VII. PAGTATANONG TANONG, OBSERBASYON AT INTERVIEW PAGTATANONG Ginagamit ng mananaliksik kung saan ay sinusulat ang mga tanong at pinapasagutan sa mga respondente nito. Ito ang pinakamadaling paraan ng pangangalap ng datos. DALAWANG URI: o OPEN-ENDED- Ang mga respondante ay malaya sa pagsagot o CLOSE ENDED- Uri ng talatanungan na may pagpipilian MGA BENTAHE NG TALATANUNGAN Madaling buuin Ang mga tugon ay madaling ilista sa talahanayan Malaya ang mga respondante sa pagsagot MGA DISBANTAHE NG TALATANUNGAN Hindi maaari sa mga hindi marunong bumasa at sumulat. May mga talatanungan na hindi naibabalik May mga respondante na hinahayaang blangko ang ilang mga tanong MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG PAGTATANONG Nararapat na maging malinaw ang lengguwahe, ang bokabularyo at estruktura. Ang mga konseptwal na antas ng tanong ay dapat na angkop sa mga kakayahan at karanasan ng mga respondante. Ang tanong ay nararapat na nagpapakita ng isang layunin INTERVIEW Ito ay isinasagawa kung posible ang interaksyong personal DALAWANG URI NG PAKIKIPANAYAM o BINALANGKAS NA PAKIKIPANAYAM (structured interview) -Ang nakikipanayam ay nagtatanong nang walang labis at walang kulang ayon sa pagkakasunod sa listahan. O DI- BINALANGKAS NA PAKIKIPANAYAM (non-structured interview) - bagamat ang kumakapanayam ay may listahan ng mga tanong, hindi nya kailangan sundin ang pagkakasunod ng mga nito. TANDAAN: Tiyakin ang taong kakapanayamin Magsaliksik tungkol sa paksa at taong kapapanayamin Magpakilala sa kakapanayamin at bigyan siya ng malinaw na background tungkol sa paksa *FGD (FOCUS GROUP DISCUSSION) - TUMUTUKOY SA URI NG INTERBYU NA DALAWA O HIGIT PA ANG KINAKAPANAYAM OBSERBASYON Kinapapalooban ito ng obserbasyon ng mananaliksik sa sitwasyong pinag-aaralan. Ang mananaliksik ay nakatugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at ang pinakamabuting paraan para makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid. DALAWANG URI: Di –Pormal na Obserbasyon -Itinatala lamang ang mga napag-usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon. Pormal na obserbasyon o structured Observation -Itinatala rito kung ano lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagutan ay binalangkas. VIII. PARTICIPANT OBSERVATION Pag-aaral sa kilos, pag-uugali, at interaksyon ng mga kalahok sa isang likas na kapaligiran. Tinatawag din itong ETNOGRAPIKONG PANANALIKSIK Sa panahon ng pagmamasid ng kalahok, ang mananaliksik ay nagtatrabaho upang maglaro ng dalawang hiwalay na tungkulin sa parehong oras: PANSARILING KALAHOK LAYUNIN TAGAMASID KWENTONG BUHAY - MALIKHAING PAGSASALAYSAY NG TALAMBUHAY O BAHAGI NG TALAMBUHAY NG ISANG TAO O PANGKAT NG MGA TAO SA PAKSA NG PANANALIKSIK