TEKSTONG NARATIBO • Ang tekstong naratibo o tekstong narativ ay isang uri ng literaturang nakapokus sa pagsasalaysay ng mga kaganapan patungkol sa isang tao, bagay, hayop, o kaganapan na binibigyang pagpapahalaga ang maayos at magaling na pagkakaayon ng mga naganap mula sa simula hanggang sa huli. Sa pagdadagdag, ang tekstong naratibo ay maaaring manggaling sa karanasan, imahinasyon, o obserbasyon ng may-akda. • Ang maikling kuwento, kasaysayan, talambuhay, at iba pang mga tekstong naglalahad ng mga kuwento ay maituturing na Tekstong Naratibo. • Ito ay ang malayang pagkukuwento ng mga karanasan sa pang arawaraw na nangyayari sa kanyang kapaligiran,mga nakita,namasid,napanood, o nasaksihan. Maaaring mahaluan ang pagsasalaysay ng paglalahad,paglalarawan, at pangangatuwiran. May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa Tekstong Naratibo • Unang Panauhan—Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na ako. • Ikalawang Panauhan—Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay. • Ikatlong Panauhan—Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siva. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lang at sa labas siya ng mga pangyayari. Tatlong uri ng pananaw: • Maladiyos na panauhan—Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa. • Limitadong panauhan—Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan. • Tagapag-obserbang panauhan—Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay. • Kombinasyong Pananaw o Paningin—Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata. May Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo 1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan. Halimbawa: “Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. “Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang baIak mo, ha?” Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang kusina.. —Mula sa “Ang Kariton ni Donato” 2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi. • Halimbawa: Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na paU ang ina sa kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya. Natatawang inakbayan ni Donato ang at inakay papasok sa munti nilang kusina. Mga Elemento ng Tekstong Naratibo Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento kaya naman taglay ng mga ito ang mahahalagang elementong lalong magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay. 1. Tauhan • Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda. ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lang ang maaaring magtakda nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan—ang expository at ang dramatiko. a. Pangunahing Tauhan • Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa kabuoan ng akda. b. Katunggaling Tauhan • Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan. c. Kasamang Tauhan • Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan. d. Ang May-akda • Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan ng akda. Bagama’t ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor. Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang tekstong naratibo tulad ng: • Tauhang Bilog (Round Character)—Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa pangangailangan. \ • Tauhang Lapad (Flat Character)—Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang mga ikinikilos at maituturing na stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina, tin-edyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba pa. 2. Tagpuan at Panahon • Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang, takot na umiiral, romantikong paligid, matinding pagod atbp. 3. Banghay • Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda. Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo: • Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation or introduction) • Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan (problem) • Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising action) • Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (climax) • Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action) • Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending) Tandaan! Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo: • Analepsis (Flashback)—Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas. • Prolepsis (Flashforward)—Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap. • Ellipsis—May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama. 4. Paksa o Tema • Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa.