Uploaded by Crisanto Salvaleon

Tinig ng isang Bilanggo

advertisement
Tinig ng isang Bilanggo
Madilim, masikip, sa isang sulok tahimik na nagdurusa
Puno ng pighati ang pusong sinuklaban ng langit at lupa
Naninibugho at nag-iisa; mga matang di matigil ang pagdaloy ng luha
Mga matang pilit tinatakpan ang kalayaang makakita
Pilit kong binabaybay ang panahon ng ako’y isa pang malaya
At doon napagtanto ang mga pagkakataong binalewala
Nabulag sa mga bagay na walang masyadong matutunan
At isinawalang-bahala ang mga mahahalagang kaalaman
Huwag mong hayaang makulong sa rehas ng kamangmangan
Maging mapagmatyag, mapanuri at huwag magbulag-bulagan
Kaalaman sa kasaysayan ay dapat nating pag-aralan
Literaturang Pilipino ay pagyabungin at pagka-ingatan
Mga kaibigan, literatura’y wag nating kalimutan
Sa pagkat ito’y sumasalamin sa ating pagkakakilanlan
Nakalimbag sa mga bato ang bawat karanasan
Kadakilaan at kasiyahan, maging sa kalungkutan man
Upang maunawaan ang sosyedad sa kasalukuyan
Higit na marapat na tuklasin ang naisulat sa nakaraan
At nang maipinta ang kaganapan sa kinabukasan
Kalinangan ng kasaysayan ang siyang tanging ingat yaman
Ikaw at ako, tayo ay magka-isa
Pananabik sa literatura dapat ipakita
Intindihin at paglinangin ang bawat diwa at salita
Damdamin ang emosyong isinasakulay ng makata
Bilang isang bilanggo, hangad ko lamang ang makalaya
Nanabik na muling makita ang araw na masaya
At nang sa makalaya, literatura’y aking pahahalagahan
Ngayon, bukas at hanggang sa magpakailanman
Explanation:
Huwag maging bilanggo sa kamangmangan. Ang tulang ito ay sumasalamin sa
kasalukuyang kagnanapan. Sa panahon ngayon, maraming mga Pilipino ang bumabalewala sa
pagkatuto sa literatura sapagkat mas binibigyan nila ng tuon ang bagong teknolohiya, kagaya ng
gaming apps, at social media. Sa halip na magbasa at magtuklas ng mga pampanitikang akda, ay
kinukulong nila ang kanilang sarili sapaglalaro, pagfb, pagtiktok, atbp. Kaya naman, hindi
maikakaila sa PISA result, na ang mga Pilipino ay nasa mababang antas ng kahusayan sa larangan
ng literatura. Ang tulang ito ay nagbibigay ng babala na dapat imulat nil ang kanilang sarili sa
paglinang ng literature.
Download