ESP 10, QUARTER 1 MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN Objectives: Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan; Natutukoy ang mga pasiya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan; Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod; at Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. ESP 10, QUARTER 1 PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL ACTIVITY 1 Subukan mong bumuo ng sariling pakahulugan sa tunay na kalayaan. Punan ng mga salita ang bawat kahon sa ibaba upang magabayan ka sa pagbuo nito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. KALAYAAN Ang pagiging malaya ay ang kakayahang kumilos nang rasyonal o naaayon sa katuwiran. Kakayahan na piliin ang kanilang mga kinabukasan, maghayag ng kanilang mga saloobin, at makibahagi sa mga gawain ng lipunan nang malaya at pantay-pantay napakahalagang karapatan ng bawa’t tao, kung mayroon ka nito, walang gumagapos o pumipigil sa anumang iyong ninanais at nilalayon sa buhay KALAYAAN May dalawang kahulugan ang responsibilidad na nakaapekto sa ideya ng kalayaan: 1. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos-loob - Ito ay kilos na nagmula sa akin, “mananagot ako.” - Ito ay likas sa akin dahil ako ay tao, may kilos-loob. Kaya, may pananagutan ako sa kalalabasan ng aking kilos. 2. Kakayahan ng taong tumugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan ng situwasyon KALAYAAN Ang kakayahang kumilos nang may katuwiran ay nangangailangan o humihingi ng pagpapalit ng pokus sa buhay. 1. Pagpapahalaga sa kapuwa at paglalagay sa kanila na una bago ang sarili. 2. Tumugon sa kailangan ng situwasiyon kaysa sa magpaalipin sa sariling pagnanais at kapritso. KALAYAAN May dalawang aspekto ng kalayaan: 1. Kalayaan mula sa (freedom from) - pagkawala sa gapos ng isang pwersang kumukontrol sa iyo; tumutukoy sa kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng ninanais KALAYAAN HALIMBAWA NG KALAYAAN MULA SA (FREEDOM FROM) Naging malaya ang Pilipinas mula sa pagkakasakop ng mga Kastila dahil sa walang tigil na paglaban at pag-aklas ng ating mga ninuno. Nagkaroon ng kalayaan mula sa kahirapan ang kanilang pamilya mula nang makahanap si Leni ng magandang trabaho. Akala ni Nena ay makakalaya na sya mula sa mga utang ngunit biglang nagkasakit ang kanyang asawa kaya sila ay hindi na naka-ahon KALAYAAN May dalawang aspekto ng kalayaan: 2. Kalayaan para sa (freedom for) -pag-aabante ng interes ng nakakarami kaysa sa sarili; nakasandig sa material at eksternal na mundo - Ito ang pagiging malaya ng tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang kapuwa – ang magmahal at maglingkod. KALAYAAN HALIMBAWA NG KALAYAAN PARA SA (FREEDOM FOR) Ipinaglaban ni Pepe ang karapatan ng malayang pamamahayag upang maipagtagumpay ang kalayaan para sa kanyang bayan. Naniniwala si Ana na makakamtan lamang ang ganap na kalayaan para sa mamamayan kung tayo ay magbubuklod at maoorganisa batay sa linya ng pambansang demokrasya. Hindi makakamit ang kalayaan para sa mga katutubo kung hindi tututulan at lalabanan ang mga batayang problema ng lipunan KALAYAAN NARITO ANG LARAWAN BILANG HALIMBAWA NG PALIWANAG SA DALAWANG ASPEKTO NG KALAYAAN. KALAYAAN Ayon naman kay Cruz (2012), may dalawang uri ng kalayaan: 1. Ang malayang pagpili (free choice) o horizontal freedom -tumutukoy sa sa pagpili ng tao kung ano sa tingin ng tao ang makabubuti sa kaniya (goods); pinili ang isang bagay ayon sa halaga nito KALAYAAN Ayon naman kay Cruz (2012), may dalawang uri ng kalayaan: 2. Fundamental option o vertical freedom -nakabatay sa uri o istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao -Sa pagiging moral na indibiduwal, may dalawang fundamental option na bukas sa tao. a. Pataas tungo sa mas mataas na halaga o pagmamahal b. Pababa tungo sa mas mababang halaga ng pagkamakasarili (egoism) ACTIVITY 2 Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa sagutang papel. KALAYAAN Ayon naman kay Cruz (2012), may dalawang uri ng kalayaan: 2. Fundamental option o vertical freedom -nakabatay sa uri o istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao -Sa pagiging moral na indibiduwal, may dalawang fundamental option na bukas sa tao. a. Pataas tungo sa mas mataas na halaga o pagmamahal b. Pababa tungo sa mas mababang halaga ng pagkamakasarili (egoism) 1. Ano ang simpleng kahulugan ng kalayaan? 2. Ano ang responsibilidad o pananagutan? 3. Bakit kailangang gamitin ang rasyonal o katuwiran para maging malaya? 4. Ipaliwang: Ang taong naging mapanagutan sa paggamit ng kalayaan ay tunay na malaya at nagpapakatao. 5. Magbigay ng halimbawa sa dalawang aspekto ng kalayaan. Kalayaan mula sa: Kalayaan para sa: ACTIVITY 3 Panuto: Balikan at suriin mo naman ang naging pasiya at kilos nitong mga nagdaang araw. Isa-isahin mo ang mga negatibong katangiang naipamalas mo na maaaring maging hadlang sa iyong paggamit ng tunay na kalayaan. Sundin ang pormat sa ibaba.