Pahayag (5 min.) | w22.01 10-11 ¶8-10—Tema: Maging Epektibong Tagapagturo Gaya ni Santiago—Gawing Simple ang Mensahe Mo. (th aralin 17) Maging Epektibong Tagapagturo Gaya ni Santiago—Gawing Simple ang Mensahe Mo Pangunahin na sa atin ang maghanda bago mangaral, ang ilan sa atin ay nagre-research pa nga kung paano ituturo nang epektibo sa mga tao ang Salita ng Diyos. Pero, baka mangamba tayo sa kakayahan nating ipangaral ang katotohanan sa Bibliya, dahil hindi wala tayong mataas na pinag-aralan, o dahil pa sa ilang limitasyon. Buweno, tiyak na makikinabang tayo sa halimbawa ng isang Apostol sa Bibliya— si Santiago. Walang mataas na pinag-aralan si Santiago. Tiyak na ang tingin sa kaniya ng mga lider ng relihiyon noon ay katulad ng tingin nila kina apostol Pedro at Juan—“hindi nakapag-aral at pangkaraniwan.” (Gawa 4:13) Ngunit gaya ng makikita natin kapag binasa natin ang aklat ng Bibliya na Santiago, kahit pa walang mataas na pinag-aralan si Santiago ay naging epektibong tagapagturo siya. Ano ang ilang patunay? ● Ang Paraan ng Pagtuturo ni Santiago Halimbawa, itinuro ni Santiago sa mga Kristiyano sa simpleng paraan na dapat silang maging handang dumanas ng kawalang-katarungan nang hindi nagtatanim ng galit. (Sant. 5:11) Basahin (Sant. 5:11) 11 Itinuturing nating maligaya ang mga nakapagtiis. Nalaman ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at kung paano siya pinagpala ni Jehova nang bandang huli, at nakita ninyo na si Jehova ay napakamapagmahal at maawain. Hindi gumamit ng komplikadong mga salita o pangangatuwiran si Santiago. Kaya nalaman ng mga nakikinig sa kaniya kung ano ang kailangan nilang gawin at kung paano nila iyon gagawin. Ibinatay ni Santiago ang mga itinuturo niya sa Kasulatan. Ginamit niya ang Salita ng Diyos para tulungan ang mga tagapakinig niya na makita na laging ginagantimpalaan ni Jehova ang mga tapat sa kaniya, gaya ni Job. Naituro ni Santiago ang aral na iyon gamit ang simpleng mga salita at pangangatuwiran. Ang resulta, si Jehova ang nabigyang-pansin, hindi siya. ● Ano ang Matututuhan natin sa Halimbawa ni Santiago sa Pangangaral? Gawing simple ang mensahe mo, at magturo gamit ang Salita ng Diyos. Hindi natin gustong pahangain ang iba dahil sa dami ng alam natin. Malamang na kahit sa isang pangkaraniwang pag-uusap, hindi tayo gumagamit ng malalalim na salita para mangumbinsi ng tao. Hindi rin tayo nagiging maligoy sa ating mga sinasabi upang lalo lang na maguluhan ang mga kausap natin. Ganyan din sa pangangaral. Basahin (Roma 11:33) 33 Talagang kahanga-hanga ang saganang pagpapala, karunungan, at kaalaman ng Diyos! Di-maabot ng isipan ang mga hatol niya at di-matunton ang mga daan niya! Nais natin maipakita sa mga tao kung gaano karami ang alam ni Jehova at kung gaano siya nagmamalasakit sa kanila. (Roma 11:33) Lagi nating ibabatay sa Kasulatan ang mga sinasabi natin. Halimbawa, imbes na sabihin sa mga Bible study kung ano ang ating gagawin kung tayo ang nasa sitwasyon nila, dapat natin silang tulungang mangatuwiran batay sa mga halimbawa sa Bibliya at maintindihan ang pananaw at nadarama ni Jehova. Makakatulong ito na maisabuhay nila ang mga natutuhan nila para pasayahin si Jehova, hindi tayo. Binigyan tayo ng pagnanais at kalakasan ng Diyos upang ipangaral sa lahat ng uri ng tao ang kaniyang salita. At ang pagiging simple at madaling maintindihan ay isa sa mga pangunahing katangian ng mga katotohanan sa Bibliya. Sa tulong ng espiritu ni Jehova at pagsasanay mula sa organisasyon niya, puwede rin tayong maging mahusay na mga tagapagturo gaya ni Santiago. Kaya’t tandaan, ibatay ang mga sinasabi natin at magturo gamit ang Salita ng Diyos, at, gawing simple ang mensahe mo.