9 Filipino 9 Ikaapat na Markahan – Modyul 2 DAPAT O DI DAPAT GINAMIT NI JOSE RIZAL ANG PANULAT PARA SA KAPAKANAN NG BANSA Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 2: DAPAT O DI DAPAT GINAMIT NI JOSE RIZAL ANG PANULAT PARA SA KAPAKANAN NG BANSA Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. anu Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Evalyn M. Kitane Editor: Venicar P. Eltanal Tagasuri: Roshelle G. Abella, Lucille T. Folio, Janeth A. Celin, Vincent Gee R. Abrasado, Crispina P. David Tagalapat: Jerry Mar B. Vadil Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera Joelyza M. Arcilla, Ed.D. Marcelo K. Palispis, JD, Ed. D. Maricel S. Rasid Elmar L. Cabrera Nilita L. Ragay, Ed.D. Renante A. Juanillo, Ed.D. Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Tel #: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental (035) 225 2376 / 541 1117 E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling DAPAT O DI DAPAT GINAMIT NI JOSE RIZAL ANG PANULAT PARA SA KAPAKANAN NG BANSA. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa DAPAT O DI DAPAT GINAMIT NI JOSE RIZAL ANG PANULAT PARA SA KAPAKANAN NG BANSA. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. ii Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga matutuhan sa modyul. dapat mong Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong ii i Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! i v ALAMIN Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pareho ng ideya ang lahat ng tao. Kung minsan, ang pagkakaiba ng opinyon ng mga tao ang nagiging sanhi ng di pagkakasundo -sundo at pagtatalo. Ngayon, tuklasin natin ang paraan ng pagpapahayag ng opinyon na di reresultaasgulo. Gusto mo bang malaman? Halika ka na’t ihanda ang iyong sarili sa bago na namang mga gawain Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang: t bisa ngaakda sa sarili • Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at sanakararami. (F9PS -IVa-b-58) MGATIYAK NA LAYUNIN Saaraling ito, inaasahang ikaway: 1. Nakapaglalahad ng mga patunay at nakagagamit ng mga angkop na salita sa pagpapahayag ng opinyon; 2. Nakapagbabahagi ng sariling opinyon, reaksyon, sa at pananaw paksang pagtatalunan; at 3. Nakapagpapahayag nang malaya sariling ng opinyon ukol sa isang paksa . SUBUKIN Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem at isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. 1. Naglalayon itong manghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng pangangatwiran. A. salitaan C. tulaan B. debate D. dula Para sa bilang 2-4. Piliin ang titik ng tamang sagot sa ibaba. A. Necessity C. Practicability B. Beneficiality D. Compatibility 2. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benepisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan. 3. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi. 4. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang kailangan at tunay na solusyon. 5. Alin sa mga sumusunod ang dapat tandaan kung nagtatanong sa pagtatalo? A. Ang tanong ay dapat hindi nasasagot ng oo o hindi. B. Ang mga tanong ay nauukol sa iba’t ibang mga paksa. C. Huwag hayaang magamit ng kalaban ang oras ng iyong pagtatanong. D. Ibigay ang sariling opinyon sa hinihingi ng tanong. Para sa bilang 6-9. Piliin ang titik ng tamang sagot sa ibaba. A. Debateng Oregon C. Debateng Oregon-Oxford B. Debateng Oxford D. Debateng Orford 6. Ito ay madalas na paraang ginagamit sa pagtatalo. 7. Binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi ang debateng ito. 8. May tatlong tagapagsalita bawat pangkat ang debateng ito kung saan ang bawat unang tagapagsalita ay maghaharap ng pagmamatwid ng kanikanilang panig. 9. Ang debateng ito ay naglalahad ng proposisyon. 10. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa talumpating pagtuligsa maliban sa _______________________. A. Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban B. Ipaliwanag ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban. C. Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban. D. Ipaalam sa kalaban at mga tagapakinig kung may paglabag sa mga alituntunin sa pagtuligsa 11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pagtatalo? A. Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip. B. Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran. C. Malinaw na naipapakita ng tagapagsalita ang kanyang emosyon. D. Malinaw na naipapakita ang maling pagmamatuwid. 12. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga dapat tandaan ng tagapagsalita sa pagtatanong MALIBAN sa _____________. A. Huwag hayaang magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong. B. Ang tanong ay dapat hindi lamang nasasagot ng Oo o Hindi. C. Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong. D. Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan. 13. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga kahulugan ng pagtatalo MALIBAN sa ______. A. Ang pagtatalo ay isang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o opinyon sa isang paksa. B. Ang pagtatalo ay isang uri ng pahigitan sa bawat grupo. C. Ang pagtatalo ay pagtatalo ng maraming paksa. D. Ang pagtatalo ay isang sining ng gantihan ng katwiran ng magkasalungat na panig. 14-15. Magbigay ng dalawang kahalagahan ng pagtatalo. A. ____________________________________ B. ____________________________________ TUKLASIN Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga tanong na kasunod. http://clipartmag.com/images/fighting-clipart-5.gif http://clipartmag.com/images/fighting-clipart-23.jpg Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang kalimitang sanhi ng pagsisigawan at kaguluhan? _________________ _________________________________________________________________ _ 2. Mayroon kayang paraan para maiwasan ito? Paano? _____________________ __________________________________________________________________ SURIIN Ang debate o pagtatalo ay isang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o opinyon sa isang paksa. Masasabi rin natin na ito ay isang uri ng pahigitan sa bawat kampo. Naglalayon itong makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas. Ayon kay Arrogante, ang pagtatalo ay isang sining ng gantihan ng katwiran o matuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa. Kahalagahan ng Pagtatalo • • • • • Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag-iisip. Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran. Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid. Nabibigyang kahalagahan ang magandang asal tulad ng paggalang, pagtitimpi, pagpipigil ng sarili. Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang inilahad ng iba at pagtanggap • sa nararapat na kapasyahan. Dapat Tandaan sa Pagtatalo • • • • • Kailangang magkaroon ng isang kapasyahan o proposisyon na nakasaad sa isang positibong pahayag. Isaalang-alang ang antas ng pang-unawa ng mga nakikinig. Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay nakahalad sa isang maayos na pagpapahayag. Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran ng kalaban. Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng kalaban. Dapat Tandaan sa Pagtatanong • • • • • Huwag hayaang magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanong. Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI. Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong. Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang pamantayan ng pagtatanong ang isa sa kanila. Ang mga tanong ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan. Dapat Tandaan sa Talumpating Pagtuligsa (Rebuttal) • • • • • • Mahinahon at maliwanag na ilahad ang mga kamalian sa katuwiran ng kalaban. Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban. Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argumento ng kalaban. Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayan ang mga binanggit na katwiran sa paksang pinagtatalunan. Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga alituntunin sa pagtuligsa. Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na katuwiran at katibayan. Mga Tagapagsalita o Speaker 1. Beneficiallity – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan. 2. Practicability – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi. 3. Necessity – ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang kailangan at tunay na solusyon. Uri ng mga Pagtatalo ➢ Debateng Oregon-Oxford • Madalas gamiting paraan ng pagtatalo • Binubuo ng dalawang koponan na May 2-3 kasapi • May mga huradong susuri sa mga argumento na may sapat na kaalaman sa paksa ➢ Debateng Oxford (Rufino Alejandro) • Pagpapakilala ng bawat koponan (pagtukoy sa mga tuntunin) o Paglalahad ng proposisyon o Pagbibigay ng katuturan • Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran • Pagtatalo ➢ Debateng Oregon • Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatuwid ng kani-kanilang panig • Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala ang karupukan ng mga matuwid na panig ng katalo. • Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan bago lalagumin ang mga matuwid ng kani-kanilang panig. PAGYAMANIN Panuto: Ibigay ang iyong panig (Sang-ayon o Tutol) sa sumusunod na isyu. ______________1. Pagbibigay ng kongreso sa pangulo ng special powers para matugunan ang CoVid 19 Pandemic. ______________2. Pagpapalawig ng termino sa mga opisyal ng barangay. ______________3. Pagsasabatas ng Anti-terror Bill. ______________4. Pagsuspende ng face-to-face learning sa lahat ng paaralan hangga’t wala pang bakuna. ______________5. Pag-okupa ng puwersang militar ng Tsina sa mga islang sakop ng Pilipinas. ISAISIP Laging isaisip na ang debate o pagtatalo ay hindi lamang pagpapahayag ng sariling opinyon o ideya ukol sa isang paksa, kundi ito rin ay nagbibigay lakas ng loob sa mga -mag aaral na ipahayag ang makatwiran nilang opinyon. ISAGAWA Ipahayag ang sariling saloobin o opinyon ukol sa paksang nasa kahon. Isulat ang iyong opinyon sa sagutang papel. “Dapat o di dapat ginamit ni Jose Rizal ang panulat para sa kapakanan ng bansa” RUBRIK SA PAGSULAT NG OPINYON Nilalaman • Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi • Lawak at lalim ng pagtalakay Balarila • Wastong gamit ng wika • Paglimita sa paggamit ng mga salitang hiram Hikayat • Paraan ng pagtalakay sa paksa • Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro kaugnay sa gawain 5 4 3 2 1 TAYAHIN I. Hanapin sa loob ng kahon ang sagot sa bawat aytem. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel. A. Debate E. Compatibility B. Beneficiality F. Debateng Oregon-Oxford C. Practicability G. Debateng Oregon D. Necessity H. Debateng Oxford ____1. ____2. ____3. ____4. ____5. Naglalayon itong manghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng pangangatwiran. May tatlong tagapagsalita bawat pangkat ang debateng ito kung saan ang bawat unang tagapagsalita ay maghaharap ng pagmamatwid ng kanikanilang panig. Ito ay madalas na paraang ginagamit sa pagtatalo. Binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi ang debateng ito. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita kung bakit posible o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi. ____6. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga benepisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan. ____7. Ang ibinibigay na talumpati ng tagapagsalita ay hinihingi ng sitwasyon bilang kailangan at tunay na solusyon. ____8. Ang debateng ito ay naglalahad ng proposisyon. II. Punan ng tamang impormasyon ang bawat aytem. Isulat lamang ang sagot sa sagutang papel. 9-10. Magbigay ng dalawang dapat tandaan ng tagapagsalita sa pagtatalo. 11-13. Ibigay ang tatlong uri ng pagtatalo. 14-15. Magbigay ng dalawang dapat tandaan sa talumpating pagtuligsa. REFLEKSIYON Natutuhan Mo, Ibunyag Mo! Kapuri-puri ang ipinakita mong kahusayan sa mga mga gawain sa modyul na ito. Batid kong marami ka nang natutuhan kaya ibunyag mo ang mga ito sa pamamagitan ng pagdugtong sa pahayag na nasa ibaba. Natutuhan Natuklasan Ngayon, ko na… ko na… masasabi ko na… ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ ___________________ __________________ 15 1 3 MGA SANGGUNIAN Panimulang Pagtataya 1b . b 2 . c 3 . a 4 . d 5 . c 6 . c 7 . a 8 . b 9 . d 1 0. a 1 1. b 1 2. c 1 3. - . Sumangguni 1 7 lamang 5-. Maraming 4. sa pahina salamat. Gawa 1 *inaaaring magkakaiba M angdalawang mga sagot Ang larawan ay nagpapakita ng is -is hindi pagkakaunawaan sa Pags a’ta. *usuri aaaring magkakaiba M sagotsa nakapaskil ay pareho itong naglalarawan ng . ang Angmga makikita pagkakaintindihan/pagkakaunawaan. 2 hindi . .Opo Nagkakaroon ng hindi -iba ang mga indibidwal . paniniwala ng bawat kung kaya nagkakaroon ng -aaway ang pagkakaunawaan dahil iba’t pagtatalo o pagmga tao. Mga Gawain *maaaring magkakaiba ang mga 1 sa -ay sagot . sa ng-ay on 2 . sa ng-ay on 3 . sa ng-ay on 4 . tut ng on 5 . ol Paglal apat *maaaring magkakaiba ang mgasapagkat sagot 1 Oo importansya ng . Sa nauunawaan kobawat ang isyu.talaga sa ating lipunan na 2 tingin ko makatutulong . bawat mapakinggan ang panigng at mamamayang opinyon sa isyu dahil itoating ay boses Pilipino. Sa pamamagitan nito matutugunan angito kung may mga pangangailangan tuparan ng lamang nakararami. Maisasaka lakas ng loob ang isang tao upang ipahayag ang totoong hinaing sa bawat isyu. Pagpapa yaman * aaaring magkakaiba Mang mga sagot Reflek siyon * aaaring magkakaiba M ang mga sagot Pangwakas na Pagtataya 1a . g 2 . f 3 . h 4 . c 5 . b 6 . d 7 . f 8 . Test II Para -7 sa ☺ ☺ sumangguni sa pahina 5 SUSI SA PAGWAWASTO Mula sa Sanayang Aklat Ikaapat na Markahan, Unang Linggo – Sesyon 5 p. 449-455. Mula sa Internet http://clipartmag.com/images/fighting-clipart- 5.gif http://clipartmag.com/images/fighting-clipart-23.jpg https://www.scribd.com/document/371240753/Rubrik-Sa-Pagsulat-NgOpinyon Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag: sa Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel#: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph Website: lrmds.depednodis.net