Sawikain o Idyoma AGAW-BUHAY — naghihingalo ALILANG-KANIN - utusang walang bayad, pakain lang; pabahay at pakain ngunit walang suweldo. ANAK-PAWIS — magsasaka; manggagawa ANAK-DALITA - Mahirap BALAT-KALABAW — mahina ang pakiramdam, di agad tinatablan ng hiya BALAT-SIBUYAS — manipis, maramdamin BALIK-HARAP - mabuti ang pakikitungo sa harapan ngunit taksil sa likuran. BALITANG-KUTSERO - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan. BANTAY-SALAKAY - taong nagbabait-baitan BASA ANG PAPEL - bistado na BASAG-ULO — gulo, away BUKAL SA LOOB - taos-puso; tapat BULAKLAK NG DILA — pagpapalabis sa katotohanan BUNGANG-ARAW — sakit sa balat BUNGANG-TULOG - panaginip BUSILAK ANG PUSO - malinis ang kalooban BUTAS ANG BULSA - walang pera BUTO'T BALAT — payat na payat BUWAYA SA KATIHAN - usisera; nagpapautang nang malaking pera. DALAWA ANG BIBIG — mabunganga, madaldal DALAWA ANG MUKHA — kabilanin, balik-harap DI MADAPUANG LANGAW - maganda ang bihis DI MAKABASAG-PINGGAN - mahinhin DI MAHULUGANG-KARAYOM — maraming tao HALANG ANG BITUKA — salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay ng tao HALIGI NG TAHANAN - ama HAMPASLUPA - lagalag; busabos ILAW NG TAHANAN - ina ISANG KAHIG, ISANG TUKA - kakarampot na kita na hindi makakasapat sa ibang pangangailangan. ISULAT SA TUBIG — kalimutan ITAGA SA BATO - tandaan ITIM NA TUPA - masamang anak KABIYAK NG DIBDIB - asawa KAKANING-ITIK - walang gaanong halaga; hindi maipagpaparangalan KALAPATING MABABA ANG LIPAD - babaing nagbibili ng aliw; babaing puta. KAPIT-TUKO - Mahigpit ang hawak KAUTUTANG DILA — katsismisan KIDLAT SA BILIS - napakabilis KILOS-PAGONG - makupad, mabagal KUSANG PALO — sariling sipag KUMUKULO ANG DUGO — naiinis, nasusuklam LUHA NG BUWAYA - hindi totoong nagdadalamhati; pakitang taong pananangis. LUMAKI ANG ULO — yumabang MAALIWALAS ANG MUKHA - masayahin; taong palangiti MAAMONG KORDERO - mabait na tao MAANGHANG ANG DILA — bastos magsalita MABABA ANG LOOB — maawain MABABAW ANG LUHA - iyakin MABIGAT ANG DUGO - di-makagiliwan MABIGAT ANG KAMAY — tamad magtrabaho MABIGAT ANG LOOB — di-makagiliwan MABILIS ANG KAMAY — mandurukot MADILIM ANG MUKHA — taong simangot, problemado MAGAAN ANG DUGO — madaling makapalagayan ng loob MAGAAN ANG KAMAY — madaling manuntok, manapok, manakit MAGDILANG-ANGHEL - magkatotoo sana MAHABA ANG BUNTOT — laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe MAHABANG DULANG - kasalan MAHANGIN ANG ULO - mayabang MAHAPDI ANG BITUKA — nagugutom MAHINA ANG LOOB MAINIT ANG ULO — pangit ang disposisyon MAITIM ANG DUGO — salbahe, tampalasan MAITIM ANG BUDHI - tuso; masama ang ugali MAKALAGLAG-MATSING — nakaka-akit MAKAPAL ANG BULSA - mapera MAKAPAL ANG MUKHA — di marunong mahiya MAKAPAL ANG PALAD - masipag MAKATI ANG DILA — madaldal, mapunahin MAKATI ANG PAA — mahilig sa gala o lakad MAKITID ANG ISIP - mahinang umunawa; walang gaanong nalalaman MAKUSKOS-BALUNGOS — mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin MALAKAS ANG LOOB - matapang MALAMIG ANG ULO — maganda ang sariling disposisyon MALAPAD ANG PAPEL — maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong MALAWAK ANG ISIP -- madaling umunawa; mararaming nalalaman MALIKOT ANG KAMAY - kumukuha ng hindi kanya; kawatan MANIPIS ANG MUKHA — mahiyain MAPUROL ANG UTAK - bobo MAPUTI ANG TAINGA — kuripot MASAMA ANG LOOB - nagdaramdam MATALAS ANG DILA — masakit magsalita MATALAS AND MATA — madaling makakita MATALAS ANG ULO - matalino MATALAS ANG TAINGA - madaling makarinig o makaulinig MATALAS ANG UTAK — matalino MATAMIS ANG DILA — mahusay mangusap, bolero MATIGAS ANG KATAWAN — tamad MATIGAS ANG LEEG — mapag-mataas, di namamansin MATIGAS ANG ULO — ayaw makinig sa pangaral o utos MAY IPOT SA ULO — taong pinagtaksilan ng asawa MAY KRUS ANG DILA — nakapanghihimatong MAY MAGANDANG HINAHARAP — may magandang kinabukasan MAY SINABI — mayaman, may likas na talino NAGBABATAK NG BUTO — nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan NAGBIBILANG NG POSTE - walang trabaho NAGMUMURANG KAMATIS - matandang lalaking nagaayos binata; matandang babaing nag-aayos dalaga. NAGPUPUSA — nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao NAKAHIGA SA SALAPI - mayaman NAKAPINID ANG TAINGA — nagbibingi-bingihan NAMAMANGKA SA DALAWANG ILOG - salawahan NAMUTI ANG MATA — nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay NANININGALANG-PUGAD - nanliligaw NINGAS-KUGON — panandalian, di pang-matagalan PAGPUTI NG UWAK - walang maaasahan; walang kahihinatnan PAG-IISANG DIBDIB - kasal PAGKAGAT NG DILIM — pag lubog ng araw PANIS ANG LAWAY — taong di-palakibo PANTAY ANG MGA PAA — patay na PATAY-GUTOM — matakaw PULOT-GATA — pagtatalik ng bagong kasal PUSONG-BAKAL - hindi marunong magpatawad PUTOK SA BUHO — anak sa labas SALING-PUSA — pansamantalang kasali sa laro o trabaho SAMAING PALAD — malas na tao SAMPAY-BAKOD — taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi SAMPID-BAKOD — nakikisunod, nakikikain, o nakikitira SANGA-SANGANG DILA — sinungaling SIRA ANG ULO O TUKTOK — taong maraming kalokohan ang nasa isip; gago; luko-luko TAINGANG KAWALI — nagbibingi-bingihan TAKAW-TULOG — mahilig matulog TATLO ANG MATA — maraming nakikita, mapaghanap ng mali TAKIPSILM — paglubog ng araw TALUSALING — manipis ang balat TALUSIRA — madaling magbago TAWANG-ASO — nagmamayabang, nangmamaliit TINIK SA LALAMUNAN - hadlang sa layunin TULAK NG BIBIG - salita lamang; di tunay sa loob UTAK-BIYA — bobo, mahina ang ulo UTANG NA LOOB — malaking pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man UTANG NA LOOB (pakiusap) — malaking pakiusap, madalas ginagamit upang ipahiwatig ang masidhing damdamin ng nakikiusap, tulad ng “parang awa mo na" Sanggunian: Nakuha noong ika-25 ng Enero mula sa http://buhaykul.blogspot.com/2011/06/mgamakabagong-bugtong.html#.VMaV3P6Udo8 http://www.philstar.com/opinyon/372180/moder nong-bugtong http://bugtong-maysagot.blogspot.com/2010/06/super-funny-bugtong http://thecannerysite.blogspot.com/search/label/sawik ain