Republic of the Philippines Department of Education Region XII DIVISION OF KIDAPAWAN CITY NORTHWEST HILL SIDE SCHOOL, INC. LESSON PLAN SY: 2023-2024 Class Grade 10 Day/Time August 15, 2023 (Tuesday, 7:40-8:40) Teacher Gloraine Jay A. Hordista Topic Ako ay Biyaya Bilang Liwanag at Kalakasan Grading Period First Week One Subject ESP Textbook Edukasyon sa Pagpapakatao Main Lesson and Objective Resources Objective/s: Pagkatapos ng aralin, inaasahang malinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan: a. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. b. Naitatala ang mga mabubuting kilos at gawi na madalas ginagawa ng tao. c. Napapahalagan ang paggamit ng isip at kilos-loob sa paghahanap ng katotohanan, paglilingkod at pagmamahal. Procedure: A. Pagganyak (Pagbasa ng salaysay) (pahina 4-5) Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa binasang salaysay. 1. Anong masamang pangyayari ang dumating sa bahay ni Nella? 2. Sino ang tumulong sa kanila upang makaligtas sa trahedya? 3. Ano ang iyong nagging damdamin pagkatapos basahin ang salaysay? 4. Paano ginamit ng lalaki ang kanyang isip at kilos-loob sa paggawa ng kabutihan? 5. Handa mo bang isakripisyo ang iyong buhay para sa iba? Bakit? B. Gawain Itala mo sa tsart na ito ang natatandaan mong mabubuting kilos at gawi na madalas mong ginagawa noong ikaw ay bata pa. Sabihin mo kung kanino mo ito ginagawa. Ano ang dahilan mo sa pagsasagawa nito? Mga Mabuting kilos/gawi Hal. Pagbibigay ng kalahati ng baon 1. 2. 3. 4. 5. Madalas na ginagawang kabutihan Kamag-aral Dahilan kung bakit ito ginagawa Nararamdaman ang pangangailangan niya ng pagkain dahil wala siyang perang pambili. Aklat sa ESP 10 Republic of the Philippines Department of Education Region XII DIVISION OF KIDAPAWAN CITY NORTHWEST HILL SIDE SCHOOL, INC. C. Pag-aanalisa 1. Ano ang nagtulak sa iyo na isagawa ang mabuting gawain? 2. Sa kasalukuyan, nagagawa mo pa ang dati mong ginagawa? Ipaliwanag? D. Abstraksyon Panuto: Basahin ang ikalawang salaysay (pahina 7-8) Sagutin ayon sa binasa ( pahina 8) E. Paglalapat Ano-ano ang mga kabutihang kilos ang nagawa mo sa iiyong kapwa tao? Assessment: Agreement: August 17, 2023 (Thursday, 7:40-8:40) Ang Mataas Na Gamit At Tunguhin Ng Isip At Kilos-Loob Panuto: Suriin ang sarili, sikaping maging tapat sa pagsagot upang maunawaan kung nananatiling Dalisay ang kalooban mo bilang tao. (Sanggunian: Aklat sa ESP pahina 10-11) Pag-aralan ang paksang tinalakay. Objective/s: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapapasiya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito. b. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang paipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. Procedure: A. Pagganyak Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o MALI. (Makinig sa paalala ng guro ukol sa pagsagot sa bahaging ito.) 1. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. 2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba sapagkat parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos. 3. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama. 4. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa. 5. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa. Aklat sa ESP 10, DepEd SLM Republic of the Philippines Department of Education Region XII DIVISION OF KIDAPAWAN CITY NORTHWEST HILL SIDE SCHOOL, INC. B. Pagtalakay Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip (Intellect) at Kilos-Loob (Will)! C. Gawain Pagsusuri sa larawan Panuto: Tunghayan at suriin ang larawan. Unawain at sagutin ang mga katanungan tungkol sa larawan. (Pakinggan ang guro sa karagdagang panuto ukol sa pagsagot sa bahaging ito.) Republic of the Philippines Department of Education Region XII DIVISION OF KIDAPAWAN CITY NORTHWEST HILL SIDE SCHOOL, INC. D. Pag-aanalisa Mula sa iyong kasagutan sa itaas, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tao at hayop? 2. Paano kumilos ang hayop? Ang tao? Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at aso? E. Paglalapat Pagsasabuhay! Hindi sapat na nabubuhay tayo sa araw-araw at nagagawa natin ang ating nais. *Ang mahalagang tanong na kailangan nating sagutin sa ating sarili ay: nabubuhay ba ako nang may layunin at makabuluhan?* Panuto: Gawin mong makabuluhan ang iyong buhay sa pamamagitan ng paggawa nito. 1. Nasaan ka mang lugar araw-araw (sa bahay, sa paaralan, sa bus, o iba pa),mahalagang maging mapagmasid at maging sensitibo ka sa kapuwa at sa iyong paligid. 2. Maghanap ka ng pagkakataong makatulong gaano man ito kasimple. Ituon mo ang iyong pansin at isip sa mga tao na sa tingin mo ay nangangailangan ng tulong, kilala mo man sila o hindi. O kaya naman maging mapagmasid sa mga sitwasyon na kailangan mong tumugon sa hinihingi ng pagkakataon. 3. Gumawa ng paraan upang makatulong o tumugon sa hinihingi ng sitwasyon sa abot ng iyong makakaya. Assessment: PANUTO: Pag-aralan ang mga sitwasyon. Magbigay ng kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga kahinaan.Ipagpalagay mo na ikaw ay isa sa tauhan sa sitwasyon at sagutin ang katanungang: Ano ang gagawin mo sa pangyayari? (Pakinggan ang guro sa karagdagang panuto ukol sa pagsagot sa bahaging ito.) Republic of the Philippines Department of Education Region XII DIVISION OF KIDAPAWAN CITY NORTHWEST HILL SIDE SCHOOL, INC. Sitwasyon 1 *Inanyayahan ka ng iyong kaklase sa kaarawan ng kaniyang pinsan. Sumama ka at nakipagkwentuhan sa iba pang bisita. Sa kalagitnaan ng kwentuhan naglabas sila ng alak at pinipilit ka ng iyong kaklase na tikman ito. * Sitwasyon 2 *Hindi nagawa ng matalik mong kaibigan na si Peter ang inyong takdang aralin sa Math. Nais niyang kopyahin ang iyong gawain at inalok ka niya na ililibre ka niya ngpagkain kapag pinakopya mo siya. Homework: Panuto: Gumawa ng Kalendaryo ng Kabutihan na gagwin sa sarili, kapwa, at pamayanan sa loob ng isang buwan. Gamitin ang rubric sa pagtataya sa ginawa Karayterya (Sanggunian: Aklat sa ESP 10, Pahina 14-15) Submitted by: GLORAINE JAY A. HORDISTA Teacher Checked by: CHRISTINE MAE M. PAGA Grade Level Coordinator Noted by: ARNIE ROSE M. EMBRADO School Manager