10 Redeveloped Division Initiated Self-Learning Module Filipino – Ikasampung Baitang Kagawaran ng Edukasyon– Sangay na Palawan i Redeveloped Division Initiated - Self-Learning Module Unang Markahan – Modyul 8: Pagbibigay Katangian ng Isang Tauhan, Pagsusuri ng BinasangKabanata ng Nobela, Pagkilala sa Magkakaugnay na Salita Ayon sa Antas o Tindi ng Kahulugan (Clining), at Paglalarawan ng Kultura ng mga Tauhang Masasalamin sa Akda Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan: Roger F. Capa, CESO VI Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan: Rufino B. Foz Arnaldo G. Ventura Bumuo sa Muling Pagsulat ng Modyul Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Ariel A. Toledo, Bob G. Decena, Cheryl N. Lagan, Arleen S. Gabasan, Melenie P. Padilla Editor: Iryn M. Ilagan Tagaguhit: Tagalapat: Nora A. Nangit Tagasuri: Nora A. Nangit Tagapamahala: Aurelia B. Marquez Rosalyn C. Gadiano Rodgie S. Demalinao Nora A. Nangit Manunulat: Irene D. Gillesania Editor: Iryn M. Ilagan Tagaguhit: Tagalapat: Nora A. Nangit Tagasuri: Iryn M. Ilagan Tagapamahala: Aurelia B. Marquez Rosalyn C. Gadino Rodgie S. Demalinao Nora A. Nangit Department of Education: MIMAROPA- Sangay ng Palawan Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City Telephone Number: (048) 433-6392 Email Address: palawan@deped.gov.ph Website: www.depedpalawan.co ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga magaaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. iii Filipino 10 Unang Markahan Ikapitong Linggo MELC Pagbibigay Katangian ng Isang Tauhan, Pagsusuri ng BinasangKabanata ng Nobela, Pagkilala sa Magkakaugnay na Salita Ayon sa Antas o Tindi ng Kahulugan (Clining), at Paglalarawan ng Kultura ng mga Tauhang Masasalamin sa Akda Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggan/nabasang diyalogo (F10PN-Ig-h-67) Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw (F10PB-Ig-h-68) Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag nito (clining) (F10PT-Ig-h-67) Nailalarawan ang kultura ng mga tauhang masasalamin sa kabanata (F10PS-Ig-h-69) Layunin 1. Nakapagbibigay ng katangian ng isang tauhan batay sa napakinggan/nabasang diyalogo sa nobela; 2. Nakapagsusuri ng binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw humanismo, realismo, eksistensyalismo; at 3. Nakakikilala ng pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag nito (clining); at 4. Nakapaglalarawan ng kultura ng mga tauhang masasalamin sa kabanata ng nobela. 1 Subukin Natin Panimulang Pagtataya Panuto: (Para sa mga bilang 1-3) Ibigay ng katangian ng isang tauhan batay sa napakinggan/nabasang diyalogo sa nobela sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng wastong sagot. 1. “Walang ibang babae akong minahal.” Anong katangian ang nangibabaw sa pahayag na ito? A. maalalahanin C. mapanuri B. malambing D. matapat 2. “Labis na nasaktan si Quasimodo sa pagkawala ni La Esmeralda”. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag? A. pagkalungkot C. pagkasuklam B. pagkamuhi D. panghihinayang 3. “Ikaw ang dahilan nang pagkawala ng aking iniibig kaya kailangan mong mamatay!” Anong damdamin ang masasalamin sa tauhan? A. mapagbintang D. mapanuri B. mapanisi C. mapanghusga Panuto: (Para sa mga bilang 4-6) Suriin ang mga piling bahagi sa binasang kabanata ng nobelang Ang Kuba ng Notre Dame bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw humanismo, realismo, at eksistensyalismo. 4. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Sagot: _________________________ 5. Si Frollo ay nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng matinding panibugho sa nasasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon at pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Sagot: ________________________ 6. Dinalaw siya ni Frollo sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang parin na mahalin din siya at magpakita man lang kahit kaunting awa ang dalaga. Sagot: _________________________ 2 Panuto: (Para sa mga bilang 7-10) Kilalanin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag nito sa pamamagitan ng pagkiklino (clining). kagunggungan kahangalan Kabaliwan kalokohan 10.____________________ 9.___________________________ 8._________________________________ 7._______________________________________ Panuto: (Para sa mga bilang 11-15) Ilarawan ang kultura ng tauhang masasalamin sa piling bahagi ng kabanata ng nobela na nasa kahon. Pagbatayan ang rubrik sa pagsagot. Rubrik sa Paglalarawan Puntos 5 4 3 Pamantayan Napakahusay na nailarawan ang kulturang masasalamin sa piling bahagi ng kabanata ng nobela na nasa kahon. Mahusay na nailarawan ang kulturang masasalamin sa piling bahagi ng kabanata ng nobela na nasa kahon. Hindi gaanong nailarawan ang kulturang masasalamin sa piling bahagi ng kabanata ng nobela na nasa kahon. Natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang katotohanan-nakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga. Mula sa “Ang Kuba ng Notre Dame __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ ________________ 3 Ating Alamin at Tuklasin Ang Modyul 8 ay naglalaman ng pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang mula sa France “Ang Kuba ng Notre Dame ni Victor Hugo na isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo. Sa modyul na ito ay bibigyang tuon ang pag-aaral tungkol sa pagbibigay katangian ng isang tauhan, pagsusuri ng binasang kabanata ng nobela, pagkilala sa magkakaugnay na salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan (Clining), at paglalarawan ng kultura ng mga tauhang masasalamin sa akda. Sa pagtatapos ng modyul ay inaasahang masagot ang mahalang tanong na: Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa pagkilala ng kultura at kaugaliaan ng isang bansa? Alam mo ba na… ang nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos pang-aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pmamagitan ng mga tauhan at diyalogo? Ito’y naglalahad ng isang kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas. Sa pagsusuri ng nobela, marapat na isaalang-alang ang pagsusuri sa katangian ng isang tauhan batay sa napakinggan/nabasang diyalogo nito dahil sa pamamagitan din nito nasusuri kung anong akdang pampanitikan ang nakapaloob dito, maaring ito’y nakabatay sa pananaw humanismo, realismo, at eksistensyalismo, at iba pa. Humanismo ito kung binibigyang diin ang tungkol sa pagiging marangal ng tao. Realismo kung ang katotohanan o realidad ang ipinakikita ng mga pangyayari. Eksistensyalismo kung ipinakita at mas lumutang na ang naganap sa buhay ng tauhan, mga pangyayari ay bunga ng kaniyang sariling pagpili dahil naniniwala siya na ang dahilan ng existence ng tao sa mundo at hubugin ang kanyang sariling kapalaran. Sa pamamagitan din ng pagkiklino (clining) nakikilala ang pagkakaugnayugnay ng mga salita sa nobela. Kapag sinabing pagkiklino ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa tindi o antas ng kahulugan na nais nitong ipahiwatig. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng simpleng salita patungo sa pinasidhing kahulugan ng salita. Sa nobelang babasahin at susuriin, mapatutunayan na minsan mapanakit ang mundo lalo na sa mga taong may kapansanan. Mga taong tila baga kaanyuang pisikal na lamang ang basehan ng kagandahan sa halip na ang nilalaman ng loob o pagkatao. Sa kabila ng sakit na kanilang nararamdaman ay patuloy pa rin silang lumalaban at ipinakikita sa mundong hindi hadlang ang kapansanan upang ipadama ang tunay at wagas na pagmamahal. 4 Ang nobelang ito ay magbibigay sa inyo ng aral at bagong pananaw sa buhay na makikita natin sa pangunahing tauhan na minsan pang pinatunayan ang kanyang kadakilaan sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan. Ang Kuba ng Notre Dame Ni Victor Hugo Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang magsaya para sa "Pagdiriwang ng Kahangalan" na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo-ang kuba ng Notre Dame bilang "Papa ng Kahangalan" dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya Ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang nagtangkang manood ang kaniyang inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya. Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan ni La Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang sundan ang dalaga sa Kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La Esmeraldaang daan, laking gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang lalaki – sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kaya't nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sa kamatayan. Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo- na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. 5 Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniyang mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya – na ang tanging gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Samantala, sa di kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag siya ng babaeng "hamak na mananayaw" at "anak ng magnanakaw." Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinaniniwalaan na dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae, labinlimang taon na ang nakalilipas. Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at magnanakaw – sila ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda. Naroon sila upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan ang parliyamentaryo na paaalisin si La Esmeralda sa katedral. Samantala, inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo, sinamantala ni Frollona makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Labis ang pagkamang ha ng dalawa nang mabatid nila na sila ay mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na ang lahat. Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton niya ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan, napansin niya ang anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida at wala ng buhay. Naantig siya sa kaniyang nasaksihan. Labis na galit ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niya na may matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumupkop sa kaniya. Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal – si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, "walang ibang babae akong minahal." Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo. Matapos ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La Esmeralda, nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang katotohanannakayakap ang kalansay ng kuba sa katawan ng dalaga. Maari rin itong panoorin sa link na https://www.youtube.com/watch ?v=vgiXLIHQ5iM 6 Tayo’y Magsanay Gawain 1: Bigay-Katangian Panuto: Ibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggan /nabasang diyalogo sa nobela. 1. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag ako’y nawala.” Mula sa “Nang Minsang Naligaw si Adrian”, LM Grade 9, p. 15. ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 2. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin, “sabi ng babae”. Mula sa nobelang “Isang Libo’t isang Gabi (Thousand and One Nights) Saudi Arabia _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 3. “Sige, bibigyan kita ng trabaho. Pero ayoko ng tamad, ha? Dos singkwentang gana mo.” (Don ho sa pinagtrabahuan ko, tatlong pisong…) O, e, d don ka magtrabaho. Burahin ko nang pangalan mo?” “Mula sa nobelang “Maynila sa Kuko ng Liwanag” __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ 4. “Kasalanan n’ya ang nangyari, e! Natataranta kasi kayo basta may kostumer kayong kano. Pa’no natitipan kayo ng dolyar. Basta nakakita kayo ng dolyar, naduduling na kayo, kaya binabastos ninyo ang mga kapwa Pilipino.” Mula sa nobelang “Gapo” ni Lualhati Bautista ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ 5. “Walang ibang babae akong minahal.” Halaw sa nobelang “Ang kuba ng Notre Dame” __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ . 7 Gawain 2: Suri-Pananaw Panuto: Suriin ang mga piling bahagi mula sa kabanata ng nobelang Ang Kuba ng Notre Dame bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw humanismo, realismo, at eksistensyalismo. 1. Dinakip nila si Quasimodo. Samantala, hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa pinuno ng pangkat at nagmungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon, mailigtas lamang ang buhay ni Gringoire sa kamatayan. Sagot: ____________________________ 2. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Sagot: _______________________________ 3. Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo-na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Sagot: ______________________________ 4. Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniyang mga taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi ang mga taong nakatingin sa kaniya – na ang tanging gusto ay lapastanganin at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na kalagayan. Sagot: ___________________________ 5. Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa babaeng kaniyang minahal - si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng buhay na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, "walang ibang babae akong minahal." Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo. Sagot: __________________________ 8 Ating Pagyamanin Gawain 1: Kilalani’t Iklino Mo Panuto: Kilalanin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag nito sa pamamagitan ng pagkiklino (clining). A. pagmamahal pagliyag pagsinta paghanga B. damot ganid gahaman sakim Gawain 2: Ilarawan Mo Panuto: Ilarawan ang kultura ng mga tauhang masasalamin sa piling bahagi kabanata ng nobelang nasa kahon. Isalang-alang ang rubrik sa pagsagot. Rubrik sa Paglalarawan Puntos 5 4 3 Pamantayan Napakahusay na nailarawan ang kulturang masasalamin sa piling bahagi ng kabanata ng nobela na nasa kahon. Mahusay na nailarawan ang kulturang masasalamin sa piling bahagi ng kabanata ng nobela na nasa kahon. Hindi gaanong nailarawan ang kulturang masasalamin sa piling bahagi ng kabanata ng nobela na nasa kahon. Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang mamamayan upang magsaya sa “Pagdiriwang ng kahangalan”na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si Quasimodo- ang kuba ng Notre Dame bilang “papa ng kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangitna nilalang sa Paris nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa isang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire, ang magpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya nagging matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang 9 nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man lang nagtangkang manood sa kaniyang inihandang palabas. Habang isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na bumalik sa Notre Dame na kasama niya. Mula sa nobelang Ang Kuba ng Notre Dame Sagot: _____________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ ____________. Ang Aking Natutuhan A. Panuto: Magbigay ng tatlong (3) natutuhan sa aralin. Isang (1) puntos bawat isa. 1. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ B. Pagsagot sa Mahalagang Tanong Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang. Pagbatayan ang rubrik sa pagpupuntos. Rubrik sa Pagsagot sa Mahalagang Tanong Puntos 5 4 3 Pamantayan Napakahusay na nasagot ang mahalagang tanong. Mahusay na nasagot ang mahalagang tanong. Nakasulat ngunit nangangailangan ng pag-unlad. 10 Tanong: Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang pampanitikan sa pagkilala ng kultura at kaugalian ng isang bansa? Sagot: __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ ____________ Ating Tayahin Panuto: (Para sa mga bilang 1-3) Ibigay ng katangian ng tauhan batay sa napakinggan/nabasang diyalogo sa nobela sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng wastong sagot. 1. “Walang ibang babae akong minahal.” Anong katangian mayroon ang tauhan? A. maalalahanin C. mapanuri B. malambing D. matapat (Para sa mga bilang 2-3) 1. “Sige, bibigyan kita ng trabaho. Pero ayoko ng tamad, ha? Dos singkwentang gana mo.” 2. (Don ho sa pinagtrabahuan ko, tatlong pisong…) O, e, d don ka magtrabaho. Burahin ko nang pangalan mo?” Mula sa nobelang “Maynila sa Kuko ng Liwanag” 2. Anong katangian mayroon ang nagsasalita sa unang pangungusap? A. mabait C. may konsiderasyon B. mapagbigay D. sigurista 3. Anong katangian mayroon ang nagsasalita sa ikalawang pangungusap? A. madaling kausap C. mapagkumpara B. mahilig tumawad D. reklamador 11 Panuto: (Para sa mga bilang 4-6) Suriin ang mga piling bahagi sa binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw humanismo, realismo, at eksistensyalismo. 4. Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-alok siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang mabitay kaysa mahalin ang isang hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister Gudule. Sagot: _______________________________ 5. Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na ipinapalo sa kaniyang katawan. Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo-na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil sa utang na loob. Sagot: _________________________ 6. Lumapit ang dalaga sa kaniya na may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Sagot: _________________________ Panuto: (Para sa mga bilang 7-10) Kilalanin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang (mula sa mababang kahulugan pataas) ipinahahayag nito sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng wastong sagot. 7. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan? A. paghanga, pagsinta, pagliyag, pagmamahal B. pagliyag, paghanga, pagmamahal, pagsinta C. pagmamahal, paghanga, pagliyag, pagsinta D. pagsinta, paghanga, pagliyag, pagmamahal 8. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan? A. galit, muhi, poot, ngitngit B. muhi, galit, ngitngit, poot C. ngitngit, galit, poot, muhi D. poot, ngitngit, muhi, galit 9. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan? A. hapis, lumbay, lungkot, pighati B. lungkot, lumbay, hapis, pighati C. lumbay, lungkot, hapis, pighati D. pighati, hapis, lumbay, lungkot 12 10. Alin ang may tamang pagkakasunod-sunod ng ng salita ayon sa tindi ng kahulugan batay sa pagkiklino? A. B. C. D. damot, gahaman, ganid, sakim gahaman, damot, ganid, sakim ganid, gahaman, damot, sakim damot, sakim, gahaman, ganid Panuto: (Para sa mga bilang 11-15) Ilarawan ang kultura ng tauhang masasalamin sa piling bahagi ng kabanata ng nobela na nasa kahon. Pagbatayan ang rubrik sa pagsagot. Rubrik sa Paglalarawan Puntos Pamantayan 5 Napakahusay na nailarawan ang kulturang masasalamin sa piling bahagi ng kabanata ng nobela na nasa kahon. 4 Mahusay na nailarawan ang kulturang masasalamin sa piling bahagi ng kabanata ng nobela na nasa kahon. 3 Hindi gaanong nailarawan ang kulturang masasalamin sa piling bahagi ng kabanata ng nobela na nasa kahon. Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan. Mula sa “Ang Kuba ng Notre Dame __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ ________________ 13 14 Ating Tayahin 1. D 2. D 3. C 4. eksistensyalismo 5. humanismo 6. humanismo 7. A 8. C 9. B 10.D 11-15. Iba-iba ang sagot. Pagbatayan ang rubrik. Ating Pagyamanin Gawain 1: Kilalani’t Iklino Mo A. pagmamahal pagliyag pagsinta paghanga B. ganid gahaman sakim damot Gawain 2: Ilarawan Mo Iba-iba ang sagot. Pagbatayan ang rubrik Ang Aking Natutuhan A. Magbigay ng Ttalong (3) natutuhan sa aralin Iba-iba ang sagot. Pagbatayan ang rubrik sa pagwawasto B. Pagsagot sa Mahalagang Tanong Iba-iba ang sagot. Pagbatayan ang rubrik. Tayo’y Magsanay Gawain 1: BigayKatangian 1. marunong humingi ng tawad 2. may delikadesa/hindi basta-bastang babae 3. sigurista 4. mapanisi 5. matapat Gawain 2: Suri-Pananaw 1. humanismo 2. eksistensyalismo 3. humanismo 4. realismo 5. eksistensyalismo Panimulang Pagtataya 1. D 2. A 3. B 4. humanismo 5. eksistensyalismo 6. humanismo 7. kahangalan 8. kabaliwan 9. kaungungan 10. kalukuhan 11.15. Iba-iba ang sagot. Pagbatayan ang rubrik Gabay sa Pagwawasto Sanggunian Ambat, Vilma C., Ma. Teresa B. Barcelo, Eric O. Cariňo, Mary Jane R. Dasig, Willita A. Enrijo, Shiela C. Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn T. Salum, Joselyn C. Sayson, Mary Grace A. Tabora, Roderic P. Urgelles. Kagamitan ng Mag-aaral Panitikang Pandaigdig 10. Pilipinas: Vibal Group Inc., 2015. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – SDO Palawan Curriculum Implementation Division Office 2nd Floor Deped Palawan Building Telephone no. (048) 433-3292 Learning Resources Management Section LRMS Building, PEO Compound Telephone No. (048) 434-0099 15