10 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan–Modyul 3: Gawaing Pansibiko Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan– Modyul 3: Gawaing Pansibiko Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Editor: Tagasuri ng Nilalaman: Tagasuri ng Wika: Tagasuri sa ADM Format: Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat Tagaguhit: Tagapaglapat: Tagapamahala: Juanito L. Lumibao, Jr. Rubilita L. San Pedro Angelica M. Burayag, PhD / Bernadette G. Paraiso Marie Claire M. Estabillo / Lorna G. Capinpin Donna Erfe A. Aspiras / Gerwin L. Cortez Kristian Marquez Donna Oliveros / Bryan Balintec Glehn Mark A. Jarlego Emmanuel DG. Castro Marvie C. Delos Santos Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor P. Nuesca, EdD Marie Ann C. Ligsay, PhD Salome P. Manuel, PhD Rubilita L. San Pedro Marie Claire M. Estabillo Melvin S. Lazaro Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph 10 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan-Modyul 3: Gawaing Pansibiko Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. ii Alamin Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 10. Ang modyul na ito ay naglalayong talakayin ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan. Ano ang Estado ng mga social enterprises sa bansa? Paano nakikilahok ang mga mamamayang Pilipino sa politikal na aspekto? Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng mga civil society organizations sa pagpapabuti ng demokrasya sa bansa? Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan? Sa pagtatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaaasahang: 1. nakapagpapaliwanag ng mga anyo ng gawaing pansibiko sa Pilipinas sa iba’t ibang larangan; 2. nakapagbibigay halaga sa papel ng mga gawaing pansibiko tungo sa aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala; at 3. nakasusuri ng mga epekto ng mga gawaing sibiko sa larangan ng kabuhayan, politika at lipunan. Subukin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot. 1. Ito ang salitang ginagamit upang pormal na tukuyin ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan. A. Estado C. kagalingan B. indibiduwal D. sibiko 2. Ang kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapuwa ay nakapaloob sa konsepto ng: A. karapatang pantao. C. kamalayang pansibiko. B. gawaing pansibiko. D. aktibong pagkamamamayan. 1 3. Ang sumusunod ay ang mga pangunahing layunin ng social enterprises maliban sa: A. kumita nang malaki. B. lumikha ng trabaho. C. mapababa ang antas ng kahirapan. D. mapabuti at mapalakas ang mga lokal na marginalized na mga pamayanan. 4. Ang panlipunang organisasyon sa anyo ng isang legal na uri ng negosyo na nagsasagawa ng mga gawaing pangkabuhayan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap na tao ay tinatawag na: A. social businesses. C. social organization. B. social enterprises. D. corporate social responsibility. 5. Alinsunod sa Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang sumusunod ay halimbawa ng disadvantaged sectors maliban sa: A. mga biktima ng mga kalamidad at sakuna. B. indigenous peoples at mga pamayanang kultural. C. mga manggagawa sa impormal na sektor at mga migranteng manggagawa. D. mga taong nahihirapang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. 6. Saang probisyon ng Saligang Batas ng 1987 nakasulat ang mga karapatan sa halal? A. Artikulo II C. Artikulo IV B. Artikulo III D. Artikulo V 7. Bakit mahalaga ang pagboto? A. Naitatakda ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan. B. Nagagampanan ng mamamayan ang kanyang tungkulin bilang Pilipino. C. Nakapipili ang mamamayan ng mga matitino at mahuhusay na opisyal ng pamahalaan. D. Naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal. 8. Ayon sa resulta ng International Social Survey Programme (ISSP) Citizenship Survey na isinagawa noong 2004, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino? A. pagboto B. wastong pagbabayad ng buwis C. laging pagsunod sa batas D. pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan 2 9. Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa Estado na binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga voluntary organizations. A. civil society C. people’s organizations B. social enterprises D. non-governmental organizations 10. Saang bahagi ng Artikulo II o pahayag ng mga simulain at mga patakaran ng Estado kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga civil society sa kagalingan ng bansa? A. Seksiyon 13 C. Seksiyon 23 B. Seksiyon 18 D. Seksiyon 28 11. Ito ang uri ng voluntary organization na naglalayong isulong at pangalagaan ang interes ng mga kasapi nito kung saan nahahanay ang mga causeoriented group at sectoral group. A. civil society C. people’s organizations B. social enterprises D. non-governmental organizations 12. Ang sumusunod ay halimbawa ng people’s organizations maliban sa: A. Bantay-Kalikasan B. Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas C. Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators D. Samahan ng mga Magsasaka, Kababaihan at Kabataan sa Burgos 13. Ito ang uri ng voluntary organization na naglalayong suportahan ang mga programa ng mga sectoral at cause-oriented group. A. civil society C. people’s organizations B. social enterprises D. non-governmental organizations 14. Mahalagang patunay sa papel na ginagampanan ng mga non-governmental organizations ang pagkonsulta sa kanila ng mga ahensya ng pamahalaan para sa mga programang ilulunsad nito. Isa ito sa mga mahahalagang probisyon ng: A. Saligang Batas ng Pilipinas B. Local Government Code of 1991 C. Social Reform and Poverty Alleviation Act D. Poverty Reduction through Social Entrepreneurship 15. Bakit mahalaga ang mga civil society sa Pilipinas? A. Mas napaghuhusay ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. B. Binibigyan nito ang mga mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng bansa. C. Nasisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin. D. Mas nakatutugon ang pamahalaan sa mga suliranin at problemang kinakaharap ng mga mamamayan sa tulong ng iba’t ibang samahan. 3 Aralin 1 Gawaing Pansibiko Balikan Ngayong alam mo na ang mga isyu at hamon ukol sa karapatang pantao, dadako naman tayo sa isa pa sa mga mahahalagang paksa sa kasalukuyang panahon. Suriing mabuti ang sumusunod. Pagkatapos ay tukuyin kung anong karapatang pantao ang ipinakikita ng mga larawan. Isulat ang sagot sa papel. 4 Tuklasin Hindi natatapos sa pag-alam, pag-angkin at pagtanggol ng ating mga karapatang pantao ang ating mga gampanin bilang mga aktibong mamamayan. Kaakibat ng mga karapatang ipinagkaloob sa atin bilang tao at maging ng Estado ang mga pananagutan natin bilang mga Pilipino. Ang ating pakikisangkot sa mga gawaing pansibiko ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkakamit ng tunay na demokrasya. Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan? Ngayon Na (Tungo sa Pagbabago, Para sa Pagbabago) Ni Noel Cabangon Lumingon sa ‘yong paligid, buksan ang mata’t isip At iyong makikita kay daming batang lansangan Bahay na nagsisiksikan ‘di tiyak ang kinabukasan. Bakit mayaman lang ang lalong yumayaman At ang karamihan labis ang kahirapan. Dapat na tayong lumayas sa kawalan Iwaksi ang katiwalian katotohanan ay ipaglaban. Tayo’y kumilos na tungo sa pagbabago Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na Tungo sa pagbabago para sa pagbabago Bayan ko ngayon na. Ang pagbabagong nais mo sa ating bayan Sa sarili mo’y dapat simulan Dapat ipakita na kaya nating mabuhay Nang marangal matapat mapagmahal at mahusay. Tayo’y kumilos na tungo sa pagbabago Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na Tungo sa pagbabago para sa pagbabago Bayan ko ngayon na. Bawat bata’y dapat nasa eskwela ng kinabukasan ay may pag-asa. Trabaho’t bahay sa bawat Pilipino ng paglikas ay unti-unting mahinto. Yaman ng bayan ay dapat pakinabangan ng buong bayan ‘di lamang ng iilan. 5 Dagat, bundok, ilog, patag, at kagubatan gawing ligtas at kapaki-pakinabang. Katarungan ay dapat mamayani, mayaman ka man o mahirap na turing. Utang ng bayan, ang baya’y di nakinabang dapat ng putulin at ‘wag ng bayaran. Karapatan ay dapat igalang. Karahasan ay ‘wag pahintulutan. Digmaan ay dapat lunasan. Kaunlaran, kapayapaan, pagkakaisa at wastong pamamahala ng pamahalaan. Tayo’y kumilos na tungo sa pagbabago Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na Tungo sa pagbabago para sa pagbabago Bayan ko ngayon na. Ang pagbabagong nais mo sa ating bayan Sa sarili mo’y dapat simulan Dapat ipakita na kaya nating mabuhay Nang marangal matapat mapagmahal at mahusay. Kaya’t kumilos na tungo sa pagbabago Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na Tungo sa pagbabago para sa pagbabago Bayan ko ngayon na. Tungo sa pagbabago Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na Tungo sa pagbabago para sa pagbabago Bayan ko ngayon na. Ngayon na. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awitin sa mga nakikinig? 2. Saan dapat magsimula ang pagbabagong nais natin para sa ating bayan? Pagtibayin ang sagot. 3. Bilang isang kabataang Pilipino, paano ka makatutulong upang maabot ang mga pagbabagong inilahad sa awitin? Ipaliwanag ang sagot. 4. Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan? 6 Suriin Isa sa mga maling pananaw nating mga Pilipino ang lubusang iasa sa pamahalaan ang napakaraming mga isyu at hamong panlipunan na ating kinakaharap. Bilang mga aktibong mamamayan nito, nasa ating mga kamay ang mga kasagutan sa mga usaping matagal nang namiminsala sa bayan. Malinaw na binibigyang-pansin sa ating Saligang Batas ang papel na ginagampanan ng mga mamamayan. “Ang Pilipinas ay isang demokratiko at Republikanong Estado. Nasa mga mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong pamunuan ng pamahalaan.” - Artikulo II, Seksiyon 1, Saligang Batas ng 1987 Patunay lamang ito na ang ganap na kapangyarihan ng Estado ay hindi nagmumula sa pamahalaan, kundi sa mga mamamayan nito. Ang magkatuwang na pagtugon ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang pinakamabuting solusyon sa hindi mabilang na mga suliranin ng ating bansa. Mangyayari lamang ito kung ang mga mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa mga isyung ito. Ang kamalayang ito ang magtutulak sa mamamayan na aktibong makilahok sa mga hakbanging tutugon sa maraming isyung panlipunan. Hindi sapat na mulat lamang tayo. Mas mahalagang tumugon tayo at makilahok sa iba’t ibang gawain na magsusulong sa pagkakaroon ng isang mabuting pamamahala sa bansa. Gawaing Pansibiko Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay mamamayan. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang ito upang pormal na tukuyin ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan. Kadalasan nang ikinakabit sa salitang ito ang mga katagang kagalingan o welfare. Tinutukoy ng civic welfare o kagalingang pansibiko ang pinakamataas na kabutihang makakamit at mararanasan ng mga mamamayan. Ang kabutihang ito ay natatamasa sapagkat nanggagaling sa kagyat na pagtugon at pagmamalasakit ng kapuwa mamamayan. Sa pagganap ng mga tungkulin sa lipunan, ang mga mamamayang may kamalayang pansibiko ay higit na nakatutuwang sa pamahalaan. Ang kamalayang pansibiko ay kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapuwa. Ito ay pagkilala na ang indibiduwal ay may kakayahang paunlarin ang lipunan sa anumang paraang kaya niyang tugunan at gampanan. Maaaring tingnan ang gawaing pansibiko bilang malawakang pagsasama-sama ng mga tao upang tiyaking nasa pinakamahusay silang pamumuhay lalo na ang pinakamahirap. Karaniwang sinasakop ng kagalingang pansibiko ang mga usapin hinggil sa edukasyon, kalikasan, kabuhayan, pampublikong serbisyo, at kalusugan. 7 1. GAWAING PANSIBIKO SA KABUHAYAN Ayon sa pag-aaral na inilabas ng Inter-America Development Bank noong 2016, ang mga social enterprises sa Pilipinas ay nakapokus sa pagtulong sa mga mahihirap. Karamihan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga lowincome at marginalized na grupo ng mga producers at suppliers. Sa isang pag-aaral na inilabas ng British Council at ng Philippine Social Enterprise Network, tinatayang 164, 473 ang mga social enterprises na gumagana sa bansa na kung saan ang mga pangunahing layunin ay lumikha ng trabaho, mapababa ang antas ng kahirapan at mapabuti at mapalakas ang mga lokal na marginalized na mga pamayanan. Ito ay kinabibilangan ng mga kooperatiba, mga microfinance institutions, at iba’t ibang grupo ng inisyatiba gaya ng mga fair trade organization network, mga social enterprises na pinasimulan ng mga NGOs, mga maliliit na negosyong may malinaw na panlipunang adhikain at mga sector-specific o area-based enterprises na tumutulong sa mga mahihirap na magsasaka, mangingisda, mga katutubong pamayanan, mga maralitang taga-lungsod at mga kababayan nating may kapansanan. Ano nga ba ang ibig sabihin ng social enterprise? Sa panukalang batas na inihain sa Senado ni Sen. Sonny Angara at Sen. Juan Miguel Zubiri o Senate Bill No. 105 at 820 (An Act Institutionalizing the Poverty Reduction through Social Entrepreneurship (PRESENT) Program and Promoting Social Enterprises with the Poor as Primary Stakeholders), binigyang kahulugan ang Social Enterprise (SE) bilang “isang panlipunang organisasyon sa anyo ng isang samahan, isahang pagmamay-ari, sosyohan, korporasyon, kooperatiba, people’s organization, non-stock non-profit at people’s organizations o iba pang mga legal na uri ng negosyo na nagsasagawa ng mga gawaing pangkabuhayan na nagbibigay ng mga produkto at/o serbisyo na may pangunahing layuning mapabuti ang pamumuhay ng mga: a. mahihirap (poor)-batay sa pakahulugan ng Republic Act 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act), ay tumutukoy sa mga indibiduwal o pamilyang ang kita ay mas mababa sa poverty threshold na itinakda ng National Economic and Development Authority (NEDA) at/o hindi kayang patuloy na matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan ng pagkain, kalusugan, edukasyon, pabahay at iba pa; b. basic sector-batay sa pakahulugan ng Republic Act 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act), ay tumutukoy sa mga disadvantaged o dehadong sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga magsasaka, mangingisda, manggagawa sa pormal na sektor at mga migranteng 8 manggagawa, manggagawa sa impormal na sektor, indigenous peoples at mga pamayanang kultural, kababaihan, persons with disabilities (PWD), senior citizens, biktima ng mga kalamidad at sakuna, kabataan at magaaral, mga bata at mga maralitang taga-lungsod; at c. marginalized na sektor-tumutukoy sa grupo ng mga tao na naisasantabi sa lipunan dulot ng mga dahilang pisikal, saykolohikal, ekonomiko, sosyal o kultural na kalagayan. 2. GAWAING PANSIBIKO SA POLITIKA Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng Saligang Batas ng 1987. Ayon sa Artikulo V ng Saligang-Batas ng 1987, ang mga maaaring makaboto ay: a. b. c. d. mamamayan ng Pilipinas; hindi diskuwalipikado ayon sa isinasaad ng batas; 18 taong gulang pataas; at tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mageleksiyon. Mga Diskuwalipikadong Bumoto (Omnibus Election Code, Artikulo 12, Seksiyon 118) a. Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon matapos ang parusang inihatol sa kaniya. b. Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon matapos ang parusang inihatol sa kaniya. c. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw. Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos. Ito ang pagkakataon kung saan naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal; na siya ring may kapangyarihan na alisin sila sa puwesto kung sa tingin nila ay hindi ginagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin. Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan. 9 Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto. Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang isang boto, mayaman man o mahirap. Ngunit ang isang botong ito ay lubhang makapangyarihan sapagkat maaari nitong baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Sa kabila nito ay may mga nagiging balakid sa pakikilahok ng mga tao sa eleksiyon. Halimbawa, nababalitaan pa rin natin na mayroon tayong mga kababayan na nagbebenta ng kanilang boto sa mga politiko. Batay sa International Social Survey Programme (ISSP) Citizenship Survey noong 2004, pangunahin ang pagboto bilang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino. Kasama rin sa listahan ang wastong pagbabayad ng buwis, laging pagsunod sa batas, pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao. Kung ang survey na ito ang pagbabatayan, mababatid na malaki ang pagtingin ng mga Pilipino sa kahalagahan ng karapatang makaboto sa kabila ng maraming balakid at mga suliranin. Ayon nga sa constitutionalist na si Fr. Joaquin Bernas (1992), ang layunin ng pagboto ay hindi ang pagbibigay ng mandato sa mga opisyal para mamuno bagkus ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga makapagpapaunlad sa Estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan. 3. GAWAING PANSIBIKO SA LIPUNAN Hindi natatapos sa paglahok sa eleksiyon ang politikal na pakikilahok ng mga mamamayan. Sa halip, unang hakbang lamang ito para sa isang malayang lipunan. Ang esensiya ng demokrasya ay ang magkaroon ng mamamayang nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa pagboto. Isang paraan dito ay ang pagbuo ng mga samahang direktang makikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang pangangailanagn ng mamamayan. Kaya naman napakahalagang makilahok ng mamamayan sa tinatawag na civil society. Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa Estado. Ang civil society ay binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilosprotesta, lipunang pagkilos, at mga non-governmental organizations (NGOs) at people’s organizations (POs). Hindi naman bahagi nito ang tahanan, mga negosyo, mga partido politikal, at mga armadong grupo na nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan. Nilalayon ng civil society na maging kabahagi sa pagpapabago ng mga polisiya at maigiit ang accountability (kapanagutan) at transparency (katapatan) mula sa Estado (Siliman, 1998). 10 Katulad ng nabanggit, ang mga samahan na tinatawag na NGOs at POs ay mahalagang bahagi ng civil society. Ang paglahok sa mga samahang ito ay isa sa maraming paraan sa paglahok sa civil society. Ayon kay Horacio Morales (1990), “people empowerment entails the creation of a parallel system of people’s organizations as government partner in decision-making…” Ibig sabihin, mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng mamamayan dahil ito ang magiging katuwang ng pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan. Ayon naman kay Randy David (2008), sa pamamagitan ng civil society ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng soberanya ng isang Estado. Sa pamamagitan ng paglahok sa civil society, ang mga mithiin ng mga mamamayan ang magiging batayan ng buong Estado sa pamamahala ng isang bansa. Sa katunayan, kinikilala sa Artikulo II, Seksiyon 23 ng Saligang-Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran. Dapat pasiglahin ng Estado ang mga organisasyong ‘di pampamahalaan, salig pamayanan, o sektoral na nagtataguyod ng kagalingan ng bansa. Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga bumubuo sa civil society. Ito ay binubuo ng mga kilos-protesta, mga lipunang pagkilos, at mga voluntary organization. Ang huli ay nahahati sa dalawang kategorya: a. grassroots organizations o people’s organizations (POs)-naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito. Dito nahahanay ang mga sectoral group ng kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, at mga caused-oriented group. b. grassroot support organizations o non-governmental organizations (NGOs)-naglalayong suportahan ang mga programa ng mga people’s organization. Magkaiba man ang layunin ng dalawang uri ng samahan, nagkakapareho naman ang mga ito sa mga gawain tulad ng pagsusulong ng mga adbokasiya, pagsasagawa ng mga kampanya at lobbying, at pakikilahok sa mga gawain sa lipunan. Kasabay ng pag-usbong ng maraming mga NGO ay ang paglawak ng kanilang kahalagahan sa lipunang Pilipino. Ang Local Government Code of 1991 ay isang mahalagang patunay sa papel na ginagampanan ng mga NGO. Ilan sa mga probisyon ng batas na ito ang sumusunod. • • Kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga ahensya ng pamahalaan para sa mga programang ilulunsad nito. Pagbuo ng mga local development council sa bawat lokal na pamahalaan. Ang layunin nito ay bumuo ng isang komprehensibong plano para makamit ang mga kaunlaran sa mga bayan, lungsod, o lalawigan. Hindi dapat bumaba sa 25% ng mga miyembro ng local development council ang manggagaling sa mga NGO at PO. 11 Uri ng POs at NGOs Maraming iba’t ibang uri ng PO at NGO ang makikita sa Pilipinas at bawat isa ay may kani-kaniyang tungkulin sa bayan (Putzel, 1998). • TANGOs (Traditional NGOs)-nagsasagawa ng mga proyekto para sa mahihirap • FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs)-nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga people’s organization para tumulong sa mga nangangailangan • DJANGOs (Development, Justice and Advocacy NGOs)-nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga legal at medical na mga serbisyo • PACO (Professional, Academic and Civic Organizations)-binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademya • GRIPO (Government-run and Initiated POs)-mga POs na binuo ng pamahalaan • GUAPO (Genuine, Autonomous POs)-itinayo mula sa inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan May tatlong mahahalagang tungkulin ang mga NGO at PO sa Pilipinas sa kasalukuyan. 1. Ang paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mamamayan na kadalasan ay hindi natutugunan ng pamahalaan. 2. Nagsasagawa ang mga NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik tungkol sa adbokasiyang kanilang ipinaglalaban upang magising ang kamalayan ng mamamayan. 3. Direktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating sa kanila ang hinaing ng kanilang sektor at mga naiisip na programa at batas na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mamamayan. Dito pumapasok ang mga ginagawang pagpoprotesta, pakikipagnegosasyon at lobbying o ang pag-impluwensiya sa mga desisyon ng mga opisyal ng pamahalaan para makamit ang isang mithiin. Bakit mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga ganitong uri ng samahan? Ayon kay Larry Diamond (1994), ang paglahok sa ganitong mga samahan ay isang mahusay na pagsasanay para sa demokrasya. Sa pamamagitan ng paglahok sa mga POs at NGOs ay mas napaghuhusay ng mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Pinagyayaman din ng mga samahang ito ang pagiging bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba at pagkilala at pagrespeto sa karapatang pantao. Ito ay mahalagang katangian ng isang mabuti at aktibong mamamayan na lubhang napakahalaga sa isang demokrasya. 12 Sa kabuuan, ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasya. Binibigyan ng civil society ang mga mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pag-engganyo sa mga mamamayan sa mga gawain ng civil society, masisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin (Bello, 2000). Pagyamanin A. Match Tayo! Panuto. Isulat sa papel ang letra mula sa Hanay B na hinihingi mula sa hanay A. HANAY A 1. Ito ang salitang ginagamit upang pormal na tukuyin ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan. 2. Ito ay isang panlipunang organisasyon sa anyo ng isang negosyo na nagsasagawa ng mga gawaing pangkabuhayan na may pangunahing layuning mapabuti ang pamumuhay ng mga nasa laylayan ng lipunan. 3. Ito ay tumutukoy sa mga indibiduwal o pamilyang ang kita ay mas mababa sa poverty threshold na itinakda ng National Economic and Development Authority (NEDA). 4. Ito ay tumutukoy sa mga disadvantaged o dehadong sektor ng lipunan. 5. Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga tao na naisasantabi sa lipunan dulot ng mga dahilang pisikal, saykolohikal, ekonomiko, sosyal o kultural na kalagayan. HANAY B A. basic B. kagalingan C. mahihirap D. marginalized E. sibiko F. social enterprise B. Where’s the SE map? Panuto: Batay sa mga konseptong iyong pinag-aralan ukol sa social entrepreneurship, ibigay ang mga grupo ng tao na nais matulungan nito gamit ang graphic organizer sa ibaba (para sa mga bilang 2 at 3, magbigay lamang ng hindi hihigit sa tatlong (3) sagot). Isulat ang sagot sa papel. Social Enterprises Ang mga ay naglalayong tulungan ang mga na binubuo ng mga 1. ____ a. ____ b. ____ 3. ____ 2. ____ a. ____ 13 b. ____ c. ____ a. ____ b. ____ c. ____ C. To Vote or Not to Vote? Panuto: Isulat ang salitang To Vote kung maaaring bumoto ang sumusunod at Not to Vote naman kung hindi. Isulat sa papel ang sagot. ______1. Si Kim ay isang Pilipino at isang rehistradong nars sa Amerika. Mahigit sampung na taon na siyang naninirahan doon at regular ding nagbabakasyon sa bansa. ______2. Nasakdal si Arturito sa isang krimen na may kaparusahang reclusion perpetua subalit wala pa ring pinal na desisyon ang hukuman ukol sa kanyang kaso. ______3. Maglalabing-walong taong gulang si Alex sa darating na eleksiyon sa Mayo. ______4. Mahigit tatlong dekadang nanirahan sa Europa si Rose bago niya napagdesisyunang manatili na sa Pilipinas. Sa idaraos na halalang lokal sa susunod na taon ay saktong isang taon na siya sa bansa. ______5. Isa si Ramil sa mga napatunayang nanguna sa rebelyon. The Survey Says D. Panuto: Isa-isahin ang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino batay sa resulta ng ISSP Citizenship Survey noong 2004. Pagkatapos, ibigay ang sariling pananaw kung bakit ito mahalaga para sa mga Pilipino. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1 __________: ___________________________ __________: _________________________ 2 3 4 5 __________: ________________________ __________: _________________________ __________: ___________________________ 14 E. Alin sa Dalawa? Panuto: Tukuyin kung anong uri ng voluntary organization ang ipinakikilala sa bawat bilang. Isulat sa papel ang PO kung people’s organization ito, at NGO naman kung non-governmental organization. ______1. Bantay Kalikasan ______2. Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas ______3. Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators ______4. Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas ______5. Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources F. Civil Society Map Panuto: Sa isang papel, kopyahin ang graphic organizer sa ibaba at punan ito gamit ang teksto tungkol sa civil society. 1. ___________ 1. kilos protesta 1. __________ 2. __________ 3. __________ Civil Society 2. ____ 1. __________ 2. _________ 3. lipunang 2. __________ pagkilos 3. __________ 15 Isaisip Kumpletuhin ang talata ng mga angkop na salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Sinasabing ang kapangyarihan ng Estado ay hindi nagmumula sa pamahalaan, bagkus nasa kamay ito ng kanyang mga (1) __________. Sa pagganap ng mga tungkulin sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang aktibong pakikilahok at pakikisangkot sa iba’t ibang gawain, higit na nakatutuwang ng pamahalaan ang mga taong may malalim na (2) __________. Ang mga negosyanteng nagsusulong ng kapananan ng mga basic, poor at marginalized sectors ng ating bansa sa pamamagitan ng mga social enterprises ang isa sa mga pinakamabisang gawaing pansibiko sa (3) __________. Bukod pa rito, inaasahan din tayong makilahok sa mga usapin ng (4) __________ bilang bahagi ng ating pagtalima sa obligasyon at karapatan na ginagarantiyahan ng Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987. Panghuli, sa pamamagitan ng paglahok sa civil society ay mas napaghuhusay ng mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing pansibiko sa (5) __________. Isagawa Kaya ko! Panuto: Magtala ng lima o higit pang gawain na kaya mong gawin bilang isang mag-aaral, miyembro ng pamilya, kaibigan at Pilipino na magpapakita ng aktibo mong pakikilahok sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan. Maaari mo rin itong i-upload sa iyong mga social media account upang makita ng iyong mga kaibigan. Bilang Mag-aaral 1. 2. 3. 4. 5. Bilang Kaibigan 1. 2. 3. 4. 5. Bilang Miyembro ng Pamilya 1. 2. 3. 4. 5. Bilang Pilipino 1. 2. 3. 4. 5. 16 Tayahin Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat sa papel ang letra ng angkop na sagot sa bawat bilang. 1. Ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan ay kilala rin sa tawag na: A. Estado. C. kagalingan. B. indibiduwal. D. sibiko. 2. Ang mga karapatan sa halal ang nilalaman ng mga probisyon ng SaligangBatas ng 1987 sa: A. Artikulo V. C. Artikulo III. B. Artikulo IV. D. Artikulo II. 3. Alin sa sumusunod ang hindi layunin ng mga social enterprises? A. kumita ng malaki B. lumikha ng trabaho C. mapababa ang antas ng kahirapan D. mapabuti at mapalakas ang mga lokal na marginalized na mga pamayanan 4. Ang mga negosyong gumagawa ng produkto at nagbibigay ng mga serbisyo upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap na tao ay maaaring uriin bilang: A. social businesses. C. social organization. B. social enterprises. D. corporate social responsibility. 5. Batay sa Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang sumusunod ay halimbawa ng disadvantaged sectors maliban sa: A. magsasaka. B. persons with disabilities. C. mga maralitang taga-lungsod. D. mga taong ang kita ay mas mababa sa poverty threshold. 6. Nakapaloob sa konsepto ng kamalayang pansibiko na: A. ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang lipunan. B. ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapwa. C. ang lipunan ay may pananagutan sa kaniyang mga mamamayan. D. ang mga mamamayan ay may pananagutan sa kaniyang lipunan. 7. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino? A. pagboto B. laging pagsunod sa batas C. wastong pagbabayad ng buwis D. pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan 17 8. Bakit mahalaga ang pagboto? A. Naitatakda ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan. B. Nagagampanan ng mamamayan ang kanyang tungkulin bilang Pilipino. C. Nakapipili ang mamamayan ng mga matitino at mahuhusay na opisyal ng pamahalaan. D. Naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal. 9. Ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga voluntary organizations ay kilala sa tawag na: A. civil society. C. people’s organizations. B. social enterprises. D. non-governmental organizations. 10. Kinikilala ng Artikulo II o pahayag ng mga simulain at mga patakaran ng Estado ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga civil society sa kagalingan ng bansa. Matatagpuan ito sa: A. Seksiyon 21. C. Seksiyon 23. D. Seksiyon 24. B. Seksiyon 22. 11. Ito ang voluntary organization na naglalayong isulong at pangalagaan ang interes ng mga miyembro nito na kinabibilangan ng mga cause-oriented group at sectoral group. A. civil society. C. people’s organizations. B. social enterprises. D. non-governmental organizations. 12. Ang sumusunod ay halimbawa ng non-governmental organizations maliban sa: A. Bantay-Kalikasan. B. Earthsavers’ Movement. C. Clean and Green Foundation, Inc. D. Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas. 13. Ang voluntary organization na naglalayong suportahan ang mga programa ng mga sectoral at cause-oriented group ay ang: A. civil society. C. people’s organizations. B. social enterprises. D. non-governmental organizations. 14. Ang mga non-governmental organizations ay katuwang ng mga bayan, lungsod o lalawigan sa pagbuo ng mga komprehensibong plano tungo sa kaunlaran. Isa ito sa mga itinatadhana ng: A. Saligang Batas ng Pilipinas. B. Local Government Code of 1991. C. Social Reform and Poverty Alleviation Act. D. Poverty Reduction through Social Entrepreneurship. 18 15. Bakit mahalaga ang mga civil society sa Pilipinas? A. Nasisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin. B. Binibigyan nito ang mga mamamayan ng mas malawak napakikilahok sa pamamahala ng bansa. C. Mas napaghuhusay ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. D. Mas nakatutugon ang pamahalaan sa mga suliranin at problemang kinakaharap ng mga mamamayan sa tulong ng iba’t ibang samahan. Karagdagang Gawain Civil Society Organization Mapping Panuto: Sa tulong ng mga kasama sa bahay o gamit ang internet, magsaliksik ukol sa isang civil society organization (NGOs/ POs) sa inyong pamayanan/ bayan. Tukuyin kung anong uri ng civil society organization ito, anong sektor ng lipunan ang kanilang kinakatawan, at kung ano ang kanilang mga tungkulin. Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang mga civil society organization ang matatagpuan sa inyong komunidad? 2. Anong uri ito ng NGO/ PO? 3. Anong mga sektor ang kanilang kinakatawan? 4. Ano-ano ang mga tungkulin ng mga civil society organization na ito? 5. Anong sektor sa inyong pamayanan/ bayan ang walang representasyon sa mga civil society organization? 19 20 B. SOCIAL ENTERPRISE MAP Ang mga social enterprises ay naglalayong tulunan ang mga 1. mahihirap na binubuo ng mga: a. pamilyang ang kita ay mas mababa sa poverty threshold b. pamilyang hindi kayang matugunan ang mga pangangailangan 2. basic na binubuo ng mga (magbigay lamang ng tatlo): a. magsasaka; b. mangingisda; c. manggagawa sa pormal na sektor at mga migranteng manggagawa; d. manggagawa sa impormal na sector; e. indigenous peoples at mga pamayanang kultural; f. kababaihan; g. persons with disabilities (PWD); h. senior citizens; i. biktima ng mga kalamidad at sakuna; j. kabataan at mag-aaral; k. mga bata; at l. mga maralitang taga-lungsod; 3. marginalized na binubuo ng mga (magbigay lamang ng tatlo): a. Naisasantabi sa lipunan dulot ng mga b. dahilang pisikal; c. saykolohikal; d. ekonomiko’ e. sosyal; o f. kultural na kalagayan. C. TO VOTE OR NOT TO VOTE? 1. 2. 3. 4. 5. to vote to vote to vote to vote not to vote SUBUKIN 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. D C A B D D D A 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. E. ALIN SA DALAWA? 1. NGO 4. NGO 2. PO 5. PO 3. PO F. CIVIL SOCIETY MAP (in any order) 1. kilos protesta 2. voluntary organizations a. people’s organizations i. PACO (professional, academic, and civic organizations) ii. GRIPO (governmentrun and initiated POs) iii. GUAPO (genuine, autonomous POs) b. non-governmental organizations i. TANGOs (traditional NGOs) ii. FUNDANGOs (funding-agency NGOs) iii. DJANGOs (development, justice and advocacy NGOs) Lipunang pagkilos 3. D. THE SURVEY SAYS (Binibigyan ng laya ang mga magaaral na ilahad ang kanilang sariling opinion ukol sa mga paksa.) 1. 2. 3. 4. 5. pagboto wastong pagbabayad ng buwis lagging pagsunod sa batas pagsubabaybay sa Gawain ng pamahalaan unawain ang opinion ng ibang tao TAYAHIN A C C A D B A 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. A. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. D B A B D A C A A C C D C B A MATCH TAYO! 1. 2. 3. 4. 5. E F C A D Susi sa Pagwawasto Sanggunian Department of Education, Araling Panlipunan https://lrmds.deped.gov.ph/detail/9685 Grade 4 LM, 363-364, Department of Education, Araling Panlipunan Grade 10 LM, 396-408, https://aralingpanlipunan9santolanhs.wordpress.com/curriculum/gr ade-10/ “Senate Bill 105 Poverty Reduction Through Social Entrepreneurship (PRESENT) Act”, Senate of the Philippines, accessed July 18, 2020, https://senate.gov.ph/lis/bill_res.aspx?congress=18&q=SBN-105 “Senate Bill 820 Poverty Reduction Through Social Entrepreneurship (PRESENT) Act”, Senate of the Philippines, accessed July 18, 2020, http://senate.gov.ph/lis/bill_res.aspx?congress=18&q=SBN-820 The Japan Research Institute and Inter-American Development Bank, Study of Social Entrepreneurship and Innovation Ecosystems in South East and East Asian Countries, Country Analysis: Republic of the Philippines, https://publications.iadb.org/publications/english/document/Studyof-Social-Entrepreneurship-and-Innovation-Ecosystems-in-SouthEast-and-East-Asian-Countries-Country-Analysis-Republic-of-thePhilippines.pdf 21 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education Region III - Learning Resources Management Section (DepEd Region III - LRMS) Office Address: Matalino St., D.M. Government Center Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598 – 8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph