Uploaded by Sheryl Gonzales

DIAGNOSTIC TEST

advertisement
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF DANAO CITY
GUINACOT INTEGRATED SCHOOL
Guinacot, Danao City
____________________________________________________________________
FIRST QUARTER DIAGNOSTIC TEST in
ARALING PANLIPUNAN 9
S.Y. 2022-2023
1. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na
kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang
pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
2. Bakit may nagaganap na trade –off at opportunity cost?
A. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
B. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
C. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
D. upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan
3. Papaano mo ipaliliwanag ang kasabihang “There isn’t enough to go around” na nagmula kay John
Watson Howe?
A. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan
ng tao.
B. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunangyaman.
C. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa
kakapusan.
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunangyaman tulad ng yamang likas,
yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
A. dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
B. dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
C. dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa
pamilihan
D. dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang
5. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa sumusunod ang
HINDI nagpapakita ng suliraning ito?
A. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
B. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahan ng mga mamimili
na bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
C. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang panahon ng El Niño
at La Niña.
D. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.
6. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala ng suliraning
ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing katanungan pang-ekonomiko.
Ang “tradisyunal na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pangekonomiko?
A. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
B. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
C. Anu-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
D. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
7. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?
A. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
B. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pagiimpok.
C.Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.
D. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping
pangekonomiya.
8. Isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy.
A. Tradisyunal na ekonomiya
C. Mixed Economy
B. Command Economy
D. Kapitalismo
9. Sa command economy, ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado.
Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan lamang.
B. May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastraktura, at
mga organisasyon.
C. Ang pangunahing katanungang-pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon,
kultura, at paniniwala.
D. Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng pwersa ng
pamilihan.
10. Piliin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
A. Ito’y alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
B. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang
mga layuning pang-ekonomiya.
C.Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
D. Ito’y nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
11. Ito ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng
produksiyon.
A. Sistemang Pang-ekonomiya
C. Market Economy
B. Command Economy
D. Traditional Economy
12. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:
A. Pamahalaan
C. Prodyuser
B. Konsyumer
D. Pamilihan
13. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng
produksyon?
A. tinataniman ng mga magsasaka
B. patayuan ng mga imprastraktura
C. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
D. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyon
14. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:
A. paggamit ng mga hilaw na sangkap
B. pagtayo ng mga pabrika
C. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
D. pagkamalikhain ng mga manggagawa
15. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng capital sa proseso ng
produksyon?
A. interes
C. pera
B. kita
D. regalo
16. Anong salik ng produksyiyon ang nagtataglay ng lakas at talino kaya natutugunan ang
pangangailangan ng tao?
A. Entrepreneur
C. Paggawa
B. Lupa
D. Puhunan
17. Ang pagkonsumo ay may iba’t ibang uri. Anong uri ang nakapagdudulot ng agarang kasiyahan sa
mamimili?
A. Direkta
C. Mapanganib
B. Maaksaya
D. Produktibo
18. Anong uri ng pagkonsumo ang tinutukoy kung agarang natatamo ang kasiyahan at kapakinabangan
sa paggamit ng produkto o serbisyo?
A. Direkta
C. Mapanganib
B. Maaksaya
D. Produktibo
19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng produktibong pagkonsumo?
A. Pagkalulong sa masamang druga
B. Paggawa ng basket mula sa abaka
C. Pag-inom ng tubig upang mapawi ang pagkauhaw
D. Pagpapaandar ng electric fan kahit walang gumagamit
20. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
A. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
B. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
C. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
D. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan
21. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng
demonstration effect?
A. Hindi sumusunod sa uso
B. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
C. Binibili ang mga napapanahong gamit
D. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista
22. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?
A. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
B. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
C. Nagsasara ang mga malalaking tindahan
D. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan
23. Sa apat na salik ng produksyon, ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto.
A. enterprise
C. lupa
B. kapital
D. paggawa
24. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng produkto o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
A. Pagkonsumo
C. Pang-ekonomiya
B. Pangangailangan
D. Produksiyon
25. Ang lahat ng tao ay mamimili. Paano mo malalaman kung may nakukuhang kasiyahan ang
mamimili sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo?
A. Kung naiingganyo siyang bumili ng nasabing produkto kahit walang budget
B. Kung bumili siya ng produktong kahalili nito na nasa mababang halaga
C. Kung patuloy na tumaas ang presyo ng mga produkto sa pamilihan
D. Kung patuloy pa rin siya sa paggamit ng nasabing produkto
26. Ang kita ay isa sa mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo. Ano ang kaugnayan ng kita ng tao sa
kanyang pagkonsumo?
A. Kung mababa ang kita ng isang tao, mas mababa ang kanyang pagkonsumo sa kanyang mga
pangangailangan at kagustuhan.
B. Higit na mahalaga sa isang tao ang kanyang pangangailangan kaysa sa kagustuhan kaya nais
niyang kumita.
C. Nagsusumikap ang tao na matutugunan ang lahat ng kanyang mga pangangailangan.
D. Ang kita ng tao ay walang kaugnayan sa kanyang pagkonsumo.
27. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
A. Nahuhumaling sa suot ng mga napapanood sa telebisyon.
B. Gumagamit ng shampoo na iniindorso ng sikat na artista.
C. Bumibili ng mga gamit na patok o napapanahon.
D. Hindi sumusunod sa uso.
28. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na wala o kaunti ang utang?
A. Malaki ang maaaring maipon sa bangko
B. Tumataas ang kakayahang kumonsumo
C. Walang maniningil tuwing may sahod
D. Walang iisiping babayaran
29. Alin sa sumusunod na mga ahensiya ang tumutulong sa pagsugpo ng mga maling etiketa ng
gamot, pagkain, pabango at make-up?
A. Bureau of Food and Drugs
B. City / Provincial / Municipal Treasurer
C. Energy Regulatory Commission
D. Department of Trade and Industry
30. Ito ay tumutugon sa reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan
at mga mangangalakal ng Liquified Petroleum Gas.
A. Energy Regulatory Commission
B. Fertilizer and Pesticide Authority
C. Securities and Exchange Commission
D. Department of Environment and Natural Resources
31. Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang
transaksiyon sa pamilihan?
A. Energy Regulatory Commission
B. Department of Trade and Industry
C. Securities and Exchange Commission
D. Department of Labor and Employment
32. Ito ay may tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang
maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
A. Kamalayang Kapaligiran
C. Pagkakaisa
B. Mapanuring Kamalayan
D. Pagkilos
Prepared by:
Sheryl M. Gonzales
AP Teacher
Download