Ang Mabuting Samaritano Hindi lahat ng tao ay may kaalaman sa katotohanan. May mga ibang namumuhay sa mundong ito na hindi nila alam ang kanilang tungkulin dito. Tagapagsalaysay: Isang araw, may utusang lumapit kay Hesus upang siya’y subukin. Utusan: Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan? Guro: Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon? Utusan: Ayon sa aklat, ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip mo;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Guro: Tama ang sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan. Utusan: Sino naman ang aking kapwa? Guro: Ganito kasi yan… Tagapagsalaysay: May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. [Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na.] [Dumaan ang isang paring Judio.] Paring Judio: Anong bang nangyari sa taong ito? Tagapagsalaysay: Maya-maya… Levita: Hmm… nakakadumi! Tagapagsalaysay: May puso pa bang mapupukaw ang pagmamalasakit sa kaniyang kapuwa? [May dumaang samaritano] Samaritano: Kay awa naman ng lalaki’ng ito. Ano kaya ang nangyari sa kaniya? [Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan.] [Binuhat ng samaritano ang lalaki] Tagapagsalaysay: Pagkatapos, isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya doon. [Dinala sa bahay-panuluyan] Tagapagsalaysay: Kinabukasan… [binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang namamahala ng bahay-panuluyan] Samaritano: Alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran kita pagbalik ko. Jesus: Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan? Utusan: Ang taong tumulong sa kanya Jesus: Kung gayon, humayo ka at ganoon din ang gawin mo.