Sabjek: Kumunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Petsa: Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Kompetensi Baitang 11 Sesyon: 1 - 4 Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino. Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad. 1. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan. 2. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan. I. Layunin Kaalaman Saykomotor Apektiv II. III. Paksang-Aralin A. Paksa B. Sanggunian C. Kagamitang Pampagtuturo Pamamaraan A. Paghahanda Pangmotibasyonal na Tanong Aktiviti/Gawain 1. Nakapipili ng mga cohesive device na mga salitang ginamit sa iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan; 2. Nagagamit ang mga cohesive device sa pagbuo ng mga pahayag; 3. Naisaalang-alang ang kasiglahan sa pagbuo ng mga pahayag na ginagamitan ng kohesiyong gramatikal. Kohesyong Gramatikal Modyul 5 Modyul, laptop, internet, at LED TV Tugon para sa Guro Panuto: Bigyang kasagutan ang Panimulang Pagsusulit na matatagpuan sa pahina 2-4 ng modyul. Gawain 1 Panuto: Piliin at salungguhitan ang cohesive devices / kohesyong gramatikal sa sumusunod na gamit ng wika sa lipunan na makikita sa pahina 5. Itanong: Pagsusuri 1. Ano ang napagtanto ninyo sa naging resulta ng inyong sagot sa gawain 1? 2. Ang gawain 1 ba ay nakatulong sa inyo upang magkaroon kayo ng kaalaman sa paksang inyong pag-aaralan? Bakit? B. Paglalahad Abstraksyon (Pamamaraan ng Pagtatalakay) Sa pagkakataong ito, tatalakayin ng guro ang mga Panandang Kohesyong Gramatikal na matatag-puan sa pahina 7-8 ng modyul. Mga Gawain: Gawain 2 Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang na nasa pahina 8-9. Punan ng angkop na panghalip ang bawat patlang na nasa loob ng kahon. Gawain 3 Panuto: Basahin ang buong talata nang may pag-unawa. Lapatan nang wasto at angkop na pang-halip ang nasa puwang ng bawat pangungusap. Malaki ang naiambag ng mga cohesive device sa pagbuo ng mga pangungusap/pahayag. Gamitin ito nang may kawastuhan para maunawaan ang anuman na gusto ninyong ipahayag. C. Pagsasanay Mga Paglilinang na Gawain Panuto: Sumulat ng isang maikling tala tungkol sa napapanahong isyung panlipunan na nilalapatan ng mga cohesive devices o kohesyong gramatikal. Iangkop ninyo rito ang inyong natutuhan sa mga gamit ng wika sa lipunan. D. Paglalahat Generalisasyon Panuto: Gawin ang nasa pahina 11, (Refleksiyon). Itala ang mga salitang angkop sa puwang ng bawat aytem upang makabuo ng isang ganap na pahayag. IV. Pagtataya Panuto: Tukuyin ang mga tungkulin o gamit ng wika sa mga pahayag na nasa pagtatayang bahagi ng modyul. V. Takdang-Aralin Panuto: Pag-aralan ang tungkol sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Espanyol at Rebolusyong Pilipino.