Ang Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Asignaturang Agham sa Paaralan ng San Pedro Relocation Center National High School – Landayan Annex sa Panuruang 2022-2023. Alberth C. Dalen Doctor of Philosophy in Filipino Abstrak: Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa proseso ng pagkatuto, nakasalalay dito ang lubusang pag-unawa sa mga paksang tinatalakay. Nilalayon ng pag-aaral na alamin ang pananaw ng mga guro sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo sa asignaturang Agham. Sa pagsusuri sa pahayag ng mga guro, lumabas na ang wikang Filipino ay ginagamit bilang estratehiyang pangkomunikasyon, wikang pantulong at panlinaw sa mga katawagang teknikal. Ang persepsyon naman ng mga guro sa paggamit ng wikang Filipino ay lumabas ang mga tema na madaling maintindihan ang paksa, madaling ipahayag ang ideya, mas masigla ang interaksyon at mas malalim ang mga ideyang ibinabahagi. Ayon sa mga guro ay mas madaling maintindihan ang mga katawagang teknikal, malayang naipapahayag at naibabahagi ang mga ideya at mas madaling naipapaliwanag ang paksa sa mga mag-aaral. Sa kabuuan, naipakita sa pag-aaral na nagagamit ang wikang Filipino sa mga talakayan sa agham; may pagkakahawig ang persepsyon ng guro at mag-aaral; at kapwa sila naniniwala na nakatutulong ang wikang Filipino sa kanilang talakayan. Iminumungkahi ang pagpapatuloy sa paggamit ng wikang Filipino sa mga talakayan at magkaroon ng sariling pagsasanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng wika upang mas mabisa at mahusay ang paggamit nito sa talakayan. Panimula: Sa Agham tayo namulat sa mga kaparaanan ng pisikal at buhay na mundo. Ito ang nagturo sa atin kung paano pahalagahan ang mga bagay-bagay na bumabalot sa ating kapaligiran. Ito rin ang ating gamit upang maghanap ng mga solusyon sa mga problemang hinaharap ng ating bayan sa mithiin na umunlad ang estado ng buhay ng bawat mamamayan.Ngunit hindi lahat sa atin ay naiintindihan ang mga konsepto nito. Ang pagtuturo sa wikang Ingles ay nagsimula noong naging kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas. Nagsimula itong magbago noong inilunsad ang “Bilingual Education Policy” taong 1974. Hinihingkayat nito na gawing wika sa pagtuturo ang Filipino sa mga klasrum at bigyan ng mainam na kakayahan ang mga estudyante sa parehong Ingles at Filipino. Ninanais rin nito na maging isang wika para sa matalisik na diskurso ang Filipino. Ngunit nakasaad rin sa polisiyang ito na ang Ingles ay ang “non- exclusive language of science and technology.” Dala nito, ang wikang Filipino ay naisasantabi bilang isang lengguwahe para sa agham. Ito ay parte na rin ng layunin para sa internasyonalisasyon. Ang patuloy na paggamit nito ay bunga na rin ng pangunguna ng Estados Unidos sa siyentipikong pananaliksik. Sa unang tingin, nagmumukhang mainam ito upang makipagsabayan sa mga bagong development sa S&T, at nang hindi mahiwalay ang mga batang siyentista mula sa mga journal at textbook. Bagama’t may natutulungan, ang nahihirapan sa kasalukuyang sistema ay ang mga batang estudyante. Ang siyensya at ang matematika ay itinuturo sa kanila gamit ang wikang hindi nila ginagamit sa pangkaraniwan na sitwasyon. Karamihan ng mga libro ay nasa wikang Ingles, kasama na rin ang mga impormasyon na galing sa internet at telebisyon. Pinag-aaralan nila ang mga bagong konsepto sa wika na kanila’y kasabay na inaaral pa lamang. Napupuna lamang ito ng mga guro na nagbibigay ng paliwanag sa natural nilang wika. Pero dahil sa na-develop na “language barrier,” mahirap makahanap ng mga tamang salita o ehemplo para mapaliwanag ng maayos ang mga konsepto. Ang resulta, ang agham sa isip ng mga bata ay mistulang hiwalay mula sa araw-araw na katotohanan. Ang asignatura na nagmimistulang gabay natin sa mga pangyayari sa ating paligid ay naiiwan sa mga pahina ng textbook. May mga bagong hakbang na ginagawa upang mabago ito. May mga pagsasaliksik na nagpapakita ng bisa ng pagtuturo ng siyensya sa pang araw-araw na lengguwahe. Isa na rito ay ang pagsasaliksik nina Brown at Ryoo ng Stanford University noong 2008. Ipinakita nila ito sa pamamagitan ng tinatawag nila na “content first” approach. Sa ganitong paraan, inuunang ituro ang mga konsepto gamit ang natural na wika bago ito dagdagan ng mga panibago at mas komplikado na termino. Ipinakita sa pag-aaral na mas mataas ang mga nakuhang grado ng mga estudyanteng tinuruan sa natural na wika sa parehong “multiple choice” at “open-ended” na mga tanong. Senyas ito ng mas malalim na pagkakaintindi ng mga bata sa bagong impormasyon nilang natatanggap (Sullivan, 2008). Isinusulong rin ngayon ang pagsalin at paggawa ng mga libro sa wikang Filipino. Naikuwento sa akin ni G. Rommel Rodriguez, direktor ng Sentro sa Wikang Filipino, ang paghahanap ng ilang siyentipiko ng mga salita at konseptong Filipino na maihahambing sa mga kanilang pinagdalubhasaan. “Maraming mga local indigenous knowledge na maaring ma-discover ng mga mag-aaral natin at kung paano ito maisasakonteksto sa siyensya at teknolohiya”. Isa na rito ang konsepto ng “balatik” — isang grupo ng mga bituin na ginagamit ng mga katutubo sa kanilang pagtatanim. Ipinapakita ng mga ganitong ehemplo na may malawak na kaalaman ang mga katutubo tungkol sa mga bagay na inaaral natin sa agham. “Marami pa tayong hindi natutuklasan sa kasaysayan, sa kultura natin, sa mga local indigenous knowledge natin, na kailangan tuklasin ng mga mag-aaral sa siyensya at teknolohiya.” Sa mga hakbangin na ito, may pag-aalala na hindi makasabay ang mga estudyante sa internasyonal na entablado. Isa sa goal ng mga unibersidad ngayon ay maging tanyag sa iba’t ibang larangan at mapataas ang ranggo sa mga listahan ng mga “best universities.” Ngunit nilinaw ni Dr. Rodriguez na ang pangunahing tungkulin ng isang unibersidad ay hindi manalo sa kompetisyon kundi ay makagawa ng mga bagong kaalaman para sa ikabubuti ng mamamayan. Idinagdag ni Dr. Rodriguez na hindi naman kailangan na isalin lahat ng salita sa wikang Pilipino. Ang ibang terminong teknikal ay maaaring iwanan sa pinanggalingang lenguwahe. Hindi rin daw kailangan na maging “purista” sa pagsasalin ng mga termino; ang mahalaga ay nagkakaintindihan ang guro at ang estudyante sa pagpapaliwanang ng mga konsepto. Ang mga ganitong pagsasalin, tulad ng nakikita natin sa ibang post sa social media, ay nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga tao ngunit dahil ang ibang salita ay hindi rin naman nagagamit, wala itong naitutulong. Sa huli, idiniin ni Dr. Rodriguez ang tungkulin ng mga estudyante’t propesor ng mga unibersidad sa pagpapalawak ng wikang Filipino. Sa usapin ng pagsasalin, mahalaga na isakonteksto ang mga ideya sa karansan ng mga Pilipino. Importante rin na alisin ang makitid na pagtingin sa ating wika at magsama-sama upang itaguyod ang Filipino bilang pambansang wika. Mahalaga ang pag-aaral ng agham at teknolohiya sa lahat ng panahon dahil ito ang susi sa pag-unlad ng bansa. Ngunit kadalasan ang wikang Ingles ang ginagamit sa pagtuturo nito, mula sa antas ng hayskul hanggang sa kolehiyo, bihira ang guro or propesor na gumagamit ng sariling wika sa pagtuturo nito. Gayunpaman gumagamit si Dr. Fortunato Sevilla III, ang direktor ng UST Office for Research and Development (ORD) ng wikang Filipino sa pagtalakay ng mga liksyon sa mga klaseng kemistri sa Kolehiyo ng Agham. Ayon sa kanya, mas malaya ang pagtatanong at mas buhay ang talakayan sa ganoong paraan. Mas madaling naiintindihan ng mga estudyante ang mga konseptong teknikal na pinapaliwanag niya. Para sa kanya, kailangang batay sa kakayahang intelektwal at di lamang sa wika ang pag-aaral sa kemistri dahil di naman lahat ng estudyante ay magaling mag-Ingles. “Kung sumusulong sa agham ang mga mauunlad na bansa tulad ng Hapon, Korea, Taiwan, Tsina, Germany, Pransiya, España at iba pang bansa na gamit ang sariling wika, bakit hindi paunlarin ang sariling wika para maging matatas din ang mga Pinoy sa agham?” ani ni Sevilla III. Ayon sa Third International Matehmatics and Science Study na lumabas noong 1997, nahuhuli ang Pilipinas sa larangang ito. Sinisikap ni Dr. Sevilla III na hikayatin ang mga guro at mananaliksik na gumamit ng Filipino sa talakayan, maging sa klase man o sa pag-uulat ng kanilang saliksik sa mga panayam. Isang magandang halimbawa ay panayam sa Filipino tungkol sa mga teknikal na paksang agham at teknolohiya na isinasagawa ng Sentrong Pananaliksik sa Agham Pangkalikasan (Research Center for the Natural Sciences) tuwing Agosto, ang buwan ng Wika. Malaking bilang ng mga mag-aaral ang nakararanas ng kahirapan sa pag-aaral sa larangan ng agham at teknolohiya. Napakarami ng terminolohiya na ginagamit dito na mahirap maunawaan kung hindi mabibigyan nang maayos na pagpapaliwanag. Dahil sa limitadong bokabularyo ng wikang Filipino sa konseptong teknikal, maraming siyentipiko ang nahihirapan na gamitin ito bilang wikang panturo. Subalit, ang kakulangan na ito ang nagtulak sa ilan na magsagawa ng mga pag-aaral sa kani-kanilang larangan gamit ang wikang Filipino. Sa katunayan, noong pa mang dekada 60’s at dekada 80’s ay may nabuo ng diksyunaryo ang mga siyentipiko. Ito ay ang “Ang Talahuluganang Pang-agham: Ingles Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose Sytangco, isang manggagamot mula sa UST at ang “English-Pilipino Vocabulary for Chemistry” na nilikha ng magasawang Bienvenido Miranda at Salome Miranda, kapwa propesor sa kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang UP lamang ang may librong pang-angham sa Filipino dahil sa panghihikayat na ibinigay ng Sentro ng Wikang Filipino dito at dahil na rin sa masigasig na pagtataguyod ng mga propesor sa naturang unibersidad sa pagsusulong ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa mga larangang ito. Sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika sa pagtuturo sa mga larangang siyentipiko-teknikal, kailangang ang intelektwalisasyon ng wika. Nabanggit nina San Juan et al., (2019) (ayon kay Gonzales, 2005), ang intelektwalisasyon ay ang “pagpaksa ng mga ideya sa pinakamataas na lebel sa akademya”. Ito ay maaari lamang matamo sa pamamagitan ng paggamit dito hindi lamang bilang wika sa pangaraw-araw o ordinaryong komunikasyon kung hindi maging sa matatalinong diskurso sa paaralan. Ang pagbuo ng isang patakarang pangwika ay tunay ring makabuluhan at malaking tulong sa intelektwalisasyon ng wika (Zafra, 2003). Malaki ang ginampanang papel ng pagsasalin sa adhikaing intelektwalisasyon ng wika. Ayon pa rin kina San Juan et al., ang pagsasa-Filipino ng iba’t ibang akda mula sa iba’t ibang wika ay isang paraan ng intelektwalisasyon ng wika. Hindi isang simpleng gawain ang pagsasalin. Dapat na maging bukas at malawak ang pananaw ng isang tagasalin at hindi nakakulong sa personal at limitadong konteksto lamang. Ang pagsasalin ay hindi simpleng paghahanap o pagtutumbas lamang. Hindi literal na mga kahulugan lamang ng mga salita o pahayag ang dapat na maibigay ng isang saling-teksto kundi dapat na maibahagi nito ang mas malalim na kahulugan ng mga salita batay sa konteksto o maging sa kulturang pinagmulan ng original na teksto. Ilan pang mga batikang propesor mula sa malalaking pamantasan at unibersidad sa Maynila, maliban kay Dr. Sevilla III, ang naitalang gumamit na ng wikang Filipino sa kanilang pagtuturo ng siyentipiko at teknikal na kurso. Ilan sa kanila ay sina John Pellas ng UP at Lea Soriano ng DLSU sa Matematika, Nathaniel Oco ng NU, at Elimar ng QCPU at AMA para sa araling Kompyuter, at Rosemary Seva ng UP sa Inhinyeriya (San Juan et al.). May ilan na ring mga kagamitang panturo sa Matematika, Kompyuter, Biolohiya, pisika at Kemistri ang nailimbag ng Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng paggamit sa wikang Filipino, pagsasalin at pagbuo ng mga aklat, napapabilis ang intelektwalisasyon ng Filipino sa akademya. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga pananaw ng mga guro sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng asignaturang Agham sa paaralan ng San Pedro Relocation Center National High School – Landayan Annex. Sinasagot din nito ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang ginagamit mong wika sa pagtuturo ng asignaturang agham? 2. Mas nauunawaan ba nila ang aralin gamit ang wikang kanilang nakagisnan?Ipaliwanag. 3. Paano mo itinuturo ang mga terminolohiya ng agham sa mga mag-aaral? 4. Mahalaga ba na gawing Filipino ang mga termino sa agham? Ipaliwanag. 5. Ano ang iyong mungkahi o rekomendasyon sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng agham? Metodolohiya: Ang pagkalap ng impormasyon ay sa pamamagitan ng personal na panayam o interbyu. Sa pamamagitan ng Deskriptibong disensyo na isang uri ng disensyo ng pananaliksik na naglalayong makakuha ng sistematikong impormasyon upang ilarawan ang isang sitwasyon. Nakakatulong ito upang sagutin ang mga tanong na ano, kalian, saan, at paano patungkol sa problema ng pananaliksik. Ayon sa pagsasaliksik nina Brown at Ryoo ng Stanford University noong 2008. Ipinakita nila ito sa pamamagitan ng tinatawag nila na “content first” approach. Sa ganitong paraan, inuunang ituro ang mga konsepto gamit ang natural na wika bago ito dagdagan ng mga panibago at mas komplikado na termino. Sa pagpili naman ng mga respondente ang Total Enumeration ang ginamit sa pag-aaral na ito. Ginamit dito ang Thematic Analysis para sa pag-interpret ng mga datos mula sa mga respondente. Mayroong walong (8) guro sa nasabing paarlan. Bumuo ng mga tanong ang mananaliksik upang malaman ang mga pananaw ng mga guro sa paggamit ng wikang Filipino sa asignaturang Agham at ito ay binigyang pansin ng isang guro sa Filipino at ng Dalubguro upang mapagtibay ang mga tanong na ginamit. Kasama ang kanilang demographic profile sa pagtatanong. Dito, natuklasan ng mananaliksik ang mga detalyadong impormasyon tulad ng pansariling karanasan, kaalaman, at mga saloobin tungkol kanilang sa kabisaan, kaugnayan at resulta ng paggamit sa wikang Filipino sa pagtuturo ng Agham ng mga guro mula sa ikapitong baitang hanggang sa ikasampung baitang sa San Pedro Relocation Center National High School – Landaya Annex na kinalap sa taong panuruan 2022-2023. Mga Inaasahang Resulta: Batay sa resulta ng pag-aaral na ito gamit ang Thematic Analysis ang mga nakalap na datos ay pinagsama-sama base sa kanilang mga sagot. Ito ay nakatema at binigyan ng kahulugan. Mula sa walong (8) guro ng San Pedro Relocation Center National High School- Landayan Annex ay binigyan ng mga katanungan upang sagutan. Sa bawat baitang ay mayroong dalawang guro na nagtuturo ng asignaturang Agham. Lumabas sa pag-aaral na ito ang mga paksa na mula sa kanilang mga sagot. Una, ang Wikang Ginagamit, pangalawa, Ang Karanasan nila sa Paggamit Wikang Filipino, Pangatlo ang Mga Negatibong epekto sa paggamit ng wikang Filipino at ang pang-apat ay ang rekomendasyon nila tungkol sa pagtuturo ng Agham. Sa unang tema na na tungkol sa paggamit ng wika, lumabas sa ginawang pag-aaral na mayroong isang guro ang gumagamit ng Ingles sa pagtuturo ng Agham samantalang may pitong (7) guro naman ang gumagamit ng Taglish o tinatawag nating bilingual sa pagtuturo ng Agham. Gumagamit sila ng Taglish upang maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga tinuturo. Hindi purong Ingles ang ginagamit nilang wika sa pagtuturo dahil ang mga bata ay hindi makakasunod sa aralin. Kung kaya halos sa mga guro sa paaralang ito na nagtuturo ng Agham ay Taglish ang ginagamit. Sang-ayon naman dito si Jose (2015) na ang paggamit ng wikang filipino sa asignaturang agham na midyum sa pagtuturo sa paaralan ay isang sangkap upang madaling maintindihan ng mga mag-aral ang mga itinuturo sa kanila ng kanilang mga guro. Ipanakikita lamang nito na, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakabase sa midyum na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sapagkat ang mga mag-aaral ay madaling matututo kung ang gagamiting midyum sa pagtuturo ay ang wikang kanilang naiintindihan. Ikalawa, ang karanasan ng mga guro sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Agham. Kahit na maraming estratehiya ang mga ginagawa ng mga guro kung ang mga mag-aaral naman ay hindi makasabay sa kadahilanang hindi nila maunawaan ng lubusan ang mga pamamaraan kung ang ginamit na wika sa pagbibigay ng mga direksyon at pamamaraan ay wikang Ingles ay magiging mababa pa rin ang kanilang naunawaan. Kaya sa pagbibigay ng mga direksyon at pagpapaliwanag ay gumagamit sila ng pinaghalong wikang Filipino at Ingles. May ilan naman na sa lebel ng mag-aaral nila nakasalalay ang paggamit ng wikang Ingles sa pagbibigay ng mga direksyon ng aralin. Napag-alaman din na gumagamit sila ng wikang Filipino upang maka-relate ang mga mag-aaral sa aralin. Ang komunikasyon ay isang pamamaraan ng paghahatid atpagpapalitan ng impormasyon. Nagkakaroon ng komunikasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan na may kaugnayan sa ating buhay (Lachica, 2006). Ayonkay Agree (sa aklat ni Garcia, 2008), ang komunikasyon ay paraan ng pagbibigayo paghahatid ng impormasyon, ideya o kaasalan mula sa isang tao tungo sakanyang kapwa. Sinabi naman ni Dean (sa aklat ni Garcia 2008), na angkomunikasyon ay isang proseso ng paghahatid ng iba-ibang konseptongpangkaisipan at pang-emosyunal na nagmumula sa isang tao tungo sa iba sapamamagitan ng simbolo. Ang wika ay midyum ng pakikipagkomunikasyon sapagkat ito’y maituturing na tagapagdala ng ideya. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng kaisipan, ideya, kuru-kuro, saloobin at damdamin kaya ang mabisang pakikipagkomunikasyon aysadyang mahalaga para sa lahat. Ang panahon ay binabago ng oras at angkaalaman sa mabisang pakikipagkomunikasyon ay nararapat lamang nasumulong upang higit na maging epektibong maiparating at maipaunawa saating kapwa ang ating kaisipan at ideya (Miguel, 2012). Ginagamit din ang wika upang ipaabot ang kaisipan, damdamin at mgahangarin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Sa pamamagitan ng wikanagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isangpulutong ng mga tao (Palazo et al, 2012). Sa aklat naman ni Resuma (2002), angwika ay kaugnay ng buhay at instrumento ng tao upang matalino at episyentengmakilahok sa lipunang kinabibilangan. Ang wika ay daan upang makisali at makibahagi ang tao sa gawain nglipunan upang matamo ang kanyang pangangailangan (Binaysan, 2014). Wikaang pangunahing instrumento ng pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyangkapaligiran. Sadyang mahalaga ang wika sa pamumuhay ng tao. Wika rin angpangunahing kasangkapan ng tao tungo sa kanyang pagsulong at pag-unlad,pangkabuhayan, panlipunan o pangkalinangan (Papa, 2006). Kailangangmaiangkop ang wikang Filipino sa panahong ito ng globalisasyon at makabagongpamumuhay upang makaagapay sa modernisasyon Ikatlo, ang mga negatibong epekto ng paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Agham. May ilang mga negatibo ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Agham. Batay sa ginawang pag-aaral lumabas na mas lalong humihina ang mga mag-aaral sa wikang Inlges kung magkahalong wika ang kanilang ginagamit. Hindi rin maganda pakinggan ang ilang termino kung ito ay isasalin sa wikang Filipino. Nagkakaroon din ng kalituhan pagdating sa katawagan ng ilang mga salita sa Agham. Ayon sa pag-aaral ni Amamio(2000), mas magandang gamitin ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo dahil mas maipapaliwanag ang mga ideya at konsepto sa mas madaling paraan sapagkat karamihan sa mga Pilipino ay madalas ng gumagamit ng internet na ang lingguahe ay Ingles. Tulad na lamang sa asignaturang matematika, mahirap intindihin ang asignaturang ito gamit ang wikang Filipino. Ikaapat, ang kanilang rekomendasyon tungkol sa pagtuturo ng Agham. Una, Magbahagi ng karanasan na may kinalaman sa pagtuturo ng agham. Pangalawa, Magkaroon lamang ng familiarization sa mga termino sa Ingles. Pangatlo, Ituro ito sa mas marami pang baitang gamit ang wikang Filipino. Pang-apat, Hindi na kailangang isalin pa sa wikang Filipino ang mga termino sa wikang Ingles dahil magiging sanhi pa ito ng kalituhan. Panlima, Gumamit ng bilingual sa pagtuturo. Pang-anim, sa pag gamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng agham ay kailangan bilang guro kailangan maipaunawa parin nang mabuti sa mga mag aaral ang lesson. Kung maari i-translate sa Ingles para kahit Ingles man o Filipino ito ay madali parin matutunan ng bata. Ang wikang Filipino ay maaring gamitin sa pagtuturo ng Agham subalit mas mainam itong gamitin sa pagbibigay ng pamamaraan at pagpapaliwanag. Ngunit kung sa mga terminolohiya ng Agham ay mas mabuti kung mananatili na lamang ito sa kaniyang katawagan kung wala itong panumbas sa wikang Filipino. Ang Pilipinas ay isang bilingual na bansa. Higit pa rito, ito ay isang multilingual na bansa. Naaulat sa Alcoberes (2006) ang pangangailangan na mapanatili ang pambansang wika, na kumakatawan sa isang pinag-isang kultura, nang hindi binabalewala ang wikang ginagamit nang higit sa mga kontrol sa mga domain. Sa katunayan, ang pangangailangan na mapanatili ang pambansang wika ay isa sa mga pangunahing problema sa larangan ng pagpaplano ng wika sa ating bansa sa loob ng ilang dekada na ngayon. Ang kababalaghan na ito ay maaaring maiugnay sa patuloy na pangingibabaw ng Ingles at ang extension ng paggamit nito sa mga kontrol sa mga domain. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa larangan ng edukasyon. Ayon kina Cruz (2010), dahil sa wika nagiging mas mabilis at malaganap angpaglinang ng kaalaman; lumalawak ang mga pinaghahanguan; nagiging mabisaat pangmatagalan ang kaalaman; at nagkakaroon ng malaman at maanyongkarunungan. Sa madaling sabi, ito ang nagsisilbing pangunahing instrumentoupang matutuhan ng mga mag-aaral ang mga kinakailangan nilang matutuhan. Konklusyon Sa ginawang pag-aaral na ito natuklasan ang maraming pananaw ng mga guro pagdating sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Agham. Napag-alaman din na mas maraming mga mag-aaral ang natututo sa Agham kung ang gagamiting wika sa pagtuturo ay wikang Filipino. Dagdag pa sa pag-aaral na ito na madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mga pamamaraan dahil sila ay nakaka-relate. Ngunit may ilan sa kanila ang hindi pabor na isalin lahat ang mga termino ng Agham sa wikang Filipino dahil maghahatid lamang ito ng kalituhan sa mga mag-aaral. May ilan rin na nagsabi na manatili na lang ang mga terminolohiya ng Agham dahil ito ang standard na alam ng karamihan. Hindi rin maganda pakinggan kung pilit na ito ay isasalin sa wikang Filipino. Kung pagbabatayan lahat ng mga ito, iisa lang ang tunguhin ng pag-aaral na ito ang kahalagahan ng paggamit ng wika sa mga mag-aaral upang matuto ng mga aralin. Dagdag pa nina Tamayo et, al (2015) ang paggamit ng wikang Filipino ay mabisa samga mag-aaral na kumukuha ng kursong agham, kaya ang propesor o ang nagtuturo ng asignaturang agham ang siyang nararapat na maging dalubhasa sa pagtuturo sa wikang Filipino upang maimpluwensyahan o mapukaw ang kanilang mga estudyante sa kaugnay nawika. Sa kabilang banda naniniwala rin si Timbreza (2011) na walang nakikitang problema sa paggamit ng wikang Filipino sa mga disiplina tulad ng siyensiya,teknolohiya at humanidades sapagkat ang wikang ito ay mapang-ampon. Ang kaampunang tinutukoy niya ay ang kakayahanng wikang Filipino sa pagtanggap ng mga terminolohiya mula sa banyaga, sa pagiging bukasnito lagi sa pagbabago, at sa patuloy na intelektuwalisasyon. Kung pagsusumikapan ng mgagurong ituro ang ibang disiplina sa wikang Filipino, tulad halimbawa ng Pilosopiya, hindimamamalayan ng gurong unti-unti narin siyang namimilosopiya, nag-iisip at nakapagpapahayagsa Filipino. Sanggunian Bolatin, Mark Andrei et.al(2019),Epekto Ng Paggamit Ng Wikang Filipino At Wikang Ingles Sa Larangan Ng Pagtuturo At Pagkatuto Fajilan, Wennielyn et. al (2019), Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III Santos, Tomas U. (2009),Wikang Filipino sa Ikasusulong ng Agham at Teknolohiya. https://varsitarian.net/news/20090412/ikang_filipino_sa_ikasusulong_ng_agham_at_teknolohiya Tolentino, Luis (2017), Wikang Filipino sa Aghan https://medium.com/up-scientia/wikang-filipino-sa-agham-455e54a3fc52 Valdez, Jose et. al (2019), Pilit At Pinipilit: Karanasan Ng Mga Mag-Aaral Sapagsasalita Ng Filipino. https://www.academia.edu/41923494/PILIPIT_AT_PINIPILIT_Karanasan_ng_Mag_aaral_sa_P agsasalita_ng_Filipino Online na Sanggunian https://pdfcoffee.com/yunit-iii-filipino-sa-agham-teknolohiya-inhenyeriya-pdf-free.html https://www.coursehero.com/file/p4i43ph3/Sadyang-makapangyarihan-ang-paggamit-ngwikang-Filipino-sa-ibat-ibang-asignatura/ Inihanda ni. ALBERTH C. DALEN Doctor of Philosophy, Filipino-Wika