12 FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIK Unang Markahan- Modyul 1 Aralin 1: Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat 1 Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson 1: Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education Secretary: Leonor Magtolis Briones Undersecretary: Diosdado M. San Antonio Development Team of the Module Writer: Eugenia M. Solon Editors: Jennifer Armamento/ Lorna P. Almirante Reviewers: Nenita Lerio/ Dr. Clavel D. Salinas Moderator: Marivic M. Yballe Illustrator: Andre Angel O. Erasmo Layout Artist: Andre Angel O. Erasmo Management Team: Dr. Marilyn S. Andales Schools Division Superintendent Dr. Leah B. Apao Assistant Schools Division Superintendent Dr. Ester A. Futalan Assistant Schools Division Superintendent Dr. Cartesa M. Perico Assistant Schools Division Superintendent Dr. Mary Ann P. Flores CID Chief Mr. Isaiash T. Wagas Education Program Supervisor-LRMDS Dr. Clavel D. Salinas PSDS/SHS Division Coordinator Printed in the Philippines by: Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City Telefax: (032) 255-6405 E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph 2 Panimula Ang modyul na ito ay idenisenyo sa kasalukuyang panahon na kung saan naharap sa krisis ang bansa at ang buong mundo dulot ng COVID-19. Sa pamamagitan nito maaaring maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan kahit nasa bahay lamang. Ang sariling gawang modyul na ito ay malaking tulong sa mga kabataang mag-aaral upang magbigay ng mga panimulang kaalaman at karunungan tungkol sa akademikong pagsulat at pagsulat para sa pagtatrabaho. Maaaring sa mga pangyayari ngayon mailalahad nila ang kanilang mga saloobin o mga isyung dapat pagdiskusyonan sa pamamagitan ng pagsulat. Tinalakay rito ang mga kahulugan, kalikasan, at mga katangian, mga bahagi at mga hakbang sa pagsulat ng mga akademikong sulatin tulad ng abstrak, bionote, talumpati, replektibong sanaysay, posisyong papel, lakbaysanaysay, photo essay, resume, liham –aplikasyon, korespondensyang opisyal, agenda, katitikan ng pulong, press release at panukalang proyekto. Layunin nitong palawakin at palalimin ang pang-unawa mo sa mga sulating ito. Upang hindi mahuli sa tawag ng globalisasyon kailangang hangga’t maaga pa ay magsanay na sa pagsulat. Ang mundo ay puno ng kompetisyon, sa pagtatapos ng Senior High School ay kailangang hawak mo na ang buong kaalaman at kahusayan sa limang makrong kasanayan: ang pagbasa, pagsasalita, pakikinig, panonood at ang pagsulat. Layunin ng modyul na ito na hasain ang iyong kaalaman sa mga akademikong sulatin bilang paghahanda sa iyong propesyonal na buhay. Sa paggawa ng modyul na ito isanaalang-alang ang pagtugon sa mga kahilingan ng bagong kurikulum. Idinsenyo sa trak na nakaangkla sa mga gawaing pang akademik. Inihanda ang mga gawain sa modyul upang makatugon sa iba’t ibang track na kinukuha. May mga gawaing akademiko, teknikal bokasyonal, pansining, pandesinyo at pang-isports. 3 Ang modyul ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi dito inilatag ang mga layuning inaasahang matatamo sa pagtatapos ng modyul. Ito ang nais iparating ng sumulat sa mga mag-aaral at matamo lamang ito gamit ang ibang pamamaraan sa pagturo tungo sa pagkatuto. ito ang bahaging tinataya ang kakayahan at kaalaman ng magaaral sa mga araling dapat n’yang matutuhan kung anong aspeto sa laranga ng pagsusulat ang dapat pang palawakan at paglinangin. ito ang mga gawaing sinubok ang dating alam ng mag-aaral bilang panukat sa kanilang natotohan. dito sinusubok ang mga mapanuring pag-unawa ng mga mag-aaral sa Filipino sa Piling Larang Akademik sa pamamagitan ng paglalatag ng mga Gawain na sila mismo ang nakadiskubre sa araling tatalakayin. ipinahahayag ang mahalagang pag-unawa sa aralin, ang konteksto ng paksang tatalakayin upang malinang ang mga makrong kasanayan ng mga mag-aaral. dito ipinahahayag ang mahahalagang pag-unawa tungkol sa paksang tinalakay. dito binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapag-isipan ang kabuluhan ng mga kaisipang nabasa niya bago tumuloy sa kasunod na pagtatalakay. dito sinusubok ang lalim ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa kabuuan ng aralin. ito ay mga aktuwal na mga gawaing humahamon sa mga mag-aaral na ilapat ang kanyang natutuhan sa mga aktuwal na sitwasyon o makatotothanang mga konteksto. Ang mga gawaing ilalatag ay susubok sa mga gawaing tulugon sa iba’t ibang track. dito tinataya ang lebel ng pag-unawa ng mga mag-aaral kaugnay sa kabuuang araling tinatalakay. Ito ang bahaging makapaglikha ang mga mag-aaral sa sarili nilang kaparaanan bunga ng pagkatutu sa araling tinatalakay. ito ang mga karagdagang babasahin na magbibigay ng pagpapalawig sa pagtatalakay sa susubok at hahasa sa tibay na pag-unawa ng mga mag-aaral bunga ng pagkatuto. Maari itong nakalimbag o mula sa internet. 4 SUBUKIN KO ANG KAALAMAN MO! PANIMULANG PAGTATAYA I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ay artilkulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang nakalimbag, A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalaysay D. Pagsusulat 2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatuwiran 3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktuwal nas naganap. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatuwiran 4. Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isyung nakahain sa manunulat. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay 5 D. Pangangatuwiran 5. Anyo ng Pagsusulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari. A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysa D. Pangangatuwiran II. Sabihin kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap. Kung MALI, salungguhitan ang salitang napagkamalian at isulat ang tamang sagot sa katapat nito. 6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat. 7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng kaniyang ginagawang pag-aaral. 8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na kuwestiyonable. 9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita sa mga pangyayari hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon. 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa paguulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang iskolar hinggil sa iba’t ibang disiplina. 6 Modyul 1: Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB-Oa-c-101) Mga Dapat asahan sa modyul na ito: a. naipapaliwanag ang iba’t ibang konsepto ng pagpapakahulugan ng akademikong sulatin b. nakabubuo ng pagpapatunay sa pinanindigang paniniwala c. nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa pagpapalawak sa inilalahad na konsepto d. natutukoy ang kahalagahan na akademikong sulatin bilang isa sa pangangailangan ng lahat ng kurso 7 Panimulang-Gawain : Maalaala Mo Kaya ! Panuto: Gawain Blg.1: Magbalik-gunita. Isulat sa hagdan ang mga sulating naranasan. Ang pinakaunang baitang ay ang sulating unang natutuhan hanggang sa huling baitang na s’yang pinakahuling natutuhan. Maaaring magdagdag ng mga baitang kung kinakailangan. Ang dami na pala ninyong natutuhan kung karanasan sa pagsusulat ang paguusapan. Sige nga dagdagan natin ang banga ng inyong kaalaman kung gaano kaya katibay ang inyong mga kasanayan sa pagsulat. 8 Kaya ninyo pa ba? Gawain Blg. 2: Panindigan Ko! Batay sa mga nakatala sa bawat hagdan, alin dito ang pinakamadali, ang katamtaman at ang pinakamahirap. Mabigay ng pagpapatunay. Isulat ang sagot sa mga nakalaang hugis. 9 Magaling! Nagpapatunay lamang na bihasa na kayo sa larangan ng Pagsusulat ng mga iba’t ibang uri na mga sulatin. Tuklasin: Sisirin Ko ! Ano kaya ang dahilan ng mga indibiduwal na awtor kung bakit sila nagsusulat? Isulat sa concept web ang sagot. Malinaw na inilahad sa concept web na ang awtor ay may tiyak na dahilan kaya siya sumulat. Mula sa mga naunang mga gawain atin ng mahuhulo kung ano kahulugan at katuturan ng pagsulat. Ano ang kahulugan ng Akademikong Pagsulat? Kailan naging Akademikong Pagsulat? 10 Ano-anong sulatin ang maituturing na pang-akademiko? Alin dito ang naranasan mo sa pagsusulat? Mahirap ba o madali? Bakit? Isulat sa loob ng kahon ang sagot. May liwanag ng mababakas sa inyong isipan kung ano ang punto ng ating talakayan. Sige ipagpatuloy lang ang pagsagwan mabingwit din natin sa dulo ang katas ng karunungan. Ipagpatuloy ang nasimulan upang madagdagan pa ang kaalaman. Tampok na Aralin: May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba ito ay nagsisilibing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang ma ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiyasiya para sa kanila. Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang kalimitang dahilan ng 11 pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang ng pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan. Sinabi naman ni Badayos” ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man”. Ayon naman kay Keller: “ang pagsulat isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito”. May kanyang ring pagpapakahulugan si Donald Murray: “Writing is rewriting, a good writer is wasteful, he saws and shapes and cuts away, discarding wood…The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials” Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “ Ang pagsulat ay ekstensyon ng ika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa”. Kaya naman sa, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsulat ay isa rin sa mga dapat pagtuonan ng pansin na malinang at mahubog ang mag-aaral sapagkat ditto masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagbasa at panonood, madalas ang isang indibiduwal na gumagawa nito aykumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit, sa pagsasalita at pagsusulat ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat. 12 Mahalagang Kaalaman Akademikong Pagsulat Ano-ano na ang naisusulat mo? Nagsulat ka na ba ng tulang tungkol sa iyong hinahangaan o ng mga kuwentong ipinabasa mo sa publiko sa iyong social media account? Nagsulat ka na ba ng sanaysay na nagpapaliwanag ng pananaw sa isang isyu? Ang pasulat ay isang pangangailangan. Nagsusulat ang tao upang matugunan ang mga personal na pangangailangan. Nagsusulat ang tao hindi lamang upang magpahayag ng saloobin at bumuo ng magpatatag ng mga ugnayan, bagkus ay upang mapabuti ang sarili. Maliban sa mga ito, nagsusulat din ang tao upang matugunan ang mga akademiko at propesyonal na pangangailangan. Ano ang akademikong pagsulat? Sa isang globalisasyong mundo, nakaaangat ang mga indibiduwal na may kasanayan sa akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat. Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas na pag-iisip. Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip, May kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip ng lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis. Samakatuwid ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat na nagaangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon para sa mga akademiko o propesyonal. Ito ay isang pangangailangan. Ilan sa mga halimbawa ng mga akademikong teksto ang abstrak, bionote, panukalang proyekto, talumpati, sintesis at replektibong sanaysay. Bahagi na rin ng bawat propesyonal ang magsulat ng mga tekstong tulad ng katitikan ng pulong (minutes of the meeting),posisyong papel, at agenda. Itinuring ding akademikong sulatin ang photo essay at lakbay – sanaysay o travel essay o travelouge . 13 Ang lente ng karunungan ay ihanda na, sa tibay ng iyong paliwanag masubok na! Pagnilayan: S Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko! Tinalakay sa unahan ang iba’t ibang konsepto ng pagpapakahulugan ng pagsulat at ang kahulugan ng Akademikong Pagsulat , kaya n’yo na bang ipaliwanag ang ibig ipakahulugan ng bawat awtor. Sige nga sipatin natin! Isulat ang nabuong pagpapakahulugan sa hugis dahon ng pahina. Mabilin (2012) Badayos Keller Pick at Buckingham Donald Murray 14 Dugtungan Mo Ako upang Diwa Ko ay Mabubuo Sa aking pagkaunawa ang Akademikong Pagulat ay ________________________________ ________________________________ ________________________________ ________ Tumpak napakahusay! Talagang pinahanga n’yo ako. Ang tatas at katas ng inyong pagpapakahulugan ay pinagpatibay sa kahusayan ng inyong pagsulat bilang isa sa mga sandata sa pagtatamo ng karunungan at kaalaman sa tawag ng kompetisyon sa virtual na mundo. 15 Subukin ang Natutuhan Tuklas-Dunong ! Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano-ano ang kabibahan ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat? _______________________________________________________________________ _____________________________________________________________________. 2. Maaari bang gawing malikhain ang akademikong pagsulat? Pangatuwiranan ang sagot. ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________. 3. Bakit mahalaga ang paggamit ng akademikong Filipino sa pagsulat? Ano-ano ang kabutihang dulot nito sa buhay partikular na sa hinaharap? ______________________________________________________________________________. 4. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot. ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________. 5. Bakit mahalagang alamin kung sino ang mambabasa kapag magsusulat ng akademikong teksto? ________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________. Suri-lapat Sumulat ng reflective journal upang maipahayag ang natutuhan sa aralin. Bumuo ng limang talata na may lima hanggang pitong pangungusap. 16 Tayahin Kaya Ko ‘To Bumuo ng pick-up lines o hugot lines bilang sintesis hinggil sa kahulugan at katuturan ng pagsulat. Subok na ang galing ninyo sa umpisa pa lang ng talakayan. Dapat tandaan na ang pagkatuto sa mga akademikong sulatin ay nakatutulong ng malaki sa paglinang sa mga lohikal na pag-iisip, hinasa dito ang kritikal na pag-unawa, paglutas sa mga suliranin, pagsusuri sa bawat pangyayari at pagtimbang - timbang sa bawat isyu tungo sa pagkatuto sa mga bagay-bagay. Maraming salamat sa paglalakbay ninyo sa buong modyul na ito. Nawa’y anumang batis ng kaalaman ang napitas, ihasik sa isipan at kusang linangin ang kasanayan sa pagsulat. 17 Palawakin ang Kaalaman Makatutulong ang mga sumusunod na web sites sa pagpapayaman ng iyong kaalaman at kasanayan sa akademikong pagsulat. http://owl.massey.ac.nz./academic-writing/what-is-academicwriing,phpTinatalakay rito ang kahulugan, katangian, at estruktura ng akademikong pagsulat, http://owl.englis.purdue,edu,/owl/section/1/2/- Makukuha rito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga teknik at pamamaraan sa pagsulat ng akademikong sulatin. 18 Halimbawang Sagot: a. Pagsulat ng liham b. Pagsulat ng karanasan c. Pagsulat ng buod d. Pagsulat ng sanaysay e. Pagbubuo ng iba’t ibang kuwento tulad ng alamat, pabula, kwentong-bayan, metp at iba pang uri ng kuwento na likhang-isip f. Pagbuo ng replektib dyornal g. Pagbuo ng sariling talumpati h. Pagbuo ng Pamanahong-papel i. Pagbuo ng Panimulang Pananaliksis Tuklasin Halimbawang Sagot: a. Pagsulat ng liham b. Pagsulat ng karanasan c. Pagsulat ng buod d. Pagsulat ng sanaysay e. Pagbubuo ng iba’t ibang kuwento tulad ng alamat, pabula, kwentong-bayan, metp at iba pang uri ng kuwento na likhang-isip Pagbuo ng replektib dyornal Pagbuo ng sariling talumpati Pagbuo ng Pamanahong-papel Pagbuo ng Panimulang Pananaliksis f. g. h. i. Susi ng mga sagot: 19 Panimulang Pagtataya Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko! Iba-ibang paliwanag ng mag-aaral ayon sa sarili niyang pagkaunawa. Tuklas-Dunong! Iba-iba ang sagot D B C D B MALI MALI MALI MALI TAMA E. Pagnilayan 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. D. Gawain Blg. 1 – Maalaala Mo Kaya! Concept Web Iba-iba ang sagot Dulo ng Bituin Iba-iba ang sagot Kahon ng Karanasan Depende sa angkop na karanasan ng sumulat Mga Sulating Pang-akademiko: Abstrak Sinopsis/Buod Bionote Adyenda/Katitikan ng Pulong Memorandum Panukalang Papel Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Lakbay Sanaysay Pagsusulat ng Talumpati A. Tuklasin B. C. C. Gawain Blg. 1 – Maalaala Mo Kaya! Concept Web Iba-iba ang sagot Dulo ng Bituin Iba-iba ang sagot Kahon ng Karanasan Depende sa angkop na karanasan ng sumulat Mga Sulating Pang-akademiko: Abstrak Sinopsis/Buod Bionote Adyenda/Katitikan ng Pulong Memorandum Panukalang Papel Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Lakbay Sanaysay Pagsusulat ng Talumpati B. D B C D B MALI MALI MALI MALI TAMA Pagnilayan 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. D. Panimulang Pagtataya Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko! Iba-ibang paliwanag ng mag-aaral ayon sa sarili niyang pagkaunawa. Tuklas-Dunong! Iba-iba ang sagot A. E. Susi ng mga sagot: TALASANGGUNIAN Arrogante, Jose A. Filipino Pangkolehiyo Kasiningan, Kakayahan, at Kasanayan sa Komunikasyon. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2000. DIWA Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik Filipino sa Piling Larang Akademik. Pinagyamang Pluma. Quizon Ave. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016. Lorenzo, Carmela, et.al. Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2010. Mabilin, Edwin, et.al. Transformatbiong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House: Inc., 2010. Nebiu, Besim. Developing Skills of NGO’s Project proposal Writin. Szentendre, Hungary. The Regional Environmental Centerfor Central and eastern Europe, 2000. Pagsulat sa Pilipino sa Piling Larangan (Isports Teknikal-Bokasyonal). Metro Manila: Vival Publishing House. 20 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Lahug, Cebu City, 6000Cebu Telefax: (032) 255-6405 E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph 21