lOMoARcPSD|29202515 Panitikan-ng-Rehiyon Midterm Modules Doctor of Dental Medicine (Southwestern University PHINMA) Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com) lOMoARcPSD|29202515 Panitikan ng Rehiyon Midterm – Modyul 1 I. II. PANIMULA Maraming lugar ang sakop ng Rehiyon VI, na bawat lugar ay may naiambag sa ating panitikan, gayundin sa mga produkto na nakatutulong ng malaki sa ikauunlad ng bansa. Tunghayan natin ang panitikan sa Rehiyong ito kung paano may kahawig sa buong bansa. LAYUNIN Natutuhan ang mga wikain ng Rehiyon VI at VII Nailalarawan ang mga produkto ng mga lugar sa Rehiyon VI at VII Naipagmamalaki ang mga panitikan ng Rehiyon VI at VII III. NILALAMAN Mga Lugar sa Rehiyon VI at VII Bantog na Epiko at Alamat Mga Tulang Bayan at Awiting Bayan IV. PAGTATALAKAY Rehiyon VI Sakop ng Rehiyon VI Aklan, Antique, Negros Occidental, Capiz ,Guimaras, Iloilo Wika: Aklan – Aklanon Negros Occidental – Hilonggo, Hiligaynon Antique – Kinaray – a Iloilo – Kinaray – a Produkto Aklan – paghahabi ng telang penya,jusi at sinanay Capiz – nag – aaral ng niyog at abaka ,pastulan ng hayop sa paanin ng bundok Guimaras – kilala sa malalaki at matatamis na manga Iloilo – malawak ang palayan at mayaman ang palaisdaan Antique – pook pangisdaan Negros Occidental – pangunahin at pinakamalaking lalawigan ng nagbibigay ng asukal sa buong bansa,malawak ang taniman ng tubo,palay,mais at niyog Epiko ng mga Bisaya Apat ang nakilalang epiko ng mga Bisaya: Haraya, Lagda, Maragtas at Hinilanoon. Sa apat ang,ang Hinlawod lamang ang pinakamalapit sa epiko. Ang Lagda ay isa lamang kalipunan ng mga tuntunin ukol sa mabuting pagtupad sa tungkulin sa pamahalaan na napapaloob sa mga salaysayin at mga pangyayari. Ang Kodiho ni Calantiao ay isa sa mga matatagpuan sa Lagda. Ang Haraya naman ay katipunan ng mga tuntunin ng kabutihang asal at ng mga salaysay ng paghahalimbawa ng nasabing tuntunin. Ang Maragtas ay nakasulat nang patula o inaawit , nakasulat lamang ito sa matandang titik – Pilipino na walang tiyak na sumulat. Tulang – Bayan at Awiting – Bayan Ako si Don Pepe Aklanon Ako si Don Pepe nanggaling sa Espanya Ako’y pumaroon upang lumaban sa giyera, Ang kinakain ko ay pulbura ng bala, Ang iniinom ko’y luha ng dalaga Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com) lOMoARcPSD|29202515 Mataas na bundok, akin nang naakyat, Mga leon at tigre ang aking kaaway, Mga kahirapan ko hindi ko pinapansin Basta makita ko lamang ang bahay ni Inday. Ang bahay ni Inday tatlo ang bintana, Dalagang si Inday kabigha-bighani. Testigo ang langit, testigo ang lupa, Bantayan mo Inday, kundi ka makuha. Si Douglas MacArthur nanggaling sa Leyte, May dinalang sulat, ibinigay sa M.P. Kanya itong binasa at saka sinabi Di mo alam Inday, nobyo mo ay patay. Tapos nagpunta siya sa bahay ni Inday Tapos sinabi niya kay IndayDi mo ba alam, Inday ,nobyo mo ay patay? Binaril ng Hapon hanggang sa mamatay. Salawikain 1. Paluin mo ang kalabaw at ang latay ay iyong palad maiiwan. 2. Walang naririnig ang taong galit na galit; agad-agad itong kumikilos na di nag-iisip. 3. Ang taong may balak mandaya ,sarili ang laging dinaraya. 4. Pag luto na ang lahat marami ang lumalapit pero pag hi;aw pa walang nagtatangkang lumapit. 5. Walang batong matigas ang hindi mag-uugat kung ito ay nadidiligan ng hamog. 6. Pagkahaba-haba ng prusisyon,sa simbahan din ang tuloy. 7. Ang kalabaw na apat ang paa,nadudulas pa. 8. Walang utang na di pinagbabayaran. Bugtong 1. Isang pirasong kahoy na may isang metro ang haba,Iniinnom ang itinnata[oon ang laman (tubo) 2. Pitaka ng Hari Pag binuklat Hindi na maisasara (itlog) 3. Saya ni Sta.Maria May iba-ibang kulay (bahaghari) 4. Takot ay isa Pero sa tatlo ay hindi (tulay na kawayan) 5. Baluktot ang likod Nakapasok ang tiyan Apat ang sungay Dalawa ang buntot (Duyan) katas PANITIKAN NG KANLURANG BISAYA BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA: Ang pangkalahatang tawag sa tula ng mga nasa kanlurang Bisaya ay SABI, ang pinakapayak ng tula ay tinatawag na ambahan ,binubuo ng 2 taludtod na may 7 pantig at walang tugma ngunit nagtataglay ng buong diwa. Ang balak ay patulang pagtatalo ng babae at lalake. Sa ngayon ang tula sa Hiligaynon ay tinatawag na binalaylay .Ang pinakamaikli ay ang salawikaing tinatawag na Hunabaton at ang sawikain ay tinatawag na bilisad-on sa Aklan .Ang mga bugtong ay tinatawag na Paktakon .Ang mga tulang Hiligaynon ay binubuo ng apat na taludtod at may 5-12 sukat Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com) lOMoARcPSD|29202515 PANITIKAN NG REHIYON VII CENTRAL VISAYAS CEBU, NEGROS ORIENTAL, BOHOL, SIQUIJOR Ang rehiyon ng Central Visayas ay binubuo ng mga lalawigan ng Cebu,Negros Oriental,Bohol at Siquijor ,Cebuano ang pangunahing wikaing ginagamit.Ang Panitikang Cebuano ay malawak at maunlad.Binubuo ito ng mga panitikang tuluyan at patula.Bagamat dumansa ito ng maraming suliraninn sa pagpapalimbah nanatiili itong matatag at kasalukuyan ay patuloy na naglilimbag ng mga akdang Cebunao. Ang panitikang pasalita ay nasa anyong tula na binibigkas ng walang paghahanda ng mga Cebuano ,mayayaman man o mahirap.Ang pagbigkas ng tula ay naging bahagi nan g kanilang pang-araw-araw na buhay.Ang tula ay nagmula sa tinatawag nilang ”balak” katawagan sa lahat ng uri ng tula. Sa sentro ng balak ay ang tanghaga talinhaga sa Tagalog. Binubuo ng metapora at naglalaman ng isang hiwaga o mahiwaga .Malayang pumili ng paksa ang manunulat kaya kadalasan ang mga sanglitan (proverb) at tigmog (bugtong) ay napapaloob sa tula .Ang pagpapatawa at pagtatalo ay ginagawa sa patulang paraan tulad ng duplo ,balitaw at kulisisi. Ang mga maikling tula gaya ng garay ay nagsasaad ng karunungan o isang impresyon ugnay sa mga karaniwang nangyayari sa kaligiran.Sa kabuuan ang tulang pasalita ay nagpapakita ng likas na pagkamalikhain ng Cebuano. Ang pagdating ng mga mananakop ay nagpabago sa panitikang pasalita ng Cebu.Ang katutubong panitikan ay natabunan ng mga akdang dala ng mga mananaop .Ang mga ito ay nauugnay sa relihiyon at umiikot sa mga pagdiriwang na ginagawa ng simbahan tulad ng tulindao ,daygon at pastores na inaawit sa kapanganakan ng Panginoong Hesus; ang pasyon ,senakulo o penitensya ay inaawit o isinasadula sa Mahal na Araw.Ang sinulog ay ginagawa bilang pasasalamat kay Kristo Nino at ang gozo at salaysay ng buhay ng mga santo at santa ay bahagi ng nobena. Ang pagbabago ng panitikan mula pasalita sa pasulat ay nagsimula noong 1901 noong itatag ni Vicente Sotto ang pajauagan Ang Suga (The Right).Ito ang unang pahayagang inilimbag a Cebuano na ang layunin ay imulat ang mga mata ng lungsod at gabayan sa landas ng kaliwanagan at kalayaan .Sa pahayagang ito binigyang buhay ni Sotto ang wikang Cebuano at linisin ito upang maalis ang mga salitang hiram sa Kastila ginamit upang bigyang kaalaman ang mga tao at linangin para magamit sa panulat Ginamit ni Sotto ang panitikan para gisingin at imulat ang mga tao sa mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan at pamahalaam dahil sa paniniwalang ito ang pinakamabisang paraan para umabot sa mga tao.Binatikos niya ang pagsunod ng mga Pilipino sa tradisyong Kastila at binigyang pansin niya ang comedia o minoros (moro-moro). Ito raw ay isa lamang pag aaksaya ng panahon at ang mga gumaganap dito ay walang iniwan sa isang lambay (crab ).Bilang pagtanggap sa hamon ng kaibigang sumulat ng dulang hindi linambay; sinulat niya ang Ang Gugma sa Yutang Natawhan (Love for the Native Land) naglalarawan ng himagsikan sa Cebu, Isa sa mga dulang nabuhay at hindi nagawang takpan ng Amerikano ay Ang dulang Mini. Hindi lamang dula ang binigyang buhay ni Sotto kundi pati ang Sugilanon (maikling kwento ). Ang Suga ang nagbigay daan sa ibang Cebuano upang magbukas ng iba pang pahayagan. Noong 1931 binuksan ni Ramon Roces ang babasahing Bisaya na ang anyo ay katulad ng Liwayway. Sa mga manunulat ng maikling kwento sa Cebu si Marcel Navarra ang kinilalang Ama ng Makabagong Pagsulat sa Cebu bagamat nagsimula pa lang siyang magsulat sa mga unang taon ng 1930, ang kanyang kwentong, Ug Gianod Ako (And I was Drifted Awa) ang unang nagwagi ng ng unang gantimpala sa unang patimpalak sa pagsulat ng maikling kwento ni Navarra ay itinuturing na pinakamahusay na akda ng Realismo. Noong mga taong 1950 bumaba nang tuluyan ang panulatan.Dahil dito,sinikap nina Godofredo Roperos at Tioburcio Baguio na pasiglahin ang panulatan sa tuwirang pagtulong sa babasahing Bisaya.Kasama ang patnugot na si Francisco Candila hinihikayat nila ang mga manunulat na itaas ang antas ng pangkat at lalong pag-ibayuhin ito. V. PAGSASANAY Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com) lOMoARcPSD|29202515 A. Isulat sa patlang sagot: 1. Ang ____________ ay nag – aani ng niyog, abaka at pastula ng hayop sa paanan ng bundok. 2. _______________ ay ang pinakamalapit sa epiko. 3. Ang _______________ ay katipunan ng mga tuntunihn ng kabutihang asal. 4. Ang pangkalahatang tawag sa tula ng mga nasa kanlurang Bisaya ay ___________. 5. Ang pinakapayak na tula ay tinatawag na ______________. 6. _____________ ang tawag sa Aklan, 7. Sa Aklan ang bugtong ay tinatawag na ______________. 8. Ang tula sa Hiligaynon ay tinatawag na __________________. 9. Ang panitikang__________________ ay malawak at maunlad. 10. Ang ________________ay nagpabago sa anyo ng panulaang Cebuano. B. Ipaliwanag : 1. Masarap ang ampalaya sa lahat ng may gusto. 2. Walang taong duwag sa mga taong inaapakan ang karapatan. Panitikan ng Rehiyon Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com) lOMoARcPSD|29202515 Midterm – Modyul 2 I. II. PANIMULA Ang Silangang Bisaya ang may panitikan na bago pa dumating ang mga kastila ngunit karamihan nito ay pasalita lamang. Kaya dapat nating pagtuunan ng pansin upang malaman ang kontribusyon kung ano ang kanilang kontribusyon sa panitikan ng Pilipinas. LAYUNIN Nalalaman ang mga panitikan ng Rehiyon VIII Nailalarawan ang mga bugtong at salawikain ng rehiyon Nakikilala ang mga manunulat sa Rehiyon VIII III. NILALAMAN Panitikan ng Rehiyon VIII Bugtong at Salawikan Mga Manunulat ng Rehiyon VIII IV. PAGTATALAKAY PANITIKAN NG REHIYON VIII - BILIRAN, EASTERN SAMAR, LEYTE, NORTHERN SAMAR, SOUTHERN LEYTE, WESTERN SAMAR Ang Silangang Bisaya ay may panitikan na bago pa dumating ang mga Kastila ngunit karamihan nito ay pasalita.Ang mga ito ay nasa anyong becal, canogon at ibang anyong patula bagamat ang mga ito ay nawala na. Ang pasalitang anyo ay makikita pa sa awitingbayan, titigohon (bugtong) ismayling at sumasaton (folktales) na inipon ng mga mananaliksik at iskolar. Ang tigotigo ay isang larong bugtungan. Ang naglalaro nito ay dapat marami ang baon na bugtong. Karaniwan itong isinasagawa sa mga lamayan. Binibigkas nila ito upang mawala ang kanilang antok.Ito ay nasusulat sa patulang paraan at binubuo ng 2 taludtod na kung inilalarawan ang bagay na ipinahuhula. Ang amoral o ismayling ay isang tulang nagmula sa matanda tula na kung tawagin ay balac ; tumatalakay sa pag-iibigan ng isang mag-irog. Ang mga awiting bayan ang si,masagisag sa tula ng mga Waray.Ang paksa ay mula sa pag-ibig na binbigkas sa pagitan ng pag-inom ng tuba hanggang sa pagmamahal sa bayan. Ang susumaton ay isang kuwentong isinasalaysay at muling ikukuwento.Ang mga kuwento ay naglalaman ng iba-ibang karanasan at mahahalagang pangyayari mula sa isang pabula. Ang mga ito ay ginagamit ng mga matatanda upang manahimik ang mga batay pa na dahil mayroon pa ring matatandang mahilig magkuwento sa mga apo nila. Hindi magiging buo ang panitikang Waray kung hindi babanggitin ang tulang isinulat ng mga NPA sa Samar at ang pag-unlad ng dula. Ang panulaang rebolusyonaryo ay mahalaga dahil ang mga ito’y nagpapatunay ng mga damdamin ng mga tao sa lugar na ito. Nagpapahayag ito ng mga paghihirap,pagaalipusta at pagpapakasakit sa pagnanais na gumanda ang kanilang buhay.Ang mga tulang ito ay nanghihikayat sa mga tao na sumama sa kanilang paghihimagsik .Marami ang mga tulang ito ngunit kailangang maging matapang ang sinumang lilikom nito upang magkaroon ng lakas ng loob na umakyat sa bundok at tumahak sa bangin at mabato at matarik na daan para makuha lang ang mga ito,. Bugtong 1. Takot ka sa isa Pero sa tatlo ay hindi (tulay na kawayan) 2. Itlog ng hari Pag binuksan Di maaring sarhan (Itlog) 3. Ang saya ni Maria May iba-ibang kulay (bahaghari) Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com) lOMoARcPSD|29202515 Salawikain at Kasabihan 1. Gaano man katigas ang bato Ay maaring pag-ugatan Kung naamugan 2. Mapait man daw ang ampalaya Masarap sa may gusto 3. Sinuman ang nais mandaya Sarili ang dinaraya 4. Walang sinumang duwag Kung karapatan na ang naapakan 5. Pag pinalo mo ang kalabaw Sa iyong palad ang latay Si Carlos A.Angeles ay kabilang sa mga manunulat na matatagpuan sa “Heart of the Island”ni Manuel Viray. Six Filipino poet ni Leornard Casper at A.Dovegion Book pf Philippine Poetry ni Jose Garcia Villa. Nagwagi siya sa patimpalak ng Republic Cultural Heritage Award noong 1963 dahil sa kanyang akdang “A Star of Jewels” Si Jaime C de Vera ay mula sa lalawigan ng Leyte. Siya ang ay kilalang manunulat at iskolar sa Kastila.Nagtratrabaho sa mga pahayagang El Nuevo Dia. Tinig sa Lunsod, El Renacomiento, Filipino at La Vanguardia.Bilang manunulat , isinulat niya ang Tandaya Kandaya, Lagda Siljuentas, Parliamentarias, Ensayos Historicos, Criticos y Linguisticos, Filipino y Filipinos, Poesias de Rizal at El Ultimo Adios de Rizal. Sinulat din niya ang Efemerides Filipino noong 1914 kasama si Mariano Ponce. Ang huling, akdang sinulat ay ang Discursos y Articulos de Graciano Lopez – Jaena. Mahigit na apat na taong pinamatnugutan ni Don Jaime ang Surian.Sa panahon na ito nasulat at nabuo ang Balarila ng Wikang Pambansa at ang Tagalog-English Vocabulary. Amoral - sagutang patula ng lalaki at babae.Ang paksa nito ay pag-ibig. Magkaminsan ito ay maawit . Kwentong Bayan Si Antusa ,Ang Asawa ng Agta Noong unang panahon, mayroong isang mayamang dalaga na nagngangalang Antusa,hindi lamang siya maganda kundi mayaman pa. Paboritong libangan ni Antusa ang mampo sa tabing –ilog at hangaan ang sarili sa ilaw ng tubig.Tuwing hapon dito siya nauupo at uuwi lamang kapag lumubog na ang araw Ang nakagawalang ito ni Antusa ay nalaman ng isang manliligaw .Kaya isang araw inabangan siya nito at ninakawan ng halik. “Pagbabayaran mo ito ng mahal sa kamay ng aking mga kamag-anak pag nalaman nila” ang sabi ni Antusa sa manliligaw. “Pero hindi mo ito sasabihin sa kanila.” Ang tugon ng binate. “Hindi sa kondisyong maninilbihan ka sa amin bilang bahagi ng iyong pagnanais na makamit mo ang aking kamay”ang paliwanag niya. Ganoon na lamang ang galak ng lalaki na makapunuyo sa bahay ng dalaga.Nag-igib siya ng tubig .Nilinis niya ang kanilang bakuran at inalagaan nito ang mga hayop.Bagamat hindi isiya kinakausap ni Abtusa maligaya na ang binate na makita siya paminsan-minsan. Isang araw, nagulat ang binate nang siya’y tawagin ni Antusa. Nagpasama ang dalaga sa kanua sa paanan ng bundok. Pagdating doon pinaghubad niya ang binate.Tuwang tuwa sumunod ang binate at pinatayo sa tabi ng malaking puno. Tinali ni Antusa ang mga kamay sa puno sa dalang lubid na nakatago sa baywang. Nang maitali ang binate mula ulo hanggang paa sinimulan ng dalagang manguha ng linta at inilagay sa buong katawan ng lalaki.Noong una inisip ng binate na sinusubok lamang siya pero nang makita niyang dinaragdagan pa ni Antusa ang mga linta natakot na siya.Sinikap niyang makawala ngunit hindi niya magawa.Namutla siya siya at nawalan ng dugo dahil sa pagsipsip ng mga linta at patuloy pang dinaragdagan ang inilagay na linta sa kanyang katawan.Nabaliw ang binate at pinakawalan na siya ni Antusa. Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com) lOMoARcPSD|29202515 Ganoon din ang ginawa ni Antusa sa iba pa niyang manliligaw .At ng mabalitaan ng ibang mga binate ang kanyang ginawa wala nang nagtangkang manligaw sa kanya.Ito ay ikinalungkot ni Antusa. Isang araw habang nakaupo si Antusa sa tabing-ilog nakarinig siya ng tinig na tumatawag sa kaniya.Nang siya’y lumingon, nakita niya ito ay isang lalaking puno ng balahibo ng katawan. “Nais kitang pakasalan”sabi ng nilikha sa kanya .At sa isang iglap niyaya ni Antusa ang nilikha sa tabi ng puno. Katulad ng ibang manliligaw itinali ni Antusa ang Agta sa puno at masayang tinanggap ito ng Agta.Nilagyan ni Antusa ang Agta ng maraming-maraming mga linta ang kanyang katawan.Anong laking gulat ni Antusa nang makita niyang isa-isang nalaglag sa lupa ang mga linta at nangamatay,dahil sa pangyayaring ito,tinangka ni Antusang tumakbo ngunit nakalag ng Agta ang tali at isinama niya si Antusa sa gubat bilang asawa. Ngayon kung nakakarinig ka ng iyak ng isang babae sa gubat ,iyan si Antusa at sinisipsip ng asawa ang kanyang dugo.Ang Agta pala ay maninipsip ng dugo .Araw-araw kailangan ni Antusang ibigay ang kanyang kagandahan at dugo sa kanyang asawa. Isinafilipino ni L.A de Dios mula sa salin sa Ingles ni Rosario Azanza Tula Inang Bayan I Ni Iluminado Lucente Kaysarap mabuhay sa sariling bayan Ang iyong masulyapa’y panay kaibigan Iyong madama ang kaligayahan Iyong makakasama si Inay, ang angkan Subalit ang dibdib ko’y may kapalitan; Laging naalipin itong ating bayan Ay! Lupang aking tinubuan Tunay na kalaya’y nasaan, nasaan? Ang Inang Bayan 2 Lirika matapos ang Ikalawang DIgmaang Pandaigdig Malaya na muli ang baying Pilipinas Tulad ng ibang bansa tayo ngayo’y umuunlad Kaysarap mabuhay nang may dangal sa puso’t isipan Huwag nating ipahintulot na muli tayong yurakan Ipanalanging di tayo muling masasadlak sa kaalipnan Napakalungkot para sa mga salinlahing susunod sa atin Ang madilim an gating araw at tatlong bituin Tulang Bayan at Awiting Bayan Ang Niyog Itong puno’y ating kaibigan Kasama tuwing mag-iinuman Isakbat ang kawit,punuin ng tuba ,ay Tuba lamang ,ang tunay na kasiyahan Ako’y nanginginig ,ako’y nanginginig Sa gabing malamig,Hanap ko’y di banig Nais ko’y piling mo Inday ,siya kong ibig Itonng katanan ko’y Katulad ni Pedring na Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com) lOMoARcPSD|29202515 Pabaling-baling Ang Magsasaka Walang kasing hirap itong pagsasaka Ang hapong katawa’y di maipahinga; Ang damo’y tutubo kapag napabayaa’y Walang maani kapag di matitafa Ngunit isang ginhawa ang pangingisda Mga katubiga’y saganang-sagana Kinilaw ,sinugba ,tinola’t iba pa’y Magpapabusog sa isang mangingisda V. PAGSASANAY A. Ibigay ang tamang sagot. 1. Ano ang tawag sa isang larong bugtungan? 2. Ano ang amoral? 3. Saan nagmula ang paksa ng tula ng mga Waray? 4. Bakit mahalaga ang panulaang rebolusyonaryo? 5. Sino si Carlos A. Angeles? 6. Saan nagmula si Jaime C. De Veyra? 7. Sino ang naghirang kay Jaime C. De Veyra bilang unang patnugot ng surian? 8. Anu – ano ang mga naisulat ni Jaime C. De Veyra? 9. Ano ang sagutang patula ng lalaki at babae? 10. Sino ang nagsalin sa Filipino ng Si Antusa, Ang Asawa ng Agta? B. Sagutin ang mga sumusunod: 1. Ilarawan ang kwentong bayan na Si Antusa, Ang Asawa ng Agta. 2. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng tulang bayan at awiting bayan ng rehiyon VIII? Panitikan ng Rehiyon Midterm – Modyul 3 Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com) lOMoARcPSD|29202515 I. II. PANIMULA Tungahayan natin sa modyul na ito ang panitikan ng Mindanao, na binubuo ng 13 pangkat ng Moro, 21 pangkat ng Lumad at ang ikatlo at ikaapat na pangkat ay binubuo ng mga Mandayuhan dito na mula sa Luzon at Visayas. Kaya dapat tuklasin natin ang mga panitikan dito. LAYUNIN Nailalarawan ang mga panitikan ng Mindanao Nailalahad ang mga epiko ng Rehiyon IX Naihahambing ang mga paitikan ng Mindanao III. NILALAMAN Panitikan ng Mindanao Mga Epiko sa Rehiyon IX Kahalagahan ng mga Panitikan ng Mindanao IV. PAGTATALAKAY Panitikan ng Rehiyon IX-Basilan, Zamboanga, Del Norte at Zamboanga Del Sur Panitikan ng Mindanao Ang guro ng panitikang magtuturo ng panitikan ng Mindanao ay dapat magtataglay ng sapat na kaalaman sa kasaysayan at kultura ng Pulo, kabuhayan, pananampalataya at ang kalinangang taglay ng bawat katutubong matatagpuan dito.Ang Mindanao ay binubuo ng 13 pangkat ng Moro,21 pangkat ng Lumad at ang ikatlo at ikaaapat na pangkat ay binubuo ng mga Mandayuhan dio na mula sa Luzon at Visayas. Halimbawa nito ang epikong Ulahingan ng mga Manobo ay noon lang 1961 nabigyan pansin ng yumaong Dr. Elena Maquiso. Ito ay sa pamamagitan ng isang Libunganon – Arumanong mag-aaral ng Pamantasang Siliman. Ang epiko ay umiikot sa buhay ni Agyu Ang Ulahingan ay isa lamang sa 2 epiko ng mga Manobo. Ang ikalawa ay ang Tulalangan na pangunahing tauhan ay si Tulalang na pinsan ni Agyu .Ang 2 epiko ay kilala sa tawag na Bendingao. Ayon kay Maquiso ang Ulahingan ay higit na mabuti kaysa sa Tulalangan. Ito ay tumatalakay sa kababalaghan at sa isang ritual ito sinasalaysay na itinuturing na sagradong pagdiriwang. Dahil sa kahalagahan ng epiko, ipinasa ni Dr. E.Maquiso na irekord ito. Nagpunta sya sa Hilagang Cotabato upang magsaliksik ngunit di nagawang tapusin dahil sa kanyang pagkamatay. Sa mga epiko ng Mindanao pinakatanyag ay ang Darangan na tinatawag kung minsan ay Ang Kwento ni Bantugan.Ito ay inaawit ng mga Maranaw sa gabi kapag may kalilang (feast) at pag – aanyaya ng onor (singer). Ang guman (poem) Ag Tobig Nog Keboklagan (The Kingdom of Keboklagan) ay epiko ng Zamboanga Peninsula. Ito ay tumatalakay sa pakikipagsapalaran ng bayaning si Taake. Isa pang epiko ay ang Tudbulul ng mga T”bolis .Ito ay inaawit sa mo’nimum (wedding feast) o pagdiriwang ng isang masaganang ani. Sa Cotabato 2 awiting rebolusyonaryo ang nailimbag. Ito ang O Papanok (Bird) at Bangsamoro. Naglahad ito ng adhikain ng Mindanao at pananaw ng mga katutubo laban sa mga pandayuhan dito. Ito ay may kaugnay sa pagbukas ng Mindanao sa unang pagkakataon sa mga dayuhan at tinawag na Lupang Pangako. Ang Amerikanang antropologong sina Laura Watson Benedict at Fay Cooper Cole ay nakapagrekord ng pasalitang kuwentong bayan ng mga Bagobo.Ito ay anng “lumabat at Mebuyan”. Ang”The Conquest of North Borneo” ay isinalaysay ni Rita Tuben isang prinsesang Tausug sa kanyang tesis. Ang “Parang Sabil “ ay isang tulang pasalaysay ukol sa bendido o tulisan. Ang “Kissa Kau Panghima Hassan” ay ukol sa isang bayaning buong tapang na nakipaglaban sa mga Amerikano nang piloting kumuha ng sedula ang mga Tausug. Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com) lOMoARcPSD|29202515 Sa Zamboanga ang Lingwa Franca ay Chabacano ay ginamit sa mga awitin at bantayanon (languange jousts) o saguting patula. Si Antonio Reyes Enriquez ang pinagmalaking nobelista ng Zamboanga ay sinulat ang nobelang “Out of the Marshes”. Sinulat ni Saturnina S.Rodil ang dulang “Datu Matu”.Naglalarawan ito ng paghihimagsik ng mga Muslim sa Sulu, Lanao at Cotabato mula 1903-1930 laban sa mga Amerikano. Capitan Malting Fernandez Bago pa man dumating ang mga Kastila ay madalas nang sinalakay ng mga Moro ang lugar ng Dipolog sa ngayon.Sila’y may mga dalang itak,mangunguha ng kanilang magagamit at pinagpapatay ang mga naninirahan dito.Ang mga tao’y lumilikas sa malalapit na bundok at doon nagtatago at kung meron mang mangangahas lumaban ay walang katapat ang kanilang bolo sa mga armas na bangkao ng mga kalaban.Kapag nagapi na sila’y sinusunog ng mga bandido ang lugar at marami ang nangamatay. Mula sa mga kalalakihan na ito’y nakilala ang isang lalaking may pambihirang lakas at kapangyarihan.Siya ay kilala sa tawag na Malting at ng dumating nga ang mga Kastila,siya ay hinirang at binansagang Capitan Malting Fernandez.Siya’y nagtataglay ng mga oraciones o mga dasaling siyang nagiging dahilan upang matalo nila ang kanilang mga kalaban. V. PAGSASANAY A. Sagutin ang mga sumusunod: 1. Ano ang dapat taglayin ng isang guro sa pagtuturo ng panitikan? 2. Anu – ano ang bumubuo ng Mindanao? 3. Anu – ano ang dalawang epiko ng Manobo? 4. Ano ang ginawa ni Dr. E. Maguiso sa epiko? 5. Ano naman ang tinatalakay ng Ulahingan? 6. Anu – ano ang dalawang awiting rebolusyonaro ng Cotabato? 7. Ano ang tulan g pasalaysay ukol sa isang bandido o tulisan? 8. Tungkol saan ang “ Kissa Kaw Panghina Hassan? 9. Ano ang lenggua franca ng Zamboanga? 10. Ano ang sinulat ni Saturnino Rodil? B. Ibigay ang tamang sagot: 1. Sino si Capitan Malting Fernandez? 2. Ano ang mga tulang papuri sa bayani ng digmaan? Downloaded by Dave Anthony Padel (padeldaveanthony11@gmail.com)