Uploaded by SJ Sanchez

02 Handout 16-1

advertisement
SH1673
Mga Uri ng Pagsusulat
I. Ano ang Teknikal na Pagsusulat?
Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal
na layunin. Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya, medisina, batas, resipi
sa pagluluto, siyensiya o agham, at bokasyunal. (Cruz, et al., 2010)
Ano-ano ang mga uri ng Teknikal na Pagsusulat?
-
mga batas na nilalathala
mga dyornal pangmedikal
resipi ng pagkain
iitiketa ng gamot
instruksyon ng mga gamit
Kadalasan ito ay kinapapalooban ng pagsasaliksik at matagalang pag-aaral. Ang isang resipi ng
pagkain ay masasabi nating isang teknikal na lathalain dahil ito ay kinapapalooban ng pag-aaral at
pananaliksik lalo na sa timbang at dami ng rekados na gagamitin. May iba’t ibang klase ng putahe at
pamamaraan ng pagluluto. Paminsan-minsan ay isinasatitik ang mga resipi na napaglipasan ng
panahon upang mabasa at masundan ang proseso at upang matikman ng mga mambabasa sa
kasalukuyan.
II. Ano ang Refererensyal na Pagsusulat?
Ang referensyal na pagsusulat ay may kaugnayan sa malinaw at wastong paglalahad ng isang paksa.
Ito ay nagpapaliwanag at nagbibigay datos at impormasyon sa mambabasa. Layunin ng uri ng
pagsusulat na ito ay ang mailahad ang katotohanan, wastong paggamit ng isang kasangkapan, o para
makabuo ng isang maganda at obhetibong konklusyon (Deguiñon, 2011).
Ano-ano ang mga uri ng Referensyal na Pagsusulat?
-
teksbuk
ulat panlaboratoryo
manwal
feasibility study
III. Ano ang Dyornalistik na Pagsusulat?
Ito ay ang pagsulat na pampalimbagan. Maaring balita, lathalain, editorial, balitang pampalakasan,
anunsyo, o mga advertisements sa isang pahayagan. Ang Dyornalistik na lathalain ay kailangan
magsaad ng pawang katotohanan, may pagkaobhetibo at walang pinapanigan. Kadalasan ay
naglalaman ito ng mga artikulong pumupukaw sa ating human interest mga makasaysayang datos,
mga pang politika at makaagham na pagaanalisa, pananawagan, at mga payanam sa ibang mga
personalidad.
02 Handout 1
*Property of STI
Page 1 of 2
SH1673
Ano-ano ang mga uri ng Dyornalistik na Pagsusulat?
-
pahayagan
anunsyo
tabloid
IV. Ano ang Akademik na Pagsusulat? (Mendoza & Romero, 2012)
Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito ay maari
din tawagin na intelektwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis, pamanahong papel,
ulat pang laboratoryo at iba pa. May sinusunod itong istriktong kumbensyon. At kadalasan ito ay
isinasailalim sa masusing pagbabatikos mula sa mga eksperto. Ito ay ginagawa upang maisaayos ang
datos, impormayson, at nilalaman ng sulatin. Sa madaling salita, ito ay dumadaan sa sinasabi nating
defense. Kaakibat ng pangakademikong pagsusulat ay ang mahabang pagsasaliksik. (Canaria, 2013)
Mayroong tatlong (3) konsepto ang akademikong pagsusulat. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.
2. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng
akademikong komunidad.
3. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento.
Ano-ano ang mga uri ng Akademik na Pagsusulat?
-
akademikong sanaysay
pamanahong papel
feasibility study
tesis
disertaysyon
bibliograpiya
book report
position paper
panunuring pampanitikan
policy study
Mga Sanggunian:
Canaria, K. (2013, July 16). Uri ng pagsulat. Retrieved December 8, 2014, from
https://prezi.com/9p0ok62j5nk_/uri-ng-pagsulat/
Cruz, B., et al. (2010). Filipino 2: Pagbasa at pagsulat sa masining na pananaliksik sa antas tersaryo.
Manila. Mindshapers Co.,Inc.
Deguiñon, E. (2011, June 13). Teknikal na filipino. Retrieved December 8, 2014, from
http://teknikalnafilipino.blogspot.com/2011/06/teknikal-na-filipino.htm
Mendoza, Z., & Romero, M. (2012). Pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina sa antas tersarya.
Manila: Rex Bookstore.
02 Handout 1
*Property of STI
Page 2 of 2
Download