Layunin • Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay patunay Naranasan mo na ba ang may magsinungaling sa iyo? Paano mo masasabing ang isang bagay ay totoo? Mga Pahayag na Nagbibigay Patunay • Ang mga pahayag na nagbibigay patunay ay nakatutulong upang lalong maging katanggap- tanggap o kapani-paniwala ang ating pagpapaliwanag sa mga tagapakinig. • Karaniwang ang mga pahayag ay dinudugtungan na rin ng mga datos o ebidensya na lalong makapagpapatunay. Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay: • May dokumentaryong ebidensya • Kapanipaniwala • Taglay ang matibay na kongklusyon • Nagpapahiwatig • Nagpapakita • Nagpapatunay/katunayan • Pinatutunayan ng mga detalye Mga Halimbawa: • Pinatutunayan ng mga datos mula National Economic and Development Authority na kakailanganin natin ng 361 bilyong piso para sa muling pagbangon ng mga lugar Fake News! • Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong upang matigil ang pagkalat ng mga fake news sa ating bansa? Paglalahat: • Hindi lahat ng ating mga nakikita, naririnig o nababasa ay totoo. Ikaw bilang isang matalinong kabataan ay dapat na maging mapanuri sa mga bagay na ating pinaniniwalaan. Kinakailangang suriin natin nang mabuti ang mga bagay na nagpapatunay. Gawain! Panuto: Sagutin ang mga tanong gamit ang mga pahayad na nagpapatunay. 1.Batay sa binasa, anoano ang mga magpapatunay na mahalaga ang Lawa ng Lanao sa buhay ng mga Maranao? 2.Anong ebidensya mula sa binasa ang magpapatunay na malikhain at may katutubong sining ang mga Maranao? 3.Ano-ano ang mga patunay na maganda ang uri ng panahong umiiral sa Lanao del Sur?