Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region Division of City Schools-Valenzuela Paaralan: Guro: Petsa at Oras: General Tiburcio De Leon National High School MARITES T. PRADO NOBYEMBRE 17,2022 1:00-2:00 Asignatur a: Baitang at Seksyon: 9-ST. PETER Markahan: Linggo: IKALAWA IKATLO Araw: BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 I.LAYUNIN A.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya B.PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano C.MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO Nabibigyang-puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos F9PB-IIc-46 Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan F9PN-IIc-46 Ikalawang Markahan: Unang Linggo Paksa: Pabula ng Korea Ang Hatol ng Kuneho Salin ni: Vilma C. Ambat II.NILALAMAN III.KAGAMITANG PANTURO A.SANGGUNIAN 1.Mga Pahina sa Self Learning Module Gabay ng guro 2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral 3.Mga Pahina sa Teksbuk 4.Karagdagang Kagamitan B.Iba pang Kagamitang Panturo IV.PAMAMARAAN Pahina 8-10 Pahina 8-10 Videoclip ng Hatol ng Kuneho TV, Powerpoint Presentation, e-games word wall https://wordwall.net/resource/32552784 A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin Bago simulan ang talakayan ay magkakaroon muna ng balik-aral sa nakaraang aralin gamit ang laro sa word wall(https://wordwall.net/resource/32552784) Obj.9: Sa tulong Ng ICT gamit ang Game base na wordwall ay nakapagbalikaral sa nakaraang aralin. Obj:10: Gamit ang pagbabalikaral na gawain, ay nakapagsagawa n formative Assessment ang guro mula sa pagsagot ng gagawin ng mga mag-aaral. Upang matukoy ng bata kung anong akdang pampanitikan ang tatalakayin, isasagawa ang gawaing “MATHUMBASAN” B. Paghahabi ng layunin ng aralin Obj. 2: Mula sa gawaing Mathumbasan ay nagamit ng guro ang aralin sa Math. Pagsasama-samahin ng mga mag-aaral ang numerong may katumbas na letra upang makabuo ng salita na na naging pangganyak ng guro sa pagtukoy ng mag-aaral ng akdang pampantikan na kanilang tatalakayin. C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad nng bagong kasanayan #1 E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Pagbibigay ng input ng guro sa ng mga katangian ng pabula at sa bansang pinanggalingan ng akda. Panonood ng videoclip ng pabulang Ang Hatol ng Kuneho A. Pagpapasagot ng talasalitaan : Gawain:HANAPIN NATIN! Panuto: Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit: 1.Lumupasay ang tigre dahil sa sobrang gutom at hapong-hapo ang katawan habang nakahiga sa lupa. 2. Inaararo ng mga baka ang bukid upang may mapagtaniman sila sa kanilang lupang sinasaka. 3. Malumanay at walang ligoy na nagsasalita ang kuneho na tila dahan-dahan itong naiintindihan ng tigre. 4. Humingi ng tulong ang tigre sa taong nakadungaw sa kanya na agad naman itong nakaramdam ng pangamba habang nakatingin sa hukay na kinalalagyan nito. 5. Labis ang pagsusumamo ng lalaki upang hindi kainin ng tigre ngunit kahit anong pagmamakaawa ay gusto pa rin siyang kainin nito. B. Pagpapasagot sa gabay na tanong C. Pagsagot sa gawaing: Hulaan mo,Damdamin ko! Obj.1: Mula sa Input ng guro na may kaugnayan sa uri ng akdang tatalakayin pati na rin sa Kaligirang Pangkasaysayan ng akda ay nabigyan ng Impormasyon ang mag-aaral sa aralin ng Filipino 9. Gayundin sa input na ibinigay ng guro sa bansang pinagmulan ng akda pati na rin ang halaga ng akda sa bansang pinanggalingan nito ay nabigyang pansin ang asignaturang AralingPanlipunan. Obj. 9: Mula Sa kinuhang Video sa Youtube ay mas naintindihan ng mga mag-aaral ang aralin. Obj.3: Sa Gawain A, ginamit ng guro ang contekstual clues sa pagtakay ng talasalitaan. Sa Gawain B atC sa pagsagot Sa mga katanuNgan ng guro sa akdang Pinanood, ay nagamit nila ang kanilang Critical thinking pati na rin sa pagsusuri ng damdaming nangibabaw sa mga tauhan sa akda. F.Paglinang sa Kabihasaan Pangkatang Gawain: Pamantayan sa Pagmamarka: Obj.4: Sa pagbibigay ng panuto ng guro sa pangkatang gawain ay nagkaroon nang maayos na set-up sa loob ng silid-aralan. Obj.6: Nagbigay Ang guro ng iba’t ibang pangkatang gawain na may iba’t ibang pamamaraan upang makita ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbuo tula, pag-awit at pag-arte. Obj. 5: Nagbigay ang guro Ng dagdag na marka Sa mga nakilahok Sa talakayan. G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay Obj.1:Sa tulong ng mga katanungang ito, ay makikita sa mag-aaral ang pagpapahalag sa hayop at kalikasan mula sa kanilang inihaing mungkahi. Obj. 2:Dahil sa kanilang inihaing mungkahi at solusyon ay naisabuhay ng magaaral ang ang araling tinalakay. H.Paglalahat ng aralin Obj.1: Sa magiging kasagutan ng mag-aaral ay naibigay nila ang pagpapahakaga sa panitikang pabula sa asignaturang Filipino I.Pagtataya ng aralin Obj. 10: Sa pagbibigay ng maikling pagsusulit ng guro, ay masusukat ang kanilang pag-unawa sa araling tinalakay. Ang pagtataya ay nakaangkla sa isa sa mga layunin ng aralin. J.Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation Obj.7: Mula sa karagdagang gawain na ibinigay ng guro s Kasa kasunduan ay may pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Aaalin. V.MGA TALA VI. Pagninilay A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya B.Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C.Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa aralin D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation E.Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong? F.Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punongguro at superbisor? Inaasahan na 80% o higit pa ang makakukuha ng mataas na marka Ang paggamit ng iba’t ibang paraan ng pagtalakay ay naktulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral.