Uploaded by Joy-Ann Dejucos

SIKFIL ALT16

advertisement
Pangalan:Joy-Ann A. Dejucos
Section:11-Samuel
Bullying
Bilang isang studyante dapat lang na matigil ang pagkalat o pagtaas ng bullying sa ating bansa dahil
nagbibigay ito ng malaking problema sa kalusugan ng mga mag-aaral. Ang “bullying” ay isang karahasan
at pang-aapi sa kapwa lalo na sa bata. Ito ay ang paulit-ulit na pangungutya, pang-aapi, pananakot at
may kasama ring pang pisikal at emosyonal na pananakit sa isang indibidwal. Matatawag na bullying ito
kung ang mga nasabi ay nararanasan at nangyayari sa isang tao. Ayon kay Perol 2016 ang bullying ay
isang uri ng pang-aapi na ginagamitan ng lakas. Para sa akin ay Ito ang isa sa dahilan kung bakit may mga
mag-aaral na ayaw nang pumasok sa paaralan dahil sa mga kapwa studyante na nananakot, pagigingsiga at pananakit. Nawawalan nalang ng gana ang mga bata na nakararanas ng “bullying”, dahil sa
paaralan talaga maraming kaso ng ganito. Siguro ay akala ng mga ito na magandang tingnan at
nakakahanga sila kapag ginawa nila ito ngunit ang hindi nila alam ay magandang maidudulot sa kanila
ang pang bu-bully sa kapwa nila.
Ang pambu-bully ay nakakaapekto sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga may
karanasang mag-aaral. Ang pangbubully ay may epekto sa tao na nakakaranas nito, pwedeng maging
trauma ito sa mga bata o sa mga kabataan na paulit-ulit na nararanasan ang pangbubully. Pwede ring
maging dahilan nang pagkakaroon ng panghihina ng loob na makisalamuha sa tao at mabalisa sa
kanyang itsura. Ayon sa Program for International Student Assessment (PISA) 2018 survey published by
the Organization for Economic Co-operation and Development (OECD). Mga 65 porsiyento ng 7,233 15taong-gulang na mga estudyanteng Pilipino ay "nag-ulat na binu-bully kahit ilang beses sa isang buwan.
Bilang isang mag-aaral, tama lang na bigyan ng proteksyon ang mga studyante at pag-aralan ang tungkol
dito dahil hindi tama na marami ang nakakaranas ng pangbubully at ang binigay na porsyento ng OECD
ay isa lamang na nagpapatunay na marami talagang nakakaranas ng pang aapi at pananakot .
Dahil dito ay nag tatag ang Deped ng batas kontra sa bullying, ito ay ang Republic Act 10627, o AntiBullying Act na maaaring magamit upang matigil ang pagtaas ng kaso ng mga studyante na nabubully o
nakakaranas nito.Kung mapapatunayang may pagkukulang ang paaralan sa pagiimbestiga ng insidente
maaaring tanggalin ng Department of Education ang lisensya nito ayon kay Castro. Kaya dapat natin na
tutukan at gabayan ang mga mag-aaral upang maiwasan ang pag taas. Mahalin natin ang kapwa natin at
wag saktan ang isa’t isa, dapat nating gawin ang tama bilang isang mag-aaral. Maaaring kaya nagagawa
ng mga nangbubully ito sa kanilang kapwa dahil isa rin sila sa nakaranas nito ngunit mali na iparanas pa
ito sa iyong kapwa. Dapat na ipagtanggol mo pa natin at gabayan kaysa sa apihin at saktan sila.
Download