ISANG MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8 I. Mga Layunin: Pagkatapos ng animnapung minutong talakayan, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nakatutukoy ng komunikatibong paggamit ng mga pahayag o mga paraan ng pagpapahayag; b. Nakabubuo ng sariling pangungusap na gamit ang iba’t ibang komunikatibong paggamit o paraan ng pagpapahayag. II. Nilalaman Paksa: Mga Komunikatibong Paraan ng Pagpapahayag Panitikan: “ Pintig, Ligalig at Daigdig” ni Jet Oria Gellecanao (Sanaysay) Sanggunian: Modyul para sa Mag-aaral (Batayang Aklat Filipino 8) Kagamitan: mga larawan, istrip ng mga salita, istrip ng mga pahayag, kuwadrong pasalaysay Pagpapahalaga: “Mabilis na lumilipas at nagbabago ang panahon kaya’t laging maging handa sa mga panibagong hamon.” III. Proseso ng Pagkatuto GAWAING GURO A. BALIK-ARAL: Magandang umaga sa lahat! GAWAING MAG-AARAL Magandang umaga po mga guro. Ngayong umaga ay magkakaroon tayo ng panibagong aralin. Ngunit bago iyan ay balikan muna natin ang huling paksa na ating tinalakay. Ano ang paksa na tinalakay natin noong nakaraang pagkikita? Ang tinalakay natin noong nakaraang pagkikita ay tungkol sa mga karaniwang uri ng anggulo at kuha ng kamera sa isang dokumentaryong pampelikula. Tama. Ano-ano ang mga ito? (Random na pagsagot) Establishing/ long shot, Medium Shot, Close-up Shot, Extreme Close-up, High Angle Shot, Low Angle Shot, Bird’s Eye View, at Panning Shots. Magaling. Ang tatalakayin natin ngayong umaga ay karugtong ng ating naunang talakayan tungkol sa dokumentaryong pelikula. Handa na ba kayo? Opo. Magsimula na tayo. B. PAGGANYAK Mayroon ako ritong inihandang mga larawan sa pisara. Ang gagawin niyo ay papangkatin ang mga larawan sa dalawa ayon sa inyong pagkakaunawa. Maliwanag ba? Opo. (Random na pagpili ng mga mag-aaral ) (Papangkatin ang mga larawan sa dalawa) Ngayon, base sa inyong pagpapangkat ng mga larawan. Ano ang inyong napansin sa mga ito? Simulan natin sa unang pangkat. Tama. Magaling! Ang unang pangkat ng mga larawan ay nagpapakita ng mga gawi at kaasalan ng mga tao noon lalong-lalo na ng mga kabataan. Sa ikalawang pangkat ng mga larawan naman. Tama. Ang ikalawang pangkat ng mga larawan ay nagpapakita ng mga kasalukuyang gawi ng mga kabataan. C. PAGLALAHAD Ang mga larawang ito ay may kaugnayan sa paksang ating tatalakayin sa umagang ito. Ang unang pangkat ng mga larawan ay nagpapakita ng magagandang gawi ng mga tao noon. Ang ikalawang pangkat ng mga larawan ay nagpapakita ng mga nakagawian ng mga kabataan ngayon. Ngayong umaga ay tatalakayin natin ang isang sanaysay tungkol sa ang mga kinagawian ng mga kabataan noon na unti-unting binago ng mabilis na paglipas ng panahon. Ito ay pinamagatang “Pintig, Ligalig at Daigdig” ni Jet Oria Gellecanao. Sagot Ano ang inyong nahihinuha sa pamagat ng ating sanaysay? D. PAG-ALIS NG SAGABAL Bago natin talakayin ang sanaysay ay alamin muna natin ang mga mahihirap na salita na ating makasasalubong sa sanaysay na maaring makasagabal sa atin sa lubusang pag-intindi nito. Mayroon ako ritong inihandang mga pangungusap na naglalaman ng mga mahihirap na salita na nakasalungguhit. Katabi nito ay ang kanikanilang kasingkahulugan. Buuin ang kasingkahulugan ng mga mahihirap na salita sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga letra upang mabuo ang tamang kasingkahulugan. Maliwanag ba? 1. Bago ka gumawa ng mahahalagang desisyon, magbulay-bulay ( AGM-IPIS-SIPI) ka muna. Opo. Ma’am MAG-ISIP-ISIP 2. Biglang lumakas ang pintig (OITBK ) ng kanyang puso ng makita ang hinahangaan. TIBOK 3. Nagkatuwaan ang umpukan ( RUGOP ) ng mga kabataan sa plaza. GRUPO 4. Sama-sama nating ipaglaban ang pagpigil sa kasamaan dito sa ating maligalig ( UGMAOL )na lipunan. MAGULO 5. Hindi ganoon kadali ang pagpuksa ( IGLPAGIP ) sa mga katiwaliang nagaganap sa bansa. PAGPIGIL PAMATNUBAY NA TANONG Ano ang nais ipahiwatig ng sanaysay? E. PAGTATALAKAY NG AKDA (Uupo ng matuwid ang lahat at makikinig sa guro) “Pintig, Ligalig at Daigdig “ ni Jet Oria Gellecanao (Pangkatang Pagbabasa ng Malakas) Pagsagot sa Pamatnubay na Tanong Ano ang nais ipahiwatig ng sanaysay? (Magbabasa ng salitan ang bawat pangkat.) Nais po ipahiwatig ng sanaysay na mabilis na lumilipas ang panahon at sa paglipas nito ay maraming pagbabago, maraming hamon na kailangang harapin at tanggapin lalong lalo na naming mga kabataan upang mapatunayan ang aming mga sarili. Mga Komunikatibong Paraan ng Pagpapahayag. Ang bawat pahayag na ating sinasabi ay tumutugon sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang maiparating ang ninanais na mensahe at reaksyion. Isa pang mahalagang aspekto ng dokumentaryong pampelikula ay ang Komunikatibong Paggamit ng mga pahayag o mga Uri ng pagpapahayag. Sa pamamagitan nito, higit nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa paraan ng kaniyang pananalita. a. Pagpapahayag at Pag-alam sa kaisipan at saloobin 1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (PAGTANGGAP) Salitang karaniwang ginagamit sa Pagtanggap. Tinatanggap/ Taos-puso kong tinatanggap Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salitang ito. “Tinatanggap ko na hindi na magiging tayo.” “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong paghingi ng tawad.” 2. “Maaari kayang mangyari ang kanyang mga hinala?(PAG-AALINLANGAN) Mga salitang karaniwang ginagamit sa pag-aalinlangan. Ito’y karaniwang nagiiwan ng mga katanungan sa isip ng isang tao. Maaari Hindi ako nakasisiguro “Kaya” Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salitang ito. “Maaari kaya akong dumalo sa pagtitipon? “Hindi ako nakasisiguro sa magiging kalalabasan nito.” “Kailangan kaya na pumunta ako sa pagpupulong?” 3. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” (PAGSANG-AYON) Mga pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsangayon. Sang-ayon ako Tama Iyan ang nararapat Pareho tayo ng iniisip Ganyan din ang palagay ko Oo Tunay Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita. Pumili lamang ng dalawa. “Tunay ngang kahanga-hanga ang kanyang katapangan.” “Pareho tayo ng iniisip tungkol sa kanya.” b. Pagpapahayag at Pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita ipinadarama. c. 1. Mag-ingat ka sa iyong mga lakad.” (PAGBIBIGAY-BABALA) Mga salitang ginagamit sa pagbibigaybabala “Mag-ingat ka sa iyong pagbibigay ng tiwala sa iba.” - Mag-ingat “Huwag kang padalos-dalos sa iyong mga pasya.” - Huwag Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita. 2. “Sayang, tama sana ang aking kasagutan.” (PANGHIHINAYANG) Mga salitang ginagamit na nagpapakita ng Panghihinayang. - Sayang “Sayang at hindi ko inabutan ang iyong pag-awit.” - Sana “Sana hindi na ako umibig para hindi ako nasaktan.” - Kung “Kung nakinig lamang ako kay ina hindi ako Bumuo ng pangungusap gamit ang mapapariwara.” mga salita. F. ABSTRAKSYON Balikan natin ang sanaysay. Hanapin niyo sa sanaysay ang mga halimbawa ng mga komunikatibong paraan ng pagpapahayag na ating tinalakay. Pagtanggap- “ Taos-puso po naming tinatanggap ang inyong mahalagang mga paalala at mga gintong kaisipan.” Pag-aalinlangan- “Maari kayang mangyari ang iba’t ibang mga hula ng mga tao tungkol dito.” Pagsang-ayon- “Talagang sang-ayon ako sa mga pahayag na ito.” Pagbibigay-babala- “Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at baka ika’y madapa, mas malalim ang sugat.” Panghihinayang- “Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon.” Sa kabuuan, ano ang natutunan niyo sa sanaysay? Natutunan po namin sa sanaysay na tinalakay na mabilis na nababago ng panahon ang kinagawian ng mga tao dahil sa pag-usbong ng teknolohiya. G. PAGLALAPAT Ngayon ay magkakaroon kayo ng pangkatang gawain. Papangkatin ko kayo sa lima. Bumunot ang bawat isa sa kahon. Ang may magkaparehang kulay ay magkagrupo. Hanapin niyo ang inyong mga kasama at umupo kasama sila. (Bubunot sa kahon ang bawat mag-aaral) (Hahanapin ng bawat mag-aaral ang kanilang mga kapangkat) Ang gawain natin ay pinamagatang “Feeling ko, Hulaan mo” Mayroon akong inihandang sampung mga pahayag. Itataas ko ang bawat pahayag at sabasabay ninyo itong babasahin. Bibigyan ko kayo ng mga istrip ng inyong kasagutan. Pagkatapos niyo basahin ang pahayag ay bibigyan ko kayo ng limang segundo upang itaas ang inyong mga sagot. Huhulaan niyo kung ano ang damdamin (Komunikatibong Paraan ng Pagpapahayag) ang ginamit sa pahayag. (Ang bawat pangkat ay nakikinig sa guro) Ang pangkat na makakakuha ng pinakamataas na puntos ay siyang mananalo at magkakaroon ng gantimpala. Maliwanag ba? Opo. Ma’am. IV. Pagtataya Mga Panuto: Tukuyin ang damdamin o saloobin na ipinahihiwatig ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bawat bilang. __________ 1. “Nakapagtapos sana ako ng pag-aaral kung nagpakatino ako.” __________ 2. “Totoo kaya ang lahat ng kanyang ipinagtapat sa akin?” __________ 3. “Tama ang iyong sinabi, kailangan natin ng pagbabago sa gobyerno.” __________ 4. “Tinatanggap kong nagkamali ako at dapat lang na ako’y maparusahan.” __________ 5. “Ama, mag-ingat ka sa iyong paglalakbay, mapanganib sa daan.” V. Kasunduan/Takda Maghanap ng isang maikling kuwento na gumagamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na tinalakay. Isulat ang mga pahayag sa kalahating papel at tukuyin ang pagkakagamit nito sa kuwento. Inihanda ni : Angela Mae D. Lim BSE-Filipino (PNU-VISAYAS) Critic Teacher: Mrs. Josephine Martinez