Uploaded by padeldaveanthony11

panimulang-linggwistika-module-1

advertisement
lOMoARcPSD|29202515
Panimulang Linggwistika Module 1
Education Major in Filipino (International Colleges for Excellence, Inc.)
Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university
Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com)
lOMoARcPSD|29202515
PANIMULANG LINGGWISTIKA
Ano ang Wika?
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas
na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa
pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang
binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib
ng isang pulutong ng mga tao.
Ano ang kahalagahan ng wika?
Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat
nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan
ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.
Mahalaga ang wika sa tao sapagkat ito ang pangunahing kailangan upang maipahayag natin ang
damdamin, saloobin, kaisipan at iba pa.
Ano ang katangian ng wika?
Ang wika ay may iba't ibang katangian. Ito ay isa sa mga mahahalagang bagay na ibinigay ng Diyos
sa tao upang mabuhay nang may kabuluhan at makamit niya ang kanyang mga pangarap at mithiin sa
buhay.
1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay
sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
2. Ang wikang ay sinasalitang tunog. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog.
Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang
pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog na nilikha
natin ay ang tunog na salita. Ito rin ang kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat ng pagkakataon.
Tanging sinasalitang tunog lamang na nagmumula sa tao ang maituturing na wika. Nilikha ito ng
ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga ng nagdaraan sa
pumapalag na bagay na siyang lumilikha ng tunog (artikulador) at minomodipika ng ilong at bibig
(resonador).
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at
isaayos ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa kausap. Sa
lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin.
4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong
magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang
esensya
ng
wika
ay
panlipunan.
5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay
nawawalan
ng
saysay.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot ay
makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit
may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika. Pansinin natin ang pagkakaiba
ng wikang Filipino sa Ingles. Anu-ano ang iba't ibang anyo ng "ice formations" sa Ingles? Ngunit ano
ang katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaring yelo at niyebe lamang, ngunit ano ang katumbas
natin sa iba pa? Wala, dahil hindi naman bahagi sa ating kultura ang "glacier", "icebergs", "forz",
"hailstorm"
at
iba
pa.
7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang
isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng
mga
tao,
maaaring
sila
ay
nakalilikha
ng
mga
bagong
salita.
8. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay
paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang
pangungusap
kung
walang
salita.
Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com)
lOMoARcPSD|29202515
9. Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na
salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang wastong
pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang walang kamatayang akdang "Uncle
Tom's Cabin" na isinulat ni Stowe. Dahil sa nobelang ito, nagkaroon ng lakas ang mga aliping itim na
ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao laban sa mga Amerikano. Ang salita, sinulat man o
sinabi ay isang lakas na humihigop sa mundo. Ito ay nagpapatino o nagpapabaliw, bumubuo o
nagwawasak,
nagpapakilos
o
nagpapahinto.
10. Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa
rin ang kay hirap ipaliwanag.
Ang Angkang Malayo Polinesyo At Ang Wika Sa Pilipinas
 Ang rehiyong nasa baybay-ilog ng kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na
pinagmulan ng kulturang Pilipino.
 May pangkat na lumikas sa kanluran patungong India, Indo-Tsina at Indonesia.
 May pangkat na lumikas sa Indonesia ang siyang nakaabot sa Pilipinas Formosa (Taiwan) at
iba pang kapuluan sa Pasipiko.
 Iisa ang pinagmulanng iba’t ibang sistemang pagsulat noon, ang Alibata.
 Ang ALIBATA ay mula sa Alifbata ng Arabia na pumasok sa Pilipinas nang maitindig ang
emperyong Madjapahit sa Java.
Ang Linggwistika
Maagham na paraan ng pag-aaral ng wika na maglalayong malinang ang paraan sa mabisang
paglalarawan sa wika.
5 Proseso ng Maagham na Paraan:
1. Pagmamasid
2. Pagtatanong
3. Pagklasipika
4. Paglalahat
5. Pagberipika at Pagrebisa
Kahalagahan Ng Linggwistika
1. Pagpaplano at Paggawa ng mga patakarang pangwika
2. Paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo.
3. Pagkakaroon ng guro ng kaalaman at malawak sa kalikasan ng wika.
KASAYSAYAN NG LIGGWISTIKA SA PILIPINAS
PANAHON NG KASTILA
- Isinagawa ng mga misyunerong kastila, karamihan ay mga Heswita at Dominikano, ang pagaaral sa mga
wika sa Pilipinas sa layuning mapalaganap ng mabilis ang kristyanismo.
- Ang pagkakahati-hati ng kapuluan sa apat na Orden noong 1594 ang pinakadahilan kung kaya napabilis
ang pag-aaral sa mga wikang katutubo.
4 na Orden: Kabisayaan - Agustinian at Jesuitas; Pampangan at Ilocos – Agustinian; Instik, Lalawigan ng
Pangasinan at Cagayan – Dominican; Kabikulan – Franciscan.
PANAHON NG AMERIKANO
 Mga sundalong Amerikano ang nagsagawa ng pag-aaral sa wika sa layuning maihasik sa
sambayanang Pilipino angideolohiyang demokratiko.
 Pumalit sa sundalong amerikano ang mga dalubwikang may higit na kakayahan at kasanayan sa
pagsusuring-wika nang pinalitan ng pamahalaang sibil ang pamahalaang military noong 1901.
Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com)
lOMoARcPSD|29202515
 Lumitaw angThe RGH Law In Philippine Languages noong 1910 at The Pepet Law in Philippine
Languages noong 1912 ni Conant, kung saan tumatalakay sa nagaganap na pagbabago sa mga tunog
ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.
 Isa si Blake sa mga nangungunang linggwista sa larangan ng descriptive linguistics na naatasan ng
pamahalaang Amerika na mag-aaral ng wika sa Pilipinas sa pamamagitan lamang ng mga
impormante sa layuning makapagturo sa mga Amerikanong may balak magtungo sa Pilipinas.
 Ang gramatika sa Tagalog ang itinuturing na pinakamalaking ambag ni Blake sa linggwistika sa
Pilipinas.
 Ang Language noong 1933 ni Bloomfield na kinapalooban ng mahahalagang pag-aaral sa
gramatikang Tagalog na sinasabing higit na maagham kaysa pag-aaral ni Blake, ang itinuturing na
pinakamahalagang ambag nito sa linggwistika sa Pilipinas.
 Si Cecilio Lopez ang kinikilalang kauna-unahang linggwistang Filipino na nagbibigay-daan sa taguri
nitong “Ama ng Linggwistikang Filipino”.
 Ang naipalimbag na manwal hinggil sa gramatika ng Wikang Pambansa, na nakabatay pa sa Tagalog,
ang pinalamalaking ambag ni Lopez sa linggwistikang Pilipinas.
PANAHON NG KALAYAAN
3 Mahahalagang Pangyayari na Nakakaimpluwensya sa Pag- unlad ng Linggwistika sa Pilipinas:
1. Ang pagkakatatag ng Summer Institute of Linguistics noong 1953 na nagbibigay-daan sa maraming
linggwistang misyunero na magtungo sa Pilipinas upang mag-aral ng iba-ibang wika gamit ang mga
karunungang nakamit buhat sa maunlad na paaralan ng Amerika.
2. Ang pagkakatatag ng Philippine Center For Language Study sa ilalim ng pamamahalang DECS
(DEpEd) ng Pilipinas at University of California-Los Angeles, bunga ng makalinggwistikang
pamamaraan sa pagtuturo ng Ingles.
3. Ang gradwal na pagdami ng mga linggwistang Filipino pagkaraan ng 1960 na mauuri sa dalawa:
- Ang mga linggwistang nagsipagtapos sa US.
- Mga linggwistang nagsipagtapos sa Pilipinas
3 Modelo sa Paglalarawang-Wika sa Pilipinas
1. Modelong ginamit ni Bloomfield sa
paglalarawan ng Tagalog.
2. Modelong Tagmemic ni Kennenth L. Pike
3. Modelong Transformational-generative ni
Chomsky.
Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com)
Download