Uploaded by Vash Fox

scribd.vpdfs.com filipino-8-slms-4th-quarter-module-1

advertisement
Department of Education
Republic of the Philippines
Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City
Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Kaligirang Kasaysayan
ng Florante at Laura
Self-Learning Module
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:
Gerwin L. Cortez
Editor:
Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Nilalaman:
Marie Ann C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban,
Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika:
Marie Ann C. Ligsay, PhD, Jocelyn S. Pablo,
Bernadeth D. Magat, Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Disenyo
at Balangkas:
Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit:
Emmanuel DG. Castro
Tagalapat:
Glehn Mark A. Jarlego
Tagapamahala:
Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –
Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address:
Telefax:
E-mail Address:
Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
(044) 486-7910
gapan.city@deped.gov.ph
Alamin
Pagbati!
Matagumpay mong natapos ang kabuoan ng Ikatlong Markahan.
Ikinararangal ko namang iparanas sa iyo ang isang dakilang akdang likha ng
isa sa kinikilalang haligi sa larangan ng panulaang Tagalog at ang kaligirang
pangkasaysayan ng akdang ito – ang walang kamatayang obra maestra ni
Francisco “Kiko” Balagtas Y dela Cruz, ang Florante at Laura.
Sasamahan kitang tuklasin ang mga bagong kaalaman, kasanayan at
kabutihang dulot ng panibagong yugtong ito ng iyong pag-aaral, ang Ikaapat
na Markahan.
Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang iyong kasanayan
sa pamantayan ukol sa:
1. nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura
batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-33); at
2. natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan
ng:
- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito
- pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
- pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat
(F8PB-IVa-b-33).
Ooops! Bago ka magpatuloy sa malalim na pagtalakay sa iyong aralin,
iyo munang subuking sagutin ang mga sumusunod na ilang konseptong
nakapaloob dito. Ito ay upang masukat mo ang iyong mga kaalamang taglay.
1
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa hiwalay
na papel ang letra ng tamang sagot.
1.
Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat _____________.
A. isinulat ng bayani
B. walang kamatayan ang sumulat
C. sumikat sa panahon ng Espanyol
D. maituturing na walang kamatayan
2.
Dapat basahin ang Florante at Laura dahil ____________.
A. maganda sa pandinig
B. makasaysayan sa Pilipinas
C. madamdamin ang nilalaman
D. malaki ang ambag sa ekonomiya
3.
Mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ang Florante at Laura dahil ito
ay _____________.
A. nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang
B. nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop
C. naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol
D. nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang mananakop
4.
Mahalaga kay Apolinario Mabini ang Florante at Laura dahil
______________.
A. mabuti siyang bayani
B. naisulat niya ito sa papel
C. ipinasa sa kaniya ito ni Kiko
D. inihalimbawang kadakilaan ng Pilipino
5.
Pinahahalagahan ang akda ni Francisco bilang _______________.
A. paborito ng kabataan
B. makasaysayan ang kuwento
C. taluktok ng panulaang Pilipino
D. simula ng panitikan sa Pilipinas
2
6.
Noong panahong naisulat ang Florante at Laura, ang lagay ng lipunan
ay _______________.
A. naaapi ang mahihirap
B. kawawa ang nakaaangat
C. namunini ang mahihirap
D. sunod-sunoran ang mayayaman
7.
Naisulat ang Florante at Laura ni Kiko dahil kay_______________.
A. Mariluz Anne Rivera
C. Maria Asuncion Rivera
B. Maria Annaliza Ramos
D. Magdalena Ana Ramos
8.
Naisulat ang Florante at Laura dahil sa _______________.
A. galit
C. paghihiganti
B. pananalig
D. pagmamahal
9. Matapos maisulat ang Florante at Laura, matagal nang panahon ang
nakaraan, nagdulot ito sa kasalukuyan ng _______________.
A. kahirapan
C. pagsalamin
B. kasamaan
D. pagbalikwas
10. Ang naging epekto ng pagsulat ng Florante at Laura sa nakabasa ay
_______________.
A. pagsunod sa pamunuan
B. pagpumiglas sa mahihirap
C. pagsang-ayon sa kamalian
D. pagkagalit sa mga Espanyol
3
Aralin
1
Kaligirang Kasaysayan
ng Florante at Laura
Napakasuwerte mo bilang Pilipino sapagkat hindi mo kailangang
magduda kung gaano kaganda at kadakila sa larangan ng panulaan ang
iyong mga ninuno. Dahil pagkatapos mong mabasa ang “Pinagdaanang
Buhay ni Florante at ni Laura sa Kahariang Albanya” o mas kilalang Florante
at Laura, imumulat ka nito sa mas malalim na pagtanaw sa panulaan.
Ganoon din, ito ay likhang sining sa Wikang Tagalog na sumapit sa taluktok
ng kabantugan. Maihahanay ito sa mga dakilang akdang pandaigdig katulad
ng piyesa nina Mozart, mga dula ni Shakespeare, at mga maikling kuwento
ni Edgar Allan Poe.
Masasalamin mo sa awit na Florante at Laura ang mga kaisipan,
kaganapan at karanasan ng mga Pilipino noong sinakop ng mga Espanyol,
na magpasahanggang ngayon, ay nararanasan at umiiral sa kasalukuyan
ngunit nagbabalat-kayo ang katauhan.
Sasabayan kita sa paglimi at pagdukal ng walang kamatayang akda
mula sa pangkaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura.
Balikan
Sa nakaraang markahan, tinalakay ang mga panitikan sa makabagong
panahon o mga kontemporaryong babasahin. Iyo munang balikan ang
mahahalagang nilalaman ng ikatlong markahan.
Panuto: Dugtungan ang mga parirala sa ibaba upang mabuo ang katuturan
ng sumusunod na kontemporaryong panitikan. Isulat ang sagot sa hiwalay
na papel.
A. Tatangkilikin ko ang mga popular na babasahin dahil ____________.
B. Makikinig ako ng mga dulang panradyo sapagkat ____________.
C. Manonood ako ng mga pelikulang Pilipino upang ____________.
4
Tuklasin
Ngayon, narito ang ilang sikat na bahagi ng awit. Maaari mo itong
ipabasa sa sinomang kasama sa bahay (o makatutulong sa iyo) o maaaring
pakinggan sa radyo o Youtube. (Paalala, hinihikayat ang guro na maghanap
ng ibang alternatibong paraan upang maiparinig ito.)
A. Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban,
Ang kulay at tatak ay ‘di s’yang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman.
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok,
‘Di matatapos itong gulo.
(Bahagi ng awit na “Tatsulok”)
B. Nang dahil sa pag-ibig, natutong magtiis,
Nang dahil sa pag-ibig, nagmahal nang lubos
Ang puso kong ito
Nang 'di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko,
Nang dahil sa pag-ibig, sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto mo
Nang dahil sa pag-ibig…
(Bahagi ng awit na “Nang Dahil sa Pag-ibig”)
Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang mahihinuha sa awit na Tatsulok?
2. Sa iyong palagay, ano o sino ang tinutukoy na “tatsulok at sila ang
nasa tuktok”?
3. Paano sumasalamin ang awit A sa kasalukuyang panahon?
4. Sa awit B, ano-ano ang magagawa nang dahil sa pag-ibig?
5. Bakit nagagawa ang mga ito dahil sa pag-ibig?
5
Suriin
Narito ang pagpapatuloy ng iyong pag-aaral kaugnay sa mga konsepto
at nilalaman ng kaligirang kasaysayan ng Florante at Laura. (Ipabasa ito sa
kasama sa bahay o sinomang makatutulong sa iyo upang mapakinggan ang
nilalaman ng mga pahiwatig sa akda.)
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura
“Pinagdaanang
Buhay
ni
FLORANTE at ni LAURA sa Kahariang
Albanya: Kinuha sa madlang ‘cuadro
historico’ o pinturang nagsasabi sa
mga nangyayari nang unang panahon
sa Imperyo ng Gresya, at tinula ng
isang matuwain sa bersong Tagalog” o
kilala ng nakararami sa sikat na
pinaikling pamagat, ang Florante at
Laura. Ito ay hitik sa magagandang
kaisipan, matulaing paglalarawan, at
mga aral sa buhay.
Ang akdang Florante at Laura
ni Balagtas ay magpapakita na siya ay
may
kamalayang
panlipunan.
Nangangahulugan ito na mulat siya sa mga nagaganap sa kaniyang lipunan.
Bagamat hindi siya nagmungkahi ng paraan kung paano babaguhin ang mga
sistemang tinutulan ng kaniyang Florante at Laura, ang kaniyang akda ay
nakaimpluwensiya sa ibang manunulat.
Naging inspirasyon ng dalawang bayaning Pilipino, sina Jose Rizal at
Apolinario Mabini, ang Florante at Laura. Laging dala-dala ni Rizal saan man
siya makarating ang kaniyang sipi ng Florante at Laura. Katunayan dito ang
ilang linya mula sa Florante at Laura na mababasa sa Noli Me Tangere at El
FIlibusterismo. Samantalang, noong ipatapon si Apolinario Mabini sa Guam
noong 1901, hinamon siya ng isang kapitang Amerikano na magbigay ng
halimbawa ng kadakilaan ng mga Pilipino sa larangan ng panitikan. Kaya
kumuha si Mabini ng papel at isinulat ang buong Florante at Laura. Ang
bersiyong ito ang isinalin naman ni Tarrosa Subido sa Ingles.
6
Talambuhay ni Francisco “Kiko” Balagtas Y dela Cruz
Isinilang si Francisco Balagtas sa
Panginay, Bayan ng Bigaa (ngayo’y
Balagtas), Bulacan noong Abril 2, 1788.
Ang mga magulang niya ay sina Juan
Balagtas at Juana dela Cruz. Kilala rin
siya sa pangalang Francisco Baltazar o
Kikong Balagtas. Ang kaniyang asawa
ay si Juana Tiambeng na taga-Orion,
Bataan at nagkaroon ng pitong anak.
Bata pa si Kikong Balagtas ay
naging utusan na siya ni Donya
Trinidad, isang mayaman at malayong
kamag-anak, upang makapag-aral. Sa
kabila nito, mahilig na talaga siya sa
kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga
luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga
pagaspas ng mga dahon at awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara
ng mga bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng
kaniyang ama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kaniya ay
inihambing niya sa musika.
Sa murang edad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng
mga Espanyol sa kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sa
nararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kaniyang bayan
ngunit ‘di niya ito lubos na maunawaan.
Noong siya ay nag-aaral na sa Colegio de San Juan de Letran, naging
guro niya sa Pilosopiya si Padre Mariano Pilapil. Taong 1812 nang matapos
siya sa pag-aaral ng Batas sa Corones, Kastila, Latin, Pisika, Doctrina
Cristiana, Humanidades, Teknolohiya at Pilosopiya.
Naging makulay ang buhay ni Balagtas noong siya ay magbinata na.
Nananaludtod na ng mga tula ng pananambitan at pagsamo. Dito niya
nakilala ang unang nagpatibok sa kaniyang puso, si Magdalena Ana Ramos.
Dito siya humingi ng tulong sa pagsulat at pagsasaayos ng tula kay Jose dela
Cruz (Huseng Sisiw) na pinakabantog na makata sa Tondo. At ‘di kalaunan,
nahigitan ito ni Francisco sa larangan ng panulaan.
Hanggang sa siya ay natutong umibig nang tunay kay Maria Asuncion
Rivera o mas kilala sa tawag na Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito nina Kiko
7
at Celia ang nagbigay ng gulo sa kaniyang buhay. Siya ay ipinakulong nang
walang kasalanan at katarungan ng kaniyang karibal na Espanyol na si
Nanong Kapule. Ito ay may mataas na katungkulan sa bayan noong panahon
ng Kastila. Doon niya naunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng
kaniyang kababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kaniyang tula na
“Florante at Laura”. Ito ang kaniyang obra maestra, na nagsisiwalat sa mga
pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang
ito ay naglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kaniyang bayan,
at mga aral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, sa
paggalang sa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa
kabayanihan. At dahil sa tanyag na tula, pinangalanan siyang “Hari ng
Makatang Pilipino.” Si Francisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20,
1862.
Pagyamanin
Magaling! Sa bahagi namang ito, iyong payabungin at pagyamanin pa
ang mga kaalamang taglay mo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga
gawaing inihanda para sa iyo.
Gawain 1. #NuhaLaga (Hinuha at Halaga)
Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, bigyang hinuha ang kahalagahan ng pagaaral ng Florante at Laura batay sa ipababasa sa kasama sa bahay o
sinomang makatutulong upang mapakinggan ang pahiwatig. Kopyahin at
gawin sa hiwalay na papel.
Ipabasa:
Noong ipatapon si Apolinario Mabini sa Guam noong 1901,
hinamon siya ng isang kapitang Amerikano na magbigay ng
halimbawa ng kadakilaan ng mga Pilipino sa larangan ng
panitikan. Kaya kumuha si Mabini ng papel at isinulat ang buong
Florante at Laura.
May dala kaya siyang kopya? Kung mayroon, bakit? Katulad
kaya siya ni Rizal na hindi maiwan ang kopya ng Florante at
Laura saan man siya magpunta? Kung wala naman siyang
kopya, ano ibig sabihin nito? (magkaroon lamang ng repleksyon
sa mga tanong)
8
Mahalagang
pag-aralan ang
Florante at
Laura dahil…
Pag-aaralan ko
ang Florante at
Laura upang…
FLORANTE
AT LAURA
Isang Obra
Dapat kong
Dapat kong
isapuso ang
unawain
Florante at
ang Florante at
Laura dahil…
Laura dahil…
Gawain 2. #Lagay-Akda
Panuto: Tiyakin ang kaligirang kasaysayan ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong naisulat ang Florante at
Laura. Gawin sa hiwalay na papel.
Kalagayan ng Mahihirap
Kalagayan ng Mayayaman
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 3. #Layuni’tEpekto
Panuto: Tukuyin ang layunin ni Balagtas kung bakit isinulat niya ang
Florante at Laura, at suriin kung ano ang epekto ng akda pagkatapos
maisulat. Kopyahin ang tsart sa ibaba at gawin sa hiwalay na papel.
1. Naging epekto ng akda
sa nakaraan
Layunin sa pagsulat
ni Kiko ng Florante
at Laura
2. Naging epekto ng akda
sa kasalukuyan
9
Isaisip
Talagang kahanga-hanga ka! Matapos mong gawin ang aking mga
inihandang gawain tungkol sa kaligirang kasaysayan ng Florante at Laura,
lagumin mo ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng kasunod na gawain.
Panuto: Bumuo ng tatlong (3) hashtag (#) upang maipakita ang kahalagahan
ng pag-aaral ng Florante at Laura.
Halimbawa: #DakilangAkda
#FloranteAtLaura
#TaluktokNgPanulaangTagalog
Isagawa
Talagang puno ka ng sigasig! Ilang hakbang na lamang ay matatapos
mo na ang modyul na ito. Ipakita mo sa bahaging ito ang mga natutuhang
kasanayan.
Panuto: Sumulat sa hiwalay na papel ng isang sanaysay na magbibigayhinuha sa kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura kaugnay sa
kaligirang pangkasaysayan nito ayon sa:
A. kalagayan ng lipunan noong maisulat ito,
B. layunin ng pagsulat, at
C. epekto ng akda pagkatapos maisulat ito.
PAMANTAYAN
Napakahusay
(4)
Mahusay
(3)
Mahusayhusay
(2)
Paghusayan
pa
(1)
1. Kahalagaha
n ng pagaaral
ng
Florante at
Laura
Nakapaglahad
ng 3 o higit
pang
kahalagahan
ng pag-aaral.
Nakapaglahad ng 2
kahalagahan
ng pag-aaral.
Nakapaglahad ng 1
kahalagahan
ng pag-aaral.
Hindi
nakapaglahad
ng
kahalagahan
ng pag-aaral.
10
2. Kalagayang
panlipunan
Naipaloob
nang malinaw
ang
kalagayang
panlipunan.
Naipaloob
nang
may
ilang
kalabuan
ang
kalagayang
panlipunan.
Naibigay ang 3 Naibigay ang
o higit pang 2 layunin sa
layunin
sa pagsulat.
pagsulat.
Naisa-isa ang Naisa-isa
epekto
ng ang epekto
akda
sa
3 ng akda sa 2
panahon.
panahon.
3. Layunin ng
pagsulat ng
Florante at
Laura
4. Epekto ng
akda mula
noon, sa
kasalukuya
n at sa
hinaharap
5. Pagkakabuo
ng Sanaysay
Naipaloob
nang
may
kalabuan ang
kalagayang
panlipunan.
Hindi
naipaloob ang
kalagayang
panlipunan.
Naibigay ang 1 Hindi naibigay
layunin
sa ang layunin sa
pagsulat.
pagsulat.
Naisa-isa ang Hindi naisaepekto
ng isa ang alin
akda
sa
1 mang epekto
panahon
ng akda mula
lamang.
noon
hanggang sa
kasalukuyan.
Nabuo
ang Nabuo ang Nabuo
ang Hindi nabuo
sanaysay
sanaysay na sanaysay na alin
mang
nang
may wala ang 1 wala ang 2 bahagi
ng
simula, gitna bahagi.
bahagi.
sanaysay.
at wakas.
KABUOAN
Tayahin
Narito ka na sa bahaging susukat sa lahat ng iyong natutuhan batay
sa nilalaman at kasanayang inihain. Ibigay mo na ang lahat!
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat sa hiwalay na papel
ang letra ng tamang sagot.
1.
Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat ito ay
maituturing na walang kamatayan. Ito ay _________________.
A. walang namamatay na tauhan
B. nilikha ng taong walang kamatayan
C. buhay dahil buhay pa ang may-akda
D. sumasalamin sa lipunan mula noon hanggang ngayon
11
2.
Binabasa ng mga Pilipino ang Florante at Laura magpasahanggang
ngayon sapagkat ______________.
A. narito ang lahat ng katotohanan
B. malaki ang bayad sa pagpapalimbag
C. narito ang kaisipan at kasaysayan ng Pilipinas
D. malaki ang ambag nito sa ekonomiya ng Pilipinas
3.
Ang akdang Florante at Laura ay mahalaga kaugnay sa kasaysayan
ng Pilipinas dahil ito ay ______________.
A. nailimbag sa kasalukuyang panahon lamang
B. nalikha bago pa man ang pagdating ng mananakop
C. naisulat sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol
D. nabuo sa panahon pagkatapos dumating ang mananakop
4.
Mahihinuhang mahalaga ang Florante at Laura kay Apolinario Mabini
dahil ______________.
A. saulado niya ito
C. ipinagbibili niya ito
B. mabuti siyang bayani
D. ipinasa sa kaniya ito ni Kiko
5.
Ipinagmamalaki at pinahahalagahan ang akda ni Francisco bilang
_______________.
A. pinakabasahing kuwento
B. pinakapaborito ng lahat ng Pilipino
C. pinakataluktok ng panulaang Tagalog
D. pinakamaraming naimprenta sa panulaang Tagalog
6.
Ang lagay o antas ng lipunan ng mahihirap sa panahong naisulat ang
Florante at Laura ay _______________ ng mayayaman.
A. mas angat sa lahat ng larangan
B. kapantay na kapantay ang antas
C. ‘di nahuhuli sa antas ng edukasyon
D. aping-api sa pag-aalipusta at pagpapahirap
7.
Isinulat ni Kiko ang kaniyang walang kamatayang akda dahil sa
pagmamahal kay_______________.
A. Juaning Asuncion
C. Maria Asuncion Rivera
B. Juana Tiambeng
D. Magdalena Ana Ramos
8.
Itinago ni Francisco ang tunay na kahulugan ng kaniyang isinulat na
akda kaugnay sa kalagayan ng Pilipinas upang _______________.
A. hindi ipagbawal ng mga Espanyol
B. maaliw ang mga Pilipinong nagbabasa
C. itago ang husay niya sa pagsulat ng tula
D. maidokumento ang kalagayan ng Pilipinas noon
12
9.
Noong maisulat ang akda ni Francisco, nagdulot ito ng epekto sa mga
Pilipinong nakabasa nito sa pamamagitan ng _____________.
A. paglaban sa pang-aapi ng mga Espanyol
B. pagpumiglas ng mayayaman sa mahihirap
C. pagsunod ng mga mahihirap sa pamunuan
D. pagsang-ayon sa kagustuhan ng mayayaman
10. Sa kasalukuyan, sa pagsusuri ng akdang Florante at Laura matapos
itong maisulat daang taon na ang nakaraan, masasabing ito ay
_______________.
A. kakaiba sa kasalukuyan
B. nagbago na sa kasalukuyan
C. hindi na makikita sa kasalukuyan
D. sumasalamin pa rin sa kasalukuyan
Karagdagang Gawain
Nakagagalak! Matatapos mo nang sagutan ang inihanda kong modyul
para sa iyo. Paunang pagbati sa iyong tagumpay!
Panuto: Talakayin ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Kiko ayon sa
yugto ng kaniyang buhay upang maipakita ang kaligirang kasaysayan nito.
Gawin ito sa hiwalay na papel.
Yugto ng Buhay
1. Pagkabata ni Kiko
Mahalagang Pangyayari sa Buhay ni
Balagtas
Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay,
Bayan ng Bigaa (ngayo’y Balagtas), Bulacan
noong Abril 2, 1788.
Bata pa si Kikong Balagtas ay naging utusan
na siya ni Donya Trinidad, isang mayaman at
malayong kamag-anak, upang makapag-aral.
2. Kaniyang Pag-aaral
3. Natutong Sumulat at
Bumigkas ng Tula
4. Buhay Pag-ibig
5. Kamatayan
13
Susi sa Pagwawasto
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
D
B
C
D
C
A
C
D
D
C
Ang sagot ng bawat bata ay
maaaring magkaiba-iba
Pagyamanin
Subukin
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
D
C
C
A
C
D
C
A
A
D
Tayahin
Sanggunian
Batnag, Aurora & Rodillo, Gregorio. 1988. Ang Florante at Laura ni Balagtas:
Isang Interpretasyon (Binagong Edisyon). Manila: Rex Book Store.
Cuaňo, Felicidad et al. 2006. Obra Maestra II (Bagong Edisyon). Manila: Rex
Book Store.
Dongeto,
Rom.
(1989).
https://www.azlyrics.com/lyrics/bamboo/tatsulok.html.
2021
Drilon,
Bugoy.
(n.d).
“Nang
Dahil
https://www.musixmatch.com/. Pebrero 8, 2021
sa
“Tatsulok”.
Pebrero 8,
Pag-ibig”.
Monleon, Fernando. 2007. Pinagdaanang buhay nina Florante at Laura sa
Kahariang Albanya Akda ni Francisco Balagtas. Araneta Ave., Quezon
City: Abiva Publishing House.
Paculan, Paulo Ven. 2015. Florante at Laura: Edisyong Tapat kay Balagtas.
Loyola Heights, Quezon City: Ateneo De Manila University Press.
14
Download