Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan Ang wika ng kapayapaan ay naglalarawan ng malalim na ugnayan ng mga tao sa lipunan, kung saan ang bawat indibidwal ay may kakayahan na maipahayag ang kanilang mga damdamin at opinyon sa isang payak at maayos na paraan. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon tayo ng pagkakaroon ng pag-unawaan at respeto sa isa't isa, na siyang pundasyon ng kapayapaan sa ating bansa. Wika ng Seguridad sapagka't ito ay nasa wastong pangangalaga mula sa ating mga ninuno na nagbibigay pagkakakilanlan at pagkakaisa natin na humuhubog at nagpapalakas ng ugnayan bilang isang komunidad at bansa na siyang nagpapailalim ng ating pag unlad at seguridad laban sa mga banta. Mahalaga din ang papel ng katutubong wika sa pagsusulong ng ingklusibong pagpapatupad ng katarungang panlipunan sa pamamagitan ng pagbibigay halaga at pagkakataon sa kanilang mga boses na isatinig ang katarungan na nagbibigay-daan para sa maayos na proseso para sa lahat. Ang mga katutubong wika ay hindi lang isang simpleng salita, kundi ito ay isang sandata sa pagtaguyod ng kapayapaan, seguridad, at ingklusibong pagpapatupad ng katarungang panlipunan. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa ating mga wika, maipapahayag natin ang ating mga adhikain at makakamtan ang tunay na kaunlaran para sa lahat.