1. KAMPO NG MGA SUNDALO 2. TIMBANG PANGSUKAT NG LIKIDO 3. MALAKAS NA KABOG NG DIBDIB 4. BANDIDO 5. KASINTAHAN 6. PITAKA 7. KULUNGAN 8. SUMBRERO 9.MANANAMPALATAYA 10. GURO NG BATAS 11. PAALALA 12. TUMIGIL 13. INTERESADO 14. TAONG INALIS SA GRUPO O ORGANISASYON 15. KAGULUHAN 16. LIBOG 17. NAPIGILAN 18. NASAKTAN 19.BINANGGIT 20. TRABAHADOR Kabanata 21: Lito ang isip ni Sisa at parang tatakasan na siya ng sariling bait sap ag-iisip dahil iniisip niya kung paano maililigtas ang mga anak na sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga guwardiya sibil. Kabanata 22: Dumating si Maria at si Tiya Isabel sa San Diego para sa paparating na pista. Pinakiusapan ni Maria ang kasintahan na huwag isama ang kura sa kanilang lakad dahil magmula ng dumating siya ay may takot siyang nararamdaman tuwing makakaharap niya ito. Kabanata 23: Kasama ni Maria Clara ang kanyang mga matatalik na mga kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Masaya silang nagkkwentuhan at nagbibiruan. Kabanata 24: Pagkatapos magmisa ni Padre Salvi ay tumuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal at may inabot na sulat sa kanya. Binasa niya ito. Matapos ay nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Kabanata 25: Ayon kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan at ito ay matatag lamang dahil nakansandal sa pader ng kumbento. Ito daw ay babagsak sa sandaling iwan ng simbahan. Patuloy pa din ang tunggalian ng paniniwala ni Ibarra at Mang Tasyo. Kabanata 26: May mga iba’t ibang klaseng pagkain para sa mga banyaga, kaibigan o kaaway at para sa mga Pilipino. Mayaman man o mahirap ay tiyak na masisiyahan sa pista. Kabanata 27: Isa sa pinakamalaking handaan sa pista ng San Diego ang kay Kapitan Tiyago. Hinigitan talaga niya ang handa ng iba dahil kay Maria at Ibarra. Si Ibarra na kanyang mamanugangin ay pinuri sa isang tanyag na diyaryo sa Maynila. Kabanata 28: Inilathala sa isang pahayagan sa Maynila na walang katulad sa karangyaan ang nangangasiwa ay ang mga paring pransiskano. ng pista kapag Kabanata 29: Nagsimula ang prusisyon ng alas otsa ng umaga. Ang mga tao ay nakabihis ng magara at ginamit din ang kanilang mga tinatagong hiyas. Kabanata 30: Puno ng tao ang simbahan. Naniniwala ang mga tao na kahit mahala ng bayad sa komedya ay mahuhulog sa impyerno ang kaluluwa ng manonood nito at ang mga nakinig sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.