DEPARTMENT OF EDUCATION Region V Division of Camarines Sur MASUSING BANGHAY ARALIN Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ____ Setyembre 2021 I. Mga Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino. B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standarad) Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. C. Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competencies) Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matamo ang mga sumusunod: 1. naiisa-isa ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan, 2. nakapagbabahagi ng saloobin tungkol kahalagahan ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan, at; 3. nagagamit ang iba’t ibang gamit ng wika sa aktwal na pangyayari. II. Paksa: Gamit ng Wika sa Lipunan III. Kagamitang Pampagtuturo at Sangguniang Ginamit a. Laptop, power point presentation, kagamitang biswal b. Bernales, Rolando A, et.al., 2016. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City. Mutya Publishing House c. Antonio, Lilia, et.al., 2008. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City. Phoenix Publishing House d. Curriculum Guide: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino e. Most Essential Learning Comptencies IV. Proseso ng Pagkatuto Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Panimulang Gawain a. Panalangin Ang nakatalagang mag-aaral sa araw na ito ang siyang mananalangin. b. Pagtatala ng Liban sa klase c. Pagwawasto ng Takdang Aralin d. Pagbabalik-aral e. Paglalahad ng Layunin 1|Pahina Ama namin na makapangyarihan sa lahat. Hinihiling po naming ang inyong presensya at patnubayan ninyo po kami sa bagong kaalamang tatalakayin ngayon. Patnubayan ninyo rin po an gaming guro na siyang pagmumulan ng kaalaman ngayong umaging ito. Iyan lamang po an gaming samo’t dalangin sa matamis na pangalan ni Hesus. Amen Ang kalihim ng klase ay magbibigay ng pangalan ng kanyang kaklase na liban sa araw na ito. Ang mga mag-aaral ang magwawasto ng kanilang takdang-aralin sa gabay ng guro. Ang napiling mag-aaral ay magbibigay ng kaniyang natutuhan sa talakayan at magbibigay ng kahalagahan nito sa kanyang pang arawaraw na gawain. Babasahin ng mga mag-aaral ang tatlong layunin sa araw na ito. Mga Layunin: 1. naiisa-isa ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan, 2. nakapagbabahagi ng saloobin tungkol kahalagahan ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan, at; B. Pagganyak o Panimulang Gawain C. Pagtalakay sa Paksa 3. nagagamit ang iba’t ibang gamit ng wika sa aktwal na pangyayari. Napanood ko, Isasadula ko! 1. Mayroong apat na sikat na linya ang mapapanood mula sa piling sikat na pelikula sa Pilipinas. a. Unang Pangkat: My Ex and Why b. Pangalawang Pangkat: Heneral Luna c. Pangatlong Pangkat: Labs Kita, Okey Lang d. Pang-apat na Pangkat: Himala 2. Para maging interaktibo ang gawain, sa pamamagitan ng Wheel of Name, ang napiling piling mag-aaral ang magsasagawa ng linya at ang kapareha nito. 3. Matapos ang pagsasadula, kailangang masagot ang tanong na; a. Ano ang tungkulin ng Wika batay sa napanood o isinadulang linya. Gamit ng Wika sa Lipunan Mahalaga ang gampanin ng wika sa ting buhay, dahil sa palagi natin ito ginagamit, hindi na natin naoobserbahan ang tunay na tungkulin nito. Ang pagkakaroon ng Wika ay isang katangiang pinagkaiba ng tao sa hayop. Ayon kang M.A.K. Halliday (1973), mayroong pitong gamit ang wika. 1. Interaksyunal Ang tungkulin ng wikang ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Halimbawa: a. Pormularyong Panlipunan b. Liham pangkaibigan c. Pakikipag-chat 2. Instrumental Ang tungkulin ng wikang ginamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikipagusap o pag-uutos. Halimbawa: a. Liham pangangalakal 3. Regulatori Ang tungkulin ng wikang ginamit sa pagkontrol o paggabay ng kilos o asal ng iabang tao. Halimbawa: a. Pagbibigay direksyon b. Pagbibigay paalala c. Pagbibigay babala 4. Personal Ang tungkulin ng wikang ginamit sa pgapapahayag ng sariling damdamin o opinion. Halimbawa: a. Pagsusulat ng Diary b. Liham sa patnugot 5. Imahinatibo 2|Pahina D. Aplikasyon E. Analisis F. Paglalahat o Paglalagom Ang tungkulin ng wikang ginamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Halimbawa: a. Pagsusulat ng tula, nobela at iba pang lathalain 6. Heuristik Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormsyon kabaligtaran ito ng, 7. Impormatib Ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Halimbawa a. Pakikipanayam- Heuristik b. Pagsusulat o Pagtuturo- Impormatib Pangkalahatang panuto at pamantayan. 1. Ang klase ay hahatiin sa anim na pangkat. 2. Bawat pangkat ay mayroong itatalaganag gawain batay sa napiling gamit ng wika. Unang Pangkat Pangalawang Pangkat Interaksyunal Instrumental Pangatlong Pangkat Regulatori Pang-apat na pangkat Personal Panlimang Pangkat Imahinatibo Pang-anim na pangkat Heristik at Impormatib 3. Mayrong 10 minuto para sa paghahanda at 5 minuto para sa pagtatanghal at pagpapaliwanag. 4. Nairito ang Pamantayan sa Pagmamarka. (sundan sa pahina 4) Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong: 1. Sa bawat gawain na inyong naisakatuparan, ano ang tungkulin ng wika? 2. Sa pitong gamit ng wika, alin ang pinaka-epektibo sa larangan ng komunikasyon, Bakit? Bilang pagatatapos ng talakayan, ang bawat mag-aaral sa klase ay magbibigay ng isang hastag (#) bilang pagbubuod ng talakayan. Halimbawa: #wika #komunikasyon #larangan V. Ebalwasyon Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa hinihingi ng bawat bilang. 3|Pahina Talk Show (Covid 19) Paggawa ng babala o banner tungkol sa Red Tagging Paggawa ng batas tungkol sa malayang pagpapahayag Pagbuo ng isang awitin tungkol sa pagmamahal sa bayan Pagguhit tungkol sa kabayanihan ng frontliners Pagbuo ng balita ukol sa Covid 19 1-7. Ibigay ang pitong gamit ng wika sa lipunan. 8-9. Ano ang kahalagahan ng gamit ng wika sa lipunan? 10. Sa pitong gamit ng wika, ano ang pinaka-epektibo sa larangan ng komuniaksyon? Bakit? VI. Takdang Aralin 1. Batay sa pitong gamit ng wika sa lipunan, gumawa ng diyalogo o usapan ukol ditto. a. Interkasyunal b. Instrumental c. Regulatori d. Personal e. Imahinatibo f. Heuristik 2. Basahin at unawain ang Pagsulat ng Pananaliksik (Kabanata 1). Pamantayan Kawastuhan 5 Naisakatuparan ang lhat ng hinihingi at wastong naipaliwanag. 4 Naisakatuparan ang ibang hinihingi at wastong naipaliwanag Paghahain Nasunod ang lahat ng panuto na itinakda. Nagpakita ng pagkakaisa ang lahat ng miyembro sa paggawa. Natapos ang Gawain bago ang itinakdang oras Di-gaanong nasunod ang panutong itinakda. Nagpakita ng pagkakaisa ang ilan lamang na miyembro sa paggawa. Natapos ang Gawain sa itinakdang oras Kooperasyon Oras ng Paggawa 4|Pahina 3 Walang naisakatapuran at hindi wasto ang pagpapaliwanag Hindi nasunod ang panutong itinakda. Walang naipakitang pagkakaisa ang miyembro sa paggawa. Natapos ang Gawain pagkatapos ng itinakdang oras