BAITANG 9 ARALING PANLIPUNAN 9 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan na nag-aaral sa wastong paggamit ng limitadong yaman upang tugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Hinango ito sa salitang Griyego na “oiko” at “nomos” na nangangahulugang _________. A. pamamahala ng bansa B. pamamahala ng negosyo C. pamamahala ng tahanan D. pamamahala ng yaman 2. Ang kakapusan o scarcity sa mga pinagkukunang yaman ay suliranin hindi lang ng mahihirap kundi maging ng mauunlad na bansa. Ano ang dahilan at nagkakaroon ng kakapusan? A. Dahil sa mga kalamidad na pumipinsala sa pinagkukunang-yaman. B. Dahil sa mapang-abusong paggamit ng tao sa mga pinagkukunangyaman. C. Dahil limitado ang pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. D. Dahil sa mapagsamantalang mga negosyante na minamanipula ang suplay upang tumaas ang presyo ng mga yamang ito. 3. Ito ay tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo upang maayos na maipamahagi at lubos na magamit ang lahat ng pinagkukunang yaman ng bansa. A. Alokasyon B. Distribusyon C. Pagkonsumo D. Produksiyon 4. Gawain na may kaugnayan sa pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng isang tao A. Alokasyon B. Distribusyon C. Produksiyon D. Pagkonsumi 5. Sa ilalim ng Command Economy, ang pagpapasya kung ano, paano, para kanino at gaano karaming produkto ang dapat likhain ay nakasalalay sa kamay ng _______. A. konsyumer B. prodyuser C. pamilihan D. pamahalaan Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 6. Sa ekonomiks, ang pagtugon sa suliranin ng scarcity o kakapusan ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser? A. Demand B. Ekwilibriyo C. Supply D. Surplus 7. Pinakamahalagang elemento sa pamilihan na nagtatakda ng dami ng produkto na gusto at kayang bilihin ng konsyumer at dami ng produkto na gusto at kayang ibenta ng prodyuser. A. Kompetisyon B. Pamahalaan C. Presyo D. Regulasyon 8. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa mga konsyumer, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo sa mga produkto o serbisyo? A. Market clearing price B. Price Ceiling C. Price floor D. Price support 9. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan? A. Higit na nakakakuha ng mas malaking kita ang mga prodyuser. B. Tumataas ang kalidad at napapababa ang presyo ng mga produkto. C. Napapataas ng prodyuser ang kalidad at presyo ng kanilang produkto. D. Nahihikayat ang iba pang prodyuser na magnegosyo at sumali sa kompetisyon. 10. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya? A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya B. Kalakalan sa loob at labas ng bansa C. Pamumuhunan ng pamilihang pinansyal D. Kita at gastusin ng pamahalaan 11. Ano ang pagkakatulad ng Gross National Income (GNI) at Gross Domestic Product (GDP)? A. Ibinibilang maging ang kita ng mamamayan na nasa ibang bansa. B. Kabilang sa pagkwenta nito ang mga dayuhang kumpanya na nasa loob ng isang bansa. C. Kapwa ito tumutukoy sa halaga ng tapos na produkto na ginawa sa loob ng bansa. D. Matibay na batayan sa pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 12. Pangunahing institusyon ng bansa na naglalayong mapanatili ang katatagan ng halaga ng bilihin at ng ating pananalapi. A. Bangko Sentral ng Pilipinas(BSP) B. National Economic Development Authority (NEDA) C. Department of Trade and Industry (DTI) D. Department of Social Welfare and Development (DSWD) 13. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa? A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal. B. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa. C. Dahil repleksiyon ito ng kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksiyon. D. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya. 14. Patakarang ipinatutupad ng pamahalaan katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapanatiling balanse ang supply ng pera sa ekonomiya. A. Patakarang Piskal B. Patakarang pananalapi C. Patakaraan sa pamumuhunan D. Patakaran sa pagluluwas at pag-aangkat 15. Aling sektor ang itinuturing na “Gulugod ng Ekonomiya” dahil ito ang nagtutustos sa pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan? A. Agrikultura B. Industriya C. Paglilingkod D. Impormal na sektor 16. Sino sa sumusunod ang kabilang sa impormal na sektor? A. Si Danny na may puwesto sa fish section sa pamilihang bayan. B. Si Janice na rehistradong beauty care specialist sa kanilang lugar. C. Si Manny na nagtatrabaho sa isang food delivery company. D. Si Alma na nagbebenta ng barbecue sa harap ng kanilang bahay. 17. Ano ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod sa ating ekonomiya? A. Sila ang sektor na may pinakamalaking ambag sa pag-unlad ng isang bansa. B. Sila ang tagatustos ng dolyar sa bansa mula sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa. C. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman at serbisyo sa mamamayan. D. Pangunahing katuwang sila ng bahay-kalakal at iba pang sektor ng ekonomiya sa larangan ng pamumuhunan. Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 18. Sa kalakalang panlabas, sa paanong paraan makikinabang sa isa’t – isa ang mga bansa batay sa konsepto ng comparative advantage? A. Sabwatan at kartel B. Trade embargo at quota C. Kasunduang multilateral D. Espesyalisasyon at kalakalan 19. Iisa ang paaralang pinapasukan ng magkaibigang Alex at Alden. Sa parehong baon na P50 bawat araw, sinisiguro ni Alex na may matitira dito para sa computer games na madalas niyang ginagawa pagkatapos ng eskwela. Samantalang si Alden naman ay matiyagang iniipon ang anumang matira sa kanyang baon upang magamit sa mga proyekto at di na humingi pa sa kanyang magulang. Ano ang pinakaangkop na pag-uugnay ng kuwento ni Alex at Alden sa suliranin ng kakapusan? A. Maaaring masolusyunan ang suliranin ng kakapusan depende kung paano natin papamahalaan ang ating pangangailangan at kagustuhan. B. Ang kakapusan ay sadyang di maiiwasan dahil lahat ng bagay ay limitado at walang hanggan ang ating mga pangangailangan. C. Higit na nagbibigay kasiyahan ang ating mga kagustuhan kaya’t nararapat lamang na unahin ito kaysa mga pangangailangan. D. Sariling desisyon ang paggamit ng ating yaman kaya’t hindi tayo maaaring panghimasukan ng ibang tao. 20. “Bumili ang magsasaka ng baka, ginatasan niya ito saka ipinagbili ang gatas. Mula sa tinubo, magbabayad siya ng buwis sa pamahalaan.” Anong sistemang pang-ekonomiya ang angkop na naglalarawan sa kuwento sa itaas? A. Command economy B. Market economy C. Mixed economy D. Traditional economy 21. Ano ang ipinapahiwatig ng ilustrasyon sa ibaba tungkol sa produksiyon? A. Magaganap lamang ang produksiyon kung kompleto ang mga salik na gagamitin ditto. B. Magiging mas produktibo ang produksiyon kung mas marami ang lakas-paggawa kaysa sa mga makinarya. C. Ang produksiyon ay isang proseso ng pagsasama-sama ng output tulad ng produkto at serbisyo upang mabuo ang input. D. Ang produksiyon ay ang proseso ng pagsasama-sama ng mga input tulad ng lupa, lakas-paggawa at iba pa upang makabuo ng produkto at serbisyo. PROSESO INPUT • • • • Lupa Paggawa Kapital Entrepreneurship Pagsasama-sama ng materyales, paggawa, kapital at entrepreneurship OUTPUT Kalakal o serbisyo pangkunsumo; kalakal o serbisyo na gamit sa paglikha ng iba’tibang produkto Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 22. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pagkonsumo. Alin ang hindi? A. Magkakaiba ang istilo ng pagkonsumo ng bawat isa B. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon C. Mahalagang bahagi ng siklo ng ekonomiya ang pagkonsumo D. Lahat tayo ay komukonsumo upang tugunan ang ating mga pangangailangan 23. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang produkto. Halimbawa, may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas? A. 6 B. 10 C. 20,000 D. 30,000 24. May-ari ng isang panaderya si Robert, nang tumaas ang presyo ng butter napilitan siyang gumamit ng margarine para sa kanyang tinapay. At dahil hindi bumababa ang presyo nito, margarine na ang kanyang ginagamit sa lahat ng kanyang produkto maliban sa cake na butter pa rin ang sangkap. Ano ang tumpak na paliwanag sa sitwasyong ito? A. Higit na mas masarap para sa tinapay ang margarine kaysa butter. B. May piling produkto lamang na pwede ang butter at margarine. C. Ang margarine ay murang pamalit o cheaper substitute para sa butter. D. Maaaring gumamit ng margarine o butter depende sa presyo ng isang Produkto. 25. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan ng ekwilibriyo sa pamilihan? A. Maraming natira sa ibinebentang isda ni Larry dahil sa napakataas na presyo nito. B. Dahil sa napakababang presyo, ipinagpaliban muna ni Cesar ang pagbebenta ng kanyang naaning palay. C. Bahagyang nairita ang tindera ng gulay kay Mycel dahil sa makulit na paghingi ng tawad sa presyo nito. D. Matapos makipagtawaran, napapayag ni Juan ang tindera ng karne sa presyong 180 kada kilo kung bibili siya ng sampung kilo nito. 26. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito? A. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid B. Pagtataguyod ng mga batas na nangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer C. Pagtatakda ng price ceiling at floor price bilang gabay sa presyo ng mga bilihin D. Panghihikayat sa maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 27. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumpak na naglalarawan sa ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal batay sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya? A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang bilang kapital sa bahay-kalakal. B. Sa sambahayan nagmula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay-kalakal. C. Nagbukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng dagdag na trabaho para sa bahay-kalakal. D. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal. 28. Unawain ang cartoon sa kanan tungkol sa inflation. Anong epekto ng implasyon ang ipinapakita nito? A. Pag-iwas ng mga konsyumer na mamili B. Pagkakaroon ng sobrang stocks ng mga produkto dahil hindi mabili C. Pagliit ng dami ng maaaring bilhin dahil sa pagbaba ng halaga ng salapi D. Pag-iwas ng mamimili sa mga produkto na hindi naman gaanong kailangan Pinagkunan: https://tinyurl.com/y7cheyqk 29. Sa isinagawang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas hinggil sa spending pattern ng mga Pinoy, lumalabas na 43.8% ng mga Pilipino ay gumagastos ng higit pa sa kanilang kinikita, 51.5% ang gumagastos ng katumbas ng kanilang kinikita at 4.6% ang gumagastos ng mas maliit sa kanilang kinikita. Ano ang ipinapahiwatig nito hinggil sa gawaing pag-iimpok ng mga Pilipino? A. Napakaliit na bahagdan lamang ng mga Pilipino ang nag-iimpok. B. Maraming Pilipino ang sagad sa hirap kaya’t hindi makapag-impok. C. Maluho ang marami sa mga Pilipino kaya’t gastos lamang nang gastos. D. Maraming Pilipino ang nagkakaroon ng utang dahil higit ang gastos kaysa kita. 30. Bahagi ng patakarang piskal ng pamahalaan ang programang “Build, Build, Build” kung saan naglaan ng daan-daang bilyong piso sa pagtatayo ng mga pampublikong istruktura tulad ng kalsada, tulay, paliparan at iba pa. Ano ang pangunahing layunin ng programang ito? A. Magkaloob ng magandang serbisyo sa mga mamamayan B. Maihanay ang Pilipinas sa mauunlad na bansa sa buong mundo C. Umakit ng mas maraming turista sa pamamagitan ng magagandang pasilidad D. Lumikha ng mas maraming trabaho na higit na magpapasigla sa ekonomiya Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 31. Suriin ang larawan sa kanan. Ano ang ipinapahiwatig nito tungkol sa papel na ginagampanan ng sektor ng agrikultura? https://tinyurl.com/4u9uxxv5 https://tinyurl.com/37pumraj A. Binitawan na ng maraming magsasaka ang pagsasaka at sa halip ay nagtrabaho na lamang sa mga industriya. B. Ang mga hilaw na materyales na pinoproseso ng mga industriya ay nagmumula sa sektor ng agrikultura. C. Dahil sa urbanisasyon, nawawala ang mga lupang sakahan at napapalitan ng mga industriya. D. Nakatuon ang maraming bansa sa kasalukuyan sa pagpapaunlad ng mga industriya. 32. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapahiwatig ng positibong paglalarawan sa paglaganap ng impormal na sektor sa Pilipinas? A. Sinasalamin nito ang pagiging industriyalisado ng isang bansa. B. Pinatutunayan lamang nito ang kakulangan ng trabaho sa Pilipinas. C. Nagpapahiwatig ito ng kawalan ng programa ng pamahalaan para sa Mahihirap. D. Salamin ito ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino sa kabila ng hirap sa buhay. 33. Walang bansa ang kayang mabuhay nang mag-isa. Hindi maiiwasan na siya’y makipag-ugnayan sa ibang bansa lalo’t nasa panahon tayo ng tinatawag na globalisasyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang pangunahing dahilan ng pakikipag-ugnayan ng isang bansa lalo sa larangan ng kalakalan? A. Maipagmalaki ang sariling produkto sa pandaigdigang pamilihan. B. Pagkakataon ito upang kumita ng malaki mula sa kalakalang panlabas. C. Madagdagan ang panustos sa pangangailangan ng lokal na ekonomiya. D. Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin. 34. Kung ang isang magsasaka ay gumagamit ng traktora sa pagbubungkal ng kanyang bukirin, samantalang ang kanyang katabing bukirin ay gumagamit ng kalabaw at dagdag na tao sa pagsasaka, ito ay sumasagot sa anong pangunahing tanong sa ekonomiks? A. Ano ang produkto o serbisyo na gagawin B. Paano gagawin ang produkto o serbisyo C. Para kanino ang produkto o serbisyo na gagawin D. Gaano karami ang produkto o serbisyo na gagawin Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 35. Suriin ang larawan ng dalawang pamilya sa kanan, anong salik ang pangunahing nakakaapekto sa kanilang pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan? A. Edad B. Kita C. Antas ng Edukasyon D. Katayuan sa lipunan 36. Upang masabing demand, dapat nagtataglay ito ng dalawang elemento: gusto at kayang bilhin. Sino sa sumusunod na halimbawa ang tumpak na naglalarawan tungkol sa demand? A. Si Mark na bumili ng mamahaling sapatos matapos makaipon ng malaking halaga mula sa allowance. B. Si Daniel na isang Grade 9 student na nangangarap makabili ng isang Ferrari sports car. B. Si Lilyn na inilibre ng kanyang kaklase na kumain ng kanyang gustung-gusto na Pizza. D. Si Mayet na nangutang para mapanood ang concert ng kanyang Paboritong K-POP na BTS. 37. Ang tindahan ni Aling Nena ay bumibili sa kanyang supplier ng 100 na Gardenia Slice Bread bawat linggo na kanya naman binibenta sa halagang Php 65.00 bawat isa. Matapos ang isang linggo, nakabenta lamang siya ng 60 piraso. Anong sitwasyon ang kinakaharap ni Aling Nena at ano ang dapat gawin sa presyo upang matamo ang estado ng ekwilibriyo? A. Shortage; babaan ang preyo B. Shortage; taasan ang presyo C. Surplus; babaan ang presyo D. Surplus; taasan ang presyo 38. Maituturing na makabagong bayani ang mga OFW kagaya ni Maria na isang nurse sa Italy, dahil nagagawa niyang makapag-ambag sa dalawang ekonomiya. Ang kanyang kinikita bilang OFW sa Italy ay kabilang sa ____________. A. Gross Domestic Product (GDP) ng Italy at Pilipinas B. Gross National Income (GNI) ng Italy at Pilipinas C. Gross Domestic Product ng Pilipinas (GDP) at Gross National Income (GNI) ng Italy D. Gross Domestic Product (GDP) ng Italy at Gross National Income (GNI) ng Pilipinas Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 39. Naging malaking isyu noong nakaraang taon ang napakamahal na presyo ng sili (Tingnan ang price table sa kanan). Maituturing bang implasyon ang napakataas na presyo ng sili? A. Oo, dahil hindi normal ang napakataas na presyo nito. B. Oo, dahil lubha itong nakaapekto sa ekonomiya ng bansa. C. Hindi, dahil hindi naman ito kabilang sa basic commodities o basket of goods. D. Hindi, dahil mga Bicolano lang naman ang mahilig kumain ng sili at hindi lahat. 40. Maliban sa pagkain, ang kamoteng kahoy ay maaari ring gawin at pangunahing sangkap sa mga produkto tulad ng alcohol, tela, beer, softdrinks at ibat-ibang uri ng gamot. Anong sektor ang may pinakamahalagang papel sa pagbabagong anyo ng kamoteng kahoy sa iba’t-bang produkto? A. Agrikultura B. Industriya C. Impormal D. Paglilingkod 41. “Kahit hindi pangulo ng klase, pinapaalalahanan ni JC ang kanyang mga kaklase na ilagay sa tamang lalagyan ang kani-kanilang kalat.” Anong katangian ng isang aktibong mamamayan ang ipinamalas ni JC? A. Mapanagutan B. Maabilidad C. Maalam D. Makabansa Suriin ang talahanayan na nagpapakita ng pagkonsumo ng mga Pilipino at sagutin ang tanong ukol dito sa susunod na pahina. At Current Prices ITEMS HOUSEHOLD FINAL CONSUMPTION EXPENDITURE 1. Food and Non-alcoholic beverages 2. Alcoholic beverages, Tobacco 3. Clothing and footwear 4. Housing, water, electricity, gas/fuels 5. Furnishing, household equipment and routine household maintenance 6. Health 7. Transport 8. Communication 9. recreation and culture 10. Education 2012 2013 Growth Rate (%) 7,837,881 8,455,783 7.9 3,343,427 100,930 108,492 965,753 3,596,677 110,059 116,635 1,062,100 7.6 9.0 7.5 10.0 310,249 326,101 5.1 199,821 837,569 247,946 142,851 302,772 218,729 894,369 264,281 154,391 334,586 9.5 6.8 6.6 8.1 10.5 Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 42. Alin sa sumusunod na pahayag ang may katotohanan batay sa talahanayan? A. Maliban sa pagkain at mga inumin, bahay at mga utilities tulad ng tubig, kuryente at gas ang pinakamalaking gastusin ng mga Pilipino. B. Hindi prayoridad ng mga Pilipino ang edukasyon dahil ito ang nagtala ng pinakamaliit na gastusin C. Ika-apat ang komunikasyon sa pinakamalaking pinagkakagastusan ng mga Pilipino D. Pinakamalaki ang naitalang pagtaas ng gastusin sa kalusugan batay sa nakalipas na taon 43. Batay sa hirarkiya ng pangangailangan ni Maslow sa kanan, alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagkakaayos ng mga produkto o bagay na nakalista sa ibaba? 1. Facebook 2. Bigas 3. CCTV camera 4. Pagiging totoo sa sarili 5. Pagiging Top 1 sa klase A. B. C. D. 1, 2, 3, 4, 2, 3, 2, 1, 3, 1, 1, 2, 4, 5, 5, 3, 5 4 4 5 Pinagkunan: https://tinyurl.com/6c3t47 44. “Nakatakdang ipatupad ng pamahalaan ang Sin Tax Law na nagpapataw ng mas mataas na buwis sa alak at sigarilyo. Nangangahulugan ito nang dagdag na presyo sa lahat ng brand ng alak at sigarilyo”. Alin sa sumusunod na graph ang tumpak na maglalarawan sa magiging epekto sa demand ng alak at sigarilyo kapag naipatupad na ang Sin Tax Law? (A) (B) P (C) D1 D2 Q P (D) D1, D2 Q Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 45. (Suriin ang graph sa kanan). Ang presyong mababa sa ekwilibriyo ay ipinatupad ng pamahalaan upang mabigyangproteksiyon ang mga mamimili. Ano ang magiging epekto sa pamilihan kung ang pamahalaan ay magpapatupad ng price ceiling na Php1.00? Surplus S 4 Price 3 2 1 0 Shortage 3 6 D 12 15 9 Quantity 18 A. Magkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan. B. Walang mangyayaring shortage o surplus. C. Magdudulot ito ng disekwilibriyo dahil lilikha ito ng shortage na 12 yunit ng produkto. D. Magdudulot ito ng disekwilibriyo dahil lilikha ito ng surplus na 6 na yunit ng produkto. 46. Suriin ang talahanayan sa kanan na nagpapakita ng 6 na ahensiya na may pinakamalaking budget sa taong 2022. Batay sa talahanayan, anong serbisyong panlipunan o social services ang prayoridad ng pamahalaan? A. Kalusugan B. Libreng edukasyon C. Pagpapatayo ng mga imprastraktura D. Pagtulong sa mga mahihirap na sektor ng lipunan Agencies with biggest share in the Proposed 2022 National Budget Education sector (Deped, CHED, SUCs, TESDA) Department of Public Works and Highways (DPWH) Department of Interior and Local Government (DILG) Department of National Defense (DND) Department of Social Welfare and Development (DSWD) Department of Health (DOH) 773.6 Billion 686.1 Billion 250.4 Billion 222.0 Billion 191.4 Billion 242.0 Billion 47. Batay sa graph, anong taon ang nakitaan ng pagbaba ng GDP matapos makapagtala ng pinakamataas na paglago? A. 2011 B. 2014 C. 2015 D. 2018 Pinagkunan: https://tinyurl.com/58x9xpab Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 48. Anong suliranin ng sektor ng agrikultura ang ipinapahiwatig ng cartoon sa kanan? A.Paglaganap ng mga imported na produktong agrikultural. B. Kakulangan sa imprastraktura tulad ng farm-to-market-road C. Kakulangan sa teknolohiya. tulad ng mga makinarya D. Kawalan ng suporta mula sa Pamahalaan. Pinagkunan: tinyurl.com/c23bzbcz 49. Karamihan sa mga bansa sa gitnang silangan tulad ng UAE, Qatar, Kuwait at Saudi Arabia ay nagtamo ng mabilis na pag-unlad sa kanilang ekonomiya dahil sa malaking kita mula sa langis. Sa anong salik ng pagsulong ng ekonomiya ito nabibilang? A. Kapital B. Likas na yaman C. Teknolohiya at inobasyon D. Yamang tao 50. Sino sa sumusunod ang nagtataglay ng katangian ng isang huwarang entrepreneur? A. Si John na isinangla ang lahat ng ari-arian upang makapagtayo ng pinapangarap na restaurant. B. Si Rhea na ginaya ang mga produkto ng katabing kainan at kanya itong mas pinabubuti pa upang maka-engganyo ng kostumer. C. Si Malou na gumagawa ng mga produktong mababa ang kalidad upang maging abot-kaya ng mahihirap ang presyo nito. D. Si Edmund na matalas na pinakikiramdaman ang gusto ng tao upang makapagbigay ng bago at naiibang serbisyo sa kanyang mga kostumer. 51. May-ari ka ng panaderya at sa nakalipas na 2 linggo walang humpay ang pagtaas ng presyo ng harina na pangunahing sangkap saiyong tinapay. Inisip mong magtaas ng presyo pero nangangamba ka na baka mawalan ka ng costumer. Kapag hindi ka naman nagtaas ng presyo, maaaring malugi ang iyong negosyo. Alin sa sumusunod ang maituturing na pinakamatalinong pagpapasya sa suliraning ito? A. Bawasan ang ibang sangkap ng tinapay tulad ng gatas, butter at asukal. B. Huwag munang magbenta ng tinapay hangga’t hindi bumabalik sa normal ang presyo ng harina. C. Bahagyang liitan ang laki ng ginagawang tinapay upang maibenta pa rin ito sa dating presyo. D. Magbukas ng ibang negosyo na patok sa kasalukuyan tulad ng ukayukay at milk tea shop. Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 52. Sa ikaapat na modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, binigyang diin ang papel ng pamahalaan. Bagama’t likas ang kapangyarihan nito na kumolekta ng buwis sa kanyang mamamayan, obligasyon niyang ibalik ito sa pamamagitan ng mga pampublikong paglilingkod gaya ng pagpapagawa ng kalsada, libreng tulong medikal at iba pa. Alin sa sumusunod na islogan o linya na madalas makita sa mga proyekto ng pamahalaan, ang angkop na naglalarawan sa gampaning ito? A. “Proyekto para sa tao, mula sa buwis ng mga tao” B. “Tuition mo sagot ko: Scholarship program ni Mayor” C. "Relief Operation sponsored by the office of the Governor” D. “Construction of Multi-purpose building: galing sa kabutihang loob ni Congressman” 53. Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap ng mga ilegal na gawain tulad ng pamimirata ng musika, mga palabas at computer software. Ang patuloy na paglaganap ng mga gawaing ito sa bansa ay maaaring iugnay sa mga sumusunod MALIBAN sa A. Kakulangan ng mapapasukang trabaho B. Kawalan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas laban sa pamimirata C. Kakulangan ng programa at komprehensibong kampanya laban sa pamimirata D. Pagnanais ng ilang negosyante ng kumita ng malaki kahit sa illegal na Pamamaraan. 54. (4 pics 1 word) Suriin ang 4 na magkakaugnay na larawan sa itaas. Anong mahalagang konsepto sa ekonomiks ang ipinapahiwatig nito? A. Batas ng Demand at Suplay B. Ekwilibriyo sa pamilihan C. Estruktura ng pamilihan D. Regulasyon ng Pamahalaan Regional Achievement Test –Araling Panlipunan 55. Suriin ang pagkakaugnay ng mga salita sa word map. Anong punong konsepto o ideya ang ipinapahiwatig nito? A. Alokasyon B. Kakapusan C. Implasyon D. Shortage Pangkalahatan Suliraning Pangekonomiya Mataas na presyo Basic Commodity Pagtitipid ? Mababang halaga ng salapi Negatibong epekto Regional Achievement Test –Araling Panlipunan