Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! 2 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! 1. Ano ang kasalukuyang pandaigdigang sitwasyon na nagtutulak sa APEC Economic Leaders’ Meeting (APEC ELM) sa darating na Nobyembre 2015? Walang-kapantay ang kasalukuyang pandaigdigang krisis na nagdudulot ng napakatinding kahirapang pinapansan ng mamamayan ng buong daigdig. Sa gitna ng kahirapang ito, ang yaman ng 85 pinakamayayamang indibidwal sa buong mundo ay tinatayang 1.6 trilyong dolyar, na matutumbasan lamang sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng kita ng 3.5 bilyong naghihirap na mamamayan ng daigdig. Subalit hindi ang kahirapang pasan ng malawak na mamamayan ng daigdig ang nagtutulak sa mga pinakamakapangyarihang bansa sa pagdaraos ng APEC ELM 2015. Ang totoo, ang pagpalo ng walang kaparis na krisis ng labis na produksyon at akumulasyon sa kasaysayan ng mundo ang siyang nagtulak sa United States (US) na pangunahan ang APEC ELM 2015. Sa pangmatagalang balangkas, ito rin ang magtitiyak sa patuloy na pagkakamal ng limpak-limpak na tubo para sa uhaw ng mga dambuhalang monopolyo kapitalista sa mga makapangyarihang bansa. Buhat pa noong huling bahagi ng ika-19 na siglo, inabot na ng sistemang kapitalismo ang monopolyong yugto nito. Sa panahong ito unang natunghayan ang panganib na bitbit ng monopolyo kapitalismo – ito ay ang krisis ng labis na produksyon na nagbunsod ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Itinulak ng krisis na ito ang mga bansang kapitalista na maglunsad ng digmaan sa layuning isalba ang sarili sa napakatinding krisis ng sobrang produksyon. Inilunsad ng mga bayang ito ang marahas na pakikidigma at panananakop sa mga atrasadong bayan upang gawing huthutan ng likas na yaman, murang lakas paggawa at murang hilaw na materyales, gawing pamilihan para sa kanilang labis-labis na yaring produkto, at gawing istasyon mismo ng pamumuhunan, pakikipagkalakalan at pakikidigma. Ito ang panahon ng pagwawakas ng malayang kumpetisyon at ng paghahari ng monopolyo kapitalismo na tinatawag na Imperyalismo. Sa kasalukuyan, monopolyo kapitalismo pa rin ang naghaharing sistema sa buong daigdig kung kaya’t mapapansing paulit-ulit ang pandaigdigang krisis ng labis na produksyon. Paulit-ulit ring ipinapasa sa mamamayan ang bigat ng krisis na nagbubunga ng malawakang kawalan ng hanapbuhay, pagliit ng sahod, pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pang pangangailangan, malawakang kawalan ng tirahan, at labis-labis na pagkabusabos at kahirapan. Higit sa lahat, paulit-ulit rin ang banta ng susunod na digmaang pandaigdig. 3 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! Sa kasalukuyan, ang bansang US pa rin ang nananatiling pinakamakapangyarihang bayang imperyalista sa buong mundo simula pa nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. At sa mga nakalipas na dekada, desperadong nangunyapit ito sa poder habang patuloy na bumubulusok sa sariling krisis pang-ekonomiya at pampulitika. Hindi na ito nakabangon sa krisis buhat nang pumalo ang matinding stagflation, labis-labis na paggasta sa giyera, at pagkatalo sa digmaan sa Indotsina noong1970’s. Buhat din noon ay walang humpay itong naglunsad ng digmaan, nang-upat ng giyera sa mga bansang pinag-interesan nitong kontrolin, at nagwasiwas sa mga bansang kaalyado, kolonya at malakolonya nito ng mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon sa layuning mapanatili ang paghahari nito sa buong daigdig. Samantala, ang pagkakahiwalay ng Union of Soviet Socialist Republics (USSR) at ang pagtalikod ng Tsina sa sosyalismo ay nagbigay-daan sa kapitalistang panunumbalik sa mga bansang ito at sa kasalukuyan, ang mga ito ay naging ganap nang mga imperyalistang bayan. Bunga nito mas tumindi pa ang kumpetisyon sa pagitan ng mga imperyalistang bayan. Bumuo ng bloke ang China kasama ang Brazil, Russia, India, at South Africa o BRICS bilang mayor na katunggali at kaagaw ng US sa paghahari sa buong daigdig. Katunayan, nagawa nang tapatan ng Tsina at ng bloke nito ang mga mga institusyong pampinansya at kaayusang pampulitika na itinatag ng US. Itinatag na nila ang BRICS Development Bank at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), gayundin ang Shanghai Cooperation Organization (SCO) na pawang mga kasalukuyang katapat ng International Monetary Fund-World Bank (IMF-WB) at US-North Atlantic Treaty Organization (US-NATO). Dahil sa kumpetisyon na ibinunga ng pagsilang ng Tsina at ng BRICS, ubostalinong nagdidisenyo ngayon ang US ng mga taktika para sa “neokonserbatibong” linya ng “solong” paghahari at pagkokonsolida sa neoliberal na globalisasyon. Ipinagpapatuloy nito ang paglulunsad ng mga digmaan at pang-uupat ng giyera sa Gitnang Silangan, Silangang Europa at Aprika. Pinagsusumikapan nito na mapalawak at mapatatag ang US-NATO, patuloy na ginagagamit ang mga kasunduang Bretton Woods Agreement at Washington Consensus para sa pananaig ng dolyar sa pamumuhunan at kalakalan habang tuluy-tuloy na itinutulak ang mga patakarang neoliberal sa buong daigdig, at ginagamit ang modernong teknolohiya para sa pandaigdigang makaimperyalistang propaganda at surbeylans “laban” sa “terorismo” at mga digmaan. 4 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! Ang pagtutulak ng APEC ELM 2015 ay bahagi ng walang-lubay na pagsusumikap ng US na mapanatili ang “solong” paghahari nito sa daigdig sa larangan ng pulitika at ekonomiya. Ngunit isa lamang ang pagtutulak ng APEC ELM 2015 sa mga hakbangin ng US upang makapaglunsad ng arena ng tunggalian at mesa para sa pakikipag-alyansa sa Tsina at sa bloke nito. Ang mga bansang kaalyado ng US at mga gubyerno ng mga malakolonya nito ang pangunahin nitong katuwang upang tapatan ang Tsina at bloke nito at mapaigting ang neokolonyalismo at neoliberal na globalisasyon sa sarswelang APEC ELM 2015. 2. Ano ang laman ng neoliberal na globalisasyong bitbit ng APEC? Totoo bang sosolusyunan nito ang kasalukuyang pandaigdigang krisis? Ang US ang pasimuno sa pagtutulak ng neoliberal na globalisasyon at ang APEC ay sadyang ibinuo upang sistematikong maisakatuparan ito. Ang neoliberal na globalisasyon ay ang bungkos ng mga pandaigdigang patakarang pang-ekonomiya at pampulitika na naglalalaman ng mga sumusunod: Patakaran ng Pagpapababa sa Sahod Patakaran ng Liberalisasyon Patakaran ng Pribatisasyon Patakaran ng Deregulasyon Patakaran ng Denasyunalisasyon Ang ultimong layunin ng mga patakarang ito ay ang pataasin ang tubo ng mga dambuhalang negosyo ng mga pinakamakapangyarihang bansa upang “makasalba” sa krisis ng labis na produksyon. Laman nito ang mga sumusunod: Pagtatanggal sa lahat ng restriksyon at pagsasagawa ng mga pagbabagong istruktural upang ibukas ang ekonomiya ng mga bansang atrasado para sa mas maluwag at higit na dayuhang pamumuhunan at kolonyal na kalakalan Higit pang pagpapababa sa sahod at pagpapatupad ng pleksibilisasyon sa paggawa. Pagbibigay sa dayuhan ng unlimited access sa likas na yaman sa mga atrasadong bansa Pagtitiyak sa karapatan sa pag-aari ng dayuhan sa mga atrasadong bansa Pagtutulungan sa usaping pampulitika at militar 5 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! Pagtatagusan ng mga programa sa kultura at edukasyon para sa produksyon ng mura at maamong lakas paggawa Patakaran ng pagtitipid ng mga gubyerno at pagbabawas ng gastos para sa mga serbisyong panlipunan Sinimulang iwasiwas ng US ang mga patakaran sa neoliberal na globalisasyon sa buong daigdig noong 1980’s bunsod ng napakatinding krisis sa pinansya na pumutok noong 1970’s. Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pagbubuo at pagtataguyod ng mga alyansa, pormasyon, at organisasyon ng mga bansa na siyang naging daluyan at tagusan ng mga patakaran sa anyo ng mga kasunduan, batas, at pinagkaisahang programa. Pinangunahan mismo ng US ang pagbubuo ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) noong 1989 kung saan kasapi ang 21 bansa na pinananahanan ng 3 bilyong mamamayan at sumasaklaw sa 60% ng kabuuang ekonomiya ng daigdig. Sa unang isinagawang APEC ELM noong 1993, idinisenyo kaagad ang koordinasyon ng mga kasaping bansa upang pasimulan ang World Trade Organization – Uruguay Round at ang sistematikong paggapi sa mga kilusang mapagpalaya sa mga atrasadong bayan, maging sa mga bansang naggigiit ng kasarinlan. Noong 1994, sa ikalawang ELM, tinarget ng APEC sa tinaguriang “Bogor Goals” ang ganap na liberalisasyon sa kalakalan at pamumuhunan sa taong 2010 para sa mga mauunlad na bayan at taong 2020 naman para sa mga atrasadong bayan. Sa loob lamang ng mahigit tatlong dekada, napakatinding kahirapan na ang ibinunga nito sa mga mamamayan ng buong daigdig. Sa kasalukuyan, tinatayang 2.7 bilyong mamamayan ang naghihirap sa buong daigdig na kumikita ng halagang hindi lalampas sa 2.5 dolyar bilang panustos sa pangangailangan ng buong pamilya sa loob ng isang araw. Aabot sa 202 milyon naman ang walang hanapbuhay, 840 milyon ang bagamat nagtatrabaho ay sadlak pa rin sa kahirapan, at 1.5 bilyon ang maaaring mawalan ng hanapbuhay anumang oras. Dahil dito, hindi nakapagtatakang umaabot sa 804 milyon ang nakararanas ng gutom sa buong mundo. Malinaw na hindi sinolusyunan ng neoliberal na globalisasyon ang pandaigdigang krisis, lalo lamang nitong pinabulusok ang pandaigdigang ekonomiya. Ang neoliberal na globalisasyon ay ang pagpapasa sa nakararaming mamamayan ng bigat ng krisis ng labis na produksyon sa pamamagitan ng lalo pang pagpiga ng labis-labis na tubo mula sa mga mamamayan at pandarambong sa likas na yaman sa pandaigdigang saklaw. 6 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! Sa darating na APEC ELM 2015, pag-uusapan ng mga lider ng mga kasaping bansa kung papaano paiigtingin at ikokonsolida ang mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon. Nangangahulugan ito ng pagpapatupad ng mga karagdagag patakarang pang-ekonomiya na lalong magpapahirap sa mamamayan, sasaid sa likas na yaman, at wawasak sa kalikasan ng daigdig. 3. Ano ang mga partikular na laman ng mga agenda ng APEC ELM 2015? Ang APEC ELM 2015 ay may temang “Building Inclusive Economies, Building a Better World” na katono rin ng tema ng 2008 na “Reform Agenda for Inclusive Growth”. Sa balangkas ng neoliberal na globalisasyon, itutulak ng APEC ang “Regional Economic Integration” (REI) na nangangahulugan ng mahigpit na pagkakaisa at pagtatagusan ng mga programa at patakaran sa ekonomiya at pulitika ng mga kasaping bansa. Sa integrasyong ito, bitbit ng APEC ang mga sumusunod na islogan: Democratizing Fruits of Economic Growth Fostering Economic Participation of Small and Medium Enterprises (SMEs) in the Regional and Global Markets Investing on Human Capital Building Sustainable and Resilient Communities Para sa pagsasakatuparan ng mga nabanggit, itutulak ng APEC ang mga sumusunod: Free Trade Area of the Asia Pacific (FTAAP) (Comprehensive and Binding Agreement on the “Next” Generation Trade and Investment Issues for the Support of World Trade Organization and the Advancement of REI) Strategic Blueprint for Promoting Global Value Chains (Core of Economic Integration) Accord on Innovative Development, Economic Reform and Growth (Set of Structural Reforms and Innovations) Connectivity Blueprint for 2015-2025 (Ensuring Seamless Flow of People, Information and Trade) Ang pagtutulak ng FTAAP ang tiyak na magiging atay ng mga usapin sa APEC ELM 2015 na isinakonsepto na noon pang 2006. Tatlo ang maaaring patunguhan nito sang-ayon sa plano ng US. Una, maaaring itulak nito ang Trans Pacific Partnership (TPP) na magpapatibay ng pagkakaisa ng lahat ng alyado at malakolonya ng US at maghihiwalay at magbubukod sa Tsina sa mga kasunduan at usapin. Ikalawa, maaaring itulak nito ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na magbubuo ng pakikipagkaisa 7 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! ng US sa Tsina sa pang-ekonomiya at pampulitukang larangan. At ikatlo, maaaring itulak ang pinagsanib na TPP at RCEP na tatawaging “hybrid FTAAP”. Malinaw na ang pangunahing adyenda ng APEC ELM 2015 ay ang paglulunsad ng arena at mesa para maplantsa ang mga gitgitan ng mga imperyalistang kapangyarihan sa daigdig sa pangunguna ng US at Tsina at magsalubong ang mga usapin habang tinitiyak ng parehong panig ang kanikanilang interes at bloke. Isa pa sa mga pangunahing adyenda ng APEC ELM 2015 ay ang pagtutulak daw sa mga Small and Medium Enterprises (SMEs) na “lumahok” sa panrehiyon at pandaigdigang kalakalan sa ilalim ng islogang “fostering SMEs’ participation in regional and global markets”. Subalit sa aktwal, ibubuslo lamang ang mga maliliit na negosyante at produser sa makaimperyalistang integrasyon sa ilalim ng REI at iba’t ibang iskema ng free trade agreements. Ang mga naging relatibong matagumpay na maliit na negosyo ay gagawing mga “export-oriented and import-dependent sweatshops” o ahente at subcontractor na lamang sa ilalim ng kontrol ng mga monopolyo kapitalista. Nangangahulugan ito ng paglumpo at tuluyang pagkitil sa mga pambansang burgesya at maliliit na produser at pag-iwas sa mga kundisyong maaaring makapagluwal ng pambansang industriya sa mga atrasadong bansa sa layuning panatilihin ang kontrol at paghahari ng mga monopolyo kapitalista. Samantala, ang islogang “building sustainable and resilient communities” ay naglalaman ng mga polisiyang magtitiyak ng kontrol ng mga transnational companies sa mga kadena ng produksyon at suplay sa buong daigdig, pagsasanegosyo ng imprastraktura, at iba pang mga panrehiyong iskema ng “kooperasyon”. Sa ilalim din ng islogang ito, mabibigyang-daan at maisasaligal ang pagkontrol ng mga monopolyo kapitalista sa mga karagatan ng Asya-Pasipiko sa tabing ng “Green Economy” at “Blue Economy” bilang “pagtugon” daw sa mga problema ng kakulangan sa pagkain at climate change. Ang islogang “investing on human capital” ay ang pagtutulak sa pagsasanib sa sistemang pang-edukasyon at pang-kasanayan ng mga kasaping bansa na kinatatampukan ng ispesyalisasyon sa science and technology, gayundin ng papel ng information and communications technology sa pulitika, ekonomiya at kultura pabor sa mga imperyalista. Direkta rin itong nagsisilbi sa pandaigdigang labor export policy. Siyempre, kalakip din ang pagpapaigting sa komersyalisasyon at pagpapatampok sa katangian ng sistemang pangedukasyon bilang isang negosyo. Ang katumbas nito ay ang pagpapatibay ng mga institusyon sa edukasyon at kultura na ginagamit bilang sistematikong 8 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! makinarya para sa paghuhubog ng mga indibidwalistang mamamayan na hindi nakikialam sa lipunan, pagsasanay ng maamo at mahusay na lakas paggawa, at pagluluwal ng mapagtangkilik at mapagsambang konsyumer. Kaya kung susumahin, ang mga adyenda ng APEC ELM 2015 ay ang pagplantsa sa gitgitan ng US at Tsina, pagkitil sa mga maliit na negosyo, patuloy na pagtitiyak ng “karapatang” mangamkam ng mga yamang pinipiga mula sa mamamayan at likas na yaman, at ang pagtutok sa edukasyon at kultura upang magluwal ng maamo at murang lakas paggawa. Dinadamitan lamang ito ng samu’t saring magagandang taguri subalit sa esensya, ito ay ang pagpupulong ng mga lider ng mga bansang kasapi ng APEC upang idisenyo ang konsolidasyon ng neoliberal na globalisasyon na lalong magpapahirap sa mamamayan, matiyak ang kanilang monopolyong interes, patuloy na bansutin ang ekonomiya ng mga atrasadong bansa upang barahan ang pambansang industriyalisasyon, at sairin ang likas na yaman na wawasak sa kalikasan ng buong daigdig. Ang APEC ELM 2015 kasama ang mga nauna na at mga susunod pa ang simbolo ng paghahari ng imperyalismo sa kasalukuyan sa ilalim ng bandera ng neoliberal na globalisasyon. 4. Bakit kasapi ang ating bansa sa APEC at ano ang saysay ng pagdalo ng Rehimeng US-Aquino sa APEC ELM 2015? Buhat pa nang itatag ang APEC noong 1989, sumusunod na sa mga patakarang bitbit nito ang gubyerno ng Pilipinas sa pangunguna ni Corazon Aquino. Ipinagpatuloy ito ng lahat ng sumunod na pangulo hanggang sa panahon ni Noynoy Aquino sa kasalukuyan. Ang paglahok ng gubyerno ng Pilipinas sa APEC ay maiuugat sa kasaysayan ng bansa. Inagaw ng US ang tagumpay ng sambayanang Pilipino sa Rebolusyong 1896 laban sa Kolonyalismong Espanyol. Nagawa ito sa pamamagitan ng Treaty of Paris kung saan ibinenta ng Espanya sa US ang ating bansa sa halagang 20 milyong dolyar, kaakibat ng walang-kasing lupit na Filipino-American War. Pumostura noon ang US na “aayuda” sa “unti-unting pagsasarili” ng Pilipinas. Subalit sa aktwal, inilatag lamang ng US ang lahat ng kundisyon upang maging ganap na kolonya nito ang Pilipinas. Binansot ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapanatili sa atrasado at hiwa-hiwalay na pagsasaka, pagbara sa pag-unlad ng pambansang industriya, at pagtali sa bansa sa ekonomiyang nakadepende sa pag-iimport ng mga yaring produkto at pag-eeksport ng murang hilaw na materyales. Kasabay ng mga ito, itinayo ng US ang mga negosyo nito sa Pilipinas at 9 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! nagpasasa sa mga likas na yaman at murang lakas paggawa ng bansa. Naging malapyudal ang ekonomiya ng bansa dahil rito. Pinakinabangan rin ito ng mga lokal na panginoong maylupa at nailuwal din mula rito ang uring “malaking burgesya kumprador” na naging mga pangunahing katuwang ng US sa pagpapanatili ng kaayusang iwinasiwas ng US sa Pilipinas. Bago pa man ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naplantsa na ng US ang mga batas, patakaran at kasunduan na magpapanatili sa ganitong kaayusan ng bansa. Naihanda na rin ang mga makinarya at mga sinanay na lider-pulitiko upang maging ganap na papet nito ang noo’y itatayo pa lamang na pamahalaan ng Pilipinas. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, iginawad sa Pilipinas ang “kasarinlan” noong Hulyo 4, 1946 na naging hudyat ng makabagong porma ng pagsakop at pagkontrol ng US sa Pilipinas – ang neokolonyalismo na nagbigay-silang sa burakta-kapitalismong gubyerno sa bansa. Sa yugtong ito, naging isang ganap na malapyudal at malakolonyal ang Pilipinas. Sa pagpapatuloy ng kolonyal na relasyon sa bagong mukha ng neokolonyalismo, ibinaon ng US ang Pilipinas sa utang na naging isa rin sa mga mayor na pamamaraan ng pagpiga ng US ng yaman mula sa sambayanang Pilipino, kasabay ng pagpapanatili ng malapyudal at malakolonyal na katangian nito. Buhat din noon, naging matapat at masugid nang tagasunod ng US ang gubyerno ng Pilipinas sinuman ang maging pangulo nito. Katunayan, sa panahon pa lamang ng mga halalan sa pagkapangulo, nagkakandarapa na ang mga burukrata-kapitalistang panginoong maylupa at kumprador burgesya sa panliligaw sa US upang tayaan sila nito at nagsisipagpaligsahan sa pagdebuho ng mga patakarang pang-ekonomiya at bungkos ng mga batas na pabor sa interes ng huli. Ang palagiang biktima ay ang malawak na sambayanang Pilipino na ibinubugaw ng gubyerno sa ganap na pagkaalipin sa loob at labas ng bansa at sumasalo sa mga epekto ng pagkasaid ng likas na yaman at pagkawasak ng kalikasan. Ito ang mga dahilan kung bakit sa mga nagdaang dekada, ang ating gubyerno ay mistulang papet na sumusunod sa lahat ng dikta ng US sa lahat ng larangan – ekonomiya, pulitika, kultura, usaping militar at ugnayang panlabas. Hindi makakalimutan ang maagap na pagtugon at kahandaan ng mga naging papet na rehimen na isugal ang seguridad ng buong bansa at ipahamak ang mga sundalo at pulis na Pilipino sa mga makaimperyalistang giyerang inilunsad ng US gaya ng Vietnam War (1960’s), pananalakay sa Afghanistan (2001) at Iraq War (2003), pati na sa mga giyerang pinakialaman ng US gaya ng Korean War (1950’s) at mga kaguluhan sa 10 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! Gitnang Silangan at Kampuchea (1990). At sa panahon ni Noynoy Aquino, ang hindi pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA), panunumbalik ng mga base militar ng US sa bansa, at ang pagkamartir ng SAF 44 (2010 – kasalukuyan). Ang paglahok ng gubyerno ng Pilipinas sa APEC ay isa lamang sa mga kongkretong patunay ng katapatan sa US ng pamahalaan ng Pilipinas na hawak ng mga panginoong maylupa, malaking burgesya kumprador at burakrata kapitalista. 5. Paano pinahirapan ng mga patakarang neoliberal ang sambayanang Pilipino? Nagresulta ang pagpapatupad ng mga patakarang neoliberal sa bansa ng pagbagsak ng lokal na ekonomiya. Ang pagtaas ng Gross Domestic Product (GDP) tungong 7.1% noong 2013 ay hindi masasabing palatandaan ng pagangat ng ekonomiya sapagkat ang tunay na salalayan nito ay ang paglaki ng tubo ng mga dayuhang monopolyo kapitalista at ang malaking remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Una, ang paglaki ng tubo ng mga dayuhang monopolyo kapitalista ay nangangahulugan ng pagpapaliit ng sahod ng mga manggagawa. Ikalawa, mas malaki ang pakinabang ng mga dayuhang bansa sa ating mga OFWs kaysa sa pakinabang nila sa kanilang mga trabaho sa mga bansang banyaga. Lumiit ang bahagi ng manupaktura sa kabuuang GDP mula 24.8% tungong 23%, habang bumaba ang empleyo mula 10.3% tungong 8.4% noong 1994 hanggang 2010. Kung mayroon mang mga natitira pang manupaktura sa bansa sa kasalukuyan, karaniwang mga elektroniks na pang-eksport na puro mga imported na piyesa ang gamit. Sa mga pinakaimportanteng serbisyo, ang modernong kagamitan at teknolohiya ay imported din, maging ang kalakhan ng manufactured goods sa merkado. Ito ang nagpapakitang nakasalalay sa import ang pagtakbo ng ating ekonomiya. Sa agrikultura, bumaba mula 15% tungong 10% ang bahagi nito sa kabuuang GDP sa nakalipas na 20 taon, habang bumaba naman mula 45% tungong 30% ang empleyo. Tumaas ang importasyon ng bigas at iba pang produktong agrikultural na nagpapatunay sa kakulangan ng pagkain. Ibinunga ito ng pinaigting na liberalisasyon sa produktong agrikultural, mas pinatinding kapabayaan ng estado sa maliit na produser, at paglaganap ng dayuhan at lokal na agribusiness na karaniwang export-oriented din. Nangyari ang mga ito sa gitna ng matinding kahirapang bunga ng malawakang kawalan ng lupang sakahan ng magsasaka at urong-atrasadong produksyon sa agrikultura. Samantala, nasa 11.8 milyon ang walang trabaho at kulang ang kinikita, at aabot na sa 30 – 50% ang kakulangan ng trabaho sa bansa. Dahil sa 11 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! mababang pasahod at kakulangan ng trabaho, 5, 201 Pilipino ang lumilisan araw-araw para magtrabaho sa ibang bansa at sa kasalukuyan, umaabot na sa 12 milyon ang OFWs na nakakalat sa buong mundo. Sa loob naman ng bansa, mayroong 1.2 milyon ang nasa mga special economic zones at may 1 milyon ang mga nasa business process outsourcing o BPO. Ang minimum na sahod sa bansa ay hindi lalampas sa P481/araw at mayorya na ng mga manggagawa ay mga kontraktwal. Kinitil din ng patakarang neoliberal ang karapatan sa pag-uunyon. Napakalaki na rin ng ikinasira ng kalikasan bunga ng mga batas gaya ng Mining Act of 1995, Electric Power Industry Reform Act, Indigenous People’s Rights Act at iba pang batas na nagbasbas sa mga dayuhan na dambungin ang ating mga likas na yaman kapalit ng kawalan ng tahanan at kabuhayan ng maraming katutubo at nakakarami pang mamamayan. Ang lahat ng ito ay lalong nagpalaki ng agwat ng mayaman at mahirap sa bansa at katunayan, ang kabuuang yaman ng 25 pinakamayayamang indibidwal na nagkakahalaga ng 4.1 bilyong dolyar ay katumbas ng lahat ng kita ng 76 milyong mahihirap na Pilipino. Sa kabila ng napakatinding kahirapang ito ay may nakinabang at nakapagpalaki ng yaman. Sa kasalukuyan, aabot na sa 205 bilyong dolyar ang kinamal ng dayuhan mula sa pagpiga ng supertubo sa mga negosyong itinayo nila sa bansa, kasama ang pag-eksport ng mga yamang mineral at tubo mula sa pagbabayad-utang ng bansa buhat noong 1980’s. Sa buod, walang naging pakinabang ang sambayanang Pilipino sa mga patakarang neoliberal. Kung mayroon mang nakinabang, ito ay ang mga dayuhang monopolyo kapitalista at malalaking burgesya kumprador kasama ang mga panginoong maylupa. At tiyak na mas matinding kahirapan pa ang naghihintay sa lalong pagpapaigting ng mga patakarang neoliberal na tiyak na baon ng rehimeng US-Aquino sa pagdalo sa APEC ELM 2015. 6. Ano ang mga komitment na bitbit ng Rehimeng US-Aquino sa APEC ELM 2015 at ano ang epekto nito sa sambayanang Pilipino at sa patrimonya ng ating bansa? Ang patakarang pang-ekonomiya sa ngalan ng Philippine Development Plan 2010-2016 (PDP) ng Rehimeng US-Aquino sa nakalipas na limang taon ay pagpapatuloy lang din ng programang pang-ekonomya at pampulitika ng mga nagdaang rehimen. Wala itong ipinag-iba at parehong-pareho sa mga naging adyenda at islogan ng APEC at iba pang makaimperyalistang pandaigdigang pormasyong pang-ekonomiya at pampulitika. Kagaya ng sa 12 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! APEC, ang pagpapatupad ng mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon ang translasyon ng mga laman nito. “Kinilala” ng administrasyon ni Noynoy Aquino na hindi daw natikman ng nakararaming Pilipino ang “paglago ng ekonomiya” kung kaya’t itinulak nito ang PDP para sa “inclusive growth” na hindi maihihiwalay sa konstekto ng “building inclusive economies” na mangilan-taon nang tema ng APEC. Alinsunod sa “pagsusuri” ng mga bayang imperyalista, ang kongklusyong ito ay ibinatay ng rehimen sa modelo ng “free market development”. Kung kaya’t ang naging salalayan ng PDP ay ang “kakulangan” ng mga sumusunod: una, “pamumuhunan bunga ng kakulangan ng imprastraktura”, ikalawa, “human capital” dahil daw sa “bumababang kalidad ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan”, at panghuli, ng “social safety nets”. Kung kaya’t nilaman ng PDP ang mga sumusnod: massive investments in physical infrastructures fostering business confidence giving short-term cash outlays ensuring transparent and responsive governance deeper and broader privatization through Private-Public Partnerships (PPPs) social protection programs (Conditional Cash Transfer) Sang-ayon sa mga itinakdang pamantayan ng mga bayang imperyalista, sinikap ng rehimen na pataasin ang “international ranking” ng bansa. Kung kaya’t naging susing layunin ang pag-akit pa sa mga dayuhang namumuhunan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga patakaran para sa pagpapababa sa sahod at pleksibilisasyon sa paggawa, paggarantiya sa pag-aari ng mga mamumuhunan, at pagtitiyak ng mababang buwis at iba pang bayarin para sa mga dayuhang negosyo. Ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ay patuloy ding binansot at ginawang mga maliliit na supllier at subcontractor ng mga multinational at transnational companies. Kasabay nito ang higit pang pagtitipid ng gubyerno kaya pinaigting din ang pribatisasyon sa ilalim ng Private-Public Partnership (PPP). Bukod sa imprastraktura bilang pangunahing target, kabilang din sa mga isinailalim sa PPP ang agrikultura at mga serbisyong panlipunan gaya ng insurance, edukasyon, ospital at mga serbisyong pang-kalusugan, pabahay, tubig, at maging disaster risk reduction. Ipinatupad ito sa pareho ring iskema ng BuildOperate-Transfer (BOT). Nagresulta ito ng ibayong kahirapan dahil sa mas pinatinding pagkakait ng serbisyong panlipunan at pagtaas ng halaga ng mga bayarin bunga ng pagkatransporma ng oryentasyon ng mga ito mula 13 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! serbisyo tungong negosyong naglalayong magkamal ng tubo. Ang pagpapatupad naman ng safety nets na CCT at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay ipinatupad para sa “user pay’s culture” sa pamamagitan ng pagbibigay sa masa ng kahit papaano’y kakayanang bumili at magbayad ng mga serbisyong dapat ay libre, kung kaya’t hindi rin naging mabisang solusyon sa matinding kahirapan. Bukod sa pribatisasyon ng mga pampublikong serbisyo, itinaas ang buwis na ipinapasan sa mga mamamayan habang samu’t saring insentibo at exemptions ang ginarantiyahan ng rehimen para sa mga dayuhang negosyo. Kasabay nito, idinisenyo noong 2012 ang Two-Tierred Wage System (2TWS) na magpapako sa sahod ng manggagawa ng higit na mababa sa mga itinakdang minimum. Ang 2TWS na unti-unti nang ipinapatupad ngayon ay gatong lamang sa dati nang mga patakarang nagpababa sa sahod, nagtanggal ng karapatan sa tiyak na trabaho, at kumitil sa karapatang magunyon ng mga manggagawa. Alinsunod sa “investing on human capital”, isinabatas ang RA 10533 o Enhanced Basic Education Act na naglaman ng Kto12 noong 2013. Ipinatupad ito kaalinsabay ng Roadmap to Public Higher Education Reform (RPHER – 2011). Ito ang nagsilbing tugon ng Rehimeng US-Aquino para sa pagsasanibing programa sa edukasyon at kultura sa layuning makapagluwal at makapagsanay ng maamo at mahusay na lakas paggawa. Ang Kto12 at RPHER ay magbubunga ng tanggalan sa humigit - kumulang 100, 000 guro at kawani at lalong magkakait ng edukasyon sa mas nakararaming mamamayan. Nitong 2014, makaisang-panig na pinasok ni Noynoy Aquino ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) para sa pagsasanib ng mga programa at patakaran sa usaping militar at ugnayang panlabas. Sa kasalukuyan, handang-handang magwaldas ang rehimeng US-Aquino ng P4.6 bilyon para sa APEC ELM na idaraos sa bansa sa darating na Nobyembre 2015, hindi malayo sa P4.8 bilyon na winaldas na noong nakaraang taon sa idinaos na mga pulong-paghahanda ng APEC sa bansa. At pinakamalala, paniguradong ilalakip ng rehimeng US-Aquino sa APEC ELM 2015 ang higit pang pagpapasahol sa mga patakarang naipatupad na. Nakaumang ngayon ang mga panukalang “economic chacha” o ang pagrerebisa ng konstitusyon kung saan todo-todo nang tatanggalin ang iilan pang nalalabing probisyon sa konstitusyon na nagpoprotekta pa kahit papaano sa soberanya ng bansa at magbibigay ng lahat ng karapatan sa pag-aari, operasyon at pakinabang ng dayuhan sa ating bansa. Hinihintay na 14 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! lamang din ng rehimen ang hudyat ng US para sa pagpasok sa Trans Pacific Partnership. Bukod sa mga ito, ganap na isasabatas ang mga iskema ng PPP kung saan magkakaroon ng tiyak na alokasyon sa pambansang badyet ang mga PPP projects, tatanggalan ng karapatan ang mamamayan na magreklamo sa pamamagitan ng pagbabawal sa korte ng pag-iissue ng temporary restraining order, preliminary mandatory injunction at preliminary injunction, maglalaan ng pondo sa regulatory risk guarantee kung saan sasagutin ng gubyerno ang anumang ipapaluwal ng private sector sa mga proyekto, at magtatanggal sa limit ng halagang babalikatin ng gubyerno para sa mga proyektong ito. Kung kaya’t ang komitment ng rehimeng US-Aquino sa paparating na APEC ELM 2015 ay ang pagpapatuloy at pagpapatindi pa sa mga patakaran ng neliberal na globalisasyon sa bansa na lalong magpapahirap sa sambayanang Pilipino at magsusuko ng patrimonya ng Inang bayan sa kamay ng dayuhan. Ito ay aktwal na pagpapasa ng kinabukasan ng bansa sa kamay ng mapagsamantalang dayuhan. 7. Bukod sa APEC ELM 2015, mayroon pa bang pinapasok na mga kasunduan at alyansang makadayuhan ang ating gubyerno? Ang rehimeng US-Aquino, kagaya ng mga nagdaang rehimen, ay masugid na tagasunod ng US, kaya bahagi na ng ating kasaysayan na maging sunudsunuran sa lahat ng mga patakaran, kasunduan at alyansang pinapangunahan ng amo nito. Matapos ibigay ng US ang huwad na kalayaan ng bansa noong 1946 sa pangunguna ni Manuel Roxas, tiniyak na ng US ang kanyang kontrol sa ating bansa. Mula noon, sinuportahan ng lahat ng papet na rehimen ang mga pakana ng imperyalismong US sa buong mundo. Mga halimbawa ang pagtatayo sa estadong Israel, kampanyang anti-Tsina, mga digmang mapanalakay sa Korea, Indotsina, at Iraq, kampanya para gawing lehitimo ang “Malaysia,” muling pagbuhay sa militarismong Hapones, at pagsuporta sa lahat ng giyerang inilunsad at sinawsawan ng US. Bumuntot ang papet na gubyerno sa pusisyon ng imperyalismong US sa kampanya sa ratipikasyon ng General Agreement on Tarriffs and Trade-World Trade Organization (GATT-WTO), pagbubuo ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) at South East Asian Treaty Organization (SEATO). Ang GATTWTO ang pangkalahatang kasunduang nilahukan ng gobyerno ng Pilipinas para sa liberalisasyon sa kalakalan, habang ang ASEAN ang alyansang 15 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! pang-ekonomiya at ang SEATO ang alyansa-militar ng mga bayan sa TimogSilangang Asya na pawang itinatag din ng US. Nakatali tayo sa mga kasunduan at pormasyong ito hanggang sa kasalukuyan. Ngayong Disyembre 2015, sangkot ang ating bansa sa paggayak ng ASEAN Integration at ASEAN Economic Community. Layunin ng ASEAN Integration na buksan ang ekonomiya ng mga bansa sa Southeast Asia para sa pagpapapasok ng higit pang dayuhang mamumuhunan at pagbibigay ng mga insentibo sa kanila, pagtatagusan ng mga programa sa usaping militar lalo at pahigpit ng pahigpit ang gitgitan ng US at China sa West Philippine Sea, at pagtatagusan ng mga programa sa edukasyon at kultura. Ang ultimong layunin nito ay ang mahigpit na pagkakaisa ng mga miyembro ng ASEAN para sa pagpapatupad ng mga patakarang neoliberal sa kaniyakaniyang bayan sa larangan ng ekonomiya at usaping militar, at siyempre sa pagsasanay ng mga manggagawang mahusay at maamo na ipapasok sa mga negosyo ng mga mauunlad na bansa. Hangga’t nagpapatuloy ang malakolonyal at malapyudal na sistema sa bansa, paulit-ulit lamang tayong isusubo ng mga papet na republika sa mga kasunduan, patakaran at mga alyansang pandaigdig na hindi natin pakikinabangan at ikapapahamak pa ng ating bayan. Hamon ito sa sambayanang Pilipino na maging mapagmatyag sa lahat ng hakbang ng gubyernong makadayuhan at makaimperyalista at tumindig at lumaban para sa paglaya mula sa kontrol ng anumang bayang imperyalista. 8. Ano ang tanging solusyon sa kronikong krisis sa pambansa at pandaigdigang saklaw? Ang tanging solusyon sa krisis pambansa at pandaigdigan ay ang pagtatayo ng isang lipunan na pinapatakbo ng pamahalaang nagtataguyod ng pambansang demokrasya – ibig sabihin ipinapanguna ang kasarinlan at kalayaan ng bansa at nagtitiyak ng kapakanan ng mas maraming mahihirap. Magagawa ito kung ang ating ekonomiya ay nakakapagsarili dahil may matibay itong pundasyon ng patakarang pang-ekonomiya na planado, nagtataguyod ng pambansang industriyalisasyon, at tunay na reporma sa lupa. Nabubulok na ang sistemang kapitalista at pilit na inilalapat ng mga bayang imperyalista ang prinsipyo at pormula na nakabatay pa sa “malayang kalakalan”. Isa itong malaking kalokohan dahil dulo pa lang ng ika-19 siglo ay wala nang malayang kalakalan, at namamayani na ang monopolyong kapitalismo na nagresulta na nga sa Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 16 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! Sa monopolyong yugto ng kapitalismo o imperyalismo, paulit-ulit at walang katapusan ang krisis ng labis na produksyon. Ang puno’t dulo ng lahat ay ang pribadong pag-aari sa kapital at mga kagamitan sa produksyon. Ito ang sistema kung saan ang lumilikha ay pinagkakaitan ng bunga ng kanyang pinagtrabahuhan, habang ang may-ari ng kapital na walangambag sa paggawa ay nagkakamal ng yamang pinagpaguran ng iba. Ito ay pagsasamantalang kahawig din ng mga pagsasamantalang ginawa ng mga panginoon noong panahon ng alipin at panginoong maylupa noong naghahari pa ang pyudalismo. Kaya ang tanging solusyon sa kronikong krisis na ito ay ang pagwawakas ng paghahari ng imperyalismo at pagbibigay-daan sa isang bagong lipunan na mas makatao at may katarungan. Ito ang lipunan kung saan ang gamit sa produksyon ay naksentralisa sa isang gubyernong itinatag ng mamamayan at nakalaan para sa paglilingkod sa sambayanan. Magagawa lamang ito sa pamamagitan ng paggigiit ng lahat ng bayan ng kasarinlan at pagbubuklodbuklod ng mamamayan ng buong daigdig laban sa imperyalismo at para sa pagluluwal ng bagong daigdig na malaya. 9. Ano ang mga tungkulin ng buong sambayanang Pilipino sa pagharap sa APEC ELM 2015? Labis na ang paghihirap ng sambayanang Pilipino dahil sa mga kagagawan ng burukrata kapitalistang gubyerno at ng imperyalistang dayuhan. Hindi na dapat magsawalang-kibo ang mamamayan at dapat nating labanan ang mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon. Dapat ay sama-sama tayong tumindig at buong-giting na lumaban para sa ating kagalingan alang-alang sa susunod na henerasyon. Tungkulin nating ipagtanggol ang soberenya ng Inang-bayan. Labanan natin ang pangangamkam ng US at ng Tsina sa ating mga likas na yaman at iwasiwas natin ang ating kasarinlan. Iguhit natin sa buong daigdig ang ating tindig na walang sinumang dayuhan ang maaring kumontrol at magpasasa sa ating bayan. Tungkulin nating ipaglaban ang karapatan ng mga magsasaka sa lupang kanilang binubungkal. Dapat nating ipaglaban ang tunay na reporma sa lupa na tanging magbibigay-hustisya sa kaapihang paulit-ulit nang minana ng sambayanan dahil sa katutubong pyudalismong nakatanim ng malalim sa bayan. Tungkulin nating ipaglaban ang disenteng trabaho, nakabubuhay na sahod, at mga demokratikong karapatan ng mga manggagawa. Ang paglaban para sa 17 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! nakabubuhay na sahod, tiyak na trabaho, at demokratikong karapatan ay katumbas ng paglaban sa mga patakarang neoliberal sa paggawa. Ito ang mga hakbang upang wakasan ang pinakamodernong anyo ng pang-aalipin sa mangagawa. Tungkulin nating ipaglaban ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mga serbisyong panlipunan. Pinagpipigaan ng buwis ang malawak na sambayanang naghihirap na siya namang pinagkakaitan ng mga serbisyo. Dapat na labanan ang pribatisasyon ng mga serbisyo sa kalusugan, edukasyon, pabahay at iba pa. Dapat na itulak ang gubyerno na tumugon sa obligasyon nitong magsilbi sa mamamayan. Dapat na ipagtanggol natin ang ating kalikasan at mga likas na yaman. Dapat na patigilin na ang mga dayuhan sa walang kabusugang pagmimina, pagtotroso, at paghahakot ng mga yaman ng ating karagatan. Dapat na panagutin natin ang mga dayuhang ito sa pagsaid sa likas na yaman, pagwasak sa mga kabundukan, pagkalbo sa mga kagubatan, pagsalaula sa mga dagat, ilog, at iba pang katubigan, at pagtatambak ng kanilang mga dumi at basura sa ating bansa. Panghuli, dapat nating itulak ang mga reporma sa pamahalaan na tunay na magtutuwid sa mga kabulukan at wawakas sa makadayuhang katangian nito. Batikusin natin ang pamahalaan sa mga katiwalian at kurupsyon. Dapat nating tutulan ang pagpapasimuno ng gobyerno sa pagtutulak ng mga batas, patakaran at programang walang ibang pinagsisilbihan kundi ang interes ng dayuhan at iilang naghaharing uri sa lipunan. Dapat na maitransporma natin ang pamahalaan tungo sa isang gobyernong tunay na nagsisilbi sa interes ng taumbayan. Hanggat ang gobyerno ay nadodomina ng mga panginoong maylupa, malaking burgesya kumprador at mga burukrata kapitalista, walang mapapakinabangan ang mga mamamayan sa gubyernong para lamang sa mayaman. Kung kaya’t dapat na itaguyod ang kapangyarihan ng sambayanan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagtutulak ng mga tunay na reporma sa lipunan na pabor sa malawak na naghihirap na mamamayan. Sa pamamagitan nito lamang tunay na magkakaboses ang mamamayan, matitiyak ang kagalingan ng sambayanan, at mapoprotektahan ang patrimonya ng Inang-bayan.# 18 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! Ang Mga Kagyat Nating Tungkulin: 1. Dapat na ipalaganap ang pagsusuri sa kasalukuyang pandaigdigan at pambansang kalagayan. Magsagawa ng maramihang talakayan, forum, at iba pang aktibidad sa iba’t ibang porma at venue. 2. Dapat na isulong ang pakikibaka ng lahat ng sektor para sa karapatan, kagalingan at kabuhayan ng mamamayan, para sa pambansang patrimonya at kasarinlan. Gamitin ang lahat ng inisyatiba at pagkamalikhain sa pagsusulong ng mga pakikibakang ito. 3. Dapat na katukin at hamigin ang mga makabayang upisyal ng pamahalaan, taong simbahan, makabayang negosyante, at iba pang institusyon at palahukin sila sa mga pakikibakang ating ilulunsad. 4. Dapat na ikasa natin ang iba’t ibang porma ng pagkilos, mula sa petisyon hanggang sa mga aksyong masa sa lansangan upang maiparating sa nakararaming mamamayan ang ating pagsusuri at mga panawagan. Simulan natin ito sa pamamagitan ng pagkakasa ng isang higanteng mobilisasyong masa sa paparating na APEC ELM 2015 na gaganapin sa Nobyembre 18-19. Napakainam na okasyon nito para sa pagsisimula ng kampanya laban sa mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon at laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo. 5. Dapat na makipagkaisa tayo sa lahat ng mamamayan sa buong daigdig laban sa imperyalismo. Magagawa lamang natin ito kapag naibuo natin ang pagkakaisa sa ating hanay at sa buong sambayanang Pilipino upang ipagwagi ang ating bayan mula sa kamay ng mga dayuhan. Hindi magwawakas ang paghahari ng imperyalismo hangga’t hindi nagkakaisa ang buong daigdig laban dito at hindi mapagpasyang nailuwal ang bagong sistemang panlipunan na malaya at masagana para sa lahat ng saray ng lipunan. 19 Praymer Hinggil sa APEC ELM 2015 CL People UNITE! 20