Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY PAHARANG INTEGRATED SCHOOL “TINDIG” By Ashley F. Lara Korapsyon, Krimen, Droga Mga salitang sasagi sa'yong isipan pagkarinig pa lamang ng salitang politika Hindi ka ba naririndi't nagsasawa? Nagsasawa sa paulit ulit na bulok na sistema? O 'di naman kaya'y nakakaramdam ng pangamba, Pangamba lalo na sa epekto nitong dala? Sira dito, sira doon, sirang-sira na ang ating pagkatao, Pagkatao ng ibinoboto, pagkatao ng bumoboto. Bili dito, bili doon, sirang sira na ang ating pagka-Filipino Pagka-Filipino ng ibinoboto, pagka-Filipino ng bumoboto. Ayaw mo ba ng pagbabago sa ating bayan? Ayaw mo bang asamin ang linamnam ng isang makatarungang bansa? Hindi mo ba nariring ang tinig ng sambayang humihiyaw ng pag-asa? Pag-asa na ayon kay Jose Rizal ay nasa ating mga kabataan! Hindi mo ba nararamdaman ang diwa ng pagkakaisa? Diwa ng pagkakaisa na simula pa lamang ay iminulat na sa atin ng kasaysayan. Huwag nating balewalain ang paghihirap ng ating mga bayani, Bayani na nagsikap itaguyod ang nalalasap nating mga karapatan! Hindi ba't minsan mo na ring hinangad ang pagkakaroon ng tapat at magandang kalidad ng serbisyo? Ngunit paano ito matatamo kung ang hadlang ay ikaw mismo? Kaya't ikaw! oo ikaw! Ikaw ginang na nais mapabuti ang iyong pamilya, Ikaw guro na nais magbigay ng tamang kaalaman sa iyong mga mag-aaral, Ikaw kawani na nais magsilbi ng buong puso ng may katapatan, Ikaw binibini na kagaya koy tatahakin pa lamang ang mundo ng karapatan sa pagboto, Halika! samahan mo akong tumindig! Halina't ipaglaban at iboses ang ating mga karapatan at hinaing sa buong daigdig Doon tayo sa tapat na pamamalakad, gamitin ang karapatan sa pagboto Tumaya tayo sa taong karapat-dapat. Dahil ika nga ni Kuya Kim, maging mapanuri, mapagmatyag at mapangahas! Kaya’t halika, samahan mo akong tumindig! Maging mapanuri, ating alamin kung sino ang tunay na kapuri-puri. Huwag tayong magpalinlang sa mga ipinapahayag sa mundong digital! Hangal! Tayoy ituturing na hangal kung maniniwala sa ipinapalaganap nilang ritwal, Ritwal na paulit ulit na paglalabas ng mga katatawanan, kamangmangan Nang mga pinunong nararapat maglingkod sa ating bayan! Lahat tayo ay may kakayahan! Kakayahang magsaliksik kung ang sosyal medya na dapat nagsisilbing tagapamagitan sa pagpapalitan Address: Paharang, Batangas City Telephone No.: (043) 778-6854 Email: 301474@deped.gov.ph Quality Education Serves as Tool for A Brighter Future Ahead of Us Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY PAHARANG INTEGRATED SCHOOL Ay siyang nagmamanipula ng impormasyon at nagdadala sa atin ng maling kaisipan. Kaisipan na lahat tayo ay may kakayahan sa tulong ng ating mga karanasan. Maging mapagmatyag! Mapagmatyag sa nagiging kalakaran ng mundo, politiko, estado, At sa iyo akoy sasaludo, magiging ganado, mababawasan ang abusado! Maging mapagmatyag sapagkat ang kaalaman ang iyong kalasag, Alamin ang naganap sa kahapon, Masdan ang nagaganap sa kasalukuyan, Maghinuha sa magaganap sa kinabukasan! Kinabukasan na ang kapalaran ay nasa taong bayan. Taong bayan na ikaw, ako, at lahat ng mamamayan Na sama-samang titindig para sa pagbabago. Maging mapangahas! Tingnan ang watawat ng Pilipinas. Ang watawat ng Pilipinas ang siya nating sagisag! Puting tatsulok sa pagkakapantay pantay at kapatiran Asul para sa kalayaan, katotohanan at katarungan At pula para sa kabayanihan at kagitingan. Mga sagisag na dapat nating isabuhay, sagisag na inspirasyon sa ating pagbabago. Huwag maging bulag, pipi at bingi! Bulag sa katotohanan! Pipi sa karahasan! Bingi sa kamalayan! Iisang diwa ng pagkakaisa, iisang hangarin patungo sa ikauunlad ng bansa Nasa ating mga kamay ang susi, linisin ating mga budhi Sama-sama tayong tumayo para sa pangarap na pagbabago. Address: Paharang, Batangas City Telephone No.: (043) 778-6854 Email: 301474@deped.gov.ph Quality Education Serves as Tool for A Brighter Future Ahead of Us