Analisis sa aklat na “Sintaks ng Filipino” ni Resty Mendoza Ceña Alberth C. Dalen Doctor of Philosophy in Filipino Ang May-akda Si Resty Mendoza Ceña ay nagtapos ng PhD sa sikolingguwistika sa University of Alberta.Sumandali siyang nagturo sa University of Hawai-Manoa at Unibersidad ng PilipinasDiliman.Kasama siya ni Teresita Ramos na sumulat ng Modern Tagalog (University of Hawaii Press 1980.) Sinulat nila ni Ricardo Ma.Duran Nolasco ang Gramatikang Filipino:Balangkasan(University of the Philippines Press 2011.Kamakailan ay nagretiro siya mula sa Information Technology. Metodolohiya ng aklat Deduktibong Metodo ang ginamit na metodolohiya dahil mula pangkalahatang tuntunin tungo sa mga halimbawa at pagbibigay ng mga kasanayan. Ito rin ay may Teoryang Generatibo sapagkat ang teoryang ito ay nag-aaral ng mga patakaran sa pagbuo ng mga pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng mga gramatikal na istruktura at mga transformational rules. Ito ay naglalayong maipaliwanag ang mga regularidad at kaayusan ng mga pangungusap sa pamamagitan ng mga abstraktong patakaran. Target na Mambabasa Papakinabangan ang librong ito ng mga nag-aaral, nagtuturo,nanaliksik,at nagpapakadalubhasa sa wika.Bukod sa pagkilala sa iba’t-ibang kayarian matutuhan ng bumabasa ang isang mabisa at simpleng paraan ng pagsusuri at paglalarawan ng balangkas. Pagpapaliwanag ng aklat Sa pagsasaayos ng aklat ito ay mula sa p aglalarawan sinundan ng pagpapaliwanag pagkatapos ay nagbibigay ng mga halimbawa at ang huli ay ang pagsusuri. Inilalarawan ang kayarian ng wika mula sa pinakasimpleng balangkas nito patungo sa pinamataas na kayarian mula sa pariralang panlapi hanggang sa mahuhugnayang pangungusap. Aspeto Kultural/Rehiyonal Mga salitang lalawiganin ang kapansin-pansing ginamit ng may-akda halimbawa na lamang ng salitang “sangko”. Ang mga sinaunang Pilipino ay nagtataglay ng iba't ibang kaugalian at ritwal na may kaugnayan sa pag-inom ng alak. Halimbawa, ang "Basi" ay isang uri ng alak na gawa mula sa mga ubas at ito ay popular sa mga katutubong tribu sa hilagang Luzon. Ang mga Aeta sa Gitnang Luzon naman ay gumagawa ng alak mula sa mga prutas tulad ng niyog o tubo. Mayroon din mga katutubong tribo na gumagamit ng nipa palm sap upang gawing alak. *Basi- alak mula sa katas ng tubó Halimbawa. Bumili si Ben ng Basi Binili ni Ben ang Basi “Nabanggit sa sangahan ng pariralang pandiwa” *Siyoktong Bumili si Ampi ng siyoktong para sa Inang “Nabanggit sa kakanyahan ng Pang-ukol” *Ang tuba o lambanog ay ang alak na mula sa dagta ng mga punong palma kabilang ang puno ng niyog. Kasalukuyang Gamit (may akma o wala) Ang kayarian ng mga salita na ginamit sa aklat ay hindi napapanahon sa kasalukuyan, katulad na lamang ng salitang “basi” at “tuba” na kapwa mga salitang lalawiganin. Kapansin-pansin din ang hindi paggamit ng may-akda sa mga kolokyal na salita at mga salitang hiram. May Dayagram ba May mga dayagram itong nakapaloob tulad ng Sangahan na kung saan nagbibigay nang malinaw na pagpapakita ng pamamaraan sa mga mambabasa. Itinuturing na malakas na estratehiya para sa pag-unawa at paglutas ng mga suliranin ang mga dayagram. Naniniwala ang mga tao na ang sariling paliwanag ang nagiging sanhi ng epektibong paggamit ng mga dayagram. (Uesaka, 2022, et.al) Kabisaan ng libro sa edukasyon at tunay na buhay. Ang kabisaan at halaga ng aklat na ito sa edukasyon ay bilang pagpapalalim ng pananaliksik, pagpapalawak ng sakop ng pag-aaral at paghahanda sa mas malalim na paglalarawan ng wika gamit ang pinagsamang tradisyonal na metodo at pangkasalukuyang pagsusuri. Ang ilan sa mga salitang ito ay galing rin sa wikang Tagalog at sa iba’t-ibang salitang lalawigan galing sa Visayas at Hiligaynon na diyalekto katulad lamang ng salitang ambot o “ewan” sa tagalog. Isa rin sa mga halimbawa nito ay ang salitang kaon sa Hiligaynon at “kain” naman sa Tagalog. MORPOLOHIYA Paggamit ng Morpemang Salitang-Ugat Ito ay binubuo ng salitang walang kasamang panlapi.Ito ay salitang payak.Tinatawag din itong malayang morpema. Bahay, bundok, bukid, balita , bansa, bata Paglalapi/Affixation -ang isang karaniwang halaw ng pandiwa ay may apat na bahagi:ang salitang ugat na nagdadala ng kahulugan at ang mga panlaping tinig”voice”,panahon”aspect”at paraan”mode”.Ang mga panlapi ay may taglay na mga tungkuling pangsitaktika. Bili, pabili, ipabili, bibili Ang mga Panlaping paraan Hal: Bumiling-bumili ka lang ng mga paninda ko,papakasalan kita.(kondisyonal) Mabiling-mabili ko lang ang lupa,may magkakagusto na sa akin.(pangkatuparan) Nabili-bili ko pa kasi ang matsing,hayan,may kapatid daw ako.(pangdi-nararapat) *Hinahayag ang paraan sa pamamagitan ng pag-ulit o reduplikasyon Panlapi sa Pariralang Pang-uri Maraming hubad na pang-uri ang hindi nababanghay sa payak na ma tulad ng unang halimbawa. Matamad ang baka, Mapikon si Ben, Lumilitaw ang ma-kung sinasabayan ng ibang sangkap gaya ng CVr o pag-uulit ng ugat. Mapapandak sina Bulilit Papandak Mapikon-pikon si Asar Pikon-pikon si Asar Panlapi sa Kaantasan ng Pariralang Pang-uri Lantay-naghahayag ng simpleng pagkakaroon ng katangian na ipinapahayag ng panlaping ma at at kung may dagdag na damdamin sa pagpapahayag ginagamitan ng ka. Hal. Mabait si Ben. Kabait ni Ben. Hambingan-Ang panlaping pahambing na kasing ay nagsasaad ng pantay na antas ng katangian.Magkasing-kung maramihan o tambalan ang simuno,idinaragdag ang sa kasing ang panlaping mag-para ipamudmod ang katangian sa mga simuno. Hal. Kasinglakad ni Ben si Sakang. Magkasingkulay si Ben at si Ogg. Panlapi sa Kaantasan ng Pariralang Pangngalan Mga Payak na panlaping pangpangalan an- palayan,gawaan,taniman In- inahin,layunin,bilihin In- sinangag,sinaing Ka- kagawad,kasama,kabahay Tag- tag-araw,tag-init,taglamig Taga- tagaluto,tagabasa,tagapasan Mga mahuhugnayang panlaping pangalan In-an –dinuguan,ginataan,binabayasan Ka-an –kabutihan,kapatawaran,kabataan kaCVr-an-kababalaghan,kagagawan,katatawanan Mag(CVr)-mag-anak,magkapatid,magbilas - Nominalisasyon ang tawag sa proseso ng pagbuo ng halaw na pangngalan.Halaw ang pangngalan kung binubuo ng ugat na nilalapian SINTAKS Mga Uri ng Kataga at Parirala Uri ng Sugnay na hindi nagtatakda ng simuno Sugnay na pandiwain na walang tinig Halimbawa. Kabibili ni Ben ng basi. Sugnay na pang-uri na ang pangpang-uri ay hindi ma- Halimbawa. Kabilis ni Ben, Napakabilis ni Ben Sugnay na palso ang pandiwa Halimbawa. Sugnay na pandamdam pangmayroon Halimbawa. Umulan sa Maynila Sugnay na ang ulo ay isang pangngalanin Halimbawa. May pera sa bangko. Sugnay na pangkalikasan Halimbawa. Gusto ni Ben ng basi. Inuman ng mga sundalo at kampo bukas. Uri ng Pangungusap Ang pangungusap ay isang parirala na naghahayag ng puwersa “illocutionary force” na maaaring paturol, patanong, pautos, pandamdam, o negasyon. Ang ulo ng pangungusap ay ang pangganap “complementizer C”. Ang kaganapan ng ulong C ay isang sugnay IP at ang pantiyak ay isang pangngalanin DP mula sa sugnay IP. Halimbawa. na tumungga ng tuba si Tibo. *Ang ulo pangganap “complementizer C” na na, at ang layon ay ang sugnay na “tumungga ng tuba si Tibo. Ang pangungusap ay sumusunod sa hulmahang Pantiyak-Ulo-Kaganapan. Natuklasan ni Rizzi 1997 ang kaliwang gilid ng pangungusap ay pinaninirahan ng ilang sangkap, kaya’t hiniwa-hiwa ang CP para may kalagayan ang mga sangkap. Una, taglay ng CP ang ForceP tumatayo ang ikalawang sangkap, ang pariralang paksa “TopicP” Halimbawa. Si Ben, bumibili siya ng basi na galing din sa loob ng IP. Patakaran ng Negasyon Dalawang uri ng pangbalangkas na kataliwasan; Pagsalungat (na ipinahahayag ng salitang pangtaliwas na hindi) Pagbawal (huwag) Ang mga salitang pangnegasyon ay tumatayo sa kaliwa ng panaguri. Halimbawa. Hindi dumating si Ampi. *Ang pagtanggi (ayaw) at pagtatwa (wala) ay hindi mga pangbalangkas kundi mga leksikal na kataliwasan) Negasyon ng Sangkap ng Pangungusap Sa karaniwang pag-uusap hindi matataliwas ang simuno (si Ben), ang layon (ng basi), at ang oblikong parirala (sa tindahan). Halimbawa. Bumili hindi si Ben ng basi sa tindahan. Bumili si Ben hindi ng basi sa tindahan. Bumili si Ben ng basi hindi sa tindahan. Bumili huwag kayo ng basi sa tindahan. Bumili kayo huwag ng basi sa tindahan. Bumili kayo ng basi huwagi sa tindahan. Masasalungat lamang ang mga bahaging ito ng pangungusap kung bagong impormasyon. Upang maitayong bagong impormasyon, maaaring bigkasin nang may dagdag diin o paglipat ng sangkap nito sa kaliwa ng pandiwa. Mga Halimbawa: Sa Sabado uuwi Ben sa Sabado. Hindi sa Sabado uuwi si Ben. Negasyong Panghambingan Hindi kailangang ilipat ang sangkap para mabigyan ito ng pansin at mataliwas. Hindi...kundi, Huwag…kundi Bumili si Ben ng pakwan. Hindi bumili si Ben ng pakwan kundi nanghingi si Ben ng pakwan. Dobleng Negasyon May mga kayariang doble ang negasyon; ang ibig sabihin, tinataliwas ang isang kataliwasan. Halimbawa, mapapahindian ang pagsalungat (hindi hindi), at maipagbabawal ang pagsalungat (huwag, hindi). Hindi hindi sila umalis (=Umalis sila) Huwag hindi kayo susulat. (=Susulat kayo) SINTESIS Masasabi na ang Sintaks ng Filipino na sinuri ni Resty Mendoza Ceña ay nagpapakita ng mga kayarian ng iba pang wikang Pilipino na ayon sa kasalukuyang pagsusuri. Ang mga estratehiya na ginamit ng may-akda ay pagsasaalang-alang sa pagkakahawig at pagkakaiba ng dalawang wika. Ang paggamit ng deduktibong metodo upang ilarawan ang mga tuntunin ng gramatika ay mabisang paraan ng pagsusuri ng wika. Nahimay-himay dito ang bawat leksikal na katangian ng salita na siyang bumabalangkas sa kayarian ng pangungusap. Mahalaga na mapagtuunan din ng pag-aaral ang leksikon-ang bahagi ng wika sa ating isip na nagtataglay ng pangbalangkas na katangian ng mga salita at ng mapa ng relasyon ng mga salita. Ang sintaks ng Filipino ay isang sangay ng gramatika na nag-aaral ng pagkakasunod-sunod at pagaayos ng mga salita at mga bahagi ng pangungusap upang makabuo ng tamang pangungusap. Mahalaga ang sintaks sa pag-unawa at paggamit ng wika, sapagkat ito ang nagbibigay ng kahulugan at organisasyon sa mga salita. Narito ang ilang mahahalagang aspekto ng pagsusuri sa sintaks ng Filipino: Pagpapahayag ng mga Kaisipan: Ang tamang paggamit ng mga pariralang ito ay nagpapahintulot sa mga nagsasalita ng Filipino na maipahayag nang malinaw at tumpak ang mga kaisipan, mga katangian, kilos, at iba pang detalye sa mga pangungusap. Ito ay nagbibigay-daan sa mas malinaw at epektibong komunikasyon. Posisyon ng mga salita: Ang Filipino ay isang wikang "pantasahang" (analytic) na ibig sabihin, karaniwang nilalagyan ng mga panlapi, unlapi, gitlapi, at hulapi ang mga salita upang ipahayag ang gramatikal na relasyon sa iba pang salita. Ang mga salita ay karaniwang nasa malapit sa simula ng pangungusap, bagaman may ilang mga salitang pinaikling anyo o mga awtomatikong umiiral na hulapi na maaring ilagay sa dulo ng salita. Pagkakabuo ng mga Parirala : Ang sintaks ay may kaugnayan rin sa pagkakabuo ng mga parirala. Ang parirala ay binubuo ng salitang nagkakaisa na may iisang gampanin sa pangungusap. Paggamit ng mga Pandiwa: Ang mga pandiwa ay naglalarawan ng kilos o aksyon sa isang pangungusap. Mahalagang maipahayag ang mga pandiwa sa tamang anyo, aspekto, aspekto ng kilos, at panahon upang maipabatid nang eksaktong kahulugan ang intensyon ng pangungusap. Pagpapahayag ng Detalye: Ang mga pariralang pang-ukol at pantakda ay nagbibigay ng mga detalye tulad ng lokasyon, oras, bilang, at iba pang mahahalagang impormasyon sa isang pangungusap. Ito ay nagpapahayag ng mas malinaw na konteksto at nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga pahayag. Pagpapahayag ng Kagamitan: Ang mga pariralang pang-uri ay nagbibigay ng paglalarawan at katangian sa mga pangngalan. Ito ay nagpapahayag ng mga katangiang pisikal, emosyonal, o abstrakto ng isang tao, bagay, o lugar. Ito ay nagbibigay-daan sa mas malinaw na paglalarawan. Pagpapaiba-iba ng Pangungusap: Ang mga pariralang ito ay nagbibigay ng pagkakaiba at pagkakaugnay ng mga pangungusap. Ang tamang paggamit ng mga pariralang pang-uri, pangngalan, pandiwa, pantakda, at pang-ukol ay nagbibigay ng varasyon at pagkakaiba sa mga pangungusap. Ito ay nagpapahintulot sa mas malikhaing pagsasalita at pagsusulat. Sa kabuuan, ang sintaks ng Filipino ay may malaking bahagi sa pagpapahayag ng mga kaisipan. Sa pamamagitan ng wastong paggamit ng mga patakaran at kaayusan ng sintaks, naaayos natin ang mga salita at bahagi ng pangungusap upang magkaroon ng malinaw, wasto, at kahulugan na mga pangungusap. Ito ay nagbubuklod sa atin bilang mga tagapagsalita ng wikang Filipino at nagpapalalim sa ating pagkaunawa at paggamit ng wika bilang isang kasangkapan ng komunikasyon. Sinuri ang librong ito ayon sa dating Tagalog na sinamahan ng makabagong paraan na naiiba sa nakagawian. Sa unang basa ay mahirap unawain ang aklat para sa mga karaniwang mamamayan, o maging sa mga guro ng Filipino, lalo at kung walang background sa lingguwistika. Mahalaga pa rin na patuloy na mapag-aralan at maunawaan ang mga pagbabago sa sintaks ng Filipino sa makabagong panahon. Ang pag-adapt at pag-unawa sa mga ito ay magbibigay-daan sa mas epektibong komunikasyon at paggamit ng wika sa mga modernong konteksto. Bagama't may mga pagbabago, ang pangunahing layunin ng sintaks ay nananatiling magpahayag ng malinaw at wastong mga kaisipan at ideya upang masunod ang mga pangangailangan ng wika at komunikasyon sa kasalukuyang panahon. Hindi maikakaila na lalong yumayaman ang paggamit ng wikang Filipino sa kasalukuyan. Kaya dapat ay lagi tayong handa na yakapin at aralin ang mga ito.