Ang Pag-aaral/Pananaliksik ng Wika Mga Hakbang at Kasanayan sa Pagbuo ng Sukating Pananaliksik Paghahanda sa Pananaliksik Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng penomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali. Binubuo ito ng proseso ng paglilikom, pagtatanghal, pagsusuri, at pagpapaliwanag ng mga pangyayari o katotohanan na nag-uugnay sa espekulasyon ng tao sa katotohanan. Ito ay isang pandalubhasang uri ng sulatin na nangangailangan ng sapat na panahongpaghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral, at maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari itong maganda, mabisa at higit sa lahat, kapaki-pakinabang na pagpupunyagi. (Arrogante,1992) Sa madaling salita, ito ay masasabi nating isang obra maestra na pinaghandaan nang lubusan, maingat na isinagawa at dumaan a maraming proseso. Ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang komposisyon sa musika. Anumang komposisyon na ginagawa ay nangangailangan nang lubos na paghahanda sapagkat layunin ng anumang sumusulat na maging kaakit-akit ang kanyang magiging katha. Gaya ng sining, nais pangibabawin ng may-akda ang kagandahan at kariktan ng kanyang sinusulat. Ang kariktan ay hindi lamang makikita sa pisikal na kaanyuan ng akda at hindi rin sa pamagat kundi sa nilalaman ng paksang tinatalakay. Bilang isang manunulat, magiging patunay sa iyo na ang iyong katha ay may kariktan kung ito ay pahahalagahan ng iyong mga mambabasa at higit sa lahat may idinudulot itong kapaki-pakinabang sa kanilang buhay-personal man o profesyonal. Ang lahat ng nakikita at nararanasan nating pagbabago o pag-unlad sa kasalukuyan ay bunga ng walang hanggang pananaliksik. Sa panahon ng impormasyon, higit sa anupamang panahon, ang pananaliksik ang maituturing na pinakamahalagang kasangkapan na dapat matutuhan ng sinumang mag-aaral para mapaunlad ang sarili. Layunin ng Pananaliksik Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay naaayon sa iba’t ibang kadahilanan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod. 1. Nagbibigay ng pagkakataong makatuklas ng mga impormasyon o datos. 2. Naghahamon sa makatwirang pagpapalagay o pagtanggap ng katotohanan. 3. Nagdaragdag ng panibagong interpretasyon sa mga dating ideya o kaisipan. 4. Nagpapatunay sa valido o makatotohanang ideya, interpretasyon, palagay, paniniwala o pahayag, 5. Naglilinaw sa maladebate o pinagtatalunang isyu. 6. Nagpapakita ng makasaysayang paniniwala para sa isang senaryo. Bahagi ng Pananaliksik 1. Suliranin at Kaligiran nito- Ito ang panimulang bahagi na nagtataglay ng kaalaman tungkol sa kung ano ang suliranin na maaaring isang katanggap-tanggap na kadahilanan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik. Nagbibigay ito ng kabuuang pananaw at pagpapaliwanag ukol sa pag-aaral ng paksa at ang kalawakan nito na kung saan tinatalakay ang mga sitwasyon o pangyayari na nagpapakita ng pangangailangan ng pananaliksik. a. Rasyunal-Ang pinanggalingan ng palagay o kaisipan at ang kadahilanan kung bakit napili ang paksa ay natatalakay sa bahaging ito. Bahagi din ng diskusyon ang pagtalaky ng kanuluhan at halaga ng nasabing paksa. b. Layunin-Ang pakay o ibig na matamo sa pananaliksik ng napiling paksa ay tinutukoy sa bahaging ito, Binubuo ito ng dalawang uri: 1.Pangkabuuang Layunin-na kung saan inilalahad nang malawakan ang pananaliksik. 2.Tiyak na Layunin-na kung saan itinuturing na bahagi ng pangkabuuang layunin at ipinahahayag nito ang mga tiyak o tuwirang pakay sa pananaliksik na nasusukat, nakakamit, naoobserbahan at tinaguriang makatotohanan. c. Kahalagahan ng Pag-aaral- Ang bahaging ito ay naglalahad ng kung sino ang maaaring makinabang sa pananaliksik at kung papaano sila makikinabang dito. d. Batayang Konseptwal-Ang batayang konseptwal ay tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng mananaliksik ayon sa kanyang isinasagawang pag-aaral.Binubuo ito ng makabuluhang pagpapaliwanag ng paradima na naipakikita sa pamamaraang ipinapakita ng iskema sa ibaba. Input Proseso Awtput Ang iskema ayon kay Dy (2003) ay naglalahad ng isang tentatibo o teoretikal o konseptwal na paliwanag ukol sa problema na iniimbestigahan ng mananaliksik na siyang magsisilbing basehan sa pagbuo ng hinuha o haypotesis. E.Batayang Teoretikal- Ang batayang teoretikal naman ay naglalahad ng mga kadahilanan kung bakit kinakailangang humanap pa ng mga panibagong datoss ang mananaliksik na kanya namang susuriin, ipaliliwanag at lalagumin. Dito tinatalakay ang nakaraang deskripsyon o kasalukuyang teorya na may kahalagahan sa pag-aaral. Isinasaad ang sanggunian ng mananaliksik kung saan ipinakikita ang kaugnayan ng mga varyabol sa pag-aaral. Nagsisilbing legal na basehan ito upang ilarawang mabuti ang proseso ng pag-aaral. F.Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral-Ang bahaging ito ay tumatalakay sa delimitasyon ng pagaaral na kung saan ipinaliliwanag ang problema ng pananaliksik, ang lugar na pinagganapan, ang mga nakilahok at ang instrumentong ginamit sa pananaliksik. Tinutukoy din dito ang saklaw ng pag-aaral at ang mga hadlang habang ito ay isinagawa. G.Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita- Ang huling bahagi ng unang kabanata ay ang paglalahad ng key terms na ginamit sa pag-aaral. Ng pagbibigay ng kahulugan ay maaaring mailahad na konseptwal na kung saan ito ay base sa konsepto o ideya na kadalasang makikita ang kahulugan sa diksyunaryo o kaya naman operasyonal na kung saan ang konsepto o ideya ay base sa kung papaano nagamit sa pag-aaral 2. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Kaugnay na Literatura-Matutunghayan sa bahaging ito ang mga nakalap na referensyang may kaugnayan sa ginagawang pag-aaral. Maaaring humango sa mga aklat, disertasyon, tesis, dokumento, artikulo at iba pang sanggunian. Isinusulat muna ang nakuhang pahayag sa bawat awtor at isinusulat sa katapusan ng pahayag ang apelyido ng awtor at isinusulat sa katapusan ng pahayag ang apelyido ng awtor. At taon ng pagkalathala o pagkagawa nito. Kaugnay na Pag-aaral- Ito ay kinapapalooban ng mga ideyang hinango sa mga tesis at disertasyon. Sa bawat pahayag na kinuha, isinusulat ang apelyido ng mananaliksik at ang taon ng pagkakagawa ng pag-aaral. Kailangang pagbukurin ang mga ideyang hinango mula sa mga lokal at dayuhang pag-aaral. Ang mga lokal na pag-aaral t literatura ay hango sa mga pag-aaral na ginawa sa loob ng bansa at ang dayuhang pag-aaral ay hango naman sa mga pag-aaral sa gawa sa ibang bansa. Mga Halimbawa: Banyaga (mula sa tesis ni Leonora L. Yambao na may pamagat na “Mungkahing Gabay sa Pagaaral sa Asignaturang Pamamaraan ng Paguturo,”1999) Ayon kay Ornstein (1990), ang gurong may sapat na karanasan ay may kakayahang gumamit ng iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo gayundin ng akmang kagamitan sa anumang asignatura upang mabigyan ng iba’t ibang karanasan ang mga mag-aaral. Lokal (mula sa tesis ni Yambao) Mula sa pagpapahayag nina J. Dagoon at N. Dagoon(1996), ang pamamaraan ay siyang pinakamahalaga at ang paksa ang pangalawa. Ang lahat ng guro ay kinakailangang ihanda ang sarili sa paksa at pamamaraan sapagkat ang pamamaraan ay ang lantad na pagpapakita ng layunin ng edukasyon. 3.Metodo at Pamamaraan-Ang metodo ay ikatlong bahagi ng isang formal na pananaliksik o tesis. Saklaw nito ang mga sumusunod: lugar ng pag-aaral, disenyo ng pananaliksik, teknik sa pamimili ng populasyon o ng mga representatnte ng populasyon, kalahok sa pag-aaral, mga instrument sa pananaliksik, kagamitan sa pananaliksik, hakbang sa paglikom ng datos, statistical tools, at presentasyon at pagsusuri ng mga datos. Ang lugar ng pag-aaral ay ang lugar ng pananaliksik; kailangan itong isalarawan sa ginagawang pananaliksik. Mahalaga ring tukuyin sa bahaging ito ang disenyo ng iyong pananaliksik, kung ito ay deskriptibo, historikal, eksperimental, atb. Dapat ding tukuyin ng mananaliksik ang mga kagamitan sa pananaliksik o pagkalap ng datos para sa pag-aaral at mga pamamaraan ng pagvalideyt. Sa panahong ito, ang mga istatistikal na paraan ay dapat mapili upang maibigay ang mga istatistikal na paraan ay dapat mapili upang maibigay ang mga tamang istruksyon sa tagagawa ng programa. Sa bahagi ring ito ginagawa ang pagpili ng mga magiging kalahok ng pananaliksik. Maaaring makuha ang mga ito sa probability at non-prpbability sampling technique, depende sa pinag-aaralan. Ang pagtukoy sa mga kalahok sa pananaliksik ay napakahalaga dahil maaari nitong masira ang katotohanan ng pananaliksik. Pamamaraan sa Pangongolekta ng Datos Ang isang mahusay na pananaliksik ay dapat magkaroon ng isang epektibo at sistematikong pamamaraan sa pagkolekta sa mga datos. Kailangang maging maingat ang isang mananaliksik sa pagpili o paghahanda ng pamamaraan sa pangongolekta ng mga datos na babagay o aakma sa disenyo ng pananaliksik na kanyang napili. Kaya, nararapat lamang na ipresenta nang detalyado ang disenyo ng pananaliksik nang maipaliwanag ang validasyon nito. A.Pagmamasid o Obserbasyon-Ang pamamaraang ito ay madalas gamitin sa mga pananaliksik na may kinalaman sa edukasyon at sikolohikal o saykolohikal riserts.Ang mananaliksik ay nagmamasdi sa lugar ng kanyang pananaliksik. Tatlong uri ng obserbasyon 1. Malayang obserbasyon-malayang sitwasyon na kung saan ang mananaliksik o observer ay nanonood sa mga ginagawa ng kanyang mga kalahok sa pananaliksik o respondents/informant.Ang mga namasid ay malayang naitatala upang magamit bilang karagdagan sa pangunahing pamamaraan sa pangongolekta ng datos. 2. Binalangkas na obserbasyon-Gumagamit ng mga gabay sa pagmamasid na ito.May limitasyon o kontrol sa uri ng pagmamasid na ito. Mga tiyak na gawain lamang ng mga kalahok ang inoobsebahan na may kaugnayan sa suliranin. 3. Partisipasyon ng obserbasyon- Sa ikatlong uri naman, may partisipasyon ang mananaliksik sa gawaing ito.Sumasali ang tagamasid sa mga gawain o aktivis ng mga minamasid.May mga pagkakataon ding ang mananaliksik o tagamasid ay tumitira o nakikisalamuha sa grupo sa loob ng ilang araw hanggang sa malaman niya ang mga dapat niyang malaman tungkol sa kanyang pinag-aaralan. B.Pakikipanayam o Interbyu-Ang pakikipanayam ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Ang gawaing ito ay nakatutulong nang malaki sa paghahanap ng mga impormasyong kailangan natin sa ating pananaliksik. Sino ang dapat na interbyuhin? Ang pagpili ng tamang iinterbyuhin ang siyang pangunahing batayan. Sa ganitong gawain, nararapat lamang na maging maingat sa pagpili ng taong kakapanayamin sapagkat nakasalalay sa taong kanyang iinterbyuhin kung magiging kapaki-pakinabang ang kanyang mga makukuhang imporasyon. Ang mga sumusunod ay maaaring magbigay gabay sa mga mananaliksik ukol sa wastong pagpili ng taong iinterbyuhin: • Ito’y ang taong may pinakamahusay na awtoridad sa larangan pinag-aaralan. • Nagtataglay siya ng malawak na kaalaman para sa paksa. • Siya ay dapat na mapagkakatiwalaan. • May sapat na panahon para sa interbyu. Kung minsan, kahit na alam nating magaling ang isang tao sa larangang ating napili, may mga pagkakataong hindi niya maibibigay ang mga kaalamang ating kailangan. Iba-iba ang mga kadahilanan ng mga taong sangkot sa ganitong sitwasyon. Halimbawa ay hindi niya ibabahagi ito sa halip ay maglalahad siya ng mga maling impormasyon.Maaari rin namang siya ay may kinakatigang tao o kaya ay maaaring isang ideya. Mahalaga pa ring malaman kung ang taong kakapanayamin ay may panahon para sa interbyu.Karaniwan na sa mga taong mahuhusay ay laging abala., sapagkat magaling ay bantog kung kayat bukod sa iyo marami pang tao ang nagnanais na siya ay interbyuhin.Sa pagkakataong mabatid na siya ay walang panahon,huwag nang mag-aksaya pa ng panahon para siya hintayin.Maaaring maghanap pa ng iba pang taong maaaring pagkuhanan ng mga mahahalagang impormasyon para sa paksang pinagaaralan.Isipin rin naman na hindi iisang tao lamang ang maaaring pagsanggunian.Upang lubos na lumawak ang paksang pag-aaralan mas magiging. Mabisa kung marami ang pagbabasehan. Ang Pagpaplano sa Interbyu Upang maging mabisa ang pakikipanayam, pangunahing kailangan ang kahandaan. Maaaring magtanung-tanong o kaya naman ay magbasa-basa kung sino ang tamang taong malalapitan upang interbyuhin. Sa ganitong paraan, ito ay makatutulong sa pagtitipid ng oras at pagod. Kung napag-alaman na kung sino ang target na iinterbyuhin, maaari nang paghandaan ang mga sumusunod: sa pagkikita: • Sulatan o kaya ay tawagan sa telepono ang taong ibig interbyuhin. • Kung kinakailangan, dalhin nang personal ang sulat, kung hindi naman ito magawa sa iba’t ibang kadahilanan.O kaya ay ipadala sa e-mail. • Kung walang kasagutan sa loob ng maraming araw ay pasubaybayan (follow-up) sa pamamagitan ng telepono. • Sa mga pagkakataong malapit na kaibigan ang taong iinterbyuhin, maaaring tawagan na lamang siya. • Anumang paraan ang gagamitin, huwag kalimutan na banggitin ang pangalan at ang pinagmulan. • Sabihin ang layunin ng panayam. • Banggitin ang panahong kailangang maisagawa ang interbyu o ang panahong gagamitin sa interbyu. • Itanong kung saang lugar ang pinakakomportable para sa kanya. • Maaaring bigyan ng listahan ng mga tanong na gagamitin ang taong iinterbyuhin. • Kung tiyak na ang oras ang panayam, muling ipaalala ito bago sumapit ang takdang oras. Sa ganito ay makatitiyak na hindi maghihintay nang matagal at hindi masasayang ang panahon. Ang Preparasyon ng mga Tanong sa Interbyu Ang paghahanda ng mga tanong ay nakatutulong nang malaki sa panig ng mag-iinterbyu at iinterbyuhin. Lalo na kung kaunti lamang ang maiuukol na panahon ng kakapanayamin ay madali niyang maihahanda ang sarili. May panahon siyang magamit ang kanyang mga sanggunian, magtanong sa mga kasamahan at paikliin ang kanyang mga sagot. Sa panig ng mag-iinterbyu ay makapaghahanda siya ng matatalinong tanong.Maiiwasan ang paliguy-ligoy na pagtatanong. Maiaayos niya ito nang sunod-sunod ayon sa kahalagahan. Kailangang tandaan na dapat iwasan ng isang nag-iinterbyu ang mga personal na tanong, mga tanong na maaaring magdulot ng kabagutan sa iniinterbyu. Ang Pag-iinterbyu Itoang araw na pinakahihintay ng taong mag-iinterbyu. Sa pagsapit ng takdang panahon ng interbyu ay nararapat na maging handing-handa. Sa pagdating ng araw na ito maaaring maging gabay ang mga sumusunod: • Kailangang dumating sampung minuto bago ang takdang oras. Higit na mabuti na ang humingi ng interbyu ang mauunang dumating kaysa paghintayin ang kakapanayamin. • Magdala ng papel at panulat. • Maaaring magdala ng camera o tape recorder para sa higit na makatotohanang interbyu. • Simulan sa pagpapasalamat sa kanyang pagpapaunlak. • Limitahan ang pagtatanong sa napagkasunduang listahan • Kung may iba pang inaakalang mahalagang-mahalaga ay gamitin ang sariling pagpapasya. • Iwasan ang personal na tanong at ipakita ang paggalang twina. • Tapusin ang panayam sa ipinangakong oras. • Humingi ng pahintulot na makabalik o makatawag sa telepono kung kinakailangan. Talatanungan o Kwestyoner Ang talatanungan ay lipon ng mga nakasulat na tanong ukol sa isang paks, inihanda at ipinasagot sa layuning makakuha ng mga sagot at opinyon mula sa mga taong kalahok sa pananaliksik. Ito ay isang napakahalagang instrument sa pangangalap ng impormasyon ukol sa ginagawang pananaliksik. Ang bawat talatanungan ay kinakalingang may kalakip na sulat, na magalang na humihingi ng kooperasyon mula sa respondent na magbigay ng tamang impormasyon sa ikatatagumpay ng ginagawang riserts. Format ng Papel Pananaliksik I. Ang Suliranin at Sandigan Nito a. Panimula b. Balangkas Konseptwal at Teoretikal c. Paglalahad ng Suliranin d. Kahalagahan ng Pag-aaral e. Saklaw at Demilitasyon ng Pag-aaral f. II. Katuturan ng mga Katawagang Gamit Kaugnay na Literatura at Pag-aaral a. Kaugnay na Literatura 1.Banyaga 2.Lokal b. Kaugnay na Pag-aaral 1. Banyaga 2. Lokal III. Metodo at Pamamaraan a. Disenyo ng Pananaliksik 1..Pamamaraan ng Pananaliksik 2.Mga Tagatugon/informant 3.Lugar ng Pananaliksik 4.Instrumento 4.1.Talatanungan 4.2.Pakikipanayam 4.2.Pagsusuri ng Dokumento 4.3Pagsusuri ng Dokumento 4.4.Pagmamasid 5.Pangongolekta at Pagsasaayos ng mga Datos 6.Pagtataya