Republic of the Philippines Department of Education Caraga Region SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR Grading Period: Fourth Grading Period Subject and Year Level: Filipino 7 I. PANITIKAN Pangkalahatang Panuto: Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng limampung (50) aytem mula sa natalakay na mga kasanayan sa ikaapat na markahan sa Filipino 7. Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Itiman ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. Sagutin ito sa loob ng isang (1) oras lamang. 5. Alin sa mga sumusunod ang lunas sa sakit ng hari? A. awit ng sirena B. awit ng isang ibon C. tinig ng kanyang asawa D. paggamot ng mediko Para sa bilang 1-7 Panuto: Pakinggang mabuti ang tekstong babasahin ng guro. Pagkatapos, tukuyin ang mahahalagang detalye ng mga bahagi ng akdang narinig 6. Sino ang unang naglakbay upang hanapin ang lunas sa sakit ng hari? A. Don Juan B. Don Diego C. Don Pedro D. Don Pepot 1. Ano ang tinutukoy na kaharian na lalong naging matibay dahil sa paglilingkod ng magkakapatid? A. Albanya B. Atenas C. Berbanya D. Krotona 7. Nabigo si Don Pedro na hulihin ang Ibong Adarna nang gabing iyon sapagkat _______. A. siya ay umalis sa burol. B. siya ay nakatulog. C. siya ay naging bato. D. siya ay nahulog sa bangin. 2. Sino ang hari ng Berbanya? A. Haring Linceo B. Haring Fernando C. Haring Salermo D. Haring Pedro 3. Ilan ang kanyang anak na lalaki? A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 4. Ano ang sanhi ng pagkakasakit ng hari? A. matinding karamdaman Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 (086) 211-3225 surigaodelsur.division@deped.gov.ph B. masamang panaginip C. D. pilyong mga anak isang sumpa Para sa bilang 8 123 Si Don Jua’y lumuhod na Sa haring may bagong dusa, “bendisyon mo, aking ama Babaunin kong sandata.” 8. Alin sa mga pahayag ang sumusuporta sa saknong 123? A. Si Don Juan ay humihingi ng salapi. B. Si Don Juan ay humihingi ng bendisyon. C. Si Don Juan ay humihingi ng pagkain. ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102 DCC No.: DepEdSurSur/F/CID/IMS/02-07-2020/063-V1 Republic of the Philippines Department of Education Caraga Region SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR D. Si Don Juan ay humihingi ng karwahe. Para sa bilang 9 135 Sinapit ding maginhawa ang landas na pasalungat, si Don Jua’y lumuhod na’t tumawag sa Birheng Maria. 136 “Ako’y iyong kahabagan Birheng kalinis-linisan, nang akin ding matagalan Itong matarik na daan.” 9. Ano sa palagay mo ang mensaheng taglay ng pananalangin ni Don Juan bago siya nakipagsapalaran? A. Mahina si Don Juan at takot sa susuongin niya. B. Malakas si Don Juan subalit nanghihina rin ang loob niya. C. Takot si Don Juan sa kanyang ama at mga kapatid. D. Nais ni Don Juan na magabayan siya sa misyon niya. Para sa bilang 10 145 Sa lalagya’y dinukot na Yaong tinapay na dala, Iniabot nang masaya Sa matandang nagdurusa. 10. Paano mo maipapaliwanag ang mensaheng taglay ng pagtulong ni Don Juan sa matanda? A. Likas na maawain at mapagkawanggawa si Don Juan. B. Alam ni Don Juan na may maitutulong ang matanda kaya tinulungan niya. Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 (086) 211-3225 surigaodelsur.division@deped.gov.ph C. Hindi na kailangan ni Don Juan ang bagay na hiningi ng matanda. D. Ayaw niyang mahawa sa matandang may ketong o leprosi. Para sa bilang 11 133 Gutom ay di alumana lakas nama’y walang bawa, walang hindi binabata mahuli lang ang Adarna. 11. Ano ang ibig ipahiwatig ng pagsalunga ng magkakapatid sa panganib para sa ama? A. Wagas ang kanilang pagmamahal sa magulang. B. Naghahangad sila ng korona at salaping mamanahin sa magulang. C. Ikahihiya ng pamilya kung hindi sila kikilos para sa ama. D. Ibig nilang ipagbunyi sila sa buong kaharian. Para sa bilang 12 654 Si Don Pedro’t si Don Diego kapwa humangang totoo, kapwa lubhang nangimbulo kay Don Juang patotoo. 12. Ano ang ipinakikitang gawi at kilos nina Don Pedro’t Don Diego nang mahuli ni Don Juan ang ibong adarna? A. Labis ang kanilang paghanga kay Don Juan. B. Kapwa sila nag-alala sa bunsong kapatid. C. Umusbong sa dibdib nila ang panibugho at ang imbot. ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102 DCC No.: DepEdSurSur/F/CID/IMS/02-07-2020/063-V1 Republic of the Philippines Department of Education Caraga Region SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR D. Nasasabik silang makitang muli si Don Juan. Panuto: Tukuyin ang motibo o dahilan ng may-akda sa akdang Ibong Adarna 13. Ano ang nais ipahiwatig ng naging matapang ang tatlong magkakapatid sa pagsuong sa panganib para lamang makahanap ng lunas sa sakit ng kanilang ama? A. Gusto nilang ipagmalaki sila ng amang hari. B. Labis ang kanilang pagmamahal sa kanilang ama. C. Ayaw nilang nakikitang nalulumbay ang kanilang ina. D. Gusto nilang matulungang maaalis ang kalungkutan ng hari. 14. Ikinalulungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari. Ang ipinakikitang gawi o kilos ng mga nasasakupan ng hari ay… A. pagkamuhi B. pagkabalisa C. pagmamahal D. pagdurusa 15. Pinagbilinan ng matanda si Don Juan na huwag masilaw o mahumaling sa kinang ng mahiwagang puno upang makaiwas sa kapahamakan. Anong kasabihan ang mabubuo sa pahayag na ito? Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 (086) 211-3225 surigaodelsur.division@deped.gov.ph A. Maghirap na ang katawan, huwag lang ang kalooban. B. Iwasto ang kamalian sa halip na pagtawanan. C. Kung sino ang matiyaga, siyang nagtatamong pala. D. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto sapagkat kumikinang din ang tanso. Para sa bilang 16 186 “Sa Maykapal manawagan tayong lahat na nilalang; ang sa mundo ay pumanaw, tadhana ng kapalaran. 16. Anong salawikain ang mabubuo sa saknong 186? A. Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa. B. Ang taong matiyaga, Nagkakamit ng biyaya. C. Kung sa lupa namamatay, Sa langit ay mabubuhay. D. Ang gawa sa pagkabata, Dala hanggang sa pagtanda. Panuto: Ibigay ang kahulugan at mga katangian ng korido. 17. Mula sa salitang Espanyol na correr, ibig sabihin ay dumadaloy. A. awit B. korido C. epiko D. soneto 18. Ilan ang pantig sa bawat taludtod sa Korido? A. 7 B. 8 C. 9 D. 10 ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102 DCC No.: DepEdSurSur/F/CID/IMS/02-07-2020/063-V1 Republic of the Philippines Department of Education Caraga Region SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR 19. Ano ang himig ng korido? A. B. C. D. mabagal mabilis katamtaman malaya 20. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng korido? A. Paglikha ng mga tauhan na may angking talento. B. Paglikha ng mga bayaning kakisig-kisig at kapita-pitagan. C. Paglikha ng mga tauhang may kahanga-hangang kakayahan. D. Paglikha ng larawan ng isang bayaning maaring hangaan at pamarisan. Panuto: Suriin ang mga suliraning panlipunan na makikita sa binasang akda. Para sa bilang 21 254 Inumog na si Don Juan na di naman lumalaban; suntok, tadyak sa katawan kung dumapo’y walang patlang. 21. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng katotohanan batay sa saknong 254? A. paggamit ng dahas kay Don Juan B. pagiging bayolente ni Don Pedro Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 (086) 211-3225 surigaodelsur.division@deped.gov.ph C. pagdapo ng sakit kay Don Juan D. pagiging bayolente ni Don Diego Para sa bilang 22 240 Urong-sulong magsalita Tumutol ay di magawa’t Sa takot na magpalisya Umayon nama’y masama. 22. Anong uri ng pinuno si Don Diego? A. walang sariling paninindigan B. walang wastong edukasyon C. walang tiwala sa sarili D. walang isang salita Para sa bilang 23 257 Nang makitang gulapay na’t halos hindi humihinga, hawla’t ibon ay kinuha’t nagsiuwi sa Berbanya. 23. Malabis ang pagpapahalaga ni Don Pedro sa kayamanan o salapi. Paano naiiba ang pagkatao ng bunsong si Don Juan sa panganay na si Don Pedro? A. Mas mapusok si Don Juan kaysa kay Don Pedro. B. Mas matalino si Don Juan kaysa kay Don Pedro. C. Mas busilak ang puso ni Don Juan kaysa kay Don Pedro. D. Mas matapang si Don Juan kaysa kay Don Pedro. ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102 DCC No.: DepEdSurSur/F/CID/IMS/02-07-2020/063-V1 Republic of the Philippines Department of Education Caraga Region SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR Para sa bilang 24 413 Datapwat O! Ang inggit! sawang maamo’y malupit, pag sinumpong na magganid panginoo’y nililingkis. 24. inggit : pangimbulo; ganid : ______ A. tinik B. taksil C. sakim D. hapdi Panuto: Bigyang-linaw o kahulugan ang mga salitang may salungguhit na ginamit sa pangungusap. 25. Nililo siya ng kanyang kaibigang matagal nang pinagkakatiwalaan. A. binalaan B. pinangakuan C. pinagtaksilan D. tinulungan 26. Kailanman ay hindi dapat matutuhan ng bata ang maging tampalasan sa magulang. A. pabaya B. suwail C. tamad D. mayabang 27. Totoong mahiwaga ang buhay ng tao sapagkat may mga pangyayaring pagkatapos ng saya ay lunos ang kasunod. A. lugod B. hapis C. galak D. takot C. layunin D. hangarin 29. Isa sa mga paghihirap ng pangingibang-bayan ay ang nararamdamang lumbay para sa pamilya. A. pagtitiis B. lungkot C. pangamba D. galak 30. Nagulaylay siya ng mapayapa dahil sa labis na pagod. A. namanglaw B. napaupo C. nakatulog D. nanghina 31. Siya ay inatasang hanapin ang naparawal na prinsipe. A. napahamak B. naglakbay C. nahahapis D. nawala 32. Kapwa nangimbulo ang magkapatid sa kanilang bunso sa taglay nitong talino. A. natuwa B. namangha C. nainggit D. nabahala 28. Matuto sana ang tao na alisin ang bagabag na namamahay sa kanyang puso upang makamit ang kapayapaan. A. suliranin B. adhikain Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 (086) 211-3225 surigaodelsur.division@deped.gov.ph ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102 DCC No.: DepEdSurSur/F/CID/IMS/02-07-2020/063-V1 Republic of the Philippines Department of Education Caraga Region SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR Para sa bilang 34 798 Nilapitan ang matanda, buong suyong napaawa, siya nama’y kinalinga’t dininig sa ninanasa. Panuto: Sa pamamagitan ng mga nakatalang pahayag ay tukuyin ang mga napapanahong isyung nangyayari sa bansa na masasalamin sa bahagi ng akdang tinalakay. 34. Ano ang ibig ipahiwatig ng saknong 798? A. Ang pagtulong sa matanda ay isang gawaing dapat panatilihin ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan. B. Ang pagtulong sa kapwa ay huwag nating limutin dahil pag ito ay iyong ginawa may pagpapalang kakamtin. C. Walang tao ang maaaring mabuhay nang mag-isa, darating ang araw na ating kakailanganin ang tulong ng iba. D. Ang pagtulong sa iba ay iginagawad sa mga taong nararapat bahaginan ng pagmamahal at pagkalinga. Para sa bilang 33 1372 Kabataan palibhasa pag-ibig ay batang-bata, sa apoy ng bawat nasa’y hinahamak pati luha. Para sa bilang 35 234 “Hindi mo ba nababatid Don Juan kong iniibig, itong lilo mong kapatid sa ayaw ay namimilit.” 33. Paano mo mapapatunayan na maraming mga kabataan sa kasalukuyan ang natutong sumuway sa magulang dahil sa labis na kapusukan? A. Gagawin o titiisin ang lahat para sa taong pinakamamahal. B. Nakararanas ng luha at pait dahil sa pagrerebelde sa magulang. C. Taglay ang kasiyahan dahil sa mga bagay na mapaglibangan. D. Gagawin ang lahat ng paraan masunod lang ang kagustuhan. 35. Ipinahihiwatig ng saknong 234 na sa ating lipunan ay may mga… A. Taong taksil sa pag-ibig na madaling makalimot sa sinumpaang pag-ibig. B. Taong labis na makulit o mapilit na kahit na mali ay igigiit ang kanyang nais. C. Taong taksil o mandaraya na kahit maling paraan ang lahat ay gagawin. D. Taong mapaglaro at mapilit sa pag-ibig at mahilig magbitiw ng pangako. Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 (086) 211-3225 surigaodelsur.division@deped.gov.ph ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102 DCC No.: DepEdSurSur/F/CID/IMS/02-07-2020/063-V1 Republic of the Philippines Department of Education Caraga Region SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR Para sa bilang 36 990 “Sila nga’y naging talunan nadaig sa karunungan ng haring aking magulang bato ang kinahangganan.” 36. Ipinahihiwatig ng saknong 990 na… A. Ang mga taong nasa posisyon lalo na at mayaman ay minsan ay nagiging mapang-abuso sa kapangyarihan. B. Nadadaig ng taong matalino ang maraming tao dahil sa kanyang talas ng pag-iisip at katanyagan. C. Maaaring gawin ng taong nasa kapangyarihan ang anumang ibig niya kahit pa ito ay ikasawi ng kanyang kapwa. D. Madaling mapaparusahan ang sinumang lumabag sa kagustuhan ng taong nasa kapangyarihan. Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salitang may salungguhit. 37. Ang puso ni Don Juan ay punumpuno ng tinik ng siphayo dahil sa muling pagtataksil ng dalawa niyang kapatid. A. pag-aalala B. pagkabigo C. pag-asa D. pag-unawa 38. Si Don Juan ay nakipagbati sa kanyang mga kapatid sapagkat wala nang naiwang salaghati sa kanyang puso. A. inggit B. kalungkutan C. samâ ng loob D. pagkabahala Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 (086) 211-3225 surigaodelsur.division@deped.gov.ph 39. Ang buhay sa Armenya ay payapa at malayo sa anumang ligamgam sa puso at isip. A. kabalisaan B. kaguluhan C. kasamaan D. kataksilan 40. Ang magagandang karanasan ng magkakapatid sa bundok Armenya ay nag-iwan ng salamisim. A. kahiwagaan B. kabiguan C. alaala D. kapanatagan 41. Labis na kasabikan ang namayani kay Don Juan nang makita ang loob ng balon. A. matinding pag-aalala B. matinding pagkagusto C. matinding pagkatakot D. matinding paghanga 42. Di mapakali si Don Juan sa pagnanais na siya ang lumusong sa ilalim ng balon. A. di maipaliwanag B. di malaman C. di mapalagay D. di makatulog Panuto: Suriin ang katangian ng mga tauhan batay sa mga nakatalang pahayag. 43. “Kaya haring mapagmahal, di man dapat sa kalakhan, kung ito po’y kasalanan patawad mo’y aking hintay.” Si Donya Leonora ay… A. maawain B. mapagmahal C. mapagkumbaba D. maka-Diyos ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102 DCC No.: DepEdSurSur/F/CID/IMS/02-07-2020/063-V1 Republic of the Philippines Department of Education Caraga Region SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR 44. “Kapwa kami mayroo’ng dangal prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa akin ang kaharian.” Si Don Pedro ay… A. mayaman B. mayabang C. mabait D. matapang 45. “Huwag, Leonorang giliw, ang singsing mo’y dapat kunin; dito ako ay hintayin ako’y agad babalik din.” Si Don Juan ay… A. mayabang B. masipag C. mapagmahal D. masunurin Para sa bilang 46 683 Si Leonora’y walang kibo dugo niya’y kumukulo, lason sa dibdib at puso kay Don Pedrong panunuyo. 46. Ano ang ibig ipahiwatig ng galit ni Leonora kay Don Pedro? A. Si Don Pedro ay makasarili. B. Si Don Pedro ay taksil. C. Si Don Pedro ay malupit. D. Si Don Pedro ay mayabang. Para sa bilang 47 1060 “Gayon pa ma’y tingnan natin sa bago kong hihilingin, sa bigat nito marahil buhay niya’y makikitil.” Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 (086) 211-3225 surigaodelsur.division@deped.gov.ph 47. Ano ang nais ipahiwatig sa utos ni Haring Salermo? A. Siya ay mapagbigay. B. Siya ay makasarili. C. Siya ay malupit. D. Siya ay marangal. Para sa bilang 48 1420 Sa kamay ng bagong hari kaayusa’y namalagi, sinunod niyang tangi ang lahat ay walang hindi. 48. Anong uri ng pinuno si Don Juan? A. masipag B. marangal C. maginoo D. matapang Para sa bilang 49 963 Tuloy luhod sa harapan halukipkip pa ang kamay, kordero’y siyang kabagay pangungusap ay malubay. 49. Paano ipinakita ni Don Juan ang pagiging magalang? A. pagpapakumbaba B. pananahimik C. pagkamahinahon D. pagkamatapat 50. Ano-anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinapakita sa akda ng Ibong Adarna? ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102 DCC No.: DepEdSurSur/F/CID/IMS/02-07-2020/063-V1 Republic of the Philippines Department of Education Caraga Region SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR A. pagkamakabayan, pagmamalasakit, kababalaghan B. pananampalataya, paggalang, pag-ibig C. pagkamatapat, pagkamasunurin, pagkamatatag D. pagkamadasalin, pagkamasunurin, pagkamatiyaga Balilahan, Mabua, Tandag City, Surigao del Sur, 8300 (086) 211-3225 surigaodelsur.division@deped.gov.ph ISO 9001:2015 Certified-No. AW/PH909100102 DCC No.: DepEdSurSur/F/CID/IMS/02-07-2020/063-V1