Uploaded by DOCTOR ARJAY

F11-Komunikasyon-Q1-W1-validated

advertisement
1
Pangalan: _________________________________________Guro: ___________________________
Baitang at Seksyon: _______________________________ Petsa : __________________________
Aralin
1
Ang Kahulugan at Kabuluhan ng Wika
Isinulat ni: Princess Loren D. Ybañez
Mga Inaasahan
Sa araling ito, matututuhan mo ang kahulugan at kabuluhan ng wika sa ating
lipunan. Mauunawaan mo rin ang mga konseptong pangwika na
makapagpapalawig
ng
iyong
sensibilidad
sa
iyong
pambansang
pagkakakilanlan.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang
kasanayang:
1. Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
(F11PT-Ia-85)
Alam kong nais mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna
ang unang Gawain.
Paunang Pagsubok
Basahin/Kantahin ang tatlong liriko ng awiting “Puhon” ni TJ Monterde at
sagutin ang kasunod na mga tanong.
Dili pa panahon
Maghulat ko sa puhon
Kung kanus-a pwede na tang
duha.
Sa daplin magpahiyom:
Unsa ba'y imong gahom?
Nga sa mata nimo mawala
man ang tanang
Kasakit ko Inday.
Kana'y tinud-anay…
Hindi pa panahon
Kaya maghihintay ako
Kung kailan maaaring
maging tayo.
Ako’y napapangiti’t
nagtataka:
Ano bang meron sayo?
Sa tuwing pinagmamasdan
kita sa mata ay
Napapawi lahat ng pagod ko,
giliw.
‘Yan ang totoo…
I will wait until the the right
time comes when we can be
as one.
I am wondering what’s
special with you that leaves
me smiling?
A look into your eyes keeps
my day right, my dear.
This is the truth…
Modyul sa Senior High School - Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
2
____1. Ano ang tono ng awitin?
A. malungkot
B. maligaya
C. umaasa
D. umiibig
____2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI wikang ginamit sa tatlong bersyon ng
awitin?
A.Cebuano
B. Tagalog
C. Ingles
D. Ilokano
____3. Ano ang mahihinunhang kahulugan ng salitang puhon mula sa tatlong
magkakaibang bersyon ng awitin?
A. darating na panahon
C. susunod na pagkakataon
B. tamang panahon
D. parating na pagkakataon
____4. Sino ang boses sa likod ng awitin?
A. lalaking nililigawan
C. asawang babae
B. babaeng nililigawan
D. asawang lalaki
____5. Sino ang pinaglalaanan ng awitin?
A. lalaking nililigawan
C. asawang babae
B. babaeng nililigawan
D. asawang lalaki
____6. Paano ginamit ang wika sa liriko ng awitin?
A. interaskyunal
C. heuristiko
B. regulatori
D. imahinatibo
____7. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa liriko ng awitin?
A. pagliligawan
C. pagkamalikhain
B. pagmamalasakitan
D. pagiging magalang
____8. Anong salita ang may magkaparehong tumbas sa liriko ng awitin?
A. Inday
C. puhon
B. panahon
D. totoo
____9. Ano ang mensahe ng awitin?
A. umaawit ang taong umiibig
C. nakapag-aantay ang pag-ibig
B. matapat ang taong umiibig
D. malikhain ang taong may pag-ibig
____10. Mayroon bang naging pagbabago sa mensahe ng awitin dahil sa wikang
ginamit?
A. wala, napanatili ang mensahe
C. mayroon, nabago ang diwa ng awitin
B. walang kinalaman ang wika dito D. mayroon, nagulo ang tono ng awitin
Pagpapak il al a ng Ar ali n
Sa araling ito, malalaman mo ang tungkol sa kahulugan at kabuluhan ng wika at
mga konseptong pangwika.
Wika
Ang salitang wika ay nagmula sa wikang Malay na tumutukoy sa dila. Ang dila,
bilang aparato sa pagbuo ng makabuluhang tunog at salita, ang mekanismo ng tao sa
pakikipagtalastasan. Inilarawan ni Henry Gleason, isang lingguwista, ang wika bilang
sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura.
Isa-isahin natin ang ibinigay na depinisyon ni Gleason:
Sistematikong balangkas ang wika dahil dumaan ito sa proseso. Mayroon itong
sinusunod na sistema sa pagsulat (ortograpiya), pinag-aaralan ang mga makabuluhang
tunog at mga kombinasyon nito (ponolohiya), mayroon ding alituntunin sa pagbuo ng
Modyul sa Senior High School - Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
3
mga salita (morpolohiya) at pangungusap (siktaksis), at may paraaan ng pagbibigay
kahulugan sa mga pangungusap (semantiks).
Binibigkas na tunog sapagkat maging ang pinakamaliit na yunit ng tunog
(ponema) ay may kaakibat na kahulugan. Ang binibigkas na tunog na ito ay likas at
pikatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao na nabubuo sa pamamagitan ng labi,
dila, ngipin, galagid, at ngala-ngala ng tao.
Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo ang wika dahil sa halos natural at hindi
namamalayang proseso sa pagtatalaga ng mga alituntuning pangwika. Ito ay
napagkasunduan dala ng pang-araw-araw na pangangailangan ng tao sa isang
komunidad na magkaroon ng pagkakaunawaan at kontrol sa kahulugan ng isang salita
o simbolo.
Samakatuwid, ang wika ay ang pinakadetalyadong kakayahang pantao na
ginagamit upang maipahatid ang kaisipan, hangarin, at/o mithiiin ng tao. Ito ay buhay,
patuloy na umuunlad, at nagbabago upang makatugon sa pangangailangan ng tao at
ng kaniyang komunidad. Simbolo ito ng mayamang kultura ng isang lahi at susi sa
pagkakabuklod-buklod ng sambayanan.
Katangian ng Wikang Filipino
Ayon sa mga pag-aaral, ang wikang Filipino ay binubuo ng mahigit 5 000
banyagang salita mula sa Kastila, 3 200 galing sa Malay, 1 500 mula sa Tsino, 1 500
hiram na salita mula sa Ingles at ilang daan mula sa iba pang wika gaya ng Griyego,
Saksrit, Russian, atbp. Dala ng mga impluwensiyang ito, ang wikang Filipino ay
itinuring na (1) highly agglutinative o mayroong napakayamang panlapi, at mayroong
(2) verbalizing power, kung saan ang pangngalan ay nagiging pandiwa. Sa pamamagitan
ng mga katangiang ito, ang wikang Filipino ay buhay na buhay at nagagamit sa
talastasan ng sambayanan.
Alituntunin sa Pagtatagala ng Wikang Pambansa, Wikang Opsiyal, At Wikang
Panturo
Wikang Pambansa- isang wikang daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran
ng isang bansa. Ito ay dapat nasa estado ng pagiging lingua franca o malawakang
sinasalita at nauunawaan ng sambayanan sa isang dimensyong heograpiko. Ito ay
salalayan ng pambansang pagkakakilanlan at nararapat na bukas sa lahat ng
panghihiram, mula sa katutubo at banyagang wika, upang patuloy na umunlad at
maging ganap na wikang panlahat.
Wikang Opisyal-wikang naisabatas o itinadhana ng batas na maging opisyal na
wika ng komunikasyon, transaksiyon o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa
pamahalaan sa pasalita, lalo’t higit sa pasalitang paraan.
Wikang Panturo- nauukol sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral kaya
dito nakasalalay ang pagiging literado ng sambayanan.
1. Batas ng Biak na
Bato noong 1897
Ang Tagalog ang magiging opisyal na Wika ng
Pilipinas
2. Konstitusyon ng
1935, Artikulo XIV,
Sek. 3
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo
sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
Pambansa na batay sa mga umiiral na katutubong
wika. Hanggat’ hindi nagtatadhana ng iba ang batas,
ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga
Modyul sa Senior High School - Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
4
wikang opisyal.
3. Kautusang
Tagapagpaganap Blg.
134 noong 1937
Pinili at iprinoklama ni Pangulong Quezon ang
Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika
4. Taong 1940
Ipinag-utos
ang
pagtuturo
ng
Wikang
Pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong
paaralan sa buong bansa.
5. Batas Komonwelt
Blg. 570 noong 1946
Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating
Kalayaan, ang Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas.
Ipinapahayag din na ang wikang opisyal ng bansa ay
Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570
6. Kautusang
Pangkagawaran Blg.
7 noong 1959
Ibinaba ni
Kalihim Jose B. Romero ang
kautusan kung saan tatawagin ang Wikang Pambansa
na Pilipino upang higit na maging katanggap-tanggap
sa mga hindi Tagalog.
7. Saligang Batas 1973
Upang matuldukan ang hidwaang pangwika sa
pagitan mga Tagalog at di-Tagalog, ang mga
tagapagbalangkas ng Saligang-Batas ng 1972 ay
isinaalang-alang ang sosyo-politikal na konteksto sa
pagpasok ng probisyong pangwika na ito.
“Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa
ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
adapsyon ng panlahat na wikang pambansang
tatawaging Filipino.”
8. Saligang Batas 1987,
Artikulo XIV sek. 6-7
6- “ Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat
payabungin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at
iba pang mga wika.”
7-“ Ukol sa layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hanggat’ walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon at
magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.”
Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may
bahaging hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling
magtanong sa iyong guro. Maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa kasunod
na bahagi.
Mga Gawai n
Gawain 1.1 Pagsagot sa mga Tanong
Modyul sa Senior High School - Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
5
Basahin mabuti ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung anong
katangian ng wika ang inilalahad dito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.
a. Ang wika ay likas.
b. Ang wika ay tunog.
c. Ang wika ay arbitraryo.
d. Ang wika ay nagbabago.
e. Ang wika ay komunikasyon.
f. Ang wika ay nakabatay sa kultura.
g. Ang wika ay masistemang balangkas.
_______1. Salalayan ng malawak na karanasan ng isang bansa ang kaniyang wika.
_______2. Ang bawat titik sa alpabeto ay may kani-kaniyang kumakatawan na tunog.
_______3.Sinasabing ang wika ay may kadikit na identidad at kasaysayan ng isang
lipunan.
_______4.Maraming kakaibang terminong umuusbong ang ginagamit ng mga kabataan
sa kasalukuyan.
_______5. Ang salitang lagay ay maaaring tumukoy sa kondisyon ng isang tao o kaya ay
suhol sa isang tiyak na gawain.
_______6. Ang Filipino ay patuloy na dumaraan sa proseso ng panghihiram sa mga
katutubo at banyagang wika upang patuloy itong malinang.
_______7. May ilang terminong Hapon, Intsik, at Koreano ang magkatulad ang
karakter/baybay ngunit may malaking pagkakaiba sa kahulugan.
_______8. Lahat ng wika ay may alituntunin at estrukuturang sinusunod at ito ang
batayan upang makapaghatid ng makahulugang mensahe sa ibang tao.
_______9. Bagaman maraming hayop ang nakauusal din ng tunog, hindi ito maituturing
na wika dahil sa kanilang kakulangan sa aparato na kailangan upang
makapagsalita.
_______10. Bago matutong bumasa ang isang bata, kailangan muna nitong kumilala ng
tunog. Susundan ito ng pagsasama-sama ng makabuluhang tunog upang
makabuo ng salita, hanggang makagawa ng payak na parirala at pangungusap.
Gawain 1.2 Pagsulat
Ipaliwanag gamit ang mga konseptong pangwikang natalakay ang mga
sitwasyon/katanungang mababasa sa bawat bilang. Sikaping maging tiyak at
malinaw sa pagpapaliwanag na binubuo ng 3-5 pangungusap.
1.Paano nagiging daan sa pagkakaisa at pag-unlad ang wikang Filipino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2.Paano nakatutulong ang paggamit ng Wikang Filipino upang malinang ang ugnayan
ng ating pamahalaan at ng mamamayang Pilipino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Modyul sa Senior High School - Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
6
______________________________________________________________________________
3.Paano nakatutulong ang paggamit ng Wikang Filipino upang malinang ang
kasanayang literado ng sambayanan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.
Rubriks sa Pagwawasto:
Mga katangian ng sagot :
ü Kumpleto ang ideya ng sagot.
ü Malinaw ang pagpapaliwanag.
ü Maayos at may tamang bantas ang
pangungusap.
Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
5 – taglay ang 3 pamantayan
3 – dalawang pamantayan lamang
1 – isang pamantayan lamang
Mahusay! Natapos mo ang mga gawain ibinigay. Patuloy mo pang
palawakin ang iyong kaalaman.
T andaan
Matapos mong pag-aralan ang kahulugan at kabuluhan ng wika at mga
konseptong pangwika, narito ang mga dapat mong tandaan.
1. Ang wika ay sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabahagi at
kasama sa isang kultura.
2. Ang wikang Filipino ay highly aggutinative at may verbalizing power. Ang wikang
Pambansa ay isang wikang daan ng pagkakaisa at simbolo ng kaunlaran ng isang
bansa.
3. Ang opisyal na wika ay ang itinadhana ng batas na maging wika ng
komunikasyon, transaksiyon o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa
pamahalaan.
4. Ang wikang panturo ay nauukol sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng magaaral.
Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.
Modyul sa Senior High School - Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
7
Pag-al am sa mga Natut uhan
Maraming ka bang natutuhan tungkol sa wika at mga konseptong pangwika? Kung
susulat ka ng isang likhang-batas kung paano mo mapangangalagaan ang Wikang
Filipino sa gitna ng globalisasyon, ay ano ang isusulat mo? Sundin ang mekaniks
sa ibaba.
1. Ang paglalahad na gagawin ay binubuo ng isang talata lamang na may 5-8
pangungusap.
2. Isaalang-alang ang konseptong pangwikang natalakay sa pagbuo ng sariling
likhang-batas.
3. Sundin ang pamantayan sa pagsulat.
Nilalaman ____/5
Gramatika____/3
Kaisahan ng ideya____/2
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Pangwakas na Pagsusulit
Basahin at unawain ang bawat bilang at piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
_____1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI isang katangian ng wika?
A. Ito ay arbitraryo
C. May superyor na wika
B. Ito ay masistemang balangkas D. May pulitika ang wika
_____2. Anong konseptong pangwika ang tinuturing na daan ng pagkakaisa at
simbolo ng kaunlaran ng isang bansa?
A. Wikang katutubo
C. Wikang Opisyal
B. Wikang Panturo
D. Wikang Pambansa
_____3. Anong artikulo ng ating Saligang Batas (SB) ang nagpatibay sa
pangangalaga sa Wikang Pambansa ng Pilipinas
A. Artikulo VI sekyon 14 ng SB 1987
B. Artikulo VII sekyon 14 ng SB 1986
C. Artikulo XIV seksyon 16 ng SB 1987
D. Artikulo XIV seksyon 6 ng SB 1987
_____4. Ano ang itinakda ng kasalukuyang konstitusyon bilang wikang opisyal ng
Pilipinas?
A. Filipino at Ingles
C. Filipino at Kastila
B. Filipino, Ingles at Kastila
D. Ingles
_____5. Sino ang nagbaba ng kautusan na tawaging Pilipino ang Pambansang
Wika?
A. Kalihim Jose Romero
C. Pang. Manuel Quezon
Modyul sa Senior High School - Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
8
B. Kalihim Manuel Robredo
D. Pang. Diosdado Macapagal
_____6. Kailan pormal na itinuro sa mga paaralan sa buong bansa ang Tagalog?
A. 1897
B. 1940
C. 1987
D. 2000
_____7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Wikang Filipino
A. Lingua franca
C. May verbalizing power
B. Highly agglutinative
D. Ekslusibong wika ng Maynila
_____8. Alin sa mga sumusunod ang magsisilbing pantulong na wika sa pagtuturo
maliban sa mga wikang opisyal?
A. Wikang Panrehiyon
C. Wikang Pormal
B. Wikang Pambansa
D. Wikang Pampanitikan
_____9. Bakit pinili ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa?
I. Ang Tagalog ay superyor na wikang gamitin sa mga pag-uusap ng mga
Pilipino at marami ang nakauunawa rito.
II. Ang Tagalog ay hindi nahahati sa mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika,
hindi tulad ng Bisaya.
III. Higit na mas maraming aklat at panitikang nasusulat sa Tagalog kaysa
sa iba pang katutubong wikang Awstronesyo.
IV. Ang Tagalog ang wika ng Maynila – ang kabiserang pampolitika at pangekonomiya sa buong bansa.
V. Ang Tagalog ang wikang ginamit ng rebulosyon at mahalagang salik ng
kasaysayan.
A. I, II, III, IV, V
C. II, III at V
B. II, III, IV at V
D. II, IV at V
_____10. Anong wika ang kadalasang ginagamit sa lehislatibong sangay ng
bansa?
A. Wikang Pambansa
C. Wikang Pormal
B. Wikang Panturo
D. Wikang Opisyal
Pagni ni l ay
Ikaw ngayon ay nasa huling bahagi na ng iyong gawain. Bilang mag-aaral na
Pilipino, bumuo ka ng isang Pangakong Testamento kung paano mo lilinangin ang
Wika ng ating bansa. Magtala ng 5 paraan sa iyong paliwanag.
Ang paglinang sa Wikang Pambansa ay____________________________. Bilang
isang mag-aaral na Pilipinong may pagmamahal sa aking wika, aking ipinapangako sa
testamentong ito na aalagaan ko ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________.
Rubriks sa Pagwawasto:
Mga katangian ng sagot :
ü Nakabuo nang maayos na testamento.
ü Kumpleto ang diwa ng awtput.
ü Malinaw ang pagpapaliwanag.
Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
5 – taglay ang 3 pamantayan
3 – dalawang pamantayan lamang
1 – isang pamantayan lamang
Modyul sa Senior High School - Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
9
Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong
bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan
ka sa iyong guro.
Modyul sa Senior High School - Filipino
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Unang Markahan: Unang Linggo
Download