Uploaded by bernadinescobarjr039

PANANAW NG MGA G11 STEM SA MARIAN COLLEG

advertisement
PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA MARIAN COLLEGE (G11-STEM)
UKOL SA KANILANG UNANG TAON SA SENIOR HIGH PARA SA
AKADEMIKONG TAON (2018-2019)
Isang Pamanahonang-papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng
Filipino sa Senior High School ng Marian College
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino:
Pagbasa at Pagsuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ipinasa ng Ika-Anim na Pangkat
Ipinasa kay:
Jhon Clark Dequeros
Guro
Pangalawang Semester
Kolehiyo ng Marian
(2018-2019)
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 11,
Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang
pamanahonang papel na ito na pinamagatang Pananaw ng mga Mag-aaral sa
Marian College (G11-STEM) ukol sa Kanilang Unang Taon sa Senior High para
sa Akademikong Taon (2018-2019) ay inihanda ng pangkat ng mga
mananaliksik mula sa baitang 11 seksiyon St. Pedro Calungsod na binubuo
nina:
Dagupan, Kenneth Ivan O.
Felicia, Almalene Kaye M.
Durano, Jerry Jr. B.
Perez, Melovem Grace C.
Singit, Ramon Jr. Q.
Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Marian College bilang isa sa
mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Jhon Clark A. Dequeros
Guro
Marso 2019
PASASALAMAT AT PAGKILALA
Hindi tayo bibigyan ng poong maykapal ng pagsubok na hindi natin makakaya
bilang mag-aaral isang bagong pagsubok na naman ang napagtagumpayan at
nalagpasan.
Sa poong maykapal, maraming salamat po sa pag gabay sa amin at sa
pagbibigay ng suporta. Hindi niyo kami pinabayaan sa oras ng aming gawain,
nandiyan ka pa rin upang bigyan kami ng lakas at pag-asa at ng wastong
kaisipan upang aming matapos ang pamanahong papel na ito.
Sa aming mga magulang, maraming salamat po sa walang sawang pagbigay ng
suporta upang gawin namin ang aming makakaya para sa aming kinabukasan.
Sa pagbigay ng pinansyal upang aming matapos ang pamanahonang papel na
ito.
Sa mga mag-aaral ng G11-STEM, seksyon ng St. Padre Pio at St. Vianney, kami
po ay lubos na nagpapasalamat sa inyo, maraming salamat sa pagbigay ng
atensyon at pagbabahagi ng inyong kaalaman upang aming magamit sa
pag-aaral na ito.
Sa aming munting Dobby na aming moody, masungit ngunit butihing guro na si
G.Jhon Clark A. Dequeros, maraming salamat po sa walang sawang suporta sa
amin upang mabuo ang pamanahong ito. Kahit na minsan ay masyado kayong
maarte sa mga patakaran sa pamanahong papel ngunit batid naming nais niyo
lamang kaming hubugin upang mas mapalawak ang aming kaalaman. Marami
pong salamat Ginoo.
Sa mga adviser ng aming mga respondente, marami pong salamat sa pagbigay
sa amin ng pahintulot upang maka servey ang inyong mga estudyante.
Sa mga editor at awtor ng mga artikulong aming pinanghanguan ng
mahahalagang impormasyon upang mabuo ang aming ikalawang kabanata,
maraming salamat.
Sa kanilang lahat, buong puso po kaming nagpapasalamat ng marami.
-Mga mananaliksik
KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
INTRODUKSYON
“Ang edukasyon ang susi tungo sa magandang kinabukasan at kahit kailan ay
hindi mananakaw sayo ng kahit na ninuman.”---Madalas ito ang maririnig ng
mga bata sa mga matatanda kapag pinangangaralan sila tungkol sa kanilang
edukasyon. Karamihan sa ating lipunan ay labis ang pagpapahalaga dito at sa
kadahilanang iyon ay ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang bagong
kurikulom na naglalayong pataasin ang kalidad ng ating edukasyon, ito ay ang
K-12.
Sa ilalim ng Republic Act No. 10533, naisulong ang K-12 na bagong kurikulom
na ngayon sa ating bansa na pinirmahan ng ating dating Pangulong Benigno
Aquino III. Sa ilalim ng K-12, magsisimula ang bata sa kanyang pag-aaral sa
Kindergarten, 6 na taon sa Elementarya, 4 na taon sa Junior High School at 2
taon sa Senior High, ito ang karagdagang taon na ipinatupad. Layunin nito na
mas paunlarin at hasain ang mga mag-aaral sa kanilang kakayahan base sa
kanilang napiling strand. Bagkus, ito ang hinahanap ng mga employee ng ibang
bansa, ibig sabihin mas madaling makakahanap ng trabaho sa hinaharap.
Kabilang sa mga paaaralan na nagbukas ng Senior High ay ang Marian College
kung saan ay mayroong tatlong strand na maaring tahakin --- ang Science,
Technology, Engineering and Mathematics (STEM), Accounting, Business and
Management (ABM) at Humanities and Social Sciences (HUMMS). Masasabing
lahat ng strand ay may kanya kanyang obligasyon para hasain ang mag-aaral
na pimili nito ngunit madalas marinig na ang STEM na strand ay kinatatakutan
ng mga mag-aaral na kunin sapagkat maraming asignaturang Agham(Science)
at Matematika (agham na madalas na marinig na mahirap) ngunit parte ito
para sa mga may gustong kumuha ng inhinyero, pagdodoktor at mga
trabahong may kinalaman sa Science at Mathematics.
Bunsod nito, ay nangangailangan ng masusing pananaliksik kung ano ang
tunay na saloobin at pananaw ng mga mag-aaral ukol sa kanilang unang taon
sa Senior High. Kung sapat ba ang kalidad ng edukasyon ng Marian College at
kung may kakulangan ba upang magawan ng paraan ito ng sa gayon ay
maituwid at masiguradong makamit ng maayos ang layunin ng K-12 kurikulom
na dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral ng Grade 11 STEM sa Marian College
ukol sa kanilang unang taon sa Senior High sa aspeto ng mga pasilidad, aklat,
at guro?
2. Ano-ano ang ang mga suliranin na kinakailangan aksyonan at bigyan ng
pagpapabago upang mapabuti na makakatulong sa kalidad ng edukasyon sa
nasabing strand?
3. Ano-ano ang mga ebalwasyon na kakailanaganin at angkop upang
matugunan ang naturang suliranin ng mga mag-aaral sa kasapatan ng aklat,
pasilidad at gayon din sa paraan ng pagtuturo ng mga guro?
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa kahalagahang hatid, hangad ng pananaliksik na ito na makatulong at may
kaalamang maibahagi sa mga sumusunod:
Para sa mga mag-aaral ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang ang
kanilang saloobin at pananaw ukol sa kanilang unang taon sa Senior High ay
maipaabot sa administrasyon ng paaralan upang matugunan at mabigyan ng
ebalwasyon. Bagkus, makakatulong ito upang ang sumunod na taon ay
mapabuti at matugunan ang hangad na dekalidad na edukasyon.
Para sa administrasyon makakatulong ito upang matukoy nila ang kanilang
mga aspekto na nangangailangan ng iilang pagbabago o pagpapabuti ng sa
gayon ay mas mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga pumili ng STEM
strand. Dagdag pa nito ang paaralan ay magiging mas kaaya-aya sa mga
mag-aaral dahil sa dekalidad na edukasyon na binabahagi nito.
Para sa Kagawaran ng Edukasyon ang pagbabago ay nagsisimula sa loob ng
isang paaralan ay makakatulong upang maka impluwensya sa iba. Sa
pamamagitan
ng
panananaliksik
na
ito
ang
mga
mababanggit
na
rekomendasyon ay maaring makakatulong sa kagawaran upang mapalawak at
mas mapabuti pa ang hinahangad ng mamayan na dekalidad na pag-aaral.
Maari silang makakuha ng ideya sa pananaliksik na ito na galing mismo sa
pananaw ng mga mag-aaral upang kanilang bigyan ng pansin at ebalwasyon.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay mag popokus lamang sa
makakalap na pananaw ng mga mag-aaral sa Marian College na nasa Grade
11-Stem para sa akademikong taon 2018-2019. Ang nabanggit na strand at
baitang lamang ang saklaw ng pag-aaral kung saan doon lang kukunin ang
impormasyon at mga kalahok.
Ang pananaliksik na ito ay magbibigay lamang ng karampatang atensyon sa
pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa unang taong pagtungtong nila sa
Senior High na makakalap sa pamamagitan ng gagawing servey. Ang mga
impormasyon na makakalap ay naayon lamang sa mga surbey questionaire na
ibinigay ng mga mananaliksik sa kanilang mga intervyuwi.
DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA
K-12 Curriculum - programang ipinatupad ng pamahalaan at ng Kagawaran
ng Edukasyon. Ito ang karagdagang grade 11 at 12 na naglalayong tulungan
ang ating mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang
sa buong Asya, kundi sa buong mundo.
Senior High School - karagdagang dalawang taon ng pag-aaral na may
kinalaman sa ispisipikong kurso na tatahakin upang magsilbing paghahanda sa
kolehiyo o maaaring sa negosyo o trabaho depende sa kinuhang strand.
STEM Strand - acronym ng Science, Technology, Engineering and
Mathematics, isang strand sa pang-akademikong track na inihanda ang isang
senior high school student na nais kumuha ng kurso sa kolehiyo na nagpupokus
maging graduate ng Bachelor of Science.
ST. VIANNEY AT ST. PADRE PIO - Grade 11 seksyon sa Marian College
kung saan ang strand ay STEM na ginawang respondente at pinagkuhanan ng
impormasyon ng mga mananaliksik.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ang persepsyon o pananaw ay paraan kung paano magbigay kahulugan ukol sa
pakiramdam na konektado sa mundo (www.bussnessdictionary.com, 2014). Sa
pamamagitan nito nabibigyan ng kahulugan ang mga materyal na bagay o
pangyayari. Ang mga persepsyon na ito ay nagiging abstraksyon (Angel, 1906).
Ang STEM ay pinagisang salita para sa Science, Technology, Engineering at
Mathematics. Ito ay isang strand na nakapaloob sa academic track ng bagong
kurikulum pang-edukasyon sa Pilipinas. Ang mga kasanayan na dapat
isaalang-alang ng isang mag-aaral ng kursong STEM ay ang pagkakaroon ng
kakayahang makapag-analisa, makabuo ng mga proyekto at kakayahang
makapag-isip ng mga konklusyon mula sa mga resulta ng isang pananaliksik.
Kinakailangan din dito ang kasanayan sa matematika, agham at teknikal.
(Concepcion Effraime. 2017)
Ang edukasyon ng STEM ay resulta ng ilang kasaysayang pangyayari. Ang
pinakatanyag na nauukol dito ay ang mga Morrill Act of 1892. Habang parami
ng parami ang mga institusyon na naitayo mas lalong nadagdagan ang training
na kaugnay ng STEM Strand (Butz et al.,2004).
Ang programang K-12 ay nilagdaan ni dating pangulong Benigno Simeon
“Noynoy” Cojuanco Aquino III sa Pilipinas noong taong 2012. “K” na ang ibig
sabihin ay kindergarten at 12 na sumisimbolo ng dalawampung taon ng beysik
na edukasyon. Anim na taon sa elementarya, apat na taon naman sa junior
high school at dalawang taon sa senior high school. Ito ay naglalayon na
baguhin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sapagkat ayon sa Kagawaran
ng Edukasyon ang Pilipinas ay huling bansa sa Asya at tatlo na lamang ang
bansang natitira na may makalumang antas ng edukasyon sa buong mundo.
Dinagdagan ng 2 taon ang edukasyon upang makasiguro na ang bawat
mag-aaral ay kayang makipagsabayan at mahasa ang kaalaman na kanilang
magagamit sa pagta-trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ang mga
estudyante ng Asya ay nagpakita ng kasaysayan ng pinakamataas na antas ng
interes sa mga patlang ng STEM (Stem: Ngayong Makabagong Henerasyon.
2017, Hulyo 22).
Ang mga guro sa STEM strand ay gumagawa ng sulosyon at nakikipagtulungan
sa kanilang mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng mga aktibidad na
naglalayong matulungan ang kanilang kritikal na pag-iisip, komunikasyon,
assessment, at mga kasanayan sa pagtatanong. Iyan ay isang kahangahangang paglalarawan sa trabaho; gayunpaman marami ang naglalahad na
ang sistema ng pagtuturo sa STEM strand ay magulo, hindi naayon, napuno ng
kahilahilakbot na programa at marami pa sa pagitan nito. Hindi iyon
nakakapagtaka sapagkat ang STEM na isa sa strand ng K-12 ay bago pa
lamang nagsimula (Jolly, Anne. 2012. Real-world Stem problems).
Ayon kay dating pangulong Noynoy Aquino, sa K-12 tiwala tayong mabibigyan
lakas si Juan dela Cruz upang mapaunlad---hindi lamang ang kanyang sarili at
pamilya---kundi maging ang buong bansa. Gaya rin ng sinabi ni Jessica Wilhelm,
isang assistant professor ng psychology sa Florida Tech ay nagsabi, “Kung ang
isang tao ay nasanay na maraming pagsubok noong bata pa lamang ay
siguradong makakamit ang mas higit pang inaasahang tagumpay.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng
pananaliksik.
Napili
ng
“Descriptive-Qualitative
mga
Survey
mananaliksik
Reseach
ang
Design”,
na
pag
gamit
ng
gumagamit
ng
talatanungan (survey questionnaire) para makakalap ng mga datos. Naniniwala
ang mga mananaliksik na sa pamamagitan ng metodolohiyang ito mapapabilis
ang pangangalap ng mga datos mula sa dalawang seksyong pagkukunan ng
impormasyon.
Nakalimita lamang ang mga tagasagot sa mga talatanungan sapagkat
nakapokos ang pag-aaral sa nasabing strand at ang kanilang pananaw lamang
ang magbibigay epekto sa pag-aaral na ito, ngunit ang uri ng disenyong
ginamit ay hindi nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung
lubos itong nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral
kung saan maaari ring makakuha ng rekomendasyon mula sa mga
respondente.
Pinananiwalaan ng mga mananaliksik na ang disenyong ito ay magiging mabisa
sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging
epektibo sa pananaliksik.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang
pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga impormasyon at datos na
magagamit sa pag-aaral. Nagsagawa rin ng maikling oryentasyon ang mga
mananaliksik sa mga respondente bago nila sagutin ang mga nakalaang tanong
upang lubos silang makaunawa at malinawan bago pinamahagi ang mga
talatanunggan.
Ang mga mananaliksik mismo ang pumunta sa mga respondente upang
masigurado at walang nangyayaring pandadaya sa oras ng pangangalap ng
impormasyon.
Ang pag-aaral ay nagsimula Disyembre hanggang Pebrero sa taong
kasalukuyan.
Tritment ng mga Datos
Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente
na tumugon sa talatanungan ay ipagsasama. Ang mga datos na nakalap ay
magsisilbing kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga
datos na nakalap ay ikukumpara at bigyan atensyon ng mga mananaliksik kung
ano ano ang mga pananaw ng mga respondente sa nasabing pag-aaral.
Gagamit ng Descriptive Statistical Analysis ang mga mananaliksik upang
ipresenta ang mga datos kung saan gagamit ng mga talaan upang suriin ang
mga nakalap na datos. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil mas madaling
maintindihan ang mga datos sapagkat naka buod ang mga ito sa iba’t ibang uri
ng talaan gaya ng talahanayan, tsarts at graphs at magkakaroon rin ng
pagtalakay sa mga resulta ng mga datos.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Kasarian
Seksyon
44%
50%
50%
56%
St. Vianney:30
Babae: 27
St. Pio: 24
Lalaki: 27
15%
48%
37%
Old: 26
Transferee: 20
Unspecified: 8
Figure 1: Populasyon ng mga Mag-aaral
Makikita sa itaas na graph ang populasyon ng mga G11 na mag-aaral sa Marian
College na kumuha ng STEM na strand. Ang mga datos ay mula sa dalawang
seksyon ng nasabing strand.
Nasa tatlumpong (30) respondente ang nakuha ng mga mananaliksik mula sa
St. Vianney at dalawampu’t apat (24) naman sa St. Padre Pio. Sa kabuoan ng
populasyon pareho ang bilang ng babae at lalaking respondente. Sa ikatlong
kulom ng graph makikita ang 26 na dati na ditong nag-aaral at mga mag-aaral
na bago lamang sa paaralan na may 20 sa mga nakuhang respondente,
samantala 8 naman ang hindi sumagot o unspecified sa hindi malamang
dahilan.
Kabuoang resulta tungkol sa kung sapat ba ang mga kagamitan na
kinakailangan sa strand
Overall Result
Marami bang aktibidad ang nagaganap kaugnay sa
inyong strand (STEM)?
Maayos ba ang representasyon ng mga guro sa
kanilang mga paksa?
Maayos ba ang mga pasilidad sa inyong silid-aralan?
Sapat ba ang mga kagamitan na kinakailangan sa
strand?
0
Oo
5
Medyo
10
15
20
25
30
35
40
45
50
Hindi
Figure 2: Kasapatan ng Pasilidad
Ang graph na nasa itaas ay ang kabuoang resulta tungkol sa kung sapat ba ang
mga kagamitan na kinakailangan sa strand, ang isyu sa kaayusan ng mga
pasilidad sa silid aralan, presentasyon ng mga guro sa kanilang mga paksa at
mga aktibidad na nangyayari kaugnay ng nasabing strand.
Sa isyu ng mga aktibidad na nagaganap sa paaralan na kaugnay sa strand (34)
tatlumpu’t apat ang nagsabing medyo, labing lima (15) ang nagsabing
maraming aktibidad ang nangyayari, at nasa tatlo (3) lamang ang nagsabi ng
hindi. Ang populasyon ng respondente ay nasa limampu’t apat. Dalawang (2)
respondente ang piniling hindi sumagot.
Sa parte kung saan tinatanong kung maayos ba ang representasyon ng mga
guro sa kanilang paksa dalawamput tatlo (23) ang nagsabing oo, dalawamput
siyam naman ang nagsabing medyo at dalawa(2) lamang ang nagsibi ng hindi.
Kaugnay ng mga pasilidad sa silid aralan nasa tatlumpu’t isa (31) ang
nagsabing medyo, dalawampu’t isa (21) ang nagsabing maayos ang mga
pasilidad sa kanilang silid aralan at dalawa (2) lamang din ang nagsabi ng hindi.
Sa kasapatan ng mga kagamitan na kinakailangan sa strand apatnapu’t apat
(44) ang nagsabi ng medyo, anim (6) naman ang nagsabi ng hindi sapat ang
mga kagamitan at tatlo (3) lamang ang nagsabi na sapat ang kagamitan na
kinakailangan sa strand.
Datos ng mga mag-aaral ukol sa paggamit ng aklat sa silid aklatan
Gumagamit ng mga pasilidad sa oras ng performance
task
Gumagamit ng TV ang guro kapag nagtuturo
Gumagamit ng aklat sa silid-aklatan sa oras ng
pangangalap ng info?
Palagi
Madalas
0
Minsan
Hindi
5
10
15
20
25
30
35
Figure 3
Ang talahanayan sa kabilang pahina ay ang datos ng mga mag-aaral ukol sa
paggamit ng aklat sa silid aklatan, ang paggamit ng TV ng mga guro kapag
nagtuturo at paggamit na pasilidad ng mga mag-aaral sa oras performance
task.
Sa paggamit ng mga pasilidad tulad ng computer lab at AVR sa oras ng
performance task , isa (1) lamang ang nagsabi ng hindi, at gayun din sa palagi,
dalawampu’t tatlo (23) ang nagsabing madalas, at dalawampu’t siyam (29)
naman ang nagsabi na minsan.
Sa paggamit ng TV ng guro sa oras ng kanyang pagtuturo, nasa dalawampu’t
siyam (26) ang nagsabi ng madalas, dalawampu’t dalawa (22) ang nagsabi ng
palagi, anim (6) ang nagsabi ng minsan at dalawa’t kalahati (2.5) naman ang
nagsabi ng hindi.
Sa paggamit ng aklat sa silid-aklatan sa oras ng pangangalap ng impormasyon
tatlumpu’t dalawa (32) ang nagsabi ng minsan, labing apat (14) ang nagsabi
ng madalas, pito (7) ang nagsabi ng hindi, at isa (1) lang ang nagsabi ng
palagi.
Asignaturang nadadalian ang mga G11 STEM Students
0
2
4
6
8
10
Gen. Math
CLE
EdTech
English for Academic Purposes
Oral Communication
Computer
Personal Development
Pananaliksik
Practical Research
UCSP
Statistics
Gen. Chemistry I
Gen. Biology I
Pre-Calculus
Reading and Writing
Figure 4
12
Ang talahananayan sa kabilang pahina ay nagpapakita kung anong
asignaturang nadadalian at nahihirapan ang mga mag-aaral ukol sa kanilang
unang taon sa Senior High.
Makikita na ang asignaturang Personal Development ang pinakamadali para sa
mga STEM students na nakakuha ng pinakamataas na puntos na 10.96, CLE
(10.43), Oral Communication (10.09), Computer (9.46), English for Academic
and Professional Purposes (9.27), UCSP (9.20), General Chemistry (9.19),
EdTech (9.09), General Biology (8.24), General Math (7.6), Statistics and
Probability (6.93), Reading and Writing (6.35), Pananaliksik (5.16), Practiacal
Research (4.76) at ang pinakamahirap na asignatura sa mga mag aaral ay ang
Pre-Calculus na may talang 2.43.
Dahilan kung bakit pinili ng mga respondenteng mag-aral sa Marian
College
8%
10%
43%
11%
28%
Dahil maganda and kalidad ng eskwelahan
Dahil ito ang gusto ng aking magulang
Dahil nandito ang aking mga kaibigan
Dahil walang ibang mapipilian
Ibang dahilan
Figure 5
Ang talahanayan (pie graph) sa kabilang pahina ay nagpapakita ng mga
dahilan kung bakit pinili ng mga respondenteng mag-aral sa Marian College.
Tinatayang may apatnapu’t tatlong porsyento (43%) ang nagsabi na kaya pinili
nilang mag-aral sa paaralang ito ay dahil sa maganda ang kalidad ng
eskwelahan, dalawampu’t walong porsyento (28%) naman ang dahilan na pinili
ito ng kanilang mga magulang, nasa labing isang porsyento (11%) naman ang
nagsabing dahil sa paaralang ito nag-aaral ang kanilang mga kaibigan,
sampung porsyento (10%) naman dahil sa walang pagpipilian at walong
porsyento (8%) ang may mga iba’t ibang dahilan.
Pananaw ng mga mag-aaral (G11-STEM) tungkol sa mga guro.
35
30
25
20
15
10
5
0
Maayos at maganda ang pagtuturo at magaling ang kani-kanilang larangan
Medyo nahihirapan sa pagiintindi ng kani-kanilang leksyon dahil hindi maayos ang kanilang pagtuturo
Ibang dahilan
Figure 6
Ang bar graph na nasa itaas ay ang mga pananaw ng mga mag-aaral
(G11-STEM) tungkol sa mga guro. Nasa tatlumpo’t tatlo (33) ang nagsabi na
maayos at maganda ang pagtuturo ng mga guro at magaling sila sa
kani-kanilang larangan, labing walo (18) naman ang nagsabi na medyo
nahihirapan sa pagiintindi ng kani-kanilang leksyon dahil hindi maayos ang
kanilang pagtuturo at isa (1) ang nagbigay ng kanyang dahilan, ito ay dahil
may pamangkin siyang nag-aaral sa Marian College at kailangan niyang
bantayan ito.
Pananaw ng mga G11 STEM students tungkol sa mga pasilidad
35
29
30
25
20
17
15
10
5
1
0
Kumpleto at nasa maayos ang mga pasilidad
May mga kagamitan ngunit hindi sapat o sira ang karamihan
Hindi sapat ang pasilidad at nahihirapan ang mga mag-aaral kapag may hands-on na gawain
Figure 7
Ang bar graph sa itaas ay mga pananaw ng mag-aaral (G11-STEM) ukol sa
pasilidad ng paaralan.
Nasa labing pitong (17) respondente ang nagsabi na kumpleto at nasa maayos
ang mga pasilidad ng paaralan, nasa dalawampu’t siyam (29) naman ang
nagsabing may mga kagamitan ang paaralan ngunit hindi sapat o sira ang
karamihan at may isa (1) na nagsabing hindi sapat ang pasilidad at nahihirapan
ang mga mag-aaral kapag may hands-on na gawain.
Pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa mga aklat sa paaralan
40
35
30
25
20
15
10
5
0
Kumpleto ang mga aklat sa library at sapat para pagkunan ng impormasyon
Medyo kulang ang mga aklat at nahihirapan ang mga mag-aaral dahil hindi maayos ang silid-aklatan
Ibang Dahilan
Figure 8
Ang bar graph na nasa itaas na pahina ay nagpapakita ng mga pananaw ng
mga mag-aaral tungkol sa mga aklat sa paaralan.
Sa isyu tungkol sa mga aklat labing anim (16) ang nagsabing kumpleto ang
mga aklat sa library at sapat para pagkunan ng sanggunian, nasa tatlumpu’t
lima (35) naman ang nagsabing medyo kulang ang mga aklat at nahihirapan
ang mga mag-aaral dahil hindi maayos ang pagkakaayos nito sa silid-aklatan at
may isa (1) nagbigay ng ibang dahilan.
Mga bagay na kailangan pagtutuunan ng pansin batay sa mga
rekomendasyon ng G11 STEM students
4%
8%
28%
20%
Mabilis na internet
20%
20%
Malinis na CR
Epektibong Pagtuturo
Bukas na silid-aklatan kahit anong oras
Mahigpit na regulations
Mga silya para sa mga estudyante tuwing may program
Figure 9
Ang talahanayan sa itaas na ay nagpapakita ng mga rekomendasyon ng mga
mag-aaral na nangangailangan bigyang pansin ng paaralan.
Dalawampu’t walong porsyento (28%) ang nagsabi na nangangailangan ng
mabilis na internet, dalawampong porsyento (20%) para sa malinis na
palikuran, epektibong pagtuturo at gayon din sa bukas na silid-aklatan kahit
anong oras (lunch break), walong porsyento (8%) para sa mahigpit na
regulasyon o mga batas sa paaralan at apat na poryento (4%) para sa mga
silya tuwing may program.
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
LAGOM
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning makuha ang pananaw ng
mag-aaral sa Marian College (G11-STEM) ukol sa kanilang unang taon sa
Senior High para sa akademikong taon 2018-2019. Ang pangangalap ng
impormasyon ay nag pokos lamang sa mga mag-aaral na nasa STEM strand
kung saan mula lamang sa seksyon ng St. Pio at St. Vianney. Saklaw lamang ng
pag-aaral ang kanilang pananaw na nakuha mula sa binigay na talatanungan o
survey questionnaire.
Sa pamamagitan ng pag gamit ng Descriptive-Qualitative Survey Research
Design bilang paraan ng pangangalap ng datos nakamit ng mga mananaliksik
ang inaasahang impormasyon upang maging dahilan para sa pagsagot ng
kanilang layunin. Ang datos ay tinipon at nagsilbing pangunahing pagkukunan
ng impormasyon para sa pag-aaral na ito. Maingat na pinagtuonan ng pansin at
sinuri ng maayos.
KONKLUSYON
Matapos ang masusing pag-aaral at pagtatally ng mga datos mula sa mga
nakalap na impormasyon mula sa mga respondente, ang pag-aaral na ito ay
humantong sa sumusunod na konklusyon:
1. Karamihan sa mga mag-aaral ay piniling mag-aral sa Marian College dahil sa
maganda ang kalidad ng edukasyon at eskwelahan.
2. Sa aspeto ng guro at sa kanilang pagtuturo, karamihan ay nagsabing
maayos at maganda ang pagtuturo ng mga ito at magaling sa kani-kanilang
larangan.
3. Sa aspeto ng pasilidad, lumabas na may mga pasilidad na nangangailangan
ng kaayusan at hindi sapat ang mga ito dahil sira ang karamihan.
4. Sa aspeto ng aklat, medyo kulang ang mga ito at nahihirapan ang mga
mag-aaral sa pangangalap ng gagamiting sanggunian dahil hindi ito nakaayos
sa silid aklatan.
5. Madalas gumamit ng TV ang guro upang gamiting presentasyon ng kanyang
mga paksa at araling ibabahagi sa kanyang mga estudyante.
6. Sinasabi ng karamihan na minsan lamang gumagamit ang mga mag-aaral ng
mga pasilidad sa oras ng performance task gaya ng mga gawain sa computer
laboratory at science lab at;
7. Ang asignaturang Pre-Calculus ang pinakamahirap na asignatura sa parte ng
mga mag-aaral at Personal Development ang pinakamadali.
REKOMENDASYON
Kaugnay ng pag-aaral na ito buong kababaang loob na minumungkahi ng mga
mananaliksik
ang
mga
sumusunod
na
rekomendasyon
na
maaring
makakatulong sa pagpapaunlad ng paaralan.
1. Para sa administration ng paaralan at kalakip na ang mga kawani ng
paaralang ito, ni rerekomenda na mga mananaliksik na nawa’y bigyan ng
pansin ang mga pasilidad na nangangailangan na pag-aayos upang mabigyan
ng kasapatan na tugon ang mga nagdadaing ukol dito.
2. Ang kalinisan ng palikuran sapagkat isa din ito sa mahigpit na hinihiling ng
mga mag-aaral.
3. Ang pagiging bukas ng library kahit tuwing lunch break, mas mahigpit na
regulasyon ng paaralan at mas maayos na arrangement ng mga aklat sa silid
aklatan.
4. Para sa mga guro, ang mas epektibong pagtuturo upang mas magbigay ng
interes ang mga mag-aaral sa kanilang mga asignatura lalong lalo na sa
asignaturang iniisip ng mga mag-aaral na pinakamahirap, ang Pre-Calculus.
LISTAHAN NG SANGGUNIAN
(1)
Concepcion,
Effraime.
2017.
Paglalakbay
tungo
sa
STEM.
http://explorestem.blogspot.com/?m=1
(2) Stem: Ngayong Makabagong Henerasyon. (2017, Hulyo 22).
http://stemngayongmakabagonghenerasyon.blogspot.com/2017/07/angprogr
amang-k-12-ay-nilagdaan-ni.html?m=1
(3) Jolly, Anne (2012). Real-world Stem problems.
https://www.middleweb.com/5003/real-world-stem-problems/
(4) White, David W. (2014). What is Stem education and why is it important.
Tallahesse, Florida: Florida, A&M University.
(5) STEM Challenges build confidence, ensure success.
https://www.floridatoday.com/story/news/education/2014/10/26/struggle-co
mes-success-17900689/
(6) Montebon, Darryl Roy T. (2014). K-12 Science program in the Philippines:
Student perception on its implementation. Nalathalang Tesis, Philippine Normal
University.
Download