Uploaded by Myrna S. Gealon

JUANA PROGRESO

advertisement
JUANA
PROGRESO
Sa ilang libong taon na pagpapangkat-pangkat ng mga Pilipino gamit ang wikang
katutubo, ang wikang ito ang nagsimula sa pagkakakilanlan ng bawat tao. Ito ay nakatutulong
sa pagkakaisa’t pagkakabuklod ng bawat isa, sapagkat ito ang nagiging daan sa
pagkakakilanlan, pagsisimula ng komunikasyon at maihayag ng bawat indibidwal ang kanilang
ninanais o nararamdaman. Nabubuo dito ang bawat kultura na tanging yaman ng mga katutubo
nating Pilipino, na malaking bahagi ng wikang katutubo.
Patuloy na umuunlad at yumayaman ang wikang katutubo na kung saan nag mula sa
ating mga ninuno. Pagbigkas, paggamit, at pakikipag komunikasyon ang nagiging tulay sa
pagunlad ng ating wika. Ngunit, iba’t ibang wika na ang nalalaman ng mga kabataan dahil na rin
sa pagsisimula at pag-usbong ng sosyal medya/social media na nakapupukaw sa atensyon at
napapadalas na gamitin ng mga mamamayan, hindi na namamalayan at nalilimutan na natin
ang ating sariling wika.
Bagama’t iba’t ibang wika na ang nakikilala natin, gayunpaman hindi pa rin natin
malilimutan ang ating sariling wika kung saan nag simula ang ang bawat isa saatin. Dapat na
makilala’t bigyan ng parangal ang wika na ating kasalukuyang ginagamit, dahil isa ito sa naging
yaman ng bansa natin. Huwag nating hahayaan na lumubog o hindi makilala ang sarili nating
wika. Dahil kung wala ito, hindi maihahayag o maipapakita ng bawat isa ang kanilang
damdamin.
Hindi ba’t ang wikang ito ang nagiging tulay sa pakikipag usap natin. Sa pagbabago ng
henerasyon, isa na ang sosyal medya/social media sa ginagamitan ng pakikipag salamuha’t
pakikipag komunikasyon ng nakararami. Mas napapadali ang proseso, kaya naman naaaliw at
nalilibang ang mga mamayan na ito ang kanilang gamitin hanggang sa lumawak at patuloy na
pag taas ng teknolohiya sa araw-araw na pag gamit.
Natulungan rin ang mga kabataan na lumikha ng iba’t ibang panukalang proyekto na
ginagamitan ng wikang filipino. Halimbawa na lamang ang mga kuwentong pambata, mga
alamat, at mga babasahin na inuulat ng iba’t ibang pilipino na kagaya natin. Nakatutulong ito na
mapaunlad at maging kaaliw-aliw sa mata ng mga kabataan na talaga namang kanilang
ikinakatuwa at nabibigyan ng pansin na hindi isinasawalang bahala ng nakararami, sa
kadahilanang nagiging libangan na rin ito ng mga kabataang kagaya ko.
Kaya naman, hindi dapat natin baliwalain ang mga ito, sapagkat sa pamamagitan ng
mga ganitong gawain, at sa pakikilahok sa mga ganitong proyekto pati na rin ang salubungin at
magkaroon ng selebrasyon na maihahayag sa suporta sa ating wikang katutubo, makikita ang
kaunlaran at ang hindi pagkalimot ng bawat indibidwal sa ating unang pinanggalingan. Patuloy
natin na ipakita na sa kahit simpleng paraan ay ating maipakita ang kahalagahan ng ating
wikang filipino.
Sa dinami-dami ng mga wikang nasa mundo, ang ating wika parin ang nagpakilala saatin
bilang isang pilipino. Bilang isang tao o bilang isang pilipino, hindi dapat natin ipagtabuyan ang
nag payaman saatin, at atin itong patuloy na pagyamanin. Halina’t atin itong ipagmalaki dahil
nararapat itong parangalan para na rin kay Manuel L. Quezon na nag pakita ng sakripisyo para
lang isulong ang wikang pambansa para sa ating bayan.
Download