Uploaded by PAUL SEBASTIAN PARAY

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1a

advertisement
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
TEST I.
A.1. Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang kilos na ginawa upang masupil ang iba’t ibang karahasan sa
paaralan sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Upang makaiwas sa mga “bully”, sumama si Rowena sa kanilang mga ginagawa.
2. Sumali sa gang si Benjo upang may makatulong siya sa kanilang paaralan tuwing siya ay may nakaka-away.
3. Nakita ni Raniel ang grupo ng mga kalalakihan na binubugbog ang isang mag-aaral kaya agad siyang nagsumbong
sa kaniyang guro.
4. Inimbitahan si Cris na sumali sa isang samahan, bago siya umoo ay sinuri muna niya ng mabuti ang pinakalayunin
ng samahang ito.
5. Itinuon na lamang ni Mark ang kaniyang panahon sa pag-aaral nang mabuti kaysa makisangkot sa mga karahasang
nangyayari sa kaniyang paligid.
A.2. Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung wasto ang pahayag at ekis (X) naman kung hindi.
1. Ang paaralan ay dapat na maging ligtas sa iba’t ibang uri ng karahasan.
2. Ang pag-iwas sa anomang karahasan sa paligid ay tanda ng kaduwagan.
3. Ang pang-aabuso sa kapuwa mag-aaral ay paraan ng pagpapakita ng paggalang at pagmamahal.
4. Mabisang sandata laban sa anomang karahasan sa paaralan ay ang pagmamahal sa sarili, sa kapuwa at sa buhay.
5. Ang pagsupil at pagsugpo sa mga karahasan sa paaralan ay trabaho lamang ng mga guro at guidance counselors.
TEST II.
A.1. Panuto: Isulat sa patlang kung ang mga halimbawa ng pambubulas ay VB kung pasalitang pambubulas, PB kung
pisikal na pambubulas, SB kung sosyal o relasyonal na pambubulas at CB kung cyber bullying.
1. Panlalait
2. Pananampal
3. Pagkakalat ng tsismis
4. Pagsira sa bag ng kaklase
5. Pagpopost ng mga nakasisirang-puri
A.2. Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung ito ay hindi
wasto.
1. Mahalin ang sarili upang madaling mahalin ang kapuwa.
2. Ang pambubulas ay natural lamang sa mga kabataan kaya hayaan na lamang ito.
3. Ang pagmamahal sa kapuwa ay maipakikita lamang sa pamamagitan ng pagsali sa mga gang o fraternity.
4. Kung may pagmamahal sa puso ang isang indibidwal, lalo na ang mga kabataan, iiwas at hindi siya makikisangkot
sa anomang karahasan sa kaniyang paligid.
5. Kadalasan ang mga nambubulas ay nakaranas ng pagiging marahas ng mga magulang kaya nang lumaon ay
nakararamdam ng kasiyahan sa tuwing mananakit din ng iba.
A.3. Panuto: Tukuyin at isulat sa patlang ang hinihingi ng bawat bilang.
1. Tumutukoy ito sa mga pambubulas gamit ang teknolohiya.
2. Ang uri ng pambubulas na ito ay may layuning sirain ang reputasyon at ipahiya ang isang tao.
3. Ito ay isang birtud na dapat taglayin at linangin ng bawat isa upang malabanan ang anomang karahasan lalo na sa
paaralan.
4. Ito ay katangian ng binubulas na kung saan ang isang indibidwal ay maaaring magkaroon ng kapansanan sa
katawan, masyadong payat o mataba, masyadong pandak o matangkad, at iba pa.
5. Ito ay anomang kilos na lumalabag sa misyon at bisyon ng edukasyon, sa paggalang sa kapuwa mag-aaral o
anomang kilos na humahadlang sa layunin ng paaralan na maging ligtas sa pagdarahas ng tao, pag-aari, droga,
armas, o kaguluhan.
TEST III.
A.1. Panuto: Isulat sa patlang ang tsek (✓) kung wasto ang pahayag at ekis (X) naman kung hindi.
1. Ang puppy love ay ang tunay na pagmamahal.
2. Masalimuot ang proseso ng tunay na pagmamahal.
3. Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog ng pagkatao sa kaniyang minamahal.
4. Ang Diyos ay mapagmahal kaya naman lahat ng Kaniyang nilikha ay may kakayahang magmahal.
5. Natural lamang ang mga pagbabagong nangyayari sa ating mga sarili kaya huwag ipagtaka o ikahiya.
A.2. Panuto: Piliin sa kahon sa ibaba at isulat sa patlang ang tamang salita o mga salitang bubuo sa konsepto.
Inspirasyon
panindigan
puppy love
seksuwalidad
pag-isahin
tunay na pagmamahal
1. Ang _____________________ ay kalimitang napagkakamalang tunay na pagmamahal.
2. Ang ______________________ ay tumitingin sa kaparehas o sa minamahal bilang kapantay.
3. Ang _____________________ ng tao ang magpapabukod-tangi sa kaniya sa lahat bilang nilalang.
4. Gawing _______________________ ang mga taong hinahangaan upang makatulong sa pag-unlad ng buhay.
5. Kailangang ____________________ ang seksuwalidad at pagkatao upang mabuo ang kaganapan ng isang
indibidwal.
A.3. Panuto: Isulat sa patlang ang salitang OO kung wasto ang pahayag at HINDI naman kung mali.
1. Ang seksuwalidad ay isang bahagi lamang ng katauhan ng isang indibidwal.
2. Ang pornograpiya at pre-marital sex ay nagpapamalas ng paggalang sa seksuwalidad.
3. Mahalagang maging tama ang pananaw sa seksuwalidad upang maiwasan ang kalituhan.
4. Malaki ang kaugnayan ng seksuwalidad sa pagkamit ng kaganapan ng bawat indibidwal.
5. Ang seksuwalidad ng tao ang nagpapabukod-tangi sa kaniya bilang isang panlipunang nilalang.
A.4. Panuto: Tukuyin at isulat sa patlang ang tamang sagot.
1. Tumutukoy ito sa pagbabasa o panonood ng mga malalaswa.
2. Maaaring magbunga ito ng tinatawag na teenage pregnancy.
3. Ito ay ang kaganapan ng isang tao, ang pagiging lalaki o babae.
4. Ito ang magpapabukod-tangi sa tao bilang isang panlipunang nilalang.
5. Tumutukoy ito sa iligal na pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan ng isang babae.
A. 5. Panuto: Suriin ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA o MALI. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Pagiging magalang sa kapuwa-mag-aaral, maging babae o lalaki man siya
2. Pakikipagbiruan tungkol sa kalaswaan sa harap ng mga kaibigang lalaki/babae
3. Pagbabasa ng malaswang babasahin
4. Pagsasalita nang may halong kabastusan
5. Pag-iwas sa taong ‘di kilala
6. Pakikipagkaibigan sa magagalang at masunuring kamag-aral
7. Pakikitulog sa bahay ng iyong nililigawan
8. Pakikipag-usap nang may paggalang sa ‘di kaparehang kasarian
9. Pagsusuot ng mga damit na nagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan
10. Panonood ng mga hindi kanais-nais na mga palabas tulad ng pornograpiya
11. Ang sekswalidad ay isang pisikal o bayolohikal na kakanyahan ng tao.
12. Kailangang tanggapin at igalang natin ang ating katawan, dahil ito ang pisikal na manipestasyon ng ating pagkatao.
13. Kung hindi mapag-iisa ang sekswalidad at pagkatao habang nagdadalaga o nagbibinata, magkakaroon ng
kakulangan sa kanyang pagkatao pagsapit ng sapat na gulang (adulthood).
14. Ang tao ay tinawag upang magmahal kung kaya lahat ay dapat pumasok sa buhay may asawa.
15. Dapat na ipagtaka o ikahiya ang pagkakaroon ng ‘di maipaliwanag na pagkaakit sa katapat na kasarian.
16. Magkatulad ang simbuyong sekswal (sex drive) ng tao at ng sa hayop.
17. Ang kaniyang pagkalalaki o pagkababae ang mismong katauhan ng tao.
18. Ang pagkalalaki o pagkababae ng isang tao ay nakikita lamang sa pisikal o bayolohikal na kakanyahan niya.
19. Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya
ay may kakayahang magmahal.
20. Ang pagmamahal ay isang emosyon at pagpukaw sa diwa at mga pandama.
PILIIN ANG MAGING MABUTING TAO!
Download