LEARNING MODULE NOTRE DAME OF MASIAG, INC. S.Y. 2020-2021 FILIPINO Grade 8 Quarter 1 Name Section Subject Teacher Class Adviser FOR PRIVATE USE in the Notre Dame of Masiag, Inc. Strictly not for Public Circulation Foreword to Parents and Students Welcome to Notre Dame of Masiag, Inc.. Modular Learning Modality for school year 2020-2021. This Module was prepared for use in the Archdiocesan Notre Dame Schools of Cotabato (ANDSC) system. Whenever necessary and appropriate, the Subject Teacher made some revisions in order to best suit the needs of your particular school. This set of Modules will be used with an accompanying official textbook available for sale or rental from the school. For the schools that do not use a textbook, the subject teacher will provide another set of texts or excerpts that will serve as Substitute of the textbook, which is called Appendix Text. On a regular basis, the student will be directed to do some activities in his/her Activity/Assessment Notebook. Make sure you have these 3 sets of Materials for your classes: 1) Modules; 2) Textbook or Appendix Texts; and 3) Activity/Assessment Notebook. For our Blended Learning, the school will use online technologies to support our Modular Learning Delivery: the use of online classrooms, links, video presentations, social media, emails, live calls, webinars, etc. Furthermore, the students are highly encouraged to find supplementary ways of learning like reading materials, multimedia, online resources, and the aid of the people in the homes. It goes without saying that the parents are the best partners of the school in the education of their children. Now, more than ever, your children need your support in the delivery of learning. We are hopeful that despite its few disadvantages, this new approach to education will yield the most for our students. We also hope that this pandemic will soon end and we can see you face to face. At the beginning of this school year, may I introduce to you the Vision-Mission and Core Values to be adapted by all the ANDSC schools starting this school year 20202021. Our Module Designers have tried their best to incorporate these treasures in the Modules. Thank you for choosing Notre Dame. Rev. Fr. Arnold L. Fuentes, DCC Director/Superintendent VISION STATEMENT Notre Dame of Masiag, Inc., a member of the Archdiocesan Notre Dame Schools of Cotabato, providing quality education rooted in the gospel values and Marian ideals, envisions to be a center of excellence in the holistic development of human persons, equipped with knowledge and life-enriching skills who are successful and responsible citizens contributing to the transformation of society. MISSION STATEMENT We commit ourselves to provide innovative programs for dynamic learning experiences in a safe and conducive environment; foster a culture of peace, understanding and solidarity; develop leadership and exercise social responsibility; participate in nation building and promote love for country; and collaborate with the local church in its mission of evangelization. N Noble O Obedient T Transformed R Respectful E Enlightened D Disciplined A Accountable M Marian E Empathetic CORE VALUES – N.O.T.R.E. D.A.M.E. A Notre Damean demonstrates high moral principles that embody nobility of character especially honesty and integrity. A Notre Damean exemplifies fidelity to God and loyalty to country; follows school policies, rules and regulations; and practices desirable family values. A Notre Damean displays positive disposition in life and an acceptable level of self-confidence and maturity, and shows capacity for teamwork, collaboration and solidarity. A Notre Damean shows high esteem and regard to oneself, others, the community, country, nature, environment, and other faiths and cultures. A Notre Damean demonstrates academic excellence, critical and reflective thinking, and guided by one’s conscience, makes good decisions and actions based on wise judgment. A Notre Damean wills and obliges to do what is right and expected, and exercises self-control in one’s dealings with the world and others. A Notre Damean displays commitment and responsibility in performing one’s tasks, and shows leadership capacities and sense of volunteerism and initiative. A Notre Damean emulates Mary’s virtues especially faith in God, generosity, humility, prayerfulness, purity, simplicity, and service. A Notre Damean shows sensitivity and understanding of the feelings, ideas, beliefs, cultures, traditions, and experiences of others; and shows compassion, friendship, kindness and love. KABANATA 1 SALAMIN NG KAHAPON… BAKASIN NATIN NGAYON PANIMULA Ang panitikan ay itinuturing na kayamanan ng ating lahi dahil bahagi ito ng ating kalinangan at kasaysayan .Bago pa man dumating ang mga Espanyol, panahon ng Espanyol at sa panahon ng mga Hapones. Mababakas sa araling ating tatalakaying ito ang paraan ng pamumuhay, pag-iisip, pakikisalamuha at pakikibaka ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng pag-aaral ng iba’t ibang akdang nasulat sa nasabing panahon gaya ng tula, alamat, epiko, dula at talambuhay. Sa panimula ay matatalakay ang pahapyaw na kasaysayan ng mayamang panitikan ng bansa ayon sa nasabing panahon upang ating masalamin ang kultura ng ating nakaraan gayundin ang buod ng lahat ng akdang matatalakay sa kabuoan ng araling ito. Gayundin matututunan ng mga mag-aaral ang mga aralin tungkol sa mga akdang lumaganap at manunulat na nakilala sa panahong ito. Sa paraang pasulat man o pasalita ang pag-aaral ng tungkol sa paghahambing, pang-abay na pamanahon, panlunan at iba pang uri ng pang-abay ,mga hudyat ng sanhi at bunga ng pangyayari ,uri ng pangatnig at pagbabagong morpoponemiko ay matututuhan din ng mga mag-aaral paraan ng mabisang pakikipagtalastasan. Sa katapusan ng araling ay inaasahang makabuo ng mini news letter tungkol sa katutubong kulturang Pilipino. Bilang paghahanda sa pagsasagawa ng inaasahang pagganap ang mga mag-aaral ay indibidwal na magsasagawa ng iba’t ibang gawain partikular ang pagbuo ng mini brochure ng mga karunungan-bayan, pagsulat ng alamat, pagsulat ng talata, paggawa ng hakbang sa pananaliksik at pagsasagawa ng pinal na pananaliksik sa pagsulong ng isang adbokasyong mapalaganap at mapahalagahan ang mga akdang tumatalakay sa mga katutubong kultura ng mga Pilipino. TALASANGGUNIAN Baisa – Julian, A., Lontoc, N. S., & Del Rosario M. G. (2017). Karunungan ng buhay. Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8 Quezon City: Phoenix Publishing House,INC. (pp. 7-25). Baisa – Julian, A., Lontoc, N. S., & Del Rosario M. G. (2017). Ang Pinagmulan ng Marinduque. Ikalawang Edisyon pinagyamang pluma (pp. 26-50). Quezon City: Phoenix Publishing House,INC. Baisa – Julian, A., Lontoc, N. S., & Del Rosario M. G. (2017). Bantugan. Ikalawang Edisyon pinagyamang pluma (pp. 51-70). Quezon City: Phoenix Publishing House,INC. Baisa – Julian, A., Lontoc, N. S., & Del Rosario M. G. (2017). Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Ikalawang Edisyon pinagyamang pluma (pp.71-92). Quezon City: Phoenix Publishing House,INC. Baisa – Julian, A., Lontoc, N. S., & Del Rosario M. G. (2017). Sa Pula,Sa Puti. Ikalawang Edisyon pinagyamang pluma (pp.93 - 126). Quezon City: Phoenix Publishing House,INC. Baisa – Julian, A., Lontoc, N. S., & Del Rosario M. G. (2017). Jose P. Laurel (Pangulo sa Panahon ng Panganib) . Ikalawang Edisyon pinagyamang pluma (pp. 127-140). Quezon City: Phoenix Publishing House,INC. https://www.youtube.com/watch?v=kX1YBCyWtMg http://www.scribd.com/doc/145048764/May-Dalawang-Uri-Ng- Kaantasan- Ang-Paghahambing https://www.rappler.com/life-and-style/arts-and-culture/256014-rio-alma-coronavirus-poem-alamatkontra-armageddon TALASALITAAN Adarga – panangga o kalasag Akibat – kasama Anaki – nagsasaad ng pag-aalinlangan Bunyi- bantog Apuhapin – hanapin; aalahanin Aruga – alaga Ambil – taguri; palayaw Alipusta – api Alibugha - masama Bahay sa kintang – bahay – pahingahan Balawis – taksil Banayad – malumanay Bantog – kilala; sikat Basalyo – kakampi Batbat – balot; puno Bikig – sagabal Bugtong. Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Burok- malarosas Bininit – pinatilapon Dahas – puwersa Dapyuhan – dapuan Dalita – hirap Dawag – gubat Dilidili – alaala Dinaig -tinalo Dustain – laitin Ehersito – hikbo Esposo – asawang lalaki Kasabihan. Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao. Salawikain. Nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal. Sawikain. Nagtataglay ng mga matatalinghagang salita MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO Markahan Kwarter 1 Mahahalagang Kasanayang Pagkatuto Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag na ginamit sa tula, alamat, maikling kuwento, balagtasan, epiko at ayon sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan. Nakikinig ng may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng pangyayari. Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng paghihinuha batay sa ideya o pangyayari sa akda at dating kaalaman kaugnay sa binasa. Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa : Paghahawig o pagtutulad Pagbibigay depinisyon Pagsusuri Naisusulat ang talatang : Binubuo ng magkakaugnay at maayos na pangungusap Nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan Nagpapakita ng simula, gitna wakas. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,sapagkat,kaya,bunga nito,iba pa) Naibabahagi ang sariling opinion o pananaw batay sa napakinggang ulat. Naipapaliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa binasang datos. Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino. Nagagamit ng maayos ang mga pahayag sa pag -aayos ng datos. Duration MGA INAASAHANG KASANAYAN Ang modyul ay ginawa upang ikaw ay gabayan sa pag- aaral ng asignatura. Sa puntong ito, ilalahad ko ang mga kinakailangang kasanayan at wastong pamamaraan sa paggamit ng modyul. 1. 2. 3. 4. 5. Basahin at unawain nang maayos ang mga panuto upang higit na makuha ang kahilingan ng bawat gawain. Upang lubos na maunawaan ang mga aralin, kinakailangang gamitin o sumangguni sa inyong batayang aklat. Para sa mga katanungan, ugaliing magsaliksik sa iba pang mga aklat o sanggunian. Mangyaring sumangguni o magpatulong sa mga nakatatanda upang magabayan nang maayos sa pagsagot. Isulat ang lahat ng mga sagot sa ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. MAPA NG MODYUL Upang lubos kang magabayan sa iyong pag- aaral, narito ang mapa ng modyul na inilagay sa loob ng mga bilog. Magiging gabay mo ito sa iyong pag- aaral sa unang markahan. MGA AKDANG PAMPANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO, ESPANYOL AT HAPON Karunungang bayan Kuwentong Bayan Bantugan: Isang Epiko Pag ibig sa Tinubuang Lupa Sa Pula, sa Puti Jose P. Laurel: Talambuhay Rubriks sa pagwawasto ng mga Sanaysay at Performance task Upang ikaw ay magkaroon ng maayos na gawa o produkto sa bawat gawain, narito ang mga rubriks na magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga sanaysay. Pamantayan Kaugnayan sa paksa/ Nilalaman 5 puntos Ang nilalaman ng sagot ay akmang- akma sa hinihingi ng tanong na may karagdagang impormasyon. 3 puntos Ang nilalaman ng sagot ay tumugon sa hinihingi ng tanong. Organisasyon Ang nabuong sagot ay may malinaw na organisasyon ng mga ideya kasama na ang mga halimbawa. Ang nabuong sagot ay may malinaw na organisasyon ng mga sagot. Bisa ng pagkakagawa Ang nabuong sagot ay may malaking impak sa mambabasa at kapupulutan ng aral. Kawastuhang gramatika Ang mga sagot ay may mga salitang piling pili ay walang anumang maling baybay. Ang nabuong sagot ay mabisa ang pagkalahad at may nilalamang aral. Ang mga salitang ginamit ay malayo sa anumang kamalian. 2 puntos Ang nilalaman ng sagot ay di gaanong tumugma sa kahingian ng tanong. Ang nabuong sagot ay may organisasyon ngunit may mga ligaw na ideya. Ang nabuong sagot ay may mga ligaw na aral. May mga salitang mali ang pagbaybay, ngunit angkop sa pahayag. 1 puntos Walang kaugnayan ang nabuong sagot sa hinihingi ng tanong. Ang sagot ay walang organisasyon ay may maraming ligaw na ideya Ang nabuong sagot ay di kakikitaan ng bisa sa paglalahad. Maraming salita ang mali ang pagbaybay at walang Puntos kaugnayan sa sagot. Kabuoan Sa kabilang banda, narito ang pangkalahatang rubriks para sa pagwawasto ng nabuong performance task sa bawat aralin. PAMANTAYAN LUBOS NA KATANGGAP -TANGGAP (10) KATANGGAPTANGGAP (5) MAHINA (1) Organisasyon May lohikal na pagkakasunodsunod ang mga detalye ng nabuong proyekto. Kaugnayan sa Paksa Ang nabuong proyekto ay may malaking kaugnayan sa paksa. Kakikitaan ng malinaw na hanay ng mga hakbang sa pagbuo ng proyekto. Ang proyekto ay tumutugon sa pangangailangan ng paksa. Kaayusan/ Kawastuhang Gramatika May malinaw at maayos na gamit ng mga salita na may wastong baybay. Bisa ng pagkakagawa/ Dating ng Gawa Ang proyekto ay may maaayos, kaakit- akit na presentasyon at may ganap na kaisahan ang bawat detalye. Walang makikita na organisasyon ang nabuong proyekto. Hindi magkaugnay ang nabuong proyekto sa kahingian ng aralin. Ang ideya ng proyekto ay lumihis sa kahingian ng paksa. Ang proyekto ay hindi gaanong epektibo sa pagpapalitaw ng mga ideya sa proyekto. Ang nabuong proyekto ay may mga salitang hindi nararapat isali sa pahayag. Ang proyekto ay tumutugma lamang sa hinihingi ng aralin. Puntos X10 X10 X10 X10 Kabuoan ARALIN 1: KARUNUNGAN NG BUHAY LAYUNIN NG PAGKATUTO SA UNANG LINGGO Sa pagtatapos ng linggo, inaasahang ang mga mag- aaral ay matatamo ang mga sumusunod na layunin: 1. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. 2. Nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o masining na pahayag na ginamit sa tula, alamat, maikling kuwento, balagtasan, epiko ayon sa :kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. 3. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawakain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang kalagayan. 4. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan. PANIMULA Ang mga sumusunod na aralin ay tatalakayin ang isang tulang naglalaman ng mga karunungang bayan. Mula sa mga karunungang- bayan, iisa- isahin ang mga aral at mga bagay na dapat mong iwasan, ayusin, pagkaisipin, tandaan, ingatan at tularan upang maging matagumpay sa buhay. Ang unang aralin ay magtuturo sa iyo ng mga panitikang hango sa Pilipinas bago pa man sinakop ng mga dayuhan ang bansa. Kaya’t simulan natin. PANIMULANG PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ito sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinakamatandang anyo ng panitikan na ginamit ng ating mga ninuno upang ituro ang kagandahang- asal sa mga kabataan? a. alamat b. epiko c. karunungang-bayan d. maikling kwento 2. Alin sa mga sumusunod na panitikan ang HINDI kabilang sa pangkat? a. Indarapatra b. Biag ni Lam- ang c. Ang Kuwento ni Juan Tamad d. Bantugan 3. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak . a. Madalas bumabagsak sa buhay ang taong sobrang taas ang pangarap. b. Ang taong mapagmataas ang siyang kadalasang nakararanas ng matinding pagbagsak. c. Hindi masamang mangarap nang mataas ,huwag lamang sa paraang pag-isipan ng masama ang kapwa. d. Huwag magmadali sa pag angat baka ika’y madapa. 4. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “ngayon kakahigin, ngayon tutukain? a. Maagang magtrabaho upang buhgay ay umasenso. b. Kung kailangan lamang kailangang ang isang bagay ay doon lamang kikilos upang makamit ito. c. Kailangang magtrabaho upang may makain. d. Paghirapan ang isang bagay upang matamasa ito. 5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat? a. Salawikain b. Bugtong c. Kasabihan d. Maikling kuwento 6. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon. a. Lumusong ang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang tagumpay. b. Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong. c. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matatapos. d.Lumusong ka lang at huwag ka ng umahon. 7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong gamit ng mga talinghaga sa pangungusap? a. Ang baboy ni Vexana ay nagbibilang poste kasama ng kanyang mga anak. b. Ang aso ni Popol ay ,mabilis pa sa alas kwatro kung kumilos. c. Ang pana ni Miya ay umabot sa langit sa lakas ng pagkahagis nito. d. Labis ang tuwa ni Alu sa kanyang tinatamasa sa buhay. 8. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa talinghaga? a. Ito ay ginagamit sa isang komposisyong pormal at panggobyerno. b. Ito ay hindi kapani- paniwala sa buhay ng isang tao. c. Ito ay naglalaman ng mga nakatagong kahulugan na nagdudulot ng aral sa buhay. d. Ito ay ginagamit sa komposisyong walang kabuluhan. 9. Bakit sinasabing ang karunungang bayan ay isang lumang panitikan? a. Sapagkat ito ay biyaya ng Panginoon sa ating mga ninuno. b. Sapagkat ito ay kusang binuo ng mga ninuno sa panahon ng lumang bato. c. Sapagkat ito ay umusbong sa panahong hindi pa nasasakop ng mga dayuhan ang bansa. d. Sapagkat ito ay walang kabuluhan na binibigyang- pansin ng mga ninuno natin noong unang panahon. 10. Alin sa mga sumusunod ang karunungang bayan na nagpapahayag ng mga aral sa totoong buhay? a. Salawikain b. Sawikain c. Eupemismo d. Bulong PAGTUKLAS Mababatid mo sa bahaging ito ng modyul ang mga karunungang-bayan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Matutuklasan mo rin dito kung paano nakaaapekto ang mga karunungang-bayan ng kahapon sa ngayon at sa kinabukasan. Gayundin, matutuklasan mo kung paano mapananatili at mapauunlad ang mga karunungang-bayan na minana pa sa ating mga ninuno. G awain 1: Saan ako Napabilang? Panuto: Ihanay ang mga sumusunod na halimbawa kung ito ba ay bugtong, salawikain, kasabihan, o sawikain. Gumawa ng talahayan upang maihanay ang mga halimbawang nabanggit. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK. Upang mas higit na maunawaan ang mga karunungan -bayan panoorin ang Maikling landasin, di maubos lakarin. link na ito Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. https://www.youtube.com/watch? Bukas ang Palad v=kX1YBCyWtMg , para naman sa Putak,putak mga mag-aaral na walang internet Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. maaaring magtanong sa nakakatanda Aanhin pa ang damo,kung patay na ang kabayo Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. tungkol sa mga uri at halimbawa ng karunungan-bayan. Batang duwag. May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan. 10. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. Gawain 2: Hulaan Mo Ako Panuto: Magbigay ng sariling interpretasyon sa mga pahayag na mababasa sa ibaba. Mangyaring isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. 2. 3. 4. 5. Bakit sinasabing “bagyo ang aanihin, kung ang itinanim ay hangin”? Ano ang mangyayari sa isang tao kapag hindi ginamit nang maayos ang mga biyaya ng buhay? Paano isasabuhay ang mga katagang “ang lumalakad nang matulin kung matinik ay malalim”? Bakit nasasabi ng mga doctor sa panahon ngayon na “ang kalusugan ay kayamanan”? Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ‘kung ano ang bukambibig, siya ring laman ng dibdib? Sa puntong ito, natatapos ang iyong pagtuklas, ngayo’y dadalhin kita sa bahagi ng paglilinang sa iyong mga paunang nalalaman. PAGLINANG/ PAGPAPATIBAY Buong atensyon ang hinihiling ng bahaging ito ng modyul upang malaman at maunawaan mo ang mga karunungang-bayan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo at masalamin sa mga ito ang mga kultura nating mga Pilipino na kailangang yakapin at payabungin sa kasalukuyan. Makikita sa kanang bahagi ang mapa ng mga uri ng mga karunungang bayan sa Pilipinas. Salawikain KarunungangBayan Bugtong/ Palaisipan Sawikain Kasabihan Gawain 3: Pagkain ng Isip!!! Upang lubos na maunawaan ang karunungang-bayan basahin at unawain ang mga halimbawa na makikita sa ibaba. Tandaan!!! Ang bawat karunungang bayan ay naglalaman ng mga aral ng buhay na nagsisilbing gabay sa araw- araw na pamumuhay ng mga tao. Ito rin ang dahilan sa pag- usbong ng mga paniniwala ng bawat tao sa lipunan. KARUNUNGANG-BAYAN MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO DUMATING ANG MGA ESPANYOL Noon pa man ay sinasabing mayaman na ang panitikang Pilipino. Tayo ay may sarili nang panitikang nagtataglay ng kasaysayan ng ating lahi bago pa man dumating ang mga Espanyol at iba pang mga dayuhan sa bansa. May mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo sa iba't ibang panig ng bansa tulad ng karunungang-bayan na tinatawag ding kaalamang-bayan. Ang panitikang ito ay binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at bulong. Karaniwang ang mga ito ay nagmula sa mga Tagalog at hinango sa mahahabang tula. 1. Salawikain- Ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-aral ng ating mga ninunong naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal. Halimbawa: o Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo. o Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan 2. Sawikain- Ang mga sawikain ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan. Sa ibang sanggunian ay tinatawag din itong idyoma o kaya naman ay eupemistikong pahayag. Halimbawa: o bagong-tao -binata o bulang-gugo -gastador; galante 3. Kasabihan- Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong ipinalalagay na mga sabihin ng mga bata at matatatanda na katumbas ng mga tinatawag na Mother Goose Rhymes. Ang kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao Halimbawa: o Putak, putak o Tiririt ng ibon, o Batang duwag o Tiririt ng maya o Matapang ka't o Kaya lingon nang lingon o Nasa pugad. o Hanap ay asawa. 4. Bugtong - Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at may lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong. Halimbawa: o Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat. (banig) o Dalawang katawan, tagusan ang tadyang. (hagdan) 5. Palaisipan-Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng 1sang kalutasan sa isang suliranin. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay magisip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo. Halimbawa: o Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira? o May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang nagalaw ang sombrero? 6. Bulong- Ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulamo pangontra sa kulam, engkanto, at masasamang espiritu. Halimbawa: o Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami'y napag-uutusan. Panuto : Pagkatapos basahin ng may pag- unawa ang mga nabanggit, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY NOTEBOOK. 1. Ano-ano ang mga itinuturing na karunungang-bayan sa panitikang Pilipino? Isa-isahin ang mga ito. 2. Bakit mahalaga ang mga nasabing karunungang-bayan sa pag- aaral ng kulturang Pilipino? 3. Paano mo magagamit ang mga aral na taglay ng karunungang-bayan sa pang-araw-araw mong pamumuhay? 4. Marami ka bang alam sa mga nabanggit na karunungang-bayan? Paano mo pa higit na mapalalawak ang iyong kaalaman hinggil sa mga ito? 5. Naririnig mo pa bang ginagamit ang mga ito sa kasalukuyan? 6. Sang-ayon ka bang mayaman nga ang panitkan ng Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol? Iyo nang nabatid at naunawaan ang mga karunungang-bayan na umusbong at lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Nahihinuha mo na marahil ngayon ang kahalagahan ng mga ito noon at ngayon sa buhay nating mga Pilipino. Napagtanto mo rin ang mga dahilan kung bakit kailangang mapanatili ang mga ito bilang bahagi ng ating kultura. Ngayon, isagawa mo ang susunod na gawain bilang paunang patunay ng iyong kabatiran at pag-unawa sa mga karunungang-bayan. Gawain 4: Tingnan ang Bawat Katangian! Panuto: Sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK, gumuhit ng isang halimbawa ng Venn Diagram na makikita sa ibabang bahagi. Pagkatapos, ilagay sa nakalaang grapikong pantulong na venn diagram ang mga katangiang magkatulad at magkaiba ng salawikain, sawikain at kasabihan. Ibatay ang mga sagot sa loob ng aralin. Salawikain Sawikain Pagkakatulad Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Ano-ano ang mga itinuturing na karunungang-bayan sa panitikang Pilipino? Isa-isahin ang mga ito at ipaliwanag. 2. Bakit mahalaga ang mga karunungang-bayan sa pag-aaral ng kulturang Pilipino? Kasabihan 3. Paano mo magagamkit ang arang karunungang-bayan sa pang araw-araw mo na l namga taglay pamumuhay? Gawain 5: Ekspresyon nSgaDyaum gtodnagmi it n o,! napa gtanto mo na ang halaga ng mga karunungangbayan na umusbong at lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Masasalamin din natin sa mga karunungang-bayan ang likas na pagkahilig nating mga Pilipino sa “kasiyahan” na pumapawi ng ating kalungkutan, at nahahasa ang ating pag-unawa at mapanuring kaisipan. Kitang- kita ito sa mga bugtong. Bibigyang-diin natin ito sa susunod na gawain. Gawain 6: Magbugtungan Tayo! Panuto : Matuto at mawili sa mga bugtong na iyong sasagutin. Dito masusukat ang lawak ng iyong kaalaman, at malilinang ang talas ng iyong isipan sa mga bugtong na minana pa natin sa ating mga ninuno. Isulat ang iyong sagot sa bugtong sa ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Nanganak ang birhen, Itinapon ang lampin Kaisa-isang plato, Kita sa buong mundo Sa araw ay bumbong, Sa gabi ay dahon Nagbibigay na, Sinasakal pa Hindi tao, hindi ibon, Bumabalik ‘pag itapon Mataas kung nakaupo, Mababa kung nakatayo Sa isang kalabit, May buhay na kapalit Kumpol-kumpol na uling, Hayun at bibitin-bitin Hindi prinsesa, hindi reyna bakit may korona Palda ni Santa Maria, Ang kulay ay iba-iba Sadyang kawili-wili ang pagsagot sa mga bugtong. Likas sa ating mga Pilipino ang pagkawili sa mga ganitong uri ng gawain. Totoong nalinang din ang iyong mapanuring kaisipan. Salamat sa bugtong bilang isa sa mga karunungangbayan. Kaya nararapat lamang na ito’y pahalagahan, panatilihin, at paunlarin. Gawain 7: Aling Karungungang Bayan, Alin Nga Ba? Panuto : Suriin ang sumusunod na mga salawikain, kasabihan, at sawikain. Ilagay sa tamang hanay kung saan nabibilang mga ito. Isulat ang inyong sagot sa ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Ilista sa tubig Kapag may isinuksok, may madurukot Magdilang anghel Kung ano ang talon ng ina/amang kambing, ang anak ay ganoon din Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga Bulang-gugo Basang-sisiw Kasama sa gayak, di kasama sa lakad Ang sakit ng kalingkingan, damdam ng buong katawan. Higit na mapalilitaw ang pangunahing puntong ibig ipabatid, gayundin, mabibigyang diin ang kahalagahan ng mga kaisipan sa tulong ng dalawang uri ng paghahambing. Muli mo itong mapatutunayan sa susunod na gawain. Basahin at unawain ang Dalawang Uri ng Paghahambing. Alamin ang mga mahalagang impormasyon tungkol sa dalawang uri ng paghahambing sa pamamagitan ng pag-klik ng link na: http://www.scribd.com/doc/145048764/MayDalawang-Uri-Ng- Kaantasan- Ang-Paghahambing. Para naman sa walang internet basahin ang nakatala sa ibaba. PAGHAHAMBING Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing. Hindi natin namamalayan, ngunit kung papansinin, ang paghahambing ay bahagi na ng ating pang-arawaraw na bühay. Sa pagpili ng mga bagay na ating gagamitin, sa pagkain na ating kakainin, sa sasakyang ating sasakyan, o sa lugar na ating pupuntahan, kadalasan ang mga ito ay naisasagawa natin kung mayroon táyong paghahambingan. Isang mahalagang sangkap sa uri ng paglalahad na ito ay ang hambingan ng pang-uri. Ito ay ang paglalarawan ng tao, bagay, lugar, pook, o pangyayaring nakatuon sa dalawa o higit pa. MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING 1. Pahambing na Magkatulad- Sa magkatulad na katangian ay ginagamit ang mga panlaping gaya ng magka-, sing, sim-, sin, magsing", magsim, magsin, ga- pareho, kapwa 2. Pahambing na Di magkatulad a. Palamáng- Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang higit, lalo, mas, di-hamak b. Pasahol- Kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing, Ginagamit ang di gaanoo, di gasino, di masyado. Gawain 8: Paghahambing na Kaygaling! Panuto : Sipating muli ang pagkakatulad at pagkakaiba ng salawikain, kasabihan, at sawikain sa tulong ng mga bubuuing pangungusap gamit ang dalawang uri ng paghahambing. Bigyang-diin sa paghahambing ang kahalagahan ng mga ito sa ating pagiging Pilipino. Pagkatapos, sagutin ang ilang makabuluhang tanong. Kopyahin at isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Para sa pagkakatulad, gamitin ang mga panlaping kasing, sing, magsing, magkasing, o kaya’y mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa, at pareho Para naman sa pagkakaiba, gamitin ang mga salitang lalo, di gaano, di gasino, di lubha, higit, labis, at di hamak Pagkakatulad ng Salawikain, kasabihan, at Sawikain 1. 2. 3. 4… Pagkakaiba ng Salawikain, kasabihan, at Sawikain 1. 2. 3. 4… Napagtibay rin sa isinagawang paghahambing ang kahalagahan ng mga ito yamang masasalamin dito ang kulturang ating kinagisnan na kailangang panatilihin maging sa kasalukuyan. Gawain 9: Subukin Mo Ang Sarili Panuto: Ngayon naman ang susunod na gawain ay sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang inyong sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. A. Panuto: Salungguhitan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang at sulat sa kahon kung anong uri ito ng paghahambing. 1. 2. 3. 4. 5. 1. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong búhay ngayon. 2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa paaralan kompara sa dati. 3. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng aking lola. 4. Di gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang kabataan ngayon kung ihahambing sa kabataan noon. 5. Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil magkamukha sila. B. Panuto: Isulat ang angkop na pahambing sa pangungusap gamit ang mga gabay na salita sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa linya. (gusto: di magkatulad) kong magbasá kaysa manood ng telebisyon kapag wala akóng ginagawa. (maganda: magkatulad) ang pananaw naming magkaibigan sa búhay dahil ito ang turo ng aming magulang. Akó ay (matanda: di magkatulad) kaysa sa aking mga kalaro kaya't pinipilit kong maging mabuting halimbawa sa kanila. (mahirap: di magkatulad) ang búhay ng aking magulang kompara sa magandang búhay na ibinigay nila sa akin ngayon. Ang aking tatay at nanay ay (magsimbait: magkatulad) kaya't mahal na mahal ko siláng dalawa PAGPAPALALIM Makatuwiran lamang na bilang isang Pilipino, iyong palalimin ang iyong pagpapahalaga sa mga karunungang-bayan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo sapagkat dito masasalamin ang kultura natin sa pamamagitan ng iyong pagsasagawa sa susunod na mga gawain. Patuloy mo nawang ipamalas ang kagalakang matuto sa yamang kultura nating mga Pilipino. Gawain 10: Malalim na Pag- Unawa! Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa bawat bilang. Hanapin ang mga panlapi o salitang ginamit na nagsasaad ng paghahambing. Pagkatapos, tukuyin kung ito’y pahambing na magkatulad o di magkatulad. Isulat ang sagot sa ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Ang mga karunungang-bayan tulad ng salawikain, kasabihan, at sawikain ay parehong kasasalaminan ng mga kultura ng ating mga ninuno na dapat nating pag-ibayuhin at palaganapin. Panlapi o salitang ginamit: Uri ng paghahambing: 2. Ang mga karunungang-bayan ay kasinghalaga rin ng iba pang anyo ng panitikan sapagkat pare-pareho silang kasasalaminan ng mga kultura nating mga Pinoy. Panlapi o salitang ginamit: Uri ng paghahambing: 3. Higit na nangangailangan ng malalimang pag-unawa ang mga salawikain kaysa sa kasabihan sapagkat hindi lantad ang kahulugan ng mga ito. Panlapi o salitang ginamit: Uri ng paghahambing: 4. Ang mga salawikain at sawikain ay kapwa nangangailangan nang mapanuring pag-iisip nang matarok ang kahulugan ng mga ito. Panlapi o salitang ginamit: Uri ng paghahambing: 5. Di tulad ng salawikain at sawikain, higit hamak na madaling unawainangkasabihan sapagkat halos lantad na ang kahulugan ng mga salita. Panlapi o salitang ginamit: Uri ng paghahambing: Panuto : Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng mga salawikain, kasabihan, at sawikain. Bigyang-kahulugan ang mga ito. Kopyahin at isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Salawikain: Anak na di paluhain, Ina ang patatangisin. Kahulugan: 2. Kasabihan: Ang taong matiyaga, matutupad ang ninanasa. Kahulugan: 3. Sawikain: Sanga- sanga ang dila. Kahulugan: 4. Salawikain: Pag ang tubig ay maalaw, ang ilog ay mababaw. Kahulugan: 5. Kasabihan: Ubos- ubos biyaya, bukas nakatunganga. Kahulugan: Gawain 12: Hahanapin Ko’t Ilalantad Panuto : Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba. Hanapin ang lahat ng mga salawikain, kasabihan, at sawikaing ginamit. Pagkatapos, bumuo ng kahon sa inyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK na paglalagyan ng mga nahanap na karunungang bayan. Maaaring magdagdag ng mga kahon kung kailangan. COVID-19 Alamat Kontra Armageddon Naglaboy sa lungsod ang peste’t higante, Mayabong sa parke’y kabuteng kapote, Walang pumapansin sa bugtong espinghe, Mahimbing sa trono’ng putîng elepante. Ngunit halikayo! Gipô na’ng katedral. Hihinto din ang trak ng keso’t pandesal. Tanggalin sa utak ang maskarang busál. Bababâ rin muli ang lumang Salimbal! Sa liblib at nayon, lumambong ang karbon, Ang bundok at gubat ay pugad ng dragon; Ang ilog at dagat may libag ng sabon, Ang pusòng dumilat katalik ay kanyon. Lalabas ang timon at bagong bagani, Tumulong puksain ang nunòng serp’yente! Huwag nang umasa sa agila’t tigre, Kumilos, tuklasin ang mutyang kamote! Pag nagkakaisa’t hawak ang sarili, Maglalahòng ganap ang lahat ng peste Hawak na’ng trumpeta ng sanluksang anghel, Nikelado kahit ang súpot ng kahel; Hindi tatanggapin ng tanod sa karsel Kahit ang pangakong nasúlat sa papel. Gawain 13: Nabatid Ko Na! Panuto : Suriing mabuti ang mga halimbawa ng salawikain, kasabihan, at sawikain. Ibigay ang kahulugan ng bawat pahayag. Pagkatapos, bumuo ng pangungusap na naghahabing batay sa kahulugan ng mga ito gamit ang paghahambing na magkatulad at paghahambing na di magkatulad. Kopyahin at isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY /ASSESSMENT NOTEBOOK. Salawikain : Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan Ay hindi makakarating sa paroroonan. Sawikain: Mag-alsa balutan. Kahulugan: Kahulugan: Paghahambing na magkatulad: Paghahambing na magkatulad: Paghahambing na di magkatulad: Paghahambing na di magkatulad: Sawikain : Kasabihan: Paglulubid ng buhangin Ang pagsasabi nang tapat Pagsasama nang maluwat Kahulugan: Kahulugan: Paghahambing na magkatulad: Paghahambing na magkatulad: Paghahambing na di magkatulad: Paghahambing na di magkatulad: Salawikain: Naibababa ang mapagmataas Naitataas ang mapagpakumbaba. Sawikain: Basang-sisiw Kahulugan: Kahulugan: Paghahambing na magkatulad: Paghahambing na magkatulad: Paghahambing na di magkatulad: Paghahambing na di magkatulad: VALUES INTEGRATION Isulat sa iyong ACTIVITY/ASSESSMNET NOTEBOOK ang sagot sa Mahalagang Tanong Bakit kailangang pag-aralan at pahalagahan ng mga kabataan ang mga karunungang-bayan tulad ng salawikain,sawikain o kawikaan,at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon? PAGLILIPAT Gawain 14: Paggawa ng Isang Mini-Brochure Panuto : Samo’t saring pamamaraan ang maaaring gamitin upang mahimok ang mga turista na pumunta sa ating sariling pamayanan o bansa. Isa na rito ang paggawa ng Mini-Brochure. Kaya, manaliksik at gugawa ng isang Mini-Brochure hinggil sa kagandahan ng iyong pamayanang kinabibilangan na maaaring di pa batid ng iba. Lagyan ng pamagat ang mabubuong mini-brochure. I-post o i-upload mo sa iyong Facebook Account. Ang Pamantayan ay makikita sa itaas na bahagi ng module. PANIMULA Ang Pilipinas ay binubuo ng samo’t saring mga panitikang nagbibigay ng kawilihan sa mga taong nagbabasa nito. Bukod pa rito, ang mga panitikang Pilipino ay di na nawala sa ating kultura. Sa katunayan, may mga panitikang umusbong sa Pilipinas bago pa man nanakop ang mga Kastila at iba pang dayuhan sa Pilipinas. Ang ikalawang kabanata ay tumatalakay sa mga panitikang naglalaman ng mga di- kapani- paniwalang akda na kapupulutan ng aral. Tulad ng gawi at wika, ang panitikan ay isa ring elemento ng pagkakilanlan sa isang tao. Sa madaling salita, ang panitikan ay kalakip na ng ating kultura at pamumuhay. Sa Pilipinas, may iba’t ibang anyo ng panitikan na umusbong bago pa dumating ang mga dayuhan dito. Kung kaya’t isa sa mga pokus ng aralin sa ikalawang modyul ang mga kuwentong bayan na nagdadala ng aral sa mga Pilipino. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag- aaral ay inaasahang makamit ang mga sumsunod na layunin: 1. Naipaliliwanag ang pagkakaugnay- ugnay ng mga pangyayari sa loob ng isang binasang panitikan. 2. Nakikinig nang may pag- unawa upang mailahad ang mga layunin ng akda. 3. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa pamamagitan ng: a) pagbibigay ng paunang kahulagan ng tekstong binasa, b) ang dating kaalaman sa binabasang akda. 4. Nakasusuri ng mga talata batay sa pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari. 5. Nakabubuo ng mga talata na gumagamit ng mga watong hudyat ng pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa loob ng talata. PANIMULANG PAGTATAYA Panuto: Sa bahaging ito, bago kita pupunuin ng mga kaalaman tungkol sa kuwentong bayan, susukatin ko muna ang iyong kakayahan tungkol sa mga paksa at nilalaman nito. Mangyaring sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong sariling ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat? a. Lam- ang b. Bantugan c. Bidasari d. Ako ang Daigdig 2. Ano ang tawag sa kuwentong bayan na tumatalakay sa di- kapani- paniwalang pangyayari sa loob ng kuwento? a. Epiko b. Bulong c. Alamat d. Pabula 3. Alin sa mga sumusunod na panitikan ang tumutukoy sa mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o lugar? a. Epiko b. Bulong c. Alamat d. Pabula 4. Anong bahagi ng panitikan na naglalaman ng mga kapana- panabik na mga pangyayari sa loob ng kuwento? a. Panimula b. Gitna c. Wakas d. Kasukdulan 5. Sa anong bahagi ng kuwento matatagpuan ang bahagi ng tagpuan? a. Panimula b. Gitna c. Wakas d. Tagpuan 6. Ano ang nangyari sa maalab na pagmamahal ni Marin kay Garduque? a. Nagkaroon ng kapayapaan sa magkaibang lahi. b. Nagkaroon ng alitan ang magkaibang lahi. c. Nagkaroon ng masaganang pamayanan sa kanilang lugar. d. Nagkaroon ng pasakit sa kaharian nina Marin dahil sa kanilang pamamahalan. 7. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng paglalahad ng mga tauhan sa loob ng kuwento? a. Si Lito ay isang matandang plubi na naninirahan sa loob ng kuweba. b. Si Anymar ay walang naiuwing basket mula sa palengke. c. Si Lolong ay kumakain ng isang bhay na hayop upang mabuhay sa sapa. d. Ang bote ni Dodong ay kumukuha ng mga buhangin sa loob ng aquarium. 8. Ang anak ni Aling Loleng ay nakatatawag pansin sa grupo dahil siya ay problema ng pamilya. Anong bahagi ng kuwento makikita ang nabanggit na pangungusap? a. Kakalasan b. Kasukdulan c. Suliranin d. Wakas 9. Sa anong bahagi ng kuwento makikita ang mga tagpuan, suliranin at maging ang lokasyon ng kwento? a. Panimula b. Gitna c. Wakas d. Tagpuan 10. Ano ang tawag sa akdang pampanitikan na naglalaman ng maayos na banghay at naglalaman ng aral tungkol sa buhay ng tao? a. Pabula b. Parabula c. Nobela d. Maikling kuwento Ngayon, ilalakbay kita sa mundo ng mga kuwentong bayan na umusbong sa panahon ng mga katutubo. Halika at ipagpatuloy ang iyong paglalakbay rito. ARALIN 2: ANG PINAGMULAN NG MARINDUQUE Narito ang mga kasanayang iyong mahuhubog rito: 1. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa paksa. 2. Nakababasa ng akdang pampanitikan na may maayos na banghay. 3. Nakasusuri ng isang teksto batay sa nilalaman, organisasyon at uri ng mga tauhan sa loob ng kuwento. 4. Naisasalaysay ang maayos at wastong pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa loob ng kuwento. 5. Naiuugnay ang aral na napulot sa kuwento sa totoong buhay sa pamamagitan ng; pagsulat ng isang alamat na naaayon sa pambansang kalagayan sa kasalukuyan o nakabubuo ng isang kuwentong hango sa karanasan ng isang tipikal na mamamayan ngayon. Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming pulo at sa bawat pulo ay may iba’t ibang uri ng tao ang nakatira, kung kaya’t maraming kuwento ang nabuo sa bawat pulo ng ating bansa. Sa puntong ito, bibigyan kita ng ideya kung anoano ang mga kuwentong bayan na makikita sa Pilipinas. Magyaring sundan ang link https://www.youtube.com/watch? v=mWGPJs6lJGM , para sa mga may internet. P A G T U KNLg uAnSi t kung kayo ay walang internet, mangyaring magtanong sa mga nakatatanda tungkol sa mga panitikang umusbong sa Pilipinas bago pa man ang pananakop ng mga dayuhan. Itala ang sagot sa inyong i t aTsEa BmOuO n dKo. n g kuwentong bayan. Maghanda ka at simulan natin sa gawaing ito. ACTI SVaI Tp uYn/tAo nSgSEi t oS ,SdMa dEaNl hTi n NkO Gawain 1: Magtala… Magtala ka Nga! Panuto: Gamit ang concept cluster sa ibabang bahagi, punuin ang mga bilohaba ng mga salitang maaaring makapagbigay ng kahulugan sa salitang nakasulat sa loob ng bilog. Kopyahin at isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Kuwentong Bayan Ngayon, nakapagbigay ka ng maraming kahulugan ng salitang kuwentong bayan. Handa ka na sa ikalawang gawain, ito ay magpapatibay sa iyong gawa sa nakaraang gawain. Gawain 2: Tukuyin Mo Nga! Panuto: Tukuyin ang mga uri ng kuwentong bayan sa bawat pamagat ng mga kuwento. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Bidasari 7. Pinagmulan ng Paru- paro 8. Ang kuwento sa pagkakaroon ng 2. Indarapatra at Solayman 3. Ibalon Tandang 9. Ang kuwento ni Langgam 4. Lam ang 5. Pinagmulan ng Durian 10. Paano nagkaroon ng itim na kalapati 6. Bantugan Ngayon, pinaghusayan mo ang iyong pagsasagot. Natitiyak kong ikaw ay handa na sa isang gawaing pagbabasa. May napili akong isang halimbawa ng isang kuwentong bayan, subalit, nais ko munang itanong ito sa iya bilang repleksyon. Isulat ang sagot sa ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. “Bakit hindi nararapat sukatin ang halaga ng isang tao batay sa dami ng kanyang kayamanan, o estado ng pamumuhay?” PAGLINANG Natitiyak kong handa kana sa iyong susunod na gagawin. Upang lubos na maunawaan ang elemento at nilalaman ng isang kuwentong bayan. Mangyaring basahin ang kuwentong “Ang Pinagmulan ng Marinduque.” ANG PINAGMULAN NG MARINDUQUE Noo’y bago pa lamang kapapadpad sa ating dalampasigan ng mga Kastila. Sa balangay ng Batangan, ngayo’y Batangas, ay kalakip ang Mindoro at mga lupalop ng timog-kanluran ng Laguna hanggang Kamarines. Si Batumbakal ay kilalang datu ng Batangan at mga balangay sa karatig nito. Sila’y mayaman at makapangyarihan. Tampok ng Katagalugan ang kanyang kaisa-isang anak na si Mutya Marin. Si Mutya Marin ay maganda, mahinhin at halos ang lahat ng katangian ng dalagang Silangan ay napisan sa kanya. Siya’y kayumangging kaligatan. Alun-alon ang buhok na hinabi ng hatinggabi. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, linalik ang baba at may gatla sa leeg. Siya’y may nunal sa batok. Balangkinitan ang katawan. Katamtaman ang taas. Ang baywang ay hugis hantik. Manipis ang alak-alakang nagbabadyang siya ay masipag, ayon sa matandang kasabihan. Maraming tagahanga si Mutya Marin at kabilang dito ay si Datu Bagal na ubod ng yaman. Ang kaharian niya’y kilala sa tawag na Mindoro (Mina de Oro). Sina Datu Sagwil ng Laguna at Datu Kawili ng Kamarines ay mga tagahanga rin subali’t ang nagpatangi sa lahat kay Marin ay isang dukhang mang-aawit, si Garduque, manghahabi ng tula at tagahanga ng kalikasan. Siya’y taga-Taal at isang mandaragat sa lawang Bunbon. Isang araw, nagpabalita na magkakaroon ng palaro sa palasyo bilang parangal sa mga anito. Ang mga manlalaro ng iba’t ibang kaharian ay nagsidalo. Dumating ang palarong pinakahihintay. Natipong lahat ang mga pambato ng sarisaring palakasan. Angunang labanay pagbinitng palaso. Ang nakatamo ng gantimpala ay bantog na Mangyan ng Mindoro na si Balindada. Ang ikalawang paligsahan ay palayuan ng pagbato sa ibayong ilog. Ang nagkamit ng karangalan ay Igorot na kinatawan ng Bulu-bundukin. Ang karera sa kabayo ay isinunod at sinalihan ng mga prinsipe. Sinumang makatalo kay Mutya Marin ay siya niyang paka-kasalan. Subali’t lahat ay nabigo. Sa bilis, si Mutya Marin ay kawangis ng limbas. kaya napahiyang lahat ng kanyang tagasuyo. Sa huli, si Marin ay itinanghal na reyna ng paligsahan at siya’y pinutungan ng korona ng karangalan. Ang nagkapalad magputong ng korona ay walang iba kundi ang makatang kasintahan. Natapos ang parangal sa mga anito at nagsialis ang mga panauhin. Nagbalik sa kaharian ang mga araw na katulad ng dati. Dahil sa sina Datu Bagal, Sagwil at Kawili ay mga kapalagayang-loob ng ama ni Marin, sa loob at labas ng kaharian ay nakapaghahandog sila ng pag-ibig sa mutyang dalaga. Sa kabilang dako naman, ang binatang makata ay dimamakailang pinagbawalan ni Datu Batumbakal na huwag makipagkita sa kanyang butihing anak. “Bakit ka pumapasok sa loob ng aking kaharian nang wala akong pahintulot?” ang minsa’y tuligsa sa kaawaawang makata. “Ako po’y sumusunod lamang sa utos ng iyong anak.” “Mula ngayo’y di ko gustong makita ang pagmumukhang iyan, pangahas,” ang pagbabala ng datu. “Hindi po ako pangahas. Hindi ko po masuway si Mutya Marin. Ako po’y pinabibigkas ng mga tulang kanyang kinagigiliwan.” “Magtigil ka, walang-turing!” Umalis ang makatang ang mukha’y nasa talampakan. Hindi na matiis ni Mutya ang paglait ng kanyang ama sa minamahal. Kaya minsa’y ipinagtanggol ni Marin ang binata. “Hari kong Ama, utang na loob! Huwag ninyong hamakin ang aking kasintahan. Siya ang tumutugon sa aking mga saligan sa buhay.” Hindi pa nakatapos si Marin sapagka’t si Datu Batumbakal ay nagsalita. “Ikaw ay nabubulagan. Ipagpaliban natin anghinggil sabagay na iyan. Sa iba nang araw natin pag-usapan.” Napipi si Marin at siya’y hindi na nakaimik kaputok man. Maluwat ding panahon ang lumipas na di pumapasok ang mang-aawit sa palasyo. Likha palibhasa ng dimatingkalang kapangyarihan ng pag-ibig, si Mutya Marin ay sadyang nagliwaliw sa kaparangan sa pagbabaka-sakaling matagpuan doon ang abang makata. Nakarating siya sa matulaing Hog Pansipit. Napadako si Mutya sa panig ng baybaying ilog na mapanganib. Dito’y maraming mga buwaya na sumisilangtao. Nang sisilain na lamang at sukat si Marin ng isang mabangis na buwaya, ay siya namang pagdating ng makatang kasintahan. Sa kabutihang-palad kapagkaraka’y buminit ang binata sa palaso. Natudla and buwaya kaya nasagip si Marin sa nakaumang na sakuna. “Salamat, Mahal! ipinag-aadya pa ako ng ating mga anito!” “Bakit ka nangahas maglibot sa kagubatan? Di mo ba alam na ikaw ay kagigiliwan ng nuno sa punso? Kung magkagayon, hindi ka na makababalik sa palasyo.” “Ewan ko ba! Hindi ako mapalagay kung hindi kita makita. Maluwat nang hindi mo ako sinisipot. Kay dali mong makalimot!” ang pagtatampo ng dalaga. “May babala sa akin ang iyong ama.” “Kung talagang tapat sa akin, kung tunay ang iyong pagmamahal, hahamakin ang lahat. Kahit kamataya’y iyong susuungin kung dahil sa akin.” “Marin, tunay nga bang ako’y iyong minamahal? Ako’y isang dukha, kumain dili. Bakit mo ako itatangi? Si Datu Bagal ay mayaman. Si Datu Sagwil ay makapangyarihan. Si Datu Kawili ay marahas. Bakit ako ang pag-uukulan ng iyong kalinga?” “Ang puso ko’y iyong sinusugatan,” pakli ng dalaga. “Sundin mo ang iyong mahal na ama. Ang datu ay ayaw sa akin. Ano nga naman ang iyong mapapala sa isang mang-aawit na tulad ko? Maaari ka bang pakainin lamang ng aking mga tula?” “Hindi ang pagkain lamang ang nakabubuhay sa tao. Banal ang iyong kaluluwa.” “Salamat, Marin Nalalaman mo bang ang pakikipagkita mong ito sa aki’y ipinagbabawal ng datu?” “Oo.” “Nalalaman mo bang ang pakikipagtagpo mo sa aki’y nanga-ngahulugan ng pagtagpas sa aking ulo? Baka pati ikaw ay maparamay.” “Nababatid ko. Ako’y nakipagtagpo sa iyo upang minsan pa nating sariwain ang sumpaang sa ating dalawa ay walang mamamagitan kundi kamatayan!” “Isinusumpa ko. Kita’y mamahalin hanggang langit.” “Magmamahalan tayo hangga’t may daigdig. Magsadya ka mamayang gabi sa palasyo, sa halamanang dati nating tagpuan. Mayroon akong ipagtatapat.” “Umalis ka na at baka hanapin ka ng iyong ama.” “Siya nga. Isa lamang aliping dalaga ang kasama.” Inihatid ng binata ang dalaga hanggang sa tabi ng kabayanan. Nang kinahapuna’y ipinatawag si Marin ng ama. “Bakit ka ba nakikipagtagpo nang lihim sa dukha mong kasintahan? Ito’y sinsay sa aking mga kautusan at kaugalian ng balangay. Ang maharlika ay sa maharlika at ang alipi’y sa alipin. Bukas na bukas din aking papupugutan ang iyong kasintahan.” Hindi nakuhang makapagmatuwid ang dalaga. Alam niya ang bawa’t sabihin ng ama’y masusunod. Napakasungit ng datu! Pinasusian si Mutya Marin sa itaas ng tore. Nang dumating ang tipanang oras ay walang makitang Marin sa halamanan. Hinanap ng binata ang dalaga. Nakita niyang maliwanag ang tore kaya sinapantahang naroon ang hinahanap. Sumagi sa kanyang hinala na namalayan ng datu ang pakana nilang pagtatagpo. Ang mang-aawit ay nagpunta sa paanan ng tore nguni’t paano niya maaakyat iyon? Wala siyang mahagilap na lubid o anumang tali. Siya’y naupo at nag-isip. Namataan niya na may aninong gumagalaw sa bintanaat ilang saglitpa’y may naglawit ng lampara. Napag-alaman niyang si Marin ay gising. Nahinuha niyang batid ni Marin na siya’y nasa paanan ng tore at naghihintay. “Dapat sana siyang mag-ingat sa paglalawit ng ilaw sapagka’t baka mahalata ng bantay,” ang bulong ng makata sa sarili. Samantalang ang binata ay nasa ganitong pagmumuni-muni, bigla siyang namangha nang makita si Marin sa kanyang harapan. Ang dalaga pala’y naghugos sa tore sa pamamagitan ng lubid at mga piraso ng damit na pinagbuholbuhol. “Giliw,” ang Simula ni Marin, “bukas ay papupugutan ka.” “Ako’y nakahanda. Pumapayag ka ba?” “Hindi maaari. Tayo ay magtanan habang may panahon. Mayroon akong kinasabuwat na mga alipin na gagaod sa ating bangka. Sa Wawa tayo hinihintay.” “Saan tayo tutungo?” “Tayo’y tatakas. Tayo’y pasasatimog… saan man… doon sa walang amang makapanghihimasok sa pag-ibig ng anak.” Ang dalawa’y nagtanan. Magdamag silang naglayag sa lawak ng karagatan. Nag-umaga. Nang mag-aalmusal na, siyang pagkapansin ng datu na si Marin ay wala na. May nakapagsumbong na siya’y tumakas. Inihanda at iniutos ng datung habulin ng mabilis na batil pandigma ang magkasintahang tumalikod sa kaugalian ng balangay. Nagpabalita si Datu Batumbakal sa tatlong datung tagasuyo ni Mutya Marin. Si Datu Sagwil ay madaling tumugon. Sa mga nagsihabol ay kasama si Datu Kawili na siyang gustong pagpakasalan kay Marin. Si Datu Bagal ay sumama rin nang magdaan sa Mindoro ang mga humahabol. Anong magagawa ng munting sasakyang kinalululanan ng magkasintahan? Walang pagsalang sila’y aabutin! Lima lamang oras ang nakalipas matapos makapag-almusal ang datu nang abutin ng dambuhalang sasakyang humahabol ang mga nagsitakas. Binuo ng magkasintahan sa kanilang sarili na sila’y di pabibihag nang buhay, kaya sinabi na mangyari na ang dapat mangyari. Bilang pagmamatigas ng binata ay pinagkaisahan nilang magpatihulog sa karagatan. Pinagtali ang dalawang kamay ng matibay na lubid at ito’y ikinabit sa mabigat na bato upang sila’y magtuloy-tuloy sa kailaliman ng dagat. Ganito nga ang nangyari. Nang iilan na lamang dipa ang agwat ng maliit na sasakyan sa malaking sasakyang humahabol, ay magkayapos na tumalon sina Marin at ang binata. Tuloy-tuloy sa kailaliman ng tubig dahil sa mabigat na pataw na nagsilbing sangkap ng kamatayan. “Paalam, Batumbakal,” ang sabi ni Garduque “Paalam, Amang,” ang sabay ni Marin. Hindi matagpuan ang magkasintahan. Para manding bulang hinigop ng buhawi. Kinaumagahan, anong pagtataka ng mga nagsisihanap nang makita ang isang malaking pulo sa dakong tinalunan ng magsinggiliw. Mula noon ay pinangalanan ang pulo na MARINDUQUE, galing kina Marin at Duque. Nagsisi si Datu Batumbakal nguni’t huli na. Bilang pagtitika sa kanyang nagawang pagmamalupit, siya’y nagpakatino. Siya’y naging mapagmahal sa kanyang mga sakop. Ang mga alipin ay kanyang pinag-ukulan ng pagtingin na higit sa rati. Binago niya ang mga batas na pinaiiral sa balangay. Ang mga alipin at mga maharlika ay naging pantaypantay sa dambana ng mga anito tungkol sa pag-ibig at suliranin sa puso. Ang Marinduque ngayon ay isang pulong may magaganda at matulaing tanawin. Pinilas ang ganda kay Marin at hiniram ang tula sa dakilang mang-aawit. Gawain 3: Suriin mo ng Maigi! Panuto: Matapos mong basahin, mangyaring sagutin ang sumusunod. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Sino si Mutya Marin? Bakit maraming kalalakihan mula sa mga karatig lugar ang naaakit na manligaw sa kanya? 2. Sa mga manliligaw ni Mutya Marin, sino sa kanila ang nakapukaw sa puso ng dalaga? Bakit naging madali sa kanyang mahalin ang binatang ito? 3. Bakit ayaw ni Datu Batumbakal kay Garduque? Bakit mababa ang tingin niya sa binata? 4. Kung ikaw si Garduque, paano mo tatanggapin ang paraan ng pakikitungo ni Datu Batumbakal sa iyo? 5. Paano mo ilalarawan ang pag-ibig na nadaranma ni Mutya Marin para kay Garduque? Maituturing mo bang wagas at busilak ang kanyang pag-ibig sa binata? Bakit? 6. Ano ang ibig ipahiwatig ni Mutya Marin nang sabinin niya sa kanyang inibig ang mga katagang, "Hindi ang pagkain lamang ang nakabubuhay sa tao. Banal ang iyong kaluluwa." 7. Kung ikaw ang nasa katayuan ng dalaga, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawang pagtakas sa ama para makasama ang lalaking lubos niyang iniibig? 8. Sa iyong palagay, hanggang kailan at saan dapat manghimasok ang mga magulang sa buhay ng kanilang mga anak? 9. Para sa iyo, ano ba ang tunay na sukatan ng halaga ng isang tao? 10. Anong gintong aral ang iyong nakuha mula sa alamat ng Marinduque? Ang iyong nabasa ay isang halimbawa ng kuwentong bayan. Ang kuwentong bayan ay kuwentong pasalaysay na naglalaman ng kultura, paniniwala, tradisyon ng isang tao. Para sa karagdagang imp ormasyon maaaring basahin ang nakatala sa ibaba. MGA KWENTONG BAYAN / FOLKTALES Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga epiko. Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma. Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang 'awit' ngunit ngayon ito'y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan. Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay, tao o pook. Ang alamat ay legend sa wikang Ingles na mula naman sa Latin na legendus na ang ibig sabihin ay "upang mabasa". Gawain 4: Isulat mong muli! Isa sa mga elemento ng kuwento ay ang kanyang banghay, ang banghay ay binubuo ng tatlng bahagi na magkakaugnay ang diwa ng bawat isa (Vilafuerte, 2012). Ito ay nahahati sa tatlong bahagi ang panimula, naglalaman ng pagpapakilala sa tauhan, sa panahon at lugar ng kuwento. Habang ang gitna ay binubuo ng mga suliranin, kapanapanabik na pangyayari sa kuwento. Samantalang ang wakas ay nagsasaad ng katapusan ng kuwento (Lontoc, et.al, 2017). Panuto: Sa puntong ito, para sa susunod na gawain, gamit ang kaalaman mo mula sa alamat na nabasa, tukuyin ang mga bahagi ng banghay sa kuwento sa pamamagitan ng pagsagot ng Story Mountain Organizer. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Gitna Simula Ang Pinagmulan ng Marinduque Wakas Ngayong nasuri mo ng husto ang kuwentong bayan, ihahatid kita ngayon sa mundo ng mga pang- abay. Ayon kay Nicolas, (2015) ang pang- abay ay nagbibigay- turing sa pandiwa, pang- uri at ibang pang- abay. Ito ay maaaring mauri bilang; pamanahon, panlunan, at pamaraan. Para lubos mong maunawaan ang mga pang- abay, panoorin ang video sa youtube sa pamamagitan ng link na http://youtu.be/mirXebqc1fe//, para sa mga walang internet, basahin ang nakatala sa ibaba. PANG-ABAY NA PAMANAHON, PANLUNAN, AT LBA PANG URI NG PANG-ABAY Pang-abay ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pangabay. May iba’t ibang uri ng pang-abay. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1. Pamanahon- Pang-abay na nagsasaad kung kalian ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap. Napapangkat sa dalawa ang ganitong uri ng pang-abay: ang may pananda at yaong walang pananda. Ang may pananda ay yaong gumagamit ng nang sa, noong, kung, tuwing, bulhat, mula, umpisa, at hanggang bilang mga pananda ng pamanahon. Samantalang ang mga pamanahon na walang pananda ay ang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bükas, sandali, at iba pa. Halimbawa: Batay sa "Alamat ng Alamat," naganap ang pangyayaring ito noong unang panahon. 2. Panlunan- Pang-abay na tinatawag na pariralang sa. Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos. Halimbawa: Sa buong mundo ay laganap ang iba’t ibang kuwento o alamat tungkol sapinagmulan ng iba’t ibang bagay. 3. Pamaraan- Pang-abay na sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap. Halimbawa: Masayang nagbabasa ang mga batang mahilig sa karununganag-bayan gaya ng mga alamat. 4. Panggaano- Ang pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang. Halimbawa: Ang mga taong nakabasa ng alamat ay dumami nang isang daang porsiyento. 5. Kataga o Ingklitik- Katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap. May 16 na kilalang pangabay na ingklitik. Ito ay ang sumusunod: Man tuloy muna kasi lámang/ lang palá sana din/rin daw/raw nang ba naman kayá pa yata na Halimbawa: Makikita rin ang paniniwala at kultura ng isang pamayanan sa pamamagitan ng alamat. Tandaan na ang pang- abay ay ginagamit sa pangungusap upang lubos na maunawaan ang nais iparating ng pahayag. PAGPAPALALIM Gawain 5: Pagbubuod at pagninilay! Upang lubos na ikaw ay matuto sa mga aralin. Mangyaring sagutin ang mga sumusunod at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Gabay na mga tanong: 1. Bakit mahalaga ang kuwentong bayan sa mga Pilipino? 2. Ano- ano ang ipinagkaiba ng mga kuwentong bayan sa iba pang anyo ng panitikan? 3. Bakit kailangang tangkilikin at pag- aralan ang mga kuwentong bayan? 4. Ibigay at ilarawan ang iba’t ibang bahagi ng isang kuwentong bayan? 5. Kung ikaw sina Marin at Duque, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit? Ipaliwanag ang inyong sagot. 6. Ano ang aral na nakuha mo sa akdang binasa? Magbigay ng halimbawa. 7. Bakit hindi nararapat tingnan ang tao batay sa kanyang lahi, sa kanyang estado sa buhay maging sa kanyang antas ng pinag- aralan upang magkaroon ng halaga sa buhay? 8. Paano mo mailalapat sa sariling buhay ang aral na napulot mula sa kuwentong bayan? Magbigay ng mga patunay. Gawain 6: Pagguhit! Panuto: Batay sa kuwentong bayan na pinamagatang Pinagmula ng Marinduque, gagawa ka ng isang islogan na aangkop sa moral na aral ng kuwento. Gawin ang islogan sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Values Integration: Isulat sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK ang sagot ng tanong na ito. Bakit hindi dapat sukatin ang halaga ng isang tao batay sa dami ng kanyang kayaman o antas ng estado ng buhay? PAGLILIPAT Gawain 7: Buoin Mo! Sa puntong ito, ikaw ay isang manunulat na nais maipaalam sa mga tao ang pinagmulan ng inyong lugar. Ikaw ay gagawa ng isang sanayasay na napatutungkol sa mga magagandang tanawin sa inyong lugar. Ipakikilala mo rito ang ganda ng mga tanawin na pwedeng pasyalan ang mga turista. Ang iyong akda ay bibigyang hatol ng mga sumusunod na mga tao ng pamahalaan; Meyor, Kalihim sa Turismo at ang inyong kapitan. Ang iyong gawa ay bibigyang grado sa pamamagitan ng pamantayan sa pahina 6. PANIMULA Mindanao, marahil maraming bagay ang papasok sa iyong isipan kung maririnig ang salitang Mindanao. Ngunit gaano nga ba ang iyong alam sa Mindanao? Maraming panitikan ang inilimbag at inilathala na naging bahagi na ng kamalayang Pilipino. Ngunit tulad ng nakasulat sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi ganap ang pagsasalaysay sa kahalagahan ng lahat ng bahagi ng bansa, maraming bagay pa ukol sa Mindanao ang hindi batid ng marami: kasaysayan, kultura at panitikan ARALIN 3: EPIKO NG BANTUGAN Upang mapagtagumpayang masagutan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong pag-unawa, kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod: 1. Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda. -dating kaalaman 2. Nakikinig nang may pag-uunawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng mga pangayayari 3. Naisusulat ang talatang: -binubuo ng magkaugnay at maayos na mga pangungusap -nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan -nagpapakita ng simula, gitna, wakas. PANIMULANG PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang inyong sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Paano sinasalamin sa epiko ang tradisyong Mindanao? a. Patunay ito na marahas ang mga mamamayan sa Mindanao. b. Nakakatakot ang Mindanao dahil maraming halimaw na kumakain ng tao. c. Ipinapakita nito ang kasanayan ng mga taga-Mindanao sa pakikidigma. d. Noong unang panahon, pinamamahayan ng maraming halimaw sa Mindanao. 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat? a. Lam- ang b. Bantugan c. Bidasari d. Ako ang Daigdig 3. Ano ang epiko bilang akdang panitikan? a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay sa tao b. Kathang-isip na pumapaksa kung paano malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay. c. Pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang. d. Ito’y kwento tungkol sa mga Bathala sa paglikha ng daigdig. 4. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na pinakamatandang anyo ng panitikan na ginamit ng ating mga ninuno upang ituro ang kagandahang asal sa mga kabataan? a. Epiko b. Karunungang bayan c. Maikling kwento d. Balagtasan 5. Ito ay uri ng epikong sinauna na naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang layunin o mithiin. a. Epikong masining b. Epikong pakutya c. Epikong pambayani d. Epikong pangkalahata 6. Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang pinaka mahabang epiko sa kasaysayan ng Pilipinas? a .Darangan b. Bantugan c. Biag ni Lam-ang d. Sarimanok 7. Ito ay epiko ng mga manubo na kadalasang ina awit upang maging libangan tuwing may libing at kasal. a. Tuwaang b. Agyu c. Hudhud d. Alim 8. Alin sa mga sumusunod na epiko ang isinalaysay ng makatang manlalakbay na si Cadugnung? a. Ibalon b. Maragtas c. Bidasari d. Kodigo ni kalantiyaw 9. Siya ay tinaguriang pangunahing bayani ng sinaunang epikong bayan na olaging at ulahingan sa Mindanaw. a. Lena b. Agyu c. Mungan d. Sarimbar 10. Uri ng epiko na tinatawag din na epikong makabago o epikong pampanitikan. a. Epikong pakutya b. Epikong pambayani c. Epikong Pambayani d. Epikong moderno Bago natin umpisahang basahin at talakayin ang epiko ni Bantugan, ipakilala mo muna sa amin ang paborito mong superhero. Isulat at iguhit sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK ang pangalan, katangian at kapangyarihang taglay niya. Ang Pilipinas ay nagtataglay ng maraming natatangi at kahanga-hangang epiko na likha ng ibat ibang tribong bumubuo sa bansa. Ngayon ay ating basahin at talakayin ang isa sa mga kilalang epiko ng bansa na nag mula sa Mindanao at obra maestra ng mga maranao, ang epiko ni Bantugan. Magyaring sundan ang link https://www.youtube.com/watch? v=ezQIBteVVmk. Ngunit kung kayo ay walang internet maaring basahin ang nakatala sa ibaba. BANTUGAN (Epikong Mindanao) Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali. Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali. Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon. Ang talata ay lipon ng mga pangungusap na nag papahayag ng isang kaisipan, ang bawat pangngusap ay kailangang magkaugnay tungkol sa pangunahing kaisipan o paksa ng talata. Upang mas maigi pang maintindihan basahin ang nakatala sa ibaba. PAGTATALATA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA Ang talata ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may balangkas, may layunin, at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di-lantad. Layunin ng isang talata ang makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sá tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay. Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan. May iba't ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon. Una ay ang panimula. Ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksa na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan, o binibigyang katwiran, Sumunod ay ang gitnang talata o talatang ganap. Ito naman ang nasa gitnang bahagi ng isang komposisyone Ito ay may tungkung paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang ganap na matalakay ang paksang nais bigyang linaw ng manunulat. Ang huli ay ang wakas o talatang pabuod. Ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata. Minsan ginagamit ito upang bigyang-linaw ang kabuoan ng komposisyon. Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring bigyang-pansin ang pagpapalawak ng paksa upang higit na maging mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad. May iba't ibang paraan o teknik ang ginagamit sa pagpapalawak ng paksa, ilan sa mga ito ang sumusunod: 1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon- May mga salitang hindi agad-agad maintindihan kaya't kailangang bigyan ng depinisyon. Ito’y mga bagay o kaisipang nangangailangan ng higit na masaklaw na pagpapaliwanag Ang kaurian, kaantasan, at kaibahan ng mga salitang ito ay binibigyang-diin sa pagbibigay ng depinisyon Halimbawang ang salitang bibigyang-katuturan ay pag-ibig sa bayan, kailangang maipaliwanag kung sa anong uri ng damdamin ito nabibilang, nasa anong antas ng katindihan ito, at ano ang kaibahan nito sa ganoong uri ng damdamin. Sa ganito'y hindi maipagkakamali ang pag-ibig sa bayan sa ordinaryong damdaming pagmamahal. 2. Paghahawig at Pagtatambis- May mga bagay na halos magkapareho o nasa kategoryang iisa. May mga bagay rin namang magkakaiba. Samakatwid, ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian, samantalang ang mga magkakaiba ay pinagtatambis naman upang maibukod ang isa sa isa. 3. Pagsusuri- Ang pagsusuri ay nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa. Samakatwid, dahil masaklaw ito, higit na madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay sa pamamagitan ng pagsusuri. Magandang halimbawa nito ang konsepto ng isang akdang pampanitikan. Dito dapat talakayin ang kaugnayan ng mga bahagi ng akdang pampanitikan tulad ng tauhan, tagpuan, banghay, at layunin ang pagkakasulat nito. PAGTUKLAS Gawain 1: Concept Cluster Panuto: Gamit ang sa ibabang bahagi, punuin ang mga bilog ng ibat-ibang teknik o paraan na ginagamit sa pag papalawak ng paksa, mag bigay ng kaunting eksplenasyon sa iyong naintindihan ukol sa naturang teknik o paraan. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. PAGPAPALA WAK NG PAKSA Gawain 2: Pagsasanay Panuto: Mag sulat ng talata ukol sa mga sumusunod na paksa. Isulat sa ito sa inyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK. 1). Pamilya 2). Paaralan 3). Bahay Ngayon, pinaghusayan mo ang iyong pagsasagot. Natitiyak kong ikaw ay handa na sa isang gawaing pagbabasa at pagsasagot ng mga katanungan. PAGLINANG Gawain 3: Buoin Natin Panuto: Ipaliwanag ang pagkakaugnay ng mga pangyayari sa akdang “Bantugan” gamit ang problema-solusyong balangkas sa ibaba. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Gawain 4: Madali Lang ‘Yan Panuto: Salungguhitan ang mga hudyat ng sanhi at bunga na ginagamit sa pangungusap. Pagkatapos ay bilugan ang sanhi at ikahon ang bunga. Kopyahin at isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Minahal nang husto ni Adlaw si Bulan kaya't pinakasalan niya ito. 2. Naging matamis ang pagsasama ng mag-asawa kaya't biniyayaan sila ng maraming anak. 3. Naging mabigat para kay Adlaw ang pagkakaroon ng maraming anak kaya naman inisip niyang patayin ang mga ito. 4. Sapagkat ina ay hindi naatim ni Bulang pumayag sa naging pasiya ng asawa. 5. Nagkaroon tuloy ng buwan at bituin sa gabi nang magkahiwalay sina Adlaw at Bulan. PAGPAPALALIM Gawain 5: Pagbubuod at Pagninilay! Panuto:Upang lubos na ikaw ay matuto sa mga aralin. Mangyaring sagutin ang mga sumusunod na tanong sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Isulat lamang ang nalalaman tungkol sa mga aralin. 1. Bakit mahalaga ang epiko sa mga Pilipino? 2. Ano- ano ang ipinagkaiba ng mga epiko sa iba pang anyo ng panitikan? 3. Bakit kailangang tangkilikin at pag- aralan ang epiko? 4. Ibigay at ilarawan ang iba’t ibang bahagi ng talata? 5. Ano ang aral na nakuha mo sa akdang binasa(Bantugan)? Magbigay ng halimbawa. Gawain 6: Pagguhit! Panuto: Batay epikong pinamagatang Bantugan, gagawa ka ng isang islogan na aangkop sa moral na aral ng epiko. Isulat ang nabuong islogan sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. VALUES INTEGRATION: Isulat sa inyong Activity Notebook ang sagot Mahalagang Tanong: Paano makatutulong ang kaalaman sa pagsulat ng talata at pagpapalawak ng paksa sa pag-aaral ng panitikan? PAGLILIPAT Gawain 7: SANAY!..say Panuto: Gumawa ng sanaysay (essay) tungkol sa kung Paano mo mailalapat sa sariling buhay ang aral na napulot mula sa epiko ni bantugan. Magbigay ng mga patunay. Isulat ito sa inyong activity/assessment notebook. Gawing gabay ang pamantayan sa pahina 6. PANIMULA Ang isang pamilyar na tekstong Tagalog ng “Pag-ibig” ay isinalin ni José P. Santos noong 1935 na nagmula sa sulat-kamay na burador. Samantala, ang bersyon ng "Pag-ibig sa Tinubuang Bayan” na natagpuan sa archives sa Madrid ay may indikasyon na sulat-kamay ni Emilio Jacinto dahil may tanda ito na “Letra de Emilio Jacinto según manifiesta Aguedo del Rosario.” Hindi ito tugma sa identidad ng may-akda na si Andres Bonifacio subalit ang maaaring dahilan ng pagsusulat-kamay ni Jacinto ng tula ay ang paghahanda ng akda sa pagkakalimbag nito sa Kalayaan. Andres Bonifacio Ang Pag-ibig sa tinubuang Bayan ay isang tula na iniugnay ni Pio Valenzuela kay Andres Bonifacio na Ama ng Rebolusyong Pilipino at ng Katipunan. Itinataguyod ng may-akda ang pagkakapantay-pantay ng mga tao bago pa man nailathala ang mga ordinansa, paglupig ng kalupitan. Pinaniniwalaan din niya na ang katotohanan ay hindi malalaman sa kabila ng batas ng kalikasan dahil tanging ang Panginoon lamang ang namamahala sa sansinukob. ARALIN 4: PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA Upang mapagtagumpayang masagutan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong pag-unawa, kinakailangang tandaan at gawin mo ang mga sumusunod: 1. Nakapagbibigay ng mga salitang may kaugnayan sa paksang tatalakayin. 2. Nakikilala ang kasingkahulugan ng salita batay sa konteksto ng pangungusap. 3. Napagtatambal ang dalawang salitang magkasingkahulugan. 4. Nahihinuha ang kahulugan ng bawat pahayag. 5. Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng paghihinuha batay sa mga ideya at pangyayari sa akda. 6. Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik mula sa video clip na napanood sa Youtube o iba pang pahatid pangmadla. PANIMULANG PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. 2. 3. 4. 5. Sino ang kumatha ng tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa? a. Emilio Jacinto b. Andres Bonifacio c. Narciso Reyes d. Jose Rizal Bakit umiiyak ang kabataan sa kwentong Pahayag ni Emilio Jacinto? a. dahil sa kamatayan ng kaniyang mga magulang b. dahil sa pakikipaghiwalay sa kaniya ng kasintahan c. dahil sa kawalan ng kalayaang inaasam-asam d. dahil sa tuluyan na siyang pinahinto sa pag-aaral Paano nakaapekto sa kabataan ang pakikipag-usap niya kay ‘Kalayaan’? a. Nabuhayan siya ng loob at panibagong pag-asa ang naramdaman. b. Higit na dinamdam ng kabataan ang nakapanlulumong kalagayan. c. Naisipan ng kabataan na wakasan na ang sariling buhay. d. Naisipan niyang kumbinsihin ang iba upang maghiganti sa mga kaaway. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na dahilan kung bakit itinanong ni Bonifacio sa kaniyang tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa kung tunay ang pagmamahal ng mga Pilipino sa bansang Pilipinas? a. upang masigurong lahat ng mga Pilipino ay may iisang layuning mahalin at ipagmalasakit ang bansang Pilipinas b. upang malaman kung sino sa mga kababayan ang di nagmamahal sa bayan at maipataw sa kanila ang karampatang parusa c. upang mabatid lamang kung sino sa mga Pilipino ang kakampi nila, at kung sino naman ang sa mga Kastila d. upang malaman kung sino sa mga Pilipino ang dapat nilang iwasan sa oras na ipaglaban ang kanilang kalayaan Kung gagawing iisang pahayag ang saknong sa ibaba, alin sa sumusunod na mga pahayag ang pinakaakma? “Banal na pag-ibig kung ikaw ang nukal sa tapat na puso ng sino’t alin man , Imbit taong gubat, maralita’t mangmang nagiging dakila at iginagalang” a. May mga puso ring handang tumulong sa mga nangangailangan ang mga kababayang maralita’t mangmang. b. May dignidad ang sinumang kababayang nagtataglay ng isang pusong punumpuno ng pagmamahal sa bayan. c. Itinuturing na mangmang ang mga kababayang nakatira sa gubat dahil malayong sila ay makapag-aral. d. Kahit itinuturing na maralita at mangmang, may kakayahan ding magpamalas ng pagmamahal sa kagubatan. 6. Ano ang tono o damdaming nangingibabaw sa saknong na ito: Kung ang pagkabaon niya’t pagkabusabos, Sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop, Supil ng panghampas tanikalang gapos at luha na lamang ang pinaaagos 7. 8. 9. 10. a. Pagkasuklam b.pag-aalinlangan c.pagdadamlahati d.parpupursige Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na islogan para sa mensahe ng saknong na sa ibaba? Kayong mga pusong kusang inuusal ng daya at bagsik ng ganid na asal ngayon magbango’t baya’y itanghal agawin sa kuko ng mga sukaban a. “Kuko ng Kaaway, Wala ng Buhay” b. “Bagsik ng Kaaway, Wala nang Kamalay-malay” c. “Baya’y Itanghal, Sugpuin ang mga Kaaway” d. “Bumangon at Maghimagsik, Suungin ang Panganib” Paano itinuring ni Bonifacio ang kamatayan alang-alang sa bayan? a. pangyayaring kaypait, di na kailangang maulit b. pangyayaring nagpapasaya sa puso c. pangyayaring bunga lamang ng pamimilit d. pangyayaring kaylupit, iparanas din sa iba Alin sa sumusunod ang pinakamakabuluhang tugon sa tanong na bakit kapakipakinabang na panatilihin at paunlarin ang panitikang umusbong at lumaganap sa panahong naisulat ito? a. Dahil kasasalaminan ito ng ating mga kultura na magsisilbing tatak ng ating pagkakakilanlan kahapon, ngayon, at bukas b. Upang may maituro sa mga Pilipino sa ngayon at mabigyan sila ng ideya sa mga nangyari sa ating mga ninuno. c. Para may silbi ang mga rekord ng kasaysayan ng ating bansa at hindi lamang manatiling nakadispley sa mga silid-aklatan d. d.Upang may pagkaabalahan ang mga Pilipino at di maisip ang pagbaling sa mga ipinagbabawal na gamut. Dapat bang sabihing di tunay at wagas ang pag-ibig sa sariling bansa ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa abroad? Alin sa sumusunod na mga pahayag ang pinakaangkop na dahilan? a. Oo dahil kung talagang mahal nila ang bansang Pilipinas, higit na pipiliin nilang tumira at magtrabaho rito gaano man kahirap ang buhay. b. Oo dahil ang pag-iwan sa sariling bansa nang makapunta lamang sa ibayong dagat ay nangangahulugang higit mong mahal ang abroad. c. Hindi dahil unang-una, wala tayong karapatan upang husgahan kung gaano katindi ang pagmamahal ng ating kababayan sa sarili nilang bansa. d. Hindi dahil ang usapin o isyu rito ay ang kahirapan ng buhay sa Pilipinas kaya sila nag-a-abroad hindi ang pagiging isang Pilipino. PAGTUKLAS Hanggang saan at ano-ano ang kaya mong isakripisyo bilang patunay na wagas at walang pag-iimbot ang pag-ibig mo sa sariling bayan? Dunong? Lakas? Saan o kanino ka huhugot ng determinasyon upang maipamalas ito? Sa pamilya? Sa kapwa? Sa Diyos? Ano-ano ang mga kapaki-pakinabang na naidudulot ng gayong sakripisyo? Simulan natin ang bahaging ito ng aralin sa paggawa mo sa unang nakalaang gawain. Gawain 1: Sigaw ng Puso’t Isipan Panuto: Isatitik mo ang isinisigaw ng iyong puso’t isipan sa mga tanong na tuwirang nakaaapekto sa’yo at sa kapwa mo Pilipino. Epektong pangmatagalang mararamdaman. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Hanggang saan at ano-ano ang kaya mong isakripisyo bilang patunay na wagas at walang pag-iimbot ang pagibig mo sa sariling bayan? 2. Saan o kanino ka huhugot ng determinasyon upang maipamalas ito? Ipaliwanag. 3. Ano-ano ang mga kapakinabangang maidudulot ng gayong sakripisyo? Pinasasalamatan ko’t pinahahalagahan ang iyong naging tugon sa mga mapanghamong tanong. Ibig kong malaman mo ngayon pa lamang na malaki ang kaugnayan ng mga tanong na ito sa nilalaman ng isang tula na pag-aaralan mo sa araling ito. KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS Seryoso ang tono ng unang gawain hindi ba? Makatuwiran itong milyon-milyong tao ang sangkot sa anumang bunga ng ating tama o maling pagpapasiya. Ating linangin ang iyong kaalaman at pag-unawa sa inihandang aralin sa susunod na bahagi. PAGLINANG Taglay ang kumpiyansa ko sa sarili na malilinang nang husto ang iyong kaalaman at pag-unawa sa akdang pampanitikan – ang tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio na umusbong sa Panahon ng Espanyol, kung paano nakaaapekto ang panitikang ito sa ngayon at sa kinabukasan, maging ang mga paraan upang mapanatili at mapaunlad ito na minana pa sa ating mga ninuno. Taglayin mo ang pagkukusa’t kasabikang matuto. Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang maaaring makasagal sa iyong pag-unawa sa tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio. Pagkatapos, bumuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang bawat salitang binigyang-kahulugan. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. 2. 3. 4. 5. Dalisay Pangungusap: Puri Pangungusap: Kumatha Pangungusap: Dunong Pangungusap: Lumbay Pangungusap: Asahan mong makatutulong ang mga salitang binigyang-kahulugan upang maunawaang mabuti ang tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Kaya, huwag na nating patagalin pa, Pagbasa Blg.1, isagawa mo na. Sa mga may internet: Panuorin at unawain ang tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio I-klik lamang ang link na ito https://www.youtube.com/watch?v=zq1bcrYnJaE. Sa walang internet: Basahin nio ang Tulang nakalahad sa ibaba. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA (Madaram sa tulang ito ang mapusok na diwa ng Ama ng Katipunan) Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at magkadakila Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Pagpupuring lubos ang palaging hangad Sa bayan ng taong may dangal na ingat, Umawit, tumula, kumata't at sumulat, Kalakhan din niya'y isinisiwalat. Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod, Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot. Bakit? Alin ito na sakdal ng laki, Na hinahandugan ng busong pagkasi, Na sa lalong mahal nakapangyayari, At ginugulan ng buhay na iwi? Ay! Ito'y ang iang bayang tinubuan: Siya'y iona't tangi sa kinamulatan Ng kawili-wiling liwanang ng araw Na nagbigay-init sa buong katawan. Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan, Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal, Mula sa masaya'y gasong kasanggulan Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan. Sa aba ng abang mawalay sa bayan! Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay, Walang alaala't inaasa-asam Kundi ang makita'y lupang tinubuan. Pati ng magdusa'y sampung kamatayan Wari ay masarap kung dahil sa bayan At lalong mahirap. Oh, himalang bagay! Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay. Kung ang bayang ito'y masasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik, Ang anak, asawa, magulang, kapatid; Isang tawag niya'y tatalidang pilit. Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan At walang tinamo kundi kapaitan, Hayo na't ibangon ang naabang bayan! Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat, Ng bala-balaki't makapal na hirap, muling manariaw't sa baya'y lumiyag. Ipahandug-handog ang busong pag-ibig At hanggang may dugo'y ubusing itigis; kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid, Ito'y kapalaran at tunay na langit! Panuto: Sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Paano inilarawan ni Bonifacio ang pag-ibig niya sa sariling bayan? 2. Bakit mahalaga sa ating mga ninuno ang ganitong uri ng panitikan sa Panahon ng Kastila? 3. Paano kaya tinanggap ng mga Kastila ang ganitong uri ng panitikan? Ipaliwanag 4. Ano-anong katangian ang nangibabaw kay Bonifacio sa pagkatha ng tula sa likod ng panggigipit ng mga Kastila sa mga manunulat na Pilipino? 5. Paano nakaaapekto ang panitikang ito ng kahapon sa ngayon at sa kinabukasan? Paano mo mapananatili at mapauunlad ang tulang ito ni Bonifacio? Ipaliwanag. Gawain 3: Pagpapaliwanag Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: Paghihinuha batay sa ideya at pangyayari sa akda. Panuto: Bumuo ng sariling paghihinuha kung ano ang ibig ipahiwatig ng sumusunod na mga katagang winika ng ating mga dakilang bayani. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK. "Walang mang-aalipin kung walang paaalipin." - Jose Rizal "Sa digmaan ay walang nananalo, kundi ang lahat ay pawang talo." -Ninoy Aquino "Aling pag-Ibig pa ang hihigit kayå sa pagkadalisay at pagkadakila, gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa; aling pag-ibig pa, wala na nga, wala." -Andres Bonifacio PAGPAPALALIM Sapat ang ating dahilan upang palalimin ang iyong pagpapahalaga sa bawat gintong kaisipang nakapaloob sa tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Palalimin din natin ang mga paraan kung paano natin mapananatili at mapauunlad pa ang panitikang ito na minana pa sa ating mga ninuno. Ang mga gawaing nakaabang ang magpapalalim sa mga linyang ito. Gawain 4: Sagisag: Wagas na Pag-irog sa Bayan Panuto: Gumuhit ng isang bagay o konsepto na sa tingin mo’y pinakaakmang paglalarawan sa nangingibabaw na pag-ibig mo sa bayan. Pagkatapos, ipaliwanag ang iginuhit na sagisag sa loob ng lima hanggang walong makabuluhang pangungusap.Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. PAGPAPALIWANAG Gawain 5: Magagawa Panuto: Bilang pag-uugnay sa iyong natutuhan sa akda sa iyong sarili ay subukan mong mag-isip ng mga gawain na para sa iyo ay maituturing na kabayanihan sa sumusunod na mga kalagayan. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK. AKO, BILANG ISANG MAG-AARAL: AKO, BILANG BAHAGI NG PAMILYA: AKO, BILANG BAHAGI NG PAMAYANAN Gawain 6: Self-Regulated Learning: Pagtataya sa Sarili Panuto: Layunin ng gawaing ito na mataya ang iyong pagpapahalaga sa mga makabuluhang kaisipang masasalamin at binigyang diin sa tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Bonifacio. Kumpletuhin lamang ang pahayag sa ibaba. Kopyahin at isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ ASSESSMEN NOTEBOOK. Nang dahil sa pag-aaral sa tula bilang isa sa mga akdang panitikang umusbong at lumaganap sa Panahon ng Espanyol, ako ay napakilos na Napagtanto kung ang pagpapamalas ng pag-ibig sa Inang Bayan ay Ngayon, buo ang aking paninindigan na anumang panitikang umusbong at lumaganap sa Panahon ng Espanyol ay Hihikayatin ko rin ang iba na pahalagahan ang nasabing panitikan sa pamamagitan ng Gagawin ko ito upang VALUES INTEGRATION: ` Isulat sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOKang sagot sa tanong na ito. Bilang kabataan, paano mo maipamamalas ang iyong pag-ibig sa iyong lupang tinubuan? Gawain 7:Pananaliksik Panuto: Itala ang mahahalagang bagay na iyong nakuha tungkol sa pananaliksik at kasama ang tiyak na sanggunian nito. Isulat o ilagay ito sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Pag-alam o Pagpili ng Paksa: Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin ,siguraduhing ang pipiliing paksa ay naayon sa iyong interes. 2. Paglalahad ng layunin: isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang pananaliksik. 3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya: ang biblliyograpiya ng talaan ng ibat ibang sanggunangian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba pang nalathalang material. 4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas : makatutulong ito para mas mabilis na pananaliksik dahil ito ay nagbibigay ng direksyon at magsisilbing patnubay mo sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala. 5. Pangangalap ng mga tala o “note taking” : sa pangangalap ng mga tala ay imunumungkahing gumanit ng index card. 6. Paghahanda ng iniwastong balangkas o final outline: sa bahaging ito, planuhin at isiping mabuti ang kabuoan ng pananaliksik na gagawin. 7. Pagsulat ng borador o rough draft: tuloy -tuloy na isulat ang mga kaisipang dumadaloy sa isip. Huwag munang bigyang-diin sa bahaging ito ang mga maling pangungusap. 8. Pagwawasto at pagrebisa ng borador: sa bahaging ito ay bigyang pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay. 9. Pagsulat ng pinal na pananaliksik: isulat na ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng guro. PANIMULA Isa sa mga tanyag na panitikang lumaganap sa Pilipinas bago pa dumating ang mga dayuhan ay ang mga kuwento. Samo’t saring bersyon ng mga kuwento ang naipasa ng mga ninuno natin na buhay pa rin sa kasalukuyan. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging likas na makuwento, kung kaya’t sa bawat lugar sa Pilipinas may natatanging tanyag na kuwento. Ang kuwento ay kumakatawan din sa ating mga gawi, kultura at paniniwala. Masasabi pang ang kuwento ay isa sa mga makapangyarihang kasangkapan sa pagpapahayag ng saloobin sa kapwa. Kung kaya’t sa araling ito, matutunghayan natin ang isang tanyag na kuwento ng isang simpleng mamamayan sa Pilipinas. Bilang karagdagan, matutunan mo rin ang diwang makabayan sa pamamagitan ng pag- alam sa mga bayaning may malaking ambag sa ating kalayaan. Mga inaasahang bunga pagkatapos ng lingo: 1. Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang ulat; 2. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksikbatay sa binasang datos; 3. Nakasusulat ng isang outline ng pananaliksik. PANIMULANG PAGTATAYA Panuto: Bago ang ganap na mga aralin, susukatin ko ang iyong kaalaman tungkol sa araling ito. Simulan Natin. Kopyahin at isulat ang sagot sa iyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Sino ang tinaguriang Ama ng Himagsikan sa Pilipinas? 2-3. Ano ang dalawang sulat- sagisag ni Jose Rizal? 4-5. Magbigay ng dalawang uri ng pananaliksik? 6. Ano ang tawag sa sistematikong pangangalap ng datos? 7. Ano ang pinakamahalagang sangkap ng isang mabuting pananaliksik? 8. Sino ang sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo? 9. Ano ang tawag sa mga bayaning lumaban para sa kalayaan? 10-15. Magbigay ng anim na mga bayaning nakipaglaban upang makamit ang kalayaan ng bansa. ARALIN 5: SA PULA SA PUTI Mga tiyak na kasanayang nararapat matamo sa loob ng aralin: 1. Naipaliliwanag ang pakikibaka ng mga bayani sa kalayaan ng Pilipinas. 2. Nabibigyang katwiran ang mga hakbang sa pag- aaklas ng mga bayaning Pilipino. 3. Nakasusuri ng mga datos batay sa mga presentasyon o datos na nakalap. 4. Naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagbuo ng pananaliksik. 5. Nagagamit ang kakayahan sa pagbuo ng isang desisyon. 6. Nakabubuo ng isang outline sa pagbuo ng pananaliksik. PAGTUKLAS Sa puntong ito, simulan natin ang paglalakbay sa mundo ng maikling kuwento. Simulan Natin! Gawain 1. Tutol o Payag? Panuto: Gamit ang graphic organizer sa kabilang pahina, nais kong malaman ang iyong sariling saloobin tungkol sa paksang aralin. Bigyan ng reaksyon ang mga paksa na nakatala sa gitnang kahon. Isulat ang saloobin sa mga espasyong nakalaan sa gilid ng mga paksa. Kopyahin at isulat ang sagot sa ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Sumasang- ayon Argumento Paliwanag Tumututol Paliwanag Pagbabawal ng sugal sa Pilipinas. Pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga taong sumusugal. Patanggap o paggawang legal sa gawaing sugal sa bansa. Mahusay natitiyak kong may ideya ka na sa magiging paksa natin ngayon. Mangyaring sagutin ang pokus na tanong. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Bilang mag- aaral, paano mo maiiwasan ang mga bisyo lalo na ang gawaing sugal? PAGLINANG Gawain 2. Basang- suri! Panuto: Upang mapagtibay ang iyong ginawa, basahin mo ang isang halimbawa ng kuwento na tumatalakay sa isang natatanging bisyong sugal sa Pilipinas. Pagkatapos basahin ay sagutin ang mga katanungan. SA PULA, SA PUTI Dapat hindi araw - araw ang pag sasabong dahil ang pag sabong ay hindi isang laro ito ay isang pustahan ng kung sino ang mga may ari ng kanilang tali. Ang sabong ay isa ring sugal samakatuwid ito ay hindi magandang impluwensyang lalo sa mga kabataan. Mga tauhan: kulas-mahilig mag sabong celing-pumupusta ng palihim sioning-ang matalik na kaibigan ng mag asawa castro-ang nagturo kay celing kung paano mang daya teban-masunurin pero mahina ang ulo maring kikay-pinagkukunan ng sabon Kulas: Ahem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing. Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin. Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin? Celing: Sapagkat pagkadilat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin. Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa. (Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing). Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos. Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya. Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari? Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema. Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema. Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing! Celing: E ano kung puti? Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta! Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak. Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo. Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso. Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo. Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok. Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya! (Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas). Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong. Celing: Totoong-totoo? Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya. (Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa). Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay. Kulas: (Kukunin ang salapi) Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna. (Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.) Sioning: Kumusta ka, Kulas? Kulas: (Nagmamadali) Kumusta….Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. E…este….nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na. (Lalabas si Kulas). Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog. Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan. Sioning: Celing, talaga bang-¦ Celing: Sandali lang ha, Sioning. (Sisigaw sa gawing kusina). Teban! Teban! Teban! Teban: (Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo). Ano po iyon Aling Celing? Celing: (Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang). O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli! Teban: (Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas). Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin? Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako. Sioning: Ah…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo? Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman. Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin. Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo. Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako. Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban. Sioning: (May kahinaan din ang ulo). Sa anong dahilan? Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman. (Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan). Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan. Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan. Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan. Sioning: (Lalong lalakas ang sigawan). Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan. Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin. (Dudungaw)O heto na nga si Teban. Tumatakbo. (Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin). Teban: (Tuwang-tuwa) Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo! (Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.) Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa. (Magmamadaling lalabas si Teban). Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing. (Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla). Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti. Kulas: (Mainit ang ulo) Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, iyo'y disgrasya lamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte! Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte! Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan. Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas. Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman. Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon. (Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.) Castor: Hoy, Kulas kumusta na? Kulas: Ay, Castor… lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang, Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak? Castor: O saan? Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong. Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo. Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon. Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong. Kulas: Ano bang hindi tama? Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi! Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte. Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong. Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi. Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan! Kulas: Ngunit paano iyan? Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban. Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo? Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan. Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon. Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo. Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan? Castor: Talaga bang gusto mo malaman? Kulas: Aba, oo. Sige na. Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo. Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali? Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo. (Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.) Kulas: (Ibibigay ang tinali kay Castor). O heto, Castor. Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom. Kulas: Karayom? Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi! Kulas: Ah… (Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.) O heto ang karayom. Castor: (Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.) O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo… (Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.) Hayan! (Ibababa ang tinali.) Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo. Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo. Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan! ilaban ang manok na iyan at pumusta nang palihim sa kalaban. Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan! Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo. Kulas: (Balisa) Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya? Castor: Oo, pandaraya…ngunit por Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gumagamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan? Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin. Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya. Kulas: Kung sabagay… Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang. Kulas: Siya nga, may katwiran ka. Castor: O…eh…¦ano pa ang inaantay mo? Tayo na. Kulas: Este…Castor…e…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa. Castor: Bakit, ano pa ang kailangan? Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito. Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay! Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki. Kulas: Oo..Este…Castor… Castor: O, ano na naman? Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na. Castor: (Tatawa) Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan. Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha? (Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.) Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y isinusumpa mo na ang sabungan? Kulas: (Lulundag na palapit.) Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi. Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago. Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo. Celing: Ngunit baka pangako na namng maapako. Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo. Sioning: (Kikindatan si Celing) Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo. Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha? Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato! Celing: Magkano ba ang kailangan mo? Kulas: Eh… dalawampung piso lamang. Celing: Dalawampung piso!? Sioning: Susmaryosep! Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi. (Mag-aatubili si Celing). Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan. Celing: O buweno, heto. (Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul) Kulas: (Kukunin ang salapi) Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane? (Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali). Celing: (Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na) Teban! Teban! Sioning: Teban, madali ka! (Papasok si Teban buhat sa kusina) Teban: Opo, opo, Aling Celing. Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo. Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban. Teban: (Magugulat sa dami ng salapi). Dalawampung piso ito a…¦ Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na. Teban: (Hindi maintindihan) ito ba'y itotodo ko? Sioning: Oo, todo. Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito. (lalabas si Teban). Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas? Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo. Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam. Sioning: Eh ano pa? Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo ang pandaraya, pagnanakaw at kung anu-ano pa. Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli. Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan. (Lalong lalakas ang sigawan) Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub. Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo? Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami. Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang. (Agad huhupa ang sigawan). Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo? Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas. Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban. Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan. Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao. Celing: Huwag kang mag-alala… (Papasok si Teban) Teban: (Walang sigla) Aling Celing, natalo po tao. Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo. (Lalabas si Teban) Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing. Celing: (Nalulungkot) Siya nga. Sioning: O, Celing bakit ka malungkot? Celing: Dahil sa nanalo si Kulas. Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin malamang ang maghahawak ng supot. Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong mnnalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan. (Papasok si Kulas na nalulumbay). Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman. Sioning: Ha? Celing: Ano kamo? Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na! Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka? Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso! Celing: (May hinala) Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka. Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor. Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso. Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha? Celing: (Lalo pang maghihinala) Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso. Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo. Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan. Sioning: (Magliliwanag ang mukha) A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta. Celing: Siya nga pala. Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala. (Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina). Celing: Teban! Teban! (Lalabas si Teban) Teban: Ano po iyon? Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw. Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po? Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera. Teban: Alin pong pera? Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina. Teban: Aba e, natalo po, e. Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka. Teban: (Hindi maintindihan) Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay… Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina? Teban: Opo. Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta? Teban: Kay Aling Celing po. Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing? Teban: E….hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing. Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim. Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo. Kulas: (kay Celing) A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha? Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo mawawalan. Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin. Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din. Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na… Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera? Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta. Sioning: Naku, at lalong nag-block out. Celing: (Kay Kulas) Pumusta ka sa kalaban ng manok mo? Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok. Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope (Tatawa) Kulas: Aba, at nagtawa pa. Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing? Celing: (Tumatawa pa) Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahan mo sina kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda. Kulas: Ha! Maghahanda? Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena. Teban: Opo, opo (Lalabas sa pintuan ng kusina) Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso. Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan. Kulas: Huling paalam? Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam. Kulas: Bakit? Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan. (Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.) Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. Sino-Sino ang mga pangunahing tauhan sa dula? llarawan ang bawat isa. Sa anong paksa umikot ang akdang binása? Bakit nahilig sa pagsasabong si Kulas? Ano ang dahilan ng pagpusta ni Celing sa sabungan? Tama ba ang kanvang dahilan? Pangatwiranan. Ano kayå ang maaaring mangyari sa kanilang búhay kung hindi ito ginagawa ni Kulas? Kung ikaw si Celing, gagawin mo rin ba ang ginawa niya sa kuwento? Pangatwiranan. Kung ikaw naman si Kulas, susundin mo rin ba ang pinayo sa iyo ni Castor? Bakit? Paano napatunayan sa kuwentong ang pagsusugal at pandaraya, kailanma'y hindi magiging tama? Kung sakaling yayain ka ng iyong kaibígang sumubok ng isang gawaing ilegal gaya ng pagsusugal o pagbibisyo, sasama ka ba? Ano ang gagawin o sasabihin mo? Gawain 3. Dapat mo bang tularan? Panuto : Mula sa iyong nabasang kuwento na isinulat ni Francisco Soc Rodrigo, may ipagagawa akong gawain na huhubog sa iyong abilidad sa pagsusuri. May mga sitwasyon na kinuha mula sa akda at bibigyan mo ito ng pagpapakahulugan. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Sitwasyon Nanaginip si Kulas tungkol sa mga numero. Hinihimas ni Kula sang tinali, samantalang naiingit si Celing. Tila mas mahal ni Kula sang tinali kaysa sa kay Celing. Pumusta ang mag- asawa sa sabong. Kahulugan Reaksyon Sabong ang kawili- wiling laro para kay Kulas. Pumusta sa manok ng kalaban si Celing. Natalong pareho ang mag- asawa. PAGPAPALALIM Gawain 4. Isabuhay mo! Panuto: Sa puntong ito, natitiyak kong nasuri mo nang husto ang kuwento. Kaya iaatasan kitang bumuo ng isang programang pampamilya upang maiwasan ang anumang anyo ng sugal sa inyong bahay. Gamit ang boses mo bilang bata, bumuo ng isang programa paano maiiwasan ang sugal sa inyong pamilya. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Narito ang mga panukatan sa iyong pagbuo. Nilalaman Organisasyon Kaangkupan sa paksa Dating/ Hikayat sa madla Kabuoan 30% 15% 40% 15% 100% VALUES INTEGRATION Sagutin ang inihandang tanong. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Bilang kabataan,paano ka makaiiwas sa mga laganap na bisyo at tukso sa ating lipunan? PAGLILIPAT . Gawain 5: Sino ang dapat mong Tularan? Panuto: Mula sa binasang kuwento, sino ang nararapat mong tularan? Bakit mo siya tutularan? Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. SA PULA SA PUTI Celing Kulas Teban Gawain 6: Bumuo Ka Basahin at unawain ang mga nakasulat sa ibaba. Ito ay tungkol sa pananaliksik, bilang isang masistemang paraan sa pangangalap ng datos. Nakasaad dito na ang pananaliksik ay may iba’t ibang hakbang sa pagbuo. Nais kong gumawa ka ng isang outline ng isang pananaliksik tungkol sa buhay at ambag ng mga bayani sa Pilipinas noong panahon ng himagsikan. Isulat ang nabuong outline sa inyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK. SISTEMATIKONG PANANALIKSIK Isang mahalagang kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral ay ang sistematikong paraan ng pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o pagsisiyasat ng isang bagay, paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap, pagpapakahulugan, pagbubuo, at pag-uulat ng mga ideya nang obhetibo, matapat, at may kalinawan. Narito ang hakbang sa paggawa ng isang sistematikong pananaliksik. 1. Pagpili ng Paksa: Sa pagpili ng paksang isusulat, unang bagay na dapat mong isaalang-alang ay kung ito ba ay kawili-wili o naaayon sa iyong interes. Ikalawa, kailangang masiguro kung kakayanin mong gawin ang pananaliksik, at huli ay ang pagpili sa paksa na may sapat na malilikom na datos. 2. Paglilimita ng Paksa: Mahalagang bigyang-limitasyon ang paksang pipiliin upang hindi ito masyadong maging masaklaw at matapos sa tamang panahop. Sa pagilimita ng paksa, gawing batayan ang sakop ng panahon, sakop ng edad, sakop ng kasarian, sakop ng grupong kinabibilangan, sakop ng anyo o uri, at sakop ng perspektiba. Halimbawa: o Paksa: Ang Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino o Nalimitang P'aksa: Ang mga Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino sa Rehiyon1 3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya: Tandaang ang paghahanda nito ay isang patuloy na proseso. Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba't ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, at iba pang nalathalang materyal maging sa Internet. Siguraduhing ang mga aklat impormasyong isasama sa talaan ay may kauggnayan sa paksang tinatalakay, Hindi kailangang basahin nang masinsinan ang mga aklat o artikulong nasa talaan. Subalit, mahalagang basahin ito nang pahapyaw upang matiyak ang kaugnayan nito Sa paksa. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng pansamantalang bibliyograpiya. o pangalan ng awtor o pamagat ng kanyang isinulat o impormasyon ukol sa pagkakalathala o mga naglimbag o lugar at taon ng pagkakalimbag o pamagat ng aklat o ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman 4. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas: Ang pagbabalangkas ay isinasagawa upang maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos. Makatutulong ito upang mabigyan ng gabay at direksiyon ang pananaliksik sa simula pa lamang. Sa pagbuo ng balangkas, kailangang isulat ang pangunahing ideya o pinakabuod ng pananaliksik na isinasagawa. Isunod na ilista ang mga pantulong na ideya. Sumunod na tiyakin kung paano ilalahad nang maayos ang mga ideya-kung ito ba'y kronolohikal o ayon sa lugar at saká isaayos ang pormat, 5. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline: Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin. Balansehin ang lagay ng bawat punto. Tantiyahin ang bawat bahagi kung nasosobrahan o nakukulangan ng detalye. 6. Pagsulat ng Borador o Rough Draft: Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga kard ng talà ay maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong borador. Ang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng panimula na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang katawan na kababasahan ng pinalawig na balangkas, at ang iyong kongklusyon na nagsasaad ng buod ng mga natuklasan sa iyong pananaliksik. 7. Pagrerebisa: Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang mga kamaliang nagawa na kailangang maiwasto. Huwag madaliin ang pagrerebisa upang maingat na maiwasto ang bawat pangungusap at walang makalampas na mali. Dito pag-ukulan ng pansin ang pagbabaybay, kaangkupan ng pagkakagamit ng salita, ang gamit ng mga bantas, at ang estruktura ng mga pangungusap. 8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito: Manuskrito ang tawag sa pinal na sipi ng isang sistematikong pananaliksik. Ato ay dapat na nakaayon sa pamantayan o istandard na ibinigay ng guro. Bago ipasa ang pinal na gawa, tandaang repleksiyon ng sarili ang anumang ginagawa kaya't kailangan pagbutihin ang pagsulat bilang pagpapabuti rin sa sarili. Sa pagsusulat, dapat ding tandaan at isaalang-alang ang paggamit ng pahayag sa pag-aayos ng datos. May mga panandang naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba't ibang bahagi ng pagpapahayag. Ang ilan sa mga panandang magagamit sa pag-aayos ng mga datos ay ang una, sunod, sumunod, saka, bilang pagtatapos, wakas, o sa dakong huli. PANIMULA Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon, lumaganap ang iba’t ibang anyong panitikan na lalong tumingkad sa lahing Pilipino. Sa panahong ito, may mga panitikan tayong tila nawala ng pagkakilanlan sa bansa. Nawala rin ang kalayaan sa paggamit ng dayuhang wikang Ingles kaya tumingkad lalo ang panitikang Pilipino. Narito ang iilan sa mga panitikang lumaganap sa panahon ng Hapon sa Pilipinas, kabilang dito ang mga panitikang, karilyo, sarsuwela, at dula. Naging matingkad ang panitikan, kasabay nito ang pag- usbong ng isang pangulo na sumuporta sa panitikang Pilipino kahit nasa gitna ang bansa ng malaking banta laban sa mga Hapon. Umusbong ang pamamahala ni Pangulong Jose P. Laurel noong nasa pananakop ng mga Hapon ang bansa. Para lubos mong maunawaan ang panahon ng pamamahala ni Laurel, mangyaring sundan ang link https://youtu.be/KGYWidwipK4, o kaya’y basahin ang mga tala sa ibaba. Si Jose P. Laurel ay ipinanganak sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 Ang kanyang magulang ay sina Sotero Laurel at Jacoba Garcia Laurel. Siya ay nag-aral ng elementarva sa kanilang bayan sa Tanauan. Noong 1903 ay nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Maynila at pumasok sa Colegio de San Juan de Letran. Noon pangarap niyang maging isang manggagamot, subalit bumagsak siya sa pagsusulit sa Letran, kayà muli siyang bumalik sa Tanauan. Dahil dito ay nawalan siya ng ganang mag-aral. Makalipas ang tatlong taon ay naisipan niyang magpatuloy ng pag-aaral. Hanggang sa makatapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1915. Natapos niya ang Kursong Doctor of Jurisprudence. Pagkaraan nito ay pinag-aral siya ng pamahalaan sa Yale University sa Amerika. Taon 1920 naman nang matapos niya ang Doctor of Civil Laws. Siya rin ay nagin miyembro ng Bar sa Columbia at naging abogado sa Korte Suprema ng Estados Unidos. Namatay siya sa atake sa puso noong Nobyembre 6, 1959. Naiwan niya ang isang pamilyang tunay na maipagmamalaki ng sinuman sapagkat lahat ng kanyang mga anak ay pawang naging matagumpay sa larangang pinasok. Sa akdang iyong babasahin ay iyong matutunghayan ang kanyang kathambuhay na magagamit mo upang higit mo pa siyang makilala bilang isang mabuting tao at lider ng ating bansa. ARALIN6: JOSE P. LAUREL (PANGULO SA PANAHON NG PANGANIB) MGA INAASAHANG BUNGA SA ARALIN: 1. Nakasusuri ng mga katangian ng isang mahusay na lider batay sa kuwento; 2. Nakapagbabahagi ng sarling kuro- kuro kung ang pahayag ay positibo o negatibo; 3. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag- aayos ng datos; 4. Nagagamit ang resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa Pilipino; at 5. Nakasusulat ng mga sanggunian para sa isang tipikal na pananaliksik. PANIMULANG PAGTATAYA 1. Sino ang pangulo ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Hapon? 2-5. Ano- ano ang mga kontribusyon ni Laurel sa Pilipinas? 6-10. Isa- isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng sanggunian? Magbigay ng pagpapaliwanag sa bawat hakbang. PAGTUKLAS Gawain 1: Tanong ko! Tugon mo! Panuto: Sa puntong ito, ihahanda kita sa pagtatalakay ng bagong aralin. Mangyaring ibigay ang saloobin sa mga tanong at isulat ito sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Ano- ano ang mga alam ninyo sa bansang Hapon? 2. Bakit tinaguriang Land of the Rising Sun ang Hapon? 3. Sa iyong palagay bakit tinaguriang energetic dwarf ang bansang Hapon? Tandaan… Ang bansang Hapon ay nanakop sa Pilipinas noong taong 1942- 1945. Katunayan ang Pilipinas ay nasa pamumuno ni Pangulong Jose P. Laurel. Tinawag itong panahon ng kadiliman dahil ang bansa ay nasa kamay ng mga malulupit na dayuhan. Samakatuwid, tayo ay nasa ilalim ng mga malulupit na pamumuno ng mga Hapon. Sa panahong ito, ang mga Pilipino ay ginawang alipin ng mga Hapon, maging ang pamahalaan ay kontrolado ng mga Hapon. Ang Pilipinas sa panahong ito ay walang kalayaan sa kamay ng mga dayuhan. PAGLINANG Gawain 2: Suring- Basa! Panuto: Sa puntong ito, ipababasa ko sa inyo ang talambuhay ni Pangulong Laurel. Pagkatapos mong basahin, mangyaring sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. JOSE P. LAUREL (PANGULO SA PANAHON NG PANGANIB) halaw sa isinulat ni Teodoro A. Agoncillo Ang búhay ni Jose P. Laurel mula pagkabinata hanggang maging kagawad ng gabinete at pangulo ng bansang Pilipinas noong panahon ng pananakop ng bansang Hapon sa Pilipinas ay masasabing nakaumang sa mga panganib. Sa gulang na tatlumpung taon nang siya' y hirangin ni Gobernador Heneral Leonard Wood na Kalihim Panloob, si Laurel ay subók nang hindi marunong matakot kapag ang karapatan niya bílang tao o ang mga karapatan ng mga Pilipino ang nakataya. Nang ipawalang-sala ni Gobernador Wood si Ray Canley, isang miyembro ng kagawaran ng pulisya ng Maynila, na napatunayang nagkasala, si Laurel ay nagbitiw sa tungkulin at sa sulat ng pagbibitiw ay sinabing "Hindi akó makapagpapatuloy ng paglilingkod sa isang tanggapang batid kong ang katulad ni Ray Canley ay napagkilalang may pagkakasalang nagawa." Ang pagbibitiw ni Laurel ay naging maalingasngas sapagkat ginamit ito ni Manuel L. Quezon, na noo'y Pangulo ng Senado, upang pakatuligsahin si Wood at yakagin ang mga kagawad ng gabinete at ng sanggunian ng Estado na magsipagbitiw rin. Ito ang tinatawag sa kasaysayan ng Pilipinas na “krisis sa gabinete." Dahil sa subók nang kagitingan at pagkamakabayan ni Laurel sa tungkulin, nang matapos pasinayaan ang Malasariling Pamahalaan (Komonwelt) noong1935 ay hinirang ni Quezon si Laurel na maging mahistrado sa Kataastaasang Hukuman. Nang sumiklab ang Digmaan sa Pasipiko noong ika-8 ng Disyembre, 1941, si Laurel ay naging KalihimPanloob. Palibhasa' y maselan ang kalagayan ng bayan, si Quezon ay tumawag ng púlong ng kanyang gabinete na dinaluhan nina Laurel, Sergio Osmeña, Jose Yulo, Jose Abad Santos, Quintin Paredes, Serafin Marabut, Rafael Alunan, Sotero Baluyot, Jorge Vargas, Teofilo Sison, Basilio Valdes, Heneral Guillermo Francisco, at Manuel Roxas. lpinaliwanag ni Quezon na nais ni Heneral MacArthur na makaiwas silá sa mga Hapones. Ipinasiya ni Quezon na isama sa Corregidor sina Osmeña, Abad Santos, Roxas, at Valdes. Iniwanan si Vargas at si Laurel, na hinirang maging Kalihim-Panloob at pansamantalang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman. Pinayuhan din ni Quezon si Laurel na tulungan si Vargas sa gawaing ito. Matamang nagmuni-muni si Laurel at matapos ang ilang sandali ay bumaling kay Quezon at nag wika: "G. Pangulo, madaling sabihing iiwan ninyo kami upang mamahala at ipagtanggol ang bayang sibil. Sa pagdating ng mga Hapones ay maaaring pilitin nila kami na gumawa ng mga bagay na makapipinsala sa atingPamahalaan o sa Estados Unidos. Sa ganang akin, mangyaring pahintulutan ninyo akóng mamundok. Nagtanong akó sapagkat sa inyong pagbabalik ay maaari ninyong itatwa ang aming mga ginawa at akusahan kaming hindi naging matapat sa bayan. Ayaw naming malagay sa ganitong kalagayan.” Nang dumating ang mga Hapones, ginawa nila ang lahat ng kahigpitan bilang bansang nagwagi sa labanan at ang Kamaynilaan at iba pang pook na nasupil ng kalaban ay nagmistulang malawak na sementeryo dahil sa lungkot ng tanawin. Pagkaraan ng isang taon ng paghihirap at gutom, ipinasiya ni Heneral Hideko Tojo na bigyan ng kasarinlan ang Pilipinas sa lalong madaling panahon. Nais nilang ipakilala sa mga Pilipino at sa ibang bansa na ang mga Hapones ay may higit na pagtingin sa mga Pilipino kaysa sa mga Amerikano. Bagama't matibay ang paniniwala ng mga Pilipino na ang kasarinlan na ito ay hindi tunay kundi laruan lámang. Si Laurel ang napiling mamuno sa isang komisyon na maghahanda ng saligang-batas. Noong ika-5 ng Hunyo, 1943, habang naglalaro ng golf si Laurel, ay sunod-sunod na putok ang gumimbal sa katahimikan ng umaga, at si Laurel ay humandusay na may dalawang tama ng bala na naglagusan sa kanyang dibdib. Ang lahat ng batikang manggagamot at siruhano, kasama ang siruhanong Hapones, ang nagligtas sa buhay n Laurel. Bagama’t kitang-kita ni Laurel na isang Amerikano ang bumaril sa kanya, ay itinatwa niya na ito ang bumaril sa kanya. Hiniling niya na pakawalan na ang Amerikanong ito. Marahil ay nagtataka kayo bakit hindi itinuro ni Laurel ang Amerikano na siyang bumaril sa kanya? "Ang totoo ay ayaw kong managot sa pagpatay o sa paghihirap ng aking mga kababayan," ito ang paliwanag ni Laurel. Ang kadakilaan at kadalisayan ng puso ni Laurel ay minsan pang naipakilala. Noong ika-10 ng umaga ng ika-25 ng Setyembre, 1943 ay inihalal ng mga delegado ng Asamblea si Laurel bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Walang sinumang Pilipino ang naharap sa gayong kaselang gawain. Naninimbang si Laurel sa mga Pilipino at gayon din sa mga Hapones, subalit hindi nawala sa kanya ang tunay na diwa ng mga Pilipino. Tumanggi siyang magdeklara ng pakikidigma laban sa Estados Unidos at Gran Britanya. Gayundin, tumanggi siyang isuko ang kanyang kumpareng si Manuel Roxas sa dahilang may kaugnayan ito sa mga gerilya. Kailanman, ang larawan ni Laurel sa harap ng bayan ay walang bahid-dungis at pinagtibay ito ng kasaysayan. Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Ilarawan si Jose P. Laurel. Banggitin ang kanyang naging mga katungkulan bílang pinunò ng bayan. 2. Masasabi mo bang matapang at tapat sa paglilingkod sa bayan si Laurel? Patunayan. 3. Bakit siya nagbitiw bílang kalihim-panloob noong panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Leonard Wood? Paano ito nakaapekto sa kanyang desisyon maging sa kanyang mga kasáma? 4. Bakit hindi naging madali para kay Laurel na maiwan nang umalis si Quezon? Ano ang bagay na kanyang kinatatakutan? 5. Ano ang naging katayuan nina Laurel at Vargas nang sumalakay ang mga Hapones habang si Pangulong Quezon ay wala sa Pilipinas? 6. Bakit sinabing ang kalayaang ipinagkaloob ng mga Hapones sa mga Pilipino ay huwad lámang? Sumasangayon ka ba o sumasalungat? Bakit? 7. Maituturing mo bang kabayanihan ang pagtatatwa ni Laurel na isang Amerikano ang bumaril sa kanya? Patunayan. 8. Mula sa iyong mga nabatid; sumasang-ayon ka ba sa mga sabi- sabing si Laurel ay isang Puppet President lámang? Ipaliwanag. 9. Kung ikaw si Laurel, papayag ka rin bang maging pangulo ng bansa kahit batid mong ang búhay mo ay mapapasapanganib? Bakit? 10. Sa anong aspekto ng iyong pagkatao nagdulot ng malaking pagbabago ang mga gintong aral na iyong natutuhan sa araling ito. Ngayon batay sa iyong binasa, gawin mong sanligan ang iyong kaalaman upang magawa ang susunod na gawain. Gawain 3: Comment at React! Panuto: Ngayon, mula sa mga pangyayari sa talambuhay, kumuha ako ng mga pangyayari at bibiyan mo ito ng mga patunay kung positibong pananaw ba o negatibo at ipaliwanag. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. 1. Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Hapon upang sagipin sa mga mananakop. 2. Ang ginawa ni Laurel na pagtakas at pagtalikod sa katungkulan ay upang maging mabuti ang bansa. 3. Ang pamahalaang Laurel ay gumawa ng hakbang sa pagbabago ng panitikang Pilipino. PAGPAPALALIM Gawain 4: Kilatisin Mo pa! Panuto: Sa puntong ito, bigyan natin ng diin ang iyong natutunan mula kay Laurel, kilatisin mo pa siya sa pamamagitan ng modelo sa ibaba. Kopyahin at isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Jose P. Laurel Ibigay lamang ang mga kontribusyon ni Laurel na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura at paniniwala ng mga Pilipino. Gawain 5: Ibagay mo sa iyong buhay! Panuto: Sa puntong ito, mula sa mga kontribusyon ni laurel na iyong inilahad. Gumawa ng isang maikli tula na nagpapatunay ng kaugnayan nito sa iyong buhay. Narito ang mga pamantayan ng paghuhusga sa iyong gawa. Isulat ang nabuong tula sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK Pamantayan Nilalaman Organisasyon ng ideya Kawastuhang gramatikal Kabuoan Bahagdan ng puntos 50 puntos 30 puntos 20 puntos 100 puntos Gawain 6. Buuoin Mo! Panuto: Bukod kay Laurel, marami pang pangulo ang dumanas sa pang- aalipin ng mga dayuhan. Ngunit, nais kong buoin mo ang mga salita upang maging ganap na kasabihan. Mangyaring ipaliwanag ang nabuong kasabihan at iugnay ito sa nabuong tula. Isulat ang sagot sa inyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOK. Katangiang, damdamin, nasyonalismo, mahusay, pinuno, na, mga, at, dapat, katapatan, katapangan, damdaming, ng VALUES INTEGRATION: Isulat sa iyong ACTIVITY/ASSESSMENT NOTEBOOKang sagot sa tanong na ito. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong maging lider, paano ka mamumuno upang maging maayos ang iyong pinamumunuan? PAGLILIPAT Sa puntong ito, ihahanda kita sa pagbuo ng pananaliksik, upang higit na maunawaan ang pananaliksik, basahin ang nakatala sa ibaba. PAGBUO NG PINAL NA TALASANGUNIAN AT PINAL NA PAPEL PANANALIKSIK Sa pananaliksik, mahalagang matutuhan mo rin ang tamang paggawa ng talasanggunian o bibliyograpiya. Ngunit tandaang sa pangangalap ng mga impormasyon ay hindi lamang isang aklat ang iyong magagamit upang mapagsanggunian. Maaari ka ring gumamit ng Internet, panayam, o panoorin sa pangangalap ng mga impormasyon. Mahalaga ang paggawa ng talasanggunian dahil bukod sa pagbibigay- galang sa mga may-akda o may ideya ng iyong mga nakalap na impormasyon, ito rin ay isang matibay na ebidensiya pagpapatunay ng katumpakan ng mga impormasyong iyong nakalap. Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng talasanggunian ay: Isaayos nang paalpabeto batay sa pangalan ng may-akda ng aklat o mula sa pinakabagong limbag na aklat hanggang sa pinakaluma. Pagpangkat-pangkatin ang mga uri ng sanggunian kung ito ba ay aklat, mula sa isang pahayagan, magasin, ulat, o lnternet. llagay ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat, tagapaglimbag at taon ng pagkakalimbag. Siguraduhin ang tamang baybay ng mga salita. Narito ang halimbawang pormat ng isang talasanggunian. Internet: http://ofw-bagongbayani.com/b-haiskul.html. http://www.Infoplease.com.ph. Magasin : Corliss, Richard. "All is Well. Time Dec. 2012: 57. Print. Pelikula/ Panoorin: Amaya.Dir. Mac Alejandre. GMA7, 2011. Aklat: Del, Rosario, Mary Grace. et al. Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. 2016. Print. Sa pagsulat ng pinal na papel pananaliksik, may tatlong bahaging dapat mong tandaan-ito ang introduksiyon, katawan ng pananaliksik, at kongklusyon. Sa introduksiyon ay makikita ang maikling kaligirang pangkasaysayan ng paksang napili, ang layunin ng pananaliksik, kahalagahan ng paksa o pananaliksik, at saklaw at limitasyon nito. Sa bahaging katawan ng pananaliksik, ay siguraduhing maayos ang ilalahad na mga ideya. Sa bahaging ito ay banggitin ang papel na gagampanan ng isinulat na pananaliksik. Isama ang mga naunang pangyayari sa paksa at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan gayundin ang mga nasaliksik na halimbawa ng akdang magpapatibay ng iyong pananaliksik. Sa kongklusyon ay isulat ang buod, ebalwasyon, at rekomendasyon ng pananaliksik na nabuo. Siguraduhing kaugnay at naisakatuparan ang mga layuning nabanggit sa bahaging introduksiyon ng pananaliksik. Gawain 7. Paggawa ng Tesis! Panuto: Ngayon, ikaw ay mananaliksik sa inyong lugar, inaatasan ka ng inyong alkalde na bumuo ng pag-aaral tungkol sa mga umiiral na bilang ng mga taong lumilipat ng tirahan mula sa inyong lugar papunta sa ibang lugar. Ang iyong gawa ay bibigyan ng hatol ng mga punong- guro, guro at isang kawani panggobyerno. Gawing gabay ang pamantayan sa pahina 7. Isulat sa inyong ACTIVITY/ ASSESSMENT NOTEBOOK ISANG MATAGUMPAY NA PAGBATI SA IYO DAHIL NATAPOS MO ANG ANIM NA ARALIN!!!