Uploaded by jonahtongco21

FIL11A.LM.DOMINGO

advertisement
Pangalan ng Mag-aaral
Baitang at Strand
Member of:
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
TALAAN NG NILALAMAN
TALAAN NG NILALAMAN.................................................................................................................................. 2
ARALIN 1 - MGA KONSEPTONG PANGWIKA ............................................................................................... 4
I.
Module Title................................................................................................................................................... 4
II.
Competency Code .......................................................................................................................................... 4
III.
Platform of Learning .................................................................................................................................. 4
IV.
Number of Hours ....................................................................................................................................... 4
V.
Introduction of the Concept/Competency ...................................................................................................... 4
VI.
Learning References .................................................................................................................................. 4
VII.
Learning Information ................................................................................................................................. 4
VIII.
Learning Activity (ies) ............................................................................................................................... 9
REFERENCES (SANGGUNIAN) .................................................................................................................... 10
ARALIN 2 – PAG-UUGNAY NG MGA KONSEPTONG PANGWIKA ......................................................... 11
I.
Module Title................................................................................................................................................. 11
II.
Competency Code ........................................................................................................................................ 11
III.
Platform of Learning ................................................................................................................................ 11
IV.
Number of Hours ..................................................................................................................................... 11
V.
Introduction of the Concept/Competency .................................................................................................... 11
VI.
Learning References ................................................................................................................................ 11
VII.
Learning Information ............................................................................................................................... 11
VIII.
Learning Activity (ies) ............................................................................................................................. 14
REFERENCES (SANGGUNIAN) .................................................................................................................... 14
ARALIN 3 – KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA .............................................................................. 15
I.
Module Title................................................................................................................................................. 15
II.
Competency Code ........................................................................................................................................ 15
III.
Platform of Learning ................................................................................................................................ 15
IV.
Number of Hours ..................................................................................................................................... 15
V.
Introduction of the Concept/Competency .................................................................................................... 15
VI.
Learning References ................................................................................................................................ 15
VII.
Learning Information ............................................................................................................................... 16
VIII.
Learning Activity (ies) ............................................................................................................................. 29
REFERENCES (SANGGUNIAN) .................................................................................................................... 29
ARALIN 4 – ANG IBA’T IBANG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN ............................................................ 30
I.
Module Title................................................................................................................................................. 30
II.
Competency Code ........................................................................................................................................ 30
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 2
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
III.
Platform of Learning ................................................................................................................................ 30
IV.
Number of Hours ..................................................................................................................................... 30
V.
Introduction of the Concept/Competency .................................................................................................... 30
VI.
Learning References ................................................................................................................................ 30
VII.
Learning Information ............................................................................................................................... 31
VIII.
Learning Activity (ies) ............................................................................................................................. 33
REFERENCES (SANGGUNIAN) .................................................................................................................... 33
MODYUL 5 – KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.................................................... 34
I.
Module Title/ Competency .......................................................................................................................... 34
II.
Competency Code ........................................................................................................................................ 34
III.
Platform(s) of Learning............................................................................................................................ 34
IV.
Number of Hours ..................................................................................................................................... 34
V.
Introduction of the Concept/Competency .................................................................................................... 34
VI.
Learning Reference .................................................................................................................................. 34
VII.
Learning Information ............................................................................................................................... 35
VIII.
Learning Activity(ies) .............................................................................................................................. 46
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 3
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
ARALIN 1 - MGA KONSEPTONG PANGWIKA
I.
Module Title
Kahulugan at Kabuluhan ng mga Konseptong Pangwika
II.
Competency Code
F11PN-19-86; F11PD-Ib-86; F11EP-Ic-30
III.
Platform of Learning
Modular - Offline
IV.
Number of Hours
Four (4) hours per week
V.
Introduction of the Concept/Competency
Hindi maaaring kulungin sa iisang kahulugan lamang ang wika, ngunit sinumang
bihasa sa pag-aaral nito ay sasang-ayon kung sabihing isa itong kakayahan ng tao na
nagagamit sa pagkalap at pagbabahagi ng kaisipan, damdamin, at anumang naisin niya.
Gamit ang mga simbolo at kaparaanang napagkasunduan ng isang partikular na grupo,
nagagawa ng mga partisipant na makiugnayan sa isa’t isa upang makamit ang isang
layunin.
Sa modyul na ito, alamin, suriin, at iugnay sa lipunang gingalawan ang iba’t ibang
konseptong pangwika na higit na makatutulong sa lubusang pag-unawa sa kursong ito.
VI.
Learning References
Learning Outcomes
(Bungang Pagkatuto)
Natutukoy ang mga
kahulugan at kabuluhan
ng mga konseptong
pangwika
Content
(Paksa)
Kahulugan ng
Wika
Barayti ng
Wika
Learning
Activities
(Gawaing
Pampagkatuto)
PagbibigayKahulugan:
Pagpapalawak sa
Kahulugan ng
wika
Nagagamit ang
kaalaman sa modernong
teknolohiya (facebook,
google, at iba pa) sa pagunawa sa mga
konseptong pangwika
VII.
Resources
Assessment
Method
(Paraan ng
Pagtataya)
Pagsulat na
may
Pamantayan:
Pagpapalawak
sa Kahulugan
ng Wika
Learning Information
A. KAHULUGAN NG WIKA
Ano nga ba ang wika? Iba-iba ang pagpapakahulugan dito. Ilan sa mga dalubhasa at
manunulat ay naglahad ng kanilang iba't ibang kaisipan at pagpapakahulugan sa wika.

Nagmula ang salitang wika sa salitang Latin na “lengua” na ang literal na kahulugan
ay dila, kaya't magkasintunog ang mga salitang “lengua” (dila) at “lingua” (wika)
(Castillo, et al., 2008).
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 4
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:







Ayon kay Webster, isang leksikograper na Amerikano, ang wika ay kalipunan ng mga
salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig
at binibigkas na pananalitang nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng karatig na organo
ng pananalita.
Ayon naman kay Edgar Sturtevant, isang kontemporaryong lingguwista, ang wika ay
isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng
tao.
Ang wika ay binubuo ng mga salita, kung paano bigkasin ang mga ito. Ito ang
pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga salita na ginagamit at nauunawaan ng isang
komunidad at nagiging matatag sa mahabang panahon ng pagkakagamit. Ito ang
saligan ng lipunan at nagiging kasangkapan upang magkaisa ang mga tao (Rubin, et
al., 2002).
Ang wika ay sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat
na titik na iniuugnay natin sa mga kahulugang gusto nating ihatid sa kapuwa tao
(Lorenzo, et al., 1994).
Ang wika ay mga simbolong salita na kumakatawan sa mga bagay at pangyayaring nais
ipahayag ng tao sa kaniyang kapuwa. Ang mga simbolong salitang ito ay maaaring
simbolismo o katawagan sa mga kaisipan at saloobin ng mga tao (Cruz at Bisa, 1998).
Ang wika ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit.
Posible ito dahil sa pagkakaroon ng sistema ng wika (Paz, et al., 2003).
Ang wika ay may balangkas na may tiyak na pagkakaayos, sinasalitang tunog kasama
ang arbitraryong simbolong kumakatawan sa tunog. Ang wika ay para sa
pakikipagkomunikasyon, para sa tao kaakibat ang kaniyang kinagisnang kultura.
Nabuo ang wika sapagkat ito ay isang pangangailangan ng tao, natatangi kung kaya
mas dumarami o lumalawak bunga ng patuloy na paglikha at sumasabay sa kahingian
nito sa takbo ng panahon (De Guzman, et al., 2013)
Mga Kabuluhan/Kahalagahan ng Wika
1. Instrumento sa Komunikasyon
2. Pagpapanatili, pagpapayabong at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao.
3. Ang wika ay mahalaga bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng taong may kanya-kanyang ginagamit na wika.
1.
2.
3.
4.
5.
Mga Kalikasan ng Wika
Biyaya ng Dakilang Lumikha sa Tao. Wika ang isa sa pinakamahalagang handog ng
Dakilang Lumikha sa tao sapagkat tao lamang ang pinagkalooban Niya nito.
May masistemang Balangkas. Ang lahat ng wika bago mabuo ay may sinusunod na
pagbabalangkas o estruktura.
Gumagamit ng Simbolo upang magbigay kahulugan. Dahil sa ang wika ay tinuturing na
komunikasyong berbal, ito ay binubuo ng mga simbolo upang matandaan at maunawaan
ang kahulugan nito.
Binubuo ng Tunog, Pinipili at Isinasaayos. Walang wika kung walang maririnig o
mapagkikilanlang tunog, ngunit hindi rin naman masasabing lahat ng tunog ng wika, kung
kaya’t ang wika ay may pinipiling tunog.
Arbitraryo at likas na nalilinang batay sa kulturang kinagisnan. Ang wika ay likas na
natutuhan at nalilinang ng bawat tao batay sa kulturang kinagisnan at kabihasnan.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 5
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
6. Nag-uugnay ng Sambayanan. Sinasabing wika ang naging sandigan ng lahat ng bansang
naging Malaya at umunlad sapagkat iuto ang naging daan upang mapagtagumpayan nila
ang kanilang mga pagpupunyagi sa lipunan.
7. Ang wika ay Dinamiko. Katulad ng isang tao, ang wika ay hindi maaring mabuhay sa
ganang sarili lamang, kailangan nitong magbago at manghiram sa iba pang wika upang
makasabay sa hinihingi ng pagkakataon sa bawat panahon.
8. Makapangyarihan ngunit walang angking pagkusuperyor. Alam nating lahat na ang
wika ang pinakmakapangyarihang sandata at instrument sa lahat ng pagkakataon.
1.
2.
3.
4.
5.


Daluyan ng Pagpapakahulugan ng Wika
Ang lahat ng wika ng tao ay nagsisimula sa tunog.
Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa
o maraming kahulugan.
Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsulat. Sa ating bansa nandiyan ang baybayin ng
mga Tagalog at Bukid ng mga Mangyan sa Mindoro
Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan
o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahhiwatig ng isang ganap na kilos ng tao ng
pag-awit, pagtulong sa tumatawid sa daan, at iba pa.
Kategorya at Kaantasan ng Wika
Pormal – ito ang kinikilala at ginagamit ng higit sa nakararami, sa pamayanan, sa bansa,
o isang lugar. Madalas itong ginagamit sa paaralan at opisina. May dalawang antas ang
pormal na wika:
a. Ang opisyal na wikang pambansa at panturo
b. Ang wikang pampanitikan
Di-Pormal – wikang madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. May
tatlong anta sang di-pormal na wika:
a. Ang wikang panlalawigan – mga salitang diyalektal
b. Ang wikang balbal – ang katumbas ng slang sa ingles
c. Ang wikang kolokyal – mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na
pakikipag-usap
Iba pang Kaalaman Hinggil sa Wika
Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Ang
Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika: di kukulangin sa 180 ang
wikang sinasalita sa Pilipinas. Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil
maraming wikang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito.
Homogenuos ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng mga
mamamayan dito. Gayunman, hindi naiiwasan ang pagkaroon ng mga diyalekto kahit isang
wika lamang ang ginagamit sa isang bansa dahil likas lamang sa mga tagapagsalita ng isang
wika na magkaroon ng ilang pagbabago sa bigkas ng mga salita, at sa pagbubuo ng iba’t-ibang
diyalekto ng isang wika.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 6
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
Wika, Diyalekto, Bernakular
Ang tagalog, Sinugbuanong Binisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan,
Bikol, at iba pa ay mga wika, hindi diyalekto at hindi rin wikain (salitang naimbento upang
tukuyin ang isang wika na mas mababa kaysa sa iba). Ang diyalekto ay nangangahulugang
varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika. Kapag hindi nagkakaintindihan ang dalawang
nag-uusap na gumagamit ng magkaibang wika, ibig sabihin, bawat wikang ginagamit nila ay
hiwalay na wika.
Ang halimbawa ng diyalekto ay ito: Ang mga nagsasalita ng isang wika, batay sa lugar
ngpinanggalingan, ay maaaring magkaroon ng bahagyang pagkakaiba sa bigkas, paggamit ng
panlapi, o ayos ng pangungusap. Dahil dito, may tinatawag na Tagalog-Bulacan, TagalogCavite, Tagalog-Metro Manila, at iba pa. Ngayon dahil maraming gumagamit ng pambansang
wika na galing sa iba’t ibang rehiyon, nagkakaroon na rin ng iba’t ibang diyalekto ng Filipino,
tulad ng Filipino-Ilokano, Filipino-Hiligaynon, at iba pa, na bawat isa ay nagpapakita ng
natatanging pagkakakilanlan ng unang wika ng tagapagsalita ng Filipino.
Bernakular ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook. Hindi ito varayti ng isang wika
tulad ng diyalekto, kundi isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng
gobyerno o ng kalakal. Tinatawag din itong wikang panrehiyon.
Wikang Pambansa Bilingguwalismo At Multilingguwalismo
Isang lingguwistikong realidad ang pagkakaroon ng maraming wika. Kahit na ba sabihing
mayroong pambansang wika, nananatili pa rin ang barayti at bayasyon (Constantino at
Mangahis, et al., 2005) nito na dinamikong nahuhubog at humuhubog sa mga kasalong wika.
Sa madaling salita, realidad ang tinatawag sa multilingguwalismo sa ating bansa. Ang wikang
Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa mga kasalong wika (Sugbuanong-Binisaya,
Iloko, Kapampangan, Pangasinan, Samar-Leyte, Maguindanao, Tausug, at Tagalog) at mga
banyagang wika (Kastila, Ingles, at Tsino). Upang mapalakas ang ating pambansang wika,
nararapat lamang na mawala ang katawagang rehiyonal o bernakular na wika. Kung ang
pinagmulan ng ideyalisadong wikang Filipino ay mula mismo sa wikang nasa loob ng bansa,
nararapat na bangayan ng mga etnolingguwistikong pangkat tungkol sa representatibong
wikang magmumula sa rehiyon na bubuo sa wikang pambansa.
Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang pananaw at pagiging
bilingguwal ng isang tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na
kahusayan. Bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugan ito ng paggamit
ng Ingles at Filipino bilang panturo sa iba’t ibang magkakahiwalay na subject. Ingles sa
matematika at siyensiya, Filipino sa agham panlipunan at iba pang kaugnay na larangan.
Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi multilingguwalismo ang pinaiiral na patakarang
pangwika sa edukasyon. Ang pagpapatupad ng mother tongue-based multilingual education o
MTB-MLE ay nangangahulugan ng paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang
partikular na lugar. Halimbawa, sa Ilokos, Ilokano ang wikang panturo sa mga estudyante mula
kindergarten hanggang ikatlong baitang. Ituturo naman ang Filipino at Ingles pagtuntong nila
sa ikaapat na baitang pataas. Ipinatupad ang ganitong pagbabago sa wikang panturo dahil
napatunayan ng maraming pag-aaral na mas madaling natututo ang mga bata kapag ang unang
wika nila ang ginamit na panturo. Mas madali rin silang natututong makabuo ng kritikal na
pag-iisip kapag naturuan sila ng kanilang unang wika.
Ang unang wika ay tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” o “inang wika” dahil ito ang
unang wikang natutuhan ng isang bata. Tinatawag na “taal” na tagapagsalita ng isang partikular
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 7
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
na wika ang isang tao na ang unang wika ay Tagalog. May nagsasabi rin na sila ay “katutubong
tagapagsalita” ng isang wika.
Pangalawang wika ang tawag sa iba pang wikang matututuhan ng isang tao pagkaraang
matutuhan ang kaniyang unang wika. Halimbawa, Hiligaynon ang unang wika ng mga tagaIloilo. Ang Filipino ay pangalawang wika para sa kanila. Ang Ingles, Nipongo, Pranses, at iba
pang mga wikang maaari nilang matutuhan ay tinatawag ding pangalawang wika.
Wikang Pambansa
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na batayan ang pagiging
pambansang wika ng Filipino. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon
ng 1987, nakasaad na, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.”
Wikang Panturo
Bukod sa pagiging pambansang wika ng Pilipinas, iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987
ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo. Sa ikalawang bahagi ng Artikulo XIV,
Seksiyon 6, nakasaad na, “Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring
ipasiya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pantuturo sa sitemang pang-edukasyon.”
Opisyal na Wika
Tinatawag na opisyal na wika ang isang wika na binigyan ng natatanging pagkilala sa
konstitusyon bilang wikang gagamitin sa mga opisyal na transaksiyon ng pamahalaan. May
dalawang opisyal na wika ang Pilipinas – ang Filipino at Ingles.
Ayon sa artikulo IV, Seksiyon 7, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles.
Bilang mga opisyal na wika, may tiyak at magkahiwalay na gamit ang Filipino at Ingles.
Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento
ng pamahalaan. Ito rin ang wikang gagamitin sa mga talakay at diskurso sa loob ng bansa,
halimbawa, sa mga talumpati ng pangulo at sa mga talakay at diskurso upang msunawaan ng
mga mamamayan ang mahahalagang usapin ng bansa. Bukod sa pagiging pambansang wika
at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas, gumaganap din ang Filipino bilang lingua franca o
tulay ng komunikasyon sa bansa. Kapag may dalawang taong mag-uusap na may magkaiba o
magkahiwalay na kultura at sosyolingguwistikong grupo, halimbawa, ang isa ay Kapampangan
at ang isa naman ay Bikolano, gagamitin nila ang Filipino para magkaunawaan.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 8
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
VIII.
Baitang at Strand:
Learning Activity (ies)
GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at ilahad ang kaisipan o kabuluhang nais ipaabot nito.
Maaari kang magbanggit ng halimbawang sitwasyon o karanasan mula sa paggamit
mo ng modernong teknolohiya. Isulat sa patlang ang iyong sagot. Ang bawat bilang
ay bibigyan ng puntos batay sa pamantayan sa baba.
Pamantayan sa Pagwawasto:
PAMANTAYAN
Paliwanag
Patunay
3 puntos
Lubos na napangatwiranan
ang lahat ng punto o ideya
Nakapagbigay ng patunay
para sa bawat punto o
ideyang inilahad
2 puntos
May isang punto o ideya
ang hindi napangatwiranan
May iang punto o ideyang
hindi nabigyan ng patunay
1.
Ang wika ay behikulo ng ating ekspresyon (Paz, et al., 2003).
2.
Ang wika ay saligan ng lipunan at kasangkapan upang magkaisa (Rubin, et
al.,2002)
3.
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo para magamit ng mga taong kabilang sa isang
lipunan (Henry Gleason).
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
1 puntos
Hindi napangatwiranan ang
buong ideya
Walang nailhad na patunay
Pahina | 9
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
REFERENCES (SANGGUNIAN)
Montera, G. G., & Plasencia, N. R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura:
Komprehensibong nSAnayang-Aklat sa Filipino para sa Senior High School. Cebu City,
Philippines: University of San Carlos Press.
Nuncio, R. (2016). Sidhaya II: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City, Philippines: C & E Publishing, Inc.
Taylan, e. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City,
Philippines: Rex Bookstore, Inc.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 10
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
ARALIN 2 – PAG-UUGNAY NG MGA KONSEPTONG PANGWIKA
I.
Module Title
Kaugnayan ng Konseptong Pangwika sa Kultura
II.
Competency Code
F11PN – Ia – 86; F11PD – Ib – 86
III.
Platform of Learning
Modular - Offline
IV.
Number of Hours
Four (4) hours per week
V.
Introduction of the Concept/Competency
Sinasabing ang isang kultura ay sumasalamin sa kung ano ang ating naging
kasanayan mula nang tayo ay isinalang at kung paano tayo pinalaki. Ang kultura ang isa
sa mga nagdidikta ng ating pagkakakilanlan at may pinakamalaking epekto sa kung ano
ang ating paniniwala at paninindigan.
Sa modyul na ito, alamin natin ang kaugnayan ng wika at kultura na siyang
sinasabbing hindi kailanman magkahihiwalay. Suriin natin ang tungkulin ng wika sa kung
anong kultura mayroon tayo maging ang tungkulin ng kultura sa wikang mayroon tayo
mula sa mga napapanood o napapakinggan sa telibisyon o radyo at iba pang pamamaraan
ng pagpapahayag sa kasalukuyan.
VI.
Learning References
Learning Outcomes
(Bungang Pagkatuto)
Content
(Paksa)
Naiuugnay ang mga
konseptong pangwika
sa mga
napakinggan/napanood
na sitwasyong pang
komunikasyon sa
radyo, talumpati, mga
panayam at telebisyon
Ang Wika at
Kultura
Learning
Activities
(Gawaing
Pampagkatuto)
Pagsusuri ng
isang palabas sa
telebisyon
Lingguwistikong
Komunidad at
Uri ng Wika
Resources
Assessment
Method
(Paraan ng
Pagtataya)
Pagbuo ng
pagsusuri
ng may
pamantayan
Naiuugnay ang mga
konseptong pangwika
sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga
karanasan
VII.
Learning Information
ANG WIKA AT KULTURA
Ayon kay Matienzo (2005), ang kultura ay tumutukoy sa kinaugaliang uri ng gawain,
kinaugaliang pananalita, kinaugaliang ikinikilos ng isang lahi na sa pagmamanamana ng
sumusunod na henerasyon ay maaaring magbago, mabawasan o kaya'y maglaho bunga ng
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 11
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
impluwensiya ng nagbabagong lipunan, nagbabagong kapaligiran, bunga ng pagbabago ng
panahon, o bunga ng pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya.
Halimbawa, noong panahon ng ating mga ninuno, ang mga babae ay pantahanan lamang
ngayon nagtatrabaho na, kumakandidato na; noon umiiral ang babae muna', ngayon kahit sino
na ang mauna’. Noon, uso ang bayanihan o lusungan' sa isang gawain, ngayon lahat ay 'bayaran
na.” Kahit na ang pagbibigay-galang sa nakatatanda na paggamit ng mga katagang ‘po," opo,”
“ho,” ‘oho," ay tila nawawala na sa mga kabataang mayayamang nasa maumets na lungsod.
Masasabi, samakatuwid, dito na ang wikang pambansa ay bukod sa sagisag o pantawag din ito
sa ating katutubong kultura, ay sagisag o tatak pa rin ito ng ating pagkakakilanlan bilang isang
lahing Pilipino.
Likas sa ating mga Pilipino ang paggamit ng ating sariling wika pagka't ito ang kinagisnan
nating wika, ito na ang ating sinusong wika, ito ang kinasanayan natin sa ating pakikipag- usap
sa ating kapuwa, kapuwa Pilipino. Kaya nakikita ang ating inuugali sa ating pananalita,
ikinikilos, o ginagawa. Sa pakikipag-usap sa ating kapuwa sa sariling wika ay makikitang
laging magkatugma ang sinasabi sa paraang pasalita at sinasabi sa paraang di pasalita. Kaya
kung tayo ay nagpapahayag ng galit, ng tuwa, ng lungkot, ng pag-aalinlangan, ay nakikita rin
ito sa ating mukha, mata, bibig, gayon din ng kilos o kumpas ng ating kamay, at/o paa. Kaya,
mahirap nating gawin bilang Pilipino ang sinasabi ng kantang, "smile though your heart is
aching." Ang totoo sa atin ay “pag may hapdi, may ngiwi.”
Tunay na madaling magkaunawaan ang mga taong magkaisa sa wika, pagkat magkaisa rin
sila sa kultura, magkaisa sa ugali. Sa karaniwang usapang tinatawag na pamilyar, kapag naguusap sila, mapapansin nating malimit na ang kani-kanilang pangungusap ay putol ngunit sila'y
nagkakaintindihan. Halimbawa, tanong ng isa: “Nakita mo ba si kuwan?” Sagot: “Si ano?
Hindi pa.” Sa ganyang uasapan ay nagkakaintindihan na sila. Pero nakarinig na ba kayo ng
isang Amerikanong nagpapatawa? Di ba kahit marunong kayong magsalita sa Ingles,
nakakaintindi kayo sa sinasabi sa inyo ng inyong kapuwa Pilipino, malimit na hindi kayo
matawa sa patawa ng Amerikano. Bakit? Dahil sa malimit na wala sa ating kultura ang uri ng
kaniyang pagpapatawa. Hindi natin maintindihan ang kaniyang pagpapatawa. Bakit kapag ang
kapuwa Pilipino ang nagpapatawa, halos unang salita pa lamang ang nasasabi'y natatawa na
tayo. Dahil sa kaisa natin siya sa ating kultura. Naiintindihan agad natin ang kaniyang sinasabi.
Ayon kay Jose (1995), binubuo ang ating kultura ng masalimuot na pagsasama-sama ng
pangkalahatang kaalaman, wika, moralidad, relihiyon, paniniwala, kaugalian, tradisyon, batas,
sining at panitikan at iba pang abilidad o kasanayan na nalilinang ng tao bilang miyembro ng
lipunan. Iniimpluwensiyahan ang kanilang pamumuhay, paggawa at pag-iisip, ang kanilang
nstitusyon, estrukturang materyal at relasyong espirituwal.
Sa ating bansa, nahahati at may malaking pagkakaiba ang kultura ng “elite”, na
makakanluranin, at ang kultura ng bayan na kasisinagan ng katutubong sibilisasyon na
sandigan ng kontemporaryong sibilisasyon. Nagpapatuloy hanggang ngayon ang katutubong
sibilisasyon at iba't ibang pamayanang kultural.
Ang folklore o kaalamang bayan ay magandang halimbawa ng kulturang bayan.
Naglalaman ang folklore ng iba't ibang karunungan na karaniwang binabale-wala ng
karamihan sa atin, subalit mahalaga dahil malalim at makabuluhan, bahagi ng buhay at
hanggang ngayon ay pinayayaman ng maraming sektor ng populasyon. Ipinapakita ng
halimbawang ito na hanggang sa panahong ito ng rebolusyong siyentipiko at teknolohikal,
patuloy ang daloy ng kaalamang- bayan, na bunga ng talinong Pilipino sa ubod ng ating
sibilisasyon.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 12
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
Sang-ayon naman sa sinabi ni Jose Villa Panganiban (sa Bisa, et al., 1983), ang kaugnayan
ng kultura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya, o ugaling gamitin, ay malapit na malapit.
Magkakambal. Samakatuwid, masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit
ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa kaniyang kultura.
Ang isang kultura ay hindi nabubuo dahil lang sa kanilang mga paniniwala. Kailangan ng
isang bagay upang ito'y mabigyang-linaw. Ito ay ang wika. Mula pagsilang ng tao ay may
kakambal nang kultura. Wika ang kaluluwa ng tao kaya't nagbibigay ito sa kaniya ng buhay.
Dahil dito, itinuturing na dalawang magkabuhol na aspekto ang wika at kultura ng tao. Walang
wika kung walang tao, at walang maunlad na kultura ng tao kung walang wika. Samakatuwid,
magkasabay ang pag-unlad ng wika at kultura ng tao. Kaya't habang may tao at umuunlad ang
kultura nito, patuloy ring buhay at dinamiko ang wika. Kung saan may wika ay may kultura at
kung saan may kultura ay siguradong may wika. Sa ngayon, pinakamabisang
tagapagpalaganap ng wika ay ang kultura ng bansa. Kultura ang tunay na libro ng nakaraan,
kasalukuyan at hinaharap ng bayan (De Guzman et al., 2013).
Sa kabuuan, ang wika ay may malaking kaugnayan sa kultura. Ang wika natin ang
tagapagpakilala ng kulturang Pilipino. Sapagkat ang wika ang tagapagbadya ng mga nakikita,
naririnig, nadarama, nasasalat, nalalanghap, sa kabuuan ay ng buhay at ng uri ng
pakikipamuhay ng indibidwal, masasabi nating ang wikang Filipino ay isang simbolo o isang
sagisag ng kulturang Pilipino.
Montera, G. G., & Plasencia, N. R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kultura: Komprehensibong Sanayang-Aklat sa Filipino para sa Senior High
School. Cebu City, Philippines: University of San Carlos Press.
Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika
Ang sosyolek ay uri ng wika na naililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring
panlipunan. Isang halimbawa nito ang jejemon na pinauso at ginamit ng isang sangay ng
lipunan natin na nakaugat sa kulturang popular ng kabatang gumagamit ng text messaging sa
kanilang komunikasyon.
Ang idyolek naman ay ang natatangi’t espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao.
Minsan nakikilala natin o nagiging marka ito ng pagkakakilanlan ng isang tao. Isang
halimbawa nito ang paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino. I-Google sa Internet o Youtube kung
paano siya magsalita.
Samantala, ang diyalekto ay uri ng pangunahing wika na nababago, nagbabago, o nagiging
natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon. Isang halimbawa
nito ang Tagalog na nanganak ng uri o barayti tulad ng Tagalog-Batangas, Tagalog-Cavite,
Tagalog-Maynila, at iba pa. Pansinin na may iba’t ibang katawagan o termino na pareho naman
ang kahulugan. Halimbawa ang setaw at sitaw na bigkas ang pagkakaiba at sintones at
dalandan o dalanghita na sa termino naman nagkakaiba.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 13
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
VIII.
Baitang at Strand:
Learning Activity (ies)
GAWAIN 1
Panuto:
1. Manood ng isang episode ng KMJS (Kapuso Mo Jessica Soho).
2. Iugnay ang episode na napanood sa kung paano naging mahalaga ang kultura sa
wika at ang wika sa kultura.
3. Sundin ang format sa ibaba.
Pamagat ng episode:
Introduksyon:
Pagtalakay:
Konklusyon:
Pamantayan
Ideya
4 puntos
Inilahad ang ideya
na orihinal
Organisasyon
Magaling
ang
organisasyon mula
umpisa, gitna, at
katapusan
Lubos
na
naunawaan
ang
bawat detalye ng
binasanga teksto
1 lang ang hindi
angkop
Pag-unawa
Mekaniks
3 puntos
Inilahad ang ideya
na hindi pabagobago
Maayos naman ang
organisasyon
Lubos
na
naunawaan
ang
bawat detalye ng
binasanga teksto
2-4 ang hindi
angkop
2 puntos
Inilahad ang ideya
nang pasaklaw
1 puntos
Malabo
ang
ideyang inilahad
May
iilang
pagtatangka
ng
maayos
na
organisasyon
Limitado
ang
naunawaan
sa
nabasang teksto
Magulo
organisasyon
sagot
5-7 ang
angkop
8 pataas ang hindi
angkop
hindi
ang
ng
Walang ipinakitang
pang-unawa
sa
binasang teksto
REFERENCES (SANGGUNIAN)
Montera, G. G., & Plasencia, N. R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura:
Komprehensibong Sanayang-Aklat sa Filipino para sa Senior High School. Cebu City,
Philippines: University of San Carlos Press.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 14
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
ARALIN 3 – KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
I.
Module Title
Pinagdaanang Pangyayari / Kaganapan Tungo sa Pagkabuo at Pag-unlad ng
Wikang Pambansa
II.
Competency Code
F11PS – Ig – 88; F11PB – If – 95; F11PN – If – 87; F11PU – Ig – 86; F11WG – Ih – 86
III.
Platform of Learning
Modular - Offline
IV.
Number of Hours
Four (4) hours per week
V.
Introduction of the Concept/Competency
Ang isang bansa ay nagkakaroon ng pagbubuklod-buklod dahil sa kanilang wika. Ang
bansang Pilipinas at ang wikang Filipino ay isang magandang halimbawa nito. Maraming kabanata
ang nahubog mula sa kasaysayan ng pambansang wika ng Pilipinas. Kung susuriin ang ating
kasaysayan, matutuklasan na naging mahirap ang paglalakbay ng mga Pilipino upang makamit ang
pambansang wika. Ang pagiging arkipelago ay isang sanhi kung bakit nagkawatak-watak ang mga
Pilipino. Hindi natapos ang ating paghihirap sa heograpiya o sa pagkakaroon ng sari-saring kultura.
Naging mahirap para sa mga Pilipino na gumawa ng paraan upang makagawa ng sariling wika
dahil sa mga sumakop na dayuhan; sapagkat,hindi sila binigyan ng kalayaan. Isinantabi ang mga
katutubong wika at kaunti lamang ang pinagkalooban ng pagkakataong makapag-aral. Kabilang
ang Pilipinas sa mga umuunlad na bansa na nagdanas ng maraming taon sa kamay ng iba't ibang
kolonyanisador. Nang maipaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa mga dayuhang sumakop,
hindi naging sapat ang pagkakaroon ng pamahalaan upang magkaisa. Kinailangan ng isang wika
upang matapos na ang dibisyon na namumuo sa bawat rehiyon. Matapos ang mahabang panahon,
ang wikang Filipino ang naging dahilan ng pagkakaroon ng sariling identidad ng mga Pilipino.
Kahit anong bansa o kultura ay hindi makukumpleto nang wala ang kanilang sariling wika. Ang
wikang Filipino ay hinubog ng kasaysayan, karanasan, at kamalayan ng bayan. Ang kasaysayan ng
ating wika ay binubuo ng masasalimuot na mga pangyayari. Dumaan ito sa mahabang proseso ng
pagtanggi at pagtanggap bago pa ito naging ganap na wikang pambansa. Ating tunghayan ang
kasaysayan at ebolusyon ng wikang pambansa (Constantino et al., 1985; Rubin, et al., 2002;
Catacataca at Espiritu, 2005; Vega, 2010; Labor, 2015).
Montera, G. G., & Plasencia, N. R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura: Komprehensibong
Sanayang-Aklat sa Filipino para sa Senior High School. Cebu City, Philippines: University of San Carlos Press.
VI.
Learning References
Learning Outcomes
(Bungang Pagkatuto)
Natutukoy ang mga
pinagdaanang pangyayari /
kaganapan tungo sa
pagkabuo at pag-unlad ng
Wikang Pambansa
Nasusuri ang mga pananaw
ng iba’t ibang awtor sa
isinulat na kasaysayan ng
wika
Learning
Content
Activities
(Paksa)
(Gawaing
Pampagkatuto)
Kasaysayn ng
Pagtukoy ng
Wikang
pagkasunodPambansa
sunod ng
- Panahon ng
mahahalagang
Kastila
pangyayari sa
- Panahon ng
kasaysayn ng
Rebolusyong wikang pambansa
Pilipino
- Panahon ng
Amerikano
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Assessment
Method
Resources
(Paraan ng
Pagtataya)
Timeline
Pagsunodsunod
Pahina | 15
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
Nakapagbibigay ng opinyon
o pananaw kaugnay sa mga
napakinggang pagtalakay sa
wikang pambansa
Nakasusulat ng sanaysay na
tumatalunton sa isang
partikular na yugto ng
kasaysayan ng Wikang
Pambansa
-
Panhon ng
Komonwelt
Panahon ng
Hapon
Panhon ng
Pagsasarili
Hanggang sa
Kasalukuyan
Natitiyak ang mga sanhi at
bunga ng mga pangyayaring
may kaugnayan sa pagunlad ng Wikang Pambansa
VII.
Learning Information
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Panahon Ng Kastila
 Ipinag-utos ng hari ng Espanya na turuan ng wikang Espanyol ang mga katutubo.
 Hindi pinanukala ng mga Espanyol na ituro sa mga katutubo ang wika ng mga kolonyalista.
 Sa halip, sila ang nag-aral sa wika ng mga katutubo upang magkaroon ng midyum ng
komunikasyon.
 Ginawang sapilitan ang pag-aaral at ang wikang ginamit ay wikang bernakular.
 Iniutos ng hari ng Espanya sa arsobispo na hindi nila dapat isagawa ang pagtuturo sa mga
katutubo hanggat hindi sila marunong sa wika ng mga katutubo.
Bakit ayaw ituro ng mga Kastila ang kanilang wika sa mga katutubo?
1. Natatakot silang mapantayan sila ng mga katutubo sa kaalaman o talino.
2. Nangangamba sila na baka kapag marunong na ng wikang Espanyol ang mga tao ay
matutong magsumbong sa Espanya tungkol sa mga kabalbalang pinaggagawa nila dito sa
Pilipinas.
3. Higit nilang iniwasan ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga Pilipino at matutong magalsa laban sa kanila.
Bakit ipinasiya ng mga misyonero na gamitin ang katutubong wika bilang midyum sa pagtuturo
ng doktrinang Katoliko?
1. Mas madaling matutuhan ng isang misyonero ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa
lahat o kahit ilan lamang sa taong-bayan ang Espanyol
2. Higit na kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng katutubong
wika ng mga tinuturuan kaysa kung ang mensahe ay naihahatid sa pamamagitan ng
interpreter

Nakabuti ang mga pasiyang ito dahil nasimulan ang paglinang sa mga rehiyonal na wika
gayundin nalimot ng taong-bayan ang kanilang paganismo, ngunit hindi ang kanilang
katutubong wika.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 16
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:



Baitang at Strand:
Nakaambag ang mga kolonisador sa panitikan ng Pilipinas gaya ng (a) romanisasyon ng
Baybayin (Abecedario) at (b) pagkakasulat ng aklat gramatika sa iba't ibang diyalekto ng
Pilipinas
Nagsulat ang mga prayle ng mga aklat panggramatika at diksiyonaryo sa mga katutubong wika
ng mga katekismo at mga kumpisyonal hindi para magamit ng mga katutubo kundi para
gamitin nila. Naging bihasa ang mga prayle sa mga katutubong wika at naisagawa nila ang
pagtuturo o pangangaral at pagkakaloob ng sakramento.
Nagbukas sila ng mga paaralan sa layuning maituro ang relihiyon.
Panahon Ng Rebolusyong Pilipino
 Sumapit din ang panahon ng kamulatan – namulat ang isipan at damdaming makabayan ng
mga Pilipino
 Pinangunahan ito ng pangkat ng mga ilustrado o maykaya sa buhay tulad nina Rizal, Luna, del
Pilar, Lopez Jaena at iba pa
 Sila'y nakapag-aral sa Europa at natuto ng ibang ideolohiya tulad nasyonalismo at demokrasya
 Naitatag din sa panahong ito ang Kartilya ng Katipunan na nakasulat sa wikang Tagalog.
 Maraming naisulat na akdang pampanitikan sa wikang Tagalog tulad ng tula, sanaysay,
kuwento, liham at talumpati upang magising ang damdaming bayan at sumibol ang
nasyonalismong Pilipino
 Ang lider intelektuwal ay naging abala sa mga suliraning nauugnay sa edukasyon at pagpili ng
wika
 Maraming pang-edukasyong kautusan ang pinagtibay at inaasahang maipatutupad sa panahon
ng Pamahalaang Rebolusyonaryo
1897 (Nob. 1) Sa pamamagitan ng Saligang Batas ng Biak-na-Bato, nakasaad na “Ang wikang
Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng mga Pilipino”.
Itinatadhana ng Artikulo 123 na “ang ituturo sa elementarya ay wastong pagbasa,
pagsasalita at pagsulat ng wikang opisyal na Tagalog at mga pangunahing simulain ng
Ingles. Ang lalong mataas na edukasyon ay bubuuin ng dalawang kurso ng Ingles at
dalawang kurso ng French”.

Ang tagapagbalangkas ng Konstitusyong 1898 ay nagpamalas ng kamalayan ng mga lider
Pilipino sa kahalagahan ng wika sa buhay-bansa. Ipinakita ng mga probisyon sa wika na:
1. nauunawaan ng mga Pilipino ang pangangailangan ng isang katutubong wika sa kanilang
sariling identidad;
2. para sa praktikal na layunin sa panahong iyon nauunawaan din nila ang kahalagahan ng
pagpapanatili ng isang wikang opisyal;
3. nakikita nila ang lumalaking impluwensiya at halaga ng Ingles bilang isang lingua franca
(Catacataca at Espiritu: 2005).
1898
(Hunyo 5) Kinomisyon ni Emilio Aguinaldo si Julian Felipe, isang kilalang piyanista at
kompositor na taga-Cavite na lumikha ng isang martsa upang mapag-isa ang damdamin ng
mga Pilipino sa paglaban sa mga mananakop na Espanyol. Pinamagatan ni Felipe ang
kaniyang nilikhang martsa na "Marcha Filipino Magdalo".
(Hunyo 11) Itinanghal ni Felipe ang musika sa harap ni Aguinaldo at sa mga tinyente nito.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 17
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
(Hunyo 12) Unang itinugtog ang pambansang awit sa saliw ng bandang San Francisco de
Malabon
Panahon Ng Amerikano
 Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagbunsod ng malaking pagbabago sa kalagayang
pangwika sa Pilipinas
 Nagpatayo sila ng pitong pambayang paaralan sa Maynila
 Naging unang guro ang mga sundalong Amerikano na nagturo ng Ingles
1900 (Marso 4) Alinsunod sa Pangkalahatang Kautusan Blg. 41, si Kapitan Alberto Todd ay
nagsagawa ng mga hakbang tungo sa pagtatag ng isang sistema ng edukasyon:
1. pagtatag ng isang komprehensibong modernong sistema ng edukasyon
2. paggamit sa wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo
3. pagpapatupad ng patakarang sapilitang pagpasok sa paaralan
1901 Pinagtibay ng Philippine Commission sa bisa ng Batas 74 na gawing panturo sa mga paaralan
ang wikang Ingles.
 Oryentasyon ng mga Amerikano sa Edukasyon: pagpilit sa paggamit ng Ingles bilang
midyum ng pagtuturo
 Malugod itong tinanggap ng mga katutubo dahil:
(a) Mabuti ang pakikisama ng mga Amerikano
(b) Uhaw ang mga Pilipino sa isang uri ng pag-aaral na liberal
 Ang mga paksa sa paaralan ay nakatuon sa mga Amerikano tulad ng kanilang kultura,
literatura, kasaysayan, politika, ekonomiya, at iba pa.
 Hindi lang kinaligtaan ang pag-aaral sa anomang bagay na Pilipino, ipinagbawal pa.
 Ang mga bagay na Amerikano ang buong pusong tinangkilik.
 Sa musmos na isipan ay nagkaroon ng bagong idolo ang mga Pilipino: Jack & Jill,
Humpty Dumpty, Snow White, Cinderella, Little Miss Muffet, at iba pa.
 Natutuhan ng mga bata ang A is for Apple, D is for Daffodil, E is for Elephant, at S is
for Snow. Kahit na sa Pilipinas ay wala namang apple, daffodil, elephant, at snow kundi
atis, katuray, kalabaw, at haluhalo.
 Ipinapatik ang tatak ng pagkabaduy o pagka-promdi sa mga bagay na lokal at katutubo
at pagka-class naman sa pagsusuot ng mga imported.
 Isinibol ng panahon ang isang uri ng pananalita: pinaghalong wika: Ingles at Tagalog
(Enggalog/Taglish). Lumitaw ang isang uri ng English-Filipino sapagkat ibang-iba
naman talaga sa American English o sa British English. May Cebuano-English,
Ilokano- English at Carabao-English.
1925 Monroe Educational Commission - Nakita sa sarbey na mabagal matuto ang mga batang
Pilipino kung Ingles ang wikang panturo sa mga paaralan.
1932
Panukalang Batas Blg. 577- Gamitin bilang wikang panturo sa mga paaralang primarya
ang mga katutubong wika mula taong panuruan 1932-1933.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 18
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
Panahon Ng Komonwelt
 Ang misyon nina Quezon at Osmeña ay nagpahalaga sa importansiya ng wikang pambansa.
 Isa sa mga layunin ng edukasyon sa panahon ng Komonwelt ang debelopment ng diwa ng
pambansang pagkakaisa o nasyonalismo
 Naniniwala ang mga lider ng bansa na ang adapsiyon ng isang panlahat na pambansang wika
ay lubhang mahalaga. Pinagpasiyahan nila kung ano ang magiging opisyal na wika ng bansa.
 Nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal na tinalakay ang problema sa wika. Nagkakaiba
ang mga delegado sa kung aling wika ang dapat umiral bilang opisyal na wika ng Pilipinas.
Ang nakararami ay sang-ayon sa pagpapanatili ng Ingles bilang opisyal na wika dahil:
1. ang Ingles noon ay malaganap na sa buong kapuluan
2. napakaraming guro ang nasanay at nakapag-aral sa Ingles at gumagamit nito bilang wikang
panturo
3. ang henerasyon ng kabataan noon, maliban sa iilan lamang, ay nagsipag-aral sa Ingles, at
ang hahaliling mga henerasyon ay naturuan sa Ingles
4. ang Ingles ang umiiral na wika ng komersyo sa silangan at karamihan sa mga
pakikipagtransaksiyong komersiyal na rehiyon o sa Amerika ay isinasagawa sa wikang ito
5. nakagugol na ng milyon-milyong piso para sa edukasyon ng masa sa Ingles, sa pagsasanay
ng mga guro, sa paghahanda ng mga sistema ng panuruan, mga aklat at peryodikal, atbp.
6. lubhang marami nang literatura, lalo na ng mga nakababatang henerasyon ng mga Pilipino
na nasusulat sa wikang Ingles
7. ang atas sa Batas Tydings-McDuffie ay nagtatakda sa Ingles bilang pangunahing batayan
ng pagtuturo at ang pagpapasimula ng ganito ring probisyon ay kasama sa rekomendasyon
ng Komite ng Paturuang Pambayan.
Iminungkahi sa isinagawang deliberasyon ang mga sumusunod:
1. Ingles ang dapat maging wikang opisyal
2. Ingles at Espanyol ang dapat maging wikang pambansa
3. Tagalog ang dapat maging wikang opisyal
4. dapat na magtatag ng Akademya ng Wikang Pambansa na ang pangunahing tungkulin ay
ang pag-aaral at pagrerekomenda ng isang pambasang wika
5. Tagalog ang dapat maging pambansang wika
6. ang pambansang wika ay isang bernakular na pinili sa pamamagitan ng isang referendum
7. dapat na magkaloob ng isang pambansang wika na batay sa wikang Tagalog
 Nagdaos ng publikong pagdinig ang Komite sa Opisyal na Wika sa layuning makagawa
ng makatuwirang pasiya. Dinaluhan ito ng mga taong interesado at may-alam tungkol
sa wika.
 Nagkaroon ng maayos na diskusyon at malayang mga pangangatuwiran.
Napagkasunduan ng dalawang proposisyon na ang pambansang wika ay dapat na
katutubong wika at hindi dayuhang wika, at ang Ingles at Espanyol ay dapat
magpatuloy bilang mga wikang opisyal.
1935
Konstitusyong 1935 (Artikulo Blg. XIV, Seksyon 3), Ang kongreso ay gagawa ng hakbang
tungo sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 19
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
1936
(Nob. 13), Pagtibayin ang Batas Komonwelt Blg. 184- Itinatag ang tanggapan ng Surian
24 ng Wikang Pambansa (SWP) na binibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga pagaaral sa lahat ng mga sinasalitang wika sa kapuluan. Magsagawa sila ng komparatibong
pag-aaral sa mga wika ng Pilipinas at magrekomenda ng wikang pinakamagaling na
magiging batayan ng isang pambansang wika.
1937
(Enero 12) Upang maisakatuparan ang mga tadhana ng Seksiyon 1 at 2 ng Batas
Komonwelt Blg. 184, hinirang ni Pang. Quezon ang Kalupunan ng Surian ng Wikang
Pambansa mula sa iba't ibang rehiyon at kumatawan sa ilang pangunahing wika ng
Pilipinas:
o Direktor Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte/Waray, Bisaya)
o Santiago A. Fonacier (Ilokano)
o Filemon Sotto (Cebuano) na tumangging maging kagawad at pinalitan ni Isidro Abad
o Casimiro F. Perfecto (Bikolano)
o Felix S. Salas Rodriguez (Panay-Bisaya/Ilonggo)
o Hadji Butu (Tausug)
o Cecilio Lopez (Tagalog)
o Zoilo Hilario (Kapampangan)
o Jose I. Zulueta (Pangasinan)
o Lope K. Santos (Tagalog)
 Maraming haka-haka ang nabuo tungkol sa naging batayan ng wikang pambansa.
Paano raw ito napili?
 Ang desisyon ng lupon ay nakasalig sa pamantayan o batayan na kanilang nabuo.
Mga Pamantayan sa Pagpili ng Batayan ng Wikang Pambansa
Alin sa mga katutubong wika ang:
a) sinasalita at nauunawaan ng maraming Pilipino?
b) ginagamit ng mga pinakadakilang nasusulat sa akdang panliteratura?
c) sinasalita at ginagamit sa pamahalaan, edukasyon, at negosyo?


Wala pang halos isang taon ay nakapili na ang Surian ng Wikang Pambansa ng isang
wikang katutubo na magiging batayan ng wikang pambansa.
Wikang Tagalog ang tumugma, pumasa, at umayon sa itinakdang mga pamantayan.
(Nob. 9) Isinumite ng mga miyembro ng Surian kay Pang. Quezon ang kanilang
rekomendasyong Tagalog ang gagamiting batayan ng wikang pambansa.
(Dis. 30) Nagkabisa ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 – Wikang Tagalog ang
ginawang batayan ng wikang pambansa. Ipinahayag ang kautusang ito ni Pang. Manuel
Luis Quezon sa isang brodkast sa radyo mula sa Malacañang.
1939
(Dis. 13) Nalimbag ang kauna-unahang Balarilang Pilipino na siyang bunga ng walang
pagod na pagsusumikap at pagmamalasakit sa wika ni G. Lope K. Santos na kinikilalang
“Ama ng Balarilang Pilipino."
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 20
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
1940
(Abril 1) Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 - Pagpapalimbag ng Diksiyonaryong
Tagalog-Ingles at ng Balarila ng Wikang Pambansa para magamit sa mga paaralan sa
buong kapuluan.
(Hunyo 19) sinimulang ituro sa mga paaralang pampubliko at pribado ang pambansang
wikang nakabatay sa Tagalog.
Bulitin Blg. 26 - Lahat ng mga pahayagang pampaaralan ay magkaroon ng isang pitak o
kolum sa wikang pambansa.
Panahon Ng Hapon
 Halos hindi pa natagalang ipinaturo ang wikang pambansa sa mga paaralan, sumiklab ang
Pangalawang Digmaang Pandaigdig (WW II)
 Nasarado sandali ang mga paaralan.
 Sa pagbukas, ipinagamit na wikang panturo ang wikang katutubo
 Sa pamamagitan ng paaralan ay pinasimulan nila ang paglaganap ng ideolohiyang Hapones
1941










(Enero 17) ang Punong Tagaatas ng Pwersang Imperyal ng Japan ay naglahad ng “Mga
Saligang Prinsipyo ng Edukasyon sa Pilipinas” na nagtatakda sa mga layuning:
1. ipaunawa sa taong bayan ang posisyon ng Pilipinas bilang miyembro ng East Asia CoProsperity Sphere upang malasap daw ang sariling kaunlaran at kultura sapagkat
nararapat na ang “Asya ay para sa mga Asyano” at “Ang Pilipinas ay para sa mga
Pilipino”
2. burahin ang dating kaisipan ng pagiging depende sa mga Kanluranin, lalo na sa United
States at sa Great Britain, at maitaguyod ang bagong kulturang Pilipino na batay sa
kamalayang pansarili ng sambayanan bilang mga Silanganin
3. pagsikapang mapalaganap ang wikang Hapones at wakasan ang paggamit ng Ingles
Ibig ng mga Hapon na malimutan ng mga Pilipino ang Wikang Ingles.
Naging masigla at umunlad ang wikang pambansa
Umunlad ang Panitikan ng Pilipinas.
Ang mga manunulat na sumusulat ng Ingles ay napilitang magsulat sa wikang pambansa.
Inalis sa kurikulum ang wikang Ingles at sapilitang ipinaturo ang wikang pambansa at
Niponggo
Ang patalastas ng tagaatas sa Hapones ay nag-utos na “dapat magsagawa ng hakbang para ang
Tagalog ay mapalaganap”
Pinagsikapan ng maykapangyarihang Hapones na kontrolin din ang paksang aralin at ang
programa ng pagtuturo upang maisakatuparan ang ikinukubling plano.
Inutusan din ang mga guro na alisin ang lahat ng bahagi ng teksbuk na tumutukoy sa anumang
bagay na may kaugnayan sa United States o sa Great Britain.
Maliban sa pag-aalis at pagbubura sa mga nilalamang Ingles sa mga aklat ay nanatiling halos
walang pagbabago sa estruktura ng edukasyon.
Binigyang-diin ang Niponggo sa mga institusyon at pagsasanay pangguro. Dapat matutuhan
ng mga guro upang maituro nila ito at mapahalagahan ang programa ng Japan para sa Pilipinas.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 21
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:



Baitang at Strand:
Itinuturo ang Niponggo sa loob ng isang oras sa isang araw sa limang araw. Sa halip na
pamaraang pagsasalin, ang ginamit ng mga instruktor ay pamaraang tuwiran o aktwal na
paggamit ng wika sa kinauukulang sitwasyon
Mga paksa na pagtuturo: pamumuhay at kulturang Hapones, Kasaysayan at Kulturang
Silanganin, edukasyong pisikal, mga awiting Pilipino at Hapones
Naging aktibo si Pang. Jose P. Laurel sa paglahok sa paghahanda ng Bagong Konstitusyong
Pilipino sa layuning maituon sa paglinang ng nasyonalismo upang matugunan ang mga
realidad
1942
(Hulyo 24) Isinaad sa Ordinansa Militar Blg. 13 na ang Niponggo at Tagalog ang siyang
opisyal na mga wika ng bansa, bagaman, pansamantalang pinahihintulutan ang paggamit
ng wikang Ingles. Ang hakbang na ito isang opisyal na pagkilala sa pambansang wika
bilang wika ng pamahalaan. Sa ilalim ng pangasiwaang militar, tinuruan ng Niponggo ang
mga guro ng mga pampublikong paaralan upang pagkatapos ay sila naman ang magturo sa
mga paaralan.
1943
(Nob. 30) Naglagda si Pang. Laurel ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 na nagtatakda
ng ilang repormang edukasyon, at isa sa mga iyon ang pagtuturo sa wikang pambansa sa
lahat ng publiko at pribadong hayskul, kolehiyo at unibersidad
1944
(Enero 3) Binuksan ang isang Surian ng Tagalog na tulad ng Surian ng Niponggo upang
ituro ang Tagalog sa mga gurong di-Tagalog Walang sumalungat sa pamamalakad ng mga
Hapones kahit sa mga di-Tagalog sa takot na mapahamak sa mga Hapones.
Panahon Ng Pagsasarili Hanggang Sa Kasalukuyan
1946 (Hulyo 4), Batas Komonwelt Blg. 570 – Ang wikang pambansa ay isa nang wikang opisyal
sa Pilipinas kasama ng Ingles at Español.
Ang wikang pambansa ay tatawaging “WIKANG PAMBANSANG PILIPINO”
Sa panahong ito, maraming mga pag-aaral ang isinagawa tungkol sa gagawing wikang
panturo sa paaralan
Ang Misyon sa Edukasyon ng UNESCO ay sang-ayon sa pambansang patakaran sa
pagpapaturo ng wikang pambansa sa paaralan, Ingles ang nanatiling wikang panturo at
iminungkahing ihandog na aralin sa mataas na paaralan ang Kastila
Sa pag-aaral na isinagawa ni Dr. Jose Aguilar (superintendente ng Iloilo) tungkol sa “Ang
Pagsubok sa Iloilo”, napatunayang higit na mabilis matuto ang mga batang sinimulang
turuan sa unang dalawang baitang sa wika ng pook (Hiligaynon) kaysa sa mga batang
tinuruan sa pamamagitan ng wikang Ingles
1950
Sa pag-aaral ni Dr. Clifford Prator, inirekomenda na gawing wikang panturo sa unang
dalawang baitang ang wika ng pook at ituro ang Ingles bilang isang aralin simula sa unang
baitang at ito ay gawing wikang panturo pagsapit sa ikatlong baitang, samantalangang
Pilipino ay sisimulang ituro sa ikalimang baitang.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 22
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
1951
Ang wikang pambansa ay tatawaging “WIKANG PILIPINO”.
1954
(Marso 26) Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 na nag-uutos
sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing Marso 29-Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian
ng Wikang Pambansa (SWP).
1955
(Set. 23) Proklamasyon Blg. 186- Inilipat ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa
Agosto 13-19. Ang huling araw ay itinapat sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon
na binigyan ng karangalang “Ama ng Wikang Pambansa.”
1956
(Pebrero) Nirebisa ang salin sa Pilipino ng Panatang Makabayan at ipinagamit ito sa mga
paaralan.
(Mayo 26) Unang inawit sa sariling wika ang pambansang awit ng Pilipinas, ang "Lupang
Hinirang"
Sirkular 21 – Pagtuturo at pag-aawit sa wikang pambansa ng binagong Lupang Hinirang
sa mga paaralan.
1958
Binagong Palatuntunang Edukasyunal ng Pilipinas
Ipinatupad ang paggamit ng katutubong wika ng pook bilang wikang panturo sa unang
dalawang baitang ng elementarya, ituro ang wikang Pilipino at ang wikang Ingles simula
unang baitang; at simula sa ika-3 baitang ay wikang Ingles ang gawing panturo
1959
(Agosto 13) Nilagdaan ni Kalihim Jose Romero ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7:
Ang wikang pambansa ay tatawaging "PILIPINO”.
Ang paggamit ng PILIPINO ay isang hakbang tungo sa pag-aalis ng rehiyonalismo at
nagbubunga ng pagsasabansa ng dating panrehiyon o diyalekto. Ito ay naging wikang
interehiyonal at mabisang midyum na nag-uugnay sa mga pulo at sa iba't ibang pangkat
lingguwistiko sa Pilipinas.
1962
Nagsimulang magamit ang Pilipino sa mga pasaporte, visa at iba't ibang dokumento ng
ugnayang panlabas, selyong pangkoreo, salaping Pilipino, sertipiko, diploma sa mga
paaralan sa lahat ng lebel ng edukasyon
1963
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 – Nilagdaan ni Pang. Diosdado Macapagal na naguutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Pilipino sa alinmang pagkakataon,
maging dito o sa ibang bansa man.
1967
(Oktubre 24) Kautusang Pangkagawaran Blg. 96 - Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos
ang kautusang ito na pangalanan sa Pilipino ang mga gusali, edipisyo, at tanggapan ng
ating pamahalaan.
1968
(Marso 27) Memorandum Sirkular Blg. 172- Ang mga pamuhatan ng liham (letterhead) ng
mga kagawaran, tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na isusulat sa
Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Iniatas din na ang pormularyo ng
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 23
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaanay sa Pilipino
gagawin.
(Agosto 5)- Memorandum Sirkular Blg. 199- Nananawagan sa mga pinuno at empleyado
ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang
Pambansa sa lahat ng purok pangwika.
(Agosto 6)- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187- Nag-aatas sa lahat ng kagawaran
kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na Pilipino hanggat maaari sa
Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at
transaksiyon ng pamahalaan.
1969
(Agosto 7) - Memorandum Sirkular Blg. 277- bumago sa Memorandum Sirkular Blg. 187
at nag-uutos na lahat ng mga pinuno at kawani ng mga tanggapan ay dumalo sa mga
seminar na idaraos.
1970
Resolusyon Blg. 70 – Ang wikang Pambansa ay naging wikang panturo sa antas
elementarya.
1971
(Hulyo 29)- Memorandum Sirkular 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa,
Agosto 13-19.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304- Muling binuo ni Pang. Marcos ang Lupon ng Surian
ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.
1972
Saligang Batas ng 1972 (Artikulo XV, Seksyon 2 at 3) Ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang tatawaging Pilipino at hangga't di binabago ang batas, ang Ingles at
Pilipino ang mananatiling mga opisyal na wika ng Pilipinas.
1973
(Mayo) Resolusyon Blg. 73 Ang nagluwal sa Patakarang Edukasyong Bilinggwal. Ang
Patakarang Bilinggwal ay ang paggamit ng Ingles at Pilipino bilang midyum ng pagtuturo
sa mga tiyak na aralin at bilang hiwalay na asignatura sa kurikulum mula unang baitang ng
mababang paaralan hanggang kolehiyo sa lahat ng paaralan.
1974
(Hunyo 19) Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang
kautusan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal.
Ang patakaran ay naglalayong linangin ang magkatimbang na kasanayan sa Ingles at
Pilipino para sa lahat ng mga paaralan, elementarya, sekundarya at tersiyarya.
1975
(Oktubre 10) Ipinalabas ang aklat na “Mga Katawagan sa Edukasyong Bilingguwal”.
Layunin nito ang pagpapabilis ng pagpapalaganap ng bilingguwalismo.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 24
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
DECS Order Blg. 50, s. 1975 – “Supplemental Implementing Guidelines for the Policy on
Bilingual Instruction at Tertiary Institutions” Sa kautusang ito binigyan ng opsiyon ang
mga institusyon sa antas tersiyarya na magdebelop ng kanilang sariling iskedyul ng pagimplementa sa programa. Gayunpaman, niliwanag na simula taong 1984, lahat ng
magtatapos ng mga kurikulum sa antas tersiyarya ay dapat na pumasa sa mga pagsusulit sa
Filipino at/o Ingles para makapagpraktis ng kanilang propesyon.
1977
Memorandum Sirkular Blg. 77- Pagsasanay ng mga pinuno at kawani ng mga pamahalaang
lokal sa paggamit ng wikang Pilipino sa mga transaksiyon, komunikasyon at
korespondensiya.
1978
Lumabas ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos ng pagkakaroon ng 6 na yunit
na Pilipino sa lahat ng kurso sa tersyarya at 12 yunit sa mga kursong pang- edukasyon
simula sa taong panuruan 1979-1980.
1979
Kautusang Pangministri Blg. 40- Ang mga estudyante sa medisina, dentista, abogasya at
paaralang gradwado na magkaroon na rin ng asignaturang Pilipino pati na rin ang mga
estudyanteng dayuhan.
1980
(Nobyembre 19) Ipinalabas ng Minister ng Lokal na Pamahalaan ang Memorandum
Sirkular Blg. 80-86 na nag-aatas na lahat ng mga gobernador at mayor ng Pilipinas ay isaPilipino ang mga Sagisag-Opisyal.
Kautusang Pangministri Blg. 102- Nagtatakda ng mga Sentro sa Pagsasanay ng mga guro
sa Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa antas tersiyarya.
1982
Ipinag-utos na simula taong panuruan 1982-1883, Pilipino ang gagamiting wika ng lahat
ng institusyon sa pagtuturo ng sumusunod na asignatura (Phil. History & Gov't., Rizal's
Life and Works, Sociology, Economics, Physical Educ., Practical Arts, Gen. Psychology,
Ethics, atb.)
1983
(Setyembre 10) Ang Constitutional Commission ay inaprobahan na pormal na pagtibayin
ang Pilipino bilang Wikang Pambansa.
1986
(Oktubre 12) Pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang pambansang
wika, gaya ng isinasaad sa Konstitusyong 1987 (Artikulo XIV, Seksiyon 6). “Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika.”
1987
(Enero) Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117-Pinalitan ng Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas (LWP) ang dating Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
(Mayo 27) – nagpalabas si Dr. Lourdes R. Quisumbing, ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 32 na pinamagatang “Patakarang Bilingguwal ng nagsasaad ng "pagpapalaganap ng
Filipino bilang wika ng literasi at ang paggamit ng 1987." Ito ang binagong bersyon ng
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 25
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal ng 1974 na Ingles “bilang di-eksklusibong wika ng
agham at teknolohiya.”
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81- Nagsagawa ng reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin
ng ortograpiyang Filipino. Ito ay pinamagatang “Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino."
Kautusang Pangkagawaran Blg. 84- Nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na
isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang
Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksiyon ng pamahalaan.
(Marso 19) Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariño ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas
ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.
(Agosto 25) Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335- Nag-aatas sa lahat ng departamento,
kawanihan at ahensiya ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kinakailangan
para sa layuning magamit ang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at
korespondensiya.
1991 (Agosto 14) Batas Republika Blg. 7104- Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) bilang alinsunod sa Artikulo XIV, Seksiyon 9 ng 1987 Konstitusyon.
1992
(Mayo 13) Pinagtibay ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Resolusyon Blg. 1-92:
“Ito ang katutubong wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila, ang Pambansang Punong
Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sitwasyong
sosyal sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang saligang sosyal, at para sa mga wika at
sa ebolusyon ng iba't ibang baryedad ng wika para sa iba-ibang sa mga paksa ng
talakayan at matalisik na pagpapahayag."
1993
(Marso 10) Resolusyon Blg. 93-2- Nagtatakda ng programa ng paghahanda at
pagpapahanda ng kinakailangang kagamitan sa pagtuturo at/o pagkatuto ng Wikang
Filipino at sa paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo.
1996
CHED Memorandum Blg. 59 - Nagtatadhana sa panuntunan sa pagpapatupad ng New
General Education Curriculum (NGEC). Para sa Filipino ng antas tersiyarya, ang siyam (9)
na yunit ay para sa mga estudyante ng kursong Humanities, Social Sciences at
Communication (HUSOCOM) o anim (6) na yunit para sa estudyante ng kursong
Engineering, Marine, Science, Mathematics, Business, Agriculture atb. at nagbabago sa
deskripsiyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan),
Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba't ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).
(Agosto 26) Pinagtibay ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Resolusyon Blg. 96-1: “Ang
Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 26
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika
ng Pilipinas at sa di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika para
sa iba't ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang sanligang sosyal at para
sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag."
1997
(Hulyo 15) Nilagdaan ni Pang. Fidel V. Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041. Ito'y
nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang
Pambansa (dating Linggo ng Wika).
1998
CHED Memorandum Order Blg. 11 Muling nirebisa ang kurikulum ng mga Higher
Education Institution (HEI), partikular ang Teacher Education Institutions nang ilabas ng
CHED ang bagong kautusan tungkol sa minimum rekwayrment ng General Education para
sa mga magiging guro.
2001
Ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang awtput ng isang proyektong
naglalayong mag-ambag sa istandardisasyon at intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino.
Nirebisa ng proyekto ang 1987 Patnubay sa Ispeling. Ito ay pinamagatang
2001
Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
2003
Nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 210 si Pang. Gloria Macapagal Arroyo na
nag-aatas ng pagbabalik sa isang monolingguwal na pagtuturo kung saan Ingles ang
gagamitin sa halip na ang Filipino. Ito ay mariing tinutulan ng mga tagapagtaguyod ng
Filipino.
2004
(Pebrero-Abril) Sinimulang nirebisa ang silabus ng Filipino 1, 2 at 3 ng CHED General
Education Curriculum): Filipino 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino), Teknnikal
na Komite sa Filipino sa pamamagitan ng CHED Memo Blg. 30 (Enhanced Filipino 2
(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik) at Filipino 3 (Masining na Pagpapahayag).
Layunin ng rebisyon na maisaayos ang mga silabus upang maiwasan ang mga overlapping
sa tatlong asignatura at higit pang maiangkop sa pagbabago at pangangailangan ng
panahon. Susunod na gawain ng Komite ang pagdaraos ng workshop, una ay para sa
pagbuo ng mga kagamitang panturo at panghuli ay para sa mga estratehiya ng pagtuturo
ng mga asignatura gamit ang mga materyales.
2006
Ipinagbigay-alam ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagsuspinde sa 2001
Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino, at
samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon, at hanggat
walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa pagbaybay, magsilbing tuntunin ang
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng taong 1987.
2009
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nagsagawa ng reporma sa alpabeto at
tuntunin sa pagbaybay (ispeling). Tinawag itong Ortograpiya ng Wikang Filipino sa
pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 104, s. 2009. Anumang tuntunin sa 1987
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 27
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
at 2001 na hindi binago sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ay mananatiling ipatutupad. Tuluyan
nang isinasantabi ang 2001 Revisyon ng Alfabeto at 1987 Alpabeto.
2012
Kautusang Pangkagawaran (DepEd Order) Blg. 16, s. 2012 – ipinalabas ang patnubay sa
implementasyon ng Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB- MLE) sa ilalim
ng K to 12 Basic Education Program. Ang MTB-MLE ay naglalayong malinang ang
kakayahang pangkognitibo, pangwika, at kamalayang pansosyo-kultural ng mga mag-aaral
simula unang baitang.
2013
(Agosto 5) Ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Kapasiyahan Blg. 1339 tungkol sa depinisyon ng wikang Filipino:
“Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Filipinas bilang wika ng
komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong
kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba't
ibang uri ng paggamit sa iba't ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba't ibang antas ng
saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin mapagtampok sa mga lahok
na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa katutubong
wika ng bansa."
(Agosto 14) Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, s. 2013 – nabuo ang Binagong Gabay sa
Wikang Filipino na may pamagat na Ortograpiyang Pambansa. Ito'y masusing pinag-aralan
ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ipinatupad sa mga paaralan. Layunin ng
naturang ortograpiya na mailahok ang mahahalagang kaakuhan ng mga katutubong wika
tungo sa estandardisadong ortograpiyang Filipino na maaaring gamitin sa lahat ng wika sa
Pilipinas. Naniniwala ang KWF na magiging mainam na ambag ito sa pagbuo ng mga
kagamitang panturo ng mga guro at pagpapahusay ng mga akda, dokumento,
komunikasyon, at iba pa ng pamahalaan, ng midya at ng mga publisher
2015
Proklamasyon Blg. 968, s. 2015 – nagsasaad na ang Abril ay Pambansang Buwan ng
Panitikang Filipino. Ito ay ipinagdiwang sa pakikipagtulungan ng National Commission
for Culture and the Arts (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), iba pang
katuwang na ahensiya. Kinikilala ng pagdiriwang ang mahalagang papel ng panitikan sa
pagkikintal sa darating na henerasyon ng mga pagpapahalagang minana natin mula sa ating
mga ninuno.
2016
Unang taon sa pagpapatupad ng Baitang 11 sa ilalim ng K to 12 Basic Education Program
ng Kagawaran ng Edukasyon. Kaugnay nito ang pagtuturo ng Filipino sa mga Core
Subjects sa Senior High School (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino; Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, at ba pa).
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 28
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
VIII.
Baitang at Strand:
Learning Activity (ies)
GAWAIN 1
Panuto: Isulat ang bilang 1-10 sa bawat titik ayon sa tamang pagkasunod-sunod ng mga batas
ukol sa wikang pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
– Diksyunaryong Tagalog-Ingles at
Balarilang Wikang Pambansa
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 –
Surian ng Wikang Pambansa
Resolusyon Blg. 73 – Patakarang
Bilingguwal
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 –
batayan sa pagpili ng wikang pambansa
Kautusang Pangkagawaran Blg. 96 –
Pangalan ng mga gusali sa Pilipino
Proklamasyon 1041 – Buwan ng Wikang
Pambansa
Saligang Batas ng Biak-na-Bato –
Wikang Pambansang Tagalog
Batas Komonwelt 570 – wikang pambansa
ay wikang opisyal
Artikulo IV, Seksyon 6 – Wikang
Pambansang Filipino
Panukalang Batas Blg. 577 – wikang
katutubo ay wikang panturo
REFERENCES (SANGGUNIAN)
BIBLIOGRAPHY \l 1033 Montera, G. G., & Plasencia, N. R. (2016). Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kultura: Komprehensibong nSAnayang-Aklat sa Filipino para sa
Senior High School. Cebu City, Philippines: University of San Carlos Press.
Nuncio, R. (2016). Sidhaya II: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City, Philippines: C & E Publishing, Inc.
Taylan, e. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City,
Philippines: Rex Bookstore, Inc.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 29
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
ARALIN 4 – ANG IBA’T IBANG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
I.
Module Title
Tungkulin at Gamit ng Wika sa Lipunan
II.
Competency Code
F11PS – Ig – 88; F11PB – If – 95; F11PN – If – 87; F11PU – Ig – 86; F11WG – Ih – 86
III.
Platform of Learning
Modular - Offline
IV.
Number of Hours
Four (4) hours per week
V.
VI.
Introduction of the Concept/Competency
Ang wika ay nagagamit sa iba’t ibang paraan at layunin. Maaari itong gamitin
upang magtakda ng isang kautusan, magpalaganap ng kaalaman, kumumbinse ng kapwa
na gawin o paniwalaan ang isang bagay, bumuo at sumira ng relasyon, kumalinga sa mga
nahihirapan at nasisiphayo, at sa marami pang kaparaanan. Ang lipunan ay malaking
pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay
sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.
Ang wika pasalita man o pasulat ay instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob
ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa.
Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika sa lipunan?
Learning References
Learning Outcomes
(Bungang Pagkatuto)
Natutukoy ang iba’t
ibang gamit ng wika sa
lipunan sa pamamagitan
ng napanood na palabas
sa telebisyon at pelikula
Naipaliliwanag ang
gamit ng wika sa lipunan
sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa
Nakapagsasaliksik ng
mga halimbawang
sitwasyon na
nagpapakita ng gamit ng
wika sa lipunan
Content (Paksa)
Learning
Activities
(Gawaing
Pampagkatuto)
Tungkulin ng Wika
ayon kay M.A.K.
Halliday
- Instrumental
- Regulatori
- Interaksyunal
- Personal
- Heuristiko
- Imahinatibo
- Representasyunal
Gamit ng Wika ayon
kay Roman Jacobson
- Pagpapahayag
ng damdamin
(emotive)
- Panghihikayat
(conative)
- Pagsisimula ng
pakikipagugnayan (phatic)
- Paggamit bilang
sanggunian
(referential)
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Assessment
Method
Resources
(Paraan ng
Pagtataya)
Pahina | 30
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
-
-
VII.
Pagbibigay ng
kuro-kuro
(metalinguwal)
Patalinghaga
(poetic)
Learning Information
Tungkulin ng Wika ayon kay M.A.K. Halliday
Halimbawa
Tungkulin ng Wika
Ang instrumental na gamit ng wika ay nakatuon
sa
pagpapahayag ng pangangailangan
ng tao, tulad ng anumang kahilingan kaugnay ng
pagkain, inumin at iba pa.
 pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa
pasasalamat, pag-ibig, galit, kalungkutan,
pagpapatawad, sigla, pag-asa, at marami
pang iba;
 panghihikayat upang gawin ng kausap ang
nais na tupdin o mangyari;
 direktang pagutos; o
 pagtuturo at pagkatuto ng maraming
kaalaman
at
karunungang
kapakipakinabang.
1. “Gusto ko ng gatas.”
2. “Sa akin, gusto ko munang
makipaghiwalay”
3. Mang Inasal: Hahanap-hanapin
mo…
4. Cobra Energy Drink: Hindi
umaatras ang may tunay na
lakas
Ang gamit na regulatori o regulatoryo naman ay
nakapokus sa paggamit ng wika sa pagbibigay ng
utos o pagbibigay ng gabay sa posibleng gagawin
ng ibang tao.
 Batas o kautusan na nakasulat, nakikita,
nakalimbag, o inuutos nang pasalita.
 Taong may kapangyarihan o posisyon na
nagpapatupad ng kautusan o batas.
 Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod
dito.
 Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o
kautusan tulad ng lugar, institusyon,
panahon, at taong sinasaklawan ng batas
Samantala, ang interaksyonal naman na gamit ng
wika ay nagbibigay-pansin sa pagpapahayag
kaugnay ng pagbuo ng ugnayan o relasyon, o
anumang gawain ng pakikisalamuha sa ibang tao.
1. “Ilipat n’yo ang channel ng TV.”
2. Bilugan ang titik ng inyong
sagot.
3. Magsitahimik kayo!
4. Saligang Batas o Konstitusyon
ng Republika ng Pilipinas
Ang personal na gamit ng wika ay
tumutukoy naman sa pagpapahayag ng damdamin,
opinyon, at indibidwal na identidad.
1. “Mabait ako.”
2. “Sang-ayon ako na idaos ang
ating retreat sa Bukidnon.”
1.
2.
3.
4.
“Share tayo sa chocolate.”
“Mahal kita.”
“Kumusta ka”
“Magandang Umaga”
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 31
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
Tungkulin ng Wika
Kaakibat ng personal na pagpapahayag nang
pasalita man o pasulat, nakakapagpapahayag din ng
personal na kalooban ang isang tao sa pamamagitan
ng “selfie”. Ang “selfie” ayon sa isang
diksiyonaryong urban ay ang pagkuha ng larawan
ng iyong sarili na planong i-upload sa anumang
social networking site.
Sa gamit na heuristiko, ang pagpapahayag ay
nakatuon sa pagkalap ng impormasyon o kaalaman
tungkol sa kapaligiran ng nagsasalita.
Tanong at sagot. Pag-iimbestiga. Pageeksperimento
kung tama o mali. Natututo tayo sa ganitong
proseso ng pagtuklas sa ating paligid at sa pagkuha
ng luma at bagong kaalaman. Heuristiko ang bisa
ng wika sa ganitong sitwasyon.
Halimbawa
3. “Nakababahala ang artikulong
inilathala ninyo sa nakaraang
isyu ng inyong pahayagan.”
1. “Paano ginagawa ang ice cream?”
2. “Maari ba naming magamit ang silid
audio-visual sa darating na lunes.”
3. “Ano po ba ang reaksyon ninyo sa
sinabi ng senador sa telebisyon?”
Kung nais nating ipaliwanag ang datos,
impormasyon, at kaalamang ating natutuhan o
natuklasan at kung nais nating iulat ang mga ito sa
publiko o kahit kanino, representatibo naman ang
bisa ng wika sa ganitong pagkakataon.
Ang gamit na imahinatibo naman ay may
kaugnayan sa pagpapahayag ng kwento at joke, at
sa paglikha ng kapaligirang imaginary (kathangisip).
Ang representasyonal o representatibo naman
na gamit ay tumutukoy sa pagpapahayag ng datos
at impormasyon.
1. “Parang bulsa ni Doraemon ang
wallet ni daddy.”
2. “Password ka ba?”- “Di kasi kita
makalimutan.”
3. “Papupulis kita! – Ninakaw mo kasi
ang puso ko”
4. “Ikaw ang talang tumatanglaw sa
aking bawat madilim na gabi.”
1. “Nagpunta sa palengke si tatay.”
2. “Uminom ng gamot nang makatlong
beses sa isang araw.”
Gamit ng Wika ayon kay Roman Jacobson
Gamit ng
Wika
Pagpapahayag
ng damdamin
(emotive)
Panghihikayat
(conative)
Kahulugan
Halimbawa
Ginagamit ang wika upang
palutangin ang karakter ng
nagsasalita.
Nakikiisa ako sa mga adhikain ng
ating pamunuan.
Ginagamit ang wika upang magutos, manghikayat, o magpakilos ng
taong kinakausap.
Magkaisa tayong lahat upang
maging ganap ang katahimikang
ating ninanais.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 32
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
Pagsisimula ng
pakikipagugnayan
(phatic)
Paggamit bilang
sanggunian
(referential)
Pagbibigay ng
kuro-kuro
(metalinguwal)
Patalinghaga
(poetic)
VIII.
Ginagamit ang wika bilang panimula Ikinagagalak kong makasama ka sa
ng isang usapan o pakikipagaming mga krusada.
ugnayan sa kapwa.
Ginagamit ang wikang nagmula sa
aklat at iba pang babasahin bilang
sanggunian o batayan ng
pinagmulan ng kaalaman.
Ayon kay Don Gabor sa kanyang
aklat na Speaking Your Mind in 101
Difficult Situation, may anim na
paraan kung paano magkakaroon ng
maayos na pakikipagtalastasan.
Ginagamit ang wika sa pamamagitan Itinatadhana nang walang pasubali
ng pagbibigay ng komentaryo sa
sa Batas ng Komonwelt Blg. 184
isang kodigo o batas.
ang pagkakatatag ng Surian ng
Wikang Pambansa na ngayon ay
Komisyon sa Wikang Filipino.
Ginagamit ang wika sa masining na Isa-isa mang mawala ang mga bituin
paraan ng Pagpapahayag gaya ng
sa langit, hindi pa rin niya
panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa. maikakaila na nananalaytay sa
kanyang mga ugat ang dugong
naghasik ng lagim sa puso ng bawat
Pilipino noong panahon ng digmaan.
Learning Activity (ies)
GAWAIN 1
Panuto: Sa isang buong papel, isagawa ang sumusunod:
A. Manood ng palabas o programa sa telebisyon at tukuyin ang ginagampanang tungkulin ng
wika. Maglista ng isa bawat tungkulin ng wika ayon kay M.A.K. Halliday.
B. Pumili ng bahagi ng isang babasahin (magazine, leaflets, pahayagn, flyers, at iba pa). Idikit
sa isang buong papel ang bahagi na nagpapakita ng gamit ng wika ayon kay Roman
Jakobson.
REFERENCES (SANGGUNIAN)
Montera, G. G., & Plasencia, N. R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura:
Komprehensibong nSAnayang-Aklat sa Filipino para sa Senior High School. Cebu City,
Philippines: University of San Carlos Press.
Nuncio, R. (2016). Sidhaya II: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City, Philippines: C & E Publishing, Inc.
Taylan, e. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City,
Philippines: Rex Bookstore, Inc.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 33
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
MODYUL 5 – KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
I.
Module Title/ Competency
Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
II.
Competency Code
F11PN – IId – 89; F11PS –IIe – 90; F11WG- IIf – 88; F11EP – IIf – 34
III.
Platform(s) of Learning
MODULAR
IV.
Number of Hours
apat (4) na oras sa isang linggo
V.
Introduction of the Concept/Competency
Mabisa ang pakikipagtalastasan ng isang indibidwal kapag may mabuting pag-unawa sa
lingguwistika o gramatika, sosyolingguwistika at sosyo-kultural na aspeto ng wika. Samakatuwid,
upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan ang mga Pilipino ay nararapat na magkaroon
ng mabuting pag-unawa sa lingguwistika o gramatika, sosyolingguwistika at sosyo-kultural na
aspeto ng wikang Filipino.
Sa modyul na ito, alamin ang iba’t ibang kakayahang pangwika upang maging mas
epektibo ang talastasan sa pormal o di-pormal man na paraan. Pag-aaralan sa modyul na ito ang
pahapyaw na kaalaman sa ponolohiya, morpolohiya, at sintaks ng wikang Filipino. Alamin ang
mga komponent ng mabisang komunikasyon maging ang antas ng komunikasyon. Higit sa lahat,
pag-aralan kung paano ilapat ang mga naunang kakayahan sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng
diskurso at komunikasyong pasalita.
VI.
Learning Reference
Learning Outcomes (Bungang
Pagkatuto)
Content (Nilalaman)
Natutukoy ang mga angkop na
salita, pangungusap ayon sa
konteksto ng paksang
napakinggan sa mga balita sa
radyo at telebisyon
Kakayahang
Lingguwistik
Ponolohiya
Morpolohiya
Sintaks
Napipili ang angkop na mga
salita at paraan ng paggamit
nito sa mga usapan o talakayan
batay sa kausap, pinag-uusapan,
lugar, panahon, layunin, at
grupong kinabibilangan
Kakayahang
Sosyolingguwistik
Komponent ng
Mabisang
Komunikasyon
Kakayahang
Pragmatik
Nahihinuha ang layunin ng
isang kausap batay sa paggamit
ng mga salita at paraan ng
pagsasalita
Nakabubuo ng mga kritikal na
sanaysay ukol sa iba’t ibang
paraan ng paggamit ng wika ng
iba’t ibang grupong sosyal at
kultural sa Pilipinas
Kakayahang
Diskorsal
Mga Uri ng
Diskurso
Kakakyahang
Istratedyik
Learning Activities
(Gawaing
Pampagkatuto)
Pagtukoy ng
wastong salita at
pangungusap
Pagbuo ng angkop
na pangungusap o
tugon ayon sa
sitwasyon
Assessment
Method (Paraan
ng Pagtataya)
Pagsusuri na may
pamantayan
Pagsulat na may
pamantayan
Pagsusuri ng
talkshow ayon sa
SPEAKING ni Dell
Hymes
Pagsusuri ng
programa sa
telebisyon
Pagbuo ng sanaysay
ukol sa paggamit ng
wika sa mga social
media at ibang site
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Resources
(Sanggunian)
Pahina | 34
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
VII.
Baitang at Strand:
Learning Information
KAKAYAHANG LINGGUWISTIK
PONOLOHIYA
Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto
(juncture), pagtaas-baba ng tinig (pitch), diin (stress) at pagpapahaba ng tunog
(prolonging/lengthening).
Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na
ang ponema ay malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nag-iiba ngunit hindi ang
kanilang kahulugan. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog.
Ponemang Segmental
Ang títik o létra ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng mga patínig
o bokablo (vocablo) at ng mga katínig o konsonante (consonante). Ang serye ng mga titik o
letra ay tinatawag na alpabéto. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong
(28) titik at kumakatawan ang bawat isa sa isang tunog. Binibigkas o binabása ang mga titik
sa tunog-Ingles maliban sa Ñ.
Patinig
Aa
Ii
Ee
Oo
Uu
ey
ay
i
o
yu
Katinig
Bb
Cc
Dd
Ff
Gg
Hh
Jj
bi
si
di
ef
dyi
eyts
dyey
Kk
Ll
Mm
Nn
Ññ
NGng
Pp
key
el
em
en
enye
en dyi
pi
Qq
Rr
Ss
Tt
Vv
Ww
Xx
kyu
ar
es
ti
vi
dobolyu
eks
Yy
Zz
way
zi
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Sa isang salita, may isa sa mga ponema na maaaring mapalitan na hindi nababago ang
kahulugan. Sa kadahilanang ang bawat titik ng alpabetong Filipino ay ponetiko (phonetic).
Ibig sabihin, kung ano ang tunog ay siyang baybay.
politika = pulitika
lalaki = lalake
sampo = sampu
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
bakit = baket
Pahina | 35
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
Pares Minimal
Kahit na ponetiko ang bawat titik sa wikang Filipino, hindi nailalarawan sa pagsulat ang
tunay na kahulugan ng isang salita batay sa kanyang tunog lalo na ang mga tunog na kapag
binibigkas ay may kaibahan na nagiging dahilan upang magkaroon ng ibang kahulugan.
Tinatawag itong pares minimal. Magkatulad ang bigkas nito na may naiibang isang ponema
ngunit magkaiba ang kahulugan.
mesa -
hapag-kainan
misa
-
seremonya na alay sa Panginoon
boto
-
gusto
buto
-
bahagi ng katawan o ng halaman
oso
-
mailap na hayop sa gubat
uso
-
napapanahong pamamaraan o istilo
Diptonggo
Ang diptonggo ay ang magkasamang tunog ng isang patinig at isang malapatinig (semivowel) na nasa isang pantig (syllable). Ang sumusunod ay ang mga diptonggo sa wikang
Filipino:
aw
ay
ey
iw
oy
uy
galaw
palay
reyna
baliw
kahoy
kasuy
Kambal-Katinig
Ang kambal-katinig o klaster ay binubuo ng magkasunod na ponemang katinig na nasa
isang pantig. Maaari itong makita sa unahan, gitna, o hulihan. Kadalasan itong makikita sa
mga salitang hiniram at binaybay ayon sa pagkabigkas.
unahan
drama
bloke
plano
gitna
empleyado
kompresor
kontra
hulihan
rekord
tsart
ekonomiks
Ponemang Suprasegmental
Itinuturing na sangkap pampalasa sa pakikipagtalastasan (Santiago, 1994) ang mga
ponemang suprasegmental. May kinalaman ito sa kung paano binibigkas ang mga ponemang
segmental. Dahil dito, natutukoy ang tiyak na kahulugan, layunin ng pahayag o nagsasalita.
Nabibigyan ng linaw at nagiging tiyak at mabisa ang pakikipagkomunikasyon dahil sa mga
ito. Kabilang sa ponemang suprasegmental ang (1) diin, (2) tono/intonasyon, at (3)
antala/hinto.
1. Diin
Ang diín ay paglalaban ng bigát sa isáng pantíg sa pagbigkás ng isáng salitâ. Mayroon
itong anim na uri at natutukoy ang mga ito gamit ang tuldik. Ito ay ang sumusunod:
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 36
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
malumay o banayad,
mabilís o masiglá,
malumì o banayad na impít,
maragsâ o biglâ, o mabilís na impít,
mariín o mabagal,
malaw-aw o paudlót.
Ang diíng malumay ay lagì nang nasa ikalawáng pantíg ng salitâ buhat sa hulihán;
binibigkás nang pabanayad, at hindî na tinúltuldikán. Ipinalagáy na kalikasán ng Pilipino ang
banayad na pagsasalitâ, kayâ ang mga ganitóng bigkás ay ináakalang dî na dapat lagyán pa
ng mga tanging panandâ o tuldík.
Mga Halimbawa:
Nagtatapós ng patinig:
basa, kuya, kasama, ligaya, talima;
bini, kasi, dilidili, sarili;
bago, libo, pangulo, talino.
Nagtatapós ng Katinig:
bahay, kalakal, aninaw, gunam-gunam;
bisig, dahil, pag-ibig, pagkagalit;
ayos, hulog, pagpasok, tapon, tilapon.
Ang diíng mabilís ay binibigkás nang pabuntó sa hulíng pantíg ng salitâ. Nilalagyan ng
pahilis na tuldik sa huling pantig ang mga salitang binibigkas nang mabilis.
Mga Halimbawa:
batá, halagá, pagsasayá;
lihí, salisí, pagmamalakí;
iyák, iyán, iyó, iyón;
uwák, uwáng, uwáy; buwág, buwál, buwán, buwíg, buwís;
akó, ikáw, ka, siyá, kayó, silá
Ang diíng malumì, na tinátandaán ng tuldík na paiwà ( ` ) ay gaya rin ng malumay na
may lundô (stress) ng bigkás sa ikalawáng pantíg buhat sa hulihán ng salitâ; nguni’t
nagpaparang tuyót o naiimpít sa lalamunan ang masagal at banayad na tunóg ng hulíng
patinig. Kayâ ang diíng malumì ay natatawag din namáng banayad na impít.
Ang diíng malumì ay nagaganáp lamang kung ang hulíng titik ng salitâ ay patinig. Walâ
ring bigkás na malumì sa mga salitáng ang panghulíng patinig ay napangúngunahan ng
dalawáng katinig; sapagká’t sa mga ganitóng hugis ng salitâ, kung dî mabilís ay maragsâ ang
bigkás.
Mga Halimbawa:
ahà, batà, diwà, luhà, akalà, diwatà, hilagà, usisà, kaipalà, halimbawà, malikmatà, palibhasà;
arì, batì, lipì, susì, aglahì, lagarì, tunggalì, ugalì, kalahatì, dalamhatì, talumpatì, hunusdilì;
akò, bahò, birò, pusò, balahò, labuyò, pintuhò, kalaguyò, hintuturò, tagisuyò.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 37
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
Ang diíng maragsâ, na tinátandaán ng tuldík na pakupyâ ( ̂ ), ay binibigkás nang mabilís
o tuluy-tulóy hanggan sa hulíng pantíg, ngunì, pagdatíng dito’y buóng ibinubuntó ang bigát
ng pagbigkás sa patinig, na pabiglâ o impít sa lalamunan ang nagiging tunóg; kayâ ang diíng
itó’y natatawag ding biglâ o mabilis na impít.
Mga Halimbawa:
akmâ, adhikâ bahâ, kutyâ, ditâ, halatâ, salitâ, tanikalâ;
budhî, kauntî, kilitî, hindî, lunggatî, ngitî, pighatî, salapî;
anyô, kalô, kulambô, dugô, hilakô, panibughô, sampû, samyô.
Ang diíng mariín ay binibigkás nang may-kabigatán sa ikatló, o ikaapat o higít pang
pantíg buhat sa hulihán ng salitâ, at patuloy ang bigkás hanggán sa hulihán, na iginagalang
din kung anó ang talagang diín at tuldík sa hulí o sa ikawaláng pantíg.
Ang diíng mariín ay dî nangyayari kailanmán sa hulí o sa ikalawáng pantíg ng salitâ
buhat sa hulihán, at dî rin namán nangyayari sa mga salitáng iisahín o dadalawahíng pantíg
lamang.
Mga Halimbawa:
álinlangan, bálaná, búhawi, búlalakaw;
iisá, dádalawá, tátatló, áapat;
líbangan, líbingan, táhanan, táwiran
bílhin, dálahin, gálisin, sígangin
Ang diíng malaw-aw, na tinátandaán ng gitlíng (-) at dî ng tuldík, ay binigkás nang
pahakdáw sa hulíng patinig ng salitâ, na parang inihíhiwaláy ang hulíng katinig ng ikalawáng
pantíg sa hulíng patinig ng salitâ. Matatawag din itóng paudlót o masagal na mabilís.
Mga Halimbawa:
ab-ab, ak-ak, anag-ag, ig-ig, ang-ang, eng-eng, aliw-iw;
kapupun-an, mul-an, pun-in, babal-in;
bag-ang, gab-i, salag-oy, ul-ol.
2. Tono/Intonasyon
Ang tono o intonasyon ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig na
nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap. Gingawa nitong higit pang
epektibo ang komunikasyon. Ang paraan ng pagbigkas nito ay mabilis, mahina, malambing,
pagalit, at iba pa.
Lebel ng Tono
mataas
L3
normal
L2
mababa
L1
Lebel 1 (mababa)
- karanaiwang pagpapahayag lamang
Lebel 2 (normal)
- dito nagsisimula ang normal na pagsasalita
Lebel 3 (mataas)
- nagtatanong ang pahayag
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 38
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
Halimbawa:
ga
3
ta
2
ba
3
ma
2
la
1
it
1
Ang unang halimbawa, ang nagsasalita ay nagdududa samantalang sa ikalawa naman ay
nagsasalaysay. Ang normal na pagsasalita ay nagsisimula sa lebel 2, aabot ito sa lebel 3
kapag ang pahayag ay nagtatanong at sa lebel 1.
Naiiba rin ang tono sa wikang Filipino batay sa iba’t ibang damdamin o layunin ng
nagsasalita. Pansinin ang halimbawa:
Ako nga! (pagalit)
Ako nga! (nagulat)
3. Antala/Hinto
Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging tiyak at malinaw
ang mensahe.
Mga halimbawa:
Hindi, ako ang nag-text. (ipinagdidiinan na siya ang nag-text)
Hindi ako ang nag-text. (itinatanggi na siya ang nag-text)
Ma’am, Jenny ang kaibigan ko. (sinasabi kay Ma’am na Jenny ang pangalan ng kaibigan
niya)
Ma’am Jenny, ang kaibigan ko. (ipinakikilala niya ang kaibigan kay Ma’am Jenny)
Ma’am, Jenny, Robert, ang kaibigan ko. (ipinakikilala niya ang kaibigan kay Ma’am
Jenny at Robert)
Sina Karen, Anne at Liza ay malapit na magkaibigan. (tatlong tao ang malalapit na
magkaibigan)
Sina Karen Anne at Liza ay malapit na magkaibigan. (dalawang tao ang malalapit na
magkaibigan)
MORPOLOHIYA
Ang morpolohiya ay isa sa apat na antas ng wika kasama ang ponolohiya, sintaksis at
semantika. Nakatuon ito sa makaagham na pag-aaral ng morpema ng isang wika at kapag
ito’y pinagsama-sama ay makabubuo ng salita (Santiago at Tiangco: 2003). Tumutukoy ito
sa pagbuo ng mga morpema o makabuluhang yunit ng mga salita (Aganan, 1999). Kaugnay
nito, tinatawag din itong estruktura ng mga salita at ng relasyon nito sa iba pang wika (Paz,
2003). Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng
salita na may payak o kumplikadong kahulugan. Samakatuwid, ito ay ang pag-aaral o
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 39
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
pagsisiyasat kung paano nabubuo ang mga salita mula sa iba’t ibang morpema, gayundin ang
estruktura’t ugnayan nito sa iba pang salita.
Ang morpema ay ang pinakamaliit na bahagi o yunit ng isang salita na nagtataglay ng
kahulugan. Maaari itong salitang ugat o panlapi. Mapipisan ang salita batay sa kayarian nito
– payak, maylapi, inuulit, at tambalan.
1. Payak
Matatawag na payak ang kayarian ng isang salita kung ito ay salitang-ugat. Wala itong
panlapi, hindi inuulit at walang katambal na ibang salita. Ang lahat ng salitang ugat ay
pangngalan maliban kung gagamitin itong pandiwa sa pangungusap.
guhit
talon
sayaw
laro
aral
takbo
2. Maylapi
Ang salita ay nagiging maylapi ang kayarian kung ang salitang ugat ay nilalagyan ng
panlapi o nilalapian. May pitong paraan ng paglalapi o uri ng panlapi – unlapi, gitlapi, hulapi,
kabilaan, unlapi at gitlapi, gitlapi at hulapi, at laguhan.
a. Unlapi
kasabay (ka + sabay)
paglikha (pag + likha)
marami (ma + dami)
b. Gitlapi
sinasabi (-in + sabi)
tugon)
sumahod (-um + sahod)
tumugon (-um +
c. Hulapi
unahin (-in + una)
sabihin (-in + sabi)
linisan (-an + linis)
d. Kabilaan
kalipunan (ka + lipon + -an) mataniman (ma + tanim + -an)
kanta + -an)
nagkantahan (nag +
e. Unlapi at Gitlapi
nagpumilit (nag + -um- + pilit)
itinakbo (i- + -in- + takbo)
f. Gitlapi at Hulapi
tinabasan (tabas + -in- + -an)
tinawagan (tawag + -in- + -an)
g. Laguhan
pinagsumikapan (pinag- + -um- + sikap + -an)
ipagsumigawan (salitang-ugat: sigaw, unlapi: ipag-, gitlapi: -um-, hulapi: -an)
3. Inuulit
Ito ay salitang inuulit ang buong salitang ugat o isa o higit pang pantig sa isang salita na
maaaring sa unahan o hulihan. Maaari itong ulitin nang ganap o di-ganap.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 40
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
a. ganap nap ag-uulit
sila
sila-sila
araw
araw-araw
b. di-ganap na pag-uulit
bukol
bubukol
basa
babasa
baligtad
bali-baligtad
nagluto
nagluluto
4. Tambalan
Ito ay mga salitang pinagsama o pinagtambal. Kapag ang dalawang magkaibang salita ay
pinagtambal at nakabuo ng panibagong salita, ito ay tambalang ganap. Tambalang diganap naman ito kung nananatili pa rin ang kahulugan ng mga pinagtambal na salita.
Tambalang ganap
bahaghari
hampaslupa
dalagangbukid
Tambalang di-ganap
bantay-bata
silid-aralan
ingat-yaman
SINTAKSIS
Ang sintaksis ay tumutukoy sap ag-aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap. Ito ay ang
pag-uugnay-ugnay ng mga salita at pagsasama-sama upang makabuo ng pangungusap.
Ang pangungusap ay kalipunan ng mga salita na may ipinahahayag na buong kaisipan.
Ito ay karaniwang binubuo ng paksa at panaguri
Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ang dating tawag dito ay simuno
ngunit pinalitan ito dahil ang simuno ay tumutukoy sa gumagawa ng kilos ngunit hindi lagi
ang siyang paksa o binibigyang pokus sa pangungusap. Samantala, ang panaguri naman ang
siyang nagbibigay ng paliwanag o impormasyon tungkol sa paksa. Maaari itong
naglalarawan o nagsasabi ng kilos o galaw.
Ayos ng Pangungusap
Karaniwang Ayos
 nauuna ang panaguri kaysa
paksa
pangungusap = panaguri + paksa
Halimbawa:
Namigay ng pagkain ang kabataan.
Higit na makatutulong sa pag-unawa ng
gawain ang maiging pagbabasa
Di-Karaniwang Ayos
 nauuna ang paksa kaysa panaguri
 ginagamitan ng pangatnig na
‘ay’
pangungusap = paksa + ay (‘y) +
panaguri
Ang kabataan ay namigay ng pagkain.
Ang pagbabasa ay higit na makatutulong
sap ag-unawa ng gawain
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 41
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
1. Pasalaysay o Paturol
Nagpapahayag ang pangungusap ng kaispan, pangyayari o katotohan.
Ginagamitan ito ng bantas na tuldok (.)
Halimbawa:
Siya ang napiling maging Reyna Elena.
2. Patanong
Nagnanais itong makaalam ng mga impormasyon hinggil sa isang bagay.
Ginagamitan ito ng bantas na pananong (?).
Halimbawa:
Ano ang inirereklamo ng mga manggagawa?
3. Pautos o Pakiusap
Pagpapahayag ito ng pag-uutos o pakikiusap. Ginagamit ang kuwit (,)
kung may patawag, at tuldok (.) sa hulihan.
Halimbawa:
Juan, ipagsibak mo ng kahoy ang iyong Ate para makapagluto.
4. Padamdam
Nagsasaad ng matinding damdamin o paghanga ang pangungusap na ito.
Ginagamitan ito ng bantas na padamdam (!) sa hulihan.
Halimbawa:
Naku! Ang ganda mo!
Parirala
Ang parirala ay lipon ng mga salitang walang buong diwa o kaisipan. Maaaring may
paksa ito ngunit walang panaguri, o kaya’y may panaguri nguit walang paksa.
Halimbawa:
tungkol sa balita
bagong sapatos
ang aking pangarap
Sugnay
Ang sugnay ay lipon ng mga salita na may paksa at panaguri na maaaring buo o hindi ang
diwa.
Halimbawa:
nang mahulog sa hagdan
kahit hindi ako piliin
naglalaba ang nanay
Mga Uri ng Sugnay

Sugnay na Makapag-iisa – nagtataglay ng buong diwa o kaisipan.
Halimbawa:
Ang mga Pilipino ay labis na nababalisa dahil sa pandemya na nakahahawa.

Sugnay na Di-makapag-iisa – mayroong paksa at panaguri ngunit hindi nagtataglay ng
buong diwa o kaisipan
Halimbawa:
Ang mga Pilipino ay labis na nababalisa dahil sa pandemya na nakahahawa.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 42
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK
Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang kakayahang magamit ang wika sa isang
kontekstong sosyal. Ayon sa mga dalubwika, ito ay isang batayang matatawag na
interdisciplinary sapagkat binubuo ng iba’t ibang salik panlipunan. Isinasaalang-alang ng isang
tao ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar na
kanilang pinag-uusapan. Kadalasan, para sa mga taal na tagapagsalita ng isang wika (Hal., ang
mga tao na Tagalog angunang wika ay tinatawag na taal na tagapagsalitang Tagalog), nagiging
natural lamang o hindi na kailangang pag-isipan ang paggamit ng naaangkop na pahayag ayon
sa sitwasyon. Gayunman, para sa hindi taal na tagapagsalita, dapat niyang matutuhan kung
paano “lumikha at umunawa ng wika sa iba’t ibang sosyolingguwistikong konteksto na may
pagsasaalang-alang sa mga salik gaya ng estado ng kausap, layunin ng inter-aksiyon, at
itinatakdang kumbensiyon ng interaksiyon” (Freeman at Freeman 2004).
Nilinaw ng sosyolingguwistang si Dell Hymes (1974) ang nasabing mahalagang salik ng
lingguwistikong interaksiyon gamit ang kanyang modelong SPEAKING.
S
P
E
A
K
I
N
G
Settings
Participants
Ends
Act Sequence
Keys
Instrumentalities
Norms
Genre
Saan nag-uusap?
Sino ang nag-uusap?
Ano ang layunin ng pag-uusap?
Paano ang takbo ng usapan?
Pormal ba o di pormal?
Pasalita ba o pasulat?
Ano ang paksa ng usapan?
Nagsasalaysay ba o nakikipagtalo?
KAKAYAHANG PRAGMATIK
Ang pragmatiks o pragmatika ay isang bahaging larangan ng linggwistika na nag-aaral ng
mga paraan kung paano nakapag-aambag ang konteksto sa pagbibigay ng kahulugan sa wika
o salita. Isa itong sangay ng semiotika o semantika. Ito ay ang pag-aaral mismo ng kahulugan
ng wika.
Ang pragmatiks ay ang pag-aaral kungpapaano iniimpluwensyahan ng konteksto
angparaan ng paghahatid ng impormasyon ngmga sentens o pangungusap. Samakatawid,ito ay
pag-aaral ng aktwal na pagsasalita.
Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik natutukoy nito ang kahulugan ng
mensaheng sinabi at di sinasabi, batay saikinikilos ng taong kausap. Natutukoy din nitoang
kaugnay ng mga salita sa kanilangkahulugan, batay sa paggamit at sakonteksto.
Sa pakikipagtalastan, mahalagang maunawaan ang intensyon ng nagsasalita dahil
mahuhulaan ang mensahe nito nang tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang
daan sa pagiging epektibo nang pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa
pagitan ng intensyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.
Hindi lamang kaalaman sa bokabularyo at sa pagbuo ng mga pangungusap batay sa
itinatakda ng gramatika ang mahalaga para sa isang mag-aaral ng wika. Mahalaga ring
matutunan ang kasanayang sa pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri
o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at pagpapadaloy ng mga usapan. Samakatuwid,
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 43
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
kailangang matukoy ng isang tao ang maraming kahulugan na maaaring dalhin ng isang
pahayag batay sa iba’t ibang sitwasyon.
Ang kakayahang pragmatiko ay mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang
makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at
gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di–sinasabi at ikinikilos ng kausap.
Napag-aralan na sa mga naunang modyula ng berbal at di-berbal na komunikasyon. Sa
bahaging ito, lubos na kapaki-pakinabang ang dalawang uri ng komunikasyon. Ito ang
tumutulong sa tagapakinig upang alamin hindi lamang ang mensaheng iniuusal ng
tagapagsalita. Lubos na mahalaga na matutunang basahin ang di-berbal na mensahe kapag
nakikipagtalastasan. Ang pagkilos ng mga kamay at ang mga reaksyon na makikita sa mukha.
KAKAYAHANG DISKORSAL
Ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang mabigyan ng wastong
interpretasyon ang napakinggang pangungusap/pahayag upang makabuo ng isang
makabuluhang kahulugan. Ang tagumpay ng pag-unawa sa isang diskurso ay sang-ayon sa
kaalamang taglay kapwa ng nag-uusap, “world knowledge” ng mga nag-uusap, at maging ng
kaalamang lingguwistiko; estruktura, at diskurso, at kaalaman sa social setting.
Sa pagdidiskurso, mahalaga na:
1. maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob dito;
2. mahusay maghinuha ng mga impormasyon gaya ng integrasyon ng kilos sa salita;
3. magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-unawa ng mga mensahe;
4. maisaalang-alang ang sumusunod na mga dimensyon:
a. Konteksto—Gaya ng inilahad ni Hymes sa kanyang SPEAKING theory, tungo sa
ikatatagumpay ng isang pakikipagtalastasan, mainam na makita ang kabuoang
konteksto (setting. participants. ends, acts, keys, instrumentalities, norms, at
genre). Sa pamamagitan nito maaaring mapaangat ang sensibilidad ng dalawang
nag-uusap.
b. Kognisyon –Tumutukoy sa wasto at angkop na pag-unawa sa mensahe ng mga
nag-uusap. Bahagi ng kognisyon ang oryentasyon at kulturang kanilang
kinabibilangan.
c. Komunikasyon—Ang dimensyong ito ay tumutukoy sa verbal at di verbal na
paghihinuha ng mga impormasyon.
d. Kakayahan—Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng kakayahan sa pakikinig,
pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Ang mga ito ang siyang pangunahing kailangan
sa mahusay na pagdidiskurso.
Mga Uri ng Diskurso
1. Paglalarawan
Ang diskursong ito ay naglalarawan ng mga detalye tungkol sa isang tao, hayop, bagay,
lugar, pangyayari, at maging sa damdaming nararamdamn ng isang tao at hayop. Samakatuwid
ang paglalarawang diskurso ay nagbibbigay-tulong sa tao upang bumuo ng larawan sa kanyang
isipan na magbibigay-daan upang mapalawak nito ang kanyang pagiging malikhain.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 44
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
2. Pagsasalaysay
Ang pasalaysay ay isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging sa
nakaraan o kasalukuyang pangyayari. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon ang isang
tao na isalaysay ang kaniyang mga karanasan mabuti man o masama upang maipabatid ito sa
ibang tao. Sa pagsasalaysay, marapat lamang na maisaalang-alang ang pagkasunud-sunod ng
mga kaisipan. Dahil ang hindi pagsasaalang-alang sa pagkasunod-sunod ng kaisipan ay
magdudulot ng pagkalito ng mambabasa o tagapakinig.
3. Paglalahad
Ito ay diskursong nagpapaliwang kung saan nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya,
kaisipan at impormasyon na sakop ng kaniyang kaalaman na inihahayag sa isang maayos at
malinaw na pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago at dagdag na kaalaman
ng ibang tao. Dahil sa diskursong ito magagawa ng tao na makabuo ng kanyang sariling
imbensyon kung ang nakabasa ay isang imbentor, pamamaraan sa pagtuturo kung ito naman
ay isang guro at marami pang iba.
4. Pangangatwiran
Ang pangangatwiran ay isang diskurso na dapat ay makahikayat ng mambabasa o
tagapakinig tungkol sa ipinaglalabang isyu o kahit anong argumento. Kailangan ang
mapalawak na kaalaman sa pinagtatalunang isyu at may kakayahang maiayos ang kaisipan
upang magamit sa pangangatwiran at nang ganoon ay mapanindigan ang kanyang argumento.
KAKAYAHANG ISTRATEDYIK
Ang panghuling elemento, ang kakayahang istratedyik, ay tumutukoy sa mga estratehiyang
ginagawa ng isang tao upang matakpan ang mga di- perpektong kaalaman natin sa wika nang
sa gayon ay maipagpatuloy ang daloy ng komunikasyon. Ginagamit dito ang verbal at di verbal
na paraan ng pakikipagkomunikasyon. Ilan sa mga estratehiyang ito ay ang sumusunod:






pag-iwas sa isang paksang pinag-uusapan na hindi niya alam, pilit na iibahin ang
paksa
pagbubuo ng bagong salita (mananakay sa halip na pasahero)
paggamit ng mga pahayag tulad ng kasi…ano…; sa totoo lang, ano…
pagsasabi ng “alarn ko yan, yung ano, nasa dulo ng dila ko…”
pagpapaulit ng isang tanong, “pakiulit nga, medyo, hindi ko nakuha”
pagpapakita ng di berbal na reaksiyon tulad ng pagtataas ng kilay, pag-ismid,
malayong tingin, pagkibit ng balikat
Samakatwid, ang isang nagsasalita ay talagang humahanap ng paraan o ang tinatawag na
coping and survival strategies upang matagumpay na makapasok sa isang proseso ng
pakikipagkomunikasyon.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 45
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
VIII.
Baitang at Strand:
Learning Activity(ies)
GAWAIN 1
Panuto: Manood ng programa sa telebisyon. Habang nanonood, magtala ka ng mga sitwasyon,
pahayag, o mga pag-uusap na masasabing gumamit ng kakayahang komunikatibo ang
mga sangkot na tao. Itala ang mga ito sa nakalaang mga espasyo.
KAKAYAHAN
PROGRAMA
Lingguwistiko
Paliwanag:
Sosyolingguwistiko
Paliwanag:
Pragmatik
Paliwanag:
Diskorsal
Paliwanag:
Istratedyik
Paliwanag:
SITWASYON
PAHAYAG
GAWAIN 2
Panuto: Isulat ang angkop na sagot sa sumusunod na mga sitwasyon. Isipin mo kung paano mo
mailalapat ang iba’t ibang kasanayang pangkomunikatibo. Isulat ang sagot sa puwang na
nakalaan.
Pamantayan sa Pagwawasto
PAMANTAYAN
Balarila
3 PUNTOS
May isang salita lamang na
hindi nagamit nang naaayon
Nilalaman
Naisaalang-alang nang
maayos ang kakayahang
komunikatibo sa naging
mga pangungusap na
tinugon
2 PUNTOS
Dalawa hanggang tatlong
salita ang hindi nagamit
nang naaayon
May isang ideya ang hindi
nararapat o angkop na
sabihin o itugon sa naging
sitwasyon
1 PUNTOS
Apat o higit pa na mga
salita ang hindi nagamit
nang naaayon.
Hindi nailapat ang
kakayahang komunikatibo
sa pagsagot o pagtugon sa
mga sitwasyon
1. Naglalakad ka patungo sa paaralan nang masalubong mo ang iyong ninang.
Ninang: O, mahal kong inaanak, saan ang punta mo?
Ikaw:
2. Bago ang suot mong damit. Napansin ito ng kaibigan mo.
Kaibigan: Uy, ang ganda/gara ng damit mo.
Ikaw:
3. Muli kayong nagkita ng iyong kababata sa mall. Pinansin niya ang iyong katawan.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 46
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
GAWAIN 3.
Panuto: Manood ng talkshow sa telebisyon. Suriin ang naging pag-uusap ng mga kalahok gamit
ang modelong SPEAKING ni Hymes. Punan ang talahanayan sa baba.
Pamantayan sa Pagwawasto
PAMANTAYAN
Katumpakan
3 PUNTOS
Tumpak ang isinulat sa bawat
katumbas na kategorya
2 PUNTOS
1 ideya ang hindi tumpak
1 PUNTOS
Hindi tumpak ang isinulat sa
katumbas ng kategorya
Nilalaman
Buo at malinaw ang naging
sagot
May isang ideya na malabo
Hindi maunawaan ang sinagot
Kategorya
S
P
E
A
K
I
N
G
Tala
GAWAIN 4.
I. Tukuyin ang angkop na salita sa bawat bilang. Bilugan ang iyong sagot.
1.
2.
3.
4.
5.
Namasyal kami sa zoo noong nakaraang lingo at nakakita kami ng unggoy, kabayo, at ( uso, oso ).
Nangangailangan ng matinding ensayo at pokus ang larong archery na gumagamit ng ( pana, bana ).
Nakaupo sa ( pilya, silya ) ang kanyang lola nang dumating sila sa bahay.
Magluluto ng ( pata, bata ) ang nanay ng kaibigan ko sa pasko.
Hindi na niya maalala ang ( bukas, bakas ) ng kahapon.
II.
Bumuo ng pangungusap na tinutukoy ng bawat kondisyon. Ilapat ang tamang antala/hinto
upang maging wasto ang bawat pahayag. Isulat ang iyong pangungusap sa puwang na
nakalaan
Halimbawa: Nagpahayag na si Charlene ang nagbigay ng regalo.
Hindi, si Charlene ang nagregalo.
1. Sinasabi mo na si Joel ang gumawa ng kalokohan.
2. Ipinapahayag mo na sina Jenny at Annie ang mga matatalik mong kaibigan.
3. Tinuturo mo na si Billy ang kumain ng pagkain sa mesa.
4. Ipinakikilala mo ang bagong kaibigan sa iyong mga barkada.
5. Sinasabi mo sa iyong mga magulang na ikaw ang sumira ng telebisyon.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 47
Saint Michael College of Caraga
Brgy. 4, Nasipit, Agusan del Norte, Philippines
Tel. Nos. (085) 343-3251 / 283-3113 Fax No. (085) 808-0892
www.smccnasipit.edu.ph
Pangalan:
Baitang at Strand:
GAWAIN 5.
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay na tinatalakay ang paggamit ng mga salita sa kasalukuyan lalo
na sa mga social media at iba pang site sa internet. Gamiting gabay ang mga tanong sa
ibaba sa pagbuo ng iyong sanaysay. Basahin ang pamantayan bilang batayan ng iyong
pagsulat. Isulat ang iyong sanaysay sa isang buong papel.
Pamantayan sa Pagwawasto:
PAMANTAYAN
5 PUNTOS
3 PUNTOS
1 PUNTOS
Introduksyon
Maayos na nasimulan ang
introduksyon at lubos na
nakapanghihikayat
Maayos naman ang
naging simula ngunit
hindi ganoon
kamapanghikayat
Magulo at hindi
nakakukuha ng atensyon
ang naging introduksyon
Diskusyon (Katawan)
Lubos na naipaliwanag,
napalawak, at nabigyan ng
punto ang mga ideya na
inilahad
May isang ideya na hindi
napalawak, at nabigyan ng
punto sa mga ideya na
inilahad
Magulo at hindi
maunawaan ang mga
ideya na inilahad
Konklusyon
Buo at malinaw ang
naging konklusyon.
Magkaugnay ang ideya sa
naging ideya ng
konklusyon.
Buo at malinaw ang
naging konklusyon. May
isang ideya na taliwas sa
ideyang nailahad sa
katawan ng sanaysay
Malabo at malayo sa
inilahad na ideya at
punto ng naging
sanaysay
Organisasyon ng mga
Ideya
Maayos na napagsunodsunod at naiugnay ang
mga ideya sa sinulat na
sanaysay
Isang ideya ang hindi
angkop sa sinulat na
sanaysay
Magulo ang pagkasunodsunod ng mga ideya sa
sinulat na sanaysay
Balarila at Mekaniks
1-3 ang hindi angkop na
ginamit sa sinulat na
sanaysay (gamit ng salita,
bantas, atbp.)
4-6 ang hindi angkop na
ginamit sa sinulat na
sanaysay (gamit ng salita,
bantas, atbp.)
Higit sa anim ang hindi
angkop na ginamit sa
sinulat na sanaysay
(gamit ng salita, bantas,
atbp.)
Gabay na Katanungan:
1. Paano ginagamit ang wikang Filipino sa mga social media at ibang site? Maglahad ng lima.
2. Paano ito nakaaapekto sa kaalaman at kakayahang komunikatibo ng mga Pilipino?
3. Ano ang kinalabasan ng patuloy na paglaganap nito? Ilahad ang maaaring sitwasyon.
FILIPINO11A Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Member of:
Pahina | 48
Download