PETSA: NOBYEMBRE 17, 2022 ORAS: 8:30 – 9:30 AM CLASSROOM OBSERVATION – 1ST GURO: RANIE MAY V. PIÑERO SICAYAB NATIONAL HIGH SCHOOL Sicayab, Dipolog City Di – Masusing Banghay – Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9 - Section Narra PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard): Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan. PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard): Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan, barangay /pamayanan, o lipunan/bansa. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO ( Learning Competencies) : 5.1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TTIIa-5.1) I. Layunin: Pagkatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. naipapaliwanag ang kahulugan ng karapatan at tungkulin, 2. natutukoy ang mga uri ng Karapatan ng tao na hindi maalis at ang mga kaakibat na Tungkulin nito, II. Paksang - Aralin: Modyul 1: Karapatan at Tungkulin LM: 1-9 TG: 1-6 LC Code: EsP9TT – IIa-5.1 Mga kagamitan: laptop, projector, manila paper, pentel pen III. Pamamaraan sa Pagtuturo A. Panalangin B. Pagsuri ng Attendance C. Paalala ng mga Alituntunin sa Klase D. Pagpapahayag sa mga layunin E. Balik Aral Ang mga Karapatan na Alam Mo at Ang mga Tungkulin na Gagawain Mo F. Pagganyak “With Great Powers Comes With Great Responsibility” Ano nga ba ang mensahe na nais ipabatid ng linyang ito? Paano mo maisasakatuparan ang iyong Kapangyarihan na may kasamang Responsibilidad? G. Tuklasin GAWAIN 1: Guess the Jumbled Word Game Tuklasin ang mga larawan. Ayusin ang mga letra upang mahulahan ang tamang salita. KRA 1 Objective 1: Integration of Aral Pan. (Mga Uri ng Karapatang Pantao) Panuto: 1. Suriin ang mga Larawan 2. Ayusin ang mga Letra upang mahulaan ang tamang Salita. 1. Karapatan sa Buhay 2. Karapatan sa Ari-Arian 3. Karapatan Magpakasal 4. Karapatan Pumunta sa Ibang Lugar PETSA: NOBYEMBRE 17, 2022 ORAS: 8:30 – 9:30 AM 5. Karapatan Sumamba CLASSROOM OBSERVATION – 1ST GURO: RANIE MAY V. PIÑERO 6. Karapatan Maghanapbuhay 1. Sa iyong nalaman, alin para sa iyo ang pinakamahalagang Karapatan? Pangatwiranan. 2. Naging madali ba para iyo ang pagtukoy sa iyong mga karapatan? Bakit? 3. Paano nakatutulong ang mga karapatang ito upang maabot mo ang iyong kaganapan bilang tao? H. Suriin Panoorin ang Video tungkul sa Karapatan at Tungkulin upang mas maunawan ang aralin. (KRA 1,Objective 2) (Integration of ICT) https://www.youtube.com/watch?v=ylVWdSEDDSw&t=123s KARAPATAN – ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay. TUNGKULIN – Ito ang obligasyong moral na gawin ang isang gawain. - Kailangang gawin ang mga tungkulin sapagkat ito ay nararapat o nakabubuti. Mga Uri ng Karapatang Hindi Maaalis (inalienable) 1. Karapatan sa buhay. Ito ang pinakamataas na antas ng karapatan. Dapat itong mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib. 2. Karapatan sa pribadong pagmamay-ari. Kailangan ng tao ang mga ari-arian upang mabuhay ng maayos at maging produktubong mamamayan. 3. Karapatang magpakasal. May karapatan ang tao na bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal. 4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. Kasama sa karapatang ito ang lumipat sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o kaligtasan sa panganib. 5. Karapatan sa pananampalataya. Bawat tao ay malayang pumili ng relihiyon na makakatulong sa kanya upang mapaunlad ang kanyang pagkatao. 6. Karapatang maghanapbuhay. Ang tao ay may karapatan sa disenteng hanapbuhay upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay. I. Pagpapalalim Ibigay ang anim na Uri ng Karapatan na Hindi Maiaalis at Talakayin kung ano ang katumbas na Tungkulin ng bawat isa. KARAPATAN 1. Karapatan sa buhay TUNGKULIN - Pangalagaan ang kanyang kalusugan at sarili laban sa panganib 2. Karapatan sa pribadong pagmamay-ari 3. Karapatang magpakasal - Pangalagaan at palaguin ang kanyang mga ariarian at gamitin ito sa tama - Suportahan at gabayan ang pamilya upang maging mabuting tao - Kilalanin limitasyon ng sariling kalayaan. Pagsunod sa batas ng linipatang lugar - Igalang ang relihiyon at paraan ng pagsamba ng ilan - Magpunyagi sa trabaho at magpakita ng kahusayan sa gawain 4. Karapatang pumunta sa ibang lugar. 5. Karapatan sa pananampalataya 6. Karapatang maghanapbuhay PETSA: NOBYEMBRE 17, 2022 ORAS: 8:30 – 9:30 AM CLASSROOM OBSERVATION – 1ST GURO: RANIE MAY V. PIÑERO J. Pagsasabuhay ng mg Pagkatuto Gawain 2: Group Activity: Karapatan Ko, Tungkulin ko ay Ano? Bumuo ng limang pangkat. Sa pamamagitan ng 4 na larawan, tukuyin ng bawat miyembro ng pangkat ang mga larawan kung anong Karapatan ang ipinapakita at ibigay ang bawat katumbas na tungkulin nito. Pumili ng Reporter na mag-uulat sa mga naitalang sagot. 1. ______________ 5. ______________ 2. _______________ 6. _______________ 3. ______________ 7. ______________ 4. _______________ 8. _______________ RUBRIK SA PAGSASABUHAY NG PAGKATUTO Kraytirya/Puntos 15 10 5 Naipaliwanag ang konsepto ng karapatan at tungkulin Nakapagpapaliwanag ng maayos at may kahusayan sa konsepto ng karapatang pantao at tungkulin Nakapagpapaliwanag ngunit kulang sa kahusayan at ayos sa konsepto ng karapatang pantao at tungkulin Naipakita ang kaukulang at makabuluhang tungkulin para sa karapatang pantao Naipakita nang maayos at makabuluhan ang tungkulin para sa karapatang pantao Hindi masyadong maayos at makabuluhan ang naipakitang tungkulin para sa karapatang pantao Hindi naipakita ang tungkuling angkop sa karapatang pantao Naisakatuparan ang gawain nang may kooperasyon at kahusayan Mahusay ang pagsasagawa ng gawain at ang lahat ay may kooperasyon Hindi masyadong mahusay ang pagsasagawa ng gawain at hindi lahat ay tumulong sa gawain Hindi naisakatuparan ang gawain nang maayos at walang nakitang koopersyon sa lahat ng mga kasapi sa pangkat Hindi nakapagpapaliwanag sa konsepto ng karapatang pantao at tungkulin K. Paghinuha at Pagtaya ng Pag-unawa Tanong: Bakit mahalagang maunawaan ang kaugnayan ng karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan? Kaakibat sa KARAPATAN ng isang Tao ang OBLIGASYON ng kaniyang kapuwa na igalang ito at ang kanyang obligasyon na tuparin ang kaniyang mga tungkulin. Matutugunan mo ang tawag sa pagbuo ng iyong kapwa at kung tutuparin mo nang mapanagutan ang iyong mga tungkulin. Tanong: Bilang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang Karapatan at Tungkulin ngayon nasa krisis pa ang ating bansa? PETSA: NOBYEMBRE 17, 2022 ORAS: 8:30 – 9:30 AM CLASSROOM OBSERVATION – 1ST GURO: RANIE MAY V. PIÑERO IV. Ebalwasyon Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa? A. Karapatan C. Kalayaan B. Isip At Kilos-loob D. Dignidad 2. Ang pamilya ni Ferdie ay nagmamay-ari ng malaking lupain sa probinsiya ngunit isang araw Sapilitan silang pinaalis ng mga armadong mga tao na nais kamkamin ang kanilang lupain. Anong karapatan ang nilabag sa sitwasyon? A. Karapatan sa buhay B. Karapatang sumamba C. Karapatan sa pribadong ari-arian D. Karapatang magpakasal 3. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin kapag nakapunta ka sa ibang lugar/bansa? A. Mamamaasyal buong araw upang mag-enjoy B. Igagalang ang batas at pribadong boundary C. Mamimili ng mga souvenirs upang may maipasalubong D. Makikipagkaibigan sa mga banyaga 4. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon? Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib Maging mabuting halimbawa sa pagsasabuhay ng mga birtud Pag-iwas sa eskandalo A. Karapatan sa buhay B. Karapatang magpakasal C. Karapatang pumunta sa ibang lugar D. Karapatang maghanapbuhay 5. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral? A. Pagsuot ng uniporme B. pagsuot ng Identification Card (ID) C. Pagpasok sa paaralan sa takdang oras D. Lahat ng mga nabanggit V. Takdang-Aralin Magsaliksik tungkul sa iba pang mga karapatan ayon sa UDHR mula Artikulo 1-30. Pag aralan ito. Prepared by: Ranie May Villanos-Piñero Secondary School Teacher III