LESSON PLAN IN MATHEMATICS 1 I. Layunin A. Pamantayang Pangnilalaman Demonstrates understanding of 2-dimensional and 3-dimensional figures. B. Pamantayan sa Pagganap The learner is able to describe, compare and construct 2-dimensional and 3-dimensional objects C. MELC -identifies, names, and describes the four basic shapes (square, rectangle, triangle and circle) in 2-dimensional (flat/plane) and 3- dimensional (solid) objects. -draws the four basic shapes. -constructs three dimensional objects (solid) using manipulative materials. II. Nilalaman Four basic shapes Kagamitan ng Guro A. Sanggunian Mathematics 1 Gabay ng Guro Mathematics 1 LM p. 202-209 B. Iba Pang Kagamitang Panturo PowerPoint presentations Pictures/real objects Worksheets Activity sheets III. IV. Pamamaraan A. Balik-aral Kulayan ang hugis na naiiba sa pangkat. B. Paghahabi sa layunin ng aralin Puzzle: Buuin ang mga pira-pirasong hugis upang makabuo ng isang hugis. C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Paano ninyo nabuo ang mga hugis gamit ang pira-piarsong papel? Mahalaga ba ang pagtutulungan ng bawat isa? Bakit? Ano-anong hugis ang nabuo ninyo? D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1 Ito si Rey ang batang mahilig maglaro pero matalino sa klase. Ano ang napapansin ninyo kay Rey? Saan kaya pupunta si Rey? Ano ang kanyang dala-dala? E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2 Ano ang hugis ng lobo? Party hat? Regalo? Paper bag? Alin sa mga bagay na ito ang walang sulok at wala ring gilid? Alin naman ang bagay na matroong 3 sulok at 3gilid? Ilarawan mo nga ang hugis ng paper bag? Ilan ang gilid at sulok nito? Ilang gilig ang magkapaerho ang sukat? Ilang gilid at sulok naman mayroon ang hugis parisukat? Magkapareho ang ang sukat ng gilid nito? F. Paglinang sa kabihasnan Pangkatang Gawain: IPagtapatin ang hugis at ang bagay na kapareho nito. II- Kulayan ang hugis na katulad ng unang hugis. III- Bilugan ang naiibang hugis. IV- Pagtapatin ang hugis at ang ngalan nito. parihaba bilog parisukat tatsulok V- Idikit sa kahon ang hugis na tinutukoy ng bawat salita. Bilog Parisukat Tatsulok VI- parihaba Bilugan ang salitang ngalan ng hugis. G. Pag-uugnay sa pang-araw araw na buhay Ano-anong hugis ang makikita ninyo sa ating silid-aralan na katulad ng hugis ng lobo? Party hat? Regalo? Bag? H. Paglalahat ng aralin Bilog- hugis na walang sulok at walang gilid. Tatsulok - hugis na may 3 sulok at 3 gilid. Parisukat- hugis na may 4 na sulok at 4 na magkaparehong sukat ng gilid. Parihaba- hugis na may 4 na sulok at 2 magparehong sukat ng gilid. I. Pagtataya ng Aralin Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang tawag sa hugis na walang sulok at walang gilid. a. Tatsulok b. bilog c. parisukat 2. Ano ang tawag sa hugis na may 4 na sulok at 2 magparehong sukat ng gilid. a. parihaba b. bilog c. parisukat 3. Ano ang tawag sa hugis na may 4 na sulok at 4 na magkaparehong sukat ng gilid. a. Tatsulok b. bilog c. parisukat J. 4. Ano ang tawag sa hugis na may 3 sulok at 3 gilid. a. Tatsulok b. bilog c. parisukat 5. Ano ang tawag sa hugis na ito? a. Tatsulok b. bilog c. parisukat Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation Maghanap ng mga bagay sa loob ng inyong tahanan na may hugis parisukat, parihaba, tatsulok at bilog. Iguhit ang kulayan ang mga ito. Pangalan : _______________________________________________________ Isulat ang titik ng tamang sagot. __________1. Ano ang tawag sa hugis na walang sulok at walang gilid. a. tatsulok b. bilog c. parisukat __________ 2. Ano ang tawag sa hugis na may 4 na sulok at 2 magparehong sukat ng gilid. a. parihaba b. bilog c. parisukat __________ 3. Ano ang tawag sa hugis na may 4 na sulok at 4 na magkaparehong sukat ng gilid. a. tatsulok b. bilog c. parisukat __________4. Ano ang tawag sa hugis na may 3 sulok at 3 gilid. a. tatsulok b. bilog c. parisukat __________5. Ano ang tawag sa hugis na ito? a. tatsulok b. bilog c. parisukat