Uploaded by minmanguera23

Ang Tanggol Wika

advertisement
YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG
EDUKASYON AT LAGPAS PA
(presentasyon ni G. C. Rodriguez)
Unang Bahagi.
Ang Pakikipaglaban para Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon: Ang Papel ng
Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) at Pambansang
Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF).
- Taong 2013 nang magsimulang ipaglaban ng mga iskolar, guro, mag-aaral at mga nagmamahal sa
wikang Filipino sa pangunguna ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika)
ng pananatili ng Filipino bilang asignatura sa antas kolehiyo.
-CHED Memorandum Order (CMO) Bilang 20, Serye 2013 na nilagdaan ni Komisyoner Patricia Licuanan
- Ayon sa nasabing Komisyon, ang pagbabagong ito ay bilang bahagi ng pagpapaunlad ng edukasyong
Pilipino sa antas kolehiyo bunsod ng implementasyon ng Batas K to 12.
-Narito ang mga asignatura na nananatiling itinuturo sa antas kolehiyo batay sa nasabing kautusan: Pagunawa sa Sarili (Understanding the Self); Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas (Readings
in Philippine History); Ang Kasalukuyang Daigdig (The Contemporary World); Matematika sa Bagong
Daigdig (Mathematics in the Modern World); Pagpapahalaga sa Sining (Art Appreciation); Siyensiya,
Teknolohiya at Lipunan (Science, Technology and Society); Malayuning Komunikasyon (Purposive
Communication); at Etika (Ethics).
-Samantala, nilinaw rin ng nasabing kautusan na maaring ituro ang mga asignaturang nabanggit sa
Filipino at Ingles. Gayon din, itinuturing nila ito bilang paconsuelo de bobo upang papaniwalain na hindi
binura ang Filipino sa kolehiyo. Bunsod nito, iba 't-ibang resolusyon at posisyong papel din ang inilabas
ng mga organisasyong pangwika, pangkultura, Makabayan partylist group at unibersidad na pawang
nagtatanggol sa wikang Filipino bilang bahagi ng asignatura sa antas kolehiyo. Ang mga nasabing
resolusyon at posisyong papel ay mariing kinondena ng mga naturang unibersidad at institusyonng
pangwika hinggil sa naging paurong na hakbang ng CHEd.
-Naglabas ang PSLLF ng resolusyon na pinamagatang "Pagtiyak sa Katayuang Akademiko ng Filipino
Bilang Asignatura sa Antas Tersyarya " ni Dr. Lakandupil Garcia (na noon ay awditor ng nasabing
samahan at nilagdaan noong Mayo 31, 2013 sa St. Scholastica ' s College-Manila.
-Nanindigan ang PSLLF sa pananatili ng Filipino sa nasabing antas. Sa posisyong papel na ipinadala ng
PSLLF sa CHEd, partikular sa Tanggapan ni Kom. Licuanan noong Hulyo 14, 2014, nagbigay ang
nasabing organisasyong pangwika ng mga mahahalagang argumento kung bakit dapat manatili ang
Filipino bilang asignatura sa antas na ito ng edukasyon.
-Hunyo 21, 2014. Nabuo ang Tanggol Wika na ang pawang miyembro ay mga guro mula sa iba 't-ibang
unibersidad gaya ng DLSU, UPDiliman, ADMU, UST at PUP. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang
Filipino sa bagong General Education curriculum (GEC) sa kolehiyo; Rebisahin ang CHEd Memorandum
Order 20, series of 2013; Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba 't-ibang asignatura; at Isulong
ang makabayang edukasyon. 1. 2. 3. 4.
-Kabilang sa mga naging panawagan ng Tanggol Wika ang mga sumusunod: Bukod sa mga kilosprotesta ay nagpapirma rin ng petisyon ang Tanggol Wika na nilagdaan ng humigit-kumulang 700,000
na mag-aaral, guro, iskolar, at nagmamahal sa wikang Filipino mula sa iba 't-ibang unibersidad at sektor
ng lipunan. Ito ay isinumite ng Tanggol Wika sa CHEd. Anti-Filipino K A u n r ti-Filipino ikulum ng K K u
12 rikulum ng ibasura! K12 ibasura! ---Ngunit sa kabila ng lahat ng mga protesta at pagpupulong ay hindi
pa rin pinakinggan ng nasabing Komisyon ang panawagan ng Tanggol Wika. Abril 15, 2015. Sa
pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera at ng mahigit 100 na mga propesor at iskolar, nagsampa ang
Tanggol Wika ng kaso sa Korte Suprema.
-Sa nasabing petisyon, nilinaw ng Tanggol Wika ang paglabag na ginawa ng CHEd sa mga probisyon
sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, Batas Republika 7104 o ang Commission on the Filipino Language
Act, Batas Republika 232 (Education Act of 1982) Batas Republika 7356 (An Act Creating the National
Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts
and for Other Purposes).
-Abril 21, 2015. Naglabas ang korte ng Temporary Restraining Order. Kinatigan ng nasabing hukuman
ang mga argumentong nakatala sa nasabing petisyon.
-Taong 2018, tinanggal na ito ng Korte Suprema at tuluyan ng binura ang asignaturang Filipino at
Panitikan sa Antas Kolehiyo batay sa 94 pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Benjamin
Caguiao, bukod pa sa pagsasabatas ng Batas K12. Nagsampa ang Tanggol Wika sa Korte Suprema ng
motion for reconsideration noong Nobyember 2018, kasabay ng panawagan sa mga unibersidad na
lumikha ng mga asignatura sa Filipino at Panitikan.
-Enero 30, 2019. Naghain ang ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Rep. France Castro sa
Kongreso ang Panukalang Batas 8954 o Batas na Nagtatakda ng Hindi Bababa sa Siyam (9) na Yunit
ng Asignaturang Filipino.
-Marso 5, 2019. Pinagtibay ng Korte Suprema na denied with finality ang desisyon nitong tanggalin ang
mga asignaturang Panitikan at Filipino sa kolehiyo.
-Hunyo 10, 2019. Kasama ang iba 't-ibang sektor pangwika, mga mag-aaral at iskolar, nagmartsa ang
Tanggol Wika sa Korte Suprema upang ihain ang protesta laban sa nasabing desiyon.
Ikalawang Bahagi:
KAHALAGAHAN NG FILIPINO BILANG DISIPLINA AT WIKA NG EDUKASYON AT
KOMUNIKASYON SA PILIPINAS
A. Ang Filipino ay disiplina, asignatura, bukod na larangan ng pag-aaral, at hindi simpleng wikang
panturo lamang.
Ang pagbura sa Filipino sa kolehiyo ay pagkalusaw rin ng isang mahalagang disiplina (Sanchez,
2015) na nakaugat sa sariling karanasan at paraan ng pagpapahayag ng mga mamamayang Pilipino. Ito
ay daluyan ng kasaysayan ng Pilipinas, salamin ng identidad ng Filipino, at susi ng kaalamang bayan.
Ito ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika,
kultura, at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino
ang diwang makabansa na makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa
pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa
daigdig
B. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro at linangin din ito bilang
asignatura
Sa asignaturang Filipino lilinangin ang kasanayan ng mga estudyante sa paggamit ng wikang
pambansa sa intelektwal na diskurso na kinakailangan sa epektibong paggamit nito bilang midyum sa
iba pang asignatura.
Sa sitwasyong English ang default language ng CHEd at ng maraming unibersidad, malinaw na
ang pagbura ng Filipino sa kolehiyo ay hakbang paurong sapagkat babawasan pa nito ang oportunidad
para sa intelektwalisasyon ng Filipino.
C. Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sariling wika bilang asignatura bukod pa
sa pagiging wikang panturo nito
Sa mga bansang tulad ng Estados Unidos (USA), bahagi ng kurikulum sa kolehiyo (anuman ang
kurso) ang pagaaral ng wikang English at Literatura. Sa ibang karatig bansa tulad ng Thailand ay required
subject sa General Education program ang wikang Thai; Malaysia, ang wikang Bahasa Melayu;
Indonesia, ang wikang Bahasa Indonesia.
Lohikal ang pagkakaroon ng asignaturang wikang sarili sa antas tersyarya dahil ito rin ang
akademikong wika na kailangan sa mataas ng pag-unawa sa mga aralin at sa pagsasagawa ng
pananaliksik na makabuluhan sa mga mamamayan ng komunidad ng estudyante.
D. Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino - at may potensyal itong maging isang
nangungunang wikang global - kaya lalong dapat itong pag-aralan sa Pilipinas
Itinuturo ang Filipino at/o Panitikan at/o Araling Pilipinas sa 46 na unibersidad sa ibang bansa
gaya ng Estados Unidos, Australia, Switzerland, France, Russia, China, Japan, Canada, Malaysia, at
Brunei, bukod pa sa mahigit 40 Philippine Schools Overseas (PSOs) - pawang hayskul sa Bahrain,
China, East Timor, Greece, Kuwait, Libya, Oman, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia, at United Arab
Emirates.
Libo-libo rin ang mga estudyanteng dayuhan ang nagaaral bawat taon sa Pilipinas. Sa
pangkalahatan, nasa ranggong 31 sa 140 bilang pinakamakapangyarihang wika sa internet ang Tagalog.
Ang mga salik na ito ay lalong nagpapalakas sa potensyal ng Filipino na maging isang nangungunang
wikang global.
E. Filipino ang wika ng mayorya, ng midya, at ng mga kilusang panlipunan: Ang wika sa
demotratiko at mapagpalayang domeyn na mahalaga sa pagbabagong lipunan
Filipino ang dominanteng wika na ginagamit sa bansa at midya, gaya ng mga palabas sa
telebisyon, FM radio stations, at maging ng mga kilusang panlipunan sa Pilipinas. Filipino ang larangan
ng pampublikong diskurso, ng ordinaryong talastasan ng mga mamamayan, at ng
pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino sa kapwa Pilipino.
f. Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21
Sa konteksto ng multilinggwal na realidad ng daigdig sa panahon ng globalisasyon, hindi maaring
magpakalunod sa monolinggwalismong English ang mga Pilipino. Halimbawa na lamang ng mga South
Koreans na nagaaral ng Ingles sa Pilipinas, habang nananatiling mataas sa sariling wika, wika pa rin nila
ang kanilang ginagamit kapag sila-silang mga magkakababayan ang nag-uusap-usap.
Ang wikang sarili ang pinakamabisang tulay sa pagaaral ng sariling wika. Ang pagpaslang sa
sariling wika sa kurikulum ay pagbabawas sa oportunidad ng mga mamamayang Pilipino na maging
epektibong multilinggwal hindi lamang sa wikang dayuhan, kundi maging sa mga wikang sarili.
G. Hindi pinaunlad, hindi napaunlad, at hindi mapapaunlad ng pagsandig sa wikang dayuhan ang
ekonomiya ng bansa
Walang sapat na batayan at maling patakaran ang pagpaslang sa wikang sarili para lamang mas
pagtuunang-pansin ang pag-aaral ng mga wikang dayuhan.
Nilinaw ni Dr. Pamela Crisostomo (1996) na ang Filipino ay huwag lamang tingnan bilang isang
simbolo kundi bilang isang instrumento ng pagkakaisa at paglaya tungo sa ekonomikong pag-unlad na
magreresulta sa pag-unlad ng kaisipan ng mga mamamayan sa isang kolonyal o malakolonyal at
multilinggwal na lipunan.
KAAKIBAT NG TANGGOL WIKA ANG PSLLF SA PAGGIGIIT NA MANATILI ANG FILIPINO BILANG
SABJEK AT BILANG WIKANG PANTURO SA ANTAS TERSYARYA. HUWAG NATING SAYANGIN
ANG NAKAMIT NANG TAGUMPAY NG WIKANG FILIPINO NANG NAKALIPAS NA DEKADA.
PATULOY
TAYONG
MAG-ISIP,
MAGSULAT,
MAGLATHALA,
MAGSALIKSIK
AT
MAKIPAGTALAKAYAN GAMIT ANG WIKANG FILIPINO SA LAHAT NG ANTAS NG PAGKATUTO.
Download