Uploaded by April Rhose Claridad Albito

CSE-Reviewer-PART-II

advertisement
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
V. PAGTATALATA
Basahin at ayusin ang mga pahayag ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng kaisipan
upang makabuo ng makabuluhang talata.
1-3. A. Ayon sa batas na ito, pagbabayarin ang mga may-ari ng kompanya at sasakyan na
nakapipinsala sa kalidad ng hangin dahil sa mga usok na binubuga nito.
B. Ang “Clean Air Act” ay isang batas na naglalayong mapanatiling malinis ang ating hangin.
C. Sa ibang banda naman, ang mga kompanyang magkakabit o maglalagay ng mga gamit laban
sa polusyon sa kanilang lugar ay bibigyan ng “tax break”
D. Ano nga ba ang “Clean Air Act”?
1. Ano ang wastong ayos ng mga pangungusap na makabubuo ng isang makabuluhang
talata?
a. A-D-B-C
b. B-D-A-C
c. D-A-B-C
d. D-B-A-C
2. Kung daragdagan ng isang pangwakas na pangungusap ang mga nasa itaas, alin sa mga
sumusunod ang pinaka-angkop?
a. Ang “Clean Air Act” ang tamang solusyon sa lahat ng polusyon.
b. Alamin ang tungkol sa “Clean Air Act”.
c. Kung ikaw ang may-ari ng kompanya, sang-ayon ka ba sa “Clean Air Act”?
d. Tumulong mapanatiling malinis ang hangin.
3. Ano ang pinaka-angkop na pamagat sa nabuong talata?
a. Ang Kalinisan
c. Ang Hangin
b. Ang Clean Air Act
d. Ang Kompanya
4-6. A. Ayon sa saligang batas, maraming mga katangiang dapat taglayin ang sino mang nagnanais na
maging Presidente ng bansa.
B. Ikalawa, nararapat din siya ay rehistradong botante at marunong bumasa at sumulat.
C. Isa pang mahalagang katangian ay kinakailangang 40 taon man lamang siya sa araw ng
halalan.
D. Isa sa mga katangiang ito ay nararapat na isa siyang katutubong ipinanganak na mamamayan
ng Pilipinas.
E. At ang huli ay nararapat na siya ay residente ng Pilipinas sa loob ng sampung taon bago
dumating ang halalan.
4. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap na makabubuo ng
makabuluhang talata?
a. A-B-C-D-E
b. A-B-D-C-E
c. A-D-B-C-E
d. A-D-C-B-E
5. Ano ang pamamaraang ginamit upang mabuo ang talata?
a. pagbibigay ng sanhi at bunga
b. paglalarawan
c. paghahambing
d. pag-iisa-isa o enumerasyon
6. Anong pangungusap ang nabgsasabing hindi maaaring maging Presidente ng bansa ang
isang dayuhan?
a. pangungusap B
c. pangungusap D
b. pangungusap C
d. pangungusap E
7-8. A. Ang mga ito ay nagmula sa Gitnang Asya at naglakad sa mga tulay na lupang nagkakabit ng
iba’t-ibang bahagi ng Asya sa Pilipinas.
B. Sila ay sinundan ng Indones na galing sa Timog Silangang Asya.
C. Ang pinakaunang pangkat ng mga tao sa Pilipinas ay ang mga Ita o Negrito.
D. Ang huling pangkat naman na dumating upang manirahan dito sa ating bansa ay ang mga
Malay na nagmula rin sa Timog Silangang Asya.
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
7. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap na makabubuo ng
makabuluhang talata?
a. A-B-C-D
b. C-A-B-D
c. C-B-D-A
d. C-B-A-D
8. Ano ang pambungad na paksang pangungusap ang angkop para sa talatang nabuo?
a. May tatlong pangkat ng tao ang dumating ditto sa Pilipinas noong unang panahon.
b. Tatatlong tao lamang ang pangkat ng mga sinaunang Pilipino.
c. Tatlong pangkat ang mga Pilipino ngayon.
d. May tatlong sinaunang Pilipino.
9. Kung idaragdag bilang pangungusap E ang sumusunod na pangungusap: “Ang mga Indones
ay dumating nang dalawang bugso may limang libong taon na ang nakararaan”; ano ang
magiging panibagong pagkakasunud-sunod ng mga pangungusap upang makabuo ng
makabuluhang talata?
a. A-B-E-C-D
c. C-B-E-D-A
b. C-A-B-E-D
d. C-B-E-A-D
10.
A. Siya ay naging lahing matatag, may sariling panindigan at matalino.
B. Ang Pilipino ay masasabing isang lahing binubuo ng sari-saring kultura.
C. Taglay niya ang pagkarami-raming kabihisang galing sa mga Kastila, Amerikano, Intsik,
Hapon at iba pang mga bansang sumakop sa bayan ng nakaraang dantaon.
D. Dahil sa pangyayaring ang kabuuan ng katauhang Pilipino ay pinaghalu-halong kagawian
at kaugalian, tinatayang ang Pilipino ay lalabas na isang tulirong nilikha.
E. Ngunit balintuha ang nangyari.
a. B-C-E-A-D
b. A-B-C-D-E
c. B-C-D-E-A
d. BDACE
11.
A. Ito ay parang ibon na maamo sa mga taong nagpapala sa kanya at mailap sa mga nagwawalangbahala.
B. Tagumpay ang hangad ng bawat tao ngunit ang tagumpay nama’y ‘di mapapakamit sa lahat ng tao.
C. Sikat at tiyaga ang kailangan upang ito’y matamo.
D. Sino mang magkapalad na makamit nito ay nagiging tampulan ng paghanga at nagsisilbing
huwaran ng iba.
a. B-A-C-D
b. B-C-A-D
c. C-D-A-B
d. B-D-C-A
12.
A. Ang mundo ay isa sa mga planetang umiikot sa paligid ng araw.
B. Samantalang umiikot ang araw, ang mundo’y nakatagilid nang bahagya sa isang tabi.
C. Ito rin ang dahilan kung bakit may taglamig, tagsibol, tag-init, at taglagas.
D. Kaya may panig ng daigdig na may maikling araw at mahabang gabi samantalang sa kabilang
panig naman ay may mahabang araw at maikling gabi sa isang bahagi ng taon.
a. A-B-C-D
b. B-C-A-D
c. A-B-D-C
d. A-D-B-C
13.
A. Isa na marahil sa pinakanakalilibang na gawain sa buhay ay ang magmasid ng mga tao sa
lansangan.
B. Mayroon namang mga taong magdasal ay taimtim rin ngunit pormal.
C. Mayroong taimtim na taimtim at madamdaming magdasal, nakapikit, panay ang buntonghininga, at walang tigil ang mga labi sa pagbulong ng mga dalangin.
D. Hindi sila bumibigkas ng anumang panalangin, seryoso, nakadilat, at nakatuon ang mga mata
sa altar na parang nakikita ang Diyos.
E. Ngunit higit na nakalilibang ang magmasid ng mga tao sa simbahan kung araw ng Linggo.
a. A-E-C-B-D
b. A-E-B-D-C
c. A-E-C-D-B
d. C-B-D-A-E
14.
A. May mga pagkakaibang ayos sa kakayahan: ugali, damdamin, at kaisipan depende sa
kinamulatan ng tao.
B. Ang isang bata, halimbawa, ay maaaring matakot sa pambubulyaw o pagsisigaw.
C. Ito ay totoo, hindi lamang sa mga matatanda kundi ito ay totoo rin sa mga bata.
D. Batid nating hindi pare-pareho ang ugali ng tao.
E. Subablit, may mga bata rin naman na hindi kaagad-agad mapapasunod sa gusting ibig
mangyari ng mga nakakatanda.
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
a. C-E-A-B-D
b. D-E-B-C-A
c. A-D-E-B-C
d. B-A-C-D-E
15.
A. Ang mga kabataan ay mga lider ng bansa sa kinabukasan.
B. Sila ang magiging haligi at sandigan ng bansa.
C. Bagaman mabigat na pasanin, ito ay hindi nila maiiwasan pagsapit ng panahong wala na ang
mga lider na matatanda.
D. Sila ang mga mamamatnubay sa mga mamamayan patungo sa landas ng tagumpay.
E. Sa kanilang mga balikat, nakaangat ang kapalaran ng Pilipinas.
a. A-B-C-D-E
b. B-C-D-E-A
c. C-A-B-D-E
d. D-E-C-B-A
16.
A. Sa ating mga Pilipino, waring ang panahon na iyan ay napakatagal na.
B. Maaaring ang sunod-sunod na panahong pagsupil sa atin ng mga banyaga ay sumisipsip sa
ating pagtitiwala sa sarili.
C. Ang imitasyon ay isang madaling gabay sa nagsisimula, tulad ng isang batang kumokopya sa
pamamagitan ng “tracing paper”.
D. Ngunit, kailangang makausad ang batang iyan matapos ang panahon ng “apprenticeship”, ang
panahon ng imitasyon.
E. Waring takot tayo na alisin anbg “tracing paper”.
a. C-B-A-D-E
b. C-D-A-E-B
c. E-C-D-B-A
d. C-D-E-A-B
17.
A. Sigasig sa pagtatrabaho ang kailangan upang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay.
B. Unahin ang pinakamahalagang gawain na kailangang matapos sa oras na ang katawan at isip
ay nasa pinakamahusay na kondisyon pa.
C. Sa pagtatapos ng mga nakahandang gawaing ito, isantabi ang mga emosyon at pairalin ang
determinasyon.
D. Ngunit sa paanong paraang pinakamahusay nating magagamit ang oras at abilidad na
ipinagkaloob sa atin?
E. Gumawa ng listahan ng anim na pinakamahalagang gawain na kailangang matapos sa bawat
araw.
a. E-A-B-C-D
b. E-D-A-B-C
c. A-B-C-D-E
d. A-D-E-B-C
18.
A. Ang ganitong pagtutulungan ay mahalaga sa pag-unlad ng buong bayan.
B. Subalit ang mga suliraning ito ay madaling malulunasan sa pamamagitan ng pagtutulungan at
pagkakaisa.
C. Halimbawa, kung ang isang mag-anak ay magtutulungan sa paglutas ng kanilang suliranin, ang
pamahalaan at mga taong bayan ay dapat ding magtulungan upang malutas ang mhga suliranin ng
bayan.
D. Ang karaniwang tao ay may suliranin kaya hindi kataka-taka na ang pamahalaan ay magkaroon din ng
mga suliranin.
E. Marahil ay higit na marami at mabigat ang mga suliranin ng pamahalaan.
a. D-C-A-B-E
b. D-B-A-C-E
c. D-E-B-C-A
d. D-A-C-E-B
19.
A. Sa unang tingin, ang pagdagsa ng mga mangagawang Pilipino sa ibang bansa ay kapakipakinabang sapagkat magpapasok ito ng maraming dolyar sa bansa.
B. Subalit kapag sinuring mabuti, ito ay isang malaking kawalan sa sariling industriya na
nakapagpapabagal sa kaunlaran ng buong bansa.
C. Ang walang tigil at maramihang pagpunta ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa ay
masasabing hindi lamang paghahanap ng higit na luntiang pastulan.
D. Ito ay nagiging isang pagtakas na rin mula sa suliraning dulot ng ating kasalukuyang
ekonomiya.
E. Higit sa lahat, ito ay pagtakas sa kawalan ng hustisyang tinatanggap sa kamay ng mga
namumuhunan at negosyante.
a. A-D-E-C-B
b. C-D-E-A-B
c. C-E-D-B-A
d. C-A-B-D-E
20.
A. Manapa’y higit na kailangang maipakita sa buong mundo na ang demokrasya ay ginagamit sa
tamang paraan upang matamo ang katagang political at pangkabuhayan.
B. Dito malalaman ang uri ng mga kandidatong mahahalal at kung hanggang saan ang
kamulatang political ng mamamayan.
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
C. Mahalaga ito hindi man lang sa mga kandidato pati na rin sa mga mamamayan ng bansa.
D. Kung tutuusin, isang malaking pagsubok para sa bayang demoktratiko ang eleksiyon.
E. Kaya hindi lamang maipagmamalaki ang pagkakaroon ng demokrasya sa ibang bansa.
a. D-E-C-A-B
b. C-D-A-E-B
c. D-C-B-E-A
d. E-B-C-A-D
21.
A. Kailangang magamit din nila iyan upang matulungang umunlad, lalo na ang pinakamahirap
na tao sa Pilipinas, yaong magsasakang nalilimot na; yaong mga kulang sa edukasyon o
karunungan.
B. Ang karunungang natanggap nila mula sa pamantasan ay hindi nararapat maging para sa sarili
lamang.
C. May bagong panukala kami para sa mga estudyante naming may pambihirang karunungan.
D. Ikinikintal naming sa kanilang pag-iisip na hindi uunlad ang bayan natin kung hindi nila
ibabahagi sa iba ang kanilang pambihirang karunungan.
E. Ang pambihirang karunungan ay isang pambihirang biyaya.
a. C-D-A-E-B
b. B-E-A-D-C
c. C-B-A-D-E
d. E-C-D-B-A
22.
A. Sila ay naharap sa ganitong kapalaran dahil sa pagbaba ng kanilang saloobin sa gawaing
nangangailangan ng lakas ng tao.
B. Kadalasan, masaklap ang nagiging bunga ng maling pagpili ng mga tao sa karunungang nais
nilang tuklasin.
C. Hindi nila batid na ang kaunlaran ay nasa ganitong gawain.
D. Marami ang nakapagtapos subalit hindi makakita ng hanapbuhay.
E. Kaya ang iba na nais makipagsapalaran at magamit ang kanilang pinag-aralan ay pumayag na
madestino kahit sa liblib na pook.
a. B-E-A-D-C
b. C-B-A-D-E
c. A-C-D-E-B
d. B-D-E-A-C
23.
A. Hinahasa nito ang mga bata sa pagkakaroon ng disiplina.
B. Sa paglalaro natututo ang mga bata ng pagiging maliksi at malakas.
C. Mahalaga ang paglalaro.
D. Sa kabuuan, mahalaga ang paglalaro sa pagkatuto ng mga bata sa papel na gagampanan nila sa
lipunan.
E. Bahagi ito ng buhay ng kabataan.
a. B-A-C-E-D
b. B-E-C-A-D
c. C-B-E-A-D
d. C-E-B-A-D
24.
A. Naniniwala akong gawaing ibinigay sa kanya kaya niya.
B. Naniniwala akong kaya niya ang gawaing ibinigay sa kanya.
C. Ang gawaing ibinigay sa kanya ay naniniwala akong kaya niya.
D. Kaya niya ang gawaing ibinigay sa kanya, naniniwala ako.
E. Ibinigay sa kanya, naniniwala akong kaya niya ang gawain.
25.
A. Magulo na ang paligid, kaya ginagawa na ng mga nakakatandang pinuno ang lahat upang ang
sitwasyon ay maging maayos.
B. Upang maging maayos ang sitwasyon, ang mga matatandang pinuno ay ginagawa ang lahat,
kahit na magulo ang paligid.
C. Ang mga nakakatatandang pinuno ay ginagawa ang lahat, kahit na magulo ang paligid upang
maayos ang sitwasyon.
D. Ginagawa na ng mga makakatandang pinuno ang lahat upang maging maayos ang sitwasyon
kahit na magulo ang paligid.
E. Kahit na napakagulo ng paligid, ang mga nakatatandang pinuno ay ginagawa ang lahat upang
maging maayos ang sitwasyon.
26.
A. Sa pamamagitan ng kasaysayan ay natutunghayan muli ang makukulay na lumipas ng
magigiting na tao.
B. Sa pamamagitan ng kasaysayan, ang lumipas na makukulay ng magigiting na tao ay muling
natutunghayan.
C. Ang makukulay na lumipas ay natutunghayan muli ng magigiting na tao sa pamamagitan ng
kasaysayan.
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
D. Muli ang makukulay na lumipas ng mga taong magigiting ay natutunghayan sa pamamagitan
ng kasaysayan.
E. Natutunhayan muli ang lumipas ng magigiting na tao na makukulay sa pamamagitan ng
kasaysayan.
27.
A. Magiging makahulugan sa mga bata ang mga pang araw-araw na balita kung makikita nila ang
pinangyarihan nito.
B. Ang pinangyarihan ng mga balita na pang-araw-araw sa mga bata kung makikita nila ay
magiging makahulugan.
C. Sa mga bata ay makahulugan ang mga pang-araw-araw na balita kung makikita nila ang
pinangyarihan nito.
D. Ang mga balitang pang-araw-araaw sa mga bata ay magiging makahulugan kung ang
pinangyarihan nito ay makikita nila.
E. Ang mga balitang pang-araw-araw sa mga bata at ang pinangyarihan nito ay magiging
makahulugan kunga makikita nila.
28.
A. Walang pasubali na ang isang taong may kakayahan sa maayos na pangangatwiran ay uunlad
sa kanyang propesyon.
B. Walang pasubali ay uunlad sa kanyang propesyon na ang isang taong may kakayahan sa maayos
na pangangatwiran.
C. Ang isang taong may kakayahan sa maayos na pangangatwiran ay uunlad sa kanyang
propesyon, walang pasubali.
D. Uunlad sa kanyang propesyon ay walang pasubali ang isang taong may kakayahan sa maayos
na pangangatwiran.
E. May kakayahan sa maayos na pangangatwiran, walang pasubali na ang isang tao ay uunlad sa
kanyang propesyon.
29.
A. Masaya, sapagkat lahat ay payak at walang pagkukunwari ang buhay bata.
B. Masaya ang buhay bata sapagkat lahat ay payak at walang pagkukunwari.
C. Ang buhay bata ay masaya sapagkat payak at walang pagkukunwari ang lahat.
D. Ang buhay bata sapagkat payak at walang pagkukunwari lahat ay masaya.
E. Sapagkat walang pagkukunwari at payak lahat, ang buhay bata ay masaya.
30.
A. Ang puwersang militar ng Pilipinas at Amerika sa pagpapatupad ng malawakang pagsasanay
ay nagkasundo upang sugpuin ang terorismo sa Pilipinas.
B. Sa pagpapatupad ng malawakang pagsasanay, ang puwersang militar ng Pilipinas at Amerika
upang sugpuin ang terorismo sa Pilipinas ay nagkasundo.
C. Sa pagpapatupad ng malawakang pagsasanay upang sugpuin ang terorismo sa Pilipinas ang
puwersang militar ng Pilipinas at Amerika ay nagkasundo.
D. Sa pagpapatupad ng malawakang pagsasanay, nagkasundo ang puwersang militar ng Pilipinas
at Amerika upang sugpuin ang terorismo sa Pilipinas.
E. Nagkasundo ang puwersang militar ng Pilipinas at Amerika sa pagpapatupad ng malawakang
pagsasanay upang sugpuin ang terorismo sa Pilipinas.
VI. PAG-UNAWA SA BINASA
31. Ang isang mabuting pinuno ay hindi nagtatrabaho para sa pansariling katanyagan. Sa halip,
nagtatrabaho siya upang maging makabuluhan ang kanyang gawain para sa lahat. Walang
maaasahan sa isang pinuno na ang layunin lamang ay pansariling kasiyahan, pagsasamantala
sa kapwa, pagpapasakit, at pagyayabang.
Isinasaad ng talata na
A. Dapat taglayin ng isang pinuno ang katangiang mamuno, una sa sarili bago sa iba.
B. Hindi gawang biro ang maging isang pinuno.
C. Ang isang mabuting pinuno ay handing mag-alay ng kanyang buhay para sa lahat.
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
D. Ang tunay na pinuno ay may totoong pagmamalasakit sa kapakanan ng lahat.
E. Ang isang tao ay mabuting pinuno kung mayroon siyang pagmamahal sa kapwa.
32. Ibig ko na ang ating mamamayan ay yumabong at maging katulad ng isang molave. Malakas
at matatag, nakatindig sa gulod, walang takot sa sagasa ng baha, sa mga kidlat at bagyo, may
tiwala sa sariling lakas.
A. Dapat matulad sa isang molave ang mga mamamayan upang mabuhay ng matagal.
B. Matibay ang molave sa pagsalungat sa mga bagyo at baha kaya ito ay ginagamit sa
pagpapatayo ng mga gusali.
C. Matibay na pundasyun ang kailangan sa pagtatayo ng isang bansa at ito ay nakasalalay
sa mga mamamayang matatag.
D. Nararapat na maging matatag ang mga mamamayan tulad ng isang molave sa mga
oras ng kagipitan.
E. Dapat tularan ng mga mamamayan ang isang molave sa katatagan nito sa pagsalungat
sa mga unos ng buhay.
33. Ang mga natutuhan sa pagkakamali ay hindi magiging makabuluhan kung hindi gagamitin sa
mga gawain sa kinabukasan. Ang isinisaad ng pangungusap ay
A. Natutuhan ng tao ang kanyang pagkakamali ayon sa kanyang pansariling kakayahan at
pang-uunawa.
B. Nakakabuti sa isang tao na pagsisihan ang kanyang pagkakamali.
C. Ang kinabukasan para sa taong nagkamali ay hamon sa buhay.
D. Ang mga aral buhat sa naunang pagkakamali ay dapat maging makabuluhan sa buhay
ng tao.
E. Ang mga aral buhat sa naunang pagkakamali ay dapat maging batayan ng isang tao sa
mga susunod niyang gagawin.
34. Itinuturing na isang mahalagang institusyon sa lipunan ang paaralan. Dito natatamo ng mga
kabataan ang edukasyong kanilang gagamitin sa pagharap sa kinabukasan. Mangyari pa,
iginagawad ng lipunan sa mga paaralan ang banal na tungkulin sa wastong paghubog sa
kaisipan ng mga kabataan na siyang itinuturing na magiging haligi ng bayan sa kinabukasan.
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing diwa ng talata
A. Napakahalagang tungkulin ang ginagampanan ng mga paaralan sa paghubog sa mga
kabataan para sa matatag na lipunan.
B. Ipinauubaya ng lipunan sa paaralan ang lubusang paghuhubog sa mga kabataan.
C. Higit na mahalagang institusyun sa lipunan ang paaralan kaysa sa pamilya at
simbahan.
D. Tungkulin ng mga paaralan na bigyan ng mahusay na edukasyon ang mga kabataan
para sa kanilang kinabukasan.
E. Nararapat isaalang-alang ng mga paaralan ang katotohanan na nasa kabataan ang
kaunlaran ng bayan.
35. Kung tutuusin, ang musika ay bahagi ng ating buhay. May musika saan mang sulok ng
daigdig. Bawat bansa ay may dinadakilang tugtugin o awitin. Kahit man ang maliit na tribu ay
may sarili at katutubong himig din. Sa tugtuging likas sa kanila, naipadarama nila ang kanilang
ugali, damdamin, at kaisipan. Ang hindi nila maipapahatid sa pamamagitan ng salita o panulat
ay kanilang naipauunawa sa pamamagitan ng musika.
Ang isinasaad ng talata ay
A. Bilang bahagi ng kultura ng isang bansa, ang musika ay kailangang tangkilikin at
paunlarin ng mga mamamayan.
B. Ang musika ay maaaring pamalit sa mga salitang binibigkas o sinusulat.
C. Ang mga tao sa daigdig ay likas na mapagmahal sa musika, katutubo man o
makabago.
D. Ang pinakamaliit mang tribu sa daigdig ay may musika para sa kanilang mga ritwal at
kasayahan.
E. Di-mapasusubalian na ang musika ay napakahalagang bahagi ng kultura ng mga bansa,
maliit man o malaki, mahirap man o mayaman.
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
36. Ang mga eksperto sa pagpapalakas ng katawan ay nagkaisa sa paniniwalang ang ehersisyo ay
isang paraan upang mapanatili ang katawan at kasiglahan ng isang tao. Ayon sa kanila, ang
katawan ay tulad ng isang makina na nangangailangan ng regular na pangangalaga. Kapag
pinabayaan ito, gaya ng isang makina, ay natutuyuan. Upang mapalagi itong masigla,
kailangan itong mapabilang sa masisiglang gawain.
Isinasaad ng pangunahing diwa ng talata na:
A. Ang ehersisyo ay nakakatulong sa sa pag-alis o pagbabawas ng nadaramang tension na
siyang nagpapatanda sa isang tao.
B. Ang hindi pag-eehersisyo ay totoong nakapagpapahina sa katawan ng tao, lalong-lalo
na sa mga lalaki.
C. Ang ehersisyo at wastong pagkain lamang ang nagpapalakas at nagpapasigla sa isang
tao.
D. Kailangan ng isang tao ang regular na ehersisyo upang manatili siyang bata, masigla,
at malusog.
E. Ang katawan ng isang tao ay katulad ng isang makina na kailangan gamitin araawaraw.
37. Sa abalang pamumuhay ay sadyang kailangan ang pamamahinga sa pamamagitan ng
paglilibang. Ngunit, ang paglilibang ay hindi dapat mangahulugan ng ganap na pag-aaliw,
manapay dapat ding makapagpayaman ito sa diwa ng pagkatao.
Ang talata ay nagsasaad na
A. Ang pamamahinga ng isang tao ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paglilibang.
B. Upang makapagpahinga ng husto, kailangan ng isang tao ang lubusang paglilibang.
C. Kahit sa paglilibang, kailangan ding maging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang
mga gagawin ng isang tao.
D. Sa dami ng ginagawa ng tao sa kasulukuyang panahon, nakakalimutan na nila ang
paglilibang.
E. Ang paglilibang ay mahalaga sa buhay ng isang tao.
38. Likas sa tao na pag-ukulan ng pagpapahalaga at mahalin ang mga bagay bagay na kapakipakinabang para sa kanya. Kaya, wala ng alinlangan pa ang pag-uugnay ng mga maka-agham
na kaalaman tungkol sa mga halaman at hayop sa mga pangangailangan niya upang mabuhay
at magpapataas sa kanyang pagpapahalaga sa mga ito.
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing diwa ng talata
A. Mataas ang pagpapahalaga ng mga tao sa mga halaman at hayop.
B. Mahalaga sa tao ang anumang bagay na napapakinabangan niya.
C. Kinagigiliwan ng mga tao ang pag-aalaga ng mga hayop at halaman.
D. Mahalaga sa tao ang may kaalaman tungkol sa hayop at halaman.
E. Nabubuhayy ang tao sa tulong ng mga hayop at pag-aalaga ng halaman.
39. Nagawang mabago ng mga kasalukuyang awitin ang kamalayan ng Pilipino upang kantahin
ang sarili niyang wikang nakapagsasatinig sa kanyang kaluluwa.
A. Madamdamin at makabuluhan ang mga awiting isinulat sa wikang Pilipino.
B. Tagumpay ang mga awiting Pilipino na mabago ang kaugalian ng mga tao.
C. Madaling matutuhan ang awiting Pilipino dahil ang mga ito ay nasusulat sa
katutubong wika.
D. Natutunan nang tangkilikin ng mga Pilipino ang kanilang mga sariling awitin.
E. Nagkakaroon na ng kamalayan ang mga Pilipino tungkol sa lahat ng mga awitin
ngayon.
40. Sa pamamagitan ng mga karanasang natamo sa pang-araw-araw na pamumuhay, natutuhan
ng mga kabataan, tulad ng mga nakakatanda, ang katuturan ng salapi batay sa tatlong
mahalagang sangkap nito; sariling katauhan, aral na natatamo mula sa pagtuturo ng mga
magulang, at ang mga di-namamalayang gawaing naililipat ng mga magulang sa mga anak at
nagsisilbing halimbawa ng mga ito.
Ang talata ay nagsasaad na
A. Ang pagpapahalaga ng mga kabataan sa salapi ay nakasalalay sa mga alituntunin ng
mga magulang tungkol ditto.
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
B. Ang kabataan ngayon ay nangangailangan ng pagsubaybay ng mga magulang sa
kanilang paghahawak ng pera.
C. Nangangailangan ng pagkatuto ang mga kabataan sa mga karanasan sa mabuting
pamamahala ng salapi.
D. Nahuhubog lamang ang pagpapahalaga ng mga kabataan sa salapi sa pamamagitan ng
mga sinasabi at ginagawa ng mga magulang.
E. Para matuto ang mga kabataan sa wastong paggasta at pagtitipid ay kailangan munang
matututo silang mamamahala ng kanilang mga sarili.
41. Lahat ng tao ay nagmamadali sa lahat ng bagay, sa pagkamit ng dunong, sa pagkamal ng
yawan, sa pagsampa sa isang mataas na kalagayan sa buhay. Lahat ay naghahangad at
nagtangka, subalit ang mga ito’y nabigo. Sinagupa nila ang ihip ng hangin at sinalungat ang
lakas ng agos nito sapagkat sila’y nagmamadali at hindi natutong maghintay.
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing diwa ng talata?
A. Nabibigo ang mga taong nagmamadali sa pagyaman.
B. Maraming tao ang nagtatagumpay dahil sila ay may ambisyon.
C. Ang tagumpay ay natatamo sa mga taong matitiyaga at masisipag.
D. Maraming sagabal tungo sa landas ng tagumpay.
E. Ang tagumpay ay nasa dunong at yawan ng tao.
42. Sadyang walang bagay na hindi nakukuha sa masinsinang pag-uusap. Mangyari pang
pakaasahan ito sa mga kinauukulan na pawing kumikilala sa matinong pangangatwiran at
masususing pagsusuri ng problema. Walang bibigat pa sa pagpapalagaya ang pinapatulan na
hindi man pinangingibabawan ng nakabibinging katahimikan.
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing diwa ng talata?
A. Ang katahimikan ay tanda ng hindi pagkakasunduan.
B. Ang problema ay bumibigat kapag ito ay pinabayaan.
C. Walang suliraning hindi nalulutas.
D. Ang katahimikan ang lunas sa ating mga problema.
E. Nalulutas ang anumang suliranin sa mabuting pag-uusap.
43. Ang pagbaba ng halaga ng piso ay lumikha ng krisis sa maraming industriya ng bansa.
Kasunod nito ang pagtitipid at problema sa kawalan ng mapapasukang trabaho. Lumikha rin
ito ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin na labis na nakaaapekto sa kita ng mga manggagawa.
A. Ang kasalukuyang krisis ay bunga ng mga mahal na bilihin at kawalan ng
mapapasukang trabaho.
B. Ang krisis ay nakaapekto sa hangarin ng maraming industriya na makapagbibigay ng
karagdagang sahod sa kanilang mga manggagawa.
C. Dumarami ang mga walang hanapbuhay at tumaas ang halaga ng mga bilihin dahil sa
mga pangyayaring likha ng krisis.
D. Maraming industriya ang nalulugi dahil sa krisis kaya itinaas din nila ang presyo ng
kanilang mga produkto.
E. Dahil sa krisis, maraming industriya ang napilitang magsara.
44. Sinasabing ang mga likas na katangian ng isang tao ay galling sa kanyang mga magulang
ngunit ang kanyang pagkatao ay hinubog at nilikha ng lipunang kanyang ginagalawan. At ito
ang simula ng kanyang pagiging miyembro ng lipunan.
A. Ang tao ay kumikilos ayon sa kanyang katangian at hindi ayon sa lipunang kanyang
ginagalawan.
B. Ang uri ng lipunan na humuhubog sa isang tao ay nararapat na maging isang lupon ng
mga taong may sariling simulain.
C. Ang mga tao ay kailangang gumanap ng papel sa buhay nang naaayon sa layunin ng
kanilang lipunan.
D. Ang pagiging miyembro ng tao sa lipunan ay itinakda ng kapalaran.
E. Malaki ang ginagampanang papel ng lipunan sa paghubog sa ugali ng isang tao.
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
45-47. Sa Langit Kong Gusto ni Czarmaine Feliciano
Gusto kong mapunta
sa langit kong gusto
na may mga Anghel
na nanunuod sa akin
sa langit kong gusto.
Sa mga ibon na lumilipad
Katulad nila gusto ko ring lumipad
Nang mataas na mataas sa langit
Sa langit kong gusting mapuntahan.
Kung mayroon lang isang hagdan patungo roon
Aakyat na ako agad doon
Doon sa langit kong gusting mapuntahan.
45. Ano ang nais mapuntahan ng manunulat?
A. ibon
B. langit
C. anghel
D. hagdan
46. Ano ang tayutay na ginamit sa ikalawang saknong?
A. pagtutulad B. pagwawangis
C. pagmamalabis
D. pagbibigay katauhan
47. Sa anong saknong ipinapahiwatig ng manunulat ang pangunahing kaisipan ng kanyang tula?
A. una
B. ikalawa
C. ikatlo
D. Walang pangunahing kaisipan
48-51. Kabataan: Pag-asa ng Bayan mula sa Likha IV nina Samonte, et al
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ito ang sinabi ni Dr. Jose Rizal, ang isa sa ating mga
pambansang bayani. Malaki ang pagtitiwala niya sa angking talino at kakayahan ng mga kabataan.
Naniniwala siya na mahahango ang bansang Pilipinas sa tiyak na kasawian kung sila, ang mga
kabataan, ang magkakaroon ng tunay na pag-ibig sa bayan.
Maraming maitutulong ang mga kabataan sa pagpapaunlad ng bansa. Maaaring simulan nila
ang pagmamalasakit sa kani-kanilang mga pamayanan. Sa mga proyektong inilulunsad ng pamahalaan,
may mga gawaing pangkabataan katulad ng pagpapaganda ng kapaligiran at paglilinis ng mga sarisaring bakuran. Makatutulong din ang mga kabataan sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa
mga pamayanan. Ngunit, bakit tila yata ang mga kabataang ito ang bibigo sa dakilang pangarap ng
yumaong bayani? Bakit tila nais nilang sikilin ang damdaming makabayang siyang sandata sa
pagtatanggol sa Inang Bayan?
48. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagmamalasakit sa pamayanan?
A. Pakikiisa sa mga proyekto ng pamayanan.
B. Pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan.
C. Paglilinis ng mga sari-sariling bakuran.
D. Pakikiisa sa kapwa kabataang may masamang bisyo.
49. Paano maiaahon ng kabataan ang bansang Pilipinas sa tiyak na kasawian?
A. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig sa bayan.
B. Sa pamamagitan ng pagtugon sa kani-kaniyang kagustuhan lamang.
C. Parehong tama and A at B
D. Walang tamang sagot.
50. Ano ang nadarama ng may-akda sa kabataan na kanyang ipinahiwatig sa dalawang huling
pangungusap ng talata?
A. Tuwa sapagkat tunay na pag-asa ng bayan ang kabataan.
B. Lungkot dahil tila bibiguin ng mga kabataan ang paniniwala ni Rizal.
C. Galak dahil patuloy ang kabataan sa pagpapaunlad ng bayan.
D. Dalamhati sapagkat naaalala niya ang kabataan ni Rizal.
51. “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.” Ano ang implikasyon ng pangungusap na ito?
A. Masagana ang bayan.
C. May suliranin ang bayan.
B. Mapayapa ang bayan.
D. May bayani ang bayan.
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
52-56. Ang pang-agham na pangalan ay Ixora coccinea L. at karaniwang tinatawag na halamang Santan
sa ating bayan. Ito ay isa sa mga kaaya-ayang halaman na palamuti. Maraming klase ang Santan – may
puti, pula, dilaw at malaginto. Iba-iba rin ang laki – may mahaba pero makitid ang mga dahoon,
samantalang ang iba ay mas malapad at maikli. May mabangong Santan at mayroon ding walang amoy.
Ang Ixors coccinea L. ay galing sa India. Mahalaga ito dahil sa maaaring ipanggamot. Ang solusyon
mula sa pinakulong ugat ay maaaring purga. Maaaring ipainom sa naduduwal at sinisinok. Nakatutulong
ito sa pagkakaroon ng gana sa pagkain. Mabuti rin ito sa di dinadatnan at nagtatae. Para sa makating
lalamunan, maaaring ipangmumog ito. Iyong binayong sariwang sanga nito ay mainam na gamot at
pagtapal sa pilay, mga maysakit sa bahagi ng katawan, eksema at sa mga galis. Mabisang gamut ang
Santan.
52. Ano ang Ixora coccinea L.?
A. Pangalan ng punongkahoy.
B. Pang-agham na pangalan ng Santan.
C. Pang-agham na pangalan ng prutas.
D. Pang-agham na pangalan ng mga halamang namumulaklak.
53. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang wasto?
A. Ang lahat ng Santan ay mabango.
B. Ang Santang pula ay galing sa Tsina.
C. Maraming klase ang Santan ngunit walang malaginto ang kulay.
D. Maaaring ipanggamot ang Santan.
54. Anong bahagi ng Santan ang may pinakamaraming gamit bilang gamot?
A. Dahon
B. Bulaklak
C. Ugat
D. Sanga
55. Ano ang pinakamabuting pamagat para sa talatang binasa?
A. Ang Ugat ng Santan
C. Ang Santan Bilang Gamot
B. Ang Santan
D. Mga Uri ng Santan
56. Alin sa mga sumusunod ang wastong gamit ng solusyon mula sa pinakulong ugat ng Santan?
A. Maaaring pampagana sa pagkain.
B. Maaaring pantapal sa pilay.
C. Maaaring gawing palamuti.
D. Maaaring pang-alis ng eksema at galis.
57-59. Bakit mahalaga ang pagbabasa sa ating buhay? Sapagkat naging malawak at masalimuot ang
buhay ng tao sa daigdig, kasama na ang mga kaugalian ng mga tao. Sa pagbabasa, naririto ang
kasanayan sa pagkilala ng mga salita, pag-unawa, paggamit ng sanggunian, mga kasanayan sa pag-iisip,
panlasa, saloobin, at kawilihan. Dagdag pa rito ang pagpasok ng mga bagong kaalaman, mga bagong
tuklas sa larangan ng siyensiya teknolohiya, sining. Ang mga balitang pandaigdig at babasahing
inilalathala taun-taon, ang mga mahuhusay na aklat sa aklatan na di pa man nalalaman o nababasa ng
iasng tao sa buong buhay niya ay ilan sa mga bagay-bagay na maaaring bigyang pansin sa pagbabasa.
57. Ano ang pangunahing diwa ng seleksiyon?
A. Ang bilang ng nagbabasa
C. Ang kahalagahan ng pagbabasa
B. Ang kahalagahan ng aklat
D. Ang hirap ng pagbabasa
58. Bakit mahalaga ang pagbabasa?
A. Sapagkat sa halos lahat ng Gawain, kasangkot ang pagbabasa.
B. Sapagkat mararating ang daigdig ng pangarap sa pagbabasa.
C. Lahat ng nabanggit at tama.
D. Walang tamang sagot.
59. Ano ang pinakamainam na pamagat ng nabasa?
A. Ang Kahalagahan ng Pagbabasa
B. Pagbabasa at Kaunlaran
C. Pagbabasa ng mga Pilipino
D. Sa Makulay na Mundo ng Pagbabasa
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
60-64. Nakikita sa mata ang iba’t-ibang emosyon. Tuwa, lungkot, pighati, pangamba, pag-asam,
pakiusap. Ito ang salamin ng kaluluwa ng tao. Sa pamamagitan nito, nakapagpapahayag siya ng pagibig, nakakakuha ng pansin, nanunukso, at maaaring magbadya ng galit. Noon, ang mata ay isa lang
bahagi ng mukha. Ngayon, ito’y pinalalamutian sa kasayahan, at ginagamit sa kasamaan. Ngunit maaari
rin itong puhunan sa pagandahan. Tunay ngang maraming gamit ang matang minumuta, kinakapitan ng
sakit, lumalabo at ginagamit sa pagtingin.
60. Ano ang paksang pangungusap sa talata?
A. Nakikita sa mata ang iba’t-ibang emosyon.
B. Ito ang salamin sa kaluluwa ng tao.
C. Sa pamamagitan nito, nakapagpapahayag siya ng damdamin.
D. Tunay ngang maraming gamit ang matang minumuta, kinakapitan ng sakit, lumalabo at
ginagamit sa pagtingin.
61. Ano ang pinakamainam na pamagat sa talata?
A. Ang Mga Emosyon sa Mata
C. Ang Iba’t-ibang Gamit ng Mata
B. Mata: Bahagi ng Mukha
D. Mga Sakit sa Mata
62. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabanggit na nagagawa ng mata?
A. nagpapahiwatig ng emosyon
B. nagpapakita ng matinding karamdaman
C. nagbabadya ng galit
D. nanunukso
63. Paano nagbago ang pananaw ng tao hinggil sa mga mata?
A. Natutuhan na nilang gamitin ang mata upang magpahiwatig ng iba’t-ibang emosyon.
B. Natuklasan nila na ang mata ay nakikitaan ng sakit.
C. Natuklasan nila na ang mata ay maaaring mabulag.
D. Natutuhan nila na may palamuti para sa mga mata.
64-66. Makikita sa ibaba ang tsart ng Minimum Wage sa Maynila mula 1990 hanggang 1999.
64. Tungkol saan ang grapong nabasa?
A. Pinakamataas na pasahod sa Maynila sa iba’t-ibang taon.
B. Pinakamababang pasahod sa Maynila sa iba’t-ibang taon.
C. Regional Tripartite Wages and Productivity Board
D. Bilang ng mga manggagawang napasahod sa iba’t-ibang taon.
65. Kailan nagkaroon ng pinakamababang pagtaas ng pasahod ayon sa grapo?
A. Nobyembre 1990
C. Disyembre 1993
B. Enero 1991
D. Abril 1994
66. Ilang beses nagkaroon ng dalawampung pisong pagtaas sa minimum wage?
A. isa
B. dalawa
C. tatlo
D. wala
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
PART II
67-70.
BRUNEI
JAPAN
CHINA
MALAYSIA
THAILAND
S.
KOREA
INDIA
Badyet Pang-militar
$357 M
$41.1 B
$11 B
$33 B
$2 B
$13.2 B
$10 B
% ng Badyet Militar sa
GDP
Bilang ng Tropang Militar
Bilang ng Sasakyang
Pandagat
Bilang ng Pandigmang
Sasakyang
Panghihimpawid
6.5%
1.1%
1.6%
3.75%
1.5%
3.1%
2.1%
5,000
6
236,300
179
2,480,000
1,149
105,000
56
306,000
149
672,000
198
1,173,000
140
6
517
4,086
104
234
568
975
67. Anong pamagat ang angkop sa tsart sa itaas?
A. Badyet para sa Militar ng Iba’t-ibang Bansa
B. Kalagayang Pang-ekonomiya
C. Badyet at Katayuang Pangmilitar ng mga Piling Bansa
D. Bilang ng mga Militar sa Iba’t-ibang Bansa
68. Anong bansa ang may pinakamataas na bilang ng tropa?
A. Japan
B. South Korea
C. India
D. China
69. Anong bansa ang may inilalaang pinakamalaking porsiyento ng GDP para sa badyet military?
A. Japan
B. South Korea
C. Brunei
D. Malaysia
70. Ano ang maaaring dahilan kung bakit mababa lamang ang bilang ng katayuang pangmilitar ng
Brunei?
A. Kulang sila sa pananalapi.
B. Maliit na bansa lamang ang Brunei.
C. Hindi nila kailangan ang military.
D. Walang nais magsundalo sa kanilang mga tao.
71-74. Sumunod sa sipon, ang pagkabulok ng ngipin ang pinakamalaganap na sakit sa Amerika. Ang
sanhi ng sakit na ito ay hindi pa natutuklasan hanggang ngayon. Ngunit may mga mananaliksik
na naghihinala kung ano ang mikrobyong sanhi nito. Kumuha sila ng isang uri ng hayop na
tinatawag na “hamster” na may mga ngipin katulad sa tao. Pinagsama-sama nila ang mga
hamsters na may magagandang ngipin gayundin ang may sira-sirang ngipin. Ang kinahinatnan
nito ay nagkaroon ng butas sa ngipin ang mga hamsters na dati’y wala pagkalipas lamang ng
isang araw. Ito ay nagpatunay na ang pagkabulok ng ngipin ay nakahahawa. Ang sumunod naman
ay ibinukod nila ang mga mikrobyong nagmula sa mga bulok na ngipin kasama na ang
mikrobyong (streptococcus). Sa iba pang pag-aaral, natuklasan nila ang labis na harina at asukal
ay nagpapabulok ng ngipin, ngunit ito ay nangyayari lamang kung dati nang naroon ang
mikrobyo. Sa huli, pinakain ng mga siyentipiko ang mga hamster ng penisilin at ang pagkabulok
ng kanilang ngipin ay nawala. Paano naman ang mga tao? Kung ang mikrobyo ay natagpuan na
sa mga tao, ang gamot maliban sa penisilin ay kailangan, sa halip, magsaliksik ang mga
siyentipiko upang humanap ng mga pamuksa sa mikrobyo na maaaring ihalo sa pangmugmog o
gamot sa ubo.
71. Ang “hamster” ay ginamit sa mga pagsubok tungkol sa ngipin dahil:
a. Ang kanilang ngipin ay kahawig ng tao
b. Sila ay madaling kapitan ng sakit
c. Sila ay napakarami
d. Madali silang alagaan
72. Ang asukal at harina ay nagpapalala lamang sa pagkabulok ng mga ngipin ng hamsters kung:
a. Ang mga ngipin ay hindi malinis
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
b. Ang mga mikrobyong sanhi ng pagkabulok ay dati nang naroon
c. Ang dami ng ginagamit ay labis
d. Ang mga bitamina ay inalis
73. Ang penisilin ay hindi magagamit sa paggamot sa pagkabulok ng ngipin ng mga tao sapagkat:
a. Ito ay magastos
b. Ito ay madaling gamitin
c. May mga taong maselan dito
d. Hindi sinabi sa talataan
74. Ayon sa artikulo, ang mga mananaliksik ay hindi pa nakasisiguro na/kung:
a. Kung ano ang tiyak na mikrobyong nagpapabulok sa ngipin
b. Na ang pananaliksik tungkol sa pagkabulok ng ngipin ay mahalaga.
c. Na ang pagkabulok ng ngipin ay nakahahawa
d. Lahat ng ipinahayag sa B at C
75-76. Mahusay ba kayong manahi? Kung hindi ay sikapin niyong matuto. Maraming paaralang
pambayan ang nagbibigay ng libreng pag-aaral ukol dito. Kung sanay na kayong manahi ay kikita
kayo kahit nasa bahay lalong-lao na kung may sarili kayong makina. Makapagkakabit kayo ng
munting karatula upang malaman ng madla ang uri ng inyong maipaglilingkod.
Makapagpapagawa rin kayo ng sariling tarhetang maipamumudmod sa inyong mga kakilala
upang malaman kung saan kayo matatagpuan.
75. Ang talata ay:
a. Nanghihikayat sa mga mag-aaral sa pananahi
b. Naghahanap ng mahusay na mananahi
c. Nagbibili ng makina sa pananahi
d. Nagbibigay ng pahintulot sa mga magtatayo ng patahian
76. Ang hangarin ng sumulat ay:
a. Tumulong sa mga nangangailan ng hanapbuhay
b. Makatuklas ng mahuhusay na mananahi
c. Magpalaganap ng kaalaman sa pananahi
d. Makaalam kung ilan ang may hilig sa pananahi
77-80. Maraming kahulugan ang kulay dilaw. Libo, sang-ayon dito ang manunulat na si Alexander
Theroux. Dilaw ang kulay ng araw, ng medalya ng mga kampeon, ng mga naaalalang mga senyas
sa mga kalsada, ng mga bus, ng mga eskwelahan, ng ihi ng pagkakasakit. Dilaw rin ang sagisag ng
karunungan, ilaw, kapangyarihan, at kasaganaan. Dilaw rin ang kulay ng ulap sa Londres, ayon sa
tula ni Eliot. Ang templo ni Nebuchadnezzar ay alay sa araw kaya dilaw ang kulay. Ang araw ay
Diyos sabi ng pintor na si J.M.W. Turner, samakatuwid, ang kulay ng diyos ay dilaw. Dilaw rin
ang kulay ng emperador ng Tsina-dinastiyang Ching (1644-1912). Ang emperador lamang ang
maaaring gumamit ng dilaw na pananamit sapagkat ito ang tanging kulay ng pagsamba niya sa
langit. Kaligayahan ang kulay ng dilaw sa mga Instik kapag ito ay pinatungan ng ginto,
samantalang kung ginto naman ang nakapatong sa itim, ang signos nito ay kamatayan ng isang
matanda. Sa opera ng mga Intsik, ang dilaw ay sagisag ng kabanalan.
77. Ang talataan sa itaas ay nagsasabing:
a. Mahalaga sa ibang tao ang kulay na dilaw
b. Maraming kahulugan ang kulay na dilaw
c. Pinakamahalaga sa lahat ng kulay ang dilaw
d. Ang dilaw ay sagisag ng mga Intsik.
78. Sa dinastiyang Ching,
a. Ang dilaw ay sagisag ng ginto
b. Emperador lamang ang maaaring magsuot ng dilaw
c. Banal ang isang taong nagsusuot ng dilaw
d. Sumasamba sa langit ang nakasuot ng dilaw
79. Ayon sa isang pintor, ang araw ay diyos, kung gayon,
a. Ang kulay ng araw ay dilaw
c. ang kulay ng Diyos ay dilaw
b. Ang diyos ay araw
d. nilikha ng Diyos ang araw
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
80. Ipinahihiwatig sa talataan na:
a. Ang kulay ay may iba’t-ibang kahulugan sa iba’t-ibang tao
b. Ang kulay dilaw ay may iba’t-ibang sinasagisag
c. Ang dilaw ang pinakamahalagang kulay sa lahat ng mga kulay.
d. May kapangyarihan kang taglay kapag nakasuot ng kulay dilaw.
81-83. Malaki ang naging bahagi ng palakasan sa buhay ni Nestor. Kahit siya ay nagkasakit, hindi
nabawasan ang pag-ibig niya sa palakasan. Masidhi ang kanyang pagnanasang makasali ang mga
kabataang manlalaro sa Olimpiyad kaya pinili niyang maging coach ng kanilang paaralan. Sanhi
ng panghihina samantalang nagsasanay sila, bigla siyang nanlupaypay pagkat talamak na pala ang
pinsala ng kanser sa kanyang katawan. Hindi ito pinahina ang kanyang loob. Upang maisagawa
ang kanyang layon, ipinamigay niyang premyo ang kanyang mga kopa ng karangalan sapagkat
nais niyang sumigla ang mga bata sa bawat paglalaro.
81. Ang talata ay nagsasaad ng:
a. Pagnanais na mapatanyag sa larangan ng palakasan
b. Pagmamahal sa mga batang manlalaro
c. Matinding pagmamalasakit alang-alang sa palakasan
d. Kasabikan sa pamamahala ng mga batang manlalaro
82. Alin ang nagpatunay na naging bahagi ng buhay ni Nestor sa palakasan?
a. Mahilig siya sa paglalaro ng basketball
b. Hindi niya inalintana ang kanyang sakit mapasigla lamang ang palakasan
c. Nais niyang matanyag sa larangan ng palakasan
d. Nilayon niyang makapagbigay ng medalyang ginto sa mga manlalaro
83. Paano pinatunayan ni Nestor ang pagnanais niyang pasiglahin ang mga batang manlalaro?
a. Nagpakadalubhasa siya sa palakasan
b. Ipinamigay niya ang kanyang kopa ng karangalan
c. Gumastos siya upang mabigyan ng gatimpala ang mga manlalaro
d. Tiniruan niyang maging mahusay ang mga manlalaro
84. Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na ito? “Hindi ang mukhang iyon ang inaasahan niyang
makatagpo. Ang kanyang ama ay isa ring pangkaraniwang tao. Tulad ng isang bahay na
nakipagtagisan sa unos at araw, ang kanyang ama’y
pinagigiray rin ng buhay.”
a. May sakit ang kanyang ama
b. Matanda at mahina na ang kanyang ama
c. Napakataas ng pagkilala niya sa kanyang ama
d. Nabigla siya sa nakitang ayos ng kanyang ama
85. Ano ang tiyak na kahulugan ng sumusunod na talata? “Ang pamumulaklak at pamumunga ng manga,
santol, sinigwelas at iba pang punongkahoy o halaman sa loobang iyon ay nagpatuloy. Ang damuhan
ay natuyo at muling sinibulan ng bagong supling.”
a. Naging bunga ang pananim
c. patuloy ang paglipas ng panahon
b. Dumating na ang tag-araw
d. kaaya-aya ang tanawin sa lalawigan
86. Ito ang larawang-diwa na mabubuo sa isipan ng babasa ng talatang ito. “At isang araw, Sabado ng
umaga, isinama siya ng kanyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabing-ilog. Ngumata siya ng dahon ng
bayabas, pumikit siya at pagkaraan ng iba pang ginawa, siya’y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa
ilog.”
a. Isang batang dumaranas ng kalupitan sa kanyang ama
b. Isang batang takot sa mga pagbabago
c. Isang batang sumasailalim sa isang ritwal na may kinalaman sa pagbabago ng kanyang
katauhan
d. Isang batang dumaraan sa panibagong yugto ng kanyang buhay.
87. Tukuyin ang damdaming pinalulutang sa mga sumusunod na pahayag. “May luha siya sa mga mata
ngunit may galak na nadarama. Luwalhati! Hinagod-hagod niya ang mga kamao. Nadama niya ang
bagong tuklas na lakas niyon. Sa matinding sikat ng araw ay tila siya isang mandirigmang sugatan
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
ngunit metatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.
a. Nakadama ng pagmamalaki ang nagwagi sa labanan
b. Napatunayan niya sa sarili at sa ibang tao na ‘di siya paaapi
c. Nabigla siya sa natuklasang bagong lakas
d. Magkahalong saya at lungkot ang kanyang nadama nang manalo siya sa pakikipaglaban.
89. Ano ang ibinabadya ng sumusunod na pahayag? “Mamamatay akong ‘di nakita ang maningning na
pagbubukang-liwayway sa aking inang bayan. Kayong makakita, batiin ninyo siya at huwag
kalimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi.”
a. Kawalang pag-asa sa mga nagaganap sa kanyang bayan
b. Labis na kalungkutan sa harap ng kamatayan at pagbabago
c. Panghihinayang sa ginawang paghihirap na hindi binigyan ng pagkilala
d. Pag-asam ng kalayaan at paghahangad na sila ay gunitain
90. Ano ang nais ipahiwatig ng nagsasalaysay? “Mula sa kinauupuan naming ay tila ko nakikita ang
mukha ni Ore – kunot ang noo, tiim ang ngipin, tikom ang mga labi, pigil na pigil ang ugit ng araro
at halos masugat ang kaliwang palad sa pagbanat ng pamitik.
a. Pagod na pagod na si Ore sa pag-araro
b. Galit si Ore sa kanyang kalabaw
c. May nakatagong galit sa kanyang dibdib si Ore
d. Tamad ang kalabaw ni Ore
91. Ano ang nangingibabaw na kaisipan mula sa sumsunod na talata? “Matibay ang gusali kung ang
balangkas nito ay matibay at ‘di maigugupo abutin man ng pinakamalakas na unos. Gayundin naman
katatag ang isang bansang binubuo ng maligayang tahanan at ang katatagan nito ay salig sa hina o
lakas ng kanyang sandigan, ang mag-anak.
a. Nakatayong mag-isa ang isang bansa dahil sa mag-anak.
b. Matatag ang mag-anak sa Pilipinas.
c. Ang mag-anak ay siyang haliging sandigan ng ating bansa.
d. Ang mag-anak na may marangyang pamumuhay ay maligaya.
92. “Ang kabiguan ay isang ulila; ang tagumpay ay maraming ama.” Iyan ay isang kasabihan sa
Irlanda – kasabihang totoo maging sa ibang panig ng daigdig. Kung ikaw ay isang bigo, halos
walang ibig makitang kasa-kasama ka. Kung ikaw ay nasa rurok ng tagumpay, kusang
lumalapit sa iyo maging ang hindi mo kakilala. Sa iyong pagkatalo o kabiguan ay lumalayo o
umiiwas ang mga dating kapanalig. Sa iyong tagumpay, marami ang lumalapit at nagsasabing
may bahagi sila sa iyong tagumpay. Tunay ngang hindi ka mapag-iisa kailanma’t ang
tagumpay ay kapiling mo. Ano ang pangunahing diwa ng talata?
a. Walang nais maiugnay sa isang taong ayaw maging kaibigan.
b. Ang taong bigo sa buhay ay iniiwasan ng mga kakilala.
c. Sikaping magtagumpay sa buhay para magkaroon ng maraming kaibigan.
d. Marami ang nais maging bahagi ng iyong tagumpay at hindi ng iyong kabiguan.
93. Si Lola ay matandang katulong na aming kapitbahay. Manipis ang kanyang nakapusod na buhok na
nakapatong sa maliit niyang ulo. Waring higit na maliit ang kanyang butuhang mukha; ang ilong ay
hindi ko mapansin sa malayo; ang mga mata niya’y parang maitim na butones. Hindi siya kapandakan
ngunit siya’y payat, ang butuhan niyang mga bisig ay may balatay na mga ugat, ang maitin niyang
mga binti ay sunog-araw, makaliskis at nangingintab, tuyot ang kanyang mga labi ngunit ito’y
madaling ngumiti. Ano ang inilalarawan ng talata?
a. Ang ugali ng matanda
c. ang anyo ng matanda
b. Ang kakaiba sa matanda
d. ang hiwagang bumabalot sa matanda
94. Nagawang mabago ng mga kasalukuyang awitin ang kamalayan ng Pilipino upang kantahin ang sarili
niyang mga awit sa tanging wikang nakapagsasatinig sa kanyang kaluluwa.
Isinasaad ng pangungusap na __________.
a. madamdamin at makabuluhan ang mga awiting isinulat sa wikang Pilipino
b. tagumpay ang mga awiting Pilipino na mabago ang kaugalian ng mga tao Pilipino
c. madaling matutuhan ang mga awiting Pilipino dahil ang mga ito ay nasusulat sa katutubong
wika
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
PART II
Civil Service Examination 2023 – Reviewer
d. natututuhan nang tangkilikin ng mga Pilipino ang kanilang mga sariling awitin
e. nagkakaroon na ng kamalayan ang mga Pilipino tungkol sa lahat ng mga awitin ngayon
95. Ang pagbaba ng halaga ng piso lumikha ng krisis sa maraming industriya ng bansa. Kasunod nito ang
pagtitipid at problema sa kawalan ng mapasukang trabaho. Lumikha rin ito ng pagtataas ng presyo ng
mga bilihin na labis nakaapekto sa kita ng mga manggagawa.
Ayon sa talata __________.
a. ang kasalukuyang krisis ay bunga ng mga mahal na bilihin at kawalan ng mapasukang trabaho.
b. ang krisis ay nakaapekto sa hangarin ng maraming industriya na makapagbigay ng
karagdagang sahod sa kanilang mga manggagawa
c. dumarami ang mga walang hanapbuhay at tumataas ang halaga ng mga bilihin dahil sa krisis
d. maraming industriya ang nalulugi dahil sa krisis kaya itinataas din nila ang presyo ng kanilang
mga produkto
e. dahil sa krisis, maraming industriya ang napilitang magsara
96. Mula sa Florante at Laura, ano ang nais ipakahulugan ng “kung sa iyong pagdating ay may pakitang
giliw, pakaingatan mo’t kaaway na lihim.”
a. Mag-ingat sa magiliw na ipinapakitang pagsalubong sa iyo
b. Umiwas sa mga taong nakangiti sa iyong pagdating ngunit naninira sa iyong likod
c. Iwasan ang mga taong ngiti nang ngiti sa iyo
d. Mag-ingat sa mga taong palangiti.
97. Di-maliparan ng uwak ang lupain ng mga Del Valle sa Tarlac. Ano ang kahulugan ng sawikain?
a. napakaliit
c. napakadami
b. napakalawak
d. napakasikip
98. “Anak na ‘di paluhain, ina ang patatangisin”, alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng sawikaing
ito?
a. Kailangan umiyak ang anak, ‘di lang ang ina.
b. Suliranin ng ina ang ‘di masunuring anak
c. Ang sobrang pagpapalayaw sa anak ay pagsisihan ng ina balang araw
d. Pagsisihan ng anak ang kanyang pagiging laki sa layaw
99. Paalala sa mga pasahero ng bus na ito: ingatan po ninyo ang inyong mga tiket, kung nawala man
ninyo ang inyong tiket, ay ikukunsiderang hindi pa kayo bayad!
Ano ang maaaring palagay sa pahayag?
I. Di masyadong tinitingnan ng kundoktor ng bus kung sino ang mga bayad na o hindi pa
II. Ang tiket ay mahalaga bilang katunayan na kayo’y bayad na
III. Lahat ng tao sa bus ay burara pagdating sa tiket.
IV. Kailangang higpitan ng bus ang polisiya sa pagbabayad ng pamasahe upang wala ni isa man
sa mga pasahero ang makalusot sa pagbabayad
a. III lamang
b. II at IV
c. IV lamang
d. III at IV
100. Ang lahat ng pagtuturo ay nakakapagod. May matutunan kapag may pagtuturo. Si Mae ay pagod.
Ano ang maaaring konklusyon sa pahayag?
I. Si Mae ay isang guro.
II. Nakakapagod ang lahat ng pagtuturo.
III. Di lahat ng natutunan ay nakakapagod.
IV. Si Mae ay napapagod sa lahat ng pagtuturo.
a. III lamang
b. I at III
c. I, II, at III
d. III at IV
Kawikaan 3:5-6
Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.
Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
APRIL RHOSE C. ALBITO, LPT
Download