Uploaded by airen rose esparcia

FILIPINO Q1 LESSON 1 PANGNGALAN

advertisement
Lagi mong tatandaan…
Pangngalan ang tawag sa bahagi ng
pananalita na tumutukoy sa ngalan
ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari.
Sa pagsasalita, gumagamit tayo ng
mga katawagan sa: ngalan ng tao
papa, kuya, ate, lolo, tiya, mommy,
daddy, nanay, tatay at iba pa.
ngalan ng bagay:
bola, bisekleta, manika, sapatos at
iba pa
ngalan ng lugar: palengke,
paaralan, bahay, simbahan
ngalan ng pangyayari:
kasal, pista, binyag, kaarawan,
Bagong Taon, Araw ng mga Puso
A. Basahin ang usapan sa ibaba.
Kumpletuhin ito sa pamamagitan ng
paggamit nang wastong pangngalang
nasa kahon. Isulat at sagutan sa
kwaderno.
bigkasan
medalya
Marco
G. Santos
mag–aaral
Lino : Panalo si (1)___________
sa timpalak ng (2)___________.
Nestor : Oo, binigyan nga siya ng
isang malaking (3)___________.
Lino : Tama si (4)___________.
Mahusay nga siyang
(5)___________.
B. Ano-ano ang pangngalang ginamit sa bawat
pangungusap. Isulat ito sa kwaderno at tukuyin
kung ito ay ngalan ng tao, hayop bagay o lugar.
1. Bumagsak ang kabinet kaya nasira ang mga
laruan.
2. Kaarawan ni Nanay, pumunta kayo.
3. Mabait ang mga nars na nag-aalaga sa mga
maysakit.
4. Dinala sa ospital ang mga bata upang
mabakunahan.
5. Si Muning ang alaga kong pusa.
Pangngalan
1. kabinet, laruan
2
3.
4.
5.
Tao, Bagay, Hayop,
Lugar, Pangyayari
Bagay
May dalawang (2) uri ng pangngalan:
1. Pangngalang Pantangi – ang tawag sa
tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, at
lugar. Ito ay nagsisimula sa malaking
letra.
2. Pangngalang Pambalana– ang tawag
naman sa Karaniwan o pangkalahatang
ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar. Sa
maliit na letra lamang ito nagsisimula.
Ang Pangngalan ay may kasarian.
Maaari itong pambabae, panlalaki, ditiyak, walang kasarian.
1. Pambabae -pangngalang tumutukoy
sa babae.
Halimbawa: ate, nanay, blusa, lola
2. Panlalaki -pangngalang tumutukoy sa
lalaki.
Halimbawa: kuya, tatay, polo, lolo
3. Di-Tiyak -pangngalang maaaring
tumukoy sa lalaki o babae.
Halimbawa: guro, pulis, prinsipal, bata
4. Walang kasarian -pangngalang
tumutukoy sa mga bagay na walang
kasarian.
Halimbawa: upuan, mesa, papel, lapis
3. Mahilig maglagay ng ipit ang
kapatid kong si (Billy, Willy, Lily, Teddy)
4. Ang kaklase ko ay mahilig magsuot
ng palda. Siya ay isang (lalaki, babae,
guro, kuya)
5. Kunin mo ang (suklay, pamaypay,
pitaka, panyo) para makabili tayo ng
pagkain.
Panuto: Gamitin ang angkop na
pangngalang nasa loob ng panaklong na
bubuo sa diwa ng pangungusap.
1. Ang sabong (Colgate, Safeguard,
Sunsilk, Joy) ay panglinis ng
katawan.
2. Ang ganda ng bestidang nabili ko.
Ibibigay ko ito kay (kuya, tiyo, nanay,
lolo).
Panuto: Punan nang tamang pangangalan
ang talata tungkol sa iyong kaibigan.
Gamitin ng mga pangngalang may iba’t
ibang uri at kasarian. Pumili sa loob ng
kahon.
Baon kaibigan Pipay
lapis papel
Ang Aking Kaibigan
Ako ay may 1. _______. 2. _______
ang kanyang pangalan. Siya ay
napakabait. 3. _______niya ay aming
pinagsasaluhan. Kapag wala akong 4.
_______ at 5. ______ ako’y kanyang
pinapahiram. Talagang napakabait
ng aking kaibigan.
Panuto: Gamitin ang mga pangngalan sa
loob ng kahon upang mabuo ang sinasabi sa
talata. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
Google
mag-aaral
internet
aso
nanay
pusa
Antipolo
Jerickson
klinika
talakayan
beterinaryo
Gng. Salcedo
Kahanga-hangang 1. _________ si
2. _________. Siya ay nakatira sa
bulubundukin ng barangay
3. _________. Malayo man ang kanilang
bahay sa bayan subalit malakas ang
signal ng 4. _________ sa kanilang
cellphone. Maliban sa itinuturo ng
kaniyang gurong si 5. _________
matiyaga niyang hinahanap sa 6.
_________ ang lahat ng kanilang aralin.
Kaya’t sa oras ng 7. _________ tuwangtuwa ang kaniyang mga kamag-aaral sa
mga bagong impormasyon na kaniyang
ibinabahagi. Maliban sa paghahanap ng
mga kakaibang balita, mahilig din siyang
mag-alaga ng 8. _________ at
9. _________. Tumutulong din siya sa
kaniyang ina sa pagtitinda ng gulay. Sa
kaniyang paglaki, pangarap niyang
maging isang 10. _________.
Download