinauling Kalayaan Ikalawang Republika
Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat sa araw na iyon isinauli ng mga
Amerikano ang kalayaan sa Pilipinas. Nawala na ang pamamahala ng mga dayuhang bansa sa Pilipinas.
Kasabay ng pagkawala ng gapos ay ang pagsasarili ng pamahalaan. Maraming mabibigat na suliranin ang
iniwan ng digmaan kung kayat humantong sa kababaan ang ekonomiya ng bansa. Ang kabiguan ng
pamahalaan na paghandaan ang pagsasarili ng bansa ay naging pangunahing dahilan ng kahirapan;
walang malinaw na balangkas sa mga pangunahing gawain tulad ng pagsasaka, pangingisda,
paghahayupan, at pagtatag ng mga pabrika. Muling namundok ang mga gerilya na dati ay kumalaban
lamang sa mga Hapon. Ang pangkat na ito ng mga gerilya ay ilegal na naniningil ng buwis sa mga tao at
nagpapataw ng kaparusahan sa mga mamamayang nagkasala ayon sa kanilang paglilitis. Dulot nito,
maraming bukirin ang nanatiling tiwangwang dahil sa pananalasa ng mga gerilya. Subalit may ilang mga
dukha naman na nakaranas ng inaasam na katarungan sa pamumuhay dahil sa ipinaglaban sila ng mga
nasabing gerilya.
Tila naging mapanghangad sa makukuhang gantimpala ang mga manunulat sa panahong ito. Bago sila
sumulat ay inaalam muna kung aling pahayagan ang nag-aalok ng mas malaking halaga. Sumulpot ang
mga kabataang manunulat na naging inspirasyon ang estilo ng mga Amerikanong manunulat tulad nina
Ernest Hemingway, William Saroyan at John Steinbeck. Pinapaksa naman ng mga manunulat sa wikang
Tagalog ang kalupitan ng mga Hapon, ang kahirapan sa pamumuhay, ang kabayanihan ng mga gerilya
atbp. Nabuksan muli ang mga palimbagan ng mga pahayagan at magasin na dati ay ipinasara ng mga
Hapon. Umunlad ang kakayahan ng mga manunulat at naging masining. Umunlad din ang panitikan sa
wikang Ingles. Isa sa mga nagpasigla sa pantikan ay ang Timpalak- Palanca o Palanca Memorial Awards
for Literature na pinamunuan ni Ginoong Carlos Palanca, Sr. noong 1950.
VII.
Panitikan sa Panahon ng Aktibismo (1970-1972)
Maraming mga kabataan ang naniniwalang hindi na demokratiko kundi isa nang gobyernong kapitaliista
ang umiral sa Pilipinas kung kayat ang mga kabataang ito ay naging aktibista. Naging matalim at
mabalasik ang kanilang pagpapahayag sa kanilang mga hinaing laban sa pamahalaan. Mabakas sa
kanilang panulat ang labis na pagtutol sa pamamalakad ng pamahalaan at ang paghingi ng pagbabago.
May mga kabataang napabilang sa Bagong Hukbo ng Bayan (New People's Army). Tila ba walang takot
ang mga kabataan na suungin ang panganib at posibleng kamatayan maipaglaban lamang ang kanilang
prinsipyo at maipagtanggol ang kanilang karapatan ng masang Pilipino. Ang mga pahayagan ng mga
mag-aaral ay punong-puno ng damdaming mapanghimagsik. Ang mga dating aristokratang manunulat ay
nagkaroon ng kamulatang panlipunan (social awareness) sa kanilang panulat. Tinalakay ng mga
manunulat na ito ang kabulukan ng lipunan at pulitika.
Mga katangian ng panitikan sa panahong ng aktibismo:
1. Pagmamasid at pagsusuri sa kalagayan ng bayan,
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
Module 1
2. Pagsisiwalat ng mga katiwalian at pagpapasasa ng mga nanunungkulan,
3. Labag sa kagandahang asal na pananalita o pagiging bulgar at mapangahas
4. Makatotohanan ang paglalarawan lalong lalo na sa mga dula , pelikula at komiks; nawalan ng
puwang ang artipisyal at yupemismo sa pagpapakita ng maseselan na paksa (seks at karahasan).
VIII.
Panahon ng Bagong Lipunan (Setyembre 21, 1972-Enero 2, 1981)
Humantong sa pagdeklara ng Batas Militar ang Panahon ng Aktibismo. Inilunsad ng dating Pangulong
Ferdinand E. Marcos ang konsepto ng Bagong Lipunan o New Society. Pilit na binura ang lahat ng
kalaswaan at karahasan sa mga babasahin, radyo, telebisyon at pelikula. Halos tungkol sa ikauunlad ng
bayan ang paksa ng mga panitikan. Ang mga pahayagang pampaaralan ay pansamantalang ipinahinto,
gayundin ang mga samahan ng mga mag-aaral. Nagtatag ang pamahalaan ng Ministri ng Kabatirang
Pangmadla upang mamahala at sumubaybay sa mga pahayagan, aklat at iba pang babasahing
panlipunan.
more refined, no sex and violence
Ang mga pinaiiral na paksa sa panitikan ay ang mga sumusunod:
1. Luntiang rebolusyon (pagtatanim)
2. Pagpaplano ng pamilya
3. Wastong pagkain
4. Pag-iwas sa druga
5. Disiplina
6. Pagkakaisa, tiyaga,at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino
Ang mga pagbabagong ito sa lipunan ay naisatitk sa isang awitin na inilunsad at itinuro sa mga paaralan.
Narito ang ang nasabing awitin:
Bagong Lipunan
May bagong silang, may bago nang buhay
bagong bansa, bagong dangal, sa bagong lipunan.
Nagbabago ang lahat, tungo sa pag-unlad
at ating itanghal, bagong lipunan
Ang gabi'y nagmaliw nang ganap
At lumipas na ang magdamag
Madaling araw ay nagdiriwang
Sa umagang daratal
Ngumiti na ang pag-asa
sa umagang anong ganda.
Sa larangan naman ng pelikula, nagkaroon ng taunang Pista ng Pelikulang Pilipino (Film Festival) sa
panahong ito. Kapansin-pansin ang paglabas ng pelikulang walang romansa o seks subalit tinangkilik dahil
sa mabuting kayarian nito.
Tuluyang nagbihis ang mga nilalaman ng mga radyo at pahayagan. Sa halip na balitang patayan, nakawan,
panggagahasa at iba pang karahasan ay iniulat na lamang ang tungkol sa pambansang kaunlaran at
disiplina.
IX.
Panitikan sa Panahon ng Ikatlong Republika
Makaraan ang sampung taon ng pagsailalim ng bansa sa Batas Militar ay sinasabing nagkaroon ng
pagbabago sa pamumuhay ang mga Pilipino, kung kaya't inalis na sa bansa ang Martial Law noong ika-2
ng Enero, 1981. Sa pananaw ni Pangulong Marcos, ang Pilipinas ay naging bagong bansa kaya tinawag
niya itong " bagong republika ng PIlipinas."
IDE 20.7 - Kasaysayan at Pilosopiya ng Panitikan sa Pilipinas
Module 1
Subalit muling nabuksan ang nagpupuyos na damdamin ng mga mamamayang naniniwala na may mga
katiwalian na nagaganap sa pamahalaan. Lalong nag-alab ang ganitong damdamin nang naganap ang
asasinasyon ng dating Senador Benigno Aquino, Jr. noong Agosto 21, 1983. Dumagsa na naman ang mga
babasahin na sumisigaw sa kawalan ng hustisya, imperyalismo at kahirapan. Naging maapoy, marahas at
makulay ang mga tula at awitin na nananawagan ng hustisya at katarungan sa pamahalaan.
Masasabing nangunguna pa rin sa larangan ng pagsulat ang mga awitin, tula, sanaysay at talumpati sa
panahong ito, katulad ng mga nagdaang panahon, marahil sapagkat ang mga ito ang mabilis na
instrumento ng pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
Hindi na rin napigil ang pagkahirati ng mga manonood sa mga pelikulang nahihinggil sa seks. Humantong
sa pagbaba ng moralidad ng mga Pilipino ang ganitong pagsasamantala ng mga manggagawa ng pelikula,
kapalit ng pagkita nito sa takilya.
X.
Kasalukuyang Panahon
Itinuturing na saklaw ng kasalukuyang panahon ang mga kaganapan nang inilunsad ang unang
Rebolusyon na Lakas ng Bayan o People's Power Revolution noong Pebrero, 1986 . Naitala sa
kasaysayan ng Pilipinas ang pagpatalsik kay dating Pangulong Marcos sa nasabing reboulusyon na
naganap sa loob ng apat na araw sa kahabaan ng EDSA. Binansagan ang nasabing pangulo bilang
"diktador" at naikabit sa kanyang pangalan ang mga tinatawag na "ill-gotten wealth". Laman ng mga
pahayagan ang mga balita na may kinalaman sa pulitika, ekonomiya, at insurhensya.
Sa mga unang taon pagkatapos ng EDSA Revolution ay mababakas sa mga panulat ang pagpugay sa
kadakilaan ng mga Pilipinong makabayan na siyang kumilos sa pagpapaphinto ng diktador na pamahalaan.
Masisilayan sa mga awit, tula , talumpati at sanaysay ang kagitingan ng mga Pilipino, ang kahalagahan ng
pagkakaisa at malasakit. Nagsulputan ang mga bagong pahayagan at muling nagbukas ang mga dating
pahayagan at istasyon ng telebisyon na dati ay ipinasara sa panahon ng Batas Militar. Nawala ang
pangamba sa pamamahayag ng mga komentarista sa radyo, pahayagan at telebisyon. Dumami ang mga
manunulat sa iba't ibang uri ng panitikan marahil sapagkat naramdaman nila ang buhos ng kalayaan.
Mula sa panunungkulan nina Pangulong Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo,
Benigno Simeon "Noynoy" Aquino at hanggang kay Rodrigo Duterte, nagpakita ng samutsaring pagbabago
ang panitikan ng Pilipinas. Ang mga pagbabagong ito ay sumasalamin sa mga karanasan ng mga
Pilipinong naisulat sa kasaysayan at humubog ng kanilang pilosopiya sa buhay. Ang lahat ng ito ay
kumakatawan sa kanilang pagiging PIlipino.
Download