Jessa Mae Aquiles BSHMTO-21 Sino ako? Ito ay isang tanong na kung minsan saatin ay bumabagabag, diba gusto mo din naman malaman kung ano ka at kung ano ang pinagkaiba mo sa kanila? Gaano mo nga ba kakilala ang sarili mo? Simula noong sinabi ni Prof. Lerma na “mas lalo niyong makikilala ang sarili niyo sa subject na ito ” napatanong ako bigla sa isipan ko kung kilala ko na ba talaga ng lubusan ang sarili ko, ako si Jessa Mae Aquiles, 20yrs old, ang workaholic sa aming pamilya. Bakit ko nga ba nasabi na workaholic ako? Bata palang ako hindi ko maintindihan sarili ko kung bakit gusto ko ay may sarili akong pera. At the age of 13 nagwork ako sa palengke kahit ayaw ako payagan ng magulang ko dahil baka isipin ng ibang tao ay pinapabayaan ako at sa edad na iyon ay sumasahod ako ng 350 kada araw kaya hindi ako humihingi ng baon nung nasa highschool na ako, and now proud to say at the age of 20 I have my own house and lot at St. Marta Bocaue Bulacan. Alam niyo ba na sa dami ng pagkain sa mundo, hindi ko alam bakit simpleng tortang talong ang gusto ko. Madedescribe ko ang sarili ko bilang isang tao na hindi nagpapadala sa mga negative na opinyon ng iba. Noong high school ako ay nakahiligan ko ang pag gawa ng tula at essay kaya naman sumasali ako sa mga contest ng essay writing at pagsulat ng tula at pinapalad din naman na makakuha ng mga award. Kung ako ang tatanungin hindi ko pa talaga lubusang kilala ang sarili ko dahil minsan ay nag iiba iba din ang aking gusto, nais ko sana na sa subject na ito ay marami akong matutunan para makilala ko pa ng lubos ang sarili ko.