Uploaded by Richard Losito

Barya Tagapaglahad ng Kasaysayan, Kultura, at Umiiral na Lipunan sa Pilipinas

advertisement
Barya: Tagapaglahad ng Kasaysayan, Kultura, at Umiiral na Lipunan sa Pilipinas
Ang paglalahad at pag-aaral ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas ay maraming
pamamaraan. Bukod dito maraming mga sanggunian na maaaring maging basehan ng pag-aaral
ng kasaysayan. Ang halimbawa nito ay ang pinakaginagamit na librong pangkasaysayan, habang
ang ilan ay ang museo at pambansang parke. Ngunit may mga maliliit na bagay na di natin
aakalaing maaari rin palang makapagbigay ng impormasyon tungkol sa ating kasaysayan, at
maging sa ating kultura – ang mga barya.
Kung ating iisipin, ang mga barya ay maliliit lamang ang halaga (para sa karamihan sa
mga Filipino), ngunit mas malaki pa ang magagawa kaysa sa simpleng pambayad sa mga
tindahan. Ang mga baryang ito ay naglalaman ng mga detalyeng maaaring magbigay ng ambag
sa mas malalimang pag-aaral ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas.
Paano nga ba ito naging makasaysayan? Anu-ano ang pinagdaanang ebolusyon nito sa
Pilipinas? Paano nito sinasalamin, di lamang ang kasaysayan ng Pilipinas, maging ang kultura
nito? Paano nito ipinapakita ang uri ng lipunang umiiral sa Pilipinas?
Ebolusyon ng mga Barya sa Pilipinas
Panahon Bago ang mga Mananakop
Ang alam ng ilan sa mga Filipino na wala pang
konsepto ng barya noong panahon bago masakop ang
Pilipinas. Noon, sa panahon na napakilala sa mga katutubo
ang isang uri ng kalakalan na tinatawag na “barter”, ang
paraan ng mga katutubo noon sa pangangalakal ay ang
pagpapalitan ng mga produkto (halimbawa: ang isang piraso
ng tela ay papalitan ng kahoy na Molave). Ngunit kung
bibigyan pa ng mas malalim na pag-aaral ang kalakalan
noon, masasabing gumagamit na rin ang mga katutubo ng
barya noon. Dahil mayaman ang Pilipinas sa mga ginto na
makikita sa iba’t ibang isla dito, ginagamit ito ng mga mga Larawan 1: Ang mga
“piloncitos” na ginagamit sa
katutubo bilang pampalit sa kalakalang barter. Ayon sa mga
numismatiko, karamihan sa mga gintong pinapalit ng mga barter.
katutubo ay ang tinatawag na “piloncitos,” piraso ng maliliit na ginto na kasing laki ng mga
beads, na nagsisilbing kanilang barya na may malalaking halaga.
Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol (1521-1897)
Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol nagsimula ang paglaganap at paggamit ng
totoong konsepto ng barya. Ngunit hindi ito nagsimula agad mismo sa pagdating ng mga
Espanyol. Sa mga unang taon ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang buwis na ibinabayad pa lamang
ng mga Filipino ay mga produkto o di kaya’y domestikadong mga hayop (tulad ng manok at
baboy). Sa pagdating ng kalakalang Galleon (unang naitalang kalakalang gumamit ng barko
upang makipagkalakal sa ibang bansa), pumasok na sa Pilipinas ang iba’t ibang klase ng mga
barya na nagmula pa sa Europa at Mexico, at ang ilan ay sa mga
bansa malapit sa Pilipinas. Ang ilang halimbawa ng mga baryang
pumasok sa Pilipinas ay ang Mexican peso, Alfonsino coins at
ilang tansong barya sa ibang bansa.
Ang “macuquinas” ang kauna-unahang barya na pumasok
sa bansa sa panahon ng kalakalang Galleon. Kung titignan ang
Larawan 2, mapapansing hindi perpektong hugis bilog ang
Larawan 2: Ang
macuquinas. Ito’y sapagkat noong panahon ng mga Espanyol, “macuquinas” na
malaki ang halaga ang mga pilak at dahil gawa ang mga baryang nagkakahalaga ng 2 reales.
ito sa pilak, ang ilan sa mga taong kasama sa kalakalang Galleon
ay paunti-unting tinatapyasan ang mga gilid ng baryang ito at kanilang ipinagbibili (Corpuz,
1996). Sinundan ito ng “silver dos mundos” na isa sa pinakamagandang barya na pumasok sa
Pilipinas. Kasunod nito ang barilla (isang barya na gawa sa tanso na nagmula pa sa Espanya) na
kauna-unahang barya na nagtagal sa Pilipinas at nagkaroon ng iba’t ibang anyo.
Marami ring mga barya na galing p asa mga kolonya ng Espanya ang pumasok sa
Pilipinas. Isa na rito unang gintong barya na may mukha ni Queen Isabela ng Espanya na unang
barya na ginawa sa El Banco Español Filipino de Isabel II (unang bangko sa Pilipinas), kasunod
ang mga barya na may mukha ni Alfonso XIII.
Panahon ng Himagsikang Pilipino (1898-1899)
Sa panahon ng Himagsikang Pilipino noong 1898
at ang sa pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas
na pinamunuan ni Hen. Emilio Aguinaldo, nagpalabas si
Aguinaldo ng opisyal na barya at perang papel na
tinawag na “Republic Filipina Moneda de Un Peso.” Ito
ay ginamit upang ipahayag ang kasarinlan ng bansa mula
sa mga mananakop na Espanyol.
Larawan 3: Ang 2
sentimos na
barya noong
panahon ng
Unang Republika
ng Pilipinas ng
1989.
Panahon ng mga Amerikano (1900-1941)
Sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano, nagpalabas ng bagong sistema ng
pananalapi ang mga mananakop na Amerikano. Ito ay tinawag na “Philippine Currency” o
“Peso Conant.” Ang bagong sistema ng pananalapi ay binase sa istandard na palitan ng ginto na
may tumbasang 2:1 (Peso kontra dolyar). Alinsunod dito ay ang pag-aapruba ng Kongreso ng
Estados Unidos sa “Coinage Act for the Philippines” noong 1903.
Ang mga baryang inilabas sa panahong ito ay dinisenyo ng isang
Pilipinong pintor at manlililok na si Melecio Figueroa. Ang mga baryang
ginawa sa panahong ito ay mula sa kalahating sentimo hanggang piso.
Ang pagpapalit ng pangalan ng “El Banco Español Filipino” sa
“Bank of the Philippine Islands” noong 1912 ay nagbigay-daan sa paggamit
ng wikang Ingles sa lahat ng perang (kasama ang mga barya) inilalabas na
Larawan 4:
Melecio Figueroa
umabot hanggang 1933.
Larawan 5: Baryang
ginamit sa
“leprosarium” sa isla ng
Cullion na may nakaukit
na cedeceus sa gitna.
Bukod sa mga baryang inilabas ng gobyernong umiiral sa
panahon ng mga Amerikano, noong 1902, ang ikalawa at huling
gobernador-heneral sa Pilipinas ay nagtayo sa isla ng Cullion ng isang
ospital para sa mga ketongin. Ang ospital na ito, dahil sa panahong
malaki at eksaherado ang takot ng mga tao na baka mahawaan ng sakit na
ketong kapag gumamit sila ng barya mula sa mga pasyente ng
“leprosarium” na ito, ay naglabas ng kanilang sariling barya na may
cedeceus (simbolo ng medisina) upang makilala ito at hindi maihalo sa
mga opisyal na mga barya.
Panahon ng Pananakop ng Hapon (1942-1945)
Sa panahong ito, nagulo ang sistema ng pananalapi ng Pilipinas. Nagpalabas ng sariling
pera at sistema ng pananalapi ang mga Hapones na namumuno sa bansa at ipinakilala rin ng mga
ito ang “Southern Development Bank Notes. Inilabas nila ang tinatawag na “mickey mouse
money” na kanilang ginamit at maging ng mga Pilipino. Ang mga perang ito ay mga perang
papel at walang inilabas na perang barya ang mga Hapones.
Bukod dito, ang mga lokal na gobyerno sa panahong ito ay naglabas rin ng sarili nilang
pananalapi na kung tawagin ay “guerilla pesos.” Ngunit ang gobyernong pinapalakad ng Hapon
na pinamumunuan ni Pangulong Jose P. Laurel ay ipinagbawal ang paglalabas at pagtanggap ng
kahit anong “guerilla pesos.”
Pagtatapos ng mga Pananakop (Bagong Republika ng Pilipinas)
Sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 4, 1946, ang panahon na
hinihintay ng mga Pilipino simula pan g 1521, inilabas ang unang perang barya para sa bagong
Republika ng Pilipinas. Ito ay may larawan ni Hen. Douglas MacArthur bilang paggunita sa
kanya. Ngunit hindi ito ang simula ng opisyal at regular na perang barya hanggang sa pagdating
ng 1958.
Noong 1958, inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang unang hanay ng mga opisyal at
regular na barya ng bagong republika. Ito ay binubuo ng isang libong piraso ng 10, 25, at 50
sentimo. Kasunod nito ang higit sa labinlimang libong piraso ng iba pang barya noong 1959
ngunit taon na inukit sa mga baryang ito ay
taong 1958. Ang mga baryang ito ay
patuloy na ginamit hanggang 1966 na
tinawag na “English series.”
Noong umusbong ang isang
pagkilos para sa nasyonalismo noong
dekada ’60, naglabas ang Bangko Sentral
Larawan 6: Ang pananalapi ng bansa sa panahon ng
bagong republika.
ng Pilipinas ng mga baryang may imahe ng mga bayani noong 1967. Ang pagkakalabas ng mga
baryang ito ay isang pagkalas sa impluwensiya ng mga Amerikano. Ilan sa mga baryang inilabas
sa panahong ito ay ang 1 sentimo na may imahe ni Lapu-lapu, 5 sentimos na may imahe ni
Melchora Aquino, 10 sentimos na may imahe ni Francisco Baltazar, 25 sentimos na may imahe
ni Juan Luna, at 50 sentimos na may imahe naman ni Marcelo H. del Pilar. Dahil sa
pagkakalabas ng mga baryang ito, higit na lumakas ang damdaming nasyonalismo sa mga
Pilipino at naiwaksi ang bakas ng kanilang nakaraan sa kamay ng mga kolonisador. Bukod sa
mga pagbabagong ito sa disenyo ng mga barya, lumaki rin ang sukat ng mga baryang ito. Muli
ring ipinakilala ang piso sa sistema ng pananalapi sa bansa na kung saan naging sentro na imahe
si Dr. Jose Rizal. Ngunit hindi katulad ng piso noong naunang panahon na gawa sa pilak, ang
piso ng panahong ito ay gawa sa pinagsamang metal na tanso at nickel na mas mababa ang
halaga kumpara sa pilak. Ang baryang inilabas na ito mula 1967 at ginamit hanggang 1974 ay
tinawag namang “Pilipino series.”
Sa pagdating ng dekada ’70 (sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos), itinatag ang
Bagong Lipunan, alinsunod dito ang pagbabago sa pananalapi ng bansa. Ipinakilala ang “Ang
Bagong Lipunan series (ABL)” ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ang mga bagong perang barya
na ito ay malaki ang pagbabago sa sukat, at hugis (hindi tulad ng karaniwang bilog na hugis),
ngunit nanatili pa rin ang mga imahe ng mga bayani sa bawat baryang ito. Nadagdag rin sa
disenyo ng mga baryang ito ang nakaukit na “Ang Bagong Lipunan” dito. Dahil nais ng Bangko
Sentral ng Pilipinas na magkaroon ng iisang pananalapi ang bansa para sa hinaharap, pinawalang
halaga nila ang mga “Pilipino series” na mga barya at iniwan ang “ABL series” para gamitin
para sa Bagong Lipunan.
Noong 1979, pagkatapos maitatag ang sariling “Mint” ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa
Quezon City, naglabas ng mga bagong hanay ng mga perang barya sa bansa na may nakaukit sa
kabilang bahagi ng barya na “Bangko Sentral ng Pilipinas.”
At sa kasalukuyan, nawala ang pangalan ng “Ang Bagong Lipunan” sa mga barya. Natira
na lamang ang pangalan ng “Bangko Sentral ng Pilipinas” at nanatili pa rin ang mga imahe ng
mga bayani at ilang personalidad bilang paggunita sa kanila. Ang mga perang baryang ito ay
tinawag na “Commemorative coins.”
Kulturang Pilipino: Sinasalamin ng Barya
May mga bagay na iba-iba man ang kahulugan ay kahit papaano ay magkakaugnay pa rin
sa isa’t isa. Malayo man ang ugnayan ng dalawang bagay na ito ay may punto pa ring natatapik
pa rin nito ang isa’t isa. Ang kultura, halimbawa, kahit na malayo ang ugnayan nito sa isang
pangkaraniwang bagay na makikita sa kapaligiran (hal. bato) ay nagagawan pa rin ng paraan
upang maiugnay ito sa bagay na iyon. Dahil sa ugnayang ito ay higit na nailalahad o
naipapahayag ang konteksto ng kultura ng isang bagay o lipunan.
Ang kulturang Pilipino ay may depinidong konsepto at konteksto. Ngunit hindi ito
mapalilitaw kung walang tulong ng mga bagay, pangyayari, atbp. Sa bahaging ito ng papel na
ito, gagamitin ang barya sa Pilipinas upang maipahayag kung anu-ano ang ilang kultura mayroon
ang bansa.
Ang Pilipino ay gumagamit na ng konsepto ng barya kahit noong panahon pa ng
pananakop ng mga Espanyol upang ipakita kung anong kultura at lipunan mayroon sa bansa.
Isang halimbawa nito ay ang ginawang tula ni Marcel H. del Pilar na may pamagat na “Aba
Guinoong Barya” na isa sa mga koleksyon niya sa kanyang “Dasalan at Tocsohan”:
“Aba ginoong Barya nakapupuno ka nang alkansya ang Fraile'I
sumasainyo bukod ka niyang pinagpala't pina higit sa lahat,
pinagpala naman ang kaban mong mapasok. Santa Barya Ina
nang Deretsos, ipanalangin mo kaming huwag anitan ngayon at
kami ipapatay. Siya naua...”
-Marcelo H. del Pilar
Ang tulang ito ni Marcelo H. del Pilar ay isang pagtuligsa sa katiwalian ng mga prayle sa
Pilipinas. Inilahad niya rito ang pagiging ganid ng mga prayle sa kayaman at kapangyarihan.
Gamit ang barya mula sa indulgencia ay nagsilbi itong malakas na pwersa upang ipahayag na
ang mga bagay na ibinibigay ng mga Pilipino para sa simbahan at ikaliligtas nila ay napupunta
lamang sa kamay ng mga prayle.
Bukod sa tulang ito, may mga kasabihan o paniniwala ring gumagamit ng simbolo barya
upang ipakita kung paano namumuhay ang mga Pilipino. Ang mga kasabihang ito ay nagmula
pa sa impluwensiya ng mga dayuhang dumating sa bansa (tulad ng mga Espanyol, Tsino, atbp.).
Ilan sa mga halimbawa ng mga kasabihan o paniniwalang ito ay ang mga sumusunod:
(1) During baptism it is customary to toss coins at the
children present. Money Bills are often pinched in the
attires of brides and grooms at a wedding.
(2) Every time people bring a loved one to his/her final
resting place, passing vehicles would usually slow
down so people can throw coins (barya) on the road.
Many believe that it prevents death from following
them to their homes.
(3) Filipinos use wedding coins or tokens to symbolise
the groom's ability and promise to support his new
family.
(4) In New Year’s Eve, pockets are filled with round
coins, which are jangled to attract wealth. Coins are
also left on top of tables and in drawers.
(5) When building a house, always remember to place
certain things under each structural post. Old coins
and religious medals will drive away evil spirits and
ensure prosperity. Musical score sheets, medals, or
coins ensure harmony as well.
Ang mga nakasaad na kasabihan o paniniwala sa itaas (bagamat nakasalin sa Ingles) ay
Pilipinong-pilipino ang esensya.
Ang mga ito ay makikita at isinasagawa pa rin
magpasahanggang ngayon ng marami sa mga Pilipino. Marahil dala na rin ng impluwensiya at
paggalang sa mga paniniwala ng mga nakatatanda. At hindi lamang mga nasa mababang uri o di
kaya’y sa gitnang uri masasaksihan ang ganitong uri ng mga paniniwala, maging ang ilang nasa
mataas na estado ay naniniwala sa mga pamahiing ito, higit sa mga pamilya ng mga Tsinoy na
may paniniwala sa Feng Sui na isa rin sa mga pinagmulan ng mga paniniwalang Pilipino.
Paglalahad ng Lipunan sa Pamamagitan ng Simbolismo ng Barya
Hindi lamang kasaysayan ng bansa o di kultura nito ang inilalahad ng pangkaraniwang
bagay tulad ng barya. Maging ang lipunang umiiral sa bansa ay kaya ring ilahad ng bagay na ito.
Isang halimbawa ng imahe na ginamit upang ipakita ang lipunang umiiral sa bansa ay ang nasa
ibaba:
Larawan 7: Isang print ads mula sa Coca-cola.
Ang isang halimbawa ng patalastas sa itaas ng Coca-cola ay nagpapakita na ang lipunang
umiiral ay may kiling sa komersyalisasyon. Gamit ang barya ipinakita ito bilang simbolismo ng
komersyalismo. Hindi lamang komersyalismo ang sinisimbolo ng barya, maging ang estado ng
mas nakararaming Pilipino na nais targetin ng patalastas na ito – ang masa. Ipinapakita kung
sino nga ba ang tumatangkilik sa mga produktong tingi-tingi. At dahil dito, makikita na ang
lipunang Pilipino ay binubuo ng mas nakararaming “masa” at dahil komersiyalismo ang moda ng
lipunan, kailangang mas higit na inaabot ang mga taong higit na nakararami.
Bilang panghuli, masasabing kahit pangkaraniwang bagay na makikita natin sa ating
bansa, maliit man ang halaga, ay may itinatagong kakayahan upang mas mapalawak pa ang
pagkakaintindi natin sa ating kasaysayan, kultura, at lipunan. Tulad ng barya na maliit nga ang
halaga, malaki ang kinalaman naman nito sa paghubog ng ating kasaysayan, kultura, at lipunan.
Sangggunian:
•
•
•
•
•
•
•
Papercoinage journal. http://papercoinage.weebly.com/.html.
World of Coin. Reply #15 on European coins: November 24, 2009, 11:36:10 PM.
http://www.worldofcoins.eu/forum/index.php?topic=630.15.
Manila Carnivals 1908-39. A Pictorial History of “Greatest Annual Event in the Orient.”
http://manilacarnivals.blogspot.com/2008/10/30-1913-las-diademas-reales-carnival.html
Blogspot. Sobriety for the Philippines.
http://forthephilippines.blogspot.com/2010/01/devaluation-of-hero-promotion-of.html
Filipino Belief:
o http://www.asiarooms.com/en/travel-guide/philippines/culture-ofphilippines/philippines-etiquette.html
o http://www.english-to-tagalog.com/wakes-and-funerals-Filipino.html
o http://www.seiyaku.com/seiyaku/ph/jim-and-nila03.html
o http://tagaloglang.com/Filipino-Culture/Holiday-Celebrations/new-years-eve-inthe-philippines.html
o http://www.globalpinoy.com/gp.topics.v1/viewtopic.php?postid=4e327fdb6e165
&channelName=4e327fdb6e165
Blogspot. History of Philippine Money.
http://philmoney.blogspot.com/2008/01/evolution-of-philippine-currency.html
http://files.coloribus.com/files/adsarchive/part_758/7583855/file/coke-sakto-coins-small85187.jpg
Download