Uploaded by buhisancathyrine21

NAT Review

advertisement
FILIPINO NAT
REVIEWER
Prepared by: Bb. Cathyrine Buhisan
I. Piliin ang salitang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa mga
sumusunod na pangungusap.
1.
Matapos ang maghapong gawain siya ay lugami na.
A. Lubog
B. Yumaman
C. Nalungkot
D. Lupaypay
D – Ang lugami ay may kaugnay na diwa sa maghapong gawain na
panglupaypay o pagod.
2. Hindi ko sukat akalain na siya pala ay isang balakyot.
A. Marumi
B. Makasalanan
C. Mapanlinlang
D. Mabaho
C- Ang angkop na diwa sa salitang balakyot ay mapanlinlang na may
konseptong diwa na hindi nagpapakita ng totoong pagkatao o ugali.
3. Ang damuho ay may asawa pala.
A. Salbahe
B. Kabiyak
C. Tanga
D. Di- mapagkakatiwalaan
A – Ang salitang salbahe ay mas angkop na gamitin sa damuho
dahil ito ay magkatulad ng diwa.
4. Ang magkaibigan ay magkaratig pook lamang.
A. Kamasa
B. Kabihasnan
C. Kasing laki
D. Kalapit
D – Ang salitang karatig ay kasing diwa ng kalapit na
nangangahulugan din ng katabing pook.
5. Ang abrigo na ibinigay sa may kaarawan ay makulay.
A. Pamaypay
C. Balabal
B. Tela
D. Banig
C – Ang salitang abrigo ay kahulugan ng balabal na may makukulay na disenyo
noong panahon ng Kastila.
II. Piliin ang tamang salita na kasalungat ng salitang nakasalungguhit sa
pahayag.
6. Masalimuot ang mga pangyayari sa pagkamatay ni Ramgen.
A. Magulo
B. Makulay
C. Maalalahanin
D. Mapayapa
D – Kabaligtaran ng masalimuot o magulo ang mapayapa sa diwa ng
pangyayaring naganap sa pagkamatay ni Ramgen.
7. Katunggali niya sa paligsahan ang kanyang matalik na kaibigan.
A. Kasamahan
B. Katalik
C. Kakampi
D. Kasulatan
C – Kabaligtaran ng katunggali ang kakampi sa konsepto ng pakikipaglaban sa
matalik na kaibigan.
8. Ang pamilya Yulo ay may mababang-loob sa mga taong
nangangailangan.
A. Maawain
B. Mapagpala
C. Matabil
D. Mayabang
D – Kabaligtaran ng mababang-loob ang mayabang na may diwa ng
pagmamalaki sa mga taong nangangailangan.
9. Maalyaw na buhay ang ibibigay ko sa aking mga anak.
A. Masarap
B. Mahirap
C. Masagana
D. Mahigpit
B – Kabaligtaran ng maalyaw ang mahirap sa buhay na may diwa ng
kakulangan o kakapusan sa buhay.
10. Malabay na punungkahoy ang makikita sa bakuran ni Mang Baste.
A. Mataba
B. Malusog
C. Payat
D. Putol
C – Kabaligtaran ng malabay ay payat na may kaugnay na diwang kanipisan ng
sanga ng punungkahoy.
III. Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.
11. Nagbasa ______ maayos ang mag-aaral.
A. siya
B. nang
C. ng
D. sila
B – Ginagamit ang nang kapag sinusundan ng pang-abay.
12. ______iinumin ka bang gamot?
A. Mayroon
B. Meron
C. May
D. Nang
C – Ang may ay ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.
13. Ang mga regalong natira ay ______ Ayeng, Miguel at Joffrey.
A. para sa atin
B. para sa kanila
C. para sa iyo
D. para kina
D – Ang kay at kina kapag sinasamahan ng para ay nagiging panandang
kaalaman sa tao.
14. Anong uri ng tayutay ito?
Dumadagundong ang tunog ng loud speaker sa mahinang dibdib ng matanda.
A. Onomatopeya o paghihimig C. Alliteration o pag-uulit
B. Apostrophe o pagtawag
D. Antithesis o pagtatambis
A – Ang dumadagundong ay paghihimig na nailalahad sa tulong ng tunog o
himig ng salita.
15. Ang mukha niya’y animo’y maamong tupa na sunudsunuran.
A. Metaphor o pagwawangis
B. Simile o pagtutulad
C. Metonomi o pagpapalit-tawag
D. Epigram o pagsalungat
B – Ito ay payak na pagpapahayag na ginagamitan ng pagtutulad na gaya ng
animo’y.
16. Ang paalala ay gamot sa taong nakalilimot.
A. Simile o pagtutulad
B. Personification o Pagtatao
C. Hyperbole o pagmamalabis
D. Metaphor o pagwawangis
D – Naghahambing ito subalit gumamit din ng tuwirang pagtutulad sa salitang
gamot.
17. Sumisipol ang hanging amihan.
A.
B.
C.
D.
Hyperbole o pagmamalabis
Irony o pag-uyam
Metonymy o pagpapalit-tawag
Personification o pagsasatao
D – Nagbibigay katauhan ang salitang pagsipol sa hanging amihan.
18. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang nagbibilang ng poste?
A.
B.
C.
D.
mahusay magbilang
mahusay magtrabaho
walang poste
walang trabaho
D – Matalinhagang salita ito na may kahulugang walang trabaho kung ikaw
ay nagbibilang ng poste.
19. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang buwaya sa katihan?
A. mapang-api
B. mapang-imbot
C. mapanukso
D. mapagmalabis
B – Ang buwaya ay talinghagang naglalarawan sa taong mapag-imbot o
sakim.
20. Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na ito?
IPANSULAT MO ANG LAPIS NA MAY TASA.
A. tagaganap
B. tagatanggap
C. sanhi
D. gamit
D – Ang ipansulat ay nasa pokus ng gamit na lapis.
21. Ang alpabeto ng ating mga ninuno noong panahong pre-kolonyal ay
tinatawag na
A. alibata
B. alibaba
C. talibaba
D. abakada
A – Tinatawag na alibata ang sinaunang alpabeto ng ating mga ninuno
22. Ayon sa Bagong Saligang Batas (1987), ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay tatawaging
A. Pilifino
B. Filipino
C. Pilipino
D. Filifino
B – Ang salitang Filipino ay opisyal na wikang pambansa ayon sa 1987
Konstitusyon ng Pilipinas.
23. Kapag tayo ay nabigo, bumangon tayo agad. Sakaling dumating ang
daluyong, sandali siyang iiwas.
A. Payak
B. Tambalan
C. Hugnayan
D. Langkapan
C – Ito ay may 2 sugnay na di makapag-iisa at isang sugnay na makapag-iisa.
24. Ang mga mag-aaral ng Nolasco High School ay nagsayawan at nag-aawitan.
A. Payak
B. Tambalan
C. Hugnayan
d. Langkapan
A – Ang pangungusap ay may isang sugnay na makapag-iisa.
25. Ang kasiphayuan-kaligayahan ay isang halimbawa ng______________.
A. pagkakatulad
B. pagsasalungatan
C. pagbibigay ng katangian
D. pagbubuo
B – Magkabaligtad ito ng kahulugan.
26. Ano ang nagaganap na pagbabagong morpoponemiko sa salitang may
salungguhit?
Nasa mesa ang mga kagamitan sa panlinis.
A. pagkaltas
B. asimilasyon
C. metatesis
D. reduplikasyon
B – Ang salitang panlinis ay may panlaping pan na sinusundan ng katinig na l
na nag-aasimila sa tunog na N.
27. Marumi ang kamay niya nang kumain.
A. pagpapalit ng ponema
C. paglilipat diin
B. metatesis
D. reduplikasyon
A – Ang ponemang r sa salitang marumi ay malayang nagpapalitan sa letrang
d na hindi nagbabago ang kahulugan. (Madumi-marumi)
28. Asnan mo ang binili kong isda.
A. pagkakaltas ng ponema
C. asimilasyon
B. paglilipat diin
D. metatesis
A – Ang salitang asnan ay mula sa salitang asinan na kinaltasan ng ponemang /i/
na hindi nagpabago sa kahulugan nito.
29. Aptan mo ang nasirang bubong.
A. metatesis
B. paglilipat diin
C. pagkakaltas ng ponema
D. pagpapalit ponema
A – Ang salitang aptan ay mula sa salitang atipan na nagkaltas ng ponema at ang
nagpalitan ng posisyon.
30. Ano ang ibig sabihin nito “ wika ang kaluluwa ng isang lahi”
A. Ang wika ay kaluluwa ng isang lahi dahil naitatala nito ang kasaysayan
B. Ang wika ay may damdamin
C. Ang wika ay nakapagpapahayag ng niloloob ng tao
D. Ang tao at wika ay kapwa may kaluluwa.
C – Napapahayag ng isang lahi sa pamamagitan ng wika ang kanyang niloloob.
31. Sina Nora Aunor at Vilma Santos ay kapwa mahuhusay na artista. Taglay nila ang kahusayan sa
pag-arte, halos lahat ng kanilang pelikula ay nagbigay sa kanila ng acting awards. Si Nora ay
tinaguriang “Superstar” at si Vilam naman ay tinaguriang “Star for all seasons”. Bagamat pareho silang
sikat na artista, si Nora ay mahusay rin na mang-aawit at si Vilma ngayon ay mahusay na pulitiko.
A. Problema at solusyon
B. Depinisyon
C. Order o pagkakasunud-sunod
D. Paghahambing at Pagkokontrast
D – Sa una pinaghambing na mahusay na artista sina Nora at Vilma at sa huli
ipinakita ang pagkakaiba nila.
32. Ang gitara ay isang uri ng instrumentong pangmusika na nahahanay o nauuri sa string. Upang
tumunog ang instrumentong ito ay kailangan mo itong kalabitin ng kanang kamay at titipahin naman
ng kaliwang kamay.
A. Paghahambing at Pagkokontrast
B. Sanhi at Bunga
C. Depinisyon
D. Enumerasyon
C – Binigyan ng depinisyon kung ano at paano ginagamit ang gitara.
33. Ang isang set ng kompyuter ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi: CPU, monitor, mouse, key
board at avr. Ang opsyunal na bahagi nito ay printer at scanner. Ibig sabihin, maaaring wala ang mga
kagamitang ito.
A. Enumerasyon
B. Depinisyon
C. Sanhi at Bunga
D. Order
A – Inisa-isa ang pangalan ng mga bahagi ng kompyuter.
Basahin ang teksto sa ibaba at sagutan ang mga kasunod na aytem.
Mag-isip ka, Binata
Ikaw ay baguntao…. Malakas, makisig, matatag, maginoo, ikaw, tulad ng iyong ama ay
magiging haligi ng tahanan.
Huwaran mo ang iyong ama. Siya ang utak na namamatnugot sa inyong tahanan
samantalang ang iyong ina ang siyang katuwang sa pagpapaligaya nito. Ikaw ay galamay ng
iyong mga magulang. Ikaw ang pag-asa nila sa kanilang pagtanda. Ikaw ang dahilan ng
kanilang pagpapakasakit. Dapat mong gantihan ng kabutihan ang kanilang paghihirap.
Ngayong nag-aaral ka pa’y maaari kang tumulong sa anumang paraan. Ngunit ang
higit nilang inaasahan sa iyo ay ang pagtatapos mo ng pag-aaral. Para kanino ang iyong pagaaral? Ito’y para sa iyong kinabukasan, ipang ikaw ay maging matatag at nakahandang
tumanggap ng pananagutan. Kaya dapat mong ibigin at igalang ang iyong mga magulang.
Tungkulin mong paglingkuran sila nang buong lugod at kasiyahan. Huwag mo silang biguin sa
pangarap nila sa iyo!
34. Ang pananaw na ginamit sa teksto ay _____________
A. Unang panauhan
B. Ikalawang panauhan
C. Ikatlong panauhan
D. Walang ginamit
B – Ang ikaw ay nasa ikalawang panahunan.
35. Ang tono ng teksto ay __________________.
A. Mapangutya
B. Mapagbiro
C. Mapanghikayat
D. Mapanumbat
C – Ang tono ay nanghihikayat sa binata na pagbutihin ang pag-aaral.
36. Sa pamagat ng teksto ay mahihinuhang______________.
A. Ang teksto ay nangangaral sa mga binata
B. Ang teksto ay nagbababala sa mga binata
C. Ang teksto ay isang pagsusulit para sa mga binata
D. Ang teksto ay isang pagtawag sa atensyon para sa mga binata
B – Nagbababala ang tono ng pamagat sa pamamgitan ng pag-iisip.
37. Ang ikalawang talata ng teksto ay gumamit ng hulwarang________________.
A. Depinisyon
B. Paghahambing at Pagkokontrast
C. Problema at solusyon
D. Enumerasyon
C – Ibinigay sa teksto ang problema ng binata at binigyan din ito ng solusyon sa
katapusan.
38. Anong uri ng tayutay ang napapaloob sa pahayag na ito?
NALIGO NA SA HAMOG NG GABI ANG MGA BULAKLAK.
A. pagmamalabis
B. Pag-uuyam
C. pagpapalit-tawag
D. pagsasatao
D – Ang salitang naligo ay isang pagsasatao.
39. Ano ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao?
A. register
B. idyolek
C. sosyolek
D. mode
B – Ang bawat tao ay may kanya-kanyang katangianng pagsasalita na
tinatawag na idyolek.
40. Ang mga sumusunod na bokabularyo gaya ng court, pleading at exhibit ay
tinatawag na___.
A. Sosyolek
B. Dayalek
C. Jargon
D. Idyolek
C – Ang mga ito ay tanging bokabularyo ng mga lawyer na tinatawag na jargon
41. Sa pagbasa, ang kakayahan sa pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay ng mga
nakaraan at ng mga bagong karanasan ay tinatawag na________.
A. persepsyon o pagkilala
B. pag-unawa
C. paghawan ng balakid
D. asimilasyon
D – Asimilasyon ay pag-uugnay-ugnay ng mga bagong kaalaman sa dating mga
kaalaman.
42. Upang matamo ang mahahalagang layunin sa maunlad na pagbasa, kailangan
ang________.
A. kritikal na pag-iisip at pagpapahalaga sa mga binasa
B. imahinasyon
C. pagkilala sa kahinaan
D. interes at hilig ng bumabasa
A – Layunin ng pagbasa na malinang ang kritikal na pag-iisip at pagpapahalaga
sa binasa upang mapaunlad ito.
43. Upang matiyak kung paano magkaroon ng interaksyon ang nauunang kaalaman at
karanasang pangkapaligiran na kaugnay sa binasa ang layunin ng teoryang_________.
A. panimulang pagbasa
B. pinatnubayang pagbasa
C. schema
D. semantic webbing
C – Ang schema ay nag-uugnay sa karanasan at kaalaman na kaugnay sa
binasa.
44. Sa pagtuturo ng pagbasa sa pangalawang wika,dapat isaalang-alang__________________.
A. ang simulain ng pagkakasunud-sunod ng mga yunit ng paksang aralin
B. ang pagtatala ng mahahalagang bahagi ng araling sasaklawin
C. ang bawat bahagi ng balarila
D. ang pagsasanay na transisyon
A – Ang mga simulain at ang pagkakasunud-sunod nito ang unang isinasaalangalang sa pagtuturo ng pagbasa gamit ang pangalawang wika.
At sa mga pulong dito’y nakasabog, nagkalat, nagpunla, nagsipanahan, nangagsipamuhay, nagbato’t
nagkuta.
45. Sa saknong na ito, ang mga tunog na may salungguhit ay isang halimbawa ng ___________.
A. aliterasyon
B. tugma
C. asonasyon
D. onomatopeya
A – Aliterasyon ay paggamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng
pangungusap.
“Kung tatanawin mo sa malayong pook Ako’y tila isang nakadipang krus.”
(Halaw sa “ISANG PUNUNGKAHOY’ ni Jose Corazon De Jesus)
46. Ang taludtod sa itaas ay _______________.
A. patulad (simile)
B. pahalintulad (analogy)
C. patalinghaga (allegory)
D. padiwangtao (personification)
A – Payak na pagpapahayag na ginagamitan ng mga karaniwang parirala na
tulad ng, gaya ng, tila at iba pa.
47. Ang proseso ng paggamit sa Filipino sa iba’t ibang disiplina lalo na sa mga disiplinang siyentipiko
at teknikal ay tinatawag na______________.
A. Istandardisasyon
B. Intelektwalisasyon
C. Bilinggualismo
D. Lingua-Franca
B – Ang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang disiplina ay proseso ng
intelektwalisasyon.
48. Ang wikang ginagamit sa isang partikular na lugar ay tinatawag na_____________.
A. Wikang Pambansa
B. Wiklang Ofisyal
C. Lingua-Franca
D. Unang Wika
C – Ang lingua-franca ay isang wika na sinasalita sa isang partikular na lugar
gaya ng Maynila.
49. Ang pinakatanyag sa dulang isinulat ni Julian Cruz Balmaseda ay ang
_____________.
A. Sa Bunganga ng Pating
B. Ang Piso ni Anita
C. Isang Kualtang Abaka
D. Dahil sa Anak
A – Ito ang popular na kuwento ni Julian Crux Balmaseda.
50. Ang kalipunan ng mga tula mula kina Huseng Sisiw at Balagtas hanggang sa
makabagong makata ay ipinalimbag ni Alejandro G. Abadilla ay ang _____________.
A. Buhay at Iba pang Tula
B. Tanagabadilla
C. Ako ang Daigdig
D. Parnasong Tagalog
D – Ito ay kalipunan ng tula na nalimbag ni Abadilla na mula kina Huseng Sisiw
at Balagtas.
51. Si Jose Corazon De Jesus, ang pangunahing makatang liriko ng panulaang Tagalog ay
lalong kilala sa tawag na __________________.
A. Huseng Sisiw
B. Batikuling
C. Huseng Batute
D. Taga-Ilog
C– Ito ang bansag kay Jose Corazon de Jesus.
Hala gaod tayo, pagod ay tiisin
Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin,
Palayu-layo man, kung ating ibigin
Daig ang malapit na ayaw lakbayin
52. Ang awit na ito ay tinatawag ____________.
A. Oyayi
B. Pangangaluluwa
C. Soliranin
D. Kundiman
C- Ito ay awit sa pamamangka.
Palay siyang matino
Nang Humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
(Halaw sa “PALAY” ni Ildefonso Santos)
53. Anong uri ito ng tula?
A. Elehiya
B. Soneto
C. Oda
D. Tanaga
D – Ito ay uri ng tula na may 4 na taludtod at 7 pantig sa bawat taludtod.
Sa mata’y dilim
At hindi pa liwanag
Ang tumatabing.
54. Anong uri ng tula ito?
A. Tanka
B. Haiku
C. Tanaga
D. May sukat at tugma
B – Ito ay tulang may 17 pantig na nahahati sa 3 taludtod.
At buhat noon, tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng Luzon.
Gayon din ang bayan ng Lukban at Tayabas na nagmula sa pangalang
Bayabas at Lukban, na ang mga magulang ni Limbas
55. Ang talata sa itaas ay wakas ng isang _____________.
A. Alamat
B. Pabula
C. Kuwentong Bayan
D. Mitolohiya
A – Ito ay naglalarawan ng pinagmulan ng Bundok Banahaw.
56. Alin sa mga ito ang karaniwang nasasaksihan sa paglalamay sa patay at paligsahan sa
pangngatwiran sa paraang patula?
A. Duplo
B. Karagatan
C. Juego de Prenda
D. Balagtasan
A – Ito ay katulad ng isang debate sa paraang patula na ginagawa sa lamayan ng
patay.
57. Alin sa mga maikling kuwentong ito ang unang nagwagi ng Carlos Palanca Memorial
Awards
A. Mabangis na Lungsod
B. Sampaguitang Walang Bango
C. Kuwento ni Mabuti
D. Lihim ng isang Pulo
C – Ito ay sinulat ni Genoveva Edrosa Matute na nagkamit ng unang Palanca
Award.
58. Ang dulang ito ay itinuturing na drama simboliko noong 1903.
A. Nena at Neneng
B. Sampaguitang Walang Bango
C. Kahapon, Ngayon at Bukas
D. Lihim ng isang Pulo
C – Ito ay simbolo ng pananakop ng Kastila, Amerikano, at Hapon sa Pilipinas.
59. Sa tulang ito pinahalagahan ni Jose Rizal ang mga kabataang Pilipino.
A. Sa Aking mga Kabata
B. Mi Ultimo Adios
C. Filipino Dentro de Cien anos
D. Ala Juventud Filipina
D – Sa tulang ito sinabi ni Rizal na ang kabataan ay pag-asa ng bayan.
60. Ano ang anyo ng salitang may salungguhit sa, “ Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.”
A. Pandiwa
B. Pawatas
A – Ito ay salitang nagbibigay kilos.
C. Pangngalan
D. Pang-abay
61. Ano ang pokus ng pandiwang nagluluto?
A. Layon
B. Tagaganap
C. Tagatanggap
D. Sanhi
B – Ito ay pokus ng tagaganap dahil sa panlaping nag
62. Sa ________ ng gabi gaganapin ang pulong sa mga manunulat.
A. Ika-walo
B. Ika-8
C. Ika 8
D. Ikawalo
B – Ginagamit ang gitling kung numero ang kasunod nito.
63. Kunin mo ang walis at ________ at maglilinis ako.
A. Pangdakot
B. Pandakot
C. Pamdakot
D. Pang-dakot
B – Ang PAN ay sinusundan ng mga titik d,l,r,s,t sa pagbabagong
morpoponemiko.
64. Ang isang maliit na pangkat ng formal o makabuluhang katangian na nauugnay sa
partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal
A. idyolek
B. varayti
C. mode
D. rehistro
B – Ang varayti ay anyo ng wika na mauuri sa dalawa, permanente at
pansamantala na may kanya-kanyang katangian.
65. Ang mga mata ng may matataas na tungkulin ay maagap sa pagbibigay ng ulat. Ano
ang kumakatawan sa salitang nasalungguhitan?
A. gamit sa paningin
B. maganda
C. espiya
d. matitikas
C – Ang mga mata ay talinghaga na kumakatawan sa espiya.
FILIPINO NAT
REVIEWER
Prepared by: Bb. Cathyrine Buhisan
Download