Uploaded by mariel lucero

AP LUCERO

advertisement
Makatarungang Pamumuno Upang Umunlad ang Bansa.
“Kailan ba tayo uunlad? Mayaman naman ang Pilipinas pero di ko maramdaman na
umuunlad”. “Masipag naman ang mga Pilipino pero walang pag-unlad.” Mga naririnig kong
hinaing nga mg Pilipino.
Ano nga aba nag dahilan kung bakit di umuunlad ang ating bansa? Ano nga ba ang
kulang? Sa pamumuno ba? Mahalaga ba ang pamumuno? Ano bang klaseng pinbino ang
kailangan ng ating bansa?
Ang pamumuno, lalo na nga pamumuno sa isang bansa ay isang mabigat na
resposibilidad. Ang mga Ang mga pandaigdigang isyu ay nangangailangan ng pinuno na
maghanap ng mga malikhaing solusyon. Ang mga organisasyon ng lahat ng uri ay nakatuon
sa pamumuno bilang isang mahalagang konsepto na kinakailangan para sa tagumpay
kasama na ang pag-unlad.
Ang mapanagutang pamumuno ay may iba't ibang anyo at konstruksyon, kabilang ang
transformational leadership, servant leadership, at adaptive leadership. Ito ang kailangan
natin ngayon upang paunti unting umahon sa kahirapan ang ating ekonomiya.
Ang pamumuno ay maaring magpakita mismo ng maraming paraan ngunit ang
makatarungang pinuno ay nakatuon sa mga positibong solusyon para sa ikakaunlad ng
bansa. Ang pamunuan ay kailangan nakatuon sa mga solusyon na lumikha ng tunay na pangekonomiyang halaga. Ang solusyon ang dapat ang mahalaga hindi ang pinuno.
Sa ganitong klaseng pamumuno, mabibigyan mo ng inspirasyon ang mga tao, maaring
makakuha ng higit pa sa mga tao at makamit ang pag-unlad na matagal ng minimithi.
Sa bawat sektor ng ekonomiya, ang makatarungan pamumuno ay kailangan, upang
umunlad ang ating bansa. Oo, may mga batas na ginawa ang pamahalaan upang makatulong
sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga Pilipino ngunit ito ay sapat ba?
Sa bawat sektor ng ekonomiya, may ginawang batas ang pamahalaan na pinatutupad
sa ngayon ngunit makatarungan ba ang pagpapatupad nito? Sa mga mga magsasaka, kanila
na ba ang lupang sinasaka nila? Maayos ba ang pagpapatupad ng CARP? Bakit marami pa rin
ang walang sariling lupa hanggang ngayon? Nakamatayan na nila ang kanilang pinaglalaban
na lupa. Isa pang problema ay ang pag-angkat ng mga gulay, karne, harina at asukal sa ibang
bansa ng ating pamahalaan imbes na palakasin ang mga magsasaka at industriya ng mga ito.
Nasaan ang makatarungang pamumuno sa mga pangyayaring ito?
Nakakalungkot isipin na ganito ang nangyayari sa ating bansa. May pag-asa pa ba? Ito
ang tanong ng aking puso at isip. Darating na naman ang eleksiyon 2022 at ihahalal na naman
ang pinakamataas na pinuno ng ating bansa, ang aking dasal ay matuto ang mga Pilipinong
mamili ng lider na may makatarungang pamumuno upang umulad ang bansa. Nawa’y
dingging sana 6;.ert[poretrtiopiyotiy tayo ng Diyos.
Download